Kinuha nya ang Cellphone at ni-rewind ang CCTV... nakita nga nya doon na dumating si Ann.. kinompronta nito si Jonie at tinabig ang kape na dala nito, natapon ito sa damit ng dalaga at namilipit sa sakit dahil sa init ng kape. Para din cyang nabuhusan ng kape sa nakita, binitawan nya ang cellphone saka dali-daling lumapit kay Jonie... lumuhod cya malapit sa kinuupuan nito... "Babe I'm sorry... hindi ko sinasadya... I'm really sorry." Hinaplos nya ang pisngi nito sa nasampal nya. Shit! napaka gago nya talaga! Hindi nya akalain na kaya nyang manakit ng babae dahil sa selos! Anong nangyayari sa kanya? Hindi na nya kilala ang sarili nya.Hinawakan nya sa braso ang dalaga... napangiwi ito. "Awww!" Sambit nito sabay bawi sa braso... may mga paso ang kamay nito... bigla tuloy cya nagalit kay Ann. "Babe.. I'm sorry.... please forgive me, nabigla lang ako." Hindi nya alam kung paano patahanin ang dalaga...nasaktan nya ito! Patuloy ito sa paghagulhol sa iyak... niyakap nya ang dalaga... p
Nag order sila ng ramen at takoyaki... habang naghihintay sa order nila ay naghugas ito ng pinagkainan nya. "Let me do that... ako naman gumamit nyan." Agaw nya sa sponge na hawak nito... muli na naman silang nagkahawak kamay. Sya na mismo ang lumayo dito.. sorry I did not mean to.... wag ka magalit." sambit nya sa dalaga... natakot cya baka magalit na naman ito sa kanya.. "It's ok..." simpleng sagot nito sa kanya. hinayaan nya nalang ito na maghugas ng pinagkainan nya. Nakatayo lang cya doon habang naghuhugas ito ng pinggan. "Saan ka pala pumunta?" Tanong nito sa kanya. "Sa Pampangga..si Papa kasi nahulog sa kabayo pero okay na cya ngayun, may minor fracture lang sa braso nya pero magiging okay din daw cya sabi ng doctor.Bbabalik din agad ako mamaya sa Pampangga." "Magda-drive ka pa ulit? Bukas ka nalang umalis... magpahinga ka muna, baka madisgrasya ka pa." na touch sya sa pag-alala nito sa kanya. "ahmm baka kasi..." Gusto nyang sabihin na baka hindi cya makapag pigil at mag
Pinagbigyan na kita kanina... wala na time out, time out!" Lumapit cya sa mukha nito... ready ka na?"Nakayuko lang ito... ayaw salubungin ang mga tingin nya...inangat nya ang mukha nito sa pamamagitan ng daliri nya saka buong-puso nya itong hinalikan.Napaugol ito ng bahagya. Napangiti cya sa isip nya... nadadala na ito sa halik nya, di katulad kanina na parang tuod ito. Lalaong nyang ginalingan sa paghalik sa dalaga... ito na yata ang pinaka-masarap na halik na natikman nya... hinding-hindi cya magsasawa na halikan ang dalaga. Maya-maya pa ay bahagya cya nitong tinulak... natigil ang paghahalikan nila. "Akala ko ba smack lang! Bakit naman torrid kiss ung parusa ko?" Nakayukong reklamo nito. Gusto nyang humagalpak ng tawa dahil sa kainosentehan nito."Masyadong mababa ang parusang smack na kiss!" Nakangiting wika nya."Nag-eenjoy ka lang eh!...""Bakit ikaw hindi ba?" Kantiyaw nya dito. Call me Sir one more time para mahalikan ulit kita.""Wag na uyy!!! hindi na yun mauulit noh!""S
