Home / Romance / LEOPOLD: THE SOLDIER / Chapter 9- LIA'S SECRET

Share

Chapter 9- LIA'S SECRET

Author: Atticus
last update Huling Na-update: 2021-10-09 14:34:33

KAHIT pa late na nakatulog si Leopold kagabi matapos niyang mag stroll at tumambay sandali sa isang tulay ‘di kalayuan sa kanila ay maaga pa ring nagising ang binata.

Kinakailangan niya pa kasing mag handa ng almusal bago pa magising si Lia at si Raymund. Kumuha siya ng walong piraso ng itlog mula sa egg shelf sa ref at nagsimulang batihin iyon.

Napaangat ang sulok ng labi niya nang manumbalik sa kaniyang ala-ala ang weird na babaeng umiiyak sa tulay kagabi. Base na rin sa pagkakasigaw at pagtangis nito ay pihado siyang mayroon itong mabigat na problemang dinadala.

Dahil may kadiliman na rin kagabi ay hindi na niya masiyado pang naaninag ang mukha ng dalaga ngunit sigurado siyang maganda ito base na rin sa matangos na ilong at may kanipisang hubog ng mukha nito.

Pero hindi niya gustong ma-involved sa isang problematic na babaeng katulad ng babae sa tulay kagabi. Isa pa hindi pa rin naman naaalis sa puso niya ang pinakaunang babae na inibig niya ng lubos.

Nanumbalik lamang siya sa katinuan nang magbukas ang pintuan ng kaniyang silid. Papungas-pungas na lumabas doon si Raymund. 

“Morning,” bati sa kaniya ng binata.

Dumiretso ito sa ref at inilabas ang orange juice na naroroon. Kumuha siya ng tatlong baso at ipinatong sa mga glass mat na nasa table.

“Morning,” tugon naman ni Leopold sa pinsan.

“What’s for breakfast?”

“Omelet and beef tapa. ‘yan lang ang meron ako sa ref. There’s a spam as well, perhaps you want that for breakfast?”

“No, Tapa’s okay.”

Tumango na lamang si Leopold. Tahimik naman na naghintay sa mesa si Raymund habang nag ba-browse sa kaniyang telepono. Napatayo ito nang makita ang headline sa balita nang araw na iyon.

Dali-dali siyang lumapit sa abalang si Leopold at itinapat sa mukha nito ang kaniyang telepono.

“Look! Dito ka nagpunta kagabi ‘di ba?” tanong ni Raymund na ang tinutukoy ang eskwelahan kung saan siya nagtungo kagabi.

“Yeah, and so?” kibit-balikat na sagot naman ni Leopold.

“And so? Are you kidding me? May bombing incident na nangyari habang naroon ka, how come you’re still alive?”

“Sa tono nang pananalita mo parang hindi ka masaya na nakauwi ako nang ligtas ha? And besides ako ang nag defuse ng bomba kaya hindi namatay ‘yang mga matatapobreng nilalang na ‘yan.”

Napaawang naman ang labi ni Raymund sa narinig. Dahan-dahan itong napapalakpak dahil sa paghanga sa kaniyang pinsan.

“Wow! Even though you’re not in the service anymore, you’re still saving lives. That’s my cousin!”

“Shut up,” nangingiting saway ni Leopold sa pinsan.

“But wait, sabi sa balita may namatay raw ah? Crisostomo Almeda was the name. He sounds familiar.”

Nanlaki ang mata ni Leopold nang maalalaang lalaking binanggit nito. Dali-dali niyang hinablot ang telepono ng lalaki at binasa ang content ng balita.

Ayon sa balita ay hindi pa raw malinaw ang motibo sa pamamaslang. Ngunit ayon sa pulisya ay mayroon na silang lead sa kung sino ang maaaring may kagagawan nang karumal-dumal na krimen.

Ibinalik niya ang telepono ni Raymund. Hindi siya makapaniwala na nawala sa isipan niya ang naganap kay Crisostomo kagabi. ‘Di nagtagal ay may naamoy sila ni Raymund na para bang nasusunog.

Magkasabay pa silang suminghot-singhot sa hangin habang tinutunton ang pinanggagalingan ng amoy. Nagimbal ang dalawang kalalakihan nang makita nila ang cremated na omelet. 

Napatalon si Leopold dahil sa pagmamadali upang hanguin ito sa pan. Kahabag-habag ang sinapit ng itlog. Ang kaninang kulay dilaw na lutuin ay naging kulay itim.

Napasimangot si Raymund sa kaniyang pinsan. Ang inaasahan niyang omelet with tapa ay naging tapa na lang. “Just toss it out, Kuya. Even wild dogs won’t eat that cremated piece of shit.”

Maya-maya lamang ay nagising na rin si Lia.

Magiliw niyang binati ang mag pinsan na sinuklian din naman ng mainit na pag bati ng mga ito. Ipinaghanda muna ni Leopold nang pampaligo si Lia habang naghahain naman sa hapag si Raymund.

