THE WEDDING DAYAmarah’s Pov“Ay! taray. Ang ganda mo ngayon girl, daig mo pa ang artista. Smile ka naman dyan, kaloka ka. Araw ng kasal mo ngayon bakit mukhang biyernes santo yang pagmumukha mo? agad akong nakabawi mula sa malalim na pag-iisip, ng marinig ko ang boses ni Cindy, isang bakla na kinuha ni Marco upang mag make over sa akin. Hindi ko kasi alam kung bakit ako kinakabahan. Magkahalong excitement at kaba ang nararamdaman ko. Pero sabi nga nila, normal lang daw yun sa mga nakaranas ng magpakasal. Tumingin ako sa salamin at agad akong namamangha dahil sa kakaibang transformation na ginawa sa akin ni Cindy. Kahit na ako, parang nahihirapan na ring kilalanin ang sarili ko.“Kaya pala nababaliw sayo si sir Marco madam, halatang halata naman na nakakabaliw yang ganda mo.” napapangiti nalang ako sa uri ng pambobola sa akin ni Cindy. “Madam smile.” agad naman akong nagbigay ng isang matamis na ngiti ng makita kong kinuhanan ako ni Cindy ng picture. Halos hindi ko na mabilang kung i
Marco’s PovAlas diyes na ng gabi, ngunit hindi pa rin ako dinadalaw ng antok. Ilang buwan na rin, mula ng kinasal kami ni Amarah, ngunit hanggang ngayon hindi pa rin ako nagkakaroon ng pagnanasa na maangkin siya. Ewan ko ba, sa tuwing nagtatangka akong angkinin siya, pakiramdam ko ang nakikita ko ay si Sandra. Ayaw kong isipin ng asawa ko na pinagdududahan ko siya, ngunit kahit anong pilit ko sa aking sarili, parang namimiss ko talaga ang dati kong asawa. Ang lahat-lahat sa kanya. Ang Amarah na kasama ko ngayon, ibang-iba siya sa Amarah na minahal ko noon, kahit ang pag-uugali niya malayong-malayo sa Amarah na nakilala ko bago pa man kami ulit kinasal.“Babe, hindi ka pa ba matutulog? Kanina pa kita hinihintay sa kwarto natin.” agad akong nakabawi mula sa malalim na pag-iisip ng maramdaman kong niyayakap ako ni Amarah sa aking likuran. Hinahalikan niya ang leeg ko, ngunit parang wala pa rin ako ganang gumanti kahit sa mga yakap nya man lang. Tinanggal ko ang kamay niya na nakayakap s
Lihim na napangiti si Sandra dahil naki-ayon sa kanya si Ariane, ang bagong yaya ng mga anak ni Marco. Kung hindi, baka pagdududahan na naman nito ang kalupitan niya sa mga bata. “Humanda kayo sa akin, mga bulinggit kayo. Pasalamat lang kayo at dumating and daddy ninyo. Hindi pa ako nakapag higanti sa iyong ina. Kayo ang pahihirapan ko sa lahat ng hirap na dinanas ko sa kamay ng mga yakuza." Sa loob-loob ni Sandra. "Marco Babe, pagpasensyahan na lang muna natin si Ariane, hayaan mo sa susunod babantayan ko na ng maayos ang mga anak natin." Sabay halik sa labi ni Marco. Hindi naman makaiwas si Marco dahil alam niyang andyan ang mga anak niya. Baka isipin ng mga ito na nanlalamig na siya sa kanilang, ina. Samantalang umiwas naman ng tingin si Amarah ng makita na naghahalikan sa harapan niya ang dalawa. Parang tinamaan ng kidlat ang kanyang puso. Agad na siyang tumalikod at umakyat papuntang silid ng mga quadruplets upang mapigilan ang luha na handa ng lumabas mula sa kanyang mga mata
Habang binubuksan ni Marco ang pintuan, pilit niyang pinapakalma ang sarili upang hindi mahalata ni Sandra na alam na niya na hindi siya ang tunay na Amarah."Babe, kanina pa kita hinahanap nandito ka lang pala?" nagmamaktol na tanong ni Sandra nang makita si Marco."Bakit?" tanong niya."Anong bakit? Babe nakalimutan mo na ba, dadalo tayo mamaya sa birthday party ni Mr. Nathan Cheng. Ang ka business partner ko sa negosyo. Kailangan mo nang maghanda ng e-regalo natin mamaya sa kanya."Ikaw na lang siguro ang pumunta, marami pa kasi akong aasikasuhin sa opisina." tinatamad na sagot ni Marco."Babe, may problema ba tayo? Akala ko ba, nag-usap na tayo tungkol dito. Hindi pwedeng hindi ka pupunta. Sinabi ko na kay Mr. Cheng na dalawa tayo ang aatend sa birthday niya. Isa pa umaasa yung tao na yun na darating ka dahil pag-uusapan ninyo raw ang tungkol sa business proposal niya sayo.Nagkasalubong ang mga kilay ni Marco sa sinabi ni Sandra."Business Proposal? Ano naman ang kaugnayan ko sa
