Share

CHAPTER 6

last update Last Updated: 2023-11-13 20:12:18

“TEKA! Magkakilala kayo?”

Tumaas ang isang kilay ko at tinarayan ko siya. Pagkatapos ay napatingin ako kay Madam Nancy.

“Is he the one you say is your new con artist?” tanong ko.

Tumango naman ito. “Yeah,” sagot nito at ipinagpalipat-lipat ang tingin sa aming dalawa.

“Kilala mo ba siya, bes?” dinig kong tanong din ni Lailani sa akin habang nakatayo ito sa may likuran ko at nakasilip sa lalaking... I don’t know his name.

“Nope,” sagot ko.

“E bakit eksaherada ang reaksyon ninyo ngayon?” tanong pa nito.

I let out a deep sigh, then glanced at him again. Tinarayan ko ulit siya.

“Nancy!”

“Yes, Papa Midas?”

Oh! His name is Midas?

“Siya ba ang sinasabi mong naghahanap ng magpapanggap na boyfriend niya?”

Naglakad naman si Madam Nancy palapit sa kaniya. Malawak ang pagkakangiti nito.

“Oo. Siya nga ang sinasabi ko sa ’yong kliyente ko na naghahanap ng lalaking magpapanggap na boyfriend niya.”

Yumuko siya at kinuha ang baso na nasa center table na gawa sa kahoy. Inisang lagok niya ang natitirang laman niyon habang hindi man lang niya inaalis ang seryosong tingin sa akin.

Seryoso nga ba, o baka galit siya sa akin?

“Hindi bale na lang, Nancy. Maghahanap na lang ako ng ibang pagkakakitaan,” sabi niya saka muling inilapag sa mesa ang basong hawak niya at pagkatapos ay humakbang siya palapit sa akin.

“Huh?” kunot ang noo na tanong ni Madam Nancy at kaagad na sumunod sa kaniya. “Teka, Papa Midas! Akala ko ba tinatanggap mo na ang alok ko sa ’yo?”

He halted two steps away from me and gave Madam Nancy a quick glance. Then he looked at me again.

“Kanina buo na ang pasiya ko. Pero ngayon na nakita ko na kung sino ang kliyente mo...” Huminto siya sa pagsasalita. “Humanap ka na lang ng iba, Nancy. Alam mo naman ayaw ko sa babaeng maarte at iba ang ugali. Hindi kami magkakasundo.”

Napamaang ako. Pero mayamaya bigla ring nangunot ang noo ko. Aba! Walang-hiya ang lalaking ito, a!

Namaywang ako at nagtaas ako ng noo. “Excuse me,” mataray na sabi ko sa kaniya. “Hindi masama ang ugali ko. And FYI. Now that I’ve found out you’re a con artist working for Madam Nancy, I have no intention of agreeing to have you pretend to be my boyfriend.”

“Teka. Teka. Teka.” Lumapit sa tabi ko si Lailani. Ipinagpalipat-lipat pa ang tingin nito sa aming dalawa. “Akala ko ba hindi kayo magkakilala?”

“Yes. We don’t know each other.”

“Hindi nga.”

Sabay pa kaming nagsalita.

“E bakit magkaaway kayo ngayon?”

“Just don’t ask, Lai,” sabi ko. Pagkatapos ay tinapunan ko ng tingin si Madam Nancy na nakatayo na rin sa tabi ng lalaking ito. “Madam Nancy, please just find someone else. I don’t like him.”

“Pero... Teka...”

“Salamat sa tubig mo, Nancy. Mauuna na ako.”

Pagkasabi niya niyon, kaagad niya akong nilampasan at tuloy-tuloy siyang lumabas sa bahay ni Madam Nancy.

Napapamaang na lamang at nalilito ang hitsura nina Madam Nancy at Lailani nang tumingin ang mga ito sa akin.

“May gusto ka bang sabihin sa amin, bes?” tanong nito.

Bumuntong hininga ako ulit at ipinag-cross sa tapat ng dibdib ko ang mga braso ko.

“We met twice,” sabi ko at humakbang palapit sa sofa at umupo roon. “Remember the other night, when we went to the bar? I told you Lai, may mga nambastos sa akin while I was going to the comfort room. Luckily, someone saved me. And that someone... It’s him. He helped me, but he blamed me and the clothes I was wearing kung bakit ako nabastos ng mga lalaki roon sa bar. And the other day, when I came here, the same thing happened to me. And he saved me again. But he still blamed me for the way I dress. That’s why I hate him.”

“Oh, my God! So ikaw pala ang sinasabi ng mga kapitbahay ko na nabastos nga raw nina Karding no’ng isang araw doon sa may labasan.”

Buntong hiningang tumango ako.

