Let's not talk about our problem guys, andito ka para sa engagement nyo ni Jonie pero ito kami ni James nagkukwento ng problema namin... sinisira namin ang mood mo." "It's ok guys, magkakaibigan tayo dito kaya tayo-tayo din ang magtutulungan. Anyway, sasama ba kayo sa akin sa friday?" Muling tanong nya. "Oo naman! kahit andoon si Bebe ay sasama ako." Wika ni James. "Ako din... kahit makikita ko si Fe at makokonsensya lang ako sa ginagawa ko sa kanya ay sasamahan pa din kita." sambit naman ni Clark. Ramdan nya ang stuggle ng mga kaibigan. Kahit alam nyang may sariling problema ang mga ito ay sasamahan pa din cya sa importateng bahagi ng buhay nya. "Thanks guys... Da best talaga kayo!" nakangiting wika nya. Pilit nyang pinapagaan ang bigat na nararamdaman ng mga kaibigan. "Handa ka na ba mag-propose?""I think so... matagal ko na itong pinaplano, naantala lang dahil sa kay Jack." "Ang importante ay okay na ang lahat ngayon." Tumango sya bilang pagsang-ayon. Tumagal pa sila doo
Maaga cyang nagising... nasa garden sya nagkakape. Ang planong nyang umalis ng maaga ay hindi na naman natuloy. Hindi cya makaligo at makapag bihis dahil andoon si Bebe sa kwarto nila. Ayaw nyang pumasok hangga't andoon ang dalaga. Maya-maya ay nakita nyang papalapit na ito sa kanya. Ganun pa din ang suot nito mula kagabi, mukhang kakagising lang din nito dahil papungay-pungay ang ang mga mata, basag ang buhok at pakamot-kamot pa ng ulo. Lumapit ito sa kanya. "Good morning kuya... andito ka pala?" Bati nito sa kanya saka nag timpla ng sariling kape. Hindi nya ito pinansin, tinitingnan nya lang ito ng diritso sa mata pero parang wala lang dito iyon. "Hindi ko alam kung bakit andoon ako natulog sa kwarto nyo kagabi, Kuya?" wala sa sariling tanong nito sa kanya. Naiinis cya sa sinabi nito. "Hindi mo ba naalala na lasing na lasing ka kagabi? Alam ba ni Jonie at nina Tita Beth at Tito Gregore ang pinag-gagawa mo dito sa Manila? Kung hindi pa ako umuwi dito ay hindi ko pa malalaman
"Thank you Melisa for trusting our company, baka gusto mong sumama sa amin sa rancho sa Pampanga? May party kaming gaganapin tomorrow and you're welcome to come with us!" "Really anong occassion?" "Well, uhm.. secret lang sana ito pero since friend ka na din namin ni Jonie, plano kong mag-propose kay Jonie tomorrow at gusto ko andoon ang mga pamilya at kaibigan namin." "Wow! Thank you for inviting me." malapad ang ngiti nito sa labi. "Don't worry Mel, I'll be there too... I will be your date!" Sabat ni Calvin sa usapan nila ni Melisa. "Sige your my date for tomorrow! hihihih..." "Great! So susunduin nalang kita dito bukas para sabay na tayong pumunta ng Pampanga?" nakangiting wika ni Calvin na tila kilig na kilig "Sure!" sagot naman ni Melisa. Nakikinig lang cya sa dalawa pero napapansin nyang may ibang ningning ang mata ng mga ito! Habang nag-uusap sila ay biglang nagring ang cellphone nya. Napa-taas sya ng kilay ng makitang si Bebe ang tumatawag. "Hello?" Diritsahang
