Share

LOVING A HIDDEN MAFIA
LOVING A HIDDEN MAFIA
Author: Franz Valley

PROLOGUE

Author: Franz Valley
last update Last Updated: 2022-09-10 19:20:28

Maribel's Point of View

"MAHAL kita, Mabel," sabi ni Calixto habang tuwid na nakatitig sa aking mga mata. "Seryoso ako sa 'yo. Hindi ko man magagawang pakasalan ka ay handa ko namang panagutan ang mamamagitan sa ating dalawa..."

Hindi ko napigilan ang aking mga luha sa pagpatak. Damang-dama ko ang sinsiridad sa kanyang sinabi, lalo pa at nakatitig siya sa aking mga mata. Tila ba ay tumagos sa puso ko ang salitang binitiwan niya. Kaya naman lalo pa akong naging desidido na ipagkaloob sa kanya ang aking kalinisan bilang babae.

Oo. Handa na akong magpa-angkin kay Calixto tutal naman ay mahal na mahal ko siya. Nang ayain niya ako sa motel na kinaroroonan namin ngayon ay bukal sa loob ko ang pagsang-ayon. Bagama't takot ako at kinabahan sa mangyayari ay inihanda ko na ang aking sarili. Pilit kong binura sa isip ang hiya at sinikap na unawain ang magaganap.

"Mabel, kung may ibunga man ang ating pagsisiping ngayon ay magiging Ama ako sa bata. Hindi ako mangingiming ibigay sa kanya ang apelyido ko..."

Tumango-tango ako. Lalo pang nag-unahan sa pagpatak ang mga luha ko. Nagpasalamat ako sa kanya saka yumakap. Naramdaman ko naman ang paghagod ng palad niya sa likod ko. Tila nanunuyo. Kaya naman tuluyan na akong bumigay. Nang iniangat niya ang katawan ko mula sa pagkakayakap at sinimulan niyang hubarin ang aking suot na damit ay hindi ako tumutol.

"Umiiyak ka," sabi niyang pinalis ng isang daliri ang mga luhang nakaguhit sa aking pisngi. "Pero sana ay hindi iyan bunga ng pagsisisi..."

"Hindi, Cal," tugon ko sa kanya na muling umiling. "Walang pagsisising ipagkakaloob ko sa 'yo ang aking sarili dahil mahal na mahal kita... sa kabila ng katotohanang may asawa ka na at mga anak."

"Salamat, Mabel. Salamat..."

Nang tuluyan na akong nahubaran ni Calixto at kitang-kita ko kung paanong nanlaki ang mga mata niya, na hindi maitatanggi ang pagnanasa ay napatungo ako. Napahiya habang kinakabahan. Alam kong naramdaman niya ang manginginig ng aking mga kamay, na naihawak ko sa magkabila niyang braso.

"Relax," bulong niya. "Magiging maingat ako. Hindi kita sasaktan, Maribel. Pangako!"

Dahan-dahan kong iniangat ang aking mukha. Marahan naman siyang tumungo at maingat na hinalikan ang labi ko. Tinanggap ko iyon at tinugon.

Matagal ang aming naging halikan. Marahan. Pero matindi ang naging bunga sa akin niyon. Masarap. Hindi ko mailalarawan o maipapaliwanag ang aking nararamdaman. Kaya naman halos hinabol ko ang sariling hininga nang naalis ang pagkakahinang ng aming mga labi.

Napapikit ako at nausal ang pangalan niya ng ibaba niya ang halik sa aking leeg, na bumaba pa sa aking dibdib. Hanggang sa mapaungol ako nang maramdamang s******p na niya ang magkabilang korona ng aking dibdib. Matagal. Bagay na halos nagpatirik sa aking mga mata dahil sa kiliti at sarap.

Tila naramdaman ni Calixto ang panghihina ng katawan ko. Nang mapayakap ako sa kanya ay binuhat ako. Pagkuwa'y maingat na inihiga sa ibabaw ng kama. Minsan ko pang nausal ang pangalan niya ng manatili siyang nakatayo at inukulan ng tingin ang aking kahubaran. Bigla naman akong napahiya kaya tinakpan ko ng kamay ang dibdib at simbolo ng pagiging babae ko.