Nang matapos makapaligo ni Lia ay binihisan na siya ni Leopold at sabay na dumulog na sa hapag-kainan. Inabutan naman nilang naghihintay sa kanila roon si Raymund.

Masaya silang nag-almusal. Napuno ng tawanan at biruan ang kanilang paligid.

Nang matapos silang kumain ay nagpaalam na rin si Raymund upang umuwi sa kaniyang sariling bahay at bumalik na sa Lia’s gourmet sa Tagaytay.

Habang ang mag-ama naman ay nagtungo na sa eskwelahan ni Lia. Bago bumaba sa sasakyan ang paslit ay muli siyang pinaalalahanan ni Leopold.

“What are the rules again, baby?”

“Do not talk to stranger.”

“What would you do if there are bad people trying to take you?”

“Shout for help.”

“Okay, good!”

Hinalikan ni Leopold sa noo ang anak at hinintay na makapasok ito sa loob ng paaralan. Kapansin-pansin naman ang pag-iiba ng aura ng bata. Kung kanina ay halos umabot na sa tainga ang ngiti nito ngayon ay para bang ayaw na nitong pumasok sa eskwelahan.

Hindi na lamang ito pinansin ng binata at tuluyan na ngang pinasibad ang sasakyan. Habang nasa kahabaan ng kalsada ay tumunog ang kaniyang telepono.

KINABUKASAN, nagtataka si Lia dahil ‘tulad niya ay bumaba rin mula sa sasakyan ang kaniyang ama. Napansin naman ito ni Leopold kaya naman ay nginitian niya ito.

“I’m going to talk with your teacher Daisy, baby. May itatanong lang ako sa kaniya.”

Hindi naman na nag salita ang bata. Tumango lamang ito at saka humalik sa pisngi ng binata at nag lakad na patungo sa silid-aralan nito. Si Leopold naman ay nagtungo sa opisina ng principal kung saan siya hinihintay ni Daisy. Ang class adviser ni Lia sa paaralan.

Mainit siyang tinanggap ng mga ito. Pinaupo sa upuan at hinainan ng makakain bago nila simulan ang kanilang talakayan.

“Ipagpaumanhin mo Mr. Rodriguez kung naging biglaan ang pagpapatawag namin sa iyo rito.”

“No. it’s okay. Bakit po pala ninyo ako ipinatawag rito. Is there any problem regarding my daughter?” pagtatanong ng lalaki kahit pa may hinuha na siya kung patungkol saan ang meeting na ‘to ngayon.

Nagkatinginan ang principal na si Mrs. Ledesma pati na rin si Teacher Daisy. At base sa mga ekspresyon ng kanilang mga mukha ay tama nga ang hinuha ni Leopold. Patungkol ito sa cold treatment ng mga kaklase ni Lia sa kaniya.

“This is about the cold treatment of other kids to my Lia, right? Alam ko na ang lahat patungkol sa bagay na iyan at wala tayong magagawa kung hindi ang unawain na lamang na hindi lahat ng bata ay magkakatulad. Even though they were kids, they all have their own preference when it comes to choosing their friends.”

Tumango kay Leopold si Mrs. Ledesma.

Hindi naman umimik si Teacher Daisy na ipinagtaka naman ng binata.

“May problema po ba sa sinabi ko Teacher Daisy?”

Pilit namang inalis ng babae ang bikig sa kaniyang lalamunan na makikita sa mga mata ang pag-aalala. Ilang sandali lamang ay nag salita na rin ang babae.

“This is not just about Lia not having friends, Mr. Rodriguez. We have a much bigger problem,” anas ni Teacher Daisy.

Napakunot-noo naman si Leopold dahil sa narinig. May mas malaki pang problema kaysa sa cold treatment na natatanggap ng anak sa eskwela?

“And that is?”

“Your daughter is a victim of bullying.”

Makikita naman sa anyo ni Leopold ang pagkabigla at pagkalito. Hindi lamang pala cold treatment ang natatanggap ng kaniyang anak mula sa mga kaklase nito. Binubully din pala ng mga kaklase nito ang kaniyang unica hija.

Napatiim-bagang si Leopold sa isiping sinasarili lamang ni Lia ang lahat ng ito habang siya na tumatayong ama nito ay wala man lang kaalam-alam sa mga nagaganap dito.

“What’s their reason? Bakit nila binubully si Lia?”

Muling napalunok si Teacher Daisy bago nag salita. “B-because of not having a mother.”

“And you’re not doing anything for my daughter? You’re her teacher, right?”

Nabigla si Mrs. Ledesma at Teacher Daisy sa biglaang pag-iiba ng tono ni Leopold. Kinilabutan din sila sa biglaang pagdidilim ng anyo nito na para bang isa itong gutom na leon na aatakihin ang kaawa-awang biktima nito.