“Pero kilala ko si Midas, Ganda. Mabait siyang tao. Baka kaya nagalit siya sa ’yo pati sa suot mong damit, kasi masiyado ngang revealing. E, alam mo na. Ang mga lalaki, lalo na ang mga tambay. Mabibilis ang mga mata at utak ng mga ’yan. Baka pinagsabihan ka lang niya para hindi na malagay sa panganib ang buhay mo sa susunod. Or hindi ka na mabastos ulit.”

Napaismid pa rin ako. Well, there is a point in what Madam Nancy said. That’s what he meant to me the two times he saved me.

But I’m still annoyed with that guy. Ang yabang.

“Agree ako sa sinabi ni Madam Nancy, bespren,” wika naman ni Lailani. “Pero, bagay kayong dalawa.”

Biglang nagsalubong ulit ang mga kilay ko dahil sa sinabi ni Lailani.

“Ay, agree din ako sa sinabi mo, Lai,” wika rin nito at nag-apir pa silang dalawa. “Kanina habang pinagmamasdan ko kayong dalawa, bagay na bagay nga kayong mag-jowa, Ganda.”

“Hay nako! Madam Nancy, just find someone else,” I said. “I don’t like him. He doesn’t like me either. At mas lalong hindi kami bagay.”

“Pero, bes—”

“No more buts, Lailani.” Pinutol ko ang pagsasalita nito. Alam ko kasing kokontrahin na naman ako ng babaeng ito.

“Ganda, baka mahirapan na akong makahanap ng panibago kung papalitan pa natin si Papa Midas,” sabi nito. “Siya na lang ang kunin mo. Kakausapin ko lang siya. For sure papayag siya ulit.”

“Hindi na, Madam Nancy. It’s fine with me if it takes a week or two bago ka makahanap ng new con artist mo. Basta huwag lang siya.”

“Bes, huwag ka ng mag-inarte riyan!”

“Hindi ako nag-iinarte, Lailani. I just don’t like him.”

Magsasalita pa sana ito, pero muli akong nagsalita. “I don’t like him. Period.”

Nagkatinginan na lang ang dalawa at sabay na napabuntong hininga.

“HOW’S YOUR WORK, ANAK?”

Nadatnan ko si mama na nasa sala at prenteng nakaupo sa sofa habang may hawak itong tasa ng tea.

“Hi, Ma!” Lumapit ako rito at nagmano pagkatapos ay humalik sa pisngi nito.

“Are you okay, Jass Anne?”

Tumango ako. “Opo,” sagot ko.

“You don’t seem okay. Is there a problem?”

“Nothing, Ma. I’m just tired. I just want to rest.”

“Hindi ka ba kakain muna?”

“Hindi na po. Kumain na kami ni Lailani sa labas bago kami umuwi,” sabi ko. “Aakyat na po ako sa kuwarto para makapagpahinga ako.”

Mama stared at me for a moment. It’s like she’s reading what’s running through my mind now, so before she could speak, I looked away.

“Good night, Ma,” I said, then I walked towards the stairs, but later, I stopped when I heard she speaks again.

“Paano ang pag-asikaso mo tungkol sa plano natin?”

Humawak ako sa handrail at pumihit paharap kay Mama. “I’m working on it po, Ma.”

“Mag-iisang linggo na, Jass Anne.”

Ugh! It’s been two days since I visited Madam Nancy’s house and learned that he wanted to hire Midas as my fake boyfriend. But I didn’t agree. And now, I’ve been waiting for his call for two days to find out if he has found a new con artist.

“I’m still working on it, Mama. Naghahanap pa po ako ng—”

“Kung payagan mo na lang kaya ako na tulungan ka? Marami akong kakilala na—”

“Ma, we had a deal. Hindi ka po makikialam sa mga gagawin ko.” Pinutol ko rin ang pagsasalita nito.

Humugot naman ito nang malalim na paghinga at inirapan ako. “Hindi lang ako makapaghintay, Jass Anne. Paano kung—”

“Ma, I’m tired. Ngayon po ba natin pag-uusapan ang bagay na ito?”

Medyo napataas ang boses ko.

“Just...” Bumuntong hininga ako at hindi na itinuloy ang gusto kong sabihin. Tumalikod na lang ako at pumanhik na nang tuluyan hanggang sa makarating ako sa kuwarto ko.

“PAPA MIDAS, sige na kasi! Pumayag ka na para wala ka ng problema para sa pambayad mo sa ospital.”

“Nakabayad na ako sa kalahati, Nancy,” sabi niya sa bading habang ginagawa niya ang kaniyang trabaho sa talyer.

Kinukulit na naman siya nito. Dalawang araw na itong nagpapabalik-balik sa talyer o maging sa bahay niya para lang kumbinsihin siyang pumayag ulit sa alok nito. Hindi niya na mabilang kung ilang beses na ba siyang tumanggi, pero heto at hindi pa rin siya nito tinatantanan.