"Hayaan mo na kuya. Paano kasi madaming nanliligaw sa akin dito sa school! Mabuti na yung ipagkalalat nila na may gwapo at mayaman akong boyfriend para tigilan na ako ng mga lalaki dito!" Pagdadahilan nito pero hindi cya kumbinsido. Madami naman lalaki jan na gustong magpanggap na maging boyfriend mo, bakit ako pa? Alam mo naman na asawa ako ng ate mo!" Gigil na gigil pa din cya. Ayaw nyang pagsalitaan ito ng masama pero umiinit ang ulo nya. Tinalikuran nya ito at nagpatiuna cyang naglakad papunta sa kotse nya. Nagmamadali naman itong habulin cya sa paglakad. Dahil sa haba ng biyas nya ay mahaba din ang hakbang nya. Nauna cyang pumasok sa kotse, dali-dali namang sumakay si Bebe sa passenger's seat. Napaka careless pa nito at nakitaan pa nya ito ng panty pagsakay! Ang iksi ba naman ng palda nito! Napapikit nalang sya sa katigasan ng ulo ng pinsan ni Jonie! Paano pala kung hindi nya ito sinundo eh di kung sino- sinong lalaki ang makakakita sa panty nito dahil napaka-careless nitong
I guess Bebe needs a psychiatrist, ASAP! Sasabihin nya kay Jonie ang lahat pag-uwi nila ng Pampanga. Isu-suggest nya asawa nya na ipatingin si Bebe sa espesyalista sa utak. Hindi na nya ito kinausap hanggang sa makarating na sila sa opisina. Nang maka-park na cya ay bumaba na cya. "Dito ka lang, hintayin mo lang ako dito at mabilis lang ako." bilin nya saka tumalikod na. Dali-dali cyang tumakbo sa eveletor na nakabukas na. Habang nasa elevator ay napapa-isip cya sa ginagawi ni Bebe, gusto man nyang tulungan ito pero hindi nya alam kung paano. Paminsan-minsan ay binabanggit nito ang tungkol sa kanya... parang nagpapahaging ito na may gusto si Bebe sa kanya. Hindi naman cya manhid sa ibig nitong iparating sa kanya pero hindi nya papatulan ang kabaliwan ni Bebe. Habang maaga pa ay dapat mapatingin na ito sa espesyalista sa utak! "Good afternoon Sir! Nagulat cya ng may nagsalita. Hindi nya napansin na nakabukas na pala ang elevator at may mga empleyado nang naghihintay na mapasok sa
Nagtulog-tulogan ito sa byahe pero ang mga hita nito ay nakabalandra sa harap nya. Ni hindi man lang ito nag-abalang takpan! Bitch! Sambit nya sa isip. Pilit nyang kinalma ang sarili at tinuon ang sarili sa pagdadrive. Pero hindi!... hindi nya papayagang mananalo si Bebe sa pang-aakit nito sa kanya! Graduate na cya sa mga ganoong bagay, kontento na cya sa buhay nya at si Jonie at mga anak nalang nya ang importante sa kanya. Hindi nya pwedeng patulan ito lalong-lalo pa na pinsan ito ni Jonie! Pero hindi pa din maitataggi na naapektuhan cya lalo pa't kamukha nito ang asawa nya. Damn! Muli cyang napamura sa isip. Pinaandar nya nalang ang radyo para madistract cya saka nagdrive ng mabilis para makarating sila agad ng bahay.Nang makarating na sila sa bahay ay nagulat din ang ibang mga tao doon kung bakit ganun ang itsura ni Bebe. "M-mam Bebe pwede pala kayong maging kambal ni Mam Jonie? Sa unang tingin ko sayo kanina ay hindi ko nahalata na ikaw pala yan?" Wika ng mayordoma nila. "Th
Nilagay nya ang cellphone sa side-table at pinatay ang lampshade. Pinikit nya ang mga mata at pinilit matulog kahit pa buhay na buhay ang diwa nya... hindi naman nagtagal ay nakatulog na cya.... Nasa kasarapan sya ng tulog ng may naramdamang may tumabi at humihimas na dibdib nya."Aaaahhm..." ungol nya na wari'y sarap na sarap sa mga kamay na humahaplos sa hubad na dibdib nya.Minulat nya ang mga mata ng bahagya... nagtatalo ang antok at libog sa kanya kaya hindi nya masyado maaninag ang babaeng nasa tabi nya.Dahil na din sa dilim ng paligid kaya anino lang nito ang nakikita nya. Tuluyan na nyang minulat ang mga mata... mula sa liwanag ng ilaw sa labas ay nakita nyang ang magandang mukha ng asawa. Napangiti cya ng malaman na si Jonie ang katabi nya. Hinaplos nya ito sa mukha pati sa buhok.. kahit madilim ay nakita nyang ngumiti ito sa kanya.. ngumiti din cya.Pumaibabaw ito sa kanya at umupo sa pagitan ng hita nya. Nagtama ang kanilang mga kaselanan. Kahit may mga suot pa silang da
