THE BACHELOR'S SECRETS
Redlee loves Kriza, his live-in partner. But he is not the type of man who wants to be tied to a lifelong relationship, so, he has no plan to be married yet. And because the woman also loves him, she accepts what he wants in life.
But he would be attracted to a beautiful pick-up girl, named Diane. He lived her in an expensive apartment because he was hoping that she will also love him. But he found out that she was betraying and he witnessed her being flirt with another man. Out of anger, he hit her and led to the point that he thought she had been killed. So, he threw her body in a far place.
Redlee didn't really expected that Diane was still alive and was able to get by her friend Khian James. He took her to the hospital and her condition improved. Because of what happened, she felt angry and planned to take revenge with her live-in partner. She was full of hope that she would succeed and Redlee will deeply repenting someday.
Diane changed. Her looks and the way she talks, so, no one will recognize her, especially Redlee. He really don't know that the woman he met named Alyana was no other than but Diane. And because he already loved her, it led to the broke up of his relationship with Kriza. But he regretted it so much and the day came that he would kneel in front of Alyana.
Will they remain frustrated and unhappy? Or is there real love that will bind them together?
Basahin
Chapter: CHAPTER 13"YOU must leave to your work next week, sweetheart," Redlee opened up to Kriza after she came out to the bathroom from bath. At this moment, he remained lying on the bed because he was just waking up. "Is it okay with you?""But why, sweetheart?" tanong nito habang sapo ang towel na nakabalot sa katawan. "Is there an important reason that needs to be fixed?""Yap," tugon niyang bumangon at lumapit dito. Saka ito malambing na niyakap. "It's very important and you shouldn't refuse."Nahawakan ni Kriza ang towel na nakapulapol sa basang buhok dahil muntik na iyong matanggal bunga nang pagkakayakap niya mula sa likuran nito."Next week..?""Yap. Next week.""Do I have a lot of work to do next week?" she said thoughtfully. "Hmm... I don't know... maybe."Tuluyan nang nalaglag ang towel ni Kriza sa ulo dahil iniikot niya ang katawan nito paharap sa kanya. Nagtataka itong napatingala, na nagtatanong ang mga mata."You're so beautiful, Kriza," he said and giving her a smack kiss. He was telli
Huling Na-update: 2022-10-09
Chapter: CHAPTER 12HINDI naiwasan ni Redlee na pag-aralan ang mga likos ng mga kaibigang sina Rex at David. Dahil sa sinabi ni Kriza ay napaisip talaga siya at nagkaroon ng pagdududa sa mga ito. Kaya nga lihim siyang nagmasid para matiyak na walang kinalaman ang mga ito sa pinagdadaanan niya.Lalo siyang naging maingat. Kailangan niyang mas maging handa dahil kung sakaling may kinalaman nga ang mga kaibigan ay totoong mapanganib. Nasa tabi lang niya ang mga ito at alam na alam ang mga aktibidad niya."Sir Redlee, ilang araw ko nang napapansin na parang aburido ka," sabi sa kanya ni Rex ng magkasabay sila sa elevator ng umagang iyon habang papasok sa trabaho. "Dahil ba sa pinagdadaanan mo ngayon?"He sighed and looked to him. "Yes, Rex. Ang totoo ay hindi ako matahimik dahil sa nangyayari. Ang hirap ng nasa ganitong sitwasyon."Rex patted him on the back and spoke seriously. "Don't worry, sir. David and I are here to help you. Gagawin namin ang lahat para proteksiyonan ka. That's a promise, sir."Napangi
Huling Na-update: 2022-09-28
Chapter: CHAPTER 11NANG maalimpungatan si Diane ay nalamang wala na sa tabi niya si Khian James. Noong una ay kinapa-kapa muna ito ng kanyang kamay habang nanatiling nakapikit. Nang maramdaman niyang wala na siyang katabi ay saka iminulat ang mga mata. At napabangon na nga siya nang mabatid na nag-iisa na siya sa kuwarto."Khian?" anas niya habang inililinga ang paningin. Nasaan na kaya ang lalaking iyon?Dahil hubo't hubad siya ay kinuha ang kumot at ibinalot iyon sa katawan. Saka siya tumayo at lumapit sa pintuan. Binuksan niya ang dahon niyon at sumilip sa labas."Khian," tawag niya rito. "Are you there? Are you out there, Khian?"Nang walang tumugon sa kanya ay bumalik siya sa may kama. Nang makita niya ang nagkalat na damit at mga panloob sa sahig ay pinulot ang mga iyon.Nagbihis siya. Nakadama ng lungkot. Naisip kasi niyang wala talagang namamagitang pag-ibig sa kanilang dalawa at pinanghinayangan niya iyon. Kung mahal kasi siya ni Khian James ay hindi ito basta na lang aalis at baka hanggang nga
