"Ateee!" Nagulat cya sa pagsigaw ni Bebe... tumatakbo ito palapit sa kanya. Hindi nya pala ito nabisita sa kwarto nito kanina. Si gray kasi ang nasa isip nya kaya nakalimutan nya si Bebe. Malaki din ang ngiting sinalubong nya sa pinsan. Sinalubong nya ito ng yakap. "Be! kamusta ka na?""I'm okay ate... medyo boring sa US dahil wala kayo doon ni Fe. Bakit kasi iniwan nya ako doon?" nagtatampong wika nito "Syempre para may kasama si Mama! Alangan naman iwan natin cya doon na mag-isa?" Pilosopong sambit nya."Sabagay, okay na din dahil kalaro ko naman si Gray... parang ako na nga ang nanay nya eh! hihhihi...""Hay naku! Ang dami ng nanay ng anak ko! Kapag si Mama ang may hawak kay Gray parang ayaw din ibigay sa akin!" sya naman ang nag-kwento na tila nagtatampo. "Pasalamat ka nga at madaming nagmamahal sa anak mo! Ang cute naman talaga kasi ni Gray... kamukhang-kamuha ng Daddy nya hahaha""Shhhh! shut your mouth! baka may makarining sayo!" Saway nya dito. "Syempre, ipinagpasalamat ko
Paglabas nila ng kwarto nya ay sabay-sabay na silang naglakad na tatlo papunta sa garden kung saan ang party. Malapad ang garden nila kaya doon lagi ang salo-salo sa tuwing gustong magpa party ng Papa nya. Malayo pa ang ay nakita na nya si William na parang natameme sa ganda nya. Tinaasan nya ito ng kilay pero hindi nito pinansin ang pagsusuplada nya. Dahan-dahan itong naglakad ito palapit sa kanya. "Your so beautiful Jonie..." wika nito saka kinuha ang kamay nya at hinalikan iyon. Aagawin nya sana iyon pero hindi nito binitwan ang kamay nya. Nagpa-ubaya nalang cya para hindi ito mapahiya... nasa kanila pa naman ang tingin ng Papa nya! Naiirita na cya sa kapangahasan ni William. Ilang beses nya ba dapat sabihin dito na hindi nya ito gusto at kaibigan lang ang tanging maiaalay nya dito?Nakayuko cya habang naglalakad silang magkahawak kamay ni William. Ngiting- ngiti naman ito sa mga bisita. Feel na feel nito maging nobyo nya kung sakali. Hindi pa man ay umaakto na itong nobyo nya...
Lalong naging awkward ang sitwasyon, napa yuko nalang cya. ayaw nyang salubungin ang mga tingin ng mag-ama sa kanya. Napa hinga lang cya ng maluwag ng makitang papalapit ng Mama nya sa kumpulan nila.. bigla cyang napangiti dahil ma-divert na ang atensyon ng mga ito at mabaling sa mama nya... masayado na kasing awkward na halos hindi na sya makahinga! "Hi love!...." wika ng Papa nya habang sinalubong ng yakap ang asawa.. "Join us here!" sambit ng papa nya sa asawa. Malapad naman ang ngiti ng Mama nyang niyakap din pabalik ang Papa nya... mapapa sana all ka nalang talaga sa dalawa! Kitang-kita nya sa Papa nya na mahal na mahal nito ang mama nya. Ang mama nya naman ay hindi rin maikakaila na masaya.... kitang-kita iyon sa mukha nito. Nakapa elegante ng mama nya sa suot nitong white dress backless! Kahit may edad na ito ay nakuha pa nitong mag backless... may ibubuga pa ang Mama nya. Sa katunayan ay nagmumukha nalang cyang kapatid nito tuwing magkasama sila. Lagi ba naman ito sa par