Ingay ng telepono nya ang gumising sa kanya. Napangiwi cya dahil gusto pa nyang matulog. Hinayaan nya itong mag-ring hanggang sa magsawa ang tumatawag sa kanya pero parang wala itong planong tigilan ang ang cellphone nya. Balak pa ata cyang i-low bat nito. Kinapa nya iyon sa bulsa ay pinindot ang on-botton kahit pa hindi nya alam kung sino ang tumatawag.... nakapikit pa din ang mga mata nya. "Hello?" Walang ganang sagot nya, garagal pa ang boses nya. "Where are you kuya? Ang sabi ni manang ay maaga ka daw umalis? Paano naman ako pupunta sa Pampanga mamaya? Wala nga ako sasakyan di ba?" Napamulat cya ng mata ng nabosesan nyang si Bebe ang tumatawag. Napa-upo cya ng tuwid. "Ipapasundo nalang kita jan... may importante akong pinuntahan, didiritso na ako sa Pampanga mamaya dahil out of way na kung dadaanan pa kita." Pagsisinungaling nya dito. "Bakit hindi mo nalang ako ginising at sinama? wala na din naman akong gagawin ngayon dahil wala akong pasok sa school... andito lang ako sa
Natigilan siya bago sagutin ang tanong nito. "C-Clarkson." Yumukong sagot niya.Pinangalanan niya talaga ang anak niya ng ganoon para malapit sa pangalan ng ama nito. Hindi niya naman inakala na magkikita pa ulit sila ni Clark. Ang akala niya ay habang-buhay niya iyong matatago... Malay ba niya?!"What a nice name…" Nahihiyang ngumiti si Clark, na parang alam nito kung bakit iyon ang pinangalan niya sa anak nila."Wag mong isipin na kinuha ko iyon sa pangalan mo. Nagandahan ako sa pangalang Clarkson kaya 'yun ang pinangalan ko kay baby!" agad na sabi niya para matakpan ang pagkapahiya."Ah, wala naman akong sinabi… maganda nga eh." sambit din ni Clark. Tiningnan niya ito nang masama saka inirapan, pero hindi nito pinatulan ang pagsusuplada niya.Muling naputol ang kanilang pagiging awkward nang pumasok ang doktor kasama ang isang nurse na nakasunod sa likod nito."Hello, Ma'am Fe, kamusta ka na?" Bati ng doktor sa kanya. "Ipinapaalam ko lang po na maayos ang lahat ng resulta ng test k
Cindy and I separated… Mahina sabi nito.Nagulat siya. Paanong nangyari 'yun kung nakita pa niya itong nagpakasal sa babae? Simula nang ikinasal si Clark at Cindy, hindi na siya nakibalita sa dalawa. Kahit sa social media, kapag nakita niya ang litrato ni Clark at Cindy, hindi niya binabasa.Maging sa TV, kapag ang mga ito ang laman ng balita, nililipat agad niya. Maging ang mga pamilya niya ay supportive din sa kanya dahil ganoon din ang ginagawa nila. Tuluyan na siyang walang balita kay Clark at 'yun ang dahilan kung bakit hindi niya alam na naghiwalay na ang dalawa."Paanong…""Yeah, you heard it right. Magkahiwalay na kami ngayon. Inaayos ko ang papeles na mapawalang-bisa ang kasal namin.""B-bakit?""W-well… first, bukod sa hindi ko siya mahal, ay may relasyon sila ng bodyguard niyang si Kevin.""S-si Kevin?" Hindi makapaniwalang tanong niya. Kilala niya si Kevin dahil ito lagi ang kasa-kasama ni Cindy kahit saan ito magpunta."Yes. And I'm happy for them. Finally, nahanap na niy
