Home / Romance / LEOPOLD: THE SOLDIER / Chapter 2- HOME

Share

Chapter 2- HOME

Author: Atticus
last update Last Updated: 2021-08-16 10:55:50

PAWIS NA PAWIS si Leopold nang siya ay magising. Mag mula kasi noong siya ay mag mulat sa ospital ay gabi-gabi na siyang binabangungot. Makailang ulit na rin siyang nagkaroon ng meeting with different Psychiatrists sa ospital na kinaroroonan ngunit wala ring naitulong ang mga ito.

Ngayong araw na nakatakdang ma-discharge mula sa ospital ang binata. Bagamat may kirot pa rin siyang nadarama dahil sa kaniyang sugat sa likod at binti ay nasa maayos na rin ang pakiramdam niya.

Inihahanda na niya ang kaniyang mga gamit sa pag-alis nang pumasok sa kaniyang silid si Lt. Montana. “I see that you’re getting ready to get discharge, Capt. Rodriquez.”

Ngumiti naman sa kaniya ang binata. “Yeah, and this is all thanks to you, Doc.”

“Nah, thank yourself, Leo. It’s you who followed all my instructions. I just simply did my job as a doctor,” ganting tugon ng babae. “Anyway, I came here to check your condition and it seems to me that you’re all good. Congratulations on your fast recovery.”

Tinanggap naman ni Leopold ang nakalahad na kamay nito. “Thank you!”

‘Di nagtagal ay nagpaalam na rin ang babae. May naalala naman si Leopold kaya muli niyang kinuha ang atensyon nito. “Doc!”

Pumihit naman paharap sa kaniya ang babae habang hinihintay ang kaniyang sasabihin.

“I’ve been meaning to ask you this, by any chance, do you have Filipino heritage?”

“Yes, I do. My mom was from the Philippines.”

“I knew it! Then why didn’t you tell me before?”

Nagkibit-balikat muna ang babae bago muling sumagot. “You never asked.”

Natatawang kinindatan siya ni Lt. Montana. Sa sandaling panahon na nakasama ni Leopold ang dalaga ay napalapit na rin ito sa kaniya. Ito kasi ang tumayong nakatatanda niyang kapatid nang ilang ulit siyang nagkaroon ng emotional breakdown.

Sa katunayan ay ipinakilala na rin sa kaniya nito ang nobyo nitong puti na katulad nila ay nasa serbisyo rin. Kaya naman ay nasasabik man siyang makauwi sa sariling bansa ay nalulungkot pa rin siya dahil maaaring hindi na sila magkita pang muli ng bagong kaibigan.

Nang makabalik sa Pilipinas ay agad na nagtungo ang binata sa opisina ng heneral na nagpadala sa kaniyang grupo sa Palestina upang magbigay ulat ukol sa mga naganap.

Inilahad niya ang lahat-lahat pati na rin kung paano silang nagapi ng mga terorista. Mahirap man para kay Leopold na alalahanin ang mapait na sinapit ng kaniyang mga kasama ay kinakailangan upang malaman ng mga superiors niya ang mga tunay na nangyari.

“Ikinalulungkot ko ang mga nangyari sa team mo, Capt. Rodriguez. Ipinagluluksa ng buong kasundaluhan ang kanilang pagkawala.” Buntong-hiningang wika ni General Rodriguez. Kapatid ng ama ng binata.

“You are dismissed.” Dagdag pa ng heneral.

Sumaludo muna si Leopold bago tuluyang humakbang palabas sa opisina nito. Mabigat ang kaniyang loob ng mga sandaling iyon. Kinakailangan kasi niyang harapin ang pamilya ng mga nasawi niyang tauhan.

Nang mapatapat sa pinto ng silid kung saan naroroon ang miyembro ng mga pamilya ng mga kasamahan niya ay hindi niya magawang pihitin ang seradura.

Batid niya na labis ang pagluluksa ng mga ito kung kaya’t magiging dagdag pasakit lamang sa mga ito kung makikita siya ng mga ito.  Tatalikod na sana siya nang mabungaran niya si Beatriz. Ang asawa ni Sergeant Bart Labrador. His first love.

Seryoso ang mukha nito at mababakas sa mukha ng babae ang paghihinagpis sa pagkawala ng asawa. Nagbaba ng tingin ang binata. Hindi niya kayang salubungin ng tingin ang malungkot nitong mga mata na noo’y puno ng saya.

“You shouldn’t run. Harapin mo sila. That’s the least that you can do for your fallen comrades.” Malamig na wika ng babae bago buksan ang pinto at naunang pumasok dito.

Naikuyom ni Leopold ang kaniyang mga kamao nang sa ganoon ay magkaroon siya ng sapat na lakas ng loob upang harapin at ilahad sa mga ito ang naganap.

Laglag ang balikat na pumasok sa silid ang binata. Nang siya ay magpakilala sa mga nasa silid ay isang Ginang ang lumuluhang lumapit sa kaniya at ginawaran siya ng isang malakas na sampal.

