JONIE:Nang makaalis na si Ken ay inilibot nya ang paningin sa buong condo. Dito cya titira sa loob ng tatlong bwan. Malaki ang condo nito kumpara sa ibang normal size na condo. Tatlo ang kwarto doon at may kanya-kanyang CR sa bawat kwarto. Malaki din ang TV doon, feeling nya ay nanonood lang cya sa sine kapag ganun. Lumabas sya ng balcony, natanaw nya ang buong city, napakaganda ng city lights sa gabi... buhay na buhay. Masarap tumambay doon sa balcony, presko at malamig ang hangin na dumadampi sa kanyang mga pisngi.Pumunta naman cya sa kitchen at binuksan ang ref... punong-puno ng pagkain yun. Kahit isang bwan ay hindi nya kayang ubusin yun. Masaya sana isipin na doon sya tititra sa loob ng tatlong bwan, komportabe sya doon pero iba ang rason kung bakit sya andon... para maging parausan ng Boss nyang si Ken. Natatakot cya sa maging epekto nito sa kanya pagkatapos ng tatlong bwan. Kinabukasan ay pumunta cya ng trabaho.. inaasahan nyang dumating si Ken pero hindi ito dumating ng op
Biglang nag-init ang ulo nya, pinapamukha nito sa kanya na bayaran cya nito. Humugot muna sya ng malalim na hininga bago sumagot sa boss nyang matapobre. "Sir ang usapan lang naman ay ang katawan ko, wala naman sa usapan na pati ang puso ko." Tumahimik ang boss nya sa kabilang linya pero alam nyang nag-uusok na sa galit ito. kilala nya ito, ayaw nitong sinasagot-sagot nya kahit pa nasa tama cya. "Kelan po pala kayo babalik Sir? Madami po ang naghahanap sayo, wala po akong maisasagot sa kanila. Pag-iiba nya ang usapan. Hindi nya na masyadong pinikon ang Boss nya at baka pulutin cya sa kangkungan. "Hindi ko pa alam... kayo muna ni Alex ang bahala jan. Call me incase na may problema. And 1 more thing, sa condo ka titira kahit wala ako doon." "Pero sir, pwede ba sa bahay muna ako? Wala naman ako kasama doon sa condo mo." "No! Doon ka titira and that's an order!" Pagkasabi nun ay pinatay na nito ang tawag nila."Hmmp.... suplado!" wika nya pagkatapos nilang mag-usap. Sa kabilang band
KEN: Nasa Pampangga cya... tinawagan cya ng katiwala nila na naaksidente ang Papa nya, nahulog ito sa kabayo. Mabuti nalang at ok na ang lagay nito... nabali lang ng konti ang braso nito. Nasa ospital pa ang Papa nya... umuwi muna cya sandali para mag linis ng sarili. Pagkadating nya ng Pampanga ay dumiretso agad cya ng ospital. Andon naman ang girlfriend nitong si Vanessa na nag babantay. As much as possible ay ayaw nyang makasama ang Vanessang iyon, inaakit kasi cya. Alam naman nya na pera lang ang habol nito sa Papa nya pero hindi naman nya masabihan ang Papa nya tungkol doon kaya hinayaan nalang nya. Cya nalang ang iiwas kay Vanessa para walang gulo. Nasa kwarto cya nag papahinga... napagod cya sa pag da-drive, hindi na kasi cya nagdala ng driver. Habang nakahiga sa kama ay napag-pasyahan nyang tingnan ang CCTV ng office nila... na-miss na nya kasi ang mukha ni Jonie. Pag bukas nya ay biglang nag-init ang ulo nya... nakita nyang nakikipag landian ito kay Alex na isa ding
