MAAGANG gumising kinabukasan si Leopold. Tutal sabado naman at walang pasok sa eskwela si Lia ay itutuloy na niya ang plano niya nang nagdaang gabi.
Maaga siyang naligo at naghanda ng almusal. Inihanda na rin niya ang susuoting damit ni Lia para sa araw na iyon. Ibinilin na lamang niya kay Harmony ang Lia’s gourmet at ipinaalam niya na rin sa lalaki na hindi muna siya magtutungo dito sa araw na iyon.
Nang matapos lutuin ang paboritong almusal na at maihain ito sa hapag ay agad na inalis ni Leopold ang suot na apron at nagtungo na sa silid ng bata upang gisingin ito.
“Lia? Gising na anak, aalis tayo mamaya,” bulong ni Leopold sa bata kasabay nang mahinay na pagyugyog dito.
Papungas-pungas na bumangon si Lia.
“Saan po tayo pupunta?”
“Secret! Huwag ka na lang mag tanong para surprise kung saan man tayo magpupunta ngayon, okay?”
Tumango lang si Lia sa kaniyang ama at agad na nagpakarga rito. Nakangiti naman siyang binuhat ni Leopold at dinala sa hapag-kainan.
Nagningning ang mga mata ni Lia nang mabungaran ang pinaka-paborito niyang almusal. Tocino na pinarisan ng fried rice at itlog. Agad na nilantakan ito ng bata.
“Dahan-dahan Lia, baka mabulunan ka.” Nakangiting saway ni Leopold sa anak na parang isang preso kung kumain.
Matapos makapag-agahan ay kagyat na naligo si Lia.Kahit hindi man nito sabihin kay Leopold ay batid ng binata na nasasabik din ito para sa kanilang napipintong pamamasyal.
NANLALAKI ang mga mata ni Lia dahil sa labis na pamamangha sa paligid.
Maya’t-maya ang ginagawang paglingon nito sa bawat rides na nadadaanan nila. Kasalukuyan kasi silang nasa Enchanted Kingdom ng ama.
Maraming bata ang nagtatakbuhan sa paligid ng mga oras na iyon. At hindi lamang mga bata ang bumibisita sa lugar na ito kundi maging ang mga magkakasintahan na gustong mag enjoy din.
“Wow! Ang ganda naman po rito, Daddy!”
Napangiti naman si Leopold dahil sa nakikitang kaligayahan sa mata ng anak.
Dahil abala siya sa pag-aasikaso sa kaniyang restaurants ay hindi na niya nagagawang ipasyal pa si Lia.
Hindi na rin niya nagagawang aliwin ang sarili. Umiikot na lamang sa pag-aasikaso kay Lia at pagpapalago sa kaniyang Negosyo ang buhay ng binata.
Marahil ay magandang pagkakataon ito upang makapag-unwind si Leopold.
Nadaanan nila ang isang food stall na tanging corn dog at cucumber juice ang itinitinda kaya naman agad na bumili si Leopold at ipinakain kay Lia na abalang-abala sa pag-ikot sa paligid ang mga mata.
“Saan mo gusto unang sumakay baby?” tanong ni Leopold sa anak nang makaupo sila sa upuan na nakalaan para sa mga customers ng corn dog.
“Talaga Daddy? Pwede tayo sumakay sa kahit anong ride?” Nagniningning ang mga matang pagkumpirma ni Lia.
“Oo naman. Kaya nga tayo naririto eh,” tugon ni Leopold.
Muli pa’y nagpalinga-linga si Lia sa paligid.
“Ayun! Doon ko po gustong sumakay, Daddy!”
Sinundan ng tingin ni Leopold ang itinuturo ng anak. Kaagad siyang namutla at alanganing napangiti. “A-are you sure baby? Hindi ka ba natatakot sumakay sa roller coaster na iyan?”
Sunod-sunod na umiling si Lia sa kaniyang ama. Nakikita naman ng binata sa mga mata ng kaniyang anak na talagang gusto nitong masubukan ang katakot-takot na roller coaster.
“S-sure! Diyan tayo sasakay after natin maubos ang mga ito.”
“Yey!” Masayang pagpupunyagi ni Lia.
Matapos ang ilang minuto nang pagsakay sa bakal na sakayang tila hatid ni kamatayan ay nanghihinang bumaba mula rito si Leopold. Nakasunod naman sa kaniya ang ligayang-ligaya na si Lia.
“Daddy puwede po bang isa pa?”
“What? Pang limang beses na natin ito anak, hindi ka pa ba nagsasawa?”
