“WHERE is lolo, Manang?” tanong ko sa kasambahay ng Lolo Amadeo nang makapasok ako sa sala.
It’s Sunday and I don’t have work, so I decide to come here to the mansion to visit my grandpa.Actually, I rarely come here because there’s someone in the mansion I don’t want to run into. So sometimes I make excuses when Grandpa asks me to come here, so he doesn’t feel bad.“Nasa kuwarto pa po, Señorita. Tatawagin ko po ba?” tanong nito.“Yes, please. Thank you, Manang.”Naglakad ako agad papunta sa lanai para doon ko na lang hintayin si lolo. But even before I got there, I saw Selena, ang babaeng pinakaayaw kong makita kaya hindi ako madalas nagpupunta rito sa mansion. Malayo pa man ako ay nakataas na ang kilay nito habang nakatingin sa akin.She stood up and made her way to the door of the lanai. Standing in the middle, she crossed her arms over her chest.“What are you doing here, Jass Anne?” tanong nito at tiningnan ako mula ulo hanggang paa.“You’re not the one I meant to come here, so stop asking. You don’t care kung ano ang ginagawa ko rito, Selena,” mataray na sabi ko rin dito.Ugh! I really hate this girl. Ever since then, when we were little, hindi na talaga kami magkasunod dahil sa panget nitong ugali. Lagi pang pabida. She doesn’t like me coming here to the mansion. Pero kung tutuusin, I’m the one with the right to live here dahil sa aming dalawa, ako ang totoong Del Cuerpo. Because her father, Tito Miguel, is not lolo’s biological son. Pero kung makaasta ang babaeng ito, it’s like she has Del Cuerpo’s blood running through her veins.Ang kapal ng pagmumukha!“This is my house, so I have the right to know kung bakit may ibang tao ang pumapasok dito nang hindi ko alam at walang permiso galing sa akin.”Tumawa ako nang pagak at pinaikot ko ang mga mata ko. Tinaasan ko rin ito ng isang kilay.“You’re still the same, Selena. Hindi ka na talaga magbabago. Hindi ka pa rin nagigising sa panaginip mo.”Magsasalita na sana ito, pero may bigla namang nagsalita mula sa likuran ko.“Jass Anne, hija! You’re here.”Nang malingunan ko si Tito Miguel, ngumiti ako rito. Though hindi totoong kapatid ni papa si Tito Miguel, mabait naman ito sa akin. Sadyang itong si Selena lang ang panget ang ugali. Mana sa mama nitong m*****a.“How are you, hija?” tanong ni tito at pagkuwa’y niyakap ako at hinalikan sa magkabilang pisngi ko.“I’m fine po, tito. Kayo po?”“I’m good,” sagot nito. “Where is Mary Ann? Hindi ba siya sumama rito?”Umiling ako. “No, tito. Ako lang po ang nagpunta rito. I just want to visit lolo.”“Oh, tamang-tama. Kahapon ay panay ang banggit niya sa pangalan mo. Gusto ka raw niyang makita. Ilang linggo ka na kasing hindi pumapasyal dito.”“E alam naman kasi niyang hindi siya welcome rito sa bahay kaya hindi siya nagpupunta.”“Selena!” saway ni Tito Miguel sa anak nito.Napapailing na ngumiti na lamang ako nang mapakla kay Selena nang tapunan ko ito ng tingin.“What? I’m just telling the truth, tapa,” wika nito. “Hindi talaga welcome rito sa mansion si Jass Anne. Alam mo naman ’yon. Lalo na noong nabubuhay pa si lola.” Inismiran ako nito.Lihim naman akong nagbuntong hininga. Well, nang nabubuhay pa si lola, ayaw talaga sa akin ng abuela ko, lalo na kay mama. That’s why I use Gomez as my last name, because mama and papa are not married. Because my grandmother didn’t allow that to happen before. That’s also the reason I don’t want to come here to the mansion, kasi ayaw talaga sa akin ng lola ko. Nagagawi lang ako rito kapag may okasyon. Kagaya sa birthday ni papa, or ni Lolo Amadeo. Hindi kasi puwedeng hindi ako magpupunta rito. Kabaliktaran kasi kay lola, tanggap na tanggap naman ako ni lolo bilang apo nito.