“Ikaw ang may kasalanan kung bakit namatay ang anak ko!” nanginginig ang boses na bulyaw sa kaniya ng Ginang.

Hindi pa ito nakuntento sa pananampal, pinagbabayo rin nito ang malapad na dibdib ng binata habang patuloy ang pagtangis.

Wala namang nagawa ang si Leopold kung hindi tanggapin na lamang ang paninisi ng isang inang nawalan ng anak. Kung masakit para sa kaniya na mawalan ng kasama ay mas masakit para rito ang mawalan ng isang anak na inaruga at inaalagaan nito mula sa pagkabata.

Napayuko na lamang ang binata habang pinasasakitan ng Ginang ang kaniyang katawan. Mabuti na lamang at inawat ito ng isa sa mga taong naroroon at pinakalma.

Isang sinserong paghingi ng paumanhin ang naging paunang salita ni Capt. Rodriguez. Hindi niya batid kung paano niya ilalahad sa mga ito ang mga nangyari subalit pilit niyang tinatagan ang kaniyang loob at pilit na inalis ang bikig sa kaniyang lalamunan.

Taimtim namang nakikinig sa bawat salitang kaniyang binibitawan ang mga nagdadalamhating kaanak. Ipinaliwanag niya sa mga ito ang naging misyon nila at kung paano silang nabigo.

Nang matapos ang kanilang meeting ay isa-isa na ring nag-aalisan ang mga kaanak ng kaniyang kasamahan. Hindi naman magawa ng binata na umalis sapagkat pakiwari niya ay nagamit niyang lahat ang kaniyang lakas sa pagtatagpong iyon.

Tumayo na rin si Beatriz at mabagal na humakbang patungo sa pinto. Mabagal ang naging pagkilos nito dahil kabuwanan na nito nang mga panahong iyon. Ngunit bago tuluyang makalabas ay muli niyang nilingon ang binatang lugmok na lugmok ng mga sandaling iyon.

“Hindi mo kailangang sisihin ang sarili mo. It’s not your fault.”

Dahil sa narinig ay ang nag-init ang sulok ng mga mata ni Leopold. Umalpas ang masaganang luha na kahit pigilin niya ay hindi naman nakikinig sa kaniya.

Hindi man niya aminin o ipahalata sa iba ay sinisisi niya ang kaniyang sarili dahil sa pagkawala ng kaniyang kaibigan at mga kasamahan. Dahil sa tingin niyang mabigat na kasalanan na kaniyang nagawa ay nakapag desisyon na ang binata.

Ang desisyong ito ang sa tingin niyang makatutulong sa kaniyang sarili upang makalimutan ang masalimuot na bahagi ng kaniyang buhay.

KASALUKUYANG nasa opisina ng kaniyang tiyuhin si Leopold habang hinihintay ito. Ayon sa sekretarya ng heneral ay nasa meeting daw ang nakatatandang Rodriguez kasama ang iba pang matataas na opisyal ng bansa.

Tahimik lang na nakaupo ang binata habang nag hihintay sa kaniyang tiyuhin. Maya-maya lang ay bumukas ang pinto at pumasok mula roon si Gen. Rodriguez.

Mabilis siyang tumayo at sumaludo. Isang pagsaludo rin ang naging ganti nito at nag tuloy na sa kaniyang desk. “What brought you here, Capt. Rodriguez?”

Hindi nag salita si Leopold bagkus ay inabot niya sa matanda ang isang kulay puting sobre na naglalaman ng kaniyang naging desisyon ng mga nagdaang araw.

Nanlaki ang mata ng heneral nang mabasa ang nilalaman ng liham. Umupo ito sa kaniyang swivel chair at matamang tinitigan ang binata. Hindi ito makapaniwala na gusto nang mag bitiw ng kaniyang pamangkin sa serbisyo.

“Are you sure about this, Leo? Pinaghirapan mo ang pagiging kapitan mo. Sigurado ka bang handa ka nang umalis sa pagseserbisyo sa bayan?” aniya.

“Sir! Yes, Sir!” tugon ni Leopold.

Napabuntong-hininga ang matanda at sinubukang kumbinsihin ang binata na huwag mag resign sa trabaho. “If this is about to what happened in Palestine, it is not your fault, son. Your men died in service, they died as a hero—”

“Pero ang mga bayaning tinutukoy po ninyo ay may mga pamilya rin, sir! May mga anak, asawa, at mga magulang na naghihintay sa kanilang pagbabalik. Mga bayaning may pangarap hindi lang para sa bansa kundi pati sa mga sarili nilang pamilya. Pero dahil sa isang laban na hindi naman kasangkot ang inang bayan ay nawala ang mga pangarap na ‘yon.” Muling tugon ng binata.