Nagpapaawang tumingin naman si Lia sa kaniya. Nakanguso ito at nag puppy eye pa kung kaya naman ay hindi na rin nakatanggi pa si Leopold at muling tinungo ang ticket booth para sa nasabing ride.
Don’t die, Leo. Don’t die.
HAPON na nang matapos nina Leopold sakyan ang lahat ng mga rides sa parke.
Pakiramdam ni Leopold ay lalabas ang lahat ng mga kinain niya sa tuwing sasakay sila ni Lia.
Subalit dumating na ang oras na napagod na rin sa wakas ang kaniyang anak at nagyaya nang umuwi. Walang mapaglayan ang kasiyahan ni Leopold sa isiping hindi na siya muling sasakay pa sa mga rides na inimbento ng sangkatauhan upang pahirapan sa mental na aspeto ang mga kagaya niyang mahihina ang loob pagdating sa mga ganitong klase ng bagay.
Kasalukuyan silang nakapila sa isang food stall upang bumili ng dalawang slice ng pizza at French fries upang mayroon silang makain habang sila ay nasa biyahe pauwi.
Ilang katao na lamang ay pagkakataon na ni Leopold upang bumili nang mapansin niya ang pananahimik ni Lia sa kaniyang tabi.
Inobserbahan muna niya ang anak upang malaman ang dahilan nang pananahimik nito. Sinundan niya ang tingin nito at napag-alaman niyang natuon ang atensyon nito sa isang pamilyang masayang naghahabulan sa ‘di kalayuan.
Halos madurog ang puso ni Leopold sa nakikitang ekspresyon sa mukha ni Lia.
Magkahalong inggit, pananabik at kalungkutan ang mababanaag sa mukha ng bata.
Inilapat ni Leopold ang kaniyang mga palad sa ulo ni Lia dahilan upang malipat sa kaniya ang atensyon ng bata.
Pilit na na inalis ng binata ang bikig sa kaniyang lalamunan at ngumiti.
“Is there something wrong baby?”
“Bakit po wala akong mama?”
Inaasahan na ni Leopold na ito ang itatanong sa kaniya ng bata subalit hindi pa rin niya naiwasan ang mabigla. Kung nag hahanap na ito nang kalinga ng isang ina, ang ibig bang sabihin nito ay hindi niya nagagampanan nang maayos ang pagiging magulang nito?
Lumuhod si Leopold sa harapan ni Lia.
Bahagya pa niyang inayos ang nagulo nitong buhok. “Nasa heaven na si mommy mo baby. Pero every night niyang ibinubulong sa akin na mahal na mahal ka niya at palagi ka raw niyang babantayan.”
“But I want her to be here not in heaven,” tugon ni Lia na hindi natitinag ang kalungkutang nadarama.
“It’s okay. Narito lang naman ang Daddy.”
Binigyan niya ng isang mahigpit na yakap si Lia upang pawiin ang lungkot ng paslit. “Let’s go somewhere. May ipapakilala ako sa’yo.”
Tahimik lamang sa sasakyan si Lia habang tinatalunton nila ang daan patungo sa lugar na tinutukoy ni Leopold. Hindi matatagpuan sa mga mata nito ang pagkasabik sa kanilang patutunguhan.
Ipinarada ni Leopold ang sasakyan sa designated parking space para sa mga nagtutungo sa lugar. Sumalubong sa kanila ang halimuyak nang sari-saring bulaklak sa paligid.
Mga bulaklak na sumisimbolo sa pagmamahal ng mga pamilyang naiwan ng mga yumao.
“Daddy, why are we here?” Nagtatakang tanong ni Lia.
“I want to you to meet them,” tugon naman ni Leopold.
“Them?”
Hindi na sumagot pang muli ang binata, bagkus ay iginaya na lamang niya ito patungo sa harapan ng dalawang magkatabing nitso. Nilagyan niya ng tig-isang bulaklak ang mga ito at bahagyang umatras hanggang sa maging kapantay niya si Lia na walang ideya kung sino ang mga nakalibing doon.
“I want you to meet your Papa Bart and Mama Beatriz.”
Nanlaki ang mga mata ng bata dahil sa narinig. Even though she knew that her parents were both dead, hindi pa rin niya inaasahan na dadalhin siya ng kaniyang Daddy Leo sa puntod ng mga ito.
Lumuhod ang bata sa pagitan ng dalawang puntod at nilagyang ng tig-isang bulaklak ang mga ito. “Hi, Papa and Mama! I’m Malia Zoe, your daughter. I just want to ask something. Hindi niyo po ba ako love? Sabi po kasi ng mga classmates ko kapag iniwan daw ng parents nila it only means daw po na hindi ninyo ako tunay na love.”