"hahahaha. eh di habulin mo ako Kuya Ken! hahaha..." Nang tumakbo ito sa harap ng sofa ay bigla nya itong tinalon kaya nahuli nya ito... napahiga ito sa sofa habang tawa ng tawa.. "Sorry na, sorry na... hindi na kita tatawaging Kuya Ken!" Halos hindi na ito makahinga sa kakatawa.. "No! Di ba sabi ko walang sisihan!?" Dinaganan nya si Jonie na nakahiga sa sofa... bigla itong natigil sa pag tawa... tila alam na nito ang parusa sa gagawin nya. "Ahm sorry na Ken.. hindi ko na uulitin.." Sambit nito sa kanya na parang nagmamakaawa na wag gawin ang parusa na sinasabi nya. "Binalaan kita di ba? Pero hindi ka tumigil?" sambit nya dito. Magkalapit na ang mga mukha nila.. hawak nya ang kamay nito para hindi ito makakapumiglas. "Pleasee.. I said I'm sorry..." Pagmamakaawa nito. "No!... ginalit mo ako kaya dapat lang na parusahan ka!."Kinapa nya ang short ni Jonie at hinubad iyon. Mabilis lang nya nagawa iyon dahil garterized lang naman iyon... hawak pa din nya ang kamay nito... nagpupu
JONIE: Naiwan cya sa sofa nakatulala... iniwan cya ni Ken... pumasok na ito sa kwarto. Isang libong porsentong pagpipigil ang ginawa nya hindi lang matuloy ang ginagawa ni Ken sa kanya.. Kapag pinayagan nyang may mangyari un ay talo na cya sa laban.. alam nyang nilalandi lang cya nito para makuha cya. Hindi cya naniniwala sa mga matamis na salita nito. Sa apat na bwan na nakasama nya ang boss sa opisina ay alam na alam na nya ang karakas nito pagdating sa babae at hinding hindi cya makakapayag na magiging isa cya doon sa mga babaeng pinagsawaan nito saka itapon na parang basahan. Marami pa cyang plano sa buhay at hindi kasama si Ken doon.. In fact ito ang sisira sa mga plano nya. Kapag mainlove cya dito ay tapos na ang laban! Pululutin nalang cya sa kangkungan. Hindi pa naman nya alam ang gagawin! Wala pa cyang experience sa lalaki kaya natatakot sya para sa sarili. Itutuloy nya ang pangako na ibibigay nya lang ang sarili sa taong mamahalin nya habang buhay at malabong si
KENNETH POV: SHIT!!!! Usal nya ng makalabas na si Jonie sa banyo.....hindi nya akalain na kinaya nyang pigilin ang sarili na hindi maangkin si Jonie doon mismo sa banyo. Ang akala nya ay naka-alis na ito kanina sa condo ng hindi na nya nakita ito sa sofa... maaga cyang nagising kanina para mag jogging. Naabutan nya si Jonie doon.... doon nakatulog ang dalaga kagabi... hindi na ito nakalipat sa kwarto dahil sa din siguro sa kakapanood ng tv.... Sya pa nga nag patay ng tv... nakatulugan nito ang pinapanood. Pinagmasdan nya ang dalaga habang natutulog ito kanina. napakaganda talaga ni Jonie.. Para itong angel kung matulog... Kinumutan nya muna ito bago umalis para mag jogging. Pagbalik nya galing sa pagjo-jogging ay wala na ito sa sofa.. ang akala nya ay umalis na ito para pumunta ng opisina nang may narinig cyang parang naliligo sa banyo... Nagulat cya mg makita ang dalaga doon habang naliligo.. hindi ito nag abala na mag sara ng pinto. malamang ay akala nito ay umalis
"Ngeeee.. Alis ka na.. tawagan mo nalang ako kapag babalik ka na para ipaghanda kita ng gusto mong kainin...." wika nya kay Ken. Mas gusto nyang umalis muna ito dahil hindi pa cya handa ulit pagkatapos ng nangyari sa kanila kanina sa banyo.. Nasa loob na sila ng elevator pababa ng condo.... silang dalawa lang ang naroon kaya malaya silang makapag-usap "Promise?" "Oo naman! Makabayad man lang ako sa utang na loob ko sayo..." "Hindi utang na loob to Jonie.... Binayaran kita kaya andito ka... kahit pa alam ko na labag sa loob mo ito.." Nakita nyang nalungkot ito sa sinabi nito.. gusto sana nyang sabihin na hindi ito labag sa loob nya. Siguro noong una pero ngayon ay masaya cyang ginagawa ito... masaya cyang pinagsisilbihan ang lalaki. "Huuu!... drama ka pa jan Sir..hindi bagay sayo!!!" Sambit nya para pasahayinn ito. "Oh oww!..." nakangiting sambit ni Ken. "What????" Nagulat cya ng maalala ang sinabi. "Ay sorry!...." wika nya saka tinakpan ng kamay ang bibig.. nagkamali na naman
