The Selfish Heart Deserve The Pain It Feels. Yes, katulad nang pagiging makasarili ni Solenne. Malulusutan pa kaya niya ang mga katrayduran at mga kasalanan niya kay Theodore? Thanks for reading "LOVING THE CEO's MISTAKEN IDENTITY"
NAGPUPUYOS ANG KALOOBAN ni Theodore Rossell dahil sa sobrang galit. Halos ay kaladkarin na niya ang asawa papunta sa basement ng mansion. “Ano’ng uri ka ng ahas, Solenne,” tanong niya rito, “ikaw na asawa ko pa ang kasabwat ng masasamang loob na pumasok dito! Ano pa ba ang kulang sa mga luhong ibinibigay ko sa ‘yo? Bakit kailangang makipagsabwatan ka pa para pagnakawan ako?” Marahas niyang itinulak papasok sa loob ng isang maliit na silid ang asawa. Walang kahit anong gamit sa loob ng silid na iyon maliban sa isang banig na higaan. At ang tanging daanan para makapasok at makalabas doon ay ang pintuan na pinasukan ni Solenne at Theodore. Nahintakutang inilibot ni Solenne ang kanyang tingin sa paligid. At nakita niyang isang munting bintanang may rehas lamang ang daanan ng hangin sa silid na iyon at isang munting bumbilya lamang ang ilaw na naroon. “Bakit tayo narito? Ano’ng gagawin mo sa akin?” Nineneriyos na tanong niya sa asawa. “Ito na ang magiging silid mo mula ngayon Solenne
“NAKAPAG-USAP NA KAMI ni General Cabal,” pagbibigay alam ni Theodore Rossell kay Owen, “pumayag na siyang maging general head of security ng Rossell Security Agency. Siya na rin ang magtatalaga sa kung sino ang inaakala niyang nararapat na mamuno sa security force ng mansion at hindi ka kasama sa mga pagpipilian.” Nasa loob sila ng sikretong silid ni Theodore. Naglalaban sa larong bilyar upang bawasan kung hindi man ganap na mabura ang stress na kapwa nila nararamdaman. A friendly competition. Kinakabahan si Owen. Iniisip na masisira ang kanyang planong “alisin” si Russell sa buhay ng pangarap niyang maging ama na si Theodore. Tumikhim siya. Nilinis ang lalamunan bilang paghahanda sa kanyang mga sasabihin kay Theodore, na lingid sa kanya ay tunay niyang ama. Ang ama na ipinagdamot sa kanya ng inaakala niyang tunay niyang ina na si Gemma, na kumidnap sa kanya noong siya’y sanggol pa. “Ano po ang magiging katayuan ko dito sa mansion,” ang tanong na hindi niya masabi at nanatiling na
"MISS FRANCINE DE CASTRO?" Mula sa pagkakayuko sa binabasang libro ay tumingala si Francine. Kunot ang noong pinagmasdan ang lalaking patanong na nagsabi ng kanyang pangalan. Kinilala. Hinukay niya mula kailaliman ng kanyang memorya ang anyo ng lalaking nakatayo sa kanyang harapan. Alam niyang kilala niya ang lalaking iyon, hindi lamang niya matandaan kung saan at kung kailan niya iyon nakilala. Biglang pumasok sa kanyang isipan ang larawan ng nag-iisang tagapagmana ng imperyo ng Rossell Businesses. Ang guwapo, sikat na unico hijo ni Sir Theodore Rossell, na madalas niyiang makitang pabalat ng mga business magazine at kung minsan ay celebrity cover din mga iba't ibang magazine na umuurirat sa buhay ng mga taong nasa mataas na bahagi ng lipunan. Napanood na rin niya ito sa mga talk shows sa iba't ibang channel ng telebisyon. Pinigil niya ang ang kilig na tila kidlat na pumasok sa kanyang katawan. Nagpabilis sa tibok ng kanyang puso at pagdaloy ng kanyang dugo. Gusto niyang magta
FRUSTRATED. Halu-halong damdamin ang nagpapahirap kay Shelley. Naiiyak siya sa matinding sama ng loob at pagkapahiyang naramdaman . “Ipinagduldulan ko na halos ang sarili ko sa kanya,” pakikipag-usap niya sa wala, “wala na nga akong itinirang kahit isang patak na pride sa sarili ko dahil sa sobra-sobrang pagmamahal ko sa kanya,” hindi niya napigilan ang malakas na pagsigok sanhi ng pagpipigil na mapaiyak, “binale-wala pa rin niya ako!” Tinanggihan ni Owen (na ang akala niya ay si Russell) ang kanyang ipinagkakaloob na kaligayahan. NAKAPANLILIIT! Pakiramdam niya’y nagmistula siyang isang mumurahing babae na tinanggihan ang iniaalok niyang kaligayahan ng laman. Hindi na niya napigilan ang nararamdamang pagkahabag sa sarili. Humulagpos ang sunud-sunod na paghikbi. Ang paghagulgol ay hindi naiwasan. “Hayup ka, Russell! Hayup kaaa!” Sigaw niya nang pabulong. NAKAKAINSULTO! Pakiramdam niya'y hindi na niya kayang harapin ang sarili sa salamin. Na malaking bahagi ng kanyang pagkatao
