Share

Chapter 42 -BUKINGAN

Chapter 42

"Talaga po?! Lola ko s'ya?" tanong ni Angie sa akin.

"Yes Baby, sya ang Lola mo!" ngunit kong sabi kay Angie saka ako bumaling muli sa Ina ni Andrew.

Nakita ko sa kanyang mga mata ang saya sa sinabi ko, ang akala ko ay itatanggi nya ang aking ipinagtapat pero hindi nangyayari, bagkos ay humahagulgol itong umiyak saka binigkas na 'APO KO'.

Hindi ko alam kung anong aking nararamdaman, parang piniga ang aking puso habang pinagmasdan kung umiiyak ang ina ni Andrew at ang aking anak na nagyayakapan habang umiiyak.

'Sumusubra na ba ako sa aking paghihiganti? Pati ang anak ko ay nagawa kong pagkaitang makilala man lang ang kanyang Ama at Lola?' tanging sabi ko habang pinagmasdan silang dalawa.

Hanggang masaya silang nag-kwentuhan na parang sila lang ang tao sa paligid kaya umalis na lamang ako upang magtungo sa kusina sana pero agad akong tinatawag sa ina ni Andrew.

"Iha, nais ba kitang makausap? K-kahit saglit lang, Iha!" sabi nya sa akin kaya agad akong tumang
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status