Bigla cyang kinabahan... di kaya si Ken iyon? Pero ano naman ang gagawin ni Ken sa labas? Andon lang yun kanina sa table ng mga magulang nya at Papa nito... bakit sabi ng mga yaya ay nasa labas daw ito at parang hinihintay cya? Ang party ay nasa labas... anong ginagawa nito sa loob ng bahay nila? Baka naman nagkamali lang ang mga yaya. Inayos nya muli ang sarili at naglakad papuntang pinto at lumabas doon...At sa kanyang pagkagulat ay andoon nga si Ken na naag hihintay sa kanya! Nakasandig ito sa pader sa tabi ng pinto ng kwarto ni Gray. Bigla cyang kinabahan... di kaya alam na nito ang tungkol kay Gray? Bakit cya nito sinundan doon? Hindi ba ito natatakot na may makakita dito?Pagkakita nito sa kanya ay bigla cya nitong hinablot sa kamay at hinatak papasok sa isang bakanteng kwarto "Ouch!!!... Nasasaktan ako!" Pasigaw na reklamo nya pero parang wala itong narinig mula sa kanya. Pagkasarado nito ng pinto ay pabalang sya nito na pinako sa pader. Napangiwi cya sa sakit, parang wal
Kinalma nya ang sarili... pinahid nya ang mga luha. Hindi cya magpapatalo kay Ken! Porke't nakakalakad na ito ay bumalik na naman ang ugali nitong mapanakit sa kanya? Sana hindi nya nalang ito tinulungang makalakad... nagkamali cya!Inayos nya ang damit na nasira ni Ken... masakit pa din ang pulsuhan nya dahil sa higpit ng pagkakahawak nito sa kanya kanina. Kitang-kita nya ang galit sa mga mata nito... kung pwede lang ay baka napatay na cya nito kanina. Muntik pa nga sya matamaan ng suntok nito... mabuti nalang at sa pader iyon dumapo.Lumabas cya ng kwartong iyo at lumipat sa kwarto nya. Mag-aayos cya ng sarili, magpapalit ulit cya ng damit na hindi kita ang pamumula sa kamay nya saka maglalagay ulit ng make-up na hindi mapapansing kakagaling lang nya sa pag-iyak. Humanda ka Kenneth Enriquez! Hindi cya si Jonie Miller para lang saktan ng kung sinong lalaki! Baka nakakalimutan nitong makapangyarihan din cya?.. kaya nya itong patumbahin with a snap of her hands! Gaganti cya... hindi
"Okay, since your already here anak, we'll talk about business." Sambit ng Papa nya. "Since magaling na si Ken at nakakalakad na ay ipagkatiwala ko na sa inyong dalawa ang Miller Steel. Bukas na bukas din ay aalis kami papuntang Pampanga ni Gilbert dahil doon muna kami ng mama mo sa rancho na binili namin.. kailangan ng Mama mo ipaayos iyon.""I think hindi ko na kailangan ng katulong sa pag patakbo ng Miller Steel dad... kaya ko naman yun! Anjan naman si Fe na katulong ko. Maybe Ken needs to rest more dahil hindi pa cya lubusang magaling." Pasimpleng pag-salungat nya sa sinabi ng Papa nya. Ayaw nyang makatrabaho si Ken at makasama sa isang building. "Ano ang akala mo sa akin Jonie, mahina? You think hindi ko kaya? Baka nakakalimutan mo ako ang boss mo bago ka pa man napunta sa kung saan ka ngayon?" Tahasang pang-iinsultong wika nito sa kanya. Hindi ito nakatakot kahit pa nasa harap nila ang Mama at Papa nya. "Oo nga pala, nakalimutan ko... pero ako na ang boss ngayun Ken... so ako
**************KEN:Nakatingin nalang sila sa paalis na si Jonie... bigla cyang na konsensya sa ginawa nya kay Jonie... hindi nya akalain na masasaktan nya na naman ito. Dalawang beses na nya itong nasaktan ng pisikal! Nung una ay nasampal nya ito sa condo noong nagsisimula palang silang mag live-in... at ang pangalawa ay ngayon! Hindi nya na-control ang sarili at napalakas ang pag hawak nya kanina kay Jonie kaya gann nalang ang pag pasa nito. "Did you do that to Jonie, Ken?" diritsahang tanong ni Clark sa kanya ng tuluyan ng naka-alis si Jonie. Tiningnan nya lang ito habang papalayo... gusto nya mang sundan ito pero hindi nya ginawa. "Ken!" Muling pukaw nito sa kanya."Yes, I did that and she deserves it!" Sambit nya. Wala cyang pakialam kung magalit man sa kanya ang mga kaibigan