Muli nyang kinuha ang cellphone at tinawagan ang dalaga, hindi pa din nito sinasagot ang tawag nya... baka nagpapakasaya na sila ni Alex! Sa isip nya. Biglang nag-init ang mukha nya. Bukas na bukas din ay palalayasin nya na si Alex! Ayaw nyang may umaaligid na lalaki sa pag-aari nya. Para sa kanya lang si Jonie! walang pwedeng umangkin dito kung hindi ay sya lang! Malapit na cya sa manila... di nya akalain na makakarating agad sya dahil sa bilis nyang magpatakbo ng sasakyan, gusto nyang makausap agad si Jonie. Sa condo na cya didiretso... doon nya hihintayin ang dalaga. Saktong 5:30 na ng hapon... 5PM ang labasan nila sa office, malamang ay nagba-bhaye na ito pauwi sa condo. Excited cya na makita ulit ang dalaga pero naiinis din cya dahil sa nakita nya sa cctv. Magtutuos sila mamaya... paparusahan nya ito. Nang makarating sa condo ay pinark nya ang sasakyan saka umakyat sa unit nya. May spare key pa naman cya. Ang isang susi ay nasa kay Jonie. Pag-akyat nya ay wala pa ang dalaga
Kinuha nya ang Cellphone at ni-rewind ang CCTV... nakita nga nya doon na dumating si Ann.. kinompronta nito si Jonie at tinabig ang kape na dala nito, natapon ito sa damit ng dalaga at namilipit sa sakit dahil sa init ng kape. Para din cyang nabuhusan ng kape sa nakita, binitawan nya ang cellphone saka dali-daling lumapit kay Jonie... lumuhod cya malapit sa kinuupuan nito... "Babe I'm sorry... hindi ko sinasadya... I'm really sorry." Hinaplos nya ang pisngi nito sa nasampal nya. Shit! napaka gago nya talaga! Hindi nya akalain na kaya nyang manakit ng babae dahil sa selos! Anong nangyayari sa kanya? Hindi na nya kilala ang sarili nya.Hinawakan nya sa braso ang dalaga... napangiwi ito. "Awww!" Sambit nito sabay bawi sa braso... may mga paso ang kamay nito... bigla tuloy cya nagalit kay Ann. "Babe.. I'm sorry.... please forgive me, nabigla lang ako." Hindi nya alam kung paano patahanin ang dalaga...nasaktan nya ito! Patuloy ito sa paghagulhol sa iyak... niyakap nya ang dalaga... p
Nag order sila ng ramen at takoyaki... habang naghihintay sa order nila ay naghugas ito ng pinagkainan nya. "Let me do that... ako naman gumamit nyan." Agaw nya sa sponge na hawak nito... muli na naman silang nagkahawak kamay. Sya na mismo ang lumayo dito.. sorry I did not mean to.... wag ka magalit." sambit nya sa dalaga... natakot cya baka magalit na naman ito sa kanya.. "It's ok..." simpleng sagot nito sa kanya. hinayaan nya nalang ito na maghugas ng pinagkainan nya. Nakatayo lang cya doon habang naghuhugas ito ng pinggan. "Saan ka pala pumunta?" Tanong nito sa kanya. "Sa Pampangga..si Papa kasi nahulog sa kabayo pero okay na cya ngayun, may minor fracture lang sa braso nya pero magiging okay din daw cya sabi ng doctor.Bbabalik din agad ako mamaya sa Pampangga." "Magda-drive ka pa ulit? Bukas ka nalang umalis... magpahinga ka muna, baka madisgrasya ka pa." na touch sya sa pag-alala nito sa kanya. "ahmm baka kasi..." Gusto nyang sabihin na baka hindi cya makapag pigil at mag
Pinagbigyan na kita kanina... wala na time out, time out!" Lumapit cya sa mukha nito... ready ka na?"Nakayuko lang ito... ayaw salubungin ang mga tingin nya...inangat nya ang mukha nito sa pamamagitan ng daliri nya saka buong-puso nya itong hinalikan.Napaugol ito ng bahagya. Napangiti cya sa isip nya... nadadala na ito sa halik nya, di katulad kanina na parang tuod ito. Lalaong nyang ginalingan sa paghalik sa dalaga... ito na yata ang pinaka-masarap na halik na natikman nya... hinding-hindi cya magsasawa na halikan ang dalaga. Maya-maya pa ay bahagya cya nitong tinulak... natigil ang paghahalikan nila. "Akala ko ba smack lang! Bakit naman torrid kiss ung parusa ko?" Nakayukong reklamo nito. Gusto nyang humagalpak ng tawa dahil sa kainosentehan nito."Masyadong mababa ang parusang smack na kiss!" Nakangiting wika nya."Nag-eenjoy ka lang eh!...""Bakit ikaw hindi ba?" Kantiyaw nya dito. Call me Sir one more time para mahalikan ulit kita.""Wag na uyy!!! hindi na yun mauulit noh!""S