"Napakaganda mo, Maribel," sabi ni Calixto ng dumapa sa aking ibabaw. "Napakasuwerte ko at nagtiwala ka sa akin. I love you!"

Muli niyang inangkin ang labi ko. Sa sandaling iyon ay naramdaman kong naging mapusok ang halik niya, na dumapo pa sa kung saan-saang bahagi ng aking katawan. At nang tigilan niya ay bumulong sa aking teynga, na nakapagbigay sa akin ng matinding kaba.

"Sa una lang ito masakit, Mabel. Umasa kang magiging maingat ako..."

Mariin ko na lang na ipinikit ang aking mga mata. Inihanda ko ang sarili sa sakit na mararamdaman ko -- na sabi ni Calixto ay sa una ko lang mararanasan -- na nangyari na nga nang marahan siyang gumalaw pagkatapos ipasok sa kaangkinan ko ang sandata niya. Napaluha ako at nakagat ang pang-ibabang labi habang mahigpit na nakayakap sa kanya.

Umulos siya sa ibabaw ko. Paulit-ulit. Tiniis ko ang sakit at kiliti na magkahalo kong maramdaman... hanggang sa kapwa namin naranasan ang kaluwalhatian na dulot ng pisikal na p********k.

KUNG merong tapat na tao ay masasabi kong si Calixto Condor na iyon. Super, oo, super honest siya para sa akin. Walang duda, na iyon talaga siya. Kaya labis ko siyang hinangaan sa katangiang iyon. Sabihin pa ay saludo ako sa kanya at taas-kamay pa nga kung tutuusin. Dahil sa simula palang ay inaamin na niya na may asawa siya nang magkakilala kami. Kaya naman kahit pamilyadong tao siya ay hindi ko iniwasan at naging magkaibigan pa kami. Hindi rin niya inilihim sa akin ang tungkol sa dalawa niyang anak na lalaki, na ang ibinunga ay pagkahulog sa kanya ng aking loob.

Hanggang sa tuluyan na nga akong umibig sa kanya!

Bagay na alam kong naramdaman niya kaya nagkaroon siya ng lakas ng loob na manligaw.  Kasabay naman niyon ay ipinagtapat niya sa akin ang tungkol sa kanyang pagiging pinuno ng mafia, na wala akong ideya kung ano ang grupong iyon. Pero siya rin ang nagpaliwanag tungkol dito at hindi ko naiwasang matakot noong una.

Ayon kasi kay Calixto, ang mafia daw na nakikilala bilang Cosa Nostra ay pariralang Italyano na may kahulugang "Ang Bagay Natin". Ito daw ay isang pangkat o sindikato ng krimen na nagsasagawa ng mga gawain sa maraming bahagi ng mundo na nalikha sa Italya noong mahigit sa dalawang daang taon na ang nakalilipas, na laganap na rin daw ngayon dito sa Pilipinas.

Ipinaliwanag din niya sa akin na ang mafia ay kumikita ng salapi mula sa paggawa ng krimen. Nagkakamit daw ng bilyon-bilyong dolyar bawat taon ang grupo nila mula sa pagbebenta ng mga ipinagbabawal na mga gamot, pagnanakaw, pagsusugal o pagpapasugal at prostitusyon.

Pero dahil nga naging tapat siya sa akin simula't sapol ay nawala rin ang takot ko at patuloy pa siyang pinagkatiwalaan. Hindi sumagi sa isip ko na mapapahamak ako o puwedeng masira ang buhay ko sa piling niya. Lalo pa nga at hindi ko naman nakita sa pagkatao niya ang pagiging masama. Manapa'y napakabait niya at maginoo. Ano pa at ni bakas ng pagiging pinuno ng masamang grupong kinabibilangan ay hindi ko nakita sa kanya.

Kaya nga sobra ko siyang minahal at kahit hindi niya ako nagawang pakasalan ay ipinagkaloob ko sa kanya ang aking katawan. Buong-buo kong isinuko sa kanya ang sarili at pumayag na maging other woman. Lihim sa kanyang legal na asawa ay ibinigyan niya ako ng sariling bahay at doon kami nagsama.

Hindi man niya ako regular na napupuntahan o bihira man niya akong dinadalaw ay naging kuntento ako sa buhay na mayroon ako. Katunayan ay naging masaya ako sa piling niya. Higit pa noong nagbunga ang aming pagsasama.

