Hindi nga sya nagkamali na susulitin talaga ng dalawa ang eat-all-you-can doon sa Japanse restourant na kinainan nila. Ilang oras na sila doon pero kumakain pa din ang dalawa. Nakalimutan na ata ng mga ito na working hours pa nila iyon! Napailing nalang cya. Pero dahil magpapasama naman cya sa mga ito ay okay nalang din sa kanya. Maya-maya ay nag-ring ang telepono nya, kinuha nya iyon sa bulsa... si Clark ang tumatawag. "Hello Bro? unang bungad nya ng sagutin ang tawag nito. "Bro, where are you?" "Andito sa Manila... nasa mall kami kasama ko si Calvin at Alex... why?" "Di mo naman sinabi na andito ka pala sa Manila?" tila nagtatampong wika nito. "Actually kakarating ko lang din galing Pampanga. I was about to call you dahil iimbitahan ko kayong pumunta ulit sa rancho this friday... plano kong mag-propose kay Jonie." "Really? Eh kasal na kayo di ba?" "Gusto kong magpakasal ulit kami, Bro... and this time ay engrande na at hindi sa pipitsuging mayor lang." biro nya dito.
"Saan pa tayo pupunta Sir?" Tanong ni Alex na nakasunod sa kanya. "I-drop ko na kayo sa opisina, pupunta ako sa cityhall. Nag-aaya si Mayor Clark na samahan naming uminom, mukhang may problema ata..." kwento nya sa dalawa. "Ganun ba.. baka pwedeng sumama na din kami, Sir? Malapit na din naman 5PM, uwian na din naman sa opisina." si Alex ang nagsalita. "Oo nga naman, Sir! Promise hindi kami mangugulo sa inyo... sa gedli lang kami ni Alex! Baka sakaling maka bingwit kami ng magagandang chicks doon dahil kasama namin kayo... At saka ayaw mo nun my bodyguard ka?" nangising dagdag pa din ni Calvin."Hindi ko kailagan ng bodyguard, saka akala ko ba nanliligaw ka kay Melisa?" Taas kilay na tanong nya. Maloko talaga tong si Calvin! "Joke lang, Sir! Sasamahan ko lang si Alex para naman makahanap na ng bagong pag-ibig." Nakangising wika nito saka kinindatan si Alex. "Sige na nga!" Pagsang-ayon nya. Gusto nya din ang idea ni Calvin para naman hindi na cya babarahin lagi ni Alex kapag naii
Sabagay malaki din naman ang naitulong ni Bebe sa pamilya ni Jonie lalo na noong nasa ospital si Tita Beth. Ito ang nagbabantay sa ospital habang nagtatrabaho si Jonie. Kaya siguro binibigay din ni Jonie ang lahat ng gusto ni Bebe, pinaparanas nya din dito ang hindi nila naranasan dati. "Hayaan mo muna si Bebe, Bro. Mas bata kasi yun kesa sa atin kaya iba pa ang trip nun""Eh bakit si Jonie mas bata din naman kesa sa atin pero hindi naman cya katulad ni Bebe. Kung tutuusin ay cya pa nga ang dapat magyabang pero hindi cya ganun.""Nasanay na kasi si Jonie sa responsibilidad simula ng bata pa cya. Si Bebe kasi kahit mag-isa lang din sa buhay pero binibigay naman ni Jonie ang lahat sa pinsan nya kahit hirap cya kaya hindi talaga nakaranas ng paghihirap si Bebe." Kwento nya sa dalawa na ikinibit balikat nalang ni James. Masama pa din ang loob nito pero hindi na muling nagsalita."Ano naman ang kwento ng buhay mo Clark?" Pag-iiba nya ng kwento. Si Clark naman ang uusisain nya. Ang aka