Dahil sa nangyari sa anak niya, lalo silang tumagal sa ospital. Ayaw niyang iuwi ang anak niya dahil gusto niyang masiguradong maayos ang lagay nito. Humingi na rin ng pasensya ang ospital at nangakong hindi na mauulit ang nangyari kaya hindi na niya kakasuhan ang ospital.Habang nasa ospital siya, si Jonie muna ang nagma-manage ng bagong resort nila. Hindi ito pwedeng pabayaan dahil kahit kakabukas pa lang ng resort nila ay palaging puno iyon. Sa katunayan, fully booked na ang buong buwan nila sa mga nagpareserba para sa kasal at debut, bukod pa sa mga walk-in nilang customers.Kahit paano ay masaya siya dahil nagbunga ang pagod niya sa resort at hindi niya magagawa ang lahat ng iyon kung hindi dahil sa tulong ni Callum, na laging sumusuporta sa kanya noon.Naalala niya ang dating nobyo. Naasikaso na ni James ang pag-cremate sa bangkay nito para abo na lang ang iuuwi ni Victoria sa Scotland. Naawa siya para kay Victoria, alam niyang sobrang sakit para dito ang mawalan ng asawa. Kung
"Babe! Babe! Wake up!" narinig niyang sambit ni Clark sabay alog sa balikat niya. Agad naman siyang nagising."Where is my baby?" agad na tanong niya nang magising siya. "Binalik na siya ni Callum sa akin. Nasaan na ang anak ko?" Kanina lang ay hawak-hawak niya iyon sa panaginip niya.Nagkatinginan muna ang mga taong naroon sa kwarto niya."Nanaginip ka lang, babe. Pero huwag kang mag-alala... Sandali na lang at makikita na natin si baby. Marami ang tumutulong sa atin...""Pero nangako si Callum na ibabalik na niya ang anak ko!"Ngumiti nang tipid si Clark, tila pinapanatag ang sarili niya. Pero baka ang nasa isip ng mga ito ay nababaliw na siya.Pero hindi siya maaaring magkamali. Nakausap niya si Callum at tama ang pagkakaintindi niya... Babalik si baby... Babalik ang anak niya!Naputol ang kanyang pag-iisip nang nag-ring ang cellphone ni Clark. Nabaling ang atensyon ng lahat kay Clark."It’s an unidentified number..." anunsyo ni Clark."Answer it! Baka may koneksyon ‘yan sa paghaha
"Kayo!" sigaw niya sa doktor. "Idedemanda ko kayo! Pinabayaan niyo ang anak kong makuha ni Callum! Huhuhu...""Babe... babe... calm down. Hindi ako titigil hangga't hindi makikita ang anak natin..." umiiyak na din niyakap siya ni Clark."Clark... huhuhu... hanapin mo ang anak ko. Maawa ka, hanapin mo siya, huhuhu..." Pagmamakaawa niya sa dating nobyo. Mamamatay siya kapag nawala o kung ano ang mangyari sa anak niya. Iniisip pa lang niya ay parang pinipiga na ang puso niya. Di bale nang siya na lang ang masaktan, huwag lang ang anak niyang wala pang muwang sa mundo.Nilapitan siya ng doktor at may tinurok sa kanya kung ano."No! No! Huwag niyo akong patulugin! Hahanapin ko ang anak ko!" sigaw niya sa doktor."Babe... mag-relax ka lang. Hindi pa kaya ng katawan mo. Kami na ang maghahanap sa anak natin. Pinapangako ko sa'yo, hindi ako titigil hangga't hindi siya mahahanap."Maya-maya, kumalma na siya. Malamang ay nag-take effect na ang gamot sa katawan niya. Lumuluhang tinitigan niya si
**********FE'S POV:N-Nay…"A-anak, gising ka na pala?" Agad siyang pinuntahan ng nanay niya sa kanyang kama. Nakita niyang andoon din si Bebe at Jonie na agad lumapit sa kanya, hinawakan ni Jonie ang kamay niya."Bestie... salamat naman at gising ka na..." malungkot na wika nito.Tiningnan niya ang mga mukha ng nakapalibot sa kanya... parang iisa ang pinapahiwatig ng mga ito. Parang may bumabagabag sa kanila na hindi niya maintindihan.Nilibot niya ang paningin sa paligid. Sila lang ang naroon. Wala si Ken, si James, si Callum, at si Clark. Nasaan ang mga lalaki?Naalala niya bago siya nawalan