Share

Chapter 114

Chapter 114

"Love, mukhang ito na ang taong may kinalaman sa pagkawala ng mga dokumento," sabi ni Rocky, habang patuloy na pinapanood ang footage. Hindi ko inaalis ang aking mata sa monitor ng CCTV.

"Oo nga, Love. Kailangan nating malaman kung sino siya at kung paano siya nakapasok dito," sagot ko, habang nararamdaman ang pagbalik ng galit.

Ilang sandali pa, bumalik si Mia na may kasamang security guard. "Ma'am Angie, may report po na may isang bisita kahapon na hindi nakalista sa logbook. Mukhang ito po ang tao sa footage," sabi ni Mia, habang ipinapakita ang logbook. Hindi ko maiwasang maningkit ang aking mga matang tumingin sa pangalan naruon.

"Tingnan natin," sabi ko, habang tinitingnan ang logbook. Nakita ko ang pangalan ng bisita, ngunit hindi ko pa rin siya kilala kaya hindi ko maiwasang mas lalong maningkit ang aking mga mata.

"Mark, pakitawag ang HR at itanong kung may kilala silang tao na ito," utos ko dito na may madiing sabi, habang iniabot ang logbook sa kanya.

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status