Share

CHAPTER 2

Author: Franz Valley
last update Last Updated: 2022-09-18 20:05:06

Alexa's Point of View

NGAYON ay maliwanag na sa akin kung bakit mula pagkabata ay parang ipinagdadamot ako ng aking mga magulang. Musmos palang ako ay halos hindi ako ipakalong kahit sa mga kamag-anak namin. At hindi lang pala iyon bunga ng aking pagiging anak sa labas, na hindi inilihim sa akin ni Mama, kundi dahil ang Papa ko ay pinuno ng mafia.

Imagine that? sa isip-isip ko. Napakabait na tao ng Papa ko pero isa pala siyang mafia boss!

Ah! Sino bang mag-aakala na ang Ama ko ay miyembro ng mafia? At isa pang pinuno!

Ang totoo ay hindi halata sa kanya. Sa pagsasalita at pagkilos ay hindi aakalaing nasa ganoong uri siya ng organisasyon. Pero siguro ay iniingatan talaga niya na hindi mahalata ng mga tao sa paligid na miyembro siya ng mafia, na isinasa-alang-alang din marahil ang kapakanan naming mag-ina.

Siguro nga, sa isip-isip ko pa. Marahil ay ganoon na nga!

Natawa ako sa aking sarili at nasabi ko, na ibang klase pala talaga ako. Kaya natural lang na magkaroon ako ng pribadong buhay dahil iyon ang dapat. Hindi na nakapagtataka kung may sarili akong mundo at ilag sa ibang tao.

Ako, bilang si Alexa Lopez Condor ay may lihim ang pagkatao. Pero hindi ko iyon ikinahihiya kundi dapat ko lang pangatawanan. Hindi ko naman kasi puwedeng ibunyag na anak lang ako sa labas at lalo na ang katotohanang mafia boss ang aking Ama.

So, desidido na akong higit na umiwas sa mga tao. Maging sa aking mga kaklase. Tutal naman ay tiyak ko na sanay na rin sila sa akin. Dahil mula pa noong mag-aral ako ng kinder at hanggang ngayon na second year college na ako ay wala na akong naging kaibigan. Maging ang magkaroon ng manliligaw, na natural lang na maranasan sana ng high school student ay hindi ko na na-experience.

Pero ganoon pa man ay hindi naging malungkot ang buhay ko. Palibhasa ay sanay na ako sa kung anong buhay ako mayroon ay hindi iyon kawalan sa akin. Kung tutuusin ay mas pabor pa nga ito dahil naitutuon ko sa pag-aaral ang aking panahon. Walang abala. Walang kahati sa oras ko. Kaya ipinagpapasalamat ko iyon.

Pero isang araw ay ikinagulat ko ang pagtatanong ni Mama, pagkarating ko sa bahay mula sa pinapasukan kong university. Hindi agad ako nakasagot habang nakatayo sa gilid ng sofa na kinauupuan niya.

"Okay ka lang ba, Alex?" aniya. "Totoo ba ang sayang ipinakikita mo?"

Kunot-noo akong napatingin sa kanya. Hindi ko talaga inaasahang magtatanong siya ng ganito.

"Mama, ano ho bang tanong iyan?" Umupo ako sa tabi niya. Hinalikan ko siya sa pingi, na lagi kong ginagawa tuwing nagkikita kami. "Sa tingin ho ba ninyo ay hindi ako totoong masaya?"

"Hindi naman sa gano'n, anak. Ang totoo nga ay hindi kita nakitang nalungkot. Normal na umiinog ang buhay mo. Pero..."

Tuwid kong tinitigan sa mga mata si Mama. Hindi ako nagsalita pero alam kong nakita niya roon ang paliwanag na gusto kong marinig.

"Gusto ko lang makatiyak na okay ka, anak. Kung masaya ka talaga sa buhay na meron ka."

