Kaizer John's Point of View
MULA pagkabata ay hindi ko na nakilala kung sino ang tunay kong Ama. Lumaki ako sa piling ni Nanay Belinda, na tunay kong Ina. Ang sabi niya ay halang daw ang kaluluwa ng Tatay ko at pinagsamantahan siya. Kaya siguro naging madamot siya sa akin simula't sapol. Pero ganoon pa man ay pinapakain niya ako ng tama sa oras sa kabila ng aming kahirapan. At tinatanaw ko iyong malaking utang na loob dahil lumaki ako na hindi nagutom. Itinanim ko na lang sa aking utak na kaya hindi niya ako binibigyan ng iba pang bagay, na gusto ko sanang magamit ay dahil kapos kami sa mga pangangailangan. At apektado na rin nito ang hindi niya maibigay na pagmamahal bilang isang magulang.
Oo, hinanap ko talaga iyon sa kanya pero namatay na siya dahil sa sakit na tuberculosis ay hindi pa rin niya naipadama sa akin. Kinse anyos ako ng panahong iyon at dahil minahal ko siya ay sobra akong nasaktan Nalungkot. Kahit kasi hindi niya ako minahal bilang anak ay ako pa rin ang nag-alaga sa kanya nang maratay siya sa sakit. Matiyaga ko siyang inasikaso at ginawa ang lahat ng makakaya ko pero hindi iyon sapat kaya hindi siya gumaling. Hanggang sa sumuko na rin ang kanyang katawan.
Nang maulila ako at nag-isa na lang sa aming barong-barong, na nasa loob ng squater's area sa Maynila ay nanabik ako sa presensiya ni Nanay. Kahit naman kasi madalas niya akong sungitan at balewalain ay pinahalagahan ko siya at minahal. Ang totoo nga ay mahigit isang linggo rin akong umiyak pagkatapos ng kanyang libing noon. Hindi kasi madali para sa akin ang mawalan ng Ina dahil napakalaki ng aking utang na loob sa kanya. Kung hindi niya ako isinilang ay wala sana ako sa mundo.
"Nanay, sayang at wala ka na ngayon," bulong ko habang nakahiga sa malambot kong kama habang nasa loob ako ng aking malaking kuwarto ng sariling bahay. "Baka kapag ganito na kasagana ang buhay natin noon ay hindi ka nagkait sa akin ng pagmamahal..."
Hindi ko naiwasang magpakawala ng malalim na hininga mula sa dibdib. Kahit papaano ay nakabawas iyon sa bigat ng damdamin ko. Kahit kasi ngayong twenty six years old na ako ay apektado pa rin tuwing sumasagi sa isip ko ang aking Ina.
Kung puwede ko lang ibalik ang panahon, Nanay, hiyaw pa ng utak ko, at magagawa ko nang ipagkaloob sa iyo ang ganitong magandang buhay ay hindi ako magdadamot. Pasasayahin kita at paliligayahin ng lubos.
Sinadya kong ipikit ang aking mga mata para makita sa isip ko ang imahe ng aking Ina. Iyon talaga ang ginagawa ko kapag ganitong nami-miss ko siya.
Hindi ako nabigo. Naglaro sa alaala ko si Nanay Belinda noong nabubuhay pa at walang sakit. Napangiti ako habang pikit na pikit pa rin. Para akong nanonood ng eksena sa lumang pelikula na siya ang bida.
Nakapabeywang siya at pinapagalitan ako. Huwag daw puro pamumulot ng basura ang gawin ko dahil mas importante ang pag-aaral. Sa kagustuhan ko kasi na makapagbigay sa kanya ng pera ay nawiwili akong mangalakal at madalas akong absent noon sa school.
"MAHIRAP lang tayo, Kaizer John," sabi noon ni Nanay Belinda, "kaya sikapin mong makatapos ka ng pag-aaral!"
Tuluyan na talagang naglaro sa aking alaala ang nakaraan. Nang panahong iyon kapag galit si Nanay ay binabanggit niya ang buo kong pangalan at halos hindi siya tumitigil sa pagduro.
"Umayos ka!" sabi pa niya na nanlalaki ang mga mata. "Samantalahin mo ang pag-aaral habang walang bayad. Dahil kung may bayad ay hinding-hindi na kita papapasukin. Sariling sikap lang tayo, Kaizer John!"
"Sorry po, Nanay," sagot kong nakatungo. "Natutuwa lang po talaga ako kapag nakapagbibigay sa inyo ng pera. Para po may pandagdag kayo sa pambili ng pagkain natin."
"Ay, salamat naman, Kaizer John. Pero hindi ako natutuwa kung puro absent ka sa eskuwelahan. Kapag bumagsak ka ay uulit ka na naman ng second year high school. Naku! Baka hindi ka na makapagtapos kahit high school!"