Napuno ng galit at pighati ang kaniyang dibdib. Galit para sa mga umaalipusta sa kaniyang anak at pighati para kay Lia na siyang direktang naapektuhan ng lahat ng ito. 

“I’m sorry, Mr. Rodriguez. Huli na nang malaman ko ito. Maging si Lia ay hindi rin nagsasabi sa akin sa mga nagaganap. Ang akala ko ay maayos ang lahat at tanging cold treatment lang ang natatanggap niya mula sa mga kaklase niya pero mali pala ako. I’m truly sorry, sir!”

Natauhan naman si Leopold at mabilis na bumalik sa normal ang madilim niyang wangis. Humingi siya ng paumanhin sa dalawang kaharap dahil sa hindi niya magandang inasal.

“It’s all good, Mr. Rodriguez. We deeply understand you. We promise to take actions to what have had conspired.”

Hindi naman na nag salita pa si Leopold. Tumayo na ito mula sa kinauupuan at nagpaalam sa mga guro ni Lia. Tahimik niyang tinatalunton ang kahabaan ng kalsada habang iminamaneho ang sasakyan.

Ipinarada niya ang kaniyang sasakyan sa allotted parking area ng isang convenience store na nakita niya. Pumasok siya sa loob.

Natulala naman sa kaniya ang empleyado nang nasabing convenience store. Tila ba nakakita ito ng diyos na nagmula pa sa bundok ng Olympus.

Bahagya niya itong nginitian dahilan upang pamulahan ng mukha ang babae.

Pinapungay pa nito ang mga mata upang maging kaakit-akit sa paningin ni Leopold ngunit hindi na ito pinagtutuunan pa ng pansin ng binata.

“Miss? Can I have that?” Pagkuha niya sa atensyon ng empleyado na kasalukuyang nagpapa-cute sa kaniya habang itinuturo niya rito ang chocolate at vanilla swirl poster.

“A-ah…sige po sir!” tarantang tugon naman ng babae.

Pinanood ni Leopold ang ginawang paghahanda ng babae para sa ice cream na nais niyang kainin ng mga sandaling iyon. Sorbetes talaga ang nakakapagpakalma sa kaniya sa tuwing nabubulabog ang kaniyang isipan at damdamin.

At higit pa sa sapat na dahilan upang kailanganin niyang kumain ng sorbetes ang mga nalaman niya patungkol sa school life ng anak. Nang maibigay na sa kaniya ng kahera ang order na sorbetes at matapos makapagbayad ay lumabas na siya sa establisyemento.

Naupo siya sa kahoy na bangkitong nakalaan para sa mga customers ng convenience store. Nang mga sandaling iyon ay napapaisip si Leopold kung nagagampanan nga ba niya ang papel ng isang ama sa buhay ni Lia.

Pakiramdam niya ay hindi niya nagagawa ang mga bagay na dapat ay nagagawa ng isang ama. Pakiramdam niya ay kasalanan niya ang lahat ng mga nangyayari ngayon kay Lia.

Kung sana ay nagkaroon lamang siya ng isang taong matatawag na ama noong kabataan niya, malamang ay alam niya ngayon kung ano ba ang dapat na ginagawa niya para kay Lia.

Ngunit kahit pa hindi na niya nakilala at nakasama pa ang kaniyang ama ay hindi naman nagkulang sa pag-aaruga sa batang Leopold ang kaniyang ina. 

Kung kaya naman ay kahit na hindi siya ang tunay na ama ni Lia ay minamahal pa rin niya ito at patuloy na ipinararamdam dito ang pagmamahal na karapat-dapat nitong maramdaman.

Habang lumilipad ang kaniyang isipan at ninanamnan ang malamig na sorbetes na siyang tumutulong upang mapakalma niya ang kaniyang sarili ay dumako ang mga mata ni Leopold sa ilalim ng isang puno sa gilid ng kalsada.

Mabilis na tumayo si Leopold at bumalik sa loob ng convenience store. Makalipas lamang ang ilang minuto ay muli nang lumabas mula rito ang binata. Bitbit ang isang plastic bag na naglalaman ng mga ready to eat food.

Lumapit siya sa dalawang batang nasa ilalim ng puno. Sigurado siyang magkapatid ang mga ito base na rin sa ginagawang pag-aasikaso ng nakatatandang kapatid na sa palagay niya ay nasa walong-taong gulang pa lamang sa isang apat na taong gulang na bata.

“Hi?” bati ni Leopold sa mga ito.

Agad na nagkubli sa likuran ng mas nakatatandang kapatid ang mas nakababata rito. Bagama’t mababanaag sa mukha ng nakatatandang kapatid ang takot ay pilit pa rin nitong nilakasan ang loob para sa kapatid.

“Huwag kayong matakot sa akin, hindi ako masamang tao.”

“A-ano po ang kailangan ninyo sa amin?”

“Kumain na ba kayo?”