Binaling nya ang sarili sa trabaho kaya hindi nya napansin ang pagdating ni James.. "Hi beautiful!.." bati ni James sa kanya. Matalik itong kaibigan ng boss nya, matagal na nyang naramdaman na parang may pagtingin ito sa kanya dahil lagi itong nagpapahaging pero hindi nya iyon pinapansin. Technically ay bosss nya din itong si James dahil business partner ito ng boss nya na si Ken. Umupo ito sa silya sa harap ng table nya."Sir James ikaw pala... nasa loob po si Sir Ken." nakangiting wika nya. "Akala ko ba nasa Pampanga sya?" nagtatakang tanong nito. "Ah eh.. ewan ko po. puntahan mo nalang sya sa loob. Pag-iiwas nya. Baka mahalata ito sa kanilang dalawa... Ewan ba nya, hindi talaga cya makapag tago ng sekreto. parang feeling nya guilty cya lagi. Ayaw nya ng ganitong feeling. Hindi cya makagalaw ng maayos. Tumayo ito at pumasok sa office. Hindi na ito nag abala pang kumatok. "Hey bro... Bakit andito ka? akala ko ba nasa Pampanga ka?" "At bakit andito ka din kung ang alam
"You deserve it, bestie. I'm sure dudumugin itong resort natin! Ang ganda! Feels like paradise! Hindi ito magpapatalo sa ibang sikat na beaches dito sa bansa natin!"Kinikilig siya sa lahat ng sinasabi ni Jonie. Tinatanggap niya ang lahat ng parangal na iyon dahil deserve niya iyon. Pinaghirapan niya ang resort na mapaganda.Naputol ang pag-uusap nila nang tumunog ang cellphone ni Callum. Napakunot ang noo nito."Who is it?" tanong niya."Ah, eh, wala..." Agad na sagot nito sa kanya saka pinatay ang telepono at binalik sa bulsa."Aalis muna ako, love. May kukunin lang ako sa kwarto. May sorpresa ako sa’yo." Matamis na ngiting wika nito saka hinalikan ang kanyang kamay.Pag-alis ni Callum ay agad namang lumapit si Clark sa kanya na parang nag aabang ng pagkakataon."Fe... can we talk?" diretsahang tanong nito."Ah, eh..." Umiikot ang mata niya. Naghihingi siya ng tulong kay Jonie na huwag siyang iwan doon. Natatakot siya sa anumang itatanong ni Clark sa kanya."Jonie... pwede bang bigy
Parang tumigil ang mundo niya sa sandaling iyon. Hindi siya agad nakapagsalita, hindi rin siya nakagalaw. Ang tanging naririnig niya ay ang malakas na kabog ng kanyang puso, tila gustong kumawala sa kanyang dibdib.Si Clark... Hindi siya maaaring magkamali sa nakikita. Nakatayo ito sa harapan niya, nakatingin sa kanya nang diretso, tila may gustong itanong ngunit pinipigil ang sarili.“Bestie...” Si Jonie ang unang lumapit at niyakap siya. “Buntis ka? Bakit hindi mo man lang sinabi sa amin?” May halong panunumbat sa boses nito, pero ramdam niyang mas nangingibabaw ang tuwa at pagkabigla.Napangiti siya at yumuko. Hindi niya matagalan ang titig ni Clark. Hindi niya inakalang darating ito. Ang buong akala niya ay hindi na sila magkikita pang muli.“Ano ba yan, Fe! Ang tagal mong itinago sa amin ito!” reklamo ni Bebe, pero nakangiti rin ito habang hinihimas ang tiyan niya.Si Callum naman ay tahimik lang sa tabi niya, pero ramdam niya ang bahagyang paghigpit ng hawak nito sa kamay niya.