“Oh, my favorite, apo!”I turned behind me when I heard lolo’s voice. And when I saw his wide smile, I hurried to him and greeted him with a tight hug.“Hi, lolo. How are you po?” tanong ko at hinalikan ko ang magkabilang pisngi nito.Hinawakan naman nito ang kamay ko. “I missed you,” sabi nito. “Nagtatampo ako sa ’yo. Ngayon mo lang ako dinalaw rito.”I hugged his arm and gently leaned my head on his shoulder. “I’m sorry, lolo. I’m just busy with my work.”“Ano ba ang trabaho mo ngayon? I thought since you sold APC, you will never work again?”Banayad akong nagpakawala nang buntong hininga saka iginiya si lolo palabas sa lanai para doon kami mag-usap. Nahagip naman ng paningin ko si Selena na masama na naman ang tingin sa akin. Paano naman kasi, when it comes to lolo, I’m always the winner between the two of us. Lolo loves me more than her.“Ang batang ito talaga! Matagal na kitang inaalok na sa kumpanya magtrabaho, pero hindi mo ako pinagbibigyan. Sa iba ka tuloy nagtatrabaho ngayon.”Inalalayan ko itong makaupo sa mahabang sofa saka ako tumabi rito. “Lolo, alam mo naman po na ayokong nagagalit sa akin si lola.”“But your lola passed away a long time ago, apo. Hanggang ngayon ba naman ay nagtatampo ka pa rin sa kaniya?”Banayad akong nagbuntong hininga ulit at tipid na ngumiti. Pagkatapos at muling hinawakan ni lolo ang palad ko at tinapik iyon bago dinala sa tapat ng dibdib nito.“Alam mong mahal ka rin ng lola mo, Jass Anne. Hindi niya lang masabi sa ’yo ’yon noon, kasi nahihiya siya sa ’yo. Dahil mas inuna niya ang galit niya sa inyo ng mama mo.”“I know that po, lolo,” sabi ko. “And I also love lola even though she often scolded me.” Natawa ako nang bahagya.“Bakit pala hindi sumama rito ang mama mo?” tanong nito.“Busy po siya.”“I know she’s not. Lagi naman ganiyan ang dahilan ng mama mo noon pa man,” wika nito. “Well, any way. Mabuti at pumasyal ka rito ngayon. Kahapon pa kita naiisip at gustong tawagan para papuntahin dito sa bahay. I really missed you, sweetheart,” dagdag pa ni lolo at masuyong hinaplos ang pisngi ko habang may matamis na ngiti sa mga labi nito.Oh! He’s so sweet. Kaya mahal na mahal ko ang abuelo ko.Matamis akong ngumiti. “And I missed you too po, lolo,” sabi ko at hinalikan ito sa pisngi. “Sorry po kung minsan na lang po ako magpunta rito para dalawin ka.”“I understand. Lalo pa ngayon na may trabaho ka na pala.”“Don’t worry, when I have free time again next Sunday, I will come here. Um, I have someone to introduce to you.”Biglang nagsalubong ang mga kilay ni lolo at napatitig sa akin. Pero mayamaya, muli itong ngumiti.“Let me guess... Ipapakilala mo na sa akin ang boyfriend mo? Or malapit ka nang ikasal?”Halata sa boses ng abuelo ko ang excitement dahil sa sinabi ko.“Well... Ipapakilala po muna kita sa kaniya.”Kahit kinakabahan ako dahil sa pinaplano namin ni mama, wala na rin akong nagawa. Narito na ako at nasabi ko na kay lolo ang pakay ko kung bakit ako nagpunta rito ngayon.“Oh, my God! I’m so happy, sweetheart. Hindi na ako makapaghintay na maikasal ka. I mean, alam mo naman na ’yan lang ang matagal ko ng hinihintay mula sa ’yo. Habang may lakas pa ang katawan ko, gusto kong makita na ikasal ka. Gusto kong ako mismo ang maghahatid sa ’yo sa altar.”Napangiti akong muli. “When it’s time for me to get married, I want you and mama to walk me down the aisle, lolo.”“I can’t wait, hija. Excited na ako.”Kung anu-ano pa ang mga napag-usapan namin ni lolo habang nasa lanai kami. Sa mansion na rin ako nag-lunch dahil hindi naman pumayag si lolo na aalis agad ako.“SAMAHAN mo na ako, Lailani.” Pamimilit ko kay Lai habang pabalik na kami sa office. Katatapos lang namin mag-lunch.