Let's not talk about our problem guys, andito ka para sa engagement nyo ni Jonie pero ito kami ni James nagkukwento ng problema namin... sinisira namin ang mood mo." "It's ok guys, magkakaibigan tayo dito kaya tayo-tayo din ang magtutulungan. Anyway, sasama ba kayo sa akin sa friday?" Muling tanong nya. "Oo naman! kahit andoon si Bebe ay sasama ako." Wika ni James. "Ako din... kahit makikita ko si Fe at makokonsensya lang ako sa ginagawa ko sa kanya ay sasamahan pa din kita." sambit naman ni Clark. Ramdan nya ang stuggle ng mga kaibigan. Kahit alam nyang may sariling problema ang mga ito ay sasamahan pa din cya sa importateng bahagi ng buhay nya. "Thanks guys... Da best talaga kayo!" nakangiting wika nya. Pilit nyang pinapagaan ang bigat na nararamdaman ng mga kaibigan. "Handa ka na ba mag-propose?""I think so... matagal ko na itong pinaplano, naantala lang dahil sa kay Jack." "Ang importante ay okay na ang lahat ngayon." Tumango sya bilang pagsang-ayon. Tumagal pa sila doo
Maaga cyang nagising... nasa garden sya nagkakape. Ang planong nyang umalis ng maaga ay hindi na naman natuloy. Hindi cya makaligo at makapag bihis dahil andoon si Bebe sa kwarto nila. Ayaw nyang pumasok hangga't andoon ang dalaga. Maya-maya ay nakita nyang papalapit na ito sa kanya. Ganun pa din ang suot nito mula kagabi, mukhang kakagising lang din nito dahil papungay-pungay ang ang mga mata, basag ang buhok at pakamot-kamot pa ng ulo. Lumapit ito sa kanya. "Good morning kuya... andito ka pala?" Bati nito sa kanya saka nag timpla ng sariling kape. Hindi nya ito pinansin, tinitingnan nya lang ito ng diritso sa mata pero parang wala lang dito iyon. "Hindi ko alam kung bakit andoon ako natulog sa kwarto nyo kagabi, Kuya?" wala sa sariling tanong nito sa kanya. Naiinis cya sa sinabi nito. "Hindi mo ba naalala na lasing na lasing ka kagabi? Alam ba ni Jonie at nina Tita Beth at Tito Gregore ang pinag-gagawa mo dito sa Manila? Kung hindi pa ako umuwi dito ay hindi ko pa malalaman
"Thank you Melisa for trusting our company, baka gusto mong sumama sa amin sa rancho sa Pampanga? May party kaming gaganapin tomorrow and you're welcome to come with us!" "Really anong occassion?" "Well, uhm.. secret lang sana ito pero since friend ka na din namin ni Jonie, plano kong mag-propose kay Jonie tomorrow at gusto ko andoon ang mga pamilya at kaibigan namin." "Wow! Thank you for inviting me." malapad ang ngiti nito sa labi. "Don't worry Mel, I'll be there too... I will be your date!" Sabat ni Calvin sa usapan nila ni Melisa. "Sige your my date for tomorrow! hihihih..." "Great! So susunduin nalang kita dito bukas para sabay na tayong pumunta ng Pampanga?" nakangiting wika ni Calvin na tila kilig na kilig "Sure!" sagot naman ni Melisa. Nakikinig lang cya sa dalawa pero napapansin nyang may ibang ningning ang mata ng mga ito! Habang nag-uusap sila ay biglang nagring ang cellphone nya. Napa-taas sya ng kilay ng makitang si Bebe ang tumatawag. "Hello?" Diritsahang
"Hayaan mo na kuya. Paano kasi madaming nanliligaw sa akin dito sa school! Mabuti na yung ipagkalalat nila na may gwapo at mayaman akong boyfriend para tigilan na ako ng mga lalaki dito!" Pagdadahilan nito pero hindi cya kumbinsido. Madami naman lalaki jan na gustong magpanggap na maging boyfriend mo, bakit ako pa? Alam mo naman na asawa ako ng ate mo!" Gigil na gigil pa din cya. Ayaw nyang pagsalitaan ito ng masama pero umiinit ang ulo nya. Tinalikuran nya ito at nagpatiuna cyang naglakad papunta sa kotse nya. Nagmamadali naman itong habulin cya sa paglakad. Dahil sa haba ng biyas nya ay mahaba din ang hakbang nya. Nauna cyang pumasok sa kotse, dali-dali namang sumakay si Bebe sa passenger's seat. Napaka careless pa nito at nakitaan pa nya ito ng panty pagsakay! Ang iksi ba naman ng palda nito! Napapikit nalang sya sa katigasan ng ulo ng pinsan ni Jonie! Paano pala kung hindi nya ito sinundo eh di kung sino- sinong lalaki ang makakakita sa panty nito dahil napaka-careless nitong
