Pagkatapos marinig ang sinabi ko, nakita ko si Amarah na tiningnan ng makahulugang tingin si Drako. Nakuha naman ni Drako ang gusto nitong sabihin kaya ito lumabas at hinayaan kaming makapag-usap ng sarilinan ni Amarah. "Ngayong nakalabas na ang kasama ko, mapagbigyan nyo na po ba ako sa aking kahilingan Boss Demon?" narinig kong tanong niya sa akin."Depende, kung paano mo ako kumbinsihin na tulungan ka. Hindi ko sakop ang angkan ng Aerie. Isa pa matagal na silang hiwalay sa pamamahala ng gobyerno ng New York. May sarili silang paniniwala at kultura. At ako bilang Demon King, hindi ako nanghihimasok sa pamumuhay nila dahil labas na sila sa mga organisasyon na hinahawakan ko.""Kaya ko hinihingi ang tulong mo dahil maraming organisasyon na nasa ilalim mo mismo ang halos nakapasok na sa Aerie. Kawawa ang mundo ng mga Aeta na malayang namumuhay doon. Kayamanan lang naman na nakabaon sa bundok na yon ang habol ng mga tauhan mo. Buti sana kung naghuhukay lang sila, ngunit maliban sa pina
“Sige ituloy mo ang pagsipa sa akin, hahalikan na talaga kita!” Nakita kong agad itong natigilan. “Woman, huwag mong kalimutan na lungga ng Demon King itong pinasukan mo. Huwag mong hintayin na may gagawin pa ako sayo na hindi mo magugustuhan.” mapang-uyam kong wika sa kanya.Galit niya akong tinalikuran, at tumakbo palabas ng lobby habang umiiyak. Tinapunan ko ng makahulugang tingin ang aking mga tauhan na naka hilerang nakatayo lang sa gilid ng lobby at kanina pa nanonood sa sparring namin ni Amarah.“Sundan niyo siya at dalhin sa kwarto ko!” galit na sigaw ko sa kanila. Agad namang tumakbo ang mga ito palabas. Napakamot ako sa aking batok. Nahihirapan akong paamuin si Amarah dahil ibang tao ang tingin niya sa akin. “Fuck!” Napamura ako sa aking sarili. Masakit talaga ang ulo ko ngayon. Ilang sandali pa’y buhat-buhat na ni Ansel, si Amarah na wala nang malay. Agad kong pinasan ang aking asawa at galit na binitin patiwarik sa kwelyo si Anse_isa sa mga tauhan ko. Hindi ko na naramdama
Pagpasok ko, nakita ko ang dalawang lalaki na nakaupo at walang malay habang nakagapos sa kani-kanilang upuan. Ang isa ay tinatantyang nasa 40 taong gulang. Kulot ang buhok nito, maitim at parang Aeta ang hitsura. Habang ang kasama naman niya ay nasa 30 taong gulang. Mas bata lang ito ng kaunti sa isa. Kulot na rin ang buhok nito at mahahalata mo talagang mga Aeta sila. Gayunpaman hindi sila katulad ng mga Aeta ng Pilipinas dahil magkaiba sila ng pananamit. Mas malinis ang mga ito tingnan at pwedeng ihambing sa mga negritos ng Africa.“Pero paanong umaaligid sila sa mansion ng mga Fuentebilla?” napapaisip ako."Buhusan mo ng tubig ang mga iyan." madiin kong utos kay Troy.Mabilis naman na tumalima si Troy at agad na binuhusan ng malamig na tubig ang mukha ng dalawa.Ilang sandali pa'y nagising na ang mga ito at bakas ang gulat at takot sa kanilang mga mata ng makita ang aking suot na maskara.“B-boss Demon? Bohoho..maawa po kayo sa amin, wala kaming kasalanan.” pagmamakaawa ng isa sa
Malaki ang aking mga hakbang pabalik ng mansion. Nasa kalagitnaan pa lang ako ng hallway ng bigla akong sinalubong ni Drako at may balak pang kunin si Amarah mula sa mga bisig ko.“Reina Águila, ¿Qué te pasó?" Reyna Aguila, Anong nangyari sa inyo?” nagtatakang tanong ni Drako habang sinusundan ako. Kahit spanish ang pananalita nito ngunit naintindihan ko pa rin kung ano ang tinatanong niya. Alam kong nag-aalala lang siya kay Amarah, ngunit ayaw kong maudlot ang paggamot ko sa mga sugat niya. Nilingon ko si Drako at tinapunan ng matalim na tingin na nagpapahiwatig na huwag akong sundan. Mabuti naman at mabilis naman itong nakakaintindi. Agad kong tinakbo ang hagdan paakyat at tumungo sa aking silid. Maingat kong pinahiga si Amarah sa kama at hinubad ang damit na suot niya. Kumuha ako ng face towel at nilublob yun sa maligamgam na tubig na nasa maliit na palanggana. Pagkatapos ay agad ko namang piniga iyon bago ipunas sa buong katawan ni Amarah. Pinagmasdan ko ang kanyang katawan, may
