IF YOU LOVE SOMEONE LET HIM GO. IF HE IS YOURS HE'LL COME BACK TO YOU. IF HE WON'T, HE WAS NEVER YOURS! Keep on reading my dear readers of "LOVING THE CEO's MISTAKEN IDENTITY". Always - Em Dee C.
NARAMDAMAN NI SHELLEY ang sunud-sunod na pagpatak ng luha sa kanyang likod. Ramdam din niya ang pagyanig ng katawan ng lalaking kanyang yakap, sanhi ng hindi mapigil na pag-iyak. Inilayo niya ang katawang wari ay nakapagkit sa katawan ng lalaking lumuluha. “Russell…” Lalo pang nagsunud-sunod ang pagpatak ng luha mula sa mga mata ni Owen pagkarinig sa pangalang sinambit ni Shelley. “What’s wrong, Russell?” Tanong ng nagugulumihanang babae. Pinahid niya ng palad ang luha sa mukha ng kaharap. Naantig ang kanyang damdamin sa pagpapakita nito ng kahinaan sa kanya. At higit pa siyang nahulog sa kailaliman ng malalim na hukay ng pag-ibig. “Hindi ko na gustong malaman ang ano mang ipagtatapat mo sa akin,” saad niya, “lalo pa’t kung iyon ay magpapahirap sa iyong kalooban at nangyari sa panahong wala pa ako sa buhay mo.” Pinagdaop ni Owen ang kanyang mga palad sa magkabilang pisngi ng kausap. Puno ng pagmamahal na itinitig dito ang mga matang luhaan. At nagsimula sa pagtatapat. “Gusto
NAGPUPUYOS ANG KALOOBAN ni Theodore Rossell dahil sa sobrang galit. Halos ay kaladkarin na niya ang asawa papunta sa basement ng mansion. “Ano’ng uri ka ng ahas, Solenne,” tanong niya rito, “ikaw na asawa ko pa ang kasabwat ng masasamang loob na pumasok dito! Ano pa ba ang kulang sa mga luhong ibinibigay ko sa ‘yo? Bakit kailangang makipagsabwatan ka pa para pagnakawan ako?” Marahas niyang itinulak papasok sa loob ng isang maliit na silid ang asawa. Walang kahit anong gamit sa loob ng silid na iyon maliban sa isang banig na higaan. At ang tanging daanan para makapasok at makalabas doon ay ang pintuan na pinasukan ni Solenne at Theodore. Nahintakutang inilibot ni Solenne ang kanyang tingin sa paligid. At nakita niyang isang munting bintanang may rehas lamang ang daanan ng hangin sa silid na iyon at isang munting bumbilya lamang ang ilaw na naroon. “Bakit tayo narito? Ano’ng gagawin mo sa akin?” Nineneriyos na tanong niya sa asawa. “Ito na ang magiging silid mo mula ngayon Solenne
“NAKAPAG-USAP NA KAMI ni General Cabal,” pagbibigay alam ni Theodore Rossell kay Owen, “pumayag na siyang maging general head of security ng Rossell Security Agency. Siya na rin ang magtatalaga sa kung sino ang inaakala niyang nararapat na mamuno sa security force ng mansion at hindi ka kasama sa mga pagpipilian.” Nasa loob sila ng sikretong silid ni Theodore. Naglalaban sa larong bilyar upang bawasan kung hindi man ganap na mabura ang stress na kapwa nila nararamdaman. A friendly competition. Kinakabahan si Owen. Iniisip na masisira ang kanyang planong “alisin” si Russell sa buhay ng pangarap niyang maging ama na si Theodore. Tumikhim siya. Nilinis ang lalamunan bilang paghahanda sa kanyang mga sasabihin kay Theodore, na lingid sa kanya ay tunay niyang ama. Ang ama na ipinagdamot sa kanya ng inaakala niyang tunay niyang ina na si Gemma, na kumidnap sa kanya noong siya’y sanggol pa. “Ano po ang magiging katayuan ko dito sa mansion,” ang tanong na hindi niya masabi at nanatiling na
"MISS FRANCINE DE CASTRO?" Mula sa pagkakayuko sa binabasang libro ay tumingala si Francine. Kunot ang noong pinagmasdan ang lalaking patanong na nagsabi ng kanyang pangalan. Kinilala. Hinukay niya mula kailaliman ng kanyang memorya ang anyo ng lalaking nakatayo sa kanyang harapan. Alam niyang kilala niya ang lalaking iyon, hindi lamang niya matandaan kung saan at kung kailan niya iyon nakilala. Biglang pumasok sa kanyang isipan ang larawan ng nag-iisang tagapagmana ng imperyo ng Rossell Businesses. Ang guwapo, sikat na unico hijo ni Sir Theodore Rossell, na madalas niyiang makitang pabalat ng mga business magazine at kung minsan ay celebrity cover din mga iba't ibang magazine na umuurirat sa buhay ng mga taong nasa mataas na bahagi ng lipunan. Napanood na rin niya ito sa mga talk shows sa iba't ibang channel ng telebisyon. Pinigil niya ang ang kilig na tila kidlat na pumasok sa kanyang katawan. Nagpabilis sa tibok ng kanyang puso at pagdaloy ng kanyang dugo. Gusto niyang magta