Malungkot na umiling ang nakatatandang kapatid at napayuko. “H-hindi pa po sir.”

Hindi nga nagkamali si Leopold. Hindi pa nga naghahapunan ang mga ito.

“Kagabi pa po kami hindi kumakain.” Nahihiyang pag-amin ng bata.

Nanlaki naman ang mga mata ni Leopold sa narinig. Batid niya na hindi pa naghahapunan ang mga ito ngunit hindi niya inaasahan na dalawang hapunan na pala ang lumilipas mula nang huling makakain ang mga batang ito.

Dali-dali niyang kinuha sa dalang plastic ang dalawang sisig with rice meal at iniabot sa mga bata. Nagdadalawang isip man sa tunay na motibo ng estrangherong lalaki sa kanilang harapan ang mga bata ay agad na kinuha rin nila ang mga pagkaing iniaabot nito.

Napangiti naman si Leopold nang makita niya kung paanong alagaan ng nakatatanda ang nakababata niyang kapatid. Sunod-sunod kasi niyang sinusubuan ito.

“Bakit hindi ka kumakain? Hindi mo ba gusto ang pagkain?” Nagtatakang tanong ni Leopold.

“Naku sir, hindi po sa ganoon! Napakasarap po ng pagkain na ito at ngayon lamang kami nakatikim nito,” sagot ng bata.

“Oh, iyon naman pala eh. Bakit hindi mo sabayan sa pagkain ang kapatid mo? Dalawa naman ang meal na ibinigay ko sa inyo?” muling tanong pa ng binata.

“Ah…ano kasi sir…para bukas na lang po sana namin ‘yung isa. Baka po kasi hindi ako ulit makapanlimos bukas at wala akong maipambili ng pagkain namin.”

“Sandali lang ha? Babalik ako.”

Labis ang pagkahabag ni Leopold sa bata. Para sa kaniya ay hindi talaga patas ang mundo. At ang dapat sisihin dito ay ang lipunan na kanilang ginagalawan.

Marami kasi sa atin ang magaling lang sa salita pero kulang sa gawa. Halimbawa na lamang ay ang mga tao na kung tawagin ang mga sarili ay pro-life. 

Labis ang galit nila sa tuwing maririnig ang salitang abortion. Ipinangangalandakan nila na pinahahalagahan nila ang buhay ng mga hindi pa naisisilang na sanggol. 

Subalit wala silang pakialam sa mga batang nailuwal na sa mundo at dumadanas nang paghihirap. Sa halip na tulungan ang mga batang palaboy-laboy sa lansangan habang kumakalam ang mga sikmura ay mas binibigyan pa nila ng atensyon ang mga suliranin na hindi na dapat pang ituring na suliranin ng madla.

Kung ang lahat ba naman ng mga pro-lifer na ito ay magkakaisa upang tulungan ang mga batang lansangan ay siguradong wala ng mga batang magugutom pa katulad ng mga batang tinutulungan ngayon ni Leopold.

“Heto, kainin ninyo ito bukas ng kapatid mo.”

Nagpapasalamat na tinanggap naman ng bata ang dalawang supot pa na iniabot ng binata. Binigyan pa ni Leopold ito ng limang-daang piso upang mayroon silang maipambili nang makakain sa sandaling maubos na ang mga ibinigay niya.

Isang genuine smile lamang ang kayang ibigay sa kaniya ng magkapatid ngunit sapat na iyon upang maging kapalit ng mga pagkaing ibingay niya sa mga ito.

Nagpaalam na siya sa mga bata at tinungo ang kaniyang sasakyan. Bukas na bukas din ay ilalabas niya si Lia upang makalimutan nito ang mga hindi magagandang pangyayari sa eskwelehan nito.

Kaugnay na kabanata

  • LEOPOLD: THE SOLDIER   Chapter 10- LIA'S SADNESS

    MAAGANG gumising kinabukasan si Leopold. Tutal sabado naman at walang pasok sa eskwela si Lia ay itutuloy na niya ang plano niya nang nagdaang gabi.Maaga siyang naligo at naghanda ng almusal. Inihanda na rin niya ang susuoting damit ni Lia para sa araw na iyon. Ibinilin na lamang niya kay Harmony ang Lia’s gourmet at ipinaalam niya na rin sa lalaki na hindi muna siya magtutungo dito sa araw na iyon.Nang matapos lutuin ang paboritong almusal na at maihain ito sa hapag ay agad na inalis ni Leopold ang suot na apron at nagtungo na sa silid ng bata upang gisingin ito.“Lia? Gising na anak, aalis tayo mamaya,” bulong ni Leopold sa bata kasabay nang mahinay na pagyugyog dito.Papungas-pungas na bumangon si Lia.“Saan po tayo pupunta?”“Secret! Huwag ka na lang mag tanong para surprise kung saan man tayo magpupunta ngayon, okay?”Tumango lang si Lia sa kaniyang ama at agad na nagpakarga rito. Nakan