Tumingala si Leopold upang pigilin ang mga luha. Pumapatak ang ulan dahil na hindi na kaya pa ng ulap ang bigat—Pumapatak naman ang luha dahil hindi na kaya pang pigilin ng mga mata ang mga luhang pilit na kumakawala.
At nang mga sandaling ito ay natalo si Leopold ng sarili niyang kalungkutan.
Nag-uunahan ang mga ito sa paglalaro sa kaniyang mga pisngi. Hanggang ngayon kasi ay sinisisi pa rin niya ang kaniyang sarili sa pagkamatay ng mga kaibigan.
Iniisip ng binata na kung hindi sana ay hindi maagang nawala ang mga ito ay lumalaki sana sa isang masaya at kumpletong pamilya si Lia. Pinahid niya ang kaniyang mga luha at lumakad patungo kay sa bata.
Hinawakan niya ito sa balikat. “Don’t listen to them, baby. Your Papa Bart and Mama Beatriz loves you very much. They loved you very much that’s why they chose me to take care of you. Because they knew that I will love you until the end.”
Lumuluhang napayakap si Lia kay Leopold.
SAMANTALA, napahinto sa kaniyang paglalakad papunta sa puntod ng kaniyang ina si Andrea nang makakita ng mag-ama na nasa dumadalaw sa yumaong mahal nila sa buhay.
Napansin pa niyang umiiyak na nakayakap ang bata sa kaniyang ama.
Bigla tuloy niyang naalala ang pinakamadilim na yugto ng buhay niya. Ang pagkamatay ng kaniyang ina.
"Everything’s going to be okay, little girl."
Tinalikuran na niya ang mga mag-ama at ipinagpatuloy na ang paglalakad sa kaniyang patutunguhan. Hindi nag tagal ay narating na rin niya ang puntod ng kaniyang ina. Umupo siya sa harapan niyon at inalis ang ilang mga halamang ligaw na nag sisimula nang tumubo.
“Hi, Mommy! I’m here again! Pasensiya ka na kung palagi akong nangungulit dito ha? Namimiss lang kasi talaga kita,” saad ni Andrea kahit pa alam niya sa sarili na hindi na siya naririnig pa nang yumaong ina.
Nilaro-laro pa ng dalaga ang mga bulaklak na dala. Isa-isa niyang binubunot ang mga talulot nito bago muling nag salita.
“I’m tired, Mom. I’m tired of everything. Since you’ve gone, pakiramdam ko nawalan na ako ng kakampi sa mundong ito. While dad was enjoying his life with his new wife, here I am… drowning deep in this lake of uncertainty.”
Mapait na ngumit si Andrea. “You know what, Mom? I am thinking of following you in the afterlife na. Maybe I can reast easy if I am with you na. But the only thing that keeps on holding me back is Gramps and Dad. Sigurado akong lulustayin lang ng mahaderang asawa ni Daddy ang lahat ng pera ng pamilya natin sa mga bagay na wala namang importansya… and I can’t allow that to happen.”
Napatingala sa kalangitan si Andrea para pigilan ang nagbabadyang mga luha. Noong mamatay kasi ang kaniyang ina ay ipinangako niya ritong hindi na siya muli pang iiyak.
‘Di nag tagal ay napansin ng dalaga ang madilim na kalangitan. Pumasok na yata sa bansa ang naririnig niyang unang bagyo para sa taong ito.
“Great! Kung kailan naman ako walang payong saka pa uulan,” usal ni Andrea sa sarili.
Mabilis siyang nagpaalam sa puntod ng kaniyang ina at tumayo mula sa pagkakasalampak sa lupa. Nag sisimula nang bumuhos ang ulan. Huminto siya sa pinakaunang puno na nakita niya para sumilong at hintayin sana na tumila ang ulan.
Ngunit tila yata pinaglalaruan siya ng kamalasan. Higit sampung minuto na siyang nakatayo sa ilalim ng puno pero hindi pa rin tumitila ang ulan. Pakiwari niya ay wala na siyang magagawa kung hindi ang tumakbo patungo sa kaniyang sasakyan para lang tuluyan na siyang makaalis sa lugar.
Pero nakakaisang hakbang pa lamang siya palayo sa puno nang mapansin niyang hindi na siya nababasa ng ulan.
Nang tumingala siya ay nanlaki pa ang kaniyang mga mata nang makita ang kulay pulang payong na siyang nagpapanatili sa kaniyang tuyo.
