Share

CHAPTER 2

********************

MARIA LEONORA GOMEZ:

Hapong hapo cyang lumabas sa office ng boss nya. Paano kasi nakita nya kanina na may kaulyawan ito sa opisina. Bad trip kasi bakit hindi nya naisipang kumatok! Haaay..

Sa dinami-daming babaeng pumupunta sa office nila ay first time nya lang nakakita ng ganun. Para tuloy cyang nakapanood ng live scandal! Ang ingay pa ng babaing yun.... Akala mo naman ay kinatakay!

Well, hindi nya namam ma-judge ang babae... wala pa naman cyang experience sa pakikipag sex kaya hindi nya alam kung bakit maingay itong mga babae kapag ginaganun!

Umupo cya sa desk nya. Executive secretary siya ni Kenneth Enriquez. Isa ito sa mga pinaka mayamang tao sa Pilipinas. Ito ang nag mamay-ari ng mga malalaking subdivision sa iba't ibang parte ng bansa.

As an executive secretary, sya ang pinagkakatiwalaan nito sa lahat ng mga schedules ng binata, kasama na doon ang pang babae nito.

Babaero ang boss nya.... Na saksihan nya lahat ng iyon dahil cya ang nag-aayos ng schedules nito sa mga bawat babae na gusto nitong makapiling. Sinisigurado nya na hindi magka hulihan ang mga babae ng boss nya. Wala naman itong exclusive girlfriend, ayaw nito ng commitment.

Matangkad, pogi at matipono si Ken kaya madaming babaeng gusto maging boyfriend ito pero wala ni isa sa mga babae nito ang serious girlfriend.... lahat ito ay panandalian lamang. Playtime lang kung baga. Kapag nagsawa ito ay basta-basta nalang nito itatapon na parang basahan.

Bakit kasi ang kati-kati ng boss nya? Hindi ba ito nakokontento sa isa? Saka kawawa naman ang mga kabaro nyang mga babae!... pinaglalaruan lang ng isang lalaking katulad ng boss nya!

Sabagay hindi nya naman masisi si Sir Ken kasi ang mga babae naman ang naghahabol dito. Pero kahit pa! Hindi ito dapat nag te-take advantage sa kahinaan ng mga babae!

Kaya ako, hinding hindi ako mafa-fall sa boss ko na yan! Gwapo at macho at mayaman at ....Ayy anu ba yan! akala ko ba hindi ka ma fa-fall? bakit kinikilig ka hahang dini-discribe mo ang manyakis mong boss! Erase erase! galit nya sa sarili. Nagring ang landline sa desk nya kaya bumalik cya sa huwisyo.

"Hello, good morning Enriquez Builders?"

"I would like to have an appointment with Mr. Ken Enriquez."

"May I know who's on the line mam?"

"Ann Valdez."

"Give me a minute Mam. I'll just check on Mr Enriquez's schedule.

Nilagay nya sa table ang telepono at pumunta sa opisina ng boss nya. Pag mga ganitong babae kasi ang tumatawag at nagpapa-appointment ay alam nya na ang pakay ng mga ito, hindi naman talaga business ang habol ng mga to.... Nagpapa "kwan" lang sa boss nya! Ay ano ba yan! Iwinaksi nya sarili sa mga maduduming naiisip.

Kumatok muna cya bago pumasok. Baka may kababalaghan na namang ginagawa ang boss nya doon.

Nang hindi ito sumagot ay muli cya kumatok at sumigaw. "Sir pasok po ako!" Saka nya binuksan ang pinto. Nasa table lang pala ito busy sa laptop. Hindi man lang cya sinagot kung pwede cya pumasok o hindi.

"Sir, nagpapa-appointment si Ms. Ann Valdez.. ano po sasabihin ko?"

"Sir…...." Tawag nya ulit dito, parang hindi kasi cya narinig. Masyadong busy ito sa ginagawa sa laptop.

“What is it?” Pasigaw na tanong nito sa kanya, napatalon tuloy cya. Mukhang magkaka nerbyos pa ata cya dito sa boss nya. Kanina lang ang okay ito... ngayon naman ay galit! May sayad na ata ang boss nya... Natuyuan na ata ito ng utak sa dami ng babaeng nakaniig nito.

Yun din ang rason kaya bawal cyang magkamali sa trabaho dahil kung hindi ay sangkatutak na sermon ang matatanggap nya. Sala sa init, sala sa lamig kasi ito. Pabago-bago ng emosyon.

"A-hm nagpapa appointment po si Ms Ann Valdez. Kelan daw cya pwedeng pumunta?"