Mabilis pa sa isang iglap na sa harapan na niya si Drako. Hindi ito makikita sa dilim dahil over all black ang suot nito, at mata lang niya ang hindi natatakpan. Gabi-gabi, nandito siya sa mansyon at nagmamanman sa paligid.“querida Reina Águila, ¿a qué puedo servir?” (Mahal na reyna aguila, ano po ang maililingkod ko?) Naka spanish language ang pananalita nito dahil hindi ito marunong sa philippine language. Naintindihan naman ni Amarah dahil ilang taon na siya sa New York. Kaya wala siyang magawa kundi ang mag spanish na rin para magkaintindhihan silang dalawa.“Quiero que encuentres al Rey Demonio. Se esconde bajo el nombre de John Bloomberg.” (Gusto kong hanapin mo ang Demon King. Nagtatago siya sa pangalan na John Bloomberg.)Nakita niyang nagulat ito nang banggitin niya ang pangalang Demon King.“¿Puedo saber lo que estamos buscando con él?” (Pwede ko po ba malaman kung ano ang pakay natin sa kanya?) curious na tanong nito.“Mami me mandó a buscarlo, porque él era la única pers
MARCO’S POVMahigit isang oras ang nakalipas, nakarating na rin ako sa bahay. Past midnight na pala. Kahit kinakabahan, malaki pa rin ang mga hakbang ko na umakyat sa itaas. Dumiretso ako sa guest room, ngunit agad akong nadismaya ng hindi ko mahanap ang gustong makita ng aking mga mata. Pinihit ko ang door knob sa silid ng mga quadruplets at sumilip sa loob. Pumasok ako ng mahagip kaagad ng aking mga mata ang balingkinitan na katawan ng aking asawa na nakahiga sa couch.Dahan-dahan akong lumapit sa kanya, at maingat siyang binuhat papasok sa guest room. Kanina pa kasi ako nagpipigil, nadadaig ako ng aking kagustuhan na maangkin si Amarah. Maingat ko siyang inilapag sa kama. Mainit ko siyang hinalikan sa kanyang mga labi. Hindi tumigil ang mga labi ko sa paghalik sa kanya, hanggang sa maramdaman ko na naglambitin ang mga kamay niya sa batok ko, at masuyong na ring niyang ginanatihan ang bawat halik ko. Ang init na aking nararamdaman kanina ay lalong nadagdagan ng siya na mismo ang kus
Galit na nagtipa ako sa aking cellphone. “Sabihin mo kay Drako, makipagkita ako sa kanya at sa boss niya.” Matapos kong ma send yun sa mafia boss ng Rackets Underground Organization na si Troy, ay agad na akong pumasok sa kuwarto at nagbihis.“Babe, saan ka ba galing kanina pa kita hinahanap. Ngayon ka lang ba dumating?” bungad kaagad sa akin ni Sandra ng makapasok na ako sa silid namin ni Amarah. Siyempre ayaw kong sabihin na silid namin to ni Sandra, lalo lang kumukulo ang dugo ko.“May amergency na nangyari sa kumpanya ko kaya dinaanan ko muna.” pagsisinungaling ko habang pinipigilan ang sarili kong hindi lalabas ang aking pagka demonyo."Anong nangyari diyan sa noo mo? Bakit ka nagkabukol?"Ang sarap talaga hampasin ng pagmumukha ni Sandra, magtatanong pa na siya lang din naman ang may kagagawan nito."Nauntog ang ulo ko kanina."tipid kong sagot.“Ganun ba? Siyanga pala babe, may isusurprise sana ako sayo,’’ sabay abot ng pregnancy test sa aking kamay.Tiiningnan ko ang pregnancy