Nakangiti ko siyang niyakap. Gusto kong maramdaman niya ang totoo kong damdamin.  "Mama, totoo hong masaya ako sa buhay ko. Sanay na ho ako na walang bestfriend o kahit close friend. Sa ganito ho ako lumaki at wala akong pinagsisisihan."

"Mabuti naman, anak. Salamat."

"Kaya huwag na ho kayong mag-isip ng ano mang bagay, Mama. Masaya ho ako. Ito ako. Ito ang buhay ko..."

"Alex," anas ni Mama na hinaplos ang pisngi ko, "kung may mamahalin kang lalaki ay huwag kang umiwas. Sana ay harapin mo ang itinitibok ng puso mo."

Nanlaki ang mga mata ko nang marinig ang sinabi niyang iyon. Awang ang mga labi na napatitig ako sa kanya. "Mama..?"

"Tama ang narinig mo, anak. Ikaw rin kasi ang iniisip ko. Ang magiging kalagayan mo kung mawawala ako..."

Minsan ko pang nausal ang tawag ko sa kanya, kasabay ang mas mahigpit kong pagyakap. Ewan ko ba kung bakit nakadama ako ng kakaiba sa sinabi niyang iyon. Parang kinurot ang dibdib ko. Nalungkot ako. Hindi ko gusto ang huling salitang namutawi sa kanyang bibig.

"No! Hindi ka mawawala, Mama. Huwag n'yo hong sabihin iyan. Habang buhay ho tayong magkakasama."

"Ano ka ba, Alexa?" natatawang tugon ni Mama. Bahagya niyang tinapik ang likod ko. "Hindi pa ako mamatay. Sinabi ko lang ang totoo. Anak, gusto ko ay magkaroon ka rin ng sariling pamilya. Para may makakasama ka."

"Kuntento na ho ako na ikaw ang kasama ko, Mama. Masaya ho ako dahil narito ka sa tabi ko. Kayo ni Papa. Kahit ho madalang ko siyang nakakasama. Kayo ho ang pamilya ko at sapat na kayo sa akin bilang aking mga magulang."

"Pero paano nga kung mawala na kami ng Papa mo? Anak, matanda na kami. Sa ayaw at sa gusto mo ay mamamatay kami. Mawawala. Lalo na ang Papa mo, na huwag naman sanang itulot ng Diyos pero mas malapit siya sa sakuna dahil sa kinabibilangan niyang organisasyon."

Kinalas ko ang pagkakayakap kay Mama. Hindi ko napigilan ang pamumuo ng luha sa sulok ng aking mga mata. "Ayaw ko hong isipin ang ganitong bagay, Mama. Nasasaktan ho ako. Ayaw kong mag-isip!"

Mas nilakasan niya ang pagtapik sa likod ko habang nanatiling nakangiti. "Ang puntos ko lang, Alex, ay magmahal ka. Huwag mong pigilan ang puso mo na umibig. Para dumating ang panahon na magkaroon ka ng sariling pamilya. Para lalong maging masaya ang buhay mo."

Tinanguan ko si Mama saka pinunasan ng isang daliri ang luhang tuluyang pumatak sa kanan kong pisngi.

"Naiintindihan ko ho, Mama," sabi ko na pinilit ngumiti. Hindi ko gustong mag-alala pa siya sa akin at magkaroon ng isipin. "Hindi ko ho pipigilan ang puso ko na magmahal."

"Pangako, anak?"

"Oho," natatawa kong tugon. Halatang-halata na talagang gusto niyang makatiyak na hindi ko nga pipigilang pagmahal sa opposite sex, kaya nangako naman ako. "Promise, Mama. I will not stop my heart from loving."

"Good," tugon niyang niyakap ako. Hinagod pa niya ang likod ko. "Sana ay dumating sa buhay mo ang tamang lalaki. Iyong mabait, na magbibigay sa iyo ng masayang buhay at magandang kinabukasan."

Meron nga kayang nakalaang lalaki sa buhay ko? hiyaw ng utak ko. Magmamahal nga kaya ang puso ko?