Hindi ako mapakali sa loob ng silid habang minamasdan ang aking asawa na nag-aapoy sa lagnat. "Put***ng ina naman, Nasaan na ba si Troy?" Bigla akong napamura habang pabalik-balik sa labas ng pintuan sa pag-aabang kung nakarating na si Troy kasama si Doc Nicolai. Sa sobrang inip ko kinuha ko ang aking cellphone at tinawagan si Troy."Hello, Troy, bakit ba ang bagal mo? Ano? Matagal pa ba kayo?!" agad na singhal ko sa kanya after niyang masagot ang tawag ko."Boss, kakarating lang namin ni Dr. Nicolai. Papuntahin ko na po siya diyan sa itaas." Agad kong pinatay ang tawag ng marinig mula kay Troy na paakyat na si Doc Nicolai.Di nagtagal nakita ko na si Doc Nicolai na mabilis ang mga hakbang habang paakyat sa hagdan. Agad ko siyang sinalubong at dinala sa silid ko, kung saan nakahiga si Amarah."Doc, nagising na siya kanina, ngunit biglang nawalan siya ulit ng malay." Pagbibigay-alam ko kay Doc Nicolai, nang maka-upo na ako sa gilid ng kama, ni Amarah."Marco, kumalma ka lang. Pwede ban
AUTHOR'S POVNasa kalagitnaan si Marco ng pagbubukas ng mga files sa kanyang laptop ng bigla siyang nakarinig ng mga kalabog mula sa pinto. Galit siyang nagtungo sa pintuan at binuksan ito."Tang'na naman Troy! Kung makakatok ka parang sisirain mo ang pinto! Ano bang problema mo?!""B-Boss, ma..malaking problema, nakatakas ang dalawang Aeta." Humihingal na pagbabalita ni Troy. Agad na umakyat ang dugo ni Marco sa ulo ng marinig ang sinabi ng tauhan niya."Ano? Put**ng ina naman Troy! Isa talaga kayong kampon ng mga katangahan! Paano sila, nakatakas? Di ba mahigpit kong bilin sayo na bantayan mo silang mabuti? Anong nangyari?!""Yun nga Boss eh. Inutusan mo akong sunduin si Dr. Nicolai, pagbalik ko nawala na sila. Sigurado talaga akong nilock ko ang basement bago ako umalis.""Ni-lock mo? Paano sila nakatakas? Huwag mong sabihin sa akin na may hudas sa loob ng lungga natin?!"Sabay silang nagkatinginan dahil pareho sila ng naiisip. May hudas nga sa loob ng kanilang hideout."Tangina, b
"Pero Boss, alam mo ang pilosopiya ng mga Mafia dahil Mafia ka rin. Hindi sila basta-bastang aamin kung sino ang totoong Alex Montenegro. Mas gugustuhin pa nila ang mamatay kaysa ang umamin.""Hindi lahat ng Mafia ganun ang pananaw Troy. Sa oras na pamilya na nila ang sangkot, mabilis mo silang mapapaamin. Pwera na lang sa mga Mafia na talagang walang pakialam sa kanyang pamilya, dun maniniwala ako na mas nanaisin pa nila ang mamatay at madamay ang pamilya kaysa umamin.""Ibig sabihin…" luwa ang mata ni Troy sa naisip na plano ni Marco."Yan ang unang hakbang natin Troy. Sisimulan ko sa kanilang pamilya. Mamayang gabi, isa-isahin nating kidnappin kahit isa sa miyembro ng kanilang pamilya, nang sa ganun may dahilan sila para umamin.""Paano ang asawa mo boss?""Uuwi siya kapag kaya na ng katawan niya. Kailangan siya ng mga anak namin. Sige na, ihanda mo na ang mga tauhan natin at ang mga kailangan nating gamitin. Aalis tayo pagkatapos kong makausap ang asawa ko.”Agad na tumalima si Tr