Huling Na-update: 2022-08-30
Chapter: CHAPTER 10KHIAN James shut the door of his room with his foot and never breaking their kiss. It seemed that the man was very eager for that opportunity. He really forgotten his plan to leave to unwind.Minutes later, Diane's heart was racing when his kiss down to her neck and licked it. She couldn't stop the moans from slipping out as she gasped for air."Khian," anas niya pagdaka habang hinahagod ng kanyang palad ang likod nito. "Nakikiliti ako... ang sarap... huwag kang tumigil, Khian James. Huwag... please!"Ipinagpatuloy nga nito ang paghalik sa kanyang leeg at bahagya pang bumaba sa may dibdib niya. Sanhi para lalo pa siyang humalinghing dahil sa kiliti.But the man suddenly stopped for what he was doing. He looked at her with a smile and started to undress her. Hindi naman siya tumutol bagkus ay nagpaubaya pa. Kaya tuluyan siyang nahubaran nito hanggang sa lumantad ang itim niyang bra, na kakulay din at katulad ng kanyang lace na panty.Bigla niyang naramdamang tila nilamig siya. Para nam
Huling Na-update: 2022-08-14
Chapter: CHAPTER 9"DAPAT kang mag-ingat, sir Redlee," ani Rex nang magkita silang tatlo sa Bachelor's Bar. Naka-order na sila ng paborito nilang wine at hinihintay na lang na mai-serve iyon. "Hindi biro ang kinakaharap mo ngayon." Ipinagpaliban nila kagabi ang pagpunta sa lugar na iyon dahil sa hindi nila inaasahang nangyari. At iyon ay ang muntik na pagsagasa sa kanya ng isang humaharurot na kotse, na dahilan ng pagkakaroon ng sugat ni David. Gayunpaman ay napagkasunduan nila na saturday night na sila magkikita at ngayon na nga ang oras na ito. "Oo, sir," salo ni David, "nanganganib ang buhay mo. Padalawang beses na palang nangyayari ang insidenteng iyon. Huwag naman sanang mangyari pero ang sabi nila ay mas delikado kapag patatlo na. Mas mapanganib." Hindi niya naiwasang bumuntonghininga. Talagang apektado siya ng hindi magandang sitwasyon na kinakaharap. Dahil nga kahapon habang nasa parking area sila ay minsan pang naganap ang pagsagasa sa kanya ng isang kotse, na hindi niya alam kung sino ang na
Huling Na-update: 2022-08-11
Chapter: CHAPTER 8SUMAILALIM na si Diane sa facial operation at habang nasa loob ito ng surgery room ay hindi mapakali si Khian James. Wala siyang ginawa kundi ang magpabalik-balik sa paglalakad sa labas ng pintuan nito.Nag-aalala siya para sa babae. Pero hindi sa posibleng ikapahamak nito kundi sa ibubunga ng facial surgery. Oo nga at nakatitiyak siyang mahusay na plastic surgeon ang doktorang kinuha niya ay hindi niya maiwasang kabahan. Gusto kasi niyang makatiyak na hindi mabigo si Diane sa inaasam na kagandahan.God, ikaw na po ang bahala kay Diane, dalangin niya sa isip nang makaupo sa bench na naroon. Ipahintulot Mo pong maging maayos ang resulta ng operasyon.He helps his friend truly from his heart. Out of concern, he really tried to put her at ease and be fully prepared for the upcoming surgery. That's why he approached Dra. Helen Yulo, who is a board-certified plastic surgeon that have completed eight years of specific training by an accredited plastic surgery training program, that is regul
Huling Na-update: 2022-08-04
LOVING A HIDDEN MAFIA
Tinanggap ni Maribel Lopez ang maging other woman ni Calixto Condor dahil mahal niya ito. Hindi naman niya pinagsisihan ang naging desisyon dahil naging masaya siya sa piling ng lalaki, na hindi naglihim sa pagiging pinuno ng mafia. Kaya naman tumagal ang kanilang pagsasama hanggang sa magkaroon sila ng anak, na binuhay nilang limitado ang pakikisalamuha sa kapwa.
Si Alexa, na lumaki at nagkaisip na may pribadong buhay. Pero dahil din sa pag-ibig ay binuksan ang sariling mundo para papasukin ang isang guwapong estangherong binata. Si Kaizer John Avila, na natagpuan niya sa gitna ng kalsada habang malakas ang buhos ng ulan. Walang malay-tao ang lalaki, na isa palang pinuno ng mafia. Bagay na nalihim sa kanyang kaalaman dahil malayo ito sa hitsura nito. Kahit may pasa ito sa pisngi at may sugat sa noo ay napaka-amo ng mukha. Kaya iniligtas niya ito sa naka-ambang sakuna at inalagaan hanggang sa gumaling.