Pinilit kong burahin sa utak ang isiping iyon. Sinikap kong magkaroon ng magandang ibubunga sa buhay ko ang ninanais ni Mama. Kaya kahit nag-aalangan ako ay ibinaling ko sa positibo ang aking sarili.

"Sana nga ho ay may guy na magkagusto sa akin. Sana ho ay may nilalang na magkaroon ng lakas ng loob na pasukin ang mundo ko..."

"Anak..?"

"Doon ho ako makatitiyak na totoo ang pagmamahal sa akin ng isang lalaki. Kung magiging seryoso siya at matatanggap ang buo kong pagkatao ay patunayan niya."

Nakangiting tumango si Mama. "Tama, anak. Maging maingat ka sa pagtanggap ng manliligaw. Kilalanin mo siyang mabuti para maging maayos ang buhay mo sa hinaharap."

"Iyon ho ay kung mayroon ngang magkakagusto sa anak mo, Mama." Sinundan ko nang pagtawa ang sinabi ko. "Sino nga ho kaya ang may malakas na loob na perfect guy?"

Related chapters

  • LOVING A HIDDEN MAFIA   CHAPTER 3

    Kaizer John's Point of ViewMULA pagkabata ay hindi ko na nakilala kung sino ang tunay kong Ama. Lumaki ako sa piling ni Nanay Belinda, na tunay kong Ina. Ang sabi niya ay halang daw ang kaluluwa ng Tatay ko at pinagsamantahan siya. Kaya siguro naging madamot siya sa akin simula't sapol. Pero ganoon pa man ay pinapakain niya ako ng tama sa oras sa kabila ng aming kahirapan. At tinatanaw ko iyong malaking utang na loob dahil lumaki ako na hindi nagutom. Itinanim ko na lang sa aking utak na kaya hindi niya ako binibigyan ng iba pang bagay, na gusto ko sanang magamit ay dahil kapos kami sa mga pangangailangan. At apektado na rin nito ang hindi niya maibigay na pagmamahal bilang isang magulang. Oo, hinanap ko talaga iyon sa kanya pero namatay na siya dahil sa sakit na tuberculosis ay hindi pa rin niya naipadama sa akin. Kinse anyos ako ng panahong iyon at dahil minahal ko siya ay sobra akong nasaktan Nalungkot. Kahit kasi hindi niya ako minahal bilang anak ay ako pa rin ang nag-alaga sa

    Last Updated : 2022-09-22
  • LOVING A HIDDEN MAFIA   CHAPTER 4

    Kaizer John's Point of ViewNILAPITAN na ng iba pang mangangalakal ang nakahandusay na katawan ni Benjo. May mga lumapit din sa akin na kahit hindi nagsalita ay dama ko na inuusig ako ng kanilang mga tingin."H-hindi ko sinasadya..." anas ko, na ramdam ang aking pamumutla habang nanginginig sa takot ang buong katawan."Pinatay mo si Benjo, Kaizer," sabi ng kapitbahay kong mangangalakal din. "Hindi mo dapat ginawa iyon. Makukulong ka!"Napalunok akong tumingin sa kanya. Lalo akong natakot nang sumenyas siya at nagsalita. "Lagot ka! Huhulihin ka ng mga pulis!""Hindi!" sabi kong umiiling. "Ayokong makulong!"Kumaripas ako ng takbo. Halos magkandarapa ako sa pag-uwi sa aming bahay dahil tuluyan na akong nilamon ng aking takot."Ayokong makulong!" bulong ko habang nanlalamig ang buong katawan. "Hindi ako dapat mahuli ng mga pulis..."Habol ko ang aking hininga nang makapasok sa pintuan ng aming bahay. Nasapo ko ang sariling dibdib habang humihingal. Nang maisara ko ang dahon ng pinto ay n