“Makikipagkita ako ngayon sa jowa ko, bes,” sabi nito. “Next time na lang.”Napasimangot naman ako at inismiran ito. “Ang sabi mo last time, sasamahan mo ako ngayon. Tapos ngayon ayaw mo pa rin. Nakakapagtampo na, Lailani.”“E kasi—”“Fine! Unahin mo na lang ’yan boyfriend mo.”Nagpatiuna akong maglakad papunta sa elevator at hindi ko na ito kinausap.Nakakainis lang kasi. I don’t want to go back to that place alone dahil baka mabastos na naman ako like what happened two days ago.Madam Nancy called me this morning. He said we will meet again at his house so he can introduce me to his new con artist. Ayaw ko sanang pumayag, but when I thought about it, yeah, it would be better for us to meet there at baka may kakilala si lolo na makakita sa akin, malaman pa ni lolo na hindi ko totoong boyfriend ang ipapakilala ko sa kaniya next week.“Okay, sige na. Sasamahan na kita,” sabi ni Lailani nang makapasok na kami sa elevator.“Huwag na kung labag naman sa loob mo.” Inismiran ko pa ito ulit. “I thought you would support me because you came up with this idea. Tapos ngayon, hindi naman pala!”“Sorry na, bes. Heto nga at sasamahan na kita mamaya.”Umismid lang ako ulit.PAGKATAPOS nga ng trabaho naman, magkasama kami ni Lailani na nagpunta sa address ni Madam Nancy.Just like the first time I came here, marami na namang nakatambay sa gilid ng kalye at nakatingin sa amin. But it’s not like the first time I came here na may nambastos sa akin.“Hindi ko alam na rito pala nakatira si Madam Nancy,” sabi ni Lai, habang nakayakap ito sa braso ko. “Bes, makakalabas pa ba tayo rito nang buhay?”“Huwag ka ngang maingay! Baka marinig nila tayo.”“E tingnan mo naman kasi, bes. Lahat ng tao sa atin nakatingin,” wika nito. “Or baka nagagandahan lang sila sa akin?”Napaismid ako at hindi na nagsalita. Hanggang sa makarating kami sa tapat ng bahay ni Madam Nancy. The winding street didn’t pose a problem for us to find Madam Nancy’s house because I can easily remember the places I go to.“Lai.”“Baks, ano ba ’tong lugar ninyo? Nasa liblib ka pala nakatira,” sabi agad ni Lailani.Umirap naman si Madam Nancy. “Ay, sorry, a! Hindi kita na-inform na hindi ako nakatira sa exclusive village,” sagot naman nito. “Tara sa loob ng mansion ko.”Kaagad naman kaming pumasok sa bahay nito. At may nadatnan kaming isang lalaki na nakaupo sa sala. Nakapostura ito. Malinis tingnan.“Have a sit.”“Siya na ba ang con artist mo, baks?” tanong ni Lailani.“Um, yeah. Ito pala si Arnold, Jass Anne. Arnold, siya naman si Jass Anne, ang client natin.”Ngumiti naman ang lalaki at lumapit sa akin. Inilahad nito ang kamay sa akin na kaagad ko namang tinanggap.“Nice meeting you po, Ma’am.”“Nice meeting you,” sabi ko at sinuyod ko ito ng tingin mula ulo hanggang paa.Well, may hitsura naman ang lalaking ito. Matangkad. Moreno. Sakto lang ang body built. Pero... Hindi ko type.“What do you think, Ganda?”“Can we talk, Madam Nans?”“Oh, sure. Wait lang, Arnold. Mag-uusap lang kami. Sige na, upo ka na muna.”Humakbang ako palabas ng bahay nito at kaagad naman itong sumunod sa akin.“What do you think?” tanong nito.“I don’t like him.”Nangunot ang noo nito. “Why? I mean, sinunod ko naman ang profile na hinahanap mo.”“Yeah, but... I’m not sure if he can do what I want him to do. I mean...”“Isa si Arnold sa magagaling kong con artist, Jass Anne. I swear na magagawa niya ang trabaho niya. Actually, katatapos lang niya sa isang client namin.”Bumuntong hininga ako. “Wala na bang ibang puwedeng pagpilian?”“Mayroon. Pero I don’t think na papasa rin sila sa ’yo. Si Arnold lang ang available as of now na masasabi kong maayos at magaling.”“Can’t you find someone else?”Napabuntong hininga rin ito. “Bibigyan mo ba ako ng another couple of days para humanap ng bago?”