Inilihim sa kanya ni Kaizer John na ipinakidnap ito ng kalaban, na gustong makuha ang pagiging pinuno ng mafia. Kaya nanatili ito sa kanyang bahay hanggang sa gumaling. At lumakas. Bagay na naging dahilan kaya lihim na nakilala nito ang kanyang Ama na si Calixto Condor. Nagkaroon din ito ng pagkakataon na matuklasang si Alexa ang itinatagong anak sa labas ni Calixto, na batid na nagpakidnap dito. Kaya gumawa ito ng paraan para manatili pa ito sa kanyang bahay, na ang pakay ay gamitin siya sa paghihiganti sa sariling Ama.
Mawawalan kaya ng saysay ang pagmamahal na iniukol ni Alexa para kay Kaizer John? Paano niya matutuklasang pinuno pala ng mafia ang iniibig na lalaki, na nais patayin ng kanyang Ama para mabawi dito ang kapangyarihan sa hinahawakang grupo? Wala nga kaya itong nararamdamang pag-ibig sa kanya at ang tanging mananaig ay ang paghihiganti?
Basahin
Chapter: CHAPTER 6Alexa's Point of ViewWALANG-WALA sa isip ko na may isang estrangherong lalaki ang lalapit sa akin at mayabang na sumabay sa paglalakad ko, habang papunta sa room sa loob ng campus."Hi," he said confidently, "I'm Ceasar Arevalo. A fourth year engineering student here."Inilahad niya ang kamay pero hindi ko siya pinansin. Nagpatuloy lang ako sa paglalakad, na parang walang narinig. Pagak siyang tumawa saka ipinamulsa ang kanang kamay. Nagpatuloy siya sa pag-agapay sa akin."So, totoo pala na isnabera ka. Babaing walang pakialam sa mga tao sa paligid..."Binilisan ko ang paglalakad pero sumunod pa rin siya. Bagay na hindi ko nagustuhan kaya tumigil ako. Mabilis siyang tumayo sa harapan ko kaya pinandilatan ko ng tingin."Bakit ba ang suplada mo?""Sorry. Pero wala akong time sa pakikipag-kaibigan. For your information, I am not suplada or snob. Hindi ko lang talaga ugaling makipag-usap sa hindi ko kilala."Bigla niyang inilahad ang kanang kamay at muling nagpakilala. Pero hindi ko na n
Huling Na-update: 2022-11-02
Chapter: CHAPTER 4Kaizer John's Point of ViewNILAPITAN na ng iba pang mangangalakal ang nakahandusay na katawan ni Benjo. May mga lumapit din sa akin na kahit hindi nagsalita ay dama ko na inuusig ako ng kanilang mga tingin."H-hindi ko sinasadya..." anas ko, na ramdam ang aking pamumutla habang nanginginig sa takot ang buong katawan."Pinatay mo si Benjo, Kaizer," sabi ng kapitbahay kong mangangalakal din. "Hindi mo dapat ginawa iyon. Makukulong ka!"Napalunok akong tumingin sa kanya. Lalo akong natakot nang sumenyas siya at nagsalita. "Lagot ka! Huhulihin ka ng mga pulis!""Hindi!" sabi kong umiiling. "Ayokong makulong!"Kumaripas ako ng takbo. Halos magkandarapa ako sa pag-uwi sa aming bahay dahil tuluyan na akong nilamon ng aking takot."Ayokong makulong!" bulong ko habang nanlalamig ang buong katawan. "Hindi ako dapat mahuli ng mga pulis..."Habol ko ang aking hininga nang makapasok sa pintuan ng aming bahay. Nasapo ko ang sariling dibdib habang humihingal. Nang maisara ko ang dahon ng pinto ay n
Huling Na-update: 2022-09-25
Chapter: CHAPTER 3Kaizer John's Point of ViewMULA pagkabata ay hindi ko na nakilala kung sino ang tunay kong Ama. Lumaki ako sa piling ni Nanay Belinda, na tunay kong Ina. Ang sabi niya ay halang daw ang kaluluwa ng Tatay ko at pinagsamantahan siya. Kaya siguro naging madamot siya sa akin simula't sapol. Pero ganoon pa man ay pinapakain niya ako ng tama sa oras sa kabila ng aming kahirapan. At tinatanaw ko iyong malaking utang na loob dahil lumaki ako na hindi nagutom. Itinanim ko na lang sa aking utak na kaya hindi niya ako binibigyan ng iba pang bagay, na gusto ko sanang magamit ay dahil kapos kami sa mga pangangailangan. At apektado na rin nito ang hindi niya maibigay na pagmamahal bilang isang magulang. Oo, hinanap ko talaga iyon sa kanya pero namatay na siya dahil sa sakit na tuberculosis ay hindi pa rin niya naipadama sa akin. Kinse anyos ako ng panahong iyon at dahil minahal ko siya ay sobra akong nasaktan Nalungkot. Kahit kasi hindi niya ako minahal bilang anak ay ako pa rin ang nag-alaga sa