I guess Bebe needs a psychiatrist, ASAP! Sasabihin nya kay Jonie ang lahat pag-uwi nila ng Pampanga. Isu-suggest nya asawa nya na ipatingin si Bebe sa espesyalista sa utak. Hindi na nya ito kinausap hanggang sa makarating na sila sa opisina. Nang maka-park na cya ay bumaba na cya. "Dito ka lang, hintayin mo lang ako dito at mabilis lang ako." bilin nya saka tumalikod na. Dali-dali cyang tumakbo sa eveletor na nakabukas na. Habang nasa elevator ay napapa-isip cya sa ginagawi ni Bebe, gusto man nyang tulungan ito pero hindi nya alam kung paano. Paminsan-minsan ay binabanggit nito ang tungkol sa kanya... parang nagpapahaging ito na may gusto si Bebe sa kanya. Hindi naman cya manhid sa ibig nitong iparating sa kanya pero hindi nya papatulan ang kabaliwan ni Bebe. Habang maaga pa ay dapat mapatingin na ito sa espesyalista sa utak! "Good afternoon Sir! Nagulat cya ng may nagsalita. Hindi nya napansin na nakabukas na pala ang elevator at may mga empleyado nang naghihintay na mapasok sa
"Guys, I want you to meet Rosabel. She’s a transferee. This is Justine, Emilio, and Gray. Mga kasamahan ko sila sa basketball team." Pakilala ni Peter sa mga kaibigan.“Hi Rosabel,” nakangiting bati ni Emilio at Justine sa kanya, pero tiningnan lang siya ni Gray."Volleyball player siya sa dati niyang pinapasukang university. Ipapakilala ko siya kay coach baka para ipasok sa team."“Great! Sana makapasok ka, Rosabel, para may maganda naman kaming mapapanood sa volleyball team. Fans mo na kami!” biro ni Justine. Mukhang mga pilyo ang mga ito. Nakita niyang kumunot ang noo ni Gray, pero hindi pa din ito nagsasalita. Papanindigan nito na hindi sila magkakilala.“Guys, ’wag niyong bastusin si Rosabel. Baka hindi na ito sumama sa atin. Baka sabihin niya na katulad ko kayong mga walang kwentang lalaki.”“AHAHAHA… Mukhang nagpapagood shot ka kay Rosabel, bro, ah.”Nahiya siya sa biruan ng mga ito sa harap niya.Maya-maya ay may dumating na isang magandang babae.“Hi Gray!” Malapad ang ngiti
ROSABEL’S POV: Hmmp! Bad trip. Sinama-sama pa ako dito, hindi naman pala ako tutulungan. Akala ko ba ifa-familiarize ko daw ang lugar. ’Yun pala, ako lang mag-isa! Kanina lang, ang taas ng tingin niya kay Sir Gray. Nagpabago pa ang tingin niya dito dahil mabait ito sa kanya kahapon. Pero ngayon ay nag-change mind ulit siya. Masama pala talaga ang ugali ng kalalaki. Ayaw na nitong malaman ng iba na magkakilala sila. Baka nahihiya dahil katulong lang siya sa bahay ng mga ito. Sabagay, nakakahiya nga naman iyon. Imagine, puro mayayaman ang mga kaibigan nito tapos may kasama itong isang anak ng yaya? Naiintindihan niya si Gray sa parteng iyon pero kahit papaano ay nasasaktan pa din siya. "Ooops!" “Ay, sorry po…” nahihiyang wika niya nang mabangga ang isang estudyante. Sa inis niya kay Gray ay hindi niya nahalata ang lalaking makakasalubong niya. Dagdag pa, hindi niya alam kung saan siya pupunta. “It’s okay…” nakangiting wika ng isang gwapong lalaki na nabangga niya. Sandaling natig