    Huling Na-update : 2021-10-12
  • LEOPOLD: THE SOLDIER   Chapter 11- SHARING KINDNESS

    BASANG-BASA dahil sa ulan si Leopold nang makabalik siya sa kanilang sasakyan.Kanina pa sana sila nakaalis sa cemetery kung hindi lamang naiwan ni Lia ang stuffed toy niya sa puntod ng kaniyang ama.“Daddy are why you wet? Where’s your umbrella?” nagtatakang tanong ni Lia sa binata.Ngumiti naman siya rito. “I gave it to someone who needs it the most.”Hindi naman na nag salita pa ang bata. Binuhay na ni Leopold ang makina ng sasakyan at pinasibad ito palayo sa lugar. Dahil sa malakas na ulan ay tumigil muna sila sa isang sikat na fast food restaurant sa bansa. Ang maligayang bubuyog.“Gusto mo ba ng fried chicken, Lia?” tanong ni Leopold sa anak.“Yes po. Pati po Ice cream,” sagot naman ni Lia.Nakangiting tumango naman ang binata sa anak. Matapos makuha ang order sa counter ay kaagad din naman silang nakakita ng mauupuan. Maganang nilalantakan ni Lia ang kaniyang mga pagkain nan

    Huling Na-update : 2021-10-21
  • LEOPOLD: THE SOLDIER   Chapter 12- SUSPICIONS ON LEOPOLD

    SUNOD-SUNOD na pagkatok sa pinto ang nakapagpamulat kay Leopold isang hapon.Naniningkit pa ang mga matang bumangon ang lalaki para alamin kung sino ang hindi niya inaasahang bisita.Napakunot ang noo ni Leopold nang mabungaran ang tatlong unipormadong pulis ang nakatayo sa pinto.“Good afternoon officers, how can I help you?” saad ni Leopold habang sinisipat ang paligid kung mayroon bang nagaganap na kakaiba.Bumalik ang atensyon niya sa tatlong lalaki nang mag salita ang isa sa mga ito.“Good afternoon. Kayo ba si Mr. Leopold Rodriguez?”“Oo, ako nga. Bakit?”“Gusto ‘ho sana namin kayong imbitahan sa istasyon para makuha ang inyong panig tungkol sa pagkamatay ni Mr. Crisostomo Almeda,” sagot ng isa sa mga pulis.Hindi naman na nag salita pa si Leopold batid kasi niya na isa siya sa mga suspect sa krimen dahil naroon siya sa pagtitipon nang maganap ito.“Can I

    Huling Na-update : 2021-10-31
  • LEOPOLD: THE SOLDIER   Chapter 13- CLUE

    KASALUKUYANG hindi makatingin sa mga mata ng kaniyang tiyuhin si Leopold. Pakiramdam niya ay batid na niya ang maaaring sabihin nito sa kaniya.Simula kasi noong mag bitiw siya sa serbisyo anim na taon na rin ang nakararaan ay madalang na lamang silang magkita nito.Iniiwasan kasi niya na magpakita rito sapagkat palagi lamang siya nitong pinipilit na bumalik mula sa serbisyo.“Ilang taon tayong hindi nag kita pagkatapos ay malalaman ko lang na nakakulong ka rito, Leo?”Hindi kaagad na nakasagot ang binata. Napasimangot naman ang nakatatandang Rodriguez dahil dito. “What now? Are you practicing yourrights of silence?”“I-its not what you think, sir. I didn’t harm anyone let alone kill them. This is all a misunderstanding,” paliwanag niya sa tiyuhin.“I know. I’m not here to blame you but to bail you out.”“You don’t have to do that, sir.”&ldqu

    Huling Na-update : 2021-10-31
  • LEOPOLD: THE SOLDIER   Chapter 14- ARMAN CHAVEZ

    DAHIL sa lead na nakuha ni Leopold ay kaagad siyang nagsagawa ng background check sa mga empleyadong napag-alaman niyang nagkaroon ng problema sa kumpanya.Nagulat pa siya nang makita ang isang pamilyar na pangalan sa listahan. Arman Chavez. Isa sa mga naging kaklase nila noong sila ay nasa High school pa lamang.Kilala niya ang lalaki. Mabuti itong tao, ngunit katulad niya ay salat din sa pera ang pamilya nito kaya naman ay kasama niya ito na palaging binubully ng grupo nina Crisostomo noong araw.Kung noon ay paloko-loko lamang ang mga masasamang ginagawa ni Crisostomo rito ay iba na ito ngayon.Kasama si Arman sa mga na lay-off na empleyado ng Almeda Electric Corporation.Kagyat niyang kinuha ang address ng dating kaibigan at mabilis na pinasibad ang sasakyan patungo sa kasalukuyang tinitirihan ng lalaki.Nang marating niya ang lugar ay sinubukan niyang hanapin ang dating kaibigan dito ngunit makailang beses na rin siyang nabigo.M