Pagkatapos marinig ang sinabi ko, nakita ko si Amarah na tiningnan ng makahulugang tingin si Drako. Nakuha naman ni Drako ang gusto nitong sabihin kaya ito lumabas at hinayaan kaming makapag-usap ng sarilinan ni Amarah. "Ngayong nakalabas na ang kasama ko, mapagbigyan nyo na po ba ako sa aking kahilingan Boss Demon?" narinig kong tanong niya sa akin."Depende, kung paano mo ako kumbinsihin na tulungan ka. Hindi ko sakop ang angkan ng Aerie. Isa pa matagal na silang hiwalay sa pamamahala ng gobyerno ng New York. May sarili silang paniniwala at kultura. At ako bilang Demon King, hindi ako nanghihimasok sa pamumuhay nila dahil labas na sila sa mga organisasyon na hinahawakan ko.""Kaya ko hinihingi ang tulong mo dahil maraming organisasyon na nasa ilalim mo mismo ang halos nakapasok na sa Aerie. Kawawa ang mundo ng mga Aeta na malayang namumuhay doon. Kayamanan lang naman na nakabaon sa bundok na yon ang habol ng mga tauhan mo. Buti sana kung naghuhukay lang sila, ngunit maliban sa pina
Mahigit isang oras ang nakalipas, bumukas ang pintuan ng operating room, inliuwa nito ang nanlulumong katawan ni Doc Amy. Mabilis na umalis si Allaric mula sa pagka kayakap ng kanyang lolo, at tumakbo papunta sa babaeng doctor. Pinipigilan ni Doc Amy ang kanyang sarili na mapaluha habang nakatingin kay Allaric na punong-puno ng pag-asa, sa pag-akalang buhay pa ang kanyang ina. "Tita Amy, si Mommy, kamusta na si Mommy?" puno ng pag-asa na tanong ni Allaric. Sandaling lumuhod si Doc Amy upang maging pantay sila ng bata. Halatang nahihirapan siyang magsabi ng totoong nangyari sa kanyang ina. "Boy, I'm sorry. Your mom needs you to be strong para sa mga kapatid mo. Gusto pa niyang lumaban ngunit ayaw na ng katawan niya. We have to let her go. Just think that she's now happy with your dad in heaven." "No, hindi totoo yan!, Buhay pa ang mommy ko! Iniwan na kami ni Daddy, alam kong hindi niya kami iiwan! Mommmmyyy!" Niyakap ni Doc Amy si Allaric na ngayon ay naglulupasay na sa sahig dahil
Samantala, hawak-hawak ni Marco ang mga kamay ni Marcus, na nakaposas habang naglalakad sila patungong execution chamber ng Aerie. Biglang tumigil sa pagpapalitan ng mga putok ang mga tauhan ni Marcus, ng makita na nabihag na ni Marco ang kanilang boss. Wala na silang nagawa kundi ang sumuko, dahil kaunti na lang sa kanila ang natitira. Wala silang kalaban-laban sa dami ng mga mafia na bumaliktad sa kanilang boss, dahil halos lahat sila ay pumanig na sa Demon King. Dagdag pa dito, ang underboss na si Troy ang namumuno sa kanila, sa pakikipaglaban. Mabilis namang hinuli ng team Elite na pinamumunuan ni Lieutenant Mike Javier ang mga tauhan ni Marcus, na sumuko. Biglang nagliwanag ang mukha ng mga Aeta ng makita nila na sa wakas, nakatagpo din ng katapat ang kanilang Eagle King. At last, matatapos na ang kalbaryo na dinanas nila ng ilang taon, simula ng mawala ang kanilang Eagle Queen. Kahit past midnight na, lahat sila ay nagsilabasan pa rin sa kani-kanilang lungga, at di nagtagal napu
“Anak, maniwala ka, ako ang totoo mong ama, patawarin mo si daddy, iniwan ka ni daddy na nag-iisa at hinayaan ang buhay mo na manipulahin ni Marcus. Patawarin mo ako anak, wala akong nagawa upang makatakas sa kulungan na ito. Kung alam mo lang, ilang taon kong dinadasal na sana darating pa ang araw na ito na magkikita tayong muli.”"Pero bakit? Bakit ka kinulong dito, samantalang ang kakambal mo malayang nagpapasarap sa buhay niya sa labas?" Ang hindi pa rin makapaniwala na tanong ni Sandra.Sandali munang nag pahid ng luha si Alex at mahinang naglakad pabalik sa kanyang maliit na kama, bago muling nagsalita.“Nangyari ang lahat ng mga nangyari, dahil sa kagustuhan ni mama na makapaghiganti sa pamilya ng mga Dela Vega.”Biglang nagka salubong ang kilay ni Marco matapos banggitin ni Alex, ang pamilya Dela Vega.Hindi muna siya nagtanong, hinayaan muna niya ang sarili na makinig sa anumang sasabihin ni Alex. Nakita niyang umupo ito at malamlam ang mga mata habang nakatingin sa labas.