“Nakabayad ka na nga sa kalahati, pero babayaran mo rin naman ’yon sa pinagkautangan mo. Tapos maghahanap ka na naman ng pambayad sa kalahati pa. Kaya sige na, pumayag ka na! Mabait si Jass Anne. I’m sure magkakasundo kayong dalawa.”

Tumawa siya nang pagak at saglit na nilingon ang kausap.

“Mabait?” mapanuyang tanong niya. “Mabait ba sa lagay na ’yon ang babaeng ’yon?” Umiling siya. “Nancy, humanap ka na lang ng iba. Sigurado akong hindi kami magkakasundo sa kahit anong bagay kung tatanggapin ko ang alok mo.”

Sumimangot naman ang bading. “Subukan mo lang. I know magkakasundo kayo.”

“Huwag mo na ipilit ang gusto mo, Nancy. Ganoon pa rin ang magiging sagot ko. Ayoko.”

Umirap ito at namaywang habang nagpapakawala nang malalim na buntong hininga. “Akala ko ba magkaibigan tayo at tutulungan mo ako sa kahit anong hingiin kong pabor sa ’yo? Pero bakit hindi mo ako mapagbigyan ngayon?” nagtatampong tanong nito. “Kapag hindi ko naibigay at napapirmahan kay Jass Anne ang kontrata, baka tanggalin na ako sa trabaho ko. Maaatim mo bang mawalan ako ng trabaho?”

Tinitigan niya ito. “Nancy, alam kong masipag kang trabahante kaya alam ko rin na hindi ka tatanggalin sa trabaho mo dahil lang sa isang kliyente mo.”

“Nakakatampo ka naman, Midas. Huwag na nga kung ayaw mo,” wika nito saka tumalikod at nagmamaktol na umalis.

Napabuntong hininga na lamang siya habang sinusundan niya ito ng tingin.

“MISS BYUTIPOL, nandito po ulit kayo?”

Ngumiti ako kay Kalo nang makita ko ito sa may labasan ng squatter. Mukhang mangangalakal na naman yata ito kasi may bitbit na namang sako.

“Hi, Kalo!”

“Ano po ang ginagawa mo rito?”

Tumikhim ako. “W-Where is he?” tanong ko.

“Si Madam Nancy po ba ang hinahanap mo ulit?”

“Hindi. ’Y-Yong kuya mo,” sabi ko.

“Si Kuya Midas po?”

Tumango ako.

“May kailangan po kayo kay Kuya Midas?”

“Gusto ko sana siyang makausap.”

Ngumiti naman ito sa akin. “Nasa talyer po ngayon si Kuya. Halika po at sasamahan kita papunta roon.”

“Um, malayo ba rito?” tanong ko.

I’m wearing heels. My feet might get hurt again if I walk too far.

“Malayo-layo po, miss byutipol,” sagot nito at tiningnan ang paa ko. “Kaya n’yo po bang maglakad?”

Saglit akong nag-isip. At mayamaya, tumango ako. “Tara na.”

“Dito po.”

Sumunod ako rito sa paglalakad. We walked for almost five minutes, and we arrived at the vulcanising shop.

“Pareng Ikoy, nasaan ang Kuya Midas?” tanong nito sa isang lalaki na naroon at nagtatrabaho din.

“Wala rito.”

“Saan nagpunta?”

“May tinesting na sasakyan. Pero babalik din ’yon mayamaya.”

“Ganoon ba? Sige. Hihintayin na lang namin,” sabi nito at humarap sa akin. “Upo muna tayo rito, miss byutipol. Hintayin lang po natin si Kuya.”

Sumunod ako rito hanggang sa makaupo kami sa isang mahabang upuan na nasa gilid ng talyer.

Ugh! Ito pa naman ang pinakaayoko sa lahat. Ang naghihintay ako. But I can’t complain since he has no idea I’m coming here to talk to him.

Wala akong plano na lunukin ang pride at mga salitang binitawan ko sa kaniya nang nakaraan, pero dahil kinukulit na ako ni mama at tumawag na rin sa akin si lolo at sinabi nitong isama ko raw ang boyfriend ko next week dahil may kaunting salo-salo sa mansion, I don’t have a choice. Wala pa rin kasing mahanap si Madam Nancy.

Ilang minuto pa akong naghintay kasama si Kalo bago may dumating na puting sasakyan at pumarada iyon sa tapat ng talyer. At dahil hindi tinted ang salamin niyon, kitang-kita ko ang taong sakay niyon.

It was him, at may kasama siyang babae.

Nagtatawanan pa sila habang nag-uusap.

And then, he got out of the driver’s seat and hurriedly went around the front seat to open the door for the woman.

They talked again. At dahil medyo malayo-layo ang puwesto ko sa puwesto nila, hindi ko naririnig ang pinag-uusapan nila.