    Huling Na-update : 2021-10-31
  • LEOPOLD: THE SOLDIER   Chapter 15- TRUTH BEHIND THE EVIL ACT

    LEOPOLD tried to calm him down but to no avail. Arman continued on attacking him. Driven by something Leopold do not know. But due to the man’s aggression, Leopold had confirmed his hunch that it was Arman who murdered Crisostomo Almeda.Nag hintay nang opening si Leopold sa mga ginagawang pag-atake ni Arman.Nang muli nitong i-angat ang kaniyang patalim ay sinamantala naman iyon ni Leopold at ibinato ang tasang nahawakan niya sa kamay ng lalaki.Naging dahilan ito upang mabitiwan ng lalaki ang patalim.Nagpakawala naman ng isang napakalakas na suntok si Leopold na kumonekta sa panga ni Arman.Napaigtad ito at bumalandra sa lupa.Nahihilo pang tumayo si Arman pero hindi na hinayaan pa ni Leopold na tuluyang makabawi ito kaya agad niyang tinalunan ang lalaki dahilan upang magkabasag-basag ang mga kagamitan sa paligid.Tatayo na sana si Leopold upang itali ang mga kamay ni Arman nang bigla itong pumiksi at suntukin siya sa mukha, pa

    Huling Na-update : 2021-12-08
  • LEOPOLD: THE SOLDIER   Chapter 16- LADY IN RED

    MATAPOS malinis ni Leopold ang kaniyang pangalan at mapatunayang hindi siya ang pumatay kay Almeda ay humingi ng paumanhin sa kaniya ang hepe ng istasyon kung saan siya na-detain. Binisita rin niyang muli ang Tito Santi niya sa opisina nito upang magpasalamat sa naging tulong nito sa kaniya. “Sisiguruhin ko na makakabawi ako sa inyo, Tito.” “Bakit ko pa hihintayin na makabawi ka kung puwede mo namang gawin ngayon?” “What do you mean, Tito?” Nagugulumihang tanong ni Leopold. Binuksan naman ng heneral ang drawer sa desk nito at may kinuha roon. Kumunot pa ang noo ng binata nang makita ang dalawang kulay pulang invitation card. “Hindi ako makadadalo sa pagtitipong ito, kaya hinihiling ko sana na kayo muna ni Raymund ang magtungo roon bilang mga proxy ko,” anunsyo ni Gen. Santillan. “What? But I don’t think that I’m—” “Please, son. This is an important event but I have something much more important to do. If you’re wo

    Huling Na-update : 2022-02-01
  • LEOPOLD: THE SOLDIER   Chapter 17- KNIGHT IN SHINING ARMOR

    ILANG araw na ang lumipas mula nang magtungo sila sa event at kamuntikan nang sumakabilang-buhay dahil kay Raymund.Pero hindi pa rin niya nakakalimutan ang babaeng naka-red dress. May kung ano sa babae ang pamilyar sa kaniya ngunit hindi niya lang alam kung ano ito.“Ano kayang nangyari riyan kay bossing?” tanong ni Harmony sa kapwa serbidor na si Alexis.“Aba, ano’ng malay ko riyan. Kayo ang close ni sir eh, bakit hindi mo sa kaniya itanong ‘yan,” sagot naman ni Alexis.Napasimangot naman si Harmony sa naging tugon sa kaniya ng lalaki. “Wala ka talagang silbi kausap kahit kailan eh no?”Tinalikuran na niya ang lalaki at dahan-dahang nilapitan si Leopold. Halos mapatalon ang lalaki nang bigla siya mag salita sa tabi nito.“What the hell?”Nakangising nag peace sign si Harmony sa lalaki. “Ano ba kasi ang nangyayari boss? Ang aga-aga para kang nananaginip diyan. “

    Huling Na-update : 2022-02-02

Pinakabagong kabanata

  • LEOPOLD: THE SOLDIER    Chapter 121- A BITTER SWEET ENDING

    LEOPOLD had spent the past three days working from his restaurant after their mission. Trying to forget how he barely see any signs of Bart and Malia. Their brothers in the organization are relentlessly working to track down the man who took his daughter but to no avail. He will visit Julie at their medical facility later. His friend just woke up few hours ago. They thought they were about to lose Julie but thank all the gods of mankind they didn’t. He was about to wrapped up when a familiar face entered the restaurant. “Mr. Rodriguez, long time no see!” said the man who arrived. “Mr. Lacasa. Great to see you,” ani Leopold. “Is it?” pagbibiro pa ng matanda na sinundan nito ng malutong na halakhak. Hindi alam ni Leopold kung bakit pero hindi talaga siya napapakali kapag nasa malapit ang matanda. Pero na ganito pa ang nararamdaman niya ay hindi naman niya ito maaaring itaboy sapagkat “I haven’t seen you in a while, Mr. Rodriguez. Are you busy with something else?” tanong ni Conrad