Napatayo mula sa pagkakaupo ang heneral. “And what? Mabubuhay ba sila ulit kapag nag resign ka? Matatahimik ba ang mga kaluluwa nila sa sandaling lumagay ka sa tahimik? Sa tingin mo ba ito ang gustong mangyari ng mga kasama mo? Ang sisihin mo ang sarili mo sa mga bagay na hindi mo kontrolado? Look, ikinalulungkot ko ang nangyari, believe me. But they died in battle and you have nothing to do about it.”

Ngunit kahit pa anong pagtutol ang gawin ni Gen. Rodriguez ay alam niya na hindi na niya mababali pa ang desisyon ng kaniyang pamangkin. Muli siyang napaupo habang hilot-hilot ang sentido.

“I’ve made up my mind, sir.”

“Trust me, I know.”

Iminuwestra ng matanda ang kaniyang kamay at pinaalis na ang binata. Narating ni Leopold ang kaniyang pwesto sa army hindi dahil pamangkin niya ito kundi dahil sa angking galing nito.

Saksi siya sa mga paghihirap na dinanas ni Leopold hanggang sa maabot niya ang ranggo ng kapitan. Isa ito sa mga pinakamagaling sa kanilang hanay kaya naman ay lubos siyang nanghihinayang sa maagang pagreretiro nito.

Habang nagmamaneho sa kahabaan ng Epifanio Delos Santos Avenue ay nakatanggap ng isang tawag si Leopold galing kay Beatriz. “Hello? Hello?”

Nagtataka ang binata kung bakit puro ingay lamang ng mga nagbabagsakang gamit ang naririnig niya. “Beatriz? Are you okay?”

“LEOPOLD! PUNTAHAN MO KO! MANGANGANAK NA AKO!”

Nataranta naman ang binata. Batid niyang nag-iisa lamang sa bahay ang asawa ng kaniyang kaibigan at hindi ito close sa mga kapitbahay nito.

Halos lahat din ng mga kaibigan ng babae ay nasa ibang bansa na pati na rin ang kaniyang pamilya kaya naman hindi na kataka-taka para sa binata na siya ang tinawagan nito.

Mas binilisan pa ni Leopold ang pagmamaneho patungo sa tahanan ng namayapa niyang kaibigan.

Nang marating ang bahay ni Bart ay mabilis siyang bumaba mula sa sasakyan at pumasok sa loob ng tahanan. “Bea? I’m here! Where you at?”

Huminto sa paglalakad ang binata at pinakiramdaman ang paligid. Naulinigan niya si Beatriz na umuungol. Hinanap niya kung saan ito nagmumula at natagpuan niya ang kaibigan na nakahandusay sa sahig.

Pumutok na ang panubigan nito kaya naman ay nagkalat na rin ang tubig sa sahig. Mahina na ang pulso ng babae kaya naman ay mabilis siyang kumilos at binuhat ito at lumabas.

Inihiga niya sa passenger seat ang walang-malay na si Beatriz. Gumawa pa ng ingay ang kaniyang sasakyan nang pasibadin niya iyon. Dahil malayo-layo pa ang ospital ay sa isang lying-in clinic na lamang niya dinala si Beatriz.

At dahil nga nasa panganib na ang buhay ni Beatriz at ng bata ay caesarean operation na ang isasagawa ng doktor doon. Nakaupo si Leopold sa hallway ng operating room habang hinihintay na matapos ang operasyon.

Isang oras na ang lumilipas ay hindi pa rin lumalabas ang doktor mula sa operation room. Maya-maya lang ay mahihinang pag-iyak ng isang sanggol ang narinig ng binata mula sa O.R.

Napatayo ang binata nang mapagtanto na matagumpay na nai-deliver ang bata. Isang malalim na paghinga ang pinakawalan ni Leopold. “Thank God!”

Subalit ang pasasalamat sa panginoon ay biglaang napalitan nang pagkunot ng noo at pagsasalubong ng kaniyang mga kilay nang mapansin ang ilang mga nurse at midwife na naglalabas-pasok sa operation room.

The man knew that something was not right dahil may bahid nang pagkataranta ang mga mukha ng mga pumapasok at lumalabas sa silid.

Hinablot niya ang braso ng isa sa mga nurse na kalalabas lamang ng silid. “Miss, anong nangyayari sa loob?”

“Sir, hindi na po kasi tumitibok ang puso ng pasyente.”

Hindi kaagad rumehistro sa utak ng binata ang sinabi ng babae. Natauhan lamang siya nang makita ang isang male nurse na may bitbit na isang automated external defibrillator o AED.

Tanging ang mga sigawan na lamang ng mga tao sa loob ng silid ang kaniyang sumunod na narinig nang tinangka niyang sumilip doon. Kitang-kita niya kung paanong sinusubukang i-revive ng doktor si Beatriz.

“Clear!”

Sa bawat paglapat ng metal na kawangis ng isang plantsa ay siya namang pag-angat ng katawan ni Beatriz. Pakiramdam ni Leopold ay nasa isang pelikula siya ng mga sandaling iyon. Pakiramdam niya ay bumabagal ang ikot ng mundo.