FRUSTRATED. Halu-halong damdamin ang nagpapahirap kay Shelley. Naiiyak siya sa matinding sama ng loob at pagkapahiyang naramdaman . “Ipinagduldulan ko na halos ang sarili ko sa kanya,” pakikipag-usap niya sa wala, “wala na nga akong itinirang kahit isang patak na pride sa sarili ko dahil sa sobra-sobrang pagmamahal ko sa kanya,” hindi niya napigilan ang malakas na pagsigok sanhi ng pagpipigil na mapaiyak, “binale-wala pa rin niya ako!” Tinanggihan ni Owen (na ang akala niya ay si Russell) ang kanyang ipinagkakaloob na kaligayahan. NAKAPANLILIIT! Pakiramdam niya’y nagmistula siyang isang mumurahing babae na tinanggihan ang iniaalok niyang kaligayahan ng laman. Hindi na niya napigilan ang nararamdamang pagkahabag sa sarili. Humulagpos ang sunud-sunod na paghikbi. Ang paghagulgol ay hindi naiwasan. “Hayup ka, Russell! Hayup kaaa!” Sigaw niya nang pabulong. NAKAKAINSULTO! Pakiramdam niya'y hindi na niya kayang harapin ang sarili sa salamin. Na malaking bahagi ng kanyang pagkatao
ASIWA. HINDI MAPAKALING biling-baligtad si Russell sa kinahihigaan. Kinakabahan siya. Natatakot! Hindi mawala sa kanyang isip si Shelley. Inaatake na naman siya ng nerbiyos. Pakiramdam niya'y may hindi tamang nagaganap sa manunulat na napamahal na sa kanya. Kinuha ang kanyang cellphone at tinawagan ang ama. “Nasa panganib si Shelley, Dad,” ang agad niyang sabi nang marinig ang tinig ng ama, “tulungan mo siya! Puntahan mo siya, please!” Nagulumihanan si Theodore. Nilingon ang relos na nasa side table ng kanyang kama. 1:38 AM Nadismaya. Pagkadismayang naging malalim na kalungkutan. Pinagpawisan siya sa kabila nang malamig sa loob ng kanyang airconditioned room. Bumilis ang tibok ng kanyang puso sa pag-aalala sa kalagayan ng anak nang mga sandaling ‘yon. “Nai-stress na naman siya,” naisip niya, “naguguluhan na naman ang utak niya dahil sa trauma na nangyari sa kanya.” Malalim siyang napabuntunghininga. Paano niya tutulungan ang taong ni hindi naman niya nakikilala? Hindi niya
“THEODORE!” Umaalingawngaw sa kapaligiran ang malakas na pagtawag ni Solenne sa pangalan ng asawa. Bumabalandra iyon sa lahat ng sulok. At dinala ng hangin sa mga silid ng kanyang kinaroroonan. “Theodore pakawalan mo ako rito! Pakawalan mo akoooo!” Paulit-ulit na sigaw ng pakiusap. Paghingi ng awa at pagpupumilit na siya’y pagbigyan ng asawa sa kanyang kahilingan na siya ay pakawalan. Ang pasigaw na paghingi ng awa at pakiusap ay sinasalitan ng malakas na palahaw ng pag-iyak. “Theooo… Theodore maawa ka naaa…” Na nakarating sa kinakukulungan ni Roman. “Boses ni Ma’am Solenne ‘yun, a,” saad sa wala na puno ng pagtataka, “nakakulong din pala siya. Bakit kaya siya ikinulong? Nalaman na kaya ni Sir Theodore ang mga pangangaliwa ni Ma’am Solenne? Nahuli kaya niya ‘yon sa akto,” sunud-sunod na tanong sa sarili. Hindi mapakaling naghanap ng kahit maliit na siwang si Roman, upang marinig niya nang malinaw ang pagsigaw ni Solenne. Dumapa sa sahig at idinikit ang tainga sa bintanilya kun