GRAY'S POV: Pabagsak siyang humiga sa kama niya. Galing siya sa kwarto ni Lilly. Alam niyang nandoon si Rosabel kaya naghahanap siya ng paraan at rason na makapasok doon na may dahilan. Magtataka ang kapatid niya kapag wala siyang sasabihing dahilan dahil hindi naman siya pumupunta doon. Hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit gusto niyang laging nakikita si Rosabel. Alam niyang maganda ito at matagal na niya 'yong napansin pero ang na-realize niya ay ang mapag-pakumbaba nito at pagkahilig sa sports at lalo iyong nagpa-interes sa kanya. Ang gusto niya sa babae ay hindi maarte, parang one of the boys lang. At nakikita niya sa ugali ni Rosabel 'yon. Nagkaroon siya ng interes sa dalaga. Naalala pa niya kanina 'yung aksidenteng nahawakan niya ito sa bewang. Damn! sigaw ng isip niya. Ramdam niya ang kurba ng katawan nito. I like touching her curves. Masarap siguro si Rosie sa kama... habang kinakabayo siya at hinahawakan niya ito sa bewang at balakang. I want her lips touching
“Thanks, Rosie…” wika nito pagkatapos uminom. “Can I call you Rosie?”“Ah, eh ikaw ang bahala, Sir... kahit ano itawag mo sa akin, okay lang.”“Babe"... pwede? Hahaha.”Tumaas ang kilay niya sa pagka-presko nito. Is he hitting on me? Pero winaksi niya ang mga naiisip. Masyado naman makapal ang mukha niya. Paano siya magugustuhan ni Sir Gray kung anak nga lang siya ng katulong doon?“Ahm, excuse me, Sir. Hinihintay na kasi ni Lilly ang sandwich niya.” paalam niya nang hindi pa din ito umaalis sa harap niya. Wala siyang madaanan. Na-corner siya nito.Binigyan naman siya nito ng konting espayo para makadaan. Bitbit niya ang sandwich at juice ni Lilly nang muli siyang tawagin nito.“Rosabel...” tawag nito. Napalingon siya.“Bukas... may lakad ka ba?”Nagtaka siya. “Wala naman. Bakit?”“Pupunta ako ng school. Gusto mo sumama? Para ma-familiarize ka na sa lugar.”Nagulat siya. Hindi siya nakasagot. Hindi niya inasahan ang paanyayang ’yon. Nagdadalawang-isip pa siya.“Libre kita ng milk tea.
Nagsimula silang lumangoy, paunahan hanggang sa dulo ng pool. Ramdam niyang nauuna na si Gray kaya lalo niyang binilisan ang paglangoy. Hanggang sa hindi na niya maramdaman ang presensya nito sa kanyang likuran. Napangiti siya, akala niya’y naiiwan na si Gray.Ngunit pag-ahon niya sa dulo ng pool, agad napalis ang ngiti sa labi niya nang makita si Gray na naroon na, naghihintay sa kanya."You have to practice more, kid!" wika nito sabay gulo ng kanyang buhok. Tinawag pa talaga siyang "kid"!Napasimangot siya. “Paano mo nagawa ’yon?! Nasa likod lang kita kanina, ah?!” Hindi siya makapaniwalang natalo siya ni Gray. Ayaw na ayaw pa naman niyang natatalo.Pero sa kabila ng pagkatalo, kahit paano’y naging at ease siya rito. Hindi naman pala ito gano’n kasuplado. Konti lang.“Mukhang nagkakasayahan kayo diyan, ah,” narinig nilang sabi ni Tita Jonie na papalapit kasama si Sir Ken.Muntik siyang ma-out of balance pero maagap siyang nahawakan ni Gray sa bewang. Bawas-bawasan ko na nga siguro a
“Stop it, kuya. Wag mo takutin si Ate Rosabel. Baka hindi na niya ako samahan next time!” saway ni Lilly sa kapatid. “Kung gusto mo ay maligo ka na lang ulit at sabayan mo kami!” dagdag pa nito.Walang ano-ano’y umalis naman ito. Nakahinga siya ng maluwag nang makaalis na si Gray. Hindi siya komportable sa presensya nito. Bumalik siya kay Lilly.“Lilly, nagalit ata ang kuya mo. Pwede bang umalis na ako? Baka sabihin niya kabago-bago ko dito tapos nagmimihasa na ako...” nag-aalalang wika niya. Alam niya kung saan siya lulugar. Kahit mabait si Lilly sa kanya, ay amo pa rin ito ng nanay niya. Isa lang siyang anak ng katulong doon at wala siyang karapatang makihalubilo sa mga ito. She knows where she stands.“Let him get mad, Ate Rosabel. I get to decide kung sino ang gusto kong kasama maligo dito. As if naman hihigupin mo ang lahat ng tubig nito kung umaasta siya.”“P-pero pwede ba umiwas na lang tayo sa gulo kung pwede? Ayaw ko din naman maligo… pinipilit mo lang ako…” pagsisinungaling