Nahulog si Marco sa malalim na pag-iisip matapos ang pag-uusap nila ni Doc Amy. Nahilamos niya ang mukha dahil sabay-sabay nagsi datingan ang kanyang problema. Nagpakawala muna siya ng malalim na buntong hininga, bago lumabas sa kanyang library. Ilang sandali pa, dala niya ang food tray ng mga pagkain na personal niyang niluto sa kusina, pumasok siya sa loob ng kanyang silid kung saan nakahiga si Amarah. Nakita niyang tulog pa rin ito. Dahan-dahan muna niyang inilagay ang mga pagkain sa bedside table bago umupo sa gilid ni Amarah.Kinuha niya ang kamay nito na may nakakabit na swero at dinala sa kanyang labi upang dampian ng masuyong halik. Naawa siyang tingnan ang kanyang asawa na pilit nilalabanan ang sakit para lang mahanap si Alex Montenegro.“I love you babe. Gagawin ko ang lahat para sayo at sa mga anak natin. Sana, patuloy kang lumaban para sa kanila, dahil hindi ko alam kung kailan ako makakabalik. Lagi mong tatandaan, mahal na mahal kita kaya sana huwag kang sumuko. Magpaga
Mahigit isang oras ang nakalipas, bumukas ang pintuan ng operating room, inliuwa nito ang nanlulumong katawan ni Doc Amy. Mabilis na umalis si Allaric mula sa pagka kayakap ng kanyang lolo, at tumakbo papunta sa babaeng doctor. Pinipigilan ni Doc Amy ang kanyang sarili na mapaluha habang nakatingin kay Allaric na punong-puno ng pag-asa, sa pag-akalang buhay pa ang kanyang ina. "Tita Amy, si Mommy, kamusta na si Mommy?" puno ng pag-asa na tanong ni Allaric. Sandaling lumuhod si Doc Amy upang maging pantay sila ng bata. Halatang nahihirapan siyang magsabi ng totoong nangyari sa kanyang ina. "Boy, I'm sorry. Your mom needs you to be strong para sa mga kapatid mo. Gusto pa niyang lumaban ngunit ayaw na ng katawan niya. We have to let her go. Just think that she's now happy with your dad in heaven." "No, hindi totoo yan!, Buhay pa ang mommy ko! Iniwan na kami ni Daddy, alam kong hindi niya kami iiwan! Mommmmyyy!" Niyakap ni Doc Amy si Allaric na ngayon ay naglulupasay na sa sahig dahil
Samantala, hawak-hawak ni Marco ang mga kamay ni Marcus, na nakaposas habang naglalakad sila patungong execution chamber ng Aerie. Biglang tumigil sa pagpapalitan ng mga putok ang mga tauhan ni Marcus, ng makita na nabihag na ni Marco ang kanilang boss. Wala na silang nagawa kundi ang sumuko, dahil kaunti na lang sa kanila ang natitira. Wala silang kalaban-laban sa dami ng mga mafia na bumaliktad sa kanilang boss, dahil halos lahat sila ay pumanig na sa Demon King. Dagdag pa dito, ang underboss na si Troy ang namumuno sa kanila, sa pakikipaglaban. Mabilis namang hinuli ng team Elite na pinamumunuan ni Lieutenant Mike Javier ang mga tauhan ni Marcus, na sumuko. Biglang nagliwanag ang mukha ng mga Aeta ng makita nila na sa wakas, nakatagpo din ng katapat ang kanilang Eagle King. At last, matatapos na ang kalbaryo na dinanas nila ng ilang taon, simula ng mawala ang kanilang Eagle Queen. Kahit past midnight na, lahat sila ay nagsilabasan pa rin sa kani-kanilang lungga, at di nagtagal napu
“Anak, maniwala ka, ako ang totoo mong ama, patawarin mo si daddy, iniwan ka ni daddy na nag-iisa at hinayaan ang buhay mo na manipulahin ni Marcus. Patawarin mo ako anak, wala akong nagawa upang makatakas sa kulungan na ito. Kung alam mo lang, ilang taon kong dinadasal na sana darating pa ang araw na ito na magkikita tayong muli.”"Pero bakit? Bakit ka kinulong dito, samantalang ang kakambal mo malayang nagpapasarap sa buhay niya sa labas?" Ang hindi pa rin makapaniwala na tanong ni Sandra.Sandali munang nag pahid ng luha si Alex at mahinang naglakad pabalik sa kanyang maliit na kama, bago muling nagsalita.“Nangyari ang lahat ng mga nangyari, dahil sa kagustuhan ni mama na makapaghiganti sa pamilya ng mga Dela Vega.”Biglang nagka salubong ang kilay ni Marco matapos banggitin ni Alex, ang pamilya Dela Vega.Hindi muna siya nagtanong, hinayaan muna niya ang sarili na makinig sa anumang sasabihin ni Alex. Nakita niyang umupo ito at malamlam ang mga mata habang nakatingin sa labas.