Alas singko na ng hapon ng makarating sila sa lugar kung saan itinago nila si Sandra. Pagkatapos tawirin ang ilog, di nagtagal ay nakapasok na rin sila sa lumang bahay kung saan ito nakakulong. Pinaiwan nila si Allaric sa loob ng sasakyan, upang mamonitor niya ang mga nangyayari sa paligid. Mayroon lamang dalawang elites siyang kasama doon upang maprotektahan siya sa anumang pwedeng mangyari mamaya. Lahat sila ay nakasuot ng earpiece upang mapanatili pa rin ang komunikasyon nila sa isa't-isa. "Sandra, pakakawalan ka na namin mamaya, malaya ka ng makakaalis." wika ni Amarah, habang tinatanggalan ng piring ang mga mata ni Sandra. Ngunit lingid sa kaalaman ng babae, mabilis din ang isang kamay ni Amarah sa paglagay ng hidden spy camera sa butones ng damit niya. Matapos matanggalan ng piring, muling nagliwanag ang mata ni Sandra, habang umiikot ang kanyang paningin sa buong silid. Kahit naghilom na ang kalahati ng nasunog niyang mukha dulot ng acido na binuhos sa kanya ng mga nakaraang b
Matapos dalhin ni Marco ang asawa sa kanilang silid upang makapag pahinga ng maayos, agad na siyang lumabas ng silid at hinahanap si Allaric.Naabutan niya ito sa loob ng sariling silid na nakadapa sa kanyang kama, habang nakatitig sa sariling laptop. Tumingala siya sa kanyang ama ng maramdaman na pumasok ito.Umupo si Marco sa gilid ng kama, katabi ng kanyang anak; nakita niya mula sa video si Alex Montenegro na kausap ang isang matandang babae at batang lalaki na kasing edad lang din siguro ni Allaric."Mama, kailangan kong iligtas si Sandra. Apo mo pa rin siya, at hindi pwedeng hahayaan ko na lang siya, sa mga kamay ng bwisit na Marco, na yan!" Wika ni Alex sa matanda."Kahit kailan talaga, puro na lang sakit ng ulo ang dala ng babaeng yan! Kung hindi dahil sa anak siya ni Alex, hahayaan ko na lang yan, mamatay!""Kalma lang mama, may plano na ako sa babaeng yan, mamayang gabi mismo, pagkatapos siyang maitakas ng mga tauhan ko, ikukulong ko din yan kasama ni Alex sa kanyang kulungan
“Da….ddy!” nauutal na sambit ng more than 1 year old na si Zale ng makita ang ama.Muntik ng bitawan ni Amarah ang kanyang anak ng paglingon niya, biglang niluwa ng nakabukas na pintuan ang katawan ng kanyang asawa na puno ng dugo. Hindi niya alam kung sariling dugo niya iyon o dugo ng kanyang mga pinatay. Nakatayo ito at nakatitig sa kanya na para bang ilang taon na siyang hindi nakita. Mabilis na nilagay ni Amarah si Zale sa kanilang crib kasama ng mga kapatid niyang quadruplets.“Babe,” naiiyak niyang wika habang patakbong niyakap ang asawa. Wala siyang pakialam sa maraming dugo na nakakapit sa katawan nito, dahil pagka sabik ang namayani sa kanyang puso sa mga oras na ito.Naluluha na ring niyakap ni Marco ang asawa at matamang tinitigan ang mukha nito. Hindi niya akalain na mas lalong gumanda ito, after niyang mag undergo sa cosmetic surgery. Sumilay ang ngiti sa kanyang labi at hinila ang asawa papuntang bathroom.“Teka, sandali babe, ang mga bata.” pigil ni Amarah ng mahalatang