Namamanhid ang buo niyang katawan at pakiwari niya ay nanlalaki ang kaniyang ulo.

“Sir, pasensya na po pero hindi po kayo puwedeng sumilip dito!” Pagtataboy sa kaniya ng isa sa mga nurse nang makita siyang nakasilip sa pinto ngunit hindi siya nagpapatalo rito.

Mula sa pintuan ay kitang-kita niya kung paanong nalagutan ng hininga si Beatriz. Kung paanong napatag ang flat line machine na sumisimbolo sa natitirang buhay ng babae. Kung paanong naiwang nag-iisa ang anak nito at ni Bart.

Nanlulumong napabalik sa kaniyang kinauupuan si Leopold. Hindi siya makapaniwala sa mga nangyari. Kung sana ay mas napaaga lamang ang kaniyang pagdating ay siguradong buhay pa ngayon si Beatriz.

Nasa kalagitnaan siya nang pagsisi sa kaniyang sarili nang lumabas ang doktor mula sa silid. “Excuse me sir? Are you the husband?”

Napatingala siya at mabilis na napatayo. “N-no, kaibigan ako ng pasyente.”

Nagpatango-tango ang doktor bago muling nag salita. “Ikinalulungkot kong sabihin ito, but the mother died after giving birth due to Prolonged labor. Usually most first-time mothers like her may experience a labor that lasts too long. In this situation, both the mother and the baby are at risk for several complications including infections.”

Tila naumid naman ang dila ni Leopold ng mga sandaling iyon dahil sa balitang patay na si Beatriz. Naihilamos niya sa mukha ang sariling palad. Hindi niya batid kung ano na ang gagawin niya ng mga sandaling iyon. Lalo pa’t nasa ibang bansa ang pamilya ni Beatriz.

“Where’s the father of the baby?” tanong ng doktor.

“He’s dead.”

Hindi na muli pang nag salita ang doktor. Bago siya tuluyang lampasan nito ay tinapik siya nito sa balikat. “You can enter the room and hug the baby. Maaaring hindi pa niya alam ang mga nangyayari but she needs it.”

Doon lamang natauhan si Leopold at naalala ang bagong silang na sanggol. Dali-dali siyang nagtungo sa loob ng silid. Sa kaniyang pagpasok ay ang walang-buhay na katawan ni Beatriz ang bumungad sa kaniyang mga mata.

Inilayo niya ang tingin dito at hinanap ang kinaroroonan ng bata. Karga-karga ito ng isang nurse. Nang makita siya nito ay iniabot nito sa kaniya ang umiiyak na sanggol.

“T-teka sandali baka mahulog ko siya,” nag-aalangang wika ng binata.

Napangiti naman dahil dito ang nurse. “Hindi ‘yan sir. Ganito po ang gawin ninyo para hindi mahulog si baby.”

Mabigat man ang mga naganap nang araw na iyon ay tila ba napawi ng sanggol ang mga hindi magagandang pinagdaanan ni Leopold sa mga nakaraang linggo.

Inalala niya kung gaano kasabik si Bart noon sa pagku-kwento kung ano ang ipapangalan niya sa anak nila ni Beatriz kung sakaling maging babae ito.

“During this time, your father should be the one to name you. But he couldn’t. Your name will be Malia which means Beloved in Hawaiian and Zoe that means life in Greek,” naluluhang hinalikan niya sa noo ang bata.

“Welcome to the world, Malia Zoe. I promised your dad before that I will take care of you and I am going to fulfil that promise until my last breath.”

Related chapters

  • LEOPOLD: THE SOLDIER   Chapter 3- MALIA ZOE

    MABILIS na lumipas ang anim na taon. Kasalukuyan nang nasa grade one si Malia Zoe o Lia para sa tumatayong ama niya na si Leopold.Sa loob ng anim na taon ay kay Lia lamang umikot ang mundo ni Leopold. Matapos siyang maging legal guardian nito at tuluyang makapagbitiw sa serbisyo ay nagtayo siya ng isang munting restaurant na kaniyang mapagkakaabalahan.Hindi man kalakihan ang kaniyang restaurant ay dinarayo ito ng mga tao dahil sa masarap na mga putaheng inihahahain nila rito. Sa katunayan ay nagkaroon na ito ng apat na branches sa iba’t-ibang bahagi ng probinsiya ng Cavite.“Sir, hindi pa po ba ninyo susunduin si Lia? Mag aalas tres na po ng hapon pihadong patapos na ang klase ng batang makulit na ‘yon,” tanong sa kaniya ng isa sa mga cook niya sa restaurant na si Harmony.Isa ito sa pinaka-pinagkakatiwalaan niyang tauhan dahil mabait ito at kasundo ito ni Lia. “Tatapusin ko lang itong order sa table 23 at aalis na rin ako.