Nakita kong hinawakan ng babae ang balikat niya at dumausdos ang palad nito sa braso niya at pagkuwa’y bahagyang pinalo ang dibdib niya.

Napasimangot ako.

Ugh! Women. I mean, may mga kalahi talaga akong malalandi. Mabuti na lang ay hindi ako kagaya nito na masiyadong flirty.

“Call me, okay?”

Iyon lang ang narinig ko na sinabi ng babae saka ito sumakay sa driver’s seat at nang maisarado ni Midas ang pinto, ibinaba naman ng babae ang salamin.

“Bye, Midas! See you!”

Ngumiti siya at kinawayan ang babae bago nito pinaharurot ang sasakyan.

“Kuya Midas!”

Napalingon siya sa may direksyon namin ni Kalo. Nangunot bigla ang noo niya nang makita niya ako.

“Kalo, ano ang ginagawa mo rito?” tanong niya.

“Sinamahan ko lang po si miss byutipol. Hinahanap ka po niya, e!”

Ang damuho! Marunong naman pala siyang ngumiti. Pero kapag kami ang magkaharap, parang isang linya lagi ang mga kilay niya.

I stood up from my seat and walked towards him.

“Ano ang ginagawa mo rito?” seryosong tanong niya sa akin.

Tumikhim ako saglit. “Can I talk to you?” tanong ko sa kaniya.

“Busy ako,” sabi niya saka niya ako nilagpasan at pumasok sa shop.

“I just want to talk to you. This is important—”

“Importante rin ang trabaho ko,” wika niya kaya naputol ang pagsasalita ko. “Kalo, ihatid mo na siya sa kotse niya.”

“Opo Kuya—”

“No. Hindi ako aalis dito hanggat hindi mo ako kinakausap.”

Huminto naman siya at pumihit paharap sa akin. Mayamaya, ngumiti siya nang nang-uuyam.

“Sige. Maghintay ka riyan! At kapag inabutan ka ng dilim, hindi ko na problema ’yon.” Pagkasabi niya niyon, muli siyang tumalikod at nagsimulang magtrabaho.

Ugh! I really hate him! Hindi ko alam kung bakit inis na inis ako sa lalaking ito.

Related chapters

  • LOVING THE POOR BILLIONAIRE: VZ SERIES 1   CHAPTER 7

    I RELEASED with a deep breath after looking at the wristwatch I was wearing. It’s already six in the evening. Madilim na rin ang buong paligid. Nakaupo lang ako sa mahabang upuan na nasa gilid ng talyer. I’ve been waiting here for Midas to finish his work, pero sa tingin ko ay sinadya yata ng lalaking iyon na tagalan ang trabaho niya para abutin ako ng gabi rito at hindi ko siya makausap. God! Did I make the right decision? I wasted my time here just to wait for him and talk to him. Is this the right decision for me to hire him to pretend to be my boyfriend? Oh! “Aba! Hindi ka talaga umalis, a!” I looked at him when I heard his voice. Sinuyod ko siya ng tingin mula ulo hanggang paa. Ang suot niyang sky blue stripes na polo na halatang pinunit lang ang manggas ay ang dumi na. Maraming dumikit doon na grasa at punit din ang sa may bandang tiyan niya kaya nakita ko ang abs niya.Oh, shit! Seriously, Jass Anne? Iyon talaga ang nakita mo?Tapos ang pantalon niyang maong na kupas ay madu

    Last Updated : 2023-11-14
  • LOVING THE POOR BILLIONAIRE: VZ SERIES 1   CHAPTER 8

    “PASOK!”I was just standing in front of the door of his house, hesitating whether to go in or just back off and leave. I’m a little nervous. Hindi pa rin maalis sa isip ko ang... What if he does something bad to me? What if... “Hindi ka papasok?”Muli akong napatingin sa kaniya nang magsalita siya. Alright. His face looks sincere. I couldn’t see anything in his eyes that he was planning to do something bad.I sighed, then I put my bag on my shoulder and sauntered into his house. Wow! In fairness. Contrary to what I expected about his house. I mean, they live in a squatters area, so what I was thinking while we were going here was that his house was messy, and... Stinky. Something like that.Oh! I’m sorry, dear God, if I was too judgmental towards him. His living room was small, but there was a sofa seat. There is also a TV with an old design. Hindi makalat. Lalo pa at iilang gamit at display lang mayroon siya roon. I only saw one room and then I saw his dining table and the sink