“Okay, fine. Another three days. But make sure you will find a better one.”“Okay. Pauuwiin ko na lang si Arnold.”“I’m sorry.”“Ayos lang. Ang gusto naman kasi ng client ang masusunod, e!”“Thanks, Madam Nans.”“KUYA MIDAS!”“Kumusta si Nanay Yolly, Kalo?” tanong niya nang makarating siya sa ospital. May dala siyang pagkain para sa mag-ina.“Ayos naman po, kuya. Pero, tingin ko po mas lalo lang lumalala ang kondisyon niya,” malungkot na saad nito. “Saka ibinigay po pala sa akin ng nurse kanina ang resibo ng down payment natin dito, kuya. Ito po.”Ibinigay nito sa kaniya ang isang papel. Napabuntong hininga siya nang makita niya ang malaking halaga ng pera.“Kailangan na raw pong mabayaran ’yan, kuya. Hindi na raw po kasi pumayag ang may-ari ng ospital na hihingi po ulit tayo ng ilang araw para mabayaran ’yan.”Saglit siyang nag-isip.“Sige. Ako na ang bahala.”“Ano po pala ’yang dala mo, kuya?”“Pagkain. Dalhin mo na roon sa nanay mo para makakain kayo. Kailangan kong umalis.”“Sige po, kuya. Salamat.”“Ikaw na ang bahala sa kaniya.”“Opo, Kuya Midas.”Hindi na siya tumuloy sa ward para makita ang matanda. Kaagad siyang umalis sa ospital at umuwi.Sa halip na tumuloy sa bahay niya, nagtungo siya sa bahay ni Madam Nancy.“Oh! Papa Midas, napadaan ka rito?”“Puwede ba tayong mag-usap?” tanong niya.“Well, of course,” sabi nito at niluwagan ang pagkakabukas sa pinto ng bahay nito. “Pasok ka. Maupo ka. Gusto mo ba ng maiinom o ako?” malanding tanong nito.“Ayos na ang tubig,” sabi niya.“Okay, wait lang.” Nagmamadali itong nagtungo sa kusina upang kumuha ng tubig. At pagkabalik, kaagad na iniabot sa kaniya ang baso. “Ano ba ang atin? Tinatanggap mo na ba ang alok ko?”Sinulyapan niya ito saglit at ininom ang tubig.Oh, damn. Ayaw niya sanang tanggapin ang raket na sinasabi nito sa kaniya, pero dahil wala siyang malapitan para hingian ng tulong para may maipangbayad siya sa hospital bill ng matandang Yolly, wala siyang choice kun’di tanggapin ang alok ni Nancy sa kaniya.“Makukuha ko ba agad ang paunang bayad?” tanong niya.Biglang lumapad ang ngiti sa mga labi ng bading. “Puwede kong kausapin ang kliyente ko. I’m sure papayag naman siya.”“Kailangan ko bukas ang pera.”“Ay, teka lang. Tatawagan ko siya. I’m sure hindi pa sila nakakaalis. Galing lang din sila rito kanikanina, e!” ani nito at nagmamadaling kinuha ang cellphone sa bulsa ng short nito. “Hello, Ganda! Nakaalis na ba kayo? Puwede bang bumalik kayo rito? Nakahanap na ako ng bago. Yeah. Nandito siya ngayon sa bahay. I’m sure magugustohan mo siya. Okay sige. Hihintayin ko kayo. Bye.” Pinatay nito ang tawag at malapad ang ngiting tiningnan siya. “Pabalik na sila.”Tumango lang siya at sumandal sa sofa habang inuubos niya ang laman ng basong hawak niya.Saglit siyang naghintay roon. Ilang minuto lang, nakarinig sila ng katok mula sa labas ng pinto. Kaagad na tumayo si Nancy upang pagbuksan ang pinto.“Come in, Ganda. Narito siya sa loob.”Biglang nagsalubong ang mga kilay niya at napatuwid siya sa kaniyang pagkakaupo nang makita niya ang dalaga.“You?”“Ikaw?”Magkasabay na tanong nila.“TEKA! Magkakilala kayo?”Tumaas ang isang kilay ko at tinarayan ko siya. Pagkatapos ay napatingin ako kay Madam Nancy. “Is he the one you say is your new con artist?” tanong ko.Tumango naman ito. “Yeah,” sagot nito at ipinagpalipat-lipat ang tingin sa aming dalawa.“Kilala mo ba siya, bes?” dinig kong tanong din ni Lailani sa akin habang nakatayo ito sa may likuran ko at nakasilip sa lalaking... I don’t know his name. “Nope,” sagot ko. “E bakit eksaherada ang reaksyon ninyo ngayon?” tanong pa nito.I let out a deep sigh, then glanced at him again. Tinarayan ko ulit siya.“Nancy!”“Yes, Papa Midas?”Oh! His name is Midas?“Siya ba ang sinasabi mong naghahanap ng magpapanggap na boyfriend niya?”Naglakad naman si Madam Nancy palapit sa kaniya. Malawak ang pagkakangiti nito. “Oo. Siya nga ang sinasabi ko sa ’yong kliyente ko na naghahanap ng lalaking magpapanggap na boyfriend niya.”Yumuko siya at kinuha ang baso na nasa center table na gawa sa kahoy. Inisang lagok niya ang natitir