"hahahaha. eh di habulin mo ako Kuya Ken! hahaha..." Nang tumakbo ito sa harap ng sofa ay bigla nya itong tinalon kaya nahuli nya ito... napahiga ito sa sofa habang tawa ng tawa.. "Sorry na, sorry na... hindi na kita tatawaging Kuya Ken!" Halos hindi na ito makahinga sa kakatawa.. "No! Di ba sabi ko walang sisihan!?" Dinaganan nya si Jonie na nakahiga sa sofa... bigla itong natigil sa pag tawa... tila alam na nito ang parusa sa gagawin nya. "Ahm sorry na Ken.. hindi ko na uulitin.." Sambit nito sa kanya na parang nagmamakaawa na wag gawin ang parusa na sinasabi nya. "Binalaan kita di ba? Pero hindi ka tumigil?" sambit nya dito. Magkalapit na ang mga mukha nila.. hawak nya ang kamay nito para hindi ito makakapumiglas. "Pleasee.. I said I'm sorry..." Pagmamakaawa nito. "No!... ginalit mo ako kaya dapat lang na parusahan ka!."Kinapa nya ang short ni Jonie at hinubad iyon. Mabilis lang nya nagawa iyon dahil garterized lang naman iyon... hawak pa din nya ang kamay nito... nagpupu
Hindi pa man siya nakahuma sa inis niya kay Bryan, ay si Cindy naman ang pumasok. Napabuntong-hininga na lang siya. Ano ba ang nangyari sa araw niya at lapitin ata siya ng malas ngayon!"Si Bryan ba yung nakita kong lumabas dito? Ano ang ginagawa niya dito?" tanong ni Cindy sa kanya."Nang-iinis lang. Ikaw naman, anong ginagawa mo dito?" balik-tanong niya."Hahaha... Napaka-init naman ng ulo mo. Wrong timing ata ang punta ko."Hindi niya pinansin si Cindy. Ayaw na niyang dagdagan pa ang inis niya sa araw na iyon."Ano ang ginagawa mo dito, Cindy?" muling tanong niya nang mapansing nakaupo ito sa sofa kung saan din nakaupo si Bryan kanina."Bawal bang bisitahin ka? I'm your fiancée, remember?" Tinaasan niya ito ng kilay. Alam naman nito na palabas lang nila iyon."Napag-isipan mo na ba ang offer ko sa'yo?""What offer?""Na itutuloy na natin ang pagpapakasal!"Bigla siyang napatingin sa dalaga. "Walang kasal na magaganap, Cindy. Alam mo 'yan. Huwag mong baguhin ang napag-usapan natin!"
***********************CLARK'S POV:Sobrang saya ng puso niya nang muling marinig ang boses ni Fe. Sa wakas, sinagot nito ang tawag niya, kahit pa napagkamalan lang siyang si Callum.Okay na din yun, dahil kung hindi ay siguradong hindi sila makakapag-usap at hindi niya malalaman na uuwi na pala ito next week.Sobrang excited niya. Dali-dali niyang tiningnan ang email niya. Andoon na nga ang flight details ni Fe na hinihingi niya.Parang nalulunod ang puso niya sa tuwa. Hindi niya alam kung ano ang magiging reaksyon nila sa muli nilang pagkikita, pero siguradong magiging masaya siya.Para siyang baliw na napapangisi sa kawalan. Naalala pa niyang sumagot si Fe sa kanya ng, "I missed you too."Totoo kayang na-miss din siya ni Fe? Kasi siya, miss na miss na niya ang dalaga. Na-miss niya ang dati nilang samahan. Masaya siya kapag magkasama sila, hindi tulad ngayon na ang dami niyang problema. Isa pa sa problema niya si Cindy...Muling napalis ang ngiti niya nang maalala ang dalaga. Naala
*******************FE'S POV:Ilang buwan nang nasa London si Fe. Wala siyang ginawa doon kundi mamili at maglibot. Paminsan-minsan, bumibisita siya kay Bebe sa Scotland at pagkatapos ay babalik sa