nila... galit din cya! "What is wrong with you man!" May kakayahan ka nang manakit ng babae? Hindi ganyang ang pagkakilala namin sayo!" Galit na wika ni Clark. Hindi makapaniwala ang mga ito na nagawa
"Napakasama mo Jonie!... pinaasa mo lang ako huhuhu!..." gumagulgol cya habang hawak ng manibela. paminsan minsan ay sinusuntok nya ito... tila doon nya binubuhos ng sakit na nararamdaman.Hinayaan nya ang sariling umiyak ng umiyak.. hindi sya aalis doon hangga't hindi nya mauubos ang luha. baka kasi madisgrasya na naman cya habang nagda-drive. Ayaw na nyang mangyari iyon. Kung mangyari man iyon ay sana diritsong patay na cya ng sa ganun ay hindi na cya mahirapan pa!Huminga cya ng malalim, kinalma nya ang sarili... akmang papaandarin nya na ang makina ng kotse ng makita nya si Jonie sa bintana mula sa isa sa mga kwarto doon sa bahay. Nasa likod ng bahagi cya ng bahay naka park kaya hindi nito alam na andoon cya. Nakapatay din kasi ang ilaw ng kotse nya, walang nakaka-alam na andoon sya sa loob ng kotse nya. Pinagmasdan nya ng asawa, hindi pa ito nakabihis ng damit, naka black long sleeve dress pa din ito na halos luwa nag ang boobs nito. Sa totoo lang ay napakaganda talaga nito sa s
'Iho... ang pinakaimportante ngayon ay mahanap natin si Tyler. Kapag nakita na siya ay saka natin harapin ang iba pang mga problema. Kung talagang mahal mo ang mag-ina mo ay ipakita mo sa kanila at ipaglaban mo ang pamilya mo." Tumango siya at tila nabuhayan ng pag-asa, nagpapasalamat siya at andiyan palagi ang mommy niya na nakasuporta sa kanya. Kinuha niya ang telepono at tinawagan ang isang kaibigan na imbestigador. Bakit nga ba hindi niya naisip 'yun dati pa? Napuno kasi ng pag-aalala ang utak niya sa anak at hindi niya naisip na tawagan ang kaibigang imbestigador. "Hello, bro." Bungad niya ng sagutin ni Froilan ang tawag niya. "What up, bro?" "I need your help. Kinidnap ang anak ko ni Amber Moray." "What? Was she supposed to be in a mental facility?" "Yes, pero nakatakas siya at kinidnap niya ang anak ko." "Damn!" mura ni Froilan nang marinig ang kwento niya. "Bigyan mo ako ng detalye at ng mapag-aralan ko ang kaso niya. Hihingi ako ng tulong sa mga kaibigan kong imbestig
"Tumahan ka, Evelyn! Hindi makakatulong ang pag-iyak mo. Ang dapat nating isipin ay kung ano ang gagawin para lalo mapabilis ang paghanap sa baliw na Amber na 'yun at sa apo natin!" matigas na wika ni Tita Beth. Sandaling tumigil ang mommy niya sa pag-iyak. Nagpunas ito ng mga luha bago magsalita. "Tama ka, Beth. Magbabayad ang babaeng 'yun kapag nahuli natin siya. Sisiguraduhin kong liliit ang mundo niya. Hindi na siya makakalabas pa ng kulungan!" galit din na wika ng mommy niya. "Iho, tawagan mo ang mga magulang ni Amber. Gusto ko silang makausap." utos ng mommy niya. Kinuha niya ang cellphone at dinayal ang number ni Leo Moray, ang ama ni Amber. "Iho, kamusta? Napatawag ka?" Sa tono ng pagsagot nito, parang wala itong alam sa mga nangyayari. "Mom wants to talk to you..." sambit niya saka pinasa ang telepono sa mommy niya. "Leo! Where is your daughter?" galit na sabi ng mommy nya "What do you mean where is my daughter? Di ba nasa mental facility siya?" "Nakatakas siya at k