*************FE'S POV:Halos hindi na siya magkandaugaga sa trabaho... Ngayon na ang opening ng resort nila at pinangalanan nilang Serene Resort.Gusto niyang lahat ay perfect kaya hands-on siya palagi doon sa resort. Kahit pa sabihin ng nanay at tatay niya na magpahinga muna siya ay ayaw niyang makinig. Kabuwanan na niya and any moment ay manganganak na siya. Pero dahil nasa dugo na niya ang pagiging workaholic ay hindi niya mapigilan ang sariling magtrabaho.Sabagay, taga-mando lang naman siya, hindi naman siya ang bubuhat ng mga mabibigat na bagay, pero nakakapagod pa rin iyon dahil paroo't parito siya.Tinutulungan na siya ng buong pamilya niya doon. Si Lerie muna ang magiging manager niya habang wala pa ang schedule ng board exam sa pagiging maestra at habang hindi pa siya nanganganak.Si Toto naman ay katuwang niya sa pag-hire ng mga tauhan nila. Lahat silang magpamilya ay tulong-tulong doon dahil family business nila iyon.Actually, partner sila ni Jonie doon pero siya ang nag
Sandaling natigilan si Fe... doble meaning ang sinabi niya and he really meant it. Sa tagal ng hindi sila nagkita ni Fe ay hindi na niya sasayangin ang pagkakataon. Baka may pagkakataon pa silang dalawa, at lahat ng paraan ay gagawin niya. Ngayon pa ba na magiging single na ulit siya?"Ahhh... Ehh, kay Jonie mo na lang sabihin. Siya ang partner ko dito sa negosyo.""Ah, gano'n ba... Sige..." Sandaling tumahimik sila ulit."I miss you, Fe.... Sana magkita naman ulit tayo.""Ahh... sure..." alanganing sagot nito. "By the way I have to go, Clark. May gagawin pa kasi ako. I'm glad na okay ka na ngayon, Bye..." wika ni Fe saka bigla na lang nito pinatay ang telepono.Nalungkot siya, ramdam nyang may galit pa din si Fe sa kanya. Binalik niya ang telepono kay Jonie."Where is Fe, Jonie?""Why?""Anong 'why'? I want to see her!" Galit na siya. Lagi na lang siyang pinagtataguan ng mga kaibigan niya. Pakiramdam niya ay pinagkakaisahan siya ng mga ito.Nagkatinginan muna ang mga ito bago nagsali
*******************CLARK'S POV:"M-mom?..." hirap na sambit niya. Nagising na lang siyang nasa ospital na bed at masakit ang katawan. Nandoon ang mommy niya at si Rosie na nagbabantay sa kanya."Anak, mabuti at nagising ka na..." Agad na lumapit ito sa kama niya. "Nag-aalala kami sa'yo," maluha-luhang wika ng mommy niya."A-ano po ang nangyari?""Nabaril ka ni Gov, anak... Tinamaan ka sa balikat pero hindi nakalabas ang bala kaya inoperahan ka."Napapikit siya... kaya pala masakit ang kanyang balikat. "Ilang araw na po ako dito sa ospital, Mom?""Dalawang araw ka nang tulog pagkatapos ng operasyon mo, anak."Pumikit siya nang mariin, inaalala kung ano ang nangyari bago siya napunta sa sitwasyong iyon...Naalala niyang nagkomprontahan pala sila nina Cindy at Gov. Santiago at nasabi na niya ang lahat ng nakalap niyang ebidensya laban sa gobernador."Nabaril din pala si Gov, Mom... Kamusta na siya?" Agad na tanong niya nang maalalang binaril ng tauhan ni Gov nang barilin siya nito."H-h
"NO!.. Hindi ako makakapayag na magkaroon ng relasyon ang hampaslupang Kevin na 'yan sa anak ko!""Dad! Let's stop this already! Hindi na tayo matutulungan ni Clark, sinira natin ang buhay niya! Pwede bang tanggapin na lang natin na ito ang kapalaran at parusa natin sa pagsira sa kanya? I love Kevin at handa akong tanggapin siya kasama ng magiging anak namin. Kung ayaw mo, lalayo na lang kami dito. Babalik na lang ako sa Australia at doon kami mamumuhay ng tahimik!""Talaga, Ma’am Cindy?" wika ni Kevin na pilit kumawala sa mga tauhan ni Gov at lumapit sa kanya. Hinawakan nito ang kamay niya habang lumuluha.Dahan-dahan niyang itinaas ang kamay at pinunasan ang mga luha sa mata ni Kevin. "Sorry, Kevin... Hindi kita naipaglaban kay Daddy, pero this time ay desidido na ako. Magpakalayo-layo tayo... Bubuo tayo ng pamilya kasama ang anak natin... huhuhuh."Hinawakan ni Kevin ang tiyan niya at hinimas iyon. Ramdam niyang magiging isang mabuting ama at asawa si Kevin. Kung palalampasin pa niy