“Ate, I heard from Mommy na dito ka na daw titira sa amin? Eeiiihhh! I’m very excited! Pwede bang doon ka ma-stay sa kwarto ko?”“Ahm… hindi pwede, Lilly. Baka pagalitan tayo ng Mommy mo… pupuntahan na lang kita doon palagi, okay?”“Okay, Ate… Sabi din pala ni Mommy kukuha ka daw ng mga gamit mo sa Baguio this Saturday? Pwede ba akong sumama?”“No, Lilly, you can’t join us!” agad na sabi niya.“Why, Kuya?”“Mababagot ka lang doon. Saka reklamador ka pa naman.” pagdadahilan niya, pero ang totoo ay gusto niyang masolo si Rosabel.“No, Kuya! Hindi ako mababagot kapag kasama ko si Ate Rosabel. Saka kung ayaw mo akong isama, magpapadrive na lang kami kay Manong Berting. Kami na lang ang pupunta ng Baguio to get her stuff.”“No... ako na ang magdrive” agad na sagot niya.“Sige, pero sasama ako!” may pinal na sagot ng kapatid niyang brat. She hates Lilly. Simula nang pinanganak ito at nahati na ang atensyon ng mga magulang nila sa kanya. Kompetensya ang tingin niya sa kapatid niya. Ngayon ay
"Tandaan mo ang sinabi ko, Gray! Kapag nalaman ko lang na pinabayaan mo si Rosabel sa school niyo, ay ikaw ang mananagot sa akin!" Matigas na paalala nito saka tumayo at naglakad papunta ng pinto.“And one more thing…” Sandaling tumigil ito at humarap sa kanya. “Samahan mo siya sa Baguio this weekend para kunin ang mga gamit niya doon. Ipag-drive mo siya para hindi na siya mag-bus pa.”“Mom, may practice kami ng basketball sa Sabado!”“Wala akong pakialam. Tatawagan ko lang si Coach at sasabihin na hindi ka makaka-practice. Mas importante ang inuutos ko sa’yo kaysa sa basketball mo. Dapat maging responsable ka na, at responsibilidad mo si Rosabel. Kung ayaw mong sabihin ko kay Coach na tanggalin ka sa team, ay gawin mo ang gusto ko.”Tumahimik siya. Bina-blackmail siya ng sarili niyang nanay. Muli siyang nito'ng tiningnan ng masama saka tuluyan nang lumabas ng kwarto.“Fuck!” sigaw niya saka hinampas ng malakas ang bola na nasa tabi niya.“Bakit ba kasi naisipan ng mommy niya na papun
GRAY'S POV:Sshhit! Mura niya sa isip habang papasok ng kwarto niya. Nakita na naman niya ang crush niyang anak ng katulong nila.Lihim siyang napangiti. So... Rosabel pala ang pangalan nya? Anak ito ng Yaya Cynthia nya. Paminsan-minsan ay pumupunta ito sa kanila kapag break nito sa school sa Baguio. Pero hindi pa niya ito nakakausap kahit minsan dahil ilag ito sa kanya. Kapag nakikita siya ay agad itong pumapasok sa kwarto o di kaya tumatago.Aaminin niyang nagagandahan siya sa dalaga. Kakaiba ang beauty nito kumpara sa mga babaeng naka-fling niya. Kahit morena ito, ay hindi naman magpapahuli ang ganda nito. Ayon sa mommy niya ay Black American daw ang tatay ni Rosabel, kaya ganoon na lang ang kulay ng skin tone nito.Kapag tinititigan niya ito, naaalala niya ang mga magagandang Black American na sina Beyoncé, Zendaya o Rihanna. Ganoon ang level ng ganda ni Rosabel. Dagdag pa na matangkad ito... mukhang namana sa ama nitong Black American. Payat lang si Rosabel pero mabibilog ang ba