  • LEOPOLD: THE SOLDIER   Chapter 120- MAN'S HONOR

    THE sound of someone making breakfast awoke Leopold from his slumber. Every instinct deep down told him to keep his eyes closed, but he knew it was a fool’s errand. Time was passing, and he was almost out of it.He opened his eyes to see Atlas smiling at him, “Good morning,” Atlas greeted, “slept well?”Leopold nodded slightly, unsure how to respond. “Yes, what are you doing here early this morning?” he said as she slowly got up. “When this is all over, we have a lot to talk about you and me.”Atlas furrowed his eyebrows. “About what?”“About your frequent trespassing here at my house, you dipshit!” Leopold extracted his self from the bed, hearing the joints in his back popping. In few short minutes, he was done taking a bath and went downstairs. Atlas and Julie had a hot bowl of soup and a side of bacon waiting for him.“Come on! Dig in!” Julie invited.“You can cook?” Leopold inquired making the woman spout.“Of course. Do you really think you’re the only one who can cook among all

  • LEOPOLD: THE SOLDIER   Chaptet 119- FOR THE SEAT

    THE gong sounded, and Hiroshi and Asahi limped and stumbled back to their starting marks. They exchanged pleasantries of bowing to each other and their grandfather. Hiroshi went to his defensive stance, while Asahi went on to his offensive strikes. The round kicked off with Asahi screaming wildly, smashing his left hand and his feet against Hiroshi’s defenses. Hiroshi blocked what must have been a dozen strikes effectively despite his poor balance with one good leg. Finally, Asahi seemed to collapse as his eyes closed. Instinctively, Hiroshi, tried catching his brother. Leopold saw what was happening before Asahi opened his eyes. Exploiting your older brother’s protective instinct to get him to drop his guard. You rotten bastard! Leopold thought at the back of his mind. Asahi’s left hand sprung like a rattlesnake toward the center or Hiroshi’s chest. Hiroshi gripped his brother’s forearm, desperately trying to keep the lethal object of his hand off her heart. Asahi seesawed with hi

  • LEOPOLD: THE SOLDIER   Chapter 118- CLAN CONFLICT

    LULAN ng dalawang sasakyan ay mabilis na tinalunton nina Leopold ang daan na maaaring tinahak ni Bart kasama si Malia.Ngunit hindi na nila makita pa ang mga ito. Maging ang grupo ni Jonas na umikot pa upang sana ay salubungin ang mga ito ay hindi sila nagawang maabutan.Alam ni Leopold na hindi sasaktan ni Bart ang bata ngunit may kung anong bagay ang nag bibigay sa kaniyang dibdib ng kaba. Kaba na kanina pa hindi naaalis sa kaniyang sistema.Kasalukuyan na silang pabalik ngayon sa Headquarters ng Crow. Naroon din na nag aabang ang ilan pa nilang mga kasamahan na hindi nakasama sa ibang sumaklolo sa kanila.“Is everyone safe, Sir Jonas?” tanong ni Abel habang katabi ang kakambal na si Cain.“Thankfully, Yes.” Jonas replied.“Thank god!” Napahalukipkip na tugon pa ng lalaki.Hindi nag tagal ay dumating na rin ang grupo nina Leopold. Nanlulumong napaupo ang lalaki sa high stool ng bar. Napansin ito ng iba pa ngunit hindi na lamang sila nag salita.Matapos bigyan ng isang baso ng scotch

  • LEOPOLD: THE SOLDIER   Chapter 117- CONFRONTING THE TRUTH

    NO ONE couldn’t fathom how uneasy Leopold was. Almost a dozen of armed men were in front of them. A small move and they will be dead. The worst case scenario— His daughter will die as well.His mind tried to calculate any escape route but to no avail. They were surrounded. One resistance from them and the three of them would be dead meat in an instant.A shape of a human being emerges from the darkness. Leopold was stunned upon seeing the man standing in front of him. It was Bart.His serious face began to show emotions that he tried to suppress long ago when he saw Malia. His daughter.“How did you find us?” Leopold asked the man.“It is not that hard to track your whereabouts, Leopold.” Bart answered.Muli nitong sinipat ng tingin si Malia. Humarang naman si Leopold nang mapansin ito. “Why are you doing this? Why did you join the Golden Circle?”“To get my revenge to you,” tugon nito bago muling tiningnan si Lia na nagtatago sa likuran ni Mira. “And to get my daughter back.”Parang