PAULIT-ULIT NA NIYANG binasa ang “THE PERFECT CRIME” ang nobelang isinulat nila ni Owen (na inakala niyang si Russell). Matapos ang paulit-ulit nilang pagpapalitan ng email sa pagbuo, pag-edit at pag-proof ng nobela ay natapos din iyon na kinatuwaan niya ang kinalabasan ng buong nobela. Inapura siya ni Owen na agad ipadala ang isang copy kay Theodore Rossel, ngunit bigla ring pinigil na makarating iyon sa padadalhan sa hindi niya malamang dahilan. Pilit niyang hinahanap ang dahilan kung bakit pinigil siya ng lalake na ipadala kay Theodore Rossell ang kopya ng libro sa pamamagitan ng paulit-ulit na pagbabasa nito. Pilit niyang inaanalisa ang lahat ng kabanata higit at lalo ay ang mga kabanatang si Owen ang bumuo. “Hindi kaya nag-alala siyang mabasa ni Joanne Javier ang librong ito,” tanong niya sa sarili habang muling binabasa ang tungkol sa connivance ng mga kontrabidang sina Brendon at Joanne sa nobelang magkatulong nilang binuo ni Russell, “hindi kaya nagkagalit lang sila ng ka
EPILOGUE: MASAYANG PINANONOOD NI Roman ang ini-edit na mga eksena ng isinapelikulang buhay niya. Ang nais niya'y mapanood ng maraming kabataan ang kanyang buhay, mga pagkakamali at pagsisisi upang magbigay ng aral sa mga manonood niyon. "Alam mo, Roman, hindi mo dapat ipinatanggal 'yung eksenang tumatakas ka,"pahayag ng nagi-edit ng pelikula, "maganda 'yon, e! Exciting. Ang galing pa ng leading man na gumanap bilang ikaw, kahit baguhang artista pa lang." "Exciting pero hindi naman totoo," sagot ng dating sundalo sa editor, "doon lang tayo sa totoo!" "Hindi naman halatang wala kang braso kapag naka-long sleeves ka, e. Ang husay kaya ng pagkakagawa ng artificial arms mo," pakikipagtalo ng editor, "madali namang sabihin na sa aksidente ka naputulan ng mga braso," dagdag pa nito, "at saka magandang pang-come on sa viewer once na napanood sa trailer ang part na 'yon na tumatakas ka!" "E, kaso, tigok naman ako do'n sa eksenang 'yon. Samantalang heto't buhay na buhay ako. E, di magagalit
NANGINGITI SA KANYANG pag-iisa si Atty. Jasmine Generoso habang ibinabalik sa kanyang alaala ang mga naging pag-uusap nila ni Gemma Garcia. “Ayokong makulong,” nagkakandaiyak na sinabi sa kanya ng nurse nang una silang magkaharap, “gawin mo ang lahat ng paraan upang huwag akong makulong!”“Lahat ng manipulations at pakiusap ay ginawa ko na pero hindi pa rin pumayag ang judge na makapag-bail ka.” Paliwanag niya sa babae.Matagal niyang pinagmasdan si Gemma. Pinag-aralan sa isip kung mapapapayag niya ito sa paraan na kanyang naiisip upang ang nurse ay hindi magdusa sa loob ng bilibid.“Kaya mo bang magbaliw-baliwan?” Tanong niya dito.Noon nagsimula ang pagbabaliw-baliwan ni Gemma na naging kapani-paniwala sa mga nasa city jail kaya siya’y agad na ipinadala sa ospital ng mga wala sa sariling pag-iisip.“Huwag kang mag-alala,” bulong ng kanyang abogado, “may mga kamag-anak at kakilala ako rito sa ospital na ‘to, kaya madali kong magagawan na paraan na maitakas ka rito.”“Sigurado kan
SINAKSAKAN NG INJECTION si Brendon. Ilang saglit lang ay biglang dumilat ito. Nanlalaki ang mga matang nakatingin sa wala. Biglang nanigas at nanginig ang katawan kasabay sa bigla ring pag-ungol. “Doc, bakit biglang nag-seizure ang pasyente?” Tanong ng nurse na uma-assist sa doctor. Nag-iisip ang doctor na nag-iniksiyon kay Brendon. “Mali kaya ‘yung na-injection kong gamot?” Ang nasa isip na tanong sa sarili. Tinutukan nito ng liwanag ng flashlight na hawak ang mga mata ng pasyente. May pag-aalala sa mga matang ni-recall sa isip ang mga signs or symptoms ng sakit na naging dahilan niya upang turukan ng ineksiyon ang pasyenteng walang malay taong isinugod sa ospital. “May relatives ba na naririto sa ospital ang taong ito?” Tanong niya sa nurse. “Palaboy lang sa daan ‘yan, doctor,” pagbibigay alam ng nurse, “homeless, ayon sa ibinigay na impormasyon ng nagsugod dito. Nakisilong lang daw sa mall nang umulan. Tapos biglang hinimatay.” “Nasaan ‘yung mga taong nagdala sa kanya rito?”