London.Napagod siya sa paggastos ng pera, lalo na't mag-isa lang siya. Hindi niya naramdaman ang saya. Hinahanap din ng katawan nya ang pagtatrabaho. Gusto na niyang bumalik sa Pilipinas pero nag-aalangan siya. Bakit wala pa ring balita tungkol sa kasal nila Clark at Cindy? Tanong niya sa sarili.Nag-book na cya ng ticket at next week na ang balik nya. Walang nakakaalam dahil gusto nyang surpresahin ang mga kaibigan.Nasa ganoon cyang pag-iisip nang mag-ring ang telepono niya... si Callum ang tumawag.Ngumiti siya... simula nang magkita sila sa Scotland ay madalas na silang mag-usap. Ipinahayag na din nito ang panlliligaw sa kanya."Hello?" sambit niya."Hello, Miss Beautiful!" napangiti cya sa bati nito. "Kumusta ka diyan?""Okay lang. Medyo nababagot na ako. Gusto ko nang umuwi sa Pili
***************“Damn!” mura niya. Nasa opisina siya at wala siyang ginawa kundi tawagan si Fe, pero hindi sinasagot ng dalaga ang telepono nito. Ilang araw na siyang tumawag kay Fe pero hindi siya pinapansin. Maging ang mga mensahe niya ay hindi nito sini-seen!Akala ko ba maayos na silang nag-usap na i-save nila ang friendship nila? Bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nito kinakausap?Ang huling pag-usap nila ay dalawang linggo nang nakalipas, noong nasa ospital pa sila ng daddy niya.“Fuck!” Muling mura niya at tinapon ang telepono. Mabuti na lang at hindi ito nabasag. Napipikon na siya! Hindi niya talaga maintindihan si Fe... Ginagalit talaga siya nito!“Ano ang problema mo at bakit ka nagtatapon diyan?” Natatawang tanong ni Cindy nang pumasok sa opisina niya."Bakit andito ka?" Nakasalubong pa din ang kilay niya."I just want to visit my fiancé... Kung ikaw lang kasi aasahan ko ay hindi mo naman ako bibisitahin sa bahay. Nagdududa na si daddy sa atin!"Lalo siyang nainis s
***********************CLARK'S POV:Sa paglipas pa ng mga araw ay sila ni Cindy ang laging laman ng balita. Suhestiyon iyon ni Cindy na lagi silang lumabas para mabango ang pangalan niya sa media. At tama naman ito, siya ang laging angat sa rating at kulelat si Bryan. Paano kasi, wala naman itong ginawang tama kundi magmayabang.Kasalukuyan silang nasa isang fine dining restaurant... date nila sa gabing iyon. Extra sweet sila ni Cindy kahit pakitang-tao lang ito. Alam kasi nilang maraming press ang nakasunod sa mga galaw nila."Damn those press!" bulong niya habang kumakain sila."Hihihi... Relax ka lang kasi. Masyado ka kasing stiff. Let them! Kunyari hindi mo alam na nasa paligid lang sila. Good publicity din 'yan para sa'yo!" nakangiting wika ni Cindy saka siya hinalikan sa labi. Noong una ay nagulat siya pero hinayaan niya."Anong ginagawa mo, Cindy? You don’t have to do that..." pabulong na wika niya rito."Hihihi… It’s okay. Nag-eenjoy naman ako sa palabas natin."Napangiti siy
*********************FE'S POV:Namasa ng luha ang mga mata niya nang ibaba ang telepono. Kakatapos lang nila mag-usap ni Clark. Nasa isang coffee shop siya sa mga oras na 'yun at nakakahiya kung may makakitang lumuluha siya doon mag-isa. Isinuot niya ang malaking shades para walang makapansin sa pagluha niya.Habang nagkakape siya doon at napa-scroll sa social media, nakita niya ang pictures ni Clark at ni Cindy."Siya pala ang fiancée ni Clark..." bulong niya sa sarili habang tinitingnan nang maigi ang magandang mukha ng babae. Bigla siyang na-insecure. Ang ganda niya at very elegant