Napabuntong-hininga na lang siya... "Officer, ano po ang pakay niyo? Bakit kayo pumunta dito?" tanong ni Bebe sa mga pulis. "Ipapaalam lang po namin na nakita na namin si Shiela, ang private nurse ng anak niyo." "Huh? Saan niyo siya nakita? Nakita niyo din ba ang anak ko? Nahuli niya ba siya?" sunod-sunod na tanong ni Bebe. "Ikinalulungkot ko pong ibalita na wala nang buhay si Shiela nang matagpuan namin sa bangin. May saksak siya sa tagiliran, at mukhang doon ginawa ang krimen para hindi mahanap kaagad. Ang hinala po namin ay si Amber ang may gawa nun sa nurse." "Diyos kooo! Huhuhuh... si Tyler... saan na naman si Tyler? Baka wala na din buhay ang anak ko katulad ni Shiela, huhuhu..." hagulgol ni Bebe. Maging siya ay humagulhol na rin. Hindi niya lubos maisip na wala na ang anak nila. "Hindi pa naman tayo sigurado, Madam Beverly. Wala po kaming nakitang ibang katawan doon bukod kay Shiela. May posibilidad na buhay pa ang anak niyo at kasama ni Amber ngayon sa pagtatago." "Plea
******************JAMES' POV:Awang-awa na siya kay Bebe. Nasa kwarto na lang ito at nakatulala, minsan ay bigla na lang itong iiyak. Magda-dalawang linggo na pero hindi pa rin nila nakikita si Amber at ang anak nilang si Tyler. Maging siya ay napanghihinaan na rin ng loob pero kailangan niyang magpakalakas para kay Bebe. Kung magpapakita siyang kahinaan, ano na lang ang mangyayari sa kanilang dalawa?Nakakalabas na rin ang mommy niya sa ospital. Kinuwento nito na si Shilea na private nurse ni Tyler nga ang may gawa kung bakit ito nawalan ng malay sa garden. Pinainom daw ito ng inumin na may pampatulog kaya ito nawalan ng malay para maitakas si Tyler.Mabuti na lang at nakita ni Logan na nakabulagta si Mommy sa garden, pero wala na si Shiela at si Tyler. May sumundo daw dito na isang puting kotse na ang hinala nila ay si Amber. Napagplanuhan talaga ng dalawa ang gagawin para makidnap si Tyler. Tamang-tama naman sa araw na iyon na wala sila ni Bebe, at pinagsisisihan niya iyon dahil h
Nanlilisik ang mga mata niyang tinititigan si Shiela na wala nang buhay sa ibaba ng bangin.Nang masiguradong wala na itong buhay ay muli siyang sumakay sa kotse. Mabuti na lang at tulog pa ang anak ni Beverly at James, hindi siya mahihirapan sa pagmamaneho.Bilib din naman siya sa batang ito at hindi naman ito sakit sa ulo. Tulog lang ito nang tulog, di tulad ng ibang baby na iyak nang iyak.Pinaandar niya ang kotse at iniwan doon si Shiela. Kailangan niyang makaalis agad doon. Kahit pa alam niyang walang makakakita sa kanya dahil masukal ang daan ay mabuti na yung sigurado.Tiningnan niya ang nasa front seat na mga gamit ni Tyler. Kumpleto naman doon... andoon na ang mga diaper at gatas nito. May mga damit na rin na pamalit si Tyler. Napangiti siya, kahit papaano ay concerned naman pala si Shiela kay Tyler. Kung siya lang kasi ay hindi niya ma-iisip na dalhan ng gamit ang batang kinidnap niya.Mga isang oras pa siyang nag-drive papunta sa bahay-bakasyunan niya. Sinigurado niyang mal
****************AMBER'S POV:Napangiti siya habang nagkakagulo na ngayon sa palasyo. Nasa likod siya ng kotse, hawak ang anak ni James at Beverly habang si Shiela ang nagda-drive ng get-away car nila."Good job, Shiela. May bonus ka sa akin mamaya." wika niya sa private nurse niya sa facility na binabayaran para tulungan siyang ilabas doon.Napangisi ito sa sinabi niya. "Salamat, Mam Amber. Pag nakuha ko na ang pera ay aalis na ako dito sa Scotland at magpakalayo-layo."Lihim siyang napangisi. Mukhang pera ang babaeng ito kaya nauto niya nang maigi. Tinapalan niya lang ito ng pera at