ASIWA. HINDI MAPAKALING biling-baligtad si Russell sa kinahihigaan. Kinakabahan siya. Natatakot! Hindi mawala sa kanyang isip si Shelley. Inaatake na naman siya ng nerbiyos. Pakiramdam niya'y may hindi tamang nagaganap sa manunulat na napamahal na sa kanya. Kinuha ang kanyang cellphone at tinawagan ang ama. “Nasa panganib si Shelley, Dad,” ang agad niyang sabi nang marinig ang tinig ng ama, “tulungan mo siya! Puntahan mo siya, please!” Nagulumihanan si Theodore. Nilingon ang relos na nasa side table ng kanyang kama. 1:38 AM Nadismaya. Pagkadismayang naging malalim na kalungkutan. Pinagpawisan siya sa kabila nang malamig sa loob ng kanyang airconditioned room. Bumilis ang tibok ng kanyang puso sa pag-aalala sa kalagayan ng anak nang mga sandaling ‘yon. “Nai-stress na naman siya,” naisip niya, “naguguluhan na naman ang utak niya dahil sa trauma na nangyari sa kanya.” Malalim siyang napabuntunghininga. Paano niya tutulungan ang taong ni hindi naman niya nakikilala? Hindi niya
“THEODORE!” Umaalingawngaw sa kapaligiran ang malakas na pagtawag ni Solenne sa pangalan ng asawa. Bumabalandra iyon sa lahat ng sulok. At dinala ng hangin sa mga silid ng kanyang kinaroroonan. “Theodore pakawalan mo ako rito! Pakawalan mo akoooo!” Paulit-ulit na sigaw ng pakiusap. Paghingi ng awa at pagpupumilit na siya’y pagbigyan ng asawa sa kanyang kahilingan na siya ay pakawalan. Ang pasigaw na paghingi ng awa at pakiusap ay sinasalitan ng malakas na palahaw ng pag-iyak. “Theooo… Theodore maawa ka naaa…” Na nakarating sa kinakukulungan ni Roman. “Boses ni Ma’am Solenne ‘yun, a,” saad sa wala na puno ng pagtataka, “nakakulong din pala siya. Bakit kaya siya ikinulong? Nalaman na kaya ni Sir Theodore ang mga pangangaliwa ni Ma’am Solenne? Nahuli kaya niya ‘yon sa akto,” sunud-sunod na tanong sa sarili. Hindi mapakaling naghanap ng kahit maliit na siwang si Roman, upang marinig niya nang malinaw ang pagsigaw ni Solenne. Dumapa sa sahig at idinikit ang tainga sa bintanilya kun
PAULIT-ULIT NA NIYANG binasa ang “THE PERFECT CRIME” ang nobelang isinulat nila ni Owen (na inakala niyang si Russell). Matapos ang paulit-ulit nilang pagpapalitan ng email sa pagbuo, pag-edit at pag-proof ng nobela ay natapos din iyon na kinatuwaan niya ang kinalabasan ng buong nobela. Inapura siya ni Owen na agad ipadala ang isang copy kay Theodore Rossel, ngunit bigla ring pinigil na makarating iyon sa padadalhan sa hindi niya malamang dahilan. Pilit niyang hinahanap ang dahilan kung bakit pinigil siya ng lalake na ipadala kay Theodore Rossell ang kopya ng libro sa pamamagitan ng paulit-ulit na pagbabasa nito. Pilit niyang inaanalisa ang lahat ng kabanata higit at lalo ay ang mga kabanatang si Owen ang bumuo. “Hindi kaya nag-alala siyang mabasa ni Joanne Javier ang librong ito,” tanong niya sa sarili habang muling binabasa ang tungkol sa connivance ng mga kontrabidang sina Brendon at Joanne sa nobelang magkatulong nilang binuo ni Russell, “hindi kaya nagkagalit lang sila ng ka
SA SULOK NG kanyang isip, alam ni Shelley na hindi siya bibigyan ng pagkakataon ni Owen (na inaakala niyang si Russell) na makaharap si Theodore Rossell. Malabung-malabo na ihingi o ikuha siya nito ng appointment sa bilyonaryong nais niyang makausap. “Kailangang gumawa ako ng paraan na makaharap at makausap ko si Sir Theodore Rossell!” KRIINNGGG… Russell ang pangalan na nasa screen ng kanyang phone. Pinili niyang huwag sagutin ang tawag. Pinatay ang phone upang matiyak na hindi siya matatawagang muli ng taong ayaw muna niyang kausapin. Nag-iisip na pinagmasdan ang libro na ibibigay sana niya kay Theodore Rossell. “Hindi kailangang i-publish ang librong ‘yan, Shelley,” ang natatandaan niyang pahayag sa kanya ni Owen na nagpapanggap na si Russell, “maselan ang paksa at mga kabanata ng librong ‘yan at posibleng maging dahilan para tayo maidemanda.” Dumaan lang sa tainga niya ang mga sinabing iyon ng ka-collaboration niya sa pagbuo ng nobelang “The Perfect Crime”. Binale-wala at ini