    Last Updated : 2021-08-16
  • LEOPOLD: THE SOLDIER   Chapter 4- LADY AND THE LOST GIRL

    KASALUKUYANG tinatalunton ni Andrea ang daan papasok sa shopping district nang may mapansin. Napansin niya ang isang batang babae na may hawak na isang malapad na tablet.Mataman niyang pinagmasdan ito. Nagpalinga-linga pa siya upang subukang tukuyin kung sino sa mga tao sa paligid ang magulang nito ngunit wala ni isa man sa mga ito ang kahawig ng bata.Pababayaan na lamang sana niya ito at itutuloy na ang pagtakas na ginagawa niya sa mga bodyguard na npalaging nakabuntot sa kaniya nang makitang nilapitan ng tatlong teenager ang bata na sa tingin niya ay nasa anim o pitong taong gulang pa lamang.Base sa nakikita niya ay pinipilit ng mga teenager ang bata na ibigay sa kanila ang tablet na hawak nito. Hindi naman nagpapatalo ang bata kahit pa mas malaki ang mga ito sa kaniya.Noong pilit nang inaagaw ng mga teenager sa bata ang tablet nito ay dito na umaksyon si Andrea. Tahimik niyang nilapitan ang mga ito at binatukan ang tatlong ulupong mula sa kanilang

    Last Updated : 2021-10-01
  • LEOPOLD: THE SOLDIER   Chapter 5- MEMORIES OF THE PAST

    MATAPOS makatanggap ng tawag mula sa istasyon ng mga pulis ay agad na nagtungo roon si Leopold kasama si Raymund. Nang makababa mula sa sasakyan ay nahagip pa ng paningin ng binata ang isang papaalis na babae mula sa istasyon ng mga pulis. Hindi na niya pinagtuunan pa ito ng pansin at agad na pumasok sa loob nakasunod naman sa kaniya ang kaniyang pinsan. Mabilis na umikot ang mga mata ni Leopold sa paligid upang hanapin ang anak. Si Raymund na lamang ang nakipag-usap sa mga pulis habang abala ang binata sa pag oobserba sa paligid. Patakbong lumapit sa isang bench si Leopold nang matagpuan ng kaniyang mga mata roon ang anak. Mahimbing itong natutulog. Ininspeksyon pa niya ang mga braso at paa ni Lia kung may sugat ba ito. Nagpapasalamat na napabuntong-hininga si Leopold nang masigurong wala itong kahit na anong galos. Nang muli niyang tapunan ng tingin ang anak ay doon lamang niya napansin ang pink na scarf na nakabalot sa bata. Nilapitan niya

    Last Updated : 2021-10-02
  • LEOPOLD: THE SOLDIER   Chapter 6- OWNER

    NANLAKI ang mata ng mga kasama ng babaeng nagngangalang Kristin. Pati si Harmony na nagse-serve sa kabilang table ay napaubo nang malaman na ex-girlfriend pala ito ng kaniyang amo.“It’s good to see you again after so many years, Leo.”Ngumiti lang kay Kristin ang binata. sa totoo lang ay wala naman talaga siyang pakialam sa pagkikita nilang ito. Ang mahalaga lamang sa kaniya ay sa kaniyang restaurant napiling kumain nito.“I can’t believe that you’re still poor after all these years. God, it’s really a good choice to break up with you when we were in high school or else, losyang na siguro ako sa sobrang stress sa iyo,” maarteng saad pa ni Kristin.Magsasalita na sana si Harmony na kapansin-pansin ang pag dilim ng anyo. Hindi niya maatim na nilalait-lait lamang ang taong tumulong sa kaniya na makapag tapos ng pag-aaral at tumuring sa kaniya bilang kaparte ng pamilya nito.Subalit agad siyang napigil n

    Last Updated : 2021-10-04
  • LEOPOLD: THE SOLDIER   Chapter 7- NOT ALL HEROES WEAR CAPES

    DUMATING na ang araw ng reunion. At dahil nga nakasaad naman sa invitation na alas otso pa ng gabi mag sisimula ang programa ay sa Lia’s gourmet muna tumambay at nagpatay ng oras si Leopold.Napakiusapan na rin niya si Raymund na samahan muna si Lia sa kanilang bahay ngayong gabi dahil siguradong mahuhuli na siya sa pag-uwi mamaya.Pinanonood lamang niya kung paanong landiin ni Harmony ang mga babae nilang customer na willing namang makipag-lokohan sa lalaki. Hindi na siya nagtataka kung bakit magkasundo ito at si Raymund. Pareho kasi silang mahilig sa mga babae.Mabuti na lamang talaga at nasa magkaibang branch sila ng restaurant dahil kung hindi ay baka imbis na restaurant ay maging bar na ang Lia’s gourmet.Seven-thirty na ng gabi nang mapag desisyunan ni Leopold na magtungo na sa event. Hindi naman siguro masama kung mahuhuli siya ng kaunti rito. Tiyak naman na wala masyadong makakatanda sa isang dating mahirap na bastardong kagaya niya.