"Stop it, Dad! Huhuhuh…!" pigil niya, pero parang wala lang siya doon… Walang nakikinig sa kanya."Pananagutan??? Paano mo pananagutan kung kasal sila ni Clark?!""Oh, it’s nothing, Gov… I don’t mind, really!… Ako na ang maggi-give way para sa pagmamahalan nila. I am very glad to be out of the picture." sabat ni Clark."NO!!! Malalagay sa kahihiyan ang anak ko!""Ginawa niya ‘yan kaya panindigan niya.""Hindi!.... Paninindigan mo ang bata, Clark! Remember… kaya kong ipakulong ang daddy mo kung ayaw mong sumunod sa akin! Maatim mo bang makita ang ama mong nasa kulungan habang nasa wheelchair?" Ngumiti ang ama niya nang nakakaloko. Sagad-sagad na talaga ang kasamaan nito.Nagsukatan ng tingin ang dalawa. Tila di rin patatalo si Clark at mukhang hindi na ito takot sa daddy niya.Dahan-dahang tumayo si Clark at humarap sa ama niya."Gov… hindi mo na ako matatakot ngayon… Tama na ‘yung pinakasalan ko ang anak mo na pinagsisihan ko din… Ano ako, tanga? Ipapa-ako mo sa akin ang anak na hindi
Lalo siyang kinabahan nang nakatingin lang si Clark sa kanya."What did you say, Cindy?" ulit na tanong nito."I-I said I am pregnant with our child… magiging daddy ka na at magiging mommy na ako!… kumpleto na ang pamilya natin." Ngumiti siyang alanganin, sana lang ay hindi mahalata ni Clark ang panginginig sa boses niya."Aren’t you happy for your wife, iho? Magkakaanak na kayo at magiging lolo na ako! Hahaha… Congrats, mga anak! Finally, ay lolo na ako… ang saya-saya ko!""I'm not the father of the child, Gov...." basag ni Clark sa kasiyahan ng ama niya.Bigla siyang kinabahan. Maging ang ama niya ay napalis din ang saya at tiningnan siya ng masama ni Clark."What are you talking about, Clark?" Dumadagundong ang boses nito sa loob ng kwarto. Maliban sa kanilang tatlo, andoon din ang mga bodyguard ng daddy niya at ni Clark… Napahiya siya."Pati ba naman sa pagbubuntis ng anak ko ay itatakwil mo pa rin ang batang sinapupunan niya?! I know na nagpakasal kayo dahil pinilit ko kayo!... P
Agad na namantsyahan ng taranta. Ano ang ibig sabihin ni Clark na may relasyon sila ni Kevin?"Ahm, yes, matagal na siyang nagtatrabaho sa akin pero hindi na niya nagagampanan ang trabaho niya. Saka huwag ka nang mag-alala, bibigyan naman siya ni Dad ng malaking separation pay. He doesn’t mind kung i-fire ko man siya."Tumingin si Clark sa kanya na parang binabasa siya, pero hindi siya magpapahuli ng buhay. Ngayon pa ba, na wala na si Kevin at nagdesisyon na siyang ayusin ang buhay niya kasama si Clark?"Huwag mo akong niloloko, Cindy!" sigaw nito saka siya tinulak ng bahagya. Nawalan siya ng balanse at natumba. Biglang umikot kasi ang paningin niya. Kanina pa masama ang pakiramdam niya pero pinipilit lang niyang tiisin... ang akala niya ay wala lang iyon."What happened to you, Cindy? You look pale?" nag-aalalang tanong ni Clark at tinulungan cya makatayo. Kahit paano ay nakita niyang nag-alala ito sa kanya."Masakit ang ulo ko... parang umiikot ang paningin ko." wika niya.Maya-maya