    Last Updated : 2023-11-14
  • LOVING THE POOR BILLIONAIRE: VZ SERIES 1   CHAPTER 9

    WHY is he looking at me like that? Don’t tell me, he suddenly changed his mind and will do something bad with me?Oh, God! Huwag lang siya magkakamali. Kahit papaano ay marunong naman akong ipagtanggol ang sarili ko. “Why are you staring at me like that?” pinilit ko siyang tarayan. Nagtaas din ako ng noo ko. Because, to be honest, I felt sudden embarrassment due to the way he looked at me.Tumikhim siya at nag-iwas ng tingin sa akin. “Tapos ka ng maligo. Iiwan muna kita rito at lalabas ako para hanapin ang kotse mo,” aniya at kaagad siyang humakbang at nilagpasan ako.“Iiwan mo talaga ako rito?” tanong ko.“Huwag ka ng sumama. Malakas pa rin ang ulan sa labas. Mababasa ka lang ulit.”“But—”“Gusto mo bang hanapin ko ang kotse mo, o hindi?”Naputol ang pagsasalita ko nang humarap siya sa akin.Saglit akong napatahimik. Pero sa huli, napabuntong hininga na lamang ako. “Fine,” napipilitang sabi ko. “But don’t take too long.”He didn’t answer, sa halip ay lumabas na siya sa bahay niya

    Last Updated : 2023-11-15
  • LOVING THE POOR BILLIONAIRE: VZ SERIES 1   CHAPTER 10

    “SIR LEON, I’m sorry po kung late po akong nakapasok ngayon. I was just—”“That’s okay, hija. You don’t have to appologize.”Banayad akong nagpakawala nang malalim na buntong hininga nang putulin ni Sir Leon ang pagsasalita ko. God! Dahil sa nangyari kagabi at kanina, late ako ng isang oras bago nakarating dito sa office. It’s Midas’s fault. I mean, ayoko siyang sisihin, but because of him, kaya kaninang umaga na ako nakauwi sa bahay. Pinagalitan pa ako ni mama kasi hindi ako nakatawag sa bahay kagabi para sabihing hindi ako makakauwi. She was worried about me. Dahil nga nabasa ng ulan ang cellphone ko kagabi, kaya hindi na iyon gumana. Hindi ako na kontak ni mama. “Thank you po! I promise, this won’t happen again, sir,” sabi ko na lang.“That’s alright. I understand you. I know young people like you. You can’t avoid partying at night, and that’s normal because you just want to enjoy your life.”I frowned slightly dahil sa mga sinabi ni Sir Leon.Party? Hindi naman ako nag-party ka

    Last Updated : 2023-11-15
  • LOVING THE POOR BILLIONAIRE: VZ SERIES 1   CHAPTER 11

    “I THINK that’s a good idea, bes,” sabi ko kay Lailani at ngumiti ako. “Um, sige Kalo! Siguro ay pupuntahan ko na lang ang kuya mo sa talyer.”“Sige po! Mag-iingat po kayo, miss byutipol.” “Ako, hindi ba byutipol?” tanong ni Lailani bago pa ako makatalikod. Ngumiti naman si Kalo at napakamot sa batok nito. “Maganda ka rin po! Pero... Mas maganda po si miss byutipol!” Sumulyap ito sa akin at mas lalong ngumiti.Napasimangot naman si Lailani. “Bes, huwag mo na kayang bayaran ang bills nila rito? Nakakainis ang batang ito! Hindi man lang marunong tumingin sa maganda!”Natawa na lamang ako nang pagak dahil sa naging hitsura ni Lailani. Grabe naman ang babaeng ito! Pati ba naman ang bata patulan?“Huwag mo na patulan si Kalo, Lai! Let’s go,” sabi ko na lang. “Bye, Kalo!”“Ingat po kayo, miss byutipol!”“Byutipols! May S sa dulo kasi dalawa kami,” sabi pa nito saka tumalikod at umagapay na sa akin sa paglalakad.“Pinatulan mo pa ang bata,” sabi ko habang tinatahak na naman ang pasilyo pap

    Last Updated : 2023-11-15
  • LOVING THE POOR BILLIONAIRE: VZ SERIES 1   CHAPTER 12

    “W-WHAT CONDITION?” Nauutal na tanong ko at bahagya akong umatras ulit palayo sa kaniya. He gazed at me, which caused me to feel a strange trepidation in my heart even more.Damn this man! Ano ba ang gusto niyang mangyari sa akin at pinakakaba niya ako ng ganito?Lihim akong napalunok at nagbuntong hininga. At nang humakbang pa siya ng isang beses palapit sa akin, nag-isip na ako ng puwede kong gawin oras na may hindi siya magandang gawin sa akin. Damn. Huwag lang talaga siyang magkakamali.Napasulyap ako sa lagayan ko ng mga sandals. Medyo mabigat ’yon, kaya kung mabubuhat ko iyon agad at maihahampas sa kaniya, puwede siyang mawalan ng malay agad. Nahagip din ng paningin ko ang lagayan ko ng payong. Bakal din iyon. But I don’t think na mapapatulog ko siya kung ihahampas ko iyon sa ulo niya. Muli akong napatingin sa kaniya nang magsalita siya.“Pero bago ko sabihin sa ’yo ang kondisyon ko, pakainin mo muna ako! Nagugutom na ako!”My jaw seemed to fall to the floor because of what he