Napangiti ako. Naramdaman ko kasi na may concern din sa akin ang Nanay ko. Gusto rin pala niya akong makapagtapos ng high school. Dahil doon ay nagpasalamat ako sa kanya, na dahilan para pandilatan niya ako ng mga mata.
"Wala akong pakialam kung makatapos ka ng high school o hindi," bigla niyang sabi sabay duro sa akin. "Ang sa akin lang ay sayang ang ibinibigay kung baon sa iyo kaya umayos ka."
Tinalikuran niya ako. Humarap siya sa aming tungko at naglagay ng gatong na uling sa ginagamit na kalan.
"Sino ka ba naman, Kaizer John? Anak lamang kita sa labas dahil ni-rape ako ng walanghiya mong Ama. Manyakis ang hayop na iyon!"
Nalungkot ako sa sinabi niya. Talagang hindi siya nagsasawang ipamukha sa akin ang kasalanan ng aking Ama, na hindi naman niya sinasabi kung sino talaga. Kapag nagtatanong na ako ay iniiwas na niya ang usapan at pinapagalitan na ako kapag nakukulitan.
"Kung hindi kita ipinagbuntis ay baka may maayos akong buhay ngayon," sabi pa ni Nanay. Talagang ako ang sinisisi niya sa uri ng buhay na mayroon siya ngayon, na wala naman akong kaalam-alam kung tutuusin. "Ewan ko nga ba kung bakit binuhay pa kita, Kaizer John? Hindi ko rin naman ikaw minahal bilang anak pero hinayaan pa kitang lumabas dito sa tiyan ko..."
Luhaan siyang humarap sa akin. Nagtiim-bagang siya at dinuro ako. Kitang-kita ko sa mukha niya ang panggigigil. Bagay na nagbigay ng matinding lungkot sa dibdib ko.
"Pasalamat ka at naawa ako sa iyo, Kaizer John, kaya hindi kita ipinalaglag. Saka hindi ko kayang sikmurain ang bagay na iyon. Kaya umayos ka!"
Tuluyan na akong umiyak dahil nasaktan ang damdamin ko. Kahit paulit-ulit ko nang naririnig ang sinasabing iyon ni Nanay ay hindi ko pa rin kayang balewalain. Dahil dito ay lalo namang tumitindi ang galit ko sa aking Ama. Siya ang sinisisi ko kaya hindi ako minahal ng aking Ina.
Kung sino ka mang Tatay ko, sa isip-isip ko habang nakakuyom ng mahigpit ang mga palad ko, kinamumuhian kita!
Dahil lalong nag-unahan sa pagpatak ang mga luha ko ay tinalikuran ko na si Nanay. Dali-dali akong lumabas sa bahay namin at sumandal sa dingding. Patuloy akong umiyak doon.
"Buti na lang at hindi kita kilala," bulong ko habang pinupunasan ng palad ang mga luha ko. "Dahil kahit ikaw ang Tatay ko ay gagantihan kita. Pupuntahan kita kung alam ko ang tirahan mo. Maghihiganti talaga ako sa 'yo!"
Naningkit sa galit ang aking luhaang mga mata. Kasabay ang pagtatangis ng aking mga bagang.
SINIKAP kong magpatuloy sa buhay kahit wala na si Nanay Belinda. Dahil sanay naman ako sa pangangalakal ay iyon ang ginawa ko para may makain. Pinilit kong magpakatatag sa kabila nang pangungulila pero may mga tao talagang hadlang para maging maayos ang buhay.
"Hindi ka naman mahal ng nanay mo, Kaizer," sabi sa akin ng isa kong kasama sa pangangalakal. Si Benjo, na talagang mahilig mang-asar kaya mula pa noong mga bata kami ay hindi ko na kasundo. "Huwag mo na siyang iyakan. Pasalamat ka nga at dedbol na siya."
Sa sinabi niyang iyon ay nakadama ako ng galit. Para kasing tuwang-tuwa siya dahil patay na si Nanay. Pero nagpigil ako ng emosyon at binalewala siya. Patuloy lang ako sa pagkakalkal ng basura sa tambakan at nagkunwari ako na hindi siya narinig. Umasa akong titigil na siya pero nagpatuloy pa rin kaya lalo akong nainis.
"Malaya ka na, Kaizer John. Magsaya ka na. Wala na ang nanay mong galit na galit sa iyo dahil anak ka ng tatay mong rapist."
Lalong nagpanting sa galit ang teynga ko nang maghalakhakan ang mga mangangalakal sa paligid namin. Napatigil ako sa ginagawa at galit na tumingin kay Benjo.
"Huwag mo nang ungkatin pa ang mga bagay na nakalipas na, Benjo. Hindi magandang biro iyan!"
"Oh! Bakit nagagalit ka?" tanong niyang matuloy na tumatawa. "Kaizer John, mana ka talaga sa nanay mo... magagalitin!"