Nagkaroon kami ng anak ni Calixto!

Isang babae ang iniluwal ko sa mundo. Pinangalanan namin siyang Alexa, na nabuhay na limitado ang pakikisalamuha sa ibang tao. Lumaki siyang may pribadong buhay at nasanay na mistulang may sariling mundo.

Related chapters

  • LOVING A HIDDEN MAFIA   CHAPTER 1

    Alexa's Point of ViewNAPATINGIN ako sa nakasaradong pintuan ng aking kuwarto nang marinig ang tatlong katok mula sa labas. Isinara ko ang binabasang libro habang nakaupo sa ibabaw ng aking kama. Tinanong ko ito kung sino habang nakatuon ang aking mga mata sa bumukas na dahon ng pinto."Ma," usal ko nang makita si mama Maribel na bahagyang ngumiti nang pumasok, "bakit po?""Mabuti at gising ka pa, anak," tugon niyang lumapit matapos isara ang pintuan. "Naka-abala ba ako?"Humalik ako sa pisngi niya. "Hindi naman, Mama. Binabasa ko lang ang book na bahagi ng lesson namin bukas sa Science. May sasabihin ho kayo?"Tumango siya. Sumiryoso ang mukha. Bigla naman akong kinabahan dahil sa reaction niyang iyon. Lalo na nang hawakan niya ang isa kong kamay."Kinabahan naman ho ako," sabi ko na pinilit ngumiti. "Is it a serious matter, Mama?""Mafia..."Nangunot ang noo ko dahil sa narinig na word. Mafia?"Ano ho ang tungkol sa bagay na 'yan, Mama?"Tinanong niya ako kung may alam tungkol sa ba

    Last Updated : 2022-09-14
  • LOVING A HIDDEN MAFIA   CHAPTER 2

    Alexa's Point of ViewNGAYON ay maliwanag na sa akin kung bakit mula pagkabata ay parang ipinagdadamot ako ng aking mga magulang. Musmos palang ako ay halos hindi ako ipakalong kahit sa mga kamag-anak namin. At hindi lang pala iyon bunga ng aking pagiging anak sa labas, na hindi inilihim sa akin ni Mama, kundi dahil ang Papa ko ay pinuno ng mafia.Imagine that? sa isip-isip ko. Napakabait na tao ng Papa ko pero isa pala siyang mafia boss!Ah! Sino bang mag-aakala na ang Ama ko ay miyembro ng mafia? At isa pang pinuno!Ang totoo ay hindi halata sa kanya. Sa pagsasalita at pagkilos ay hindi aakalaing nasa ganoong uri siya ng organisasyon. Pero siguro ay iniingatan talaga niya na hindi mahalata ng mga tao sa paligid na miyembro siya ng mafia, na isinasa-alang-alang din marahil ang kapakanan naming mag-ina.Siguro nga, sa isip-isip ko pa. Marahil ay ganoon na nga!Natawa ako sa aking sarili at nasabi ko, na ibang klase pala talaga ako. Kaya natural lang na magkaroon ako ng pribadong buhay

    Last Updated : 2022-09-18
  • LOVING A HIDDEN MAFIA   CHAPTER 3

    Kaizer John's Point of ViewMULA pagkabata ay hindi ko na nakilala kung sino ang tunay kong Ama. Lumaki ako sa piling ni Nanay Belinda, na tunay kong Ina. Ang sabi niya ay halang daw ang kaluluwa ng Tatay ko at pinagsamantahan siya. Kaya siguro naging madamot siya sa akin simula't sapol. Pero ganoon pa man ay pinapakain niya ako ng tama sa oras sa kabila ng aming kahirapan. At tinatanaw ko iyong malaking utang na loob dahil lumaki ako na hindi nagutom. Itinanim ko na lang sa aking utak na kaya hindi niya ako binibigyan ng iba pang bagay, na gusto ko sanang magamit ay dahil kapos kami sa mga pangangailangan. At apektado na rin nito ang hindi niya maibigay na pagmamahal bilang isang magulang. Oo, hinanap ko talaga iyon sa kanya pero namatay na siya dahil sa sakit na tuberculosis ay hindi pa rin niya naipadama sa akin. Kinse anyos ako ng panahong iyon at dahil minahal ko siya ay sobra akong nasaktan Nalungkot. Kahit kasi hindi niya ako minahal bilang anak ay ako pa rin ang nag-alaga sa