    Last Updated : 2022-09-25
  • LOVING A HIDDEN MAFIA   CHAPTER 6

    Alexa's Point of ViewWALANG-WALA sa isip ko na may isang estrangherong lalaki ang lalapit sa akin at mayabang na sumabay sa paglalakad ko, habang papunta sa room sa loob ng campus."Hi," he said confidently, "I'm Ceasar Arevalo. A fourth year engineering student here."Inilahad niya ang kamay pero hindi ko siya pinansin. Nagpatuloy lang ako sa paglalakad, na parang walang narinig. Pagak siyang tumawa saka ipinamulsa ang kanang kamay. Nagpatuloy siya sa pag-agapay sa akin."So, totoo pala na isnabera ka. Babaing walang pakialam sa mga tao sa paligid..."Binilisan ko ang paglalakad pero sumunod pa rin siya. Bagay na hindi ko nagustuhan kaya tumigil ako. Mabilis siyang tumayo sa harapan ko kaya pinandilatan ko ng tingin."Bakit ba ang suplada mo?""Sorry. Pero wala akong time sa pakikipag-kaibigan. For your information, I am not suplada or snob. Hindi ko lang talaga ugaling makipag-usap sa hindi ko kilala."Bigla niyang inilahad ang kanang kamay at muling nagpakilala. Pero hindi ko na n

    Last Updated : 2022-11-02
  • LOVING A HIDDEN MAFIA   PROLOGUE

    Maribel's Point of View"MAHAL kita, Mabel," sabi ni Calixto habang tuwid na nakatitig sa aking mga mata. "Seryoso ako sa 'yo. Hindi ko man magagawang pakasalan ka ay handa ko namang panagutan ang mamamagitan sa ating dalawa..."Hindi ko napigilan ang aking mga luha sa pagpatak. Damang-dama ko ang sinsiridad sa kanyang sinabi, lalo pa at nakatitig siya sa aking mga mata. Tila ba ay tumagos sa puso ko ang salitang binitiwan niya. Kaya naman lalo pa akong naging desidido na ipagkaloob sa kanya ang aking kalinisan bilang babae.Oo. Handa na akong magpa-angkin kay Calixto tutal naman ay mahal na mahal ko siya. Nang ayain niya ako sa motel na kinaroroonan namin ngayon ay bukal sa loob ko ang pagsang-ayon. Bagama't takot ako at kinabahan sa mangyayari ay inihanda ko na ang aking sarili. Pilit kong binura sa isip ang hiya at sinikap na unawain ang magaganap."Mabel, kung may ibunga man ang ating pagsisiping ngayon ay magiging Ama ako sa bata. Hindi ako mangingiming ibigay sa kanya ang apelyi

    Last Updated : 2022-09-10
  • LOVING A HIDDEN MAFIA   CHAPTER 1

    Alexa's Point of ViewNAPATINGIN ako sa nakasaradong pintuan ng aking kuwarto nang marinig ang tatlong katok mula sa labas. Isinara ko ang binabasang libro habang nakaupo sa ibabaw ng aking kama. Tinanong ko ito kung sino habang nakatuon ang aking mga mata sa bumukas na dahon ng pinto."Ma," usal ko nang makita si mama Maribel na bahagyang ngumiti nang pumasok, "bakit po?""Mabuti at gising ka pa, anak," tugon niyang lumapit matapos isara ang pintuan. "Naka-abala ba ako?"Humalik ako sa pisngi niya. "Hindi naman, Mama. Binabasa ko lang ang book na bahagi ng lesson namin bukas sa Science. May sasabihin ho kayo?"Tumango siya. Sumiryoso ang mukha. Bigla naman akong kinabahan dahil sa reaction niyang iyon. Lalo na nang hawakan niya ang isa kong kamay."Kinabahan naman ho ako," sabi ko na pinilit ngumiti. "Is it a serious matter, Mama?""Mafia..."Nangunot ang noo ko dahil sa narinig na word. Mafia?"Ano ho ang tungkol sa bagay na 'yan, Mama?"Tinanong niya ako kung may alam tungkol sa ba