    Last Updated : 2021-10-05
  • LEOPOLD: THE SOLDIER   Chapter 8- MYSTERIOUS MAN IN HOOD

    HANGGANG sa makarating sa kanilang tahanan si Leopold ay tila ba wala pa rin siya sa kaniyang sarili.Nanumbalik ang lahat ng sakit at guilt nang mamatay ang lahat sa team niya seven years ago.Pakiramdam niya kahapon lamang nangyari ang lahat ng iyon. Ang bawat putok ng baril na kaniyang naririnig habang siya ay nasa gitna ng laban noon ang siyang umaalingawngaw sa kaniyang pandinig ngayon.Ang bawat pagtangis at sigaw ng mga inosentang mamamayan na naipit sa gitna ng isang nakamamatay na laban ang siyang nananariwa sa kaniyang isipan ng mga sandaling iyon.Kalahating oras na ring nasa loob lamang ng kaniyang sasakyan si Leopold. Hindi niya magawang bumaba mula roon dahil pakiramdam niya ay kaagad siyang hihilain patungo sa kailaliman ng lupa ng kaniyang mga namayapang kasama.Isinubsob niya ang kaniyang mukha sa manibela at mahigpit na piniga iyon.Nag-init ang sulok ng kaniyang mga mata. Kasabay nang pag-alpas ng mga luhang pilit niyang p

    Last Updated : 2021-10-08
  • LEOPOLD: THE SOLDIER   Chapter 9- LIA'S SECRET

    KAHIT pa late na nakatulog si Leopold kagabi matapos niyang mag stroll at tumambay sandali sa isang tulay ‘di kalayuan sa kanila ay maaga pa ring nagising ang binata. Kinakailangan niya pa kasing mag handa ng almusal bago pa magising si Lia at si Raymund. Kumuha siya ng walong piraso ng itlog mula sa egg shelf sa ref at nagsimulang batihin iyon. Napaangat ang sulok ng labi niya nang manumbalik sa kaniyang ala-ala ang weird na babaeng umiiyak sa tulay kagabi. Base na rin sa pagkakasigaw at pagtangis nito ay pihado siyang mayroon itong mabigat na problemang dinadala. Dahil may kadiliman na rin kagabi ay hindi na niya masiyado pang naaninag ang mukha ng dalaga ngunit sigurado siyang maganda ito base na rin sa matangos na ilong at may kanipisang hubog ng mukha nito. Pero hindi niya gustong ma-involved sa isang problematic na babaeng katulad ng babae sa tulay kagabi. Isa pa hindi pa rin naman naaalis sa puso niya ang pinakaunang babae na inibig niya ng lub

    Last Updated : 2021-10-09
  • LEOPOLD: THE SOLDIER   Chapter 10- LIA'S SADNESS

    MAAGANG gumising kinabukasan si Leopold. Tutal sabado naman at walang pasok sa eskwela si Lia ay itutuloy na niya ang plano niya nang nagdaang gabi.Maaga siyang naligo at naghanda ng almusal. Inihanda na rin niya ang susuoting damit ni Lia para sa araw na iyon. Ibinilin na lamang niya kay Harmony ang Lia’s gourmet at ipinaalam niya na rin sa lalaki na hindi muna siya magtutungo dito sa araw na iyon.Nang matapos lutuin ang paboritong almusal na at maihain ito sa hapag ay agad na inalis ni Leopold ang suot na apron at nagtungo na sa silid ng bata upang gisingin ito.“Lia? Gising na anak, aalis tayo mamaya,” bulong ni Leopold sa bata kasabay nang mahinay na pagyugyog dito.Papungas-pungas na bumangon si Lia.“Saan po tayo pupunta?”“Secret! Huwag ka na lang mag tanong para surprise kung saan man tayo magpupunta ngayon, okay?”Tumango lang si Lia sa kaniyang ama at agad na nagpakarga rito. Nakan

    Last Updated : 2021-10-12

Latest chapter

  • LEOPOLD: THE SOLDIER    Chapter 121- A BITTER SWEET ENDING

    LEOPOLD had spent the past three days working from his restaurant after their mission. Trying to forget how he barely see any signs of Bart and Malia. Their brothers in the organization are relentlessly working to track down the man who took his daughter but to no avail. He will visit Julie at their medical facility later. His friend just woke up few hours ago. They thought they were about to lose Julie but thank all the gods of mankind they didn’t. He was about to wrapped up when a familiar face entered the restaurant. “Mr. Rodriguez, long time no see!” said the man who arrived. “Mr. Lacasa. Great to see you,” ani Leopold. “Is it?” pagbibiro pa ng matanda na sinundan nito ng malutong na halakhak. Hindi alam ni Leopold kung bakit pero hindi talaga siya napapakali kapag nasa malapit ang matanda. Pero na ganito pa ang nararamdaman niya ay hindi naman niya ito maaaring itaboy sapagkat “I haven’t seen you in a while, Mr. Rodriguez. Are you busy with something else?” tanong ni Conrad