"Huwag mo nang banggitin ang Nanay ko, Benjo. Nananahimik na ang kaluluwa niya!"
"Sigurado ka? Baka narito lang sa tabi-tabi ang kaluluwa ng nanay mo. Hindi natatahimik dahil iyak ka pa rin ng iyak. Naku! Baka nakukunsensiya dahil pinairal ang galit sa iyo noong nabubuhay pa."
Hindi na ako nakapagtimpi. Bigla ko siyang sinugod at sinakal. Nanginginig ang buo kong katawan dahil sa galit.
"Huwag kang magsalita ng ganyan, Benjo," gigil kong sigaw. "Wala kang pakialam sa buhay namin ng Nanay ko!"
Nawalan ng balanse si Benjo kaya bumagsak sa tambak ng basura. Pero hindi ko siya binitiwan at patuloy ko siyang sinakal. Wala na ako sa katinuan ng isip at wala ng pakialam pa kung makapatay man ako ng tao.
Umubo-ubo siya habang ikinakawag ang mga kamay. Pulang-pula na ang mukha niya at halatang hindi na makahinga. Pero dahil sa galit ko ay tuluyan na akong pinanlabuan ng isip. Nang makita ko pa ang isang bote sa may ulunan niya ay kinuha ko iyon at malakas na ipinalo sa kanyang ulo. Nabasag iyon at tumagas ang sariwang dugo sa mukha niya.
Noon ako tila natauhan. Nanlaki ang mga mata ko at napatayo. Isang babaing mangangalakal ang lumapit kay Benjo at umupo sa tabi niya. Inuga-uga ang nakaratay niyang katawan, na parang ginigising. Nang manatiling siyang hindi gumagalaw habang patuloy na umaagos ang dugo ay saka sumigaw ng malakas habang takot na takot.
"Pinatay mo siya! Napatay mo siya!"
Namanhid ang buo kong katawan. Ilang minuto akong natulala, na nanlalaki ang mga mata.
Hindi! hiyaw ng utak ko. Hindi pa patay si Benjo!
Kaizer John's Point of ViewNILAPITAN na ng iba pang mangangalakal ang nakahandusay na katawan ni Benjo. May mga lumapit din sa akin na kahit hindi nagsalita ay dama ko na inuusig ako ng kanilang mga tingin."H-hindi ko sinasadya..." anas ko, na ramdam ang aking pamumutla habang nanginginig sa takot ang buong katawan."Pinatay mo si Benjo, Kaizer," sabi ng kapitbahay kong mangangalakal din. "Hindi mo dapat ginawa iyon. Makukulong ka!"Napalunok akong tumingin sa kanya. Lalo akong natakot nang sumenyas siya at nagsalita. "Lagot ka! Huhulihin ka ng mga pulis!""Hindi!" sabi kong umiiling. "Ayokong makulong!"Kumaripas ako ng takbo. Halos magkandarapa ako sa pag-uwi sa aming bahay dahil tuluyan na akong nilamon ng aking takot."Ayokong makulong!" bulong ko habang nanlalamig ang buong katawan. "Hindi ako dapat mahuli ng mga pulis..."Habol ko ang aking hininga nang makapasok sa pintuan ng aming bahay. Nasapo ko ang sariling dibdib habang humihingal. Nang maisara ko ang dahon ng pinto ay n
Alexa's Point of ViewWALANG-WALA sa isip ko na may isang estrangherong lalaki ang lalapit sa akin at mayabang na sumabay sa paglalakad ko, habang papunta sa room sa loob ng campus."Hi," he said confidently, "I'm Ceasar Arevalo. A fourth year engineering student here."Inilahad niya ang kamay pero hindi ko siya pinansin. Nagpatuloy lang ako sa paglalakad, na parang walang narinig. Pagak siyang tumawa saka ipinamulsa ang kanang kamay. Nagpatuloy siya sa pag-agapay sa akin."So, totoo pala na isnabera ka. Babaing walang pakialam sa mga tao sa paligid..."Binilisan ko ang paglalakad pero sumunod pa rin siya. Bagay na hindi ko nagustuhan kaya tumigil ako. Mabilis siyang tumayo sa harapan ko kaya pinandilatan ko ng tingin."Bakit ba ang suplada mo?""Sorry. Pero wala akong time sa pakikipag-kaibigan. For your information, I am not suplada or snob. Hindi ko lang talaga ugaling makipag-usap sa hindi ko kilala."Bigla niyang inilahad ang kanang kamay at muling nagpakilala. Pero hindi ko na n