I RELEASED with a deep breath after looking at the wristwatch I was wearing. It’s already six in the evening. Madilim na rin ang buong paligid. Nakaupo lang ako sa mahabang upuan na nasa gilid ng talyer. I’ve been waiting here for Midas to finish his work, pero sa tingin ko ay sinadya yata ng lalaking iyon na tagalan ang trabaho niya para abutin ako ng gabi rito at hindi ko siya makausap. God! Did I make the right decision? I wasted my time here just to wait for him and talk to him. Is this the right decision for me to hire him to pretend to be my boyfriend? Oh! “Aba! Hindi ka talaga umalis, a!” I looked at him when I heard his voice. Sinuyod ko siya ng tingin mula ulo hanggang paa. Ang suot niyang sky blue stripes na polo na halatang pinunit lang ang manggas ay ang dumi na. Maraming dumikit doon na grasa at punit din ang sa may bandang tiyan niya kaya nakita ko ang abs niya.Oh, shit! Seriously, Jass Anne? Iyon talaga ang nakita mo?Tapos ang pantalon niyang maong na kupas ay madu
“PASOK!”I was just standing in front of the door of his house, hesitating whether to go in or just back off and leave. I’m a little nervous. Hindi pa rin maalis sa isip ko ang... What if he does something bad to me? What if... “Hindi ka papasok?”Muli akong napatingin sa kaniya nang magsalita siya. Alright. His face looks sincere. I couldn’t see anything in his eyes that he was planning to do something bad.I sighed, then I put my bag on my shoulder and sauntered into his house. Wow! In fairness. Contrary to what I expected about his house. I mean, they live in a squatters area, so what I was thinking while we were going here was that his house was messy, and... Stinky. Something like that.Oh! I’m sorry, dear God, if I was too judgmental towards him. His living room was small, but there was a sofa seat. There is also a TV with an old design. Hindi makalat. Lalo pa at iilang gamit at display lang mayroon siya roon. I only saw one room and then I saw his dining table and the sink
WHY is he looking at me like that? Don’t tell me, he suddenly changed his mind and will do something bad with me?Oh, God! Huwag lang siya magkakamali. Kahit papaano ay marunong naman akong ipagtanggol ang sarili ko. “Why are you staring at me like that?” pinilit ko siyang tarayan. Nagtaas din ako ng noo ko. Because, to be honest, I felt sudden embarrassment due to the way he looked at me.Tumikhim siya at nag-iwas ng tingin sa akin. “Tapos ka ng maligo. Iiwan muna kita rito at lalabas ako para hanapin ang kotse mo,” aniya at kaagad siyang humakbang at nilagpasan ako.“Iiwan mo talaga ako rito?” tanong ko.“Huwag ka ng sumama. Malakas pa rin ang ulan sa labas. Mababasa ka lang ulit.”“But—”“Gusto mo bang hanapin ko ang kotse mo, o hindi?”Naputol ang pagsasalita ko nang humarap siya sa akin.Saglit akong napatahimik. Pero sa huli, napabuntong hininga na lamang ako. “Fine,” napipilitang sabi ko. “But don’t take too long.”He didn’t answer, sa halip ay lumabas na siya sa bahay niya