NABIGLA ANG LALAKING balbon na nakasuot ng sleeveless shirt nang dakmain siya sa batok ng isang pulis at mabilis namang nalagyan ng posas ng isa pang pulis na kapartner nito.“Bakit?” Nanlalaki ang mga matang tanong nito.“Sumama ka na lang nang tahimik sa amin at ng hindi tayo magkagulo rito.” Sagot sa kanya ng isa sa magkapartner na pulis.Sa di kalayuan ay nakatanaw si Gemma sa kanila na hindi naiwasan ang kabang naramdaman.“Buti na lamang at hindi agad ako nakalapit sa kanya,” ang nasa isip nito, “dahil kung hindi ay malamang na dalawa kaming nadampot ng mga pulis na ‘yon!”Nagpalinga-linga. Sinuyod ng tingin ang kapaligiran. At lalong kinabahan nang mapansin na may mga taong patingin-tingin din sa kapaligiran na tila may hinahanap.“Mga mukhang pulis din…” ang naikonklusiyon niya, “baka ako ang hinahanap ng mga iyon.”Maingat niyang inayos ang suot na facemask at sunglass na nagtatago sa kanyang mukha.“Baka natingnan na ng mga awtoridad ang mga passenger’s list at nabasa na nil
TULOG.Walang namamalayan si Russell sa mga nagaganap sa kanyang kinaroroonan nang mga sandaling yon,Habang pinagmamasdan siya ni Shelley.Halos hindi na makayang dalhin ng utak ng babae ang mga pangyayaring naganap sa kanyang buhay. Hindi niya ganap na maunawaan kung bakit sa ilang mga araw na nagdaan ay naging magulo ang kanyang mundo at ang mga dating pinaniniwalaan niya ay biglang naging iba at ang mga dating totoo ay naging kasinungalingan na.Malalim siyang napabuntunghininga.“Siya ba ‘yong lalake na sinaksak ko?” Tanong niya sa kasama.“Siya ang totoong Russel.”Napalunok ang babae, lalo pa nang marinig ang karugtong na paliwanag ng tinanong niya.“Siya ang nag-iisang anak at tagapagmana ng multi billionaire na si Sir Theodore Rossell. At alam ko kung gaano niya kamahal ang anak niyang iyan. Wala siyang hindi gagawin upang maiparamdam kay Russell kung gaano niya kamahal ito.”“A-alam na ba niya ang nangyari sa anak niya? Na ako ang sumaksak sa kanyang anak?”“Inamin mo na sa
SHOCKED.Hindi mapaniwalaan niTheodore Rossell ang mga naririnig. Hindi niya matanggap ang mga sinasabi ng kausap niya sa telepono.Na nasa morgue ang bangkay ng kanyang asawang si Solenne Stevens-Rossell!"Bakit? Ano'ng nangyari?" Ang tanong na halos ayaw lumabas sa kanyang bibig."Nag-suicide po si Mrs. Rossell.""Paano...?"Ayon sa mga witness na nakasaksi ay sinalubong niya ang isang sasakyan na matuling tumatakbo sa highway. Tumilampon ang kanyang katawan na bumalandra sa isang bus na matulin rin ang takbo..." Bumagsak sa kalsada ang katawan ng kanyang asawa at hindi na makikilala pa dahil sa pagkadurog ng mukha nito nang masagasaan matapos mabundol.Nakaramdam agad ng guilt si Theodore.Maliwanag na bumabalik sa kanyang alaala ang mga masasakit na salitang binitiwan niya sa asawa. Ang mga pananakot at pagbabanta niya ng pagdedemanda ng attempted murder sa ginawa nitong pakikipagsabwatan kay Domingo Sabado na natuklasan niyang pagpatay sa kanya ang pakay at hindi pagnanakaw na