    Last Updated : 2023-11-15
  • LOVING THE POOR BILLIONAIRE: VZ SERIES 1   CHAPTER 13

    NAIINIS na nagpakawala ako nang malalim na buntong hininga nang matapos kong silipin ulit ang wristwatch na suot ko. Hindi ko na mabilang kung ilang beses ko na iyong ginawa simula nang tumayo ako sa kinaroroonan ko ngayon. Nasa loob ako ng mall at naghihintay kay Midas. Kanina pa ako naiinis sa kaniya. Ang usapan namin nang isang araw bago siya umalis sa condo ko, magkikita kami ngayon after lunch dahil kailangan ko muna siyang ipa-makeover bago ko siya isama sa bahay nina Lolo mamayang hapon. Pero ang damuhong ’yon, pinaghintay ako nang matagal!Muli akong nagbuntong hininga. And later, from a distance, I saw him walking towards me. I felt even more annoyed because he was with the girl I saw the other day. ’Yong babaeng kasama niya roon sa talyer at doon sa hospital.Pero bago siya tuluyang makalapit sa akin, huminto sila ng babae at saglit niya itong kinausap. Pagkatapos, nangunot ang noo ko nang makita kong kinabig siya ng babae sa batok niya at hinalikan ang kaniyang mga labi.

    Last Updated : 2023-11-16
  • LOVING THE POOR BILLIONAIRE: VZ SERIES 1   CHAPTER 14

    “MABUTI naman pala at napapayag mo si Midas, Ganda,” wika ni Madam Nancy sa akin habang naglalakad na kami papunta sa bahay ni Midas. Pagkatapos kasi naming kumain kanina sa mall, nagpaalam siya sa akin na uuwi muna sa kanila at kailangan niya raw munang dalhan ng pagkain sa ospital sina Kalo at Aling Yolly. I did nothing but agree with him. Hindi ko kasi siya napilit na magpa-makeover kay Vernice. Siya na raw ang bahala sa magiging ayos niya mamaya kapag pumunta na kami sa bahay ni lolo.Oh! Sana lang talaga at hindi ako mapahiya sa abuelo ko. “Wala siyang choice, Madam Nancy. I blackmailed him.”Tumawa naman ito dahil sa sinabi ko. “Mabuti na lang talaga. Kasi wala na rin akong ibang mahanap na magpapanggap na boyfriend mo kun’di siya. I mean, si Midas lang ang bagay sa ’yo. Siya lang ang nakikita kong perfect para sa rule na hinahanap mo.”Bahagyang nagsalubong ang mga kilay ko sa sinabi nito. Bagay? Bagay kami ng damuhong ’yon? Ugh, no! Napailing ako. “No, we’re not, Madam Nanc

    Last Updated : 2023-11-16

Latest chapter

  • LOVING THE POOR BILLIONAIRE: VZ SERIES 1   CHAPTER 71

    “HERE’S your snacks, wife!”Nakangiting lumingon ako kay Midas nang marinig ko ang boses niya. I was sitting pretty in the sofa na nasa loob ng gazebo. Nagbabasa ako ng magazine habang binabantayan ko ang ang second baby namin ni Midas na three years old na at masarap ang pagkakatulog sa crib na nasa tabi lang din ng sofa na inuupuan ko. Samantalang tinatanaw ko naman sa garden si Paddy, ang panganay namin. Nakikipaglaro ito sa anak nina Crandall at Portia na si Link. Oh, well, noon pa man ay silang dalawa na talaga ang magkalaro dahil tuwing linggo ay sinusundo ko sa bahay nina Portia ang anak nila ni Crandall para may kalaro si Paddy. At hanggang ngayon ay iyon pa rin ang bonding nilang dalawa. Mas matanda ng tatlong taon si Link kaysa kay Paddy kaya natutuwa ako na strong ang bonding at relationship na nabuo sa pagitan nilang dalawa. Natutuwa ako na nagkaroon ng kuya ang anak ko sa katauhan ng anak ni Portia.“Thank you so much, daddy!” Ngumuso ako sa kaniya kaya yumuko naman siya