“SIR LEON, I’m sorry po kung late po akong nakapasok ngayon. I was just—”“That’s okay, hija. You don’t have to appologize.”Banayad akong nagpakawala nang malalim na buntong hininga nang putulin ni Sir Leon ang pagsasalita ko. God! Dahil sa nangyari kagabi at kanina, late ako ng isang oras bago nakarating dito sa office. It’s Midas’s fault. I mean, ayoko siyang sisihin, but because of him, kaya kaninang umaga na ako nakauwi sa bahay. Pinagalitan pa ako ni mama kasi hindi ako nakatawag sa bahay kagabi para sabihing hindi ako makakauwi. She was worried about me. Dahil nga nabasa ng ulan ang cellphone ko kagabi, kaya hindi na iyon gumana. Hindi ako na kontak ni mama. “Thank you po! I promise, this won’t happen again, sir,” sabi ko na lang.“That’s alright. I understand you. I know young people like you. You can’t avoid partying at night, and that’s normal because you just want to enjoy your life.”I frowned slightly dahil sa mga sinabi ni Sir Leon.Party? Hindi naman ako nag-party ka
“I THINK that’s a good idea, bes,” sabi ko kay Lailani at ngumiti ako. “Um, sige Kalo! Siguro ay pupuntahan ko na lang ang kuya mo sa talyer.”“Sige po! Mag-iingat po kayo, miss byutipol.” “Ako, hindi ba byutipol?” tanong ni Lailani bago pa ako makatalikod. Ngumiti naman si Kalo at napakamot sa batok nito. “Maganda ka rin po! Pero... Mas maganda po si miss byutipol!” Sumulyap ito sa akin at mas lalong ngumiti.Napasimangot naman si Lailani. “Bes, huwag mo na kayang bayaran ang bills nila rito? Nakakainis ang batang ito! Hindi man lang marunong tumingin sa maganda!”Natawa na lamang ako nang pagak dahil sa naging hitsura ni Lailani. Grabe naman ang babaeng ito! Pati ba naman ang bata patulan?“Huwag mo na patulan si Kalo, Lai! Let’s go,” sabi ko na lang. “Bye, Kalo!”“Ingat po kayo, miss byutipol!”“Byutipols! May S sa dulo kasi dalawa kami,” sabi pa nito saka tumalikod at umagapay na sa akin sa paglalakad.“Pinatulan mo pa ang bata,” sabi ko habang tinatahak na naman ang pasilyo pap
“W-WHAT CONDITION?” Nauutal na tanong ko at bahagya akong umatras ulit palayo sa kaniya. He gazed at me, which caused me to feel a strange trepidation in my heart even more.Damn this man! Ano ba ang gusto niyang mangyari sa akin at pinakakaba niya ako ng ganito?Lihim akong napalunok at nagbuntong hininga. At nang humakbang pa siya ng isang beses palapit sa akin, nag-isip na ako ng puwede kong gawin oras na may hindi siya magandang gawin sa akin. Damn. Huwag lang talaga siyang magkakamali.Napasulyap ako sa lagayan ko ng mga sandals. Medyo mabigat ’yon, kaya kung mabubuhat ko iyon agad at maihahampas sa kaniya, puwede siyang mawalan ng malay agad. Nahagip din ng paningin ko ang lagayan ko ng payong. Bakal din iyon. But I don’t think na mapapatulog ko siya kung ihahampas ko iyon sa ulo niya. Muli akong napatingin sa kaniya nang magsalita siya.“Pero bago ko sabihin sa ’yo ang kondisyon ko, pakainin mo muna ako! Nagugutom na ako!”My jaw seemed to fall to the floor because of what he
NAIINIS na nagpakawala ako nang malalim na buntong hininga nang matapos kong silipin ulit ang wristwatch na suot ko. Hindi ko na mabilang kung ilang beses ko na iyong ginawa simula nang tumayo ako sa kinaroroonan ko ngayon. Nasa loob ako ng mall at naghihintay kay Midas. Kanina pa ako naiinis sa kaniya. Ang usapan namin nang isang araw bago siya umalis sa condo ko, magkikita kami ngayon after lunch dahil kailangan ko muna siyang ipa-makeover bago ko siya isama sa bahay nina Lolo mamayang hapon. Pero ang damuhong ’yon, pinaghintay ako nang matagal!Muli akong nagbuntong hininga. And later, from a distance, I saw him walking towards me. I felt even more annoyed because he was with the girl I saw the other day. ’Yong babaeng kasama niya roon sa talyer at doon sa hospital.Pero bago siya tuluyang makalapit sa akin, huminto sila ng babae at saglit niya itong kinausap. Pagkatapos, nangunot ang noo ko nang makita kong kinabig siya ng babae sa batok niya at hinalikan ang kaniyang mga labi.