Huling Na-update: 2022-09-22
Chapter: CHAPTER 2Alexa's Point of ViewNGAYON ay maliwanag na sa akin kung bakit mula pagkabata ay parang ipinagdadamot ako ng aking mga magulang. Musmos palang ako ay halos hindi ako ipakalong kahit sa mga kamag-anak namin. At hindi lang pala iyon bunga ng aking pagiging anak sa labas, na hindi inilihim sa akin ni Mama, kundi dahil ang Papa ko ay pinuno ng mafia.Imagine that? sa isip-isip ko. Napakabait na tao ng Papa ko pero isa pala siyang mafia boss!Ah! Sino bang mag-aakala na ang Ama ko ay miyembro ng mafia? At isa pang pinuno!Ang totoo ay hindi halata sa kanya. Sa pagsasalita at pagkilos ay hindi aakalaing nasa ganoong uri siya ng organisasyon. Pero siguro ay iniingatan talaga niya na hindi mahalata ng mga tao sa paligid na miyembro siya ng mafia, na isinasa-alang-alang din marahil ang kapakanan naming mag-ina.Siguro nga, sa isip-isip ko pa. Marahil ay ganoon na nga!Natawa ako sa aking sarili at nasabi ko, na ibang klase pala talaga ako. Kaya natural lang na magkaroon ako ng pribadong buhay
Huling Na-update: 2022-09-18
Chapter: CHAPTER 1Alexa's Point of ViewNAPATINGIN ako sa nakasaradong pintuan ng aking kuwarto nang marinig ang tatlong katok mula sa labas. Isinara ko ang binabasang libro habang nakaupo sa ibabaw ng aking kama. Tinanong ko ito kung sino habang nakatuon ang aking mga mata sa bumukas na dahon ng pinto."Ma," usal ko nang makita si mama Maribel na bahagyang ngumiti nang pumasok, "bakit po?""Mabuti at gising ka pa, anak," tugon niyang lumapit matapos isara ang pintuan. "Naka-abala ba ako?"Humalik ako sa pisngi niya. "Hindi naman, Mama. Binabasa ko lang ang book na bahagi ng lesson namin bukas sa Science. May sasabihin ho kayo?"Tumango siya. Sumiryoso ang mukha. Bigla naman akong kinabahan dahil sa reaction niyang iyon. Lalo na nang hawakan niya ang isa kong kamay."Kinabahan naman ho ako," sabi ko na pinilit ngumiti. "Is it a serious matter, Mama?""Mafia..."Nangunot ang noo ko dahil sa narinig na word. Mafia?"Ano ho ang tungkol sa bagay na 'yan, Mama?"Tinanong niya ako kung may alam tungkol sa ba
Huling Na-update: 2022-09-14
Chapter: PROLOGUEMaribel's Point of View"MAHAL kita, Mabel," sabi ni Calixto habang tuwid na nakatitig sa aking mga mata. "Seryoso ako sa 'yo. Hindi ko man magagawang pakasalan ka ay handa ko namang panagutan ang mamamagitan sa ating dalawa..."Hindi ko napigilan ang aking mga luha sa pagpatak. Damang-dama ko ang sinsiridad sa kanyang sinabi, lalo pa at nakatitig siya sa aking mga mata. Tila ba ay tumagos sa puso ko ang salitang binitiwan niya. Kaya naman lalo pa akong naging desidido na ipagkaloob sa kanya ang aking kalinisan bilang babae.Oo. Handa na akong magpa-angkin kay Calixto tutal naman ay mahal na mahal ko siya. Nang ayain niya ako sa motel na kinaroroonan namin ngayon ay bukal sa loob ko ang pagsang-ayon. Bagama't takot ako at kinabahan sa mangyayari ay inihanda ko na ang aking sarili. Pilit kong binura sa isip ang hiya at sinikap na unawain ang magaganap."Mabel, kung may ibunga man ang ating pagsisiping ngayon ay magiging Ama ako sa bata. Hindi ako mangingiming ibigay sa kanya ang apelyi
Huling Na-update: 2022-09-10