Share

Lies, Secrets, and Promises
Lies, Secrets, and Promises
Author: Missy Elle

Chapter 1 (LIES)

Malaki ang ngiti ko nang makababa ng bus. This is it! I'm already at my dream place. Dati nakikita ko lang ito sa mga magazine at telebisyon, ngunit ngayon ay naririto na ako. Mabuti na lamang at nakumbinsi ko sila nanay at tatay tungkol dito. They're against my idea, ako lang kase ang babae sa amin at ang panganay namin ay nasa ibang bansa rin nagtatrabaho. Si bunso na lang ang nasa bahay na kasalukuyang nag-aaral sa college.

Maging ako man ay nalulungkot na iwan sila, subalit hindi lamang ito sa para sa aking sarili. Ginagawa ko rin ito para sa kanila. Bata pa lamang, pinangarap ko na ito, ang makarating sa siyudad at maging magaling sa anumang larangan na  aking tatahakin. At ngayong narito na ako, sisiguraduhin kong hindi ako mabibigo.

“Hindi madali ang buhay sa siyudad anak.” wika ni nanay, ngunit hindi iyon naging hadlang para hindi sundin ang desisyon ko. Nagkaroon pa ng mahabang paliwanangan ngunit sa huli ay napapayag ko rin sila, sa pangakong hindi ko pababayaan ang sarili ko at lagi ko silang babalitaan.

Ang totoo niyan, bago pa man ang graduation namin ay nakapag-apply na rin ako sa iba't-ibang kumpanya rito. Kaya sa susunod na araw ay kailangan kong magtungo sa isang company na nag-email sa akin para sa interview.

Nang makuha ko ang lahat ng aking bagahe ay agad akong nagtawag ng taxi patungo sa address na ibinigay ng dati naming kapitbahay na si Tita Celine. She's my mother’s best friend pero nang makapag-asawa ng taga-siyudad ay naging madalang na ang kanilang pagkikita. Kaya naman nang malaman niya ang balak ko ay nagboluntaryo siyang tulungan akong maghanap ng uupahan.

“Mabuti naman at nakarating ka ng maayos iha. Pumasok ka muna sa bahay at nang makapananghalian ka bago kita ihatid sa apartment na sinasabi ko.” magiliw niyang wika nang makarating ako. Nadatnan namin ang kanyang asawa at dalawang anak. Si Stella na isang high school at si Josef na college na, sa pagkakaalam ko ay matalik ding kaibigan ng bunso kong kapatid. 

“Hello Ate Gwen!” bati ni Stella.

Niyakap ko rin ito pabalik. “Ang laki mo na Stella ah!” tumango naman ako sa kuya nito sa kay Tito.

Naging matiwasay ang aming tanghalian. Marami silang tanong tungkol sa probinsiya at sa mga tao doon. They never let me feel awkward lalo na ang bunso nilang si Stella na nakadikit lang sa akin. Kung hindi pa nila kailangan pumasok ay hindi ito aalis sa tabi ko.

Nang maihatid ang mga anak sa eskwela ay ako naman ang sunod na inihatid ng mag-asawa. Mayroon silang sariling sasakyan kaya hindi na kami nahirapan. Mga isang oras ang layo ng ibiniyahe namin bago marating ang apartment condo na sinasabi ni tita.

“Tita, hindi kaya mahal dito? Alam mo namang wala pa akong trabaho.” wika ko sa kanya.

Hindi ko mabilang kung ilang palapag ito at sobrang laki rin ng building. Nakakalula kaya naman naisip kong baka hindi ko mabayaran ang buwanang renta dito.

“This is a rent-to-own apartment ija, the price is less than ten thousand kung matipid ka sa kuryente at tubig. The apartment rent is five thousand for the first five months but siyempre ibang usapan ang gastos sa tubig at kuryente at kung may iba ka pang services na gagamitin.” paliwanag niya. Nakasunod naman kami sa kaniya habang patungo kami sa elevator. “This building is fully secured din kaya naman worth it ija. And kapag na nabuo mo ang bayad this will be your own. Gaya ng sabi ko every five months ay nadadagdagan ang bayad. Hindi biglaan, and as a gift binayaran na namin ng tito mo rent for your first five months here ang problemahin mo na lang ay iyong tubig at kuryente.” nanlalaki ang mata akong napatingin sa kanila.

“Pero tita, ang laki noon. Nakakahiya naman. Babayaran ko po kayo.” wika ko ngunit isang hampas ang natanggap ko dito.

“Ano ka ba? Regalo nga 'di ba and that would be the last para mapanatag ka. At saka we are your ninang and ninong, dapat lang na bigyan ka namin ng regalo.” 

“Pero po sobra naman po.” tumingin ako kay tito but he just gave me a sincere smile telling me there's nothing to worry about it.

“It's just a little help habang nagsisimula ka pa lang. Just work hard para makapag-ipon ka and in no time sa 'yo na ang condo.” Hindi ko mapigilang mapaluha sa sinabi niya. I feel so loved. “Aysus! Hon, itong inaanak mo madrama.” natatawang wika nito saka mahigpit akong niyakap.

Nang makarating sa thirteenth floor ay excited niya akong hinila sa tapat ng magiging unit ko. Nahuli naman si tito dahil siya ang bumitbit sa dalawang maleta ko. Room 1305 that's what written on the door. Binigay sa akin ni tita ang keycard at tinuruan akong gumamit nun. 