SAMANTALA, kakatapos lang lusubin ng grupo ni Marco ang ang grupo ng mga Vendetta Cartel, isang underground organization na kilala sa human trafficking at Drug dealers. Sa loob ng tatlong araw halos kalahati na ng mafia organization ang nawasak nila. Puno ang hideout ng Vendetta Cartel ng mga nakakalat na bangkay, dumanak ang dugo sa kahit saang sulok ng hideout at tanging ang lider lamang nila at ibang mafia bosses na kusang sumuko ang natitirang buhay. Galit na galit si Marco at nanlilisik ang kanyang mga mata habang nakatayo sa harapan ng lahat ng mga mafia bosses na ngayon, nakaluhod na sa sobrang takot. Kalahati sa kanila ay sumuko at ayaw ng lumaban pa. Ang mga huling nagsidatingan na mafia bosses upang tumulong sana sa mga vendetta ay lumuhod na rin ng masaksihan ang karumal-dumal na pamamaraan ni Marco sa pagpatay. Lahat ng mafia bosses na lumaban sa kanya ay halos pugot na rin ang mga ulo, ang iba, halos nag hiwa-hiwalay ang mga kamay at paa sa kanilang mga katawan. Hindi ni
Mabigat ang aking mga paa na nilisan ang mansyon. Walang tigil sa pagpatak ng aking mga luha habang nagmamaneho ng sasakyan. “Madam A, nahuli na namin si Sandra. Anong balak mong gawin ngayon?” narinig niyang sabi ni Mike ng sagutin niya ang tawag nito. “Dalhin mo sya sa hideout, ako ang hahatol sa kanya.” matalim ang mga mata ni Amarah habang nakatitig sa kalsada. “Masusunod po, Madam A.” agad na sagot ni Mike bago pinatay ang tawag. Mabilis na pinalipad ni Amarah ang kanyang sasakyan kaya wala pang bente minutos ay nakarating na kaagad siya sa hideout ng mga Elite Task Force. Malalaki ang mga hakbang na pumasok siya sa loob ng interrogation room at nadatnan niyang nakaupo si Sandra, habang nakatali ang mga kamay sa likod ng upuan. “Hayop ka Amarah, kung sa tingin mo, makakaganti ka na sa akin, nagkakamali ka, dahil hindi titigil si Alex Montenegro hanggat hindi niya nakikita na unti-unti kayong bumabagsak ni Marco Dela Vega! Ahahaha!” parang baliw na wika nito habang pinapad
“Sandra!, akin na yang anak ko, ito lang naman ang gusto mong makuha di ba?” sabay taas ni Amarah ng kanyang kwintas na nakasabit sa kamay niya.Biglang nagliwanag ang mga mata ni Sandra, pagkita niya sa kwintas. Kapag nakuha niya ito mula sa kamay ni Amarah, kahit na nabigo siyang kidnapin ang mga anak nito, makakabalik pa rin siya ng Aerie at hindi paparusahan ng kinikilala niyang ama na si Alex Montenegro. Kilalanin siyang Eagle Queen at lahat ng kapangyarihan mayroon si Alex Montenegro ay magkakaroon din siya.“Ibigay mo sa akin yan Amarah, para lang sa akin yan! Ako ang karapat-dapat na maging Eagle Queen.” Wika ni Sandra, halata ang pagiging excited sa kanyang mukha.“Hindi mo makukuha ang kwintas na ito, hanggat hindi mo naibibigay sa akin ang anak ko!” Sandaling nag-isip si Sandra matapos marinig ang kondisyon ni Amarah.“Ibabalik ko sayo ang anak mo pero sa isang kondisyon, paalisin mo ang mga tauhan mo na nakaharang sa daanan ko!”