“Ok.. mamaya 3PM.” Hindi na ito nag aksaya pa na tapunan cya ng tingin. Naka tutuk pa din ito sa laptop.

"Ok sir..." Yun lang ang tanging nasagot nya saka tumalikod na at dali-daling lumabas sa office. Baka kasi mabuntungan pa ulit cya galit nito.

Takot sya sa boss nya. Masyado itong strikto. Kung hindi lang talaga kailangan ng malaking halaga para sa operasyon ng mama nya ay baka umalis na cya sa trabaho.

Ang plano nya ay mang-empleyo lang muna sa ibang kompanya katulad ng kay Sir Ken pagkaptapos kapag makapag-ipon na cya ng malaki ay plano nyang magpatayo ng sariling kompanya na cya mismo ang magpapatakbo.

Aaminin nya malaki ang swledo na natatanggap nya sa kumpanya ni Sir Ken. First job nya iyon, Summa cum Laude sya pagka graduate ng college as Business Management kaya hindi mahirap para sa kanya ang mag hanap ng trabaho.

Sa kompanya ni Sir Ken cya nag OJT, madaming kompanya ang gusto cyang i-hire pero pinili nya ang kompanya ni Sir Ken dahil kahit papaano ay may mga kakilala na cya doon.

"Hello Ms Valdez?" sambit nya nang kunin ulit ang telepono.

"What took you so long?" singhal ng babae sa kanya.

Matagal nga cya kasi naman ang boss nya matagal din sumagot sa opisina. "Sorry about that Mam. Chinek ko pa kasi ang schedule ni Sir..." pagsisinungaling nya.

"Ang sabihin mo tatanga-tanga kang sekretarya!" muling singhal nito sa kanya.

Nagpanting ang tenga nya! Gusto nya din sagutin ang babae na at least cya hindi nagpapakamot sa boss nya! Naku kung hindi lang talaga cya makapagtimpi baka hindi pa nya bigyan ng appointment ito sa boss nya!

"Your appointment will be on 3PM later... that would be all mam?" mahinahon na wika nya sa kabilang linya. Hindi na cya sinagot nito, binagsakan pa cya ng telepono.

"Grrrrr! bwisit na babaeng yun!" Humugot muna sya ng malalim na hininga. Ayaw nyang masira ang araw nya dahil sa babaeng yun! Nang tumahan na ang inis nya ay saka sya lumabas at naglakad papuntang hall way.

"Maria Leonora Gomez!" Sigaw ng nasa likod nya. Ang kaibigan nya iyong si Fe. Ito lang naman ang tumatawag sa kanya ng buo nyang pangalan... pang-iinis nito sa kanya. Pano naman kasi bakit ganoon naman ang pangalan na binigay ng Mama nya sa kanya.... Makaluma!

"Yes Ferrnanda Alcantara?" Sagot nya saka nilingon ito. Bigla itong sumimangot. Pang-inis nya din kasi ito sa kaibigan. Akala naman nito sa pagkaganda din ng pangalan eh mas luma pa nga ang pangalan nito kesa sa kanya! Napangisi sya bigla.

"Ikaw naman di ka na mabiro? Ang ingay mo! Wag mo nga ipagsigawan ang pangalan ko!" Sambit ni Fe habang papalapit sa kanya.

"Oh bakit ikaw naman nauna ah?"

"Oo na! Oo na!... Lagi ka nalang talaga panalo sa akin!.... Saan ang punta mo friend? Nakita kong kakalabas mo lang sa opisina ni Boss ah?"

"Mainit ang ulo ni boss kaya iniwan ko muna. baka mabalingan na naman ako ng galit nya..." Doon din nag ta-trabaho si Fe. HR naman ito doon. Magka school mate sila sa university noong college. Doon na silang nagka kilala sa KE Builders. Si Fe ang unang nag approach sa kanya. Kilala na cya nito kasi siya ang Suma cum Laude ng batch nila kaya sikat cya. Nakipag kaibigan agad ito sa kanya, nagkalagayan naman sila ng loob kaya naging matalik silang magkaibigan.

"Saan ang punta mo ngayun friend?"

"Mag oorder ng lunch.... isasabay ko ang ng lunch ni Boss. Nakaligtaan ata na lunch time na at hindi pa din kumakain."

"Uuy friend baka naman mainlove ka sa boss natin ha?" kantiyaw nito sa kanya.

"Hindi mangyayari yun friend! Ayoko ng babaero! Alam mo naman na virgin pako noh! Ang gusto ko ang lalaking makaka-una sa pagkababae ko ay yun na ang mamahalin ko ng habang buhay... at malabong si Boss Ken yun!"

"Wag kang magsalita ng tapos besh! baka kidlatan ka!"

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status