Maribel's Point of View"MAHAL kita, Mabel," sabi ni Calixto habang tuwid na nakatitig sa aking mga mata. "Seryoso ako sa 'yo. Hindi ko man magagawang pakasalan ka ay handa ko namang panagutan ang mamamagitan sa ating dalawa..."Hindi ko napigilan ang aking mga luha sa pagpatak. Damang-dama ko ang sinsiridad sa kanyang sinabi, lalo pa at nakatitig siya sa aking mga mata. Tila ba ay tumagos sa puso ko ang salitang binitiwan niya. Kaya naman lalo pa akong naging desidido na ipagkaloob sa kanya ang aking kalinisan bilang babae.Oo. Handa na akong magpa-angkin kay Calixto tutal naman ay mahal na mahal ko siya. Nang ayain niya ako sa motel na kinaroroonan namin ngayon ay bukal sa loob ko ang pagsang-ayon. Bagama't takot ako at kinabahan sa mangyayari ay inihanda ko na ang aking sarili. Pilit kong binura sa isip ang hiya at sinikap na unawain ang magaganap."Mabel, kung may ibunga man ang ating pagsisiping ngayon ay magiging Ama ako sa bata. Hindi ako mangingiming ibigay sa kanya ang apelyi
Alexa's Point of ViewNAPATINGIN ako sa nakasaradong pintuan ng aking kuwarto nang marinig ang tatlong katok mula sa labas. Isinara ko ang binabasang libro habang nakaupo sa ibabaw ng aking kama. Tinanong ko ito kung sino habang nakatuon ang aking mga mata sa bumukas na dahon ng pinto."Ma," usal ko nang makita si mama Maribel na bahagyang ngumiti nang pumasok, "bakit po?""Mabuti at gising ka pa, anak," tugon niyang lumapit matapos isara ang pintuan. "Naka-abala ba ako?"Humalik ako sa pisngi niya. "Hindi naman, Mama. Binabasa ko lang ang book na bahagi ng lesson namin bukas sa Science. May sasabihin ho kayo?"Tumango siya. Sumiryoso ang mukha. Bigla naman akong kinabahan dahil sa reaction niyang iyon. Lalo na nang hawakan niya ang isa kong kamay."Kinabahan naman ho ako," sabi ko na pinilit ngumiti. "Is it a serious matter, Mama?""Mafia..."Nangunot ang noo ko dahil sa narinig na word. Mafia?"Ano ho ang tungkol sa bagay na 'yan, Mama?"Tinanong niya ako kung may alam tungkol sa ba
Alexa's Point of ViewNGAYON ay maliwanag na sa akin kung bakit mula pagkabata ay parang ipinagdadamot ako ng aking mga magulang. Musmos palang ako ay halos hindi ako ipakalong kahit sa mga kamag-anak namin. At hindi lang pala iyon bunga ng aking pagiging anak sa labas, na hindi inilihim sa akin ni Mama, kundi dahil ang Papa ko ay pinuno ng mafia.Imagine that? sa isip-isip ko. Napakabait na tao ng Papa ko pero isa pala siyang mafia boss!Ah! Sino bang mag-aakala na ang Ama ko ay miyembro ng mafia? At isa pang pinuno!Ang totoo ay hindi halata sa kanya. Sa pagsasalita at pagkilos ay hindi aakalaing nasa ganoong uri siya ng organisasyon. Pero siguro ay iniingatan talaga niya na hindi mahalata ng mga tao sa paligid na miyembro siya ng mafia, na isinasa-alang-alang din marahil ang kapakanan naming mag-ina.Siguro nga, sa isip-isip ko pa. Marahil ay ganoon na nga!Natawa ako sa aking sarili at nasabi ko, na ibang klase pala talaga ako. Kaya natural lang na magkaroon ako ng pribadong buhay

Kaizer John's Point of ViewMULA pagkabata ay hindi ko na nakilala kung sino ang tunay kong Ama. Lumaki ako sa piling ni Nanay Belinda, na tunay kong Ina. Ang sabi niya ay halang daw ang kaluluwa ng Tatay ko at pinagsamantahan siya. Kaya siguro naging madamot siya sa akin simula't sapol. Pero ganoon pa man ay pinapakain niya ako ng tama sa oras sa kabila ng aming kahirapan. At tinatanaw ko iyong malaking utang na loob dahil lumaki ako na hindi nagutom. Itinanim ko na lang sa aking utak na kaya hindi niya ako binibigyan ng iba pang bagay, na gusto ko sanang magamit ay dahil kapos kami sa mga pangangailangan. At apektado na rin nito ang hindi niya maibigay na pagmamahal bilang isang magulang. Oo, hinanap ko talaga iyon sa kanya pero namatay na siya dahil sa sakit na tuberculosis ay hindi pa rin niya naipadama sa akin. Kinse anyos ako ng panahong iyon at dahil minahal ko siya ay sobra akong nasaktan Nalungkot. Kahit kasi hindi niya ako minahal bilang anak ay ako pa rin ang nag-alaga sa