“Ang ganda tita.” manghang sambit ko habang inililibot ang paningin. May glass wall ito kaya tanaw ko ang siyudad mula rito. Maluwag na rin siya para sa isang tao.

“This is a room for two person kaya puwede kang magdala ng friends mo dito—” tito cut her. “No boys.” maikling wika nito napangiti ako at tumango. 

“Ano ka ba! It's fine, our Gwen knows what to do. Basta kilala mo ang lalaki it's fine but text me the name para sigurado pa rin.” Naiiling na lang ako nang magsimula na silang magdebate. May kung ano-ano pang binilin sa akin sila tita bago tuluyang magpaalam.

“Take care okay, I want to stay longer but your tito has a flight this evening.” Nakayap ito sa akin. Tito is a pilot habang si tita ay dating nagtatrabaho bilang front attendant sa hotel kung saan sila nagkakilala.

“It's fine tita. Kaya ko na ang sarili ko, you've done so much at tatawag naman ako kapag may kailangan ako.” pangako ko rito para hindi sila mag-alala. Hindi na nila ako pinasama sa kanila pagbaba, kaya nang makaalis sila ay agad ako nagtungo sa magiging kuwarto ko upang ayusin ang aking mga gamit.

Hindi ko namalayan ang oras, ginabi na ako sa pag-aayos ng gamit. Ramdam ko rin ang pagtunog ng aking tiyan dahil sa gutom. Wala pang kahit anong maaring iluto at kainin dito sa apartment ko kaya napagdesisyunan kong lumabas na lamang at maghanap ng maaring kainan.

Sa tapat ng apartment building ay may hilerang iba't-ibang kainan ngunit mas pinili kong magtungo sa isang fast food chain. I ate my dinner peacefully, and after that I decided to go to the nearest convenience to buy some necessities and instant food for my breakfast.

“That would be five hundred pesos ma'am.” sabi ng cashier. Agad kong inabot ang bayad ko rito at malaki ang ngiting nagpasalamat. 

Dahil maaga pa lamang ay naisipan kong maglakad-lakad na lamang muna. The city lights keeps making me awe. Sobrang ganda, at nakakatuwa ring buhay na buhay ang lugar kahit gabi na. Sa kakalakad ay nakarating ako sa isang parke. Hindi naman ako nag-alalang baka maligaw ako dahil tanaw ko pa rin ang building na tinitirhan ko. Umupo ako sa isa sa mga swing at hinayaan ang sariling damhin ang lamig ng simoy ng gabi.

I still can't believe that I am finally here. I know that it'll not be easy as tita said but I am ready. Handa akong harapin ang ano mang hamon. Nandito na ako at walang makakapigil sa akin sa pagtupad ng pangarap ko. Nagpalipas pa ako ng ilang minuto bago napagdesisyunang bumalik dahil may interview pa ako kinabukasan. 

Malapit na ako sa building ng unit ko nang may makabungguan ako sanhi para matapon ang mga dala ko. “Pasensiya na po.” hinging paumanhin at saka mabilis pinulot ang mga pinamili ko. Ngunit sa kasamaang palad napunit din ang paper bag ko.

“No, it's my fault. Let me help you with that.” ani ng baritonong boses. Napatingin ako rito at hindi ko mapigilang mamangha. He's undeniably handsome, and bad boy looking because of his all black outfit.

“Ah, no. Kaya ko na.” pagtanggi ko, ngunit mapilit ito.

Kinuha niya ang iba at saka ako hinyaang magpatiuna habang nakasunod lang ito sa akin. I am being very cautious dahil hindi ko ito kilala, but in the back of my mind I am at ease dahil alam kong wala siya magagawa sa akin sa building na ito.

Tahimik lang kami pareho habang nakasakay sa elevator hanggang marating namin ang pinto sa unit ko. “Ahm…” Hindi ko alam kung aayain ko ba siyang pumasok o ano. I can't offer him something to drink tap water lang meron ako and I don’t even know if he drinks tha. At the same time I am hesitant dahil lalaki siya at kabilin lang sa akin nila tita kanina na huwag ako magpapasok ng hindi kakilala.

He seems to notice my anxiety. “Just bring those inside first, tapos balikan mo na lang ang mga ito pagkatapos.” Agad naman akong tumango at mabilis. Inilapag ko lang ang mga ito sa center table at patakbong bumalik sa lalaki. He is patiently waiting in front of my door. When he saw me, he smiled and gave my the rest of my stuff. Tulad kanina ay mabilis ko ring inilapag ang mga iyon at kumuha ng isang chocolate bar na binili ko kanina. 

Nanlaki ang mata ko nang hindi ko na siya makita sa may pinto kaya mabilis ako lumabas at nakita itong hinihintay ang pagbigkas ng elevator. “Saglit lang po!” agad ko namang nakuha ang atensyon nito.

“Is there anything wrong?” takang tanong niya. Umiling ako at kinuha ang isa niyang kamay para ilagay doon ang chocolate bar. Kitang-kita ang pagtataka sa kaniyang mukha.

“Salamat.” sambit ko at bahagya pang yumuko. Hindi ko na hinintay ang sasabihin niya dahil narinig ko rin naman na ang pagbukas ng pinto ng elevator. Walang sabi-sabi tumakbo ako pabalik sa aking unit. Sandali? Bakit ba ako tumatakbo? Napabuntong hininga na lamang ako at tuluyang sinara ang pinto. 

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status