  • LOVING THE POOR BILLIONAIRE: VZ SERIES 1   CHAPTER 70

    NANGINGINIG ang buong katawan ko at ang mga luha ko ay patuloy pa rin sa pagpatak. Mahigpit pa rin akong nakahawak sa likod ng front seat at ang isang kamay ko ay nakahawak din sa tiyan ko. Mayamaya, narinig ko ang malakas na pagsigaw ni Lailani maging ang pagliko ng kotse. “I hate you, Jass Anne! I really hate you!” Narinig ko ang malakas na iyak nito at sunod-sunod na pinaghahampas ang manibela. At kahit labis pa rin akong natatakot dahil sa nangyari, dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko. At nang makita kong nakahinto na sa gilid ng kalsada ang sasakyan at wala na sa harapan namin ang paparating na truck, hindi ko na napigilan ang mapahagulhol. Oh, God! Ang akala ko ay ito na ang huling araw ko sa mundo. Akala ko ay ibabangga talaga ni Lailani ang kotse sa truck. “I want to kill you and your baby, Jass Anne. Para maramdaman ni Midas kung ano ang sakit na naramdaman ko nang mawala sa akin si Wigo. But... I’m not as bad as you think.” Tumatangis na saad nito.“H-Hindi ako ang

  • LOVING THE POOR BILLIONAIRE: VZ SERIES 1   CHAPTER 69

    “OH, I MISSED YOU, HIJA!”Napangiti ako nang malapad habang yakap-yakap ako ni Sir Leon. Isinama ako ni Midas sa bahay ng parents niya dahil kakauwi lang ngayong araw dito sa Pilipinas ang papa niya matapos ang mahigit dalawang buwan na pagpapagamot nito sa Amerika. “Na-miss ko rin po kayo, Sir Leon.”Pinakawalan ako nito mula sa mahigpit na yakap at pagkuwa’y hinawakan ang magkabilang pisngi ko at hinalikan ako roon. “You should start calling me papa because you and Midas are about to get married.”“Right, mahal ko,” wika ni Midas sa akin nang tumabi ako sa kaniya sa pagkakaupo sa mahabang sofa.“And do you remember before, kinukulit kitang makipag-date sa isa sa mga anak ko?” tanong nito. Oh, yeah! Noon. I can’t remember how many times Sir Leon told me to accept his offer to me to date his son because he said he wanted me to be his daughter-in-law.“You did, Pa?” kunot ang noo na tanong ni Midas sa papa niya.Bahagya namang tumawa ang matanda at pagkuwa’y umupo ito sa sofa. “I rea

  • LOVING THE POOR BILLIONAIRE: VZ SERIES 1   CHAPTER 68

    DESPITE the many challenges that arose between Midas and I; in our relationship… But here we are. We’re happy together. I can’t count how many times I’ve silently thanked God for the happiness He gave Midas and me. And I still can’t believe, after all these trials, sa proposal of marriage pa rin kami mauuwi. Although nabanggit na ni Lolo sa amin ni Midas ang tungkol sa pagpapakasal namin bago pa raw lumaki ang tiyan ko, but I still couldn’t stop myself from feeling so much joy and excitement when Midas proposed to me earlier. Nag-uumapaw pa rin ang kaligayahan sa puso ko sa mga sandaling ito.Nakahiga kami ni Midas airbed na nasa loob ng malaking tent na itinayo niya kanina rito sa bandang dulo ng beach. Tapos na kaming mag-dinner. Tapos na siyang uminom ng kape habang ako naman ay ipinagtimpla niya ng gatas. Nakaunan ako sa braso niya habang nakayakap sa kaniya ang isang braso ko. Madilim na ang buong paligid kaya mas lalong lumamig ang hangin. Pero hindi ko naman iyon masiyadong pin

  • LOVING THE POOR BILLIONAIRE: VZ SERIES 1   CHAPTER 67

    “OH! This is so beautiful, babe!” nakangiting sabi ko kay Midas habang nakatanaw ako sa malawak at kulay asul na karagatan. Ang buhok kong nakalugay ay bahagyang isinasayaw ng hangin. I was sitting in the wheelchair while Midas was standing behind me. But later, he knelt down next to me. He smiled at me and held my hands. “Do you like it, mahal ko?”Tumango ako habang matamis ang ngiti sa mga labi kong tumitig sa kaniya. It’s been two days simula nang makalabas ako sa ospital at umuwi kami sa condo unit ni Midas. And now dinala naman niya ako rito sa private resort na pag-aari nila. Ang beach kung saan niya ako dinala noon para mag-coffee date kami at kung saan ko siya sinagot para maging boyfriend ko. We are now on the balcony of the rest house and we are both happy as we look at the peaceful ocean. Nag-suggest si Caspian na dapat ay lagi akong lumanghap ng preskong hangin at umiwas na muna ako sa maingay na paligid para mas mapabilis ang pagbalik ng sigla ng katawan. So Midas deci