kung tingnan sa picture."Wala na... finish na! Ikakasal na nga si Clark... Hindi na cya maghahabol sa akin...""’Di ba 'yun naman ang gusto mo? Kaya nga umiiwas ka na mag-usap kayo, 'di ba?" supalpal niya sa sarili.Oo nga't 'yun ang gusto niya dahil 'yun ang tama. Ikakasal na ito sa iba, at ayaw niyang siya ang maging dahilan kung hindi matuloy iyon. Sobrang mahal niya si Clark kaya ipapaubaya ito sa
"Hello, Fe, iha... Salamat sa pagtawag mo...." hinihingal na sambit ng daddy nya."Kamusta ka na, Tito Amado?" Naririnig niya ang usapan ng dalawa dahil ni-loud speaker muna ni Rosie ang telepono bago ibigay sa daddy nila, na ipinagpasalamat niya."I’m okay, iha. Eto... buhay pa...""Mabubuhay ka pa nang matagal, Tito. Masamang damo ka, remember?" biro ni Fe sa ama niya na ikinatawa naman nito.Pati siya ay lumambot ang puso sa pag-aalala ni Fe sa ama niya. Hindi pa rin nito nakakalimutan ang pamilya niya kahit pa may tampuhan silang dalawa."Ang sabi ni Clark ay nasa London ka daw... Ano naman ang ginagawa mo diyan, iha?""Ahm, nagbabakasyon lang, Tito. Para naman malibang nang konti.""Sana naman pag-ikinasal na itong best friend mo ay andito ka..." wika ng daddy niya saka tumingin sa kanya."Shit!" Gusto niyang agawin ang cellphone sa daddy niya at mag-explain kay Fe."Ahm... O-opo naman, Tito... Uuwi po ako diyan bago ang kasal ni Clark." Narinig niyang naging garalgal ang boses n
Magkakasundo pala tayo kung ganun, Mayor? Let’s keep each other’s secret, okay?"Maasahan mo ako diyan, Cindy. By the way, totoo ba ang sinabi ni Bryan na nagkaroon daw kayo ng relasyon dati?""Bryan who?" nagtatakang tanong nito."Bryan Mendoza.""Ah, that jerk! Of course not! Paano ko siya magugustuhan, eh lesbian nga ako! And between you and him? Mas pipiliin pa kita kaysa sa kanya. Ang hangin ng lalaking ‘yun!"Napangisi siya. "Salamat naman kung ganun. Nakatanggap din ako ng papuri mula sayo... kanina mo pa ako iniinsulto, eh!""Ahahah... Sorry. Straightforward lang kasi ako!" Wika nito saka sila nagtawanan. "Ikaw naman, ano ang nagpapigil sa'yo sa kasal na 'to? Sino ang maswerteng babae?""She is Fe, my best friend. Nasa London siya ngayon.""Oh..." wika lang ni Cindy saka muling uminom ng kape."Sorry....""Bakit ka nagso-sorry?""I feel sorry for you."Natahimik cya. "She’s my best friend. Nasanay na ako na lagi siyang nandiyan sa tabi ko, pero ngayon ay wala na siya." malungk
It's been a week, pero hindi pa rin nagkakamalay ang daddy niya. Pero sabi naman ng doctor na maganda ang response ng katawan nito kaya posible itong magising ano mang oras.Nasa opisina siya sa mga oras na 'yun. Nakatingin lang siya sa kisame at natutulala. Hanggang ngayon ay hindi pa sila nagkakausap ni Fe ulit. Hindi na ito tumawag sa kanya. Kung siya naman ang tatawag dito, hindi siya sinasagot. Hindi rin sine-seen ang mga messages niya."Ano kaya kung magpasuntok ulit ako para tawagan niya ulit ako? Damn! I miss her voice! I miss her..." wika niya.Maya-maya ay may kumatok sa pinto niya. Pumasok doon si Franco."Boss, tumawag po ang mommy mo. Nagising na daw si Sir Amado!""What?!" Biglang napabalikwas siya sa kinauupuan. "Bakit hindi siya tumawag sa akin?""Tumatawag daw siya pero hindi mo sinasagot."Napatingin siya sa kanyang cellphone. Marami ngang missed calls ang ina niya. Ganun ba siya katulala na pati ang tunog ng cellphone niya ay hindi niya napansin?Dinampot niya ang b