ng ulirat ay dumating si Clark at pinangako nito na sa pagising niya ay mukha nito ang makikita niya... Umasa siya... Pero wala ang lalaki doon.Kahit yun man lang ay hindi pa din maibigay ni Clark ang pangako nito? Muling umasa na naman ang puso niya."May nararamdaman ka ba, anak? Bakit tahimik ka?""Nasaan si Callum, Nay?" Si Callum ang hinanap niya, imbes na si Clark. Naalala niyang nanggu
"Callum... May sarili kang pamilya, di ba? Bakit hindi sila ang alagaan mo? Di ka ba naaawa sa anak mo? May sarili kang anak pero ang anak namin ni Fe ang pinupuntirya mo? Sumuko ka na bago pa mahuli ang lahat, Callum. Kung mapatay mo man ako ngayon dito, hindi ka rin makakatakas sa mga awtoridad. May isang milyong nakapatong sa ulo mo. Marami ang maghahangad na mapatay ka!... Bumalik ka na sa Scotland kasama ang asawa mo at mamuhay ng tahimik," mahabang litanya niya kay Callum."Hindi mo ako kailangang diktahan, Clark! Alam ko ang ginagawa ko, at hindi ako magiging masaya hangga't hindi ako makakabawi sa'yo!" sigaw nito saka biglang bumunot ng kung ano sa bewang.Pero bago pa man iyon mangyari, isang malaking kahoy ang tumama sa likod ni Callum."Agghh!" sigaw ni Callum sa sakit. Napahiga ito sa sahig."Callum, sumuko ka na! Itigil mo na ang kalokohang ito!" sigaw ni Ken. Bigla siyang nagkaroon ng pag-asa nang makita ang mga kaibigan. Si Ken ay may hawak na dos por dos sakaling makab
**********CLARK'S POV:"Anong sabi?"Tanong ni Ken nang tumawag si Callum. "Magkita daw kami at magtutuos..." malungkot na wika niya."Wag kang pumunta, Clark! Alam mo ang kapasidad ni Callum. Baka saktan ka niya." sabat ni Jonie"Pero wala akong magagawa dahil hawak niya ang anak ko! Kung di naman ako pupunta, baka di ko na makita ang anak namin ni Fe. Kailangan kong maibalik ang bata kay Fe... She's gonna be devastated." tila nawawalan na cya ng pag-asa."Magdala ka ng mga pulis... O di kaya sasamahan ka namin! Siguradong sasaktan ni Callum!" si James naman ang nag salita. Umiiling siya. "No!... Aalis akong mag-isa. Ayaw kong ilagay sa kapahamakan ang mga kaibigan ko. Kung gusto niya akong patayin, tatanggapin ko. Total, wala na rin naman silbi ang buhay ko. Wala na akong ginawang tama. Malamang ito na ang kabayaran sa lahat ng pagkakasala ko kay Fe." maluha-luhang sambit nya. Mukhang doon na nga sila magtatapos. "Mapapatawad na siguro niya ako kapag naibalik ko ang anak namin sa
"Alagaan mo muna hangga't hindi ako makakabalik.""Bakit? Callum, why are you doing this?" humihikbing wika nito. "Alam mo bang may reward na isang milyon ang sinumang makahanap sa'yo? Sumuko ka na lang, Callum, at magbagong buhay na tayo sa Scotland kasama ang mga anak natin.""Wag ka nang madaming tanong!" Kumuha siya ng tig-lilibong pera at ibinigay iyon kay Victoria."Babalik ako. Alagaan mo ang bata, kundi ikaw ang mananagot sa akin!" sigaw niya.Agad itong napahawak sa tiyan at umupo sa kama habang hiid binibitawan ang anak ni Fe at Clark.. Alam niyang buntis din si Victoria."Di mo ba talaga ako kayang mahalin, Callum?" umiiyak na wika nito. Tila lumambot naman ang puso niya kay Victoria."Lagi mo sinasabi na wala akong kwentang babae, dahil palamunin lang ako sayo pero hindi mo ba naiisip na inaalagaan ko ang anak mo kaya di ako makapagtrabaho? Nag-iisa lang ako doon at walang pamilya. How do you expect me to work?"Di siya nakapagsalita. Ngayon niya lang narinig ang rason ni