Alas singko na ng hapon ng makarating sila sa lugar kung saan itinago nila si Sandra. Pagkatapos tawirin ang ilog, di nagtagal ay nakapasok na rin sila sa lumang bahay kung saan ito nakakulong. Pinaiwan nila si Allaric sa loob ng sasakyan, upang mamonitor niya ang mga nangyayari sa paligid. Mayroon lamang dalawang elites siyang kasama doon upang maprotektahan siya sa anumang pwedeng mangyari mamaya. Lahat sila ay nakasuot ng earpiece upang mapanatili pa rin ang komunikasyon nila sa isa't-isa. "Sandra, pakakawalan ka na namin mamaya, malaya ka ng makakaalis." wika ni Amarah, habang tinatanggalan ng piring ang mga mata ni Sandra. Ngunit lingid sa kaalaman ng babae, mabilis din ang isang kamay ni Amarah sa paglagay ng hidden spy camera sa butones ng damit niya. Matapos matanggalan ng piring, muling nagliwanag ang mata ni Sandra, habang umiikot ang kanyang paningin sa buong silid. Kahit naghilom na ang kalahati ng nasunog niyang mukha dulot ng acido na binuhos sa kanya ng mga nakaraang b
Matapos dalhin ni Marco ang asawa sa kanilang silid upang makapag pahinga ng maayos, agad na siyang lumabas ng silid at hinahanap si Allaric.Naabutan niya ito sa loob ng sariling silid na nakadapa sa kanyang kama, habang nakatitig sa sariling laptop. Tumingala siya sa kanyang ama ng maramdaman na pumasok ito.Umupo si Marco sa gilid ng kama, katabi ng kanyang anak; nakita niya mula sa video si Alex Montenegro na kausap ang isang matandang babae at batang lalaki na kasing edad lang din siguro ni Allaric."Mama, kailangan kong iligtas si Sandra. Apo mo pa rin siya, at hindi pwedeng hahayaan ko na lang siya, sa mga kamay ng bwisit na Marco, na yan!" Wika ni Alex sa matanda."Kahit kailan talaga, puro na lang sakit ng ulo ang dala ng babaeng yan! Kung hindi dahil sa anak siya ni Alex, hahayaan ko na lang yan, mamatay!""Kalma lang mama, may plano na ako sa babaeng yan, mamayang gabi mismo, pagkatapos siyang maitakas ng mga tauhan ko, ikukulong ko din yan kasama ni Alex sa kanyang kulungan
“Da….ddy!” nauutal na sambit ng more than 1 year old na si Zale ng makita ang ama.Muntik ng bitawan ni Amarah ang kanyang anak ng paglingon niya, biglang niluwa ng nakabukas na pintuan ang katawan ng kanyang asawa na puno ng dugo. Hindi niya alam kung sariling dugo niya iyon o dugo ng kanyang mga pinatay. Nakatayo ito at nakatitig sa kanya na para bang ilang taon na siyang hindi nakita. Mabilis na nilagay ni Amarah si Zale sa kanilang crib kasama ng mga kapatid niyang quadruplets.“Babe,” naiiyak niyang wika habang patakbong niyakap ang asawa. Wala siyang pakialam sa maraming dugo na nakakapit sa katawan nito, dahil pagka sabik ang namayani sa kanyang puso sa mga oras na ito.Naluluha na ring niyakap ni Marco ang asawa at matamang tinitigan ang mukha nito. Hindi niya akalain na mas lalong gumanda ito, after niyang mag undergo sa cosmetic surgery. Sumilay ang ngiti sa kanyang labi at hinila ang asawa papuntang bathroom.“Teka, sandali babe, ang mga bata.” pigil ni Amarah ng mahalatang