ISANG TUSONG NGITI ang naglaro sa mga labi ni Attorney Advincula nang makaharap si Solenne Stevens. Nanlalait ang mga mata nitong tiningnan nang mula ulo hanggang paa ang babae na tila ba ito isang napaka-walang kuwentang nilalang."Ikaw ang abogadong may hawak ng last will and testament ni Domingo Sabado, right?" Tanong ng naging ka-live in ni Domeng na puno ng kumpiyansa sa sarili.Pagkatapos ng kung ilang buwan niyang paghahanap, sa wakas natagpuan din niya ang taong susi upang makamit ang lahat ng kayamanang nauukol sa kanla ng anak niya.Pakiramdam niya'y natagpuan na niya ang treasure ni Domingo Sabado na inialay sa kanyang kagandahan bilang regalo alang-alang sa init ng kanyang pag-ibig na ipinagkaloob sa lalake. Walang sagot ang abogado."Maupo ka muna." Ang saad nito sa babae kasabay sa paglalahad ng kamay nito bilang senyas paturo sa silyang nasa harapan ng mesa na nakapagitan sa kanila.Taas ang mukha, puno nang pagmamalaking naupo si Solenne. Pakiramdam niya'y higit siya
MALAKAS NA IPINILIG ni Owen ang sariling ulo. Pilit na nag-focus sa mga sinabi ni Shelley.Abot ng kanyang isip ang kawalan ng laban ng babaing minamahal sa yaman, kapangyarihan, mga koneksyon at dami ng abogado mga Rossell oras na ihabla ni Sir Theodore ang babae. Siguradong-sigurado niang hihimas ng rehas ang babae kapag kumilos ang multi-billionaire laban sa kausap sa telepono.“Nasaan kayo?” Tanong niya.“Nagtatakbo ako sa labas ng bahay dahil sa sobrang takot ko,” sagot ng kanyang kausap, “nasa loob ng bahay ko ang lalaking nagpapanggap na ikaw.”“Is he dead?” Pag-aalala niya.“Hindi ko alam!” Ang nanginginig na sagot ni Shelley.”“Ang balisong, nasa iyo ba?”“Wala. Hindi ko alam kung saan ko nabitiwan.”Pakiramdam ni Owen ay biglang namaga at namanhid ang kanyang utak . Hindi niya mahagilap saanmang bahagi ng kanyang isip ang paraan na makapagliligtas kay Shelley sa paghihiganti ni Theodore Rossell.“Magtago ka muna,” ang bigla niyang naisip na sabihin sa babae, “mag-hotel ka!
PLANADO NA ANG lahat ng kanyang gagawin, sinimulang ilabas ni Shelley mula sa loob ng bahay ang kanyang motorsiklo.“Kailangang makaharap ko at makausap si Sir Theodore Rossell,” ang nasa kanyang isip, “iyon lang ang paraan upang matuklasan ko ang katotohanan kay Russell. Nararamdaman kong napakarami niyang itinatago sa akin. Napakarami niyang sikreto.”Naguguluhan na siya sa napakaraming pagbabagong nakikita at nararamdaman sa karelasyon.“Pati ang hitsura niya’y malaki ang ipinagbago.”Ipinarada niya sa harapan ng kanyang bahay ang motorsiklo. Binalikan at dinobol- check ang pagkaka-lock ng pintuan ng bahay.Isinuot ang helmet at tiniyak na komportable siya sa pagkakalapat niyon sa kanyang ulo, bago humarap sa kinaroroonan ng kanyang sasakyan.Nabigla at kinabahan nang makitang may lalake na nakaupo sa motorsiklo niya. Waring nanigas ang kanyang binti at hindi nagawa ang humakbang. Hindi niya matiyak kung gaano katagal siyang natunganga sa lalaking nakaupo sa kanyang motorsiklo bag