“HERE’S your snacks, wife!”Nakangiting lumingon ako kay Midas nang marinig ko ang boses niya. I was sitting pretty in the sofa na nasa loob ng gazebo. Nagbabasa ako ng magazine habang binabantayan ko ang ang second baby namin ni Midas na three years old na at masarap ang pagkakatulog sa crib na nasa tabi lang din ng sofa na inuupuan ko. Samantalang tinatanaw ko naman sa garden si Paddy, ang panganay namin. Nakikipaglaro ito sa anak nina Crandall at Portia na si Link. Oh, well, noon pa man ay silang dalawa na talaga ang magkalaro dahil tuwing linggo ay sinusundo ko sa bahay nina Portia ang anak nila ni Crandall para may kalaro si Paddy. At hanggang ngayon ay iyon pa rin ang bonding nilang dalawa. Mas matanda ng tatlong taon si Link kaysa kay Paddy kaya natutuwa ako na strong ang bonding at relationship na nabuo sa pagitan nilang dalawa. Natutuwa ako na nagkaroon ng kuya ang anak ko sa katauhan ng anak ni Portia.“Thank you so much, daddy!” Ngumuso ako sa kaniya kaya yumuko naman siya
NANGINGINIG ang buong katawan ko at ang mga luha ko ay patuloy pa rin sa pagpatak. Mahigpit pa rin akong nakahawak sa likod ng front seat at ang isang kamay ko ay nakahawak din sa tiyan ko. Mayamaya, narinig ko ang malakas na pagsigaw ni Lailani maging ang pagliko ng kotse. “I hate you, Jass Anne! I really hate you!” Narinig ko ang malakas na iyak nito at sunod-sunod na pinaghahampas ang manibela. At kahit labis pa rin akong natatakot dahil sa nangyari, dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko. At nang makita kong nakahinto na sa gilid ng kalsada ang sasakyan at wala na sa harapan namin ang paparating na truck, hindi ko na napigilan ang mapahagulhol. Oh, God! Ang akala ko ay ito na ang huling araw ko sa mundo. Akala ko ay ibabangga talaga ni Lailani ang kotse sa truck. “I want to kill you and your baby, Jass Anne. Para maramdaman ni Midas kung ano ang sakit na naramdaman ko nang mawala sa akin si Wigo. But... I’m not as bad as you think.” Tumatangis na saad nito.“H-Hindi ako ang
“OH, I MISSED YOU, HIJA!”Napangiti ako nang malapad habang yakap-yakap ako ni Sir Leon. Isinama ako ni Midas sa bahay ng parents niya dahil kakauwi lang ngayong araw dito sa Pilipinas ang papa niya matapos ang mahigit dalawang buwan na pagpapagamot nito sa Amerika. “Na-miss ko rin po kayo, Sir Leon.”Pinakawalan ako nito mula sa mahigpit na yakap at pagkuwa’y hinawakan ang magkabilang pisngi ko at hinalikan ako roon. “You should start calling me papa because you and Midas are about to get married.”“Right, mahal ko,” wika ni Midas sa akin nang tumabi ako sa kaniya sa pagkakaupo sa mahabang sofa.“And do you remember before, kinukulit kitang makipag-date sa isa sa mga anak ko?” tanong nito. Oh, yeah! Noon. I can’t remember how many times Sir Leon told me to accept his offer to me to date his son because he said he wanted me to be his daughter-in-law.“You did, Pa?” kunot ang noo na tanong ni Midas sa papa niya.Bahagya namang tumawa ang matanda at pagkuwa’y umupo ito sa sofa. “I rea
DESPITE the many challenges that arose between Midas and I; in our relationship… But here we are. We’re happy together. I can’t count how many times I’ve silently thanked God for the happiness He gave Midas and me. And I still can’t believe, after all these trials, sa proposal of marriage pa rin kami mauuwi. Although nabanggit na ni Lolo sa amin ni Midas ang tungkol sa pagpapakasal namin bago pa raw lumaki ang tiyan ko, but I still couldn’t stop myself from feeling so much joy and excitement when Midas proposed to me earlier. Nag-uumapaw pa rin ang kaligayahan sa puso ko sa mga sandaling ito.Nakahiga kami ni Midas airbed na nasa loob ng malaking tent na itinayo niya kanina rito sa bandang dulo ng beach. Tapos na kaming mag-dinner. Tapos na siyang uminom ng kape habang ako naman ay ipinagtimpla niya ng gatas. Nakaunan ako sa braso niya habang nakayakap sa kaniya ang isang braso ko. Madilim na ang buong paligid kaya mas lalong lumamig ang hangin. Pero hindi ko naman iyon masiyadong pin