  • LEOPOLD: THE SOLDIER   Chapter 120- MAN'S HONOR

    THE sound of someone making breakfast awoke Leopold from his slumber. Every instinct deep down told him to keep his eyes closed, but he knew it was a fool’s errand. Time was passing, and he was almost out of it.He opened his eyes to see Atlas smiling at him, “Good morning,” Atlas greeted, “slept well?”Leopold nodded slightly, unsure how to respond. “Yes, what are you doing here early this morning?” he said as she slowly got up. “When this is all over, we have a lot to talk about you and me.”Atlas furrowed his eyebrows. “About what?”“About your frequent trespassing here at my house, you dipshit!” Leopold extracted his self from the bed, hearing the joints in his back popping. In few short minutes, he was done taking a bath and went downstairs. Atlas and Julie had a hot bowl of soup and a side of bacon waiting for him.“Come on! Dig in!” Julie invited.“You can cook?” Leopold inquired making the woman spout.“Of course. Do you really think you’re the only one who can cook among all

  • LEOPOLD: THE SOLDIER   Chaptet 119- FOR THE SEAT

    THE gong sounded, and Hiroshi and Asahi limped and stumbled back to their starting marks. They exchanged pleasantries of bowing to each other and their grandfather. Hiroshi went to his defensive stance, while Asahi went on to his offensive strikes. The round kicked off with Asahi screaming wildly, smashing his left hand and his feet against Hiroshi’s defenses. Hiroshi blocked what must have been a dozen strikes effectively despite his poor balance with one good leg. Finally, Asahi seemed to collapse as his eyes closed. Instinctively, Hiroshi, tried catching his brother. Leopold saw what was happening before Asahi opened his eyes. Exploiting your older brother’s protective instinct to get him to drop his guard. You rotten bastard! Leopold thought at the back of his mind. Asahi’s left hand sprung like a rattlesnake toward the center or Hiroshi’s chest. Hiroshi gripped his brother’s forearm, desperately trying to keep the lethal object of his hand off her heart. Asahi seesawed with hi

  • LEOPOLD: THE SOLDIER   Chapter 118- CLAN CONFLICT

    LULAN ng dalawang sasakyan ay mabilis na tinalunton nina Leopold ang daan na maaaring tinahak ni Bart kasama si Malia.Ngunit hindi na nila makita pa ang mga ito. Maging ang grupo ni Jonas na umikot pa upang sana ay salubungin ang mga ito ay hindi sila nagawang maabutan.Alam ni Leopold na hindi sasaktan ni Bart ang bata ngunit may kung anong bagay ang nag bibigay sa kaniyang dibdib ng kaba. Kaba na kanina pa hindi naaalis sa kaniyang sistema.Kasalukuyan na silang pabalik ngayon sa Headquarters ng Crow. Naroon din na nag aabang ang ilan pa nilang mga kasamahan na hindi nakasama sa ibang sumaklolo sa kanila.“Is everyone safe, Sir Jonas?” tanong ni Abel habang katabi ang kakambal na si Cain.“Thankfully, Yes.” Jonas replied.“Thank god!” Napahalukipkip na tugon pa ng lalaki.Hindi nag tagal ay dumating na rin ang grupo nina Leopold. Nanlulumong napaupo ang lalaki sa high stool ng bar. Napansin ito ng iba pa ngunit hindi na lamang sila nag salita.Matapos bigyan ng isang baso ng scotch

  • LEOPOLD: THE SOLDIER   Chapter 117- CONFRONTING THE TRUTH

    NO ONE couldn’t fathom how uneasy Leopold was. Almost a dozen of armed men were in front of them. A small move and they will be dead. The worst case scenario— His daughter will die as well.His mind tried to calculate any escape route but to no avail. They were surrounded. One resistance from them and the three of them would be dead meat in an instant.A shape of a human being emerges from the darkness. Leopold was stunned upon seeing the man standing in front of him. It was Bart.His serious face began to show emotions that he tried to suppress long ago when he saw Malia. His daughter.“How did you find us?” Leopold asked the man.“It is not that hard to track your whereabouts, Leopold.” Bart answered.Muli nitong sinipat ng tingin si Malia. Humarang naman si Leopold nang mapansin ito. “Why are you doing this? Why did you join the Golden Circle?”“To get my revenge to you,” tugon nito bago muling tiningnan si Lia na nagtatago sa likuran ni Mira. “And to get my daughter back.”Parang