bumigay na kaagad.Hindi naman kasi siya baliw. Nagbaliw-baliwan lang siya noong ikukulong na dapat siya dahil sa ginawa niyang panloloko sa mga Blacksmith.Mas gugustuhin niyang malagay sa mental facility kaysa sa kulungan. Mahirap na kapag sa kulungan... sa ganda niyang iyon ay baka pagpasa-pasahan pa siya ng mga pulis. Noon pa man ay nakikita na niya ang mga titig ng mga pulis sa kanya noong kasama n
"O-opo... Shiela po ang name ng nurse namin na kasabwat ni Miss Amber dito." Nakayukong sagot ng nurse. Ayaw nitong salubungin ang mga tingin nila samantalang ang director ay tahimik lang. "James... di kaya ang Shiela na tinutukoy nila ay ang Shiela na private nurse ni Tyler ngayon?" kinakabahan siya na posibleng tama ang hinala niya. Kanina pa siya hindi mapakali."It's impossible, sweetheart! Hindi kukuha si Mommy ng may kriminal record!"Hindi niya pinansin si James at binalingan ang director. "May picture ba kayo ng sinasabi niyong Shiela?""Opo, Ma'am. Teka lang po, hahanapin ko..." ang sekretarya ang sumagot saka hinanap ang record nito sa computer. Natutulala nalang ang direktor na parang natatakot sa anong posibleng mangyari sa facility nila. "Oh my God!" gulat na wika niya nang makumpirmang ang Shiela na tumulong kay Amber para makalabas sa facility at ang Shiela na private nurse ni Tyler ngayon ay iisa."James, huhuhuh... baka kung ano ang mangyari kay Tyler... we have to
"Mom, ikaw na ang bahala kay Tyler ha. Babalik din kami kaagad." paalam nila kay Mommy Evelyn matapos silang maggayat at paalis na. Dinaanan muna nila ito sa garden kung saan naroon ang mag lola."Sure, mga anak. Andito naman si Shiela para tulungan ako."Bigla siyang napatingin kay Shiela. Bakit parang may iba na siyang pakiramdam para sa nurse? Dati ay nagpapasalamat siya dito sa pag-aalaga sa anak niya, pero bakit ngayon parang ayaw na niyang ilapit si Tyler sa private nurse nito?"Wag po kayong mag-alala, Ma'am Beverly. Mag-enjoy lang po kayo sa pupuntahan ninyo. Walang mangyayaring masama kay Tyler dito." Ngumiti ito sa kanya na parang may ibig sabihin. Hindi niya mawari kung ano ang ibig sabihin ng mga ngiting iyon."Let's go, sweetie. Alis na tayo para makabalik na tayo kaagad." aya ni James sa kanya. Hinawakan pa sya nito sa kamay papunta sa kotse na gagamitin nila. "S-sure..." sagot niya, pero hindi inaalis ang tingin kay Shiela. Masama talaga ang pakiramdam niya tungkol sa
"What happened?" nagtatanong itong nagtaka. Tumayo siya at sinalubong ito, buhat pa rin niya si Tyler. Ayaw niyang bitawan ang anak niya. Mas safe si Tyler kung nasa bisig niya. "James.. nakita ko si Amber sa labas ng bahay kanina..." "Huh? Nanaginip ka ba, sweetheart?" "No! Totoo ang sinasabi ko. Nakita ko siya kanina sa labas ng madaling araw. Nakatingin siya dito sa bahay!" "Pero imposible 'yun dahil nasa mental facility na siya at imposible na siyang makalabas doon. Sinigurado sa akin 'yun ng taga facility." "Basta hindi ako mapakali. Hindi ako maaaring magkamali sa nakita ko!" Nag-huhuramentado na siya. Hindi niya alam kung paano ipaliwanag kay James na sigurado siya sa nakita niya. "Shhh... relax, honey..." wika nito, saka niyakap siya. "Mamaya, pagsinag ng araw, ay sisiguraduhin nating 'yan. Pupuntahan natin si Amber sa facility kung nakalabas nga siya o wala. Dumito muna kayo ni Tyler habang madilim pa ang paligid." Tumango siya at lumapit sa kama. Nilapag niya ang a