SAMANTALA, kakatapos lang lusubin ng grupo ni Marco ang ang grupo ng mga Vendetta Cartel, isang underground organization na kilala sa human trafficking at Drug dealers. Sa loob ng tatlong araw halos kalahati na ng mafia organization ang nawasak nila. Puno ang hideout ng Vendetta Cartel ng mga nakakalat na bangkay, dumanak ang dugo sa kahit saang sulok ng hideout at tanging ang lider lamang nila at ibang mafia bosses na kusang sumuko ang natitirang buhay. Galit na galit si Marco at nanlilisik ang kanyang mga mata habang nakatayo sa harapan ng lahat ng mga mafia bosses na ngayon, nakaluhod na sa sobrang takot. Kalahati sa kanila ay sumuko at ayaw ng lumaban pa. Ang mga huling nagsidatingan na mafia bosses upang tumulong sana sa mga vendetta ay lumuhod na rin ng masaksihan ang karumal-dumal na pamamaraan ni Marco sa pagpatay. Lahat ng mafia bosses na lumaban sa kanya ay halos pugot na rin ang mga ulo, ang iba, halos nag hiwa-hiwalay ang mga kamay at paa sa kanilang mga katawan. Hindi ni
Mabigat ang aking mga paa na nilisan ang mansyon. Walang tigil sa pagpatak ng aking mga luha habang nagmamaneho ng sasakyan. “Madam A, nahuli na namin si Sandra. Anong balak mong gawin ngayon?” narinig niyang sabi ni Mike ng sagutin niya ang tawag nito. “Dalhin mo sya sa hideout, ako ang hahatol sa kanya.” matalim ang mga mata ni Amarah habang nakatitig sa kalsada. “Masusunod po, Madam A.” agad na sagot ni Mike bago pinatay ang tawag. Mabilis na pinalipad ni Amarah ang kanyang sasakyan kaya wala pang bente minutos ay nakarating na kaagad siya sa hideout ng mga Elite Task Force. Malalaki ang mga hakbang na pumasok siya sa loob ng interrogation room at nadatnan niyang nakaupo si Sandra, habang nakatali ang mga kamay sa likod ng upuan. “Hayop ka Amarah, kung sa tingin mo, makakaganti ka na sa akin, nagkakamali ka, dahil hindi titigil si Alex Montenegro hanggat hindi niya nakikita na unti-unti kayong bumabagsak ni Marco Dela Vega! Ahahaha!” parang baliw na wika nito habang pinapad
“Sandra!, akin na yang anak ko, ito lang naman ang gusto mong makuha di ba?” sabay taas ni Amarah ng kanyang kwintas na nakasabit sa kamay niya.Biglang nagliwanag ang mga mata ni Sandra, pagkita niya sa kwintas. Kapag nakuha niya ito mula sa kamay ni Amarah, kahit na nabigo siyang kidnapin ang mga anak nito, makakabalik pa rin siya ng Aerie at hindi paparusahan ng kinikilala niyang ama na si Alex Montenegro. Kilalanin siyang Eagle Queen at lahat ng kapangyarihan mayroon si Alex Montenegro ay magkakaroon din siya.“Ibigay mo sa akin yan Amarah, para lang sa akin yan! Ako ang karapat-dapat na maging Eagle Queen.” Wika ni Sandra, halata ang pagiging excited sa kanyang mukha.“Hindi mo makukuha ang kwintas na ito, hanggat hindi mo naibibigay sa akin ang anak ko!” Sandaling nag-isip si Sandra matapos marinig ang kondisyon ni Amarah.“Ibabalik ko sayo ang anak mo pero sa isang kondisyon, paalisin mo ang mga tauhan mo na nakaharang sa daanan ko!”