  • LEOPOLD: THE SOLDIER   Chapter 116- UNEXPECTED ENGAGEMENT

    PARANG ipo-ipo sa ginawang pag kilos ang lahat. Kaagad na tumakbo patungo sa van sina Julie, Faustus at Leopold upang kunin ang kanilang mga baril.Habang si Mira naman ay kagyat na hinila sa isang gilid si Lia na naguguluhan sa mga nangyayari.“Tita? What are you playing po?” Nagtatakang tanong ng paslit na ang akala ay naglalaro lamang ang mga nakatatanda.“Uhh…” Umikot muna sa paligid ang mga mata ni Mira bago sagutin ang bata. “We’re about to play hide and seek baby, at tayong dalawa ang magkakampi kaya huwag kang aalis sa tabi ni Tita Mira, okay?”“Okay po,” sagot naman ng bata.“Leopold, Faus, Julie, Flint! With me!” utos ni Jonas.Nag-aalala naman na napatingin si Leopold kay Mira at Lia. Hindi niya nais iwanan ang anak sa gitna ng kaguluhan.“Don’t worry, I’ll take care of your daughter,” paniniguro ni Mira sa nag-aalalang ama.“I’ll be with them, Pare. Huwag kang mag-alala,” singit naman ni Atlas.Matipid na ngumiti naman si Leopold sa kanila. “Thank you guys. Take care.”“Le

  • LEOPOLD: THE SOLDIER   Chapter 115- MIRACLE

    PATAKBONG pumasok sa medical facility ng Crow si Leopold. Parang tambol sa lakas ang pag kabog ng kaniyang dibdib ng mga sandaling iyon.Ni hindi na nga niya nahintay pang matapos ni Atlas ang hatid nitong balita kanina. Dahil base pa lang sa hitsura kanina ng lalaki ay hindi mabuting balita ang hatid nito sa kaniyang tahanan. Pakiramdam pa nga niya ay ang oras na mismo ang kalaban niya ng mga sandaling iyon.Wala siyang kinatatakutan. Kahit nga si kamatayan ay maaaring mahiya na lang sa kaniya dahil hindi na niya ito kinatatakutan. Sa dinami-rami na rin ng mga laban at misyon na hinarap niya ay kabisado na niya kung paano niyang matatakasan ang taga-sundo ng mga kaluluwa.Pero para sa kaniya ay naiiba ang mga sandaling ito. Hindi man siya naniniwala sa mga Diyos na sinasamba ng mga tao ay pakiwari niya ay luluhod sa kahit na saang simbahan, mosque o templo ng mga ito para lang humiling na huwag munang bawiin ang pinakamamahal na anak.Naging kapansin-pansin para sa kaniya na wala ni

  • LEOPOLD: THE SOLDIER   Chapter 114- FAILED PROMISE

    HALOS huminto ang pintig ng puso ni Leopold nang saksakin ni Bart si Haidee sa likuran nito. Ang masakit pa rito ay makailang ulit niya pa itong ginawa.Kitang-kita nila Leopold ang ekspresyon nang paghihirap sa mukha ni Haidee dahil sa magkakasunod na saksak na tinamo nito mula kay Bart. Napaubo rin ito ng dugo malamang dahil sa shock na tinamo ng katawan nito.“No… stop…” wika ni Leopold ngunit tanging siya lamang ang nakakarinig.Lalo siyang nanigas sa kinaroroonan nang makita kung paanong unti-unting mapapikit si Haidee habang nakangisi namang nakatingin sa kaniya si Bart. Ang tingin niya sa lalaki ngayon ay isang demonyong nagbabalat kayo bilang tao.Pilit na tumayo si Leopold sa kabila ng kaniyang panghihina upang sana’y pagbayarin si Bart sa kaniyang ginawa. Subalit bago pa man siya makalapit dito ay binitawan nito ang nag hihingalong si Haidee.Kaya naman sa halip na si Bart ay si Haidee ang agad niyang tinungo. Mabuti na lamang at nagawa niya itong masalo sa tamang oras.Agad

  • LEOPOLD: THE SOLDIER   Chapter 113- OLD FRIEND'S MISSION

    NAALARMA sina Jonas at Julie sa ginawa ni Leopold kaya naman bago pa pumutok ang laban ay nagawa nilang lapitan at tabihan si Leopold. Hindi naman sila nagkamali nang ginawa dahil kasalukuyan nang nakatutok sa binata ang dalang baril ni Krishmar habang nasa leeg naman ni Leopold ang kukri knife na hawak naman ni Levi. Wala na rin silang nagawa ng mga sandaling iyon kung hindi itutok sa mga ito ang dala nilang mga armas. Mabuti na lamang at may kaingayan at madilim ang paligid kung saan sila naka-pwesto dahil kung hindi ay kanina pa nakita ng ibang bisita ng event ang mga nagaganap. “Don’t make any move or you will die in here,” babala ni Jonas kay Levi habang nakatutok ang baril sa lalaki. “You too, asshole,” malamig na saad din ni Julie kay Krishmar na lumabas pa ang ugat sa noo dahil sa naging tawag ng dalaga sa kaniya. “You smells good, honey. I believe you taste good as well.” Nakangising wika ni Krishmar. Maya-maya lang ay tumunog ang telepono ni Grizzly na nakatumba pa rin

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status