“OH! This is so beautiful, babe!” nakangiting sabi ko kay Midas habang nakatanaw ako sa malawak at kulay asul na karagatan. Ang buhok kong nakalugay ay bahagyang isinasayaw ng hangin. I was sitting in the wheelchair while Midas was standing behind me. But later, he knelt down next to me. He smiled at me and held my hands. “Do you like it, mahal ko?”Tumango ako habang matamis ang ngiti sa mga labi kong tumitig sa kaniya. It’s been two days simula nang makalabas ako sa ospital at umuwi kami sa condo unit ni Midas. And now dinala naman niya ako rito sa private resort na pag-aari nila. Ang beach kung saan niya ako dinala noon para mag-coffee date kami at kung saan ko siya sinagot para maging boyfriend ko. We are now on the balcony of the rest house and we are both happy as we look at the peaceful ocean. Nag-suggest si Caspian na dapat ay lagi akong lumanghap ng preskong hangin at umiwas na muna ako sa maingay na paligid para mas mapabilis ang pagbalik ng sigla ng katawan. So Midas deci
“I EXAMINED Jass Anne a while ago. And I didn’t see any problem with her. In just a few days, or maybe a couple of weeks, the wound on her stomach will heal completely. So, you have nothing to worry about, bro. She's totally fine. And tomorrow, we can remove the plaster cast from her leg,” wika ni Caspian habang nakatayo ito sa may paanan ng hospital bed kung saan ako nakahiga. Nakaupo naman sa tabi ko si Midas at hawak-hawak nito ang kanang kamay ko.Mayamaya, lumingon siya sa akin at matamis na ngumiti. Ginawaran niya rin ng halik ang noo ko. “I’m so happy now that she’s okay.”“And I can’t wait to get home, babe. I mean, I’ve been here in the hospital for over a month. I’m looking forward to going home, resting, and avoiding the scent of any medication.”Bahagyang natawa ng pagak sina Midas at Caspian dahil sa sinabi ko.“Well, I’m not new to hearing such complaints. Almost all my patients here tell me the same thing,” ani nito. “So, paano. Iiwan ko na muna kayo rito. I know you mi
“N-NO!” Umiling-iling siya at dahan-dahang humakbang palapit sa hospital bed habang sunod-sunod na pumapatak ang kaniyang mga luha. Hindi totoo ito! Hindi totoong wala na si Jass Anne! He’s only dreaming right now! This can’t be real. Nang mga sandaling mahawakan niya ang hospital bed, bigla niyang naramdaman ang labis na panghihina ng kaniyang mga tuhod at napahagulhol na siya. “No! No! No, Jass Anne! You can’t do this to me, Mahal ko. P-Please you can’t do this to me.”“Sixto, anak!”“Ma! Why? This is not real, Ma. Jass Anne can’t leave me.” Kahit walang sapat na lakas, pinilit niyang yakapin ang malamig na bangkay ng dalaga. “Jass Anne! You promised me hindi mo ako iiwan. Ang sabi mo lalaban ka. Pero bakit sumuko ka na, mahal ko? You can’t die, Jass Anne. Please! I’m sorry if iniwan kita rito kagabi. Please! Please, Jass Anne, I’m begging you.”“Sixto, calm down!”Naramdaman niya ang masuyong paghaplos ng palad ng kaniyang ina sa kaniyang likod.Calm down? Paano siya kakalma ngayon
“EVERYTHING will be okay! Trust me!”Banayad ngunit malalim na paghinga ang pinakawalan ni Midas sa ere nang tapikin siya sa kaniyang balikat ng kaniyang kapatid na si Coghlan, ang sumunod sa kaniya. Kauuwi lamang nito sa Pilipinas mula sa Germany. Mula sa airport, dumiretso agad ito sa ospital para bisitahin siya, lalo na si Jass Anne.“I’m still waiting for her to wake up, Coghlan.”“She’ll be okay. I know babalik din siya sa ’yo.”That’s what he’s been praying over and over for the past month. Yeah. It’s been a month since the accident happened to Jass Anne, since his girlfriend became comatose. But until now, she still hasn’t woken up. There is still no change in her condition. Pinanghihinaan man siya ng loob at tila nawawalan na ng pag-asa dahil walang progress na nangyayari sa sitwasyon ni Jass Anne, pero patuloy pa rin siyang umaasa at lumalaban para sa kaligtasan ng babaeng pinakamamhal niya. Hanggat hindi sumusuko si Jass Anne, lalaban siya, maghihintay at aasa na gagaling di
NANG makita ni Midas na bumukas ang pinto ng ER, kaagad siyang napatayo sa kaniyang puwesto at naglakad palapit kay Caspian. “Bro, h-how was my girlfriend?” tanong niya. Hindi pa nawawala ang labis na pag-aalala niya para sa nobya. Malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Caspian sa ere at pagkuwa’y tinapik siya sa kaniyang balikat. “Magiging honest lang ako sa mga sasabihin ko sa ’yo ngayon, Midas,” wika nito.Pakiramdam niya, ang kaba at takot na kaniyang nararamdaman kanina ay mas lalong tumindi dahil sa sinabi ni Caspian sa kaniya.“She’s... She’s fine, right?”“Medyo kritikal ang lagay ni Jass Anne ngayon.”Wala sa sariling napatiim bagang siya kasabay niyon ang pagkuyom nang mariin ng kaniyang mga kamao. Pakiramdam niya, huminto bigla ang malakas na pagkabog ng kaniyang puso. Kritikal? What will happen to his girlfriend now that her condition is critical? He can’t lose Jass Anne dahil hindi niya kakayanin kapag nangyari ’yon. She has to survive, no matter what. Naramdam