    Last Updated : 2022-09-22
  • LOVING A HIDDEN MAFIA   CHAPTER 4

    Kaizer John's Point of ViewNILAPITAN na ng iba pang mangangalakal ang nakahandusay na katawan ni Benjo. May mga lumapit din sa akin na kahit hindi nagsalita ay dama ko na inuusig ako ng kanilang mga tingin."H-hindi ko sinasadya..." anas ko, na ramdam ang aking pamumutla habang nanginginig sa takot ang buong katawan."Pinatay mo si Benjo, Kaizer," sabi ng kapitbahay kong mangangalakal din. "Hindi mo dapat ginawa iyon. Makukulong ka!"Napalunok akong tumingin sa kanya. Lalo akong natakot nang sumenyas siya at nagsalita. "Lagot ka! Huhulihin ka ng mga pulis!""Hindi!" sabi kong umiiling. "Ayokong makulong!"Kumaripas ako ng takbo. Halos magkandarapa ako sa pag-uwi sa aming bahay dahil tuluyan na akong nilamon ng aking takot."Ayokong makulong!" bulong ko habang nanlalamig ang buong katawan. "Hindi ako dapat mahuli ng mga pulis..."Habol ko ang aking hininga nang makapasok sa pintuan ng aming bahay. Nasapo ko ang sariling dibdib habang humihingal. Nang maisara ko ang dahon ng pinto ay n

    Last Updated : 2022-09-25
  • LOVING A HIDDEN MAFIA   CHAPTER 6

    Alexa's Point of ViewWALANG-WALA sa isip ko na may isang estrangherong lalaki ang lalapit sa akin at mayabang na sumabay sa paglalakad ko, habang papunta sa room sa loob ng campus."Hi," he said confidently, "I'm Ceasar Arevalo. A fourth year engineering student here."Inilahad niya ang kamay pero hindi ko siya pinansin. Nagpatuloy lang ako sa paglalakad, na parang walang narinig. Pagak siyang tumawa saka ipinamulsa ang kanang kamay. Nagpatuloy siya sa pag-agapay sa akin."So, totoo pala na isnabera ka. Babaing walang pakialam sa mga tao sa paligid..."Binilisan ko ang paglalakad pero sumunod pa rin siya. Bagay na hindi ko nagustuhan kaya tumigil ako. Mabilis siyang tumayo sa harapan ko kaya pinandilatan ko ng tingin."Bakit ba ang suplada mo?""Sorry. Pero wala akong time sa pakikipag-kaibigan. For your information, I am not suplada or snob. Hindi ko lang talaga ugaling makipag-usap sa hindi ko kilala."Bigla niyang inilahad ang kanang kamay at muling nagpakilala. Pero hindi ko na n

    Last Updated : 2022-11-02

Latest chapter

  • LOVING A HIDDEN MAFIA   PROLOGUE

    Maribel's Point of View"MAHAL kita, Mabel," sabi ni Calixto habang tuwid na nakatitig sa aking mga mata. "Seryoso ako sa 'yo. Hindi ko man magagawang pakasalan ka ay handa ko namang panagutan ang mamamagitan sa ating dalawa..."Hindi ko napigilan ang aking mga luha sa pagpatak. Damang-dama ko ang sinsiridad sa kanyang sinabi, lalo pa at nakatitig siya sa aking mga mata. Tila ba ay tumagos sa puso ko ang salitang binitiwan niya. Kaya naman lalo pa akong naging desidido na ipagkaloob sa kanya ang aking kalinisan bilang babae.Oo. Handa na akong magpa-angkin kay Calixto tutal naman ay mahal na mahal ko siya. Nang ayain niya ako sa motel na kinaroroonan namin ngayon ay bukal sa loob ko ang pagsang-ayon. Bagama't takot ako at kinabahan sa mangyayari ay inihanda ko na ang aking sarili. Pilit kong binura sa isip ang hiya at sinikap na unawain ang magaganap."Mabel, kung may ibunga man ang ating pagsisiping ngayon ay magiging Ama ako sa bata. Hindi ako mangingiming ibigay sa kanya ang apelyi

DMCA.com Protection Status