  • LOVING THE POOR BILLIONAIRE: VZ SERIES 1   CHAPTER 66

    “I EXAMINED Jass Anne a while ago. And I didn’t see any problem with her. In just a few days, or maybe a couple of weeks, the wound on her stomach will heal completely. So, you have nothing to worry about, bro. She's totally fine. And tomorrow, we can remove the plaster cast from her leg,” wika ni Caspian habang nakatayo ito sa may paanan ng hospital bed kung saan ako nakahiga. Nakaupo naman sa tabi ko si Midas at hawak-hawak nito ang kanang kamay ko.Mayamaya, lumingon siya sa akin at matamis na ngumiti. Ginawaran niya rin ng halik ang noo ko. “I’m so happy now that she’s okay.”“And I can’t wait to get home, babe. I mean, I’ve been here in the hospital for over a month. I’m looking forward to going home, resting, and avoiding the scent of any medication.”Bahagyang natawa ng pagak sina Midas at Caspian dahil sa sinabi ko.“Well, I’m not new to hearing such complaints. Almost all my patients here tell me the same thing,” ani nito. “So, paano. Iiwan ko na muna kayo rito. I know you mi

  • LOVING THE POOR BILLIONAIRE: VZ SERIES 1   CHAPTER 65

    “N-NO!” Umiling-iling siya at dahan-dahang humakbang palapit sa hospital bed habang sunod-sunod na pumapatak ang kaniyang mga luha. Hindi totoo ito! Hindi totoong wala na si Jass Anne! He’s only dreaming right now! This can’t be real. Nang mga sandaling mahawakan niya ang hospital bed, bigla niyang naramdaman ang labis na panghihina ng kaniyang mga tuhod at napahagulhol na siya. “No! No! No, Jass Anne! You can’t do this to me, Mahal ko. P-Please you can’t do this to me.”“Sixto, anak!”“Ma! Why? This is not real, Ma. Jass Anne can’t leave me.” Kahit walang sapat na lakas, pinilit niyang yakapin ang malamig na bangkay ng dalaga. “Jass Anne! You promised me hindi mo ako iiwan. Ang sabi mo lalaban ka. Pero bakit sumuko ka na, mahal ko? You can’t die, Jass Anne. Please! I’m sorry if iniwan kita rito kagabi. Please! Please, Jass Anne, I’m begging you.”“Sixto, calm down!”Naramdaman niya ang masuyong paghaplos ng palad ng kaniyang ina sa kaniyang likod.Calm down? Paano siya kakalma ngayon

  • LOVING THE POOR BILLIONAIRE: VZ SERIES 1   CHAPTER 64

    “EVERYTHING will be okay! Trust me!”Banayad ngunit malalim na paghinga ang pinakawalan ni Midas sa ere nang tapikin siya sa kaniyang balikat ng kaniyang kapatid na si Coghlan, ang sumunod sa kaniya. Kauuwi lamang nito sa Pilipinas mula sa Germany. Mula sa airport, dumiretso agad ito sa ospital para bisitahin siya, lalo na si Jass Anne.“I’m still waiting for her to wake up, Coghlan.”“She’ll be okay. I know babalik din siya sa ’yo.”That’s what he’s been praying over and over for the past month. Yeah. It’s been a month since the accident happened to Jass Anne, since his girlfriend became comatose. But until now, she still hasn’t woken up. There is still no change in her condition. Pinanghihinaan man siya ng loob at tila nawawalan na ng pag-asa dahil walang progress na nangyayari sa sitwasyon ni Jass Anne, pero patuloy pa rin siyang umaasa at lumalaban para sa kaligtasan ng babaeng pinakamamhal niya. Hanggat hindi sumusuko si Jass Anne, lalaban siya, maghihintay at aasa na gagaling di

  • LOVING THE POOR BILLIONAIRE: VZ SERIES 1   CHAPTER 63

    NANG makita ni Midas na bumukas ang pinto ng ER, kaagad siyang napatayo sa kaniyang puwesto at naglakad palapit kay Caspian. “Bro, h-how was my girlfriend?” tanong niya. Hindi pa nawawala ang labis na pag-aalala niya para sa nobya. Malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Caspian sa ere at pagkuwa’y tinapik siya sa kaniyang balikat. “Magiging honest lang ako sa mga sasabihin ko sa ’yo ngayon, Midas,” wika nito.Pakiramdam niya, ang kaba at takot na kaniyang nararamdaman kanina ay mas lalong tumindi dahil sa sinabi ni Caspian sa kaniya.“She’s... She’s fine, right?”“Medyo kritikal ang lagay ni Jass Anne ngayon.”Wala sa sariling napatiim bagang siya kasabay niyon ang pagkuyom nang mariin ng kaniyang mga kamao. Pakiramdam niya, huminto bigla ang malakas na pagkabog ng kaniyang puso. Kritikal? What will happen to his girlfriend now that her condition is critical? He can’t lose Jass Anne dahil hindi niya kakayanin kapag nangyari ’yon. She has to survive, no matter what. Naramdam

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status