  • LEOPOLD: THE SOLDIER   Chapter 116- UNEXPECTED ENGAGEMENT

    PARANG ipo-ipo sa ginawang pag kilos ang lahat. Kaagad na tumakbo patungo sa van sina Julie, Faustus at Leopold upang kunin ang kanilang mga baril.Habang si Mira naman ay kagyat na hinila sa isang gilid si Lia na naguguluhan sa mga nangyayari.“Tita? What are you playing po?” Nagtatakang tanong ng paslit na ang akala ay naglalaro lamang ang mga nakatatanda.“Uhh…” Umikot muna sa paligid ang mga mata ni Mira bago sagutin ang bata. “We’re about to play hide and seek baby, at tayong dalawa ang magkakampi kaya huwag kang aalis sa tabi ni Tita Mira, okay?”“Okay po,” sagot naman ng bata.“Leopold, Faus, Julie, Flint! With me!” utos ni Jonas.Nag-aalala naman na napatingin si Leopold kay Mira at Lia. Hindi niya nais iwanan ang anak sa gitna ng kaguluhan.“Don’t worry, I’ll take care of your daughter,” paniniguro ni Mira sa nag-aalalang ama.“I’ll be with them, Pare. Huwag kang mag-alala,” singit naman ni Atlas.Matipid na ngumiti naman si Leopold sa kanila. “Thank you guys. Take care.”“Le

  • LEOPOLD: THE SOLDIER   Chapter 115- MIRACLE

    PATAKBONG pumasok sa medical facility ng Crow si Leopold. Parang tambol sa lakas ang pag kabog ng kaniyang dibdib ng mga sandaling iyon.Ni hindi na nga niya nahintay pang matapos ni Atlas ang hatid nitong balita kanina. Dahil base pa lang sa hitsura kanina ng lalaki ay hindi mabuting balita ang hatid nito sa kaniyang tahanan. Pakiramdam pa nga niya ay ang oras na mismo ang kalaban niya ng mga sandaling iyon.Wala siyang kinatatakutan. Kahit nga si kamatayan ay maaaring mahiya na lang sa kaniya dahil hindi na niya ito kinatatakutan. Sa dinami-rami na rin ng mga laban at misyon na hinarap niya ay kabisado na niya kung paano niyang matatakasan ang taga-sundo ng mga kaluluwa.Pero para sa kaniya ay naiiba ang mga sandaling ito. Hindi man siya naniniwala sa mga Diyos na sinasamba ng mga tao ay pakiwari niya ay luluhod sa kahit na saang simbahan, mosque o templo ng mga ito para lang humiling na huwag munang bawiin ang pinakamamahal na anak.Naging kapansin-pansin para sa kaniya na wala ni

  • LEOPOLD: THE SOLDIER   Chapter 114- FAILED PROMISE

    HALOS huminto ang pintig ng puso ni Leopold nang saksakin ni Bart si Haidee sa likuran nito. Ang masakit pa rito ay makailang ulit niya pa itong ginawa.Kitang-kita nila Leopold ang ekspresyon nang paghihirap sa mukha ni Haidee dahil sa magkakasunod na saksak na tinamo nito mula kay Bart. Napaubo rin ito ng dugo malamang dahil sa shock na tinamo ng katawan nito.“No… stop…” wika ni Leopold ngunit tanging siya lamang ang nakakarinig.Lalo siyang nanigas sa kinaroroonan nang makita kung paanong unti-unting mapapikit si Haidee habang nakangisi namang nakatingin sa kaniya si Bart. Ang tingin niya sa lalaki ngayon ay isang demonyong nagbabalat kayo bilang tao.Pilit na tumayo si Leopold sa kabila ng kaniyang panghihina upang sana’y pagbayarin si Bart sa kaniyang ginawa. Subalit bago pa man siya makalapit dito ay binitawan nito ang nag hihingalong si Haidee.Kaya naman sa halip na si Bart ay si Haidee ang agad niyang tinungo. Mabuti na lamang at nagawa niya itong masalo sa tamang oras.Agad

  • LEOPOLD: THE SOLDIER   Chapter 113- OLD FRIEND'S MISSION

    NAALARMA sina Jonas at Julie sa ginawa ni Leopold kaya naman bago pa pumutok ang laban ay nagawa nilang lapitan at tabihan si Leopold. Hindi naman sila nagkamali nang ginawa dahil kasalukuyan nang nakatutok sa binata ang dalang baril ni Krishmar habang nasa leeg naman ni Leopold ang kukri knife na hawak naman ni Levi. Wala na rin silang nagawa ng mga sandaling iyon kung hindi itutok sa mga ito ang dala nilang mga armas. Mabuti na lamang at may kaingayan at madilim ang paligid kung saan sila naka-pwesto dahil kung hindi ay kanina pa nakita ng ibang bisita ng event ang mga nagaganap. “Don’t make any move or you will die in here,” babala ni Jonas kay Levi habang nakatutok ang baril sa lalaki. “You too, asshole,” malamig na saad din ni Julie kay Krishmar na lumabas pa ang ugat sa noo dahil sa naging tawag ng dalaga sa kaniya. “You smells good, honey. I believe you taste good as well.” Nakangising wika ni Krishmar. Maya-maya lang ay tumunog ang telepono ni Grizzly na nakatumba pa rin

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status