    Last Updated : 2022-09-14

Latest chapter

  • LOVING A HIDDEN MAFIA   CHAPTER 2

    Alexa's Point of ViewNGAYON ay maliwanag na sa akin kung bakit mula pagkabata ay parang ipinagdadamot ako ng aking mga magulang. Musmos palang ako ay halos hindi ako ipakalong kahit sa mga kamag-anak namin. At hindi lang pala iyon bunga ng aking pagiging anak sa labas, na hindi inilihim sa akin ni Mama, kundi dahil ang Papa ko ay pinuno ng mafia.Imagine that? sa isip-isip ko. Napakabait na tao ng Papa ko pero isa pala siyang mafia boss!Ah! Sino bang mag-aakala na ang Ama ko ay miyembro ng mafia? At isa pang pinuno!Ang totoo ay hindi halata sa kanya. Sa pagsasalita at pagkilos ay hindi aakalaing nasa ganoong uri siya ng organisasyon. Pero siguro ay iniingatan talaga niya na hindi mahalata ng mga tao sa paligid na miyembro siya ng mafia, na isinasa-alang-alang din marahil ang kapakanan naming mag-ina.Siguro nga, sa isip-isip ko pa. Marahil ay ganoon na nga!Natawa ako sa aking sarili at nasabi ko, na ibang klase pala talaga ako. Kaya natural lang na magkaroon ako ng pribadong buhay

  • LOVING A HIDDEN MAFIA   CHAPTER 1

    Alexa's Point of ViewNAPATINGIN ako sa nakasaradong pintuan ng aking kuwarto nang marinig ang tatlong katok mula sa labas. Isinara ko ang binabasang libro habang nakaupo sa ibabaw ng aking kama. Tinanong ko ito kung sino habang nakatuon ang aking mga mata sa bumukas na dahon ng pinto."Ma," usal ko nang makita si mama Maribel na bahagyang ngumiti nang pumasok, "bakit po?""Mabuti at gising ka pa, anak," tugon niyang lumapit matapos isara ang pintuan. "Naka-abala ba ako?"Humalik ako sa pisngi niya. "Hindi naman, Mama. Binabasa ko lang ang book na bahagi ng lesson namin bukas sa Science. May sasabihin ho kayo?"Tumango siya. Sumiryoso ang mukha. Bigla naman akong kinabahan dahil sa reaction niyang iyon. Lalo na nang hawakan niya ang isa kong kamay."Kinabahan naman ho ako," sabi ko na pinilit ngumiti. "Is it a serious matter, Mama?""Mafia..."Nangunot ang noo ko dahil sa narinig na word. Mafia?"Ano ho ang tungkol sa bagay na 'yan, Mama?"Tinanong niya ako kung may alam tungkol sa ba

  • LOVING A HIDDEN MAFIA   PROLOGUE

    Maribel's Point of View"MAHAL kita, Mabel," sabi ni Calixto habang tuwid na nakatitig sa aking mga mata. "Seryoso ako sa 'yo. Hindi ko man magagawang pakasalan ka ay handa ko namang panagutan ang mamamagitan sa ating dalawa..."Hindi ko napigilan ang aking mga luha sa pagpatak. Damang-dama ko ang sinsiridad sa kanyang sinabi, lalo pa at nakatitig siya sa aking mga mata. Tila ba ay tumagos sa puso ko ang salitang binitiwan niya. Kaya naman lalo pa akong naging desidido na ipagkaloob sa kanya ang aking kalinisan bilang babae.Oo. Handa na akong magpa-angkin kay Calixto tutal naman ay mahal na mahal ko siya. Nang ayain niya ako sa motel na kinaroroonan namin ngayon ay bukal sa loob ko ang pagsang-ayon. Bagama't takot ako at kinabahan sa mangyayari ay inihanda ko na ang aking sarili. Pilit kong binura sa isip ang hiya at sinikap na unawain ang magaganap."Mabel, kung may ibunga man ang ating pagsisiping ngayon ay magiging Ama ako sa bata. Hindi ako mangingiming ibigay sa kanya ang apelyi

DMCA.com Protection Status