Sinubukan niyang lingunin ang mukha ng matangkad na lalaking nag magandang loob na tulungan siya ngunit sa kabilang dako ito nakatingin na para bang hindi ito interesado na makita man lamang ang hitsura nang tinutulungan nito.
Nagitla pa si Andrea nang hawakan siya sa mga kamay ng lalaki. Para siyang dinadaluyan ng libo-libong boltahe ng kuryente. Hindi siya kaagad nakapag react.
Bumalik lamang siya sa katinuan nang maramdaman ang pag-alis ng lalaki sa kaniyang tabi. Doon lamang niya napagtanto na iniwan nito sa kaniya ang payong upang gamitin niya samantalang ang lalaki naman ang siyang tumatakbong parang bata sa ulanan.
“Hey wait!” Tawag niya sa lalaki. “We can share with this… umbrella.” dagdag pa niya na tanging siya na lamang ang nakarinig.
“Thank you…” mahinang usal pa ni Andrea.
BASANG-BASA dahil sa ulan si Leopold nang makabalik siya sa kanilang sasakyan.Kanina pa sana sila nakaalis sa cemetery kung hindi lamang naiwan ni Lia ang stuffed toy niya sa puntod ng kaniyang ama.“Daddy are why you wet? Where’s your umbrella?” nagtatakang tanong ni Lia sa binata.Ngumiti naman siya rito. “I gave it to someone who needs it the most.”Hindi naman na nag salita pa ang bata. Binuhay na ni Leopold ang makina ng sasakyan at pinasibad ito palayo sa lugar. Dahil sa malakas na ulan ay tumigil muna sila sa isang sikat na fast food restaurant sa bansa. Ang maligayang bubuyog.“Gusto mo ba ng fried chicken, Lia?” tanong ni Leopold sa anak.“Yes po. Pati po Ice cream,” sagot naman ni Lia.Nakangiting tumango naman ang binata sa anak. Matapos makuha ang order sa counter ay kaagad din naman silang nakakita ng mauupuan. Maganang nilalantakan ni Lia ang kaniyang mga pagkain nan
SUNOD-SUNOD na pagkatok sa pinto ang nakapagpamulat kay Leopold isang hapon.Naniningkit pa ang mga matang bumangon ang lalaki para alamin kung sino ang hindi niya inaasahang bisita.Napakunot ang noo ni Leopold nang mabungaran ang tatlong unipormadong pulis ang nakatayo sa pinto.“Good afternoon officers, how can I help you?” saad ni Leopold habang sinisipat ang paligid kung mayroon bang nagaganap na kakaiba.Bumalik ang atensyon niya sa tatlong lalaki nang mag salita ang isa sa mga ito.“Good afternoon. Kayo ba si Mr. Leopold Rodriguez?”“Oo, ako nga. Bakit?”“Gusto ‘ho sana namin kayong imbitahan sa istasyon para makuha ang inyong panig tungkol sa pagkamatay ni Mr. Crisostomo Almeda,” sagot ng isa sa mga pulis.Hindi naman na nag salita pa si Leopold batid kasi niya na isa siya sa mga suspect sa krimen dahil naroon siya sa pagtitipon nang maganap ito.“Can I
KASALUKUYANG hindi makatingin sa mga mata ng kaniyang tiyuhin si Leopold. Pakiramdam niya ay batid na niya ang maaaring sabihin nito sa kaniya.Simula kasi noong mag bitiw siya sa serbisyo anim na taon na rin ang nakararaan ay madalang na lamang silang magkita nito.Iniiwasan kasi niya na magpakita rito sapagkat palagi lamang siya nitong pinipilit na bumalik mula sa serbisyo.“Ilang taon tayong hindi nag kita pagkatapos ay malalaman ko lang na nakakulong ka rito, Leo?”Hindi kaagad na nakasagot ang binata. Napasimangot naman ang nakatatandang Rodriguez dahil dito. “What now? Are you practicing yourrights of silence?”“I-its not what you think, sir. I didn’t harm anyone let alone kill them. This is all a misunderstanding,” paliwanag niya sa tiyuhin.“I know. I’m not here to blame you but to bail you out.”“You don’t have to do that, sir.”&ldqu
DAHIL sa lead na nakuha ni Leopold ay kaagad siyang nagsagawa ng background check sa mga empleyadong napag-alaman niyang nagkaroon ng problema sa kumpanya.Nagulat pa siya nang makita ang isang pamilyar na pangalan sa listahan. Arman Chavez. Isa sa mga naging kaklase nila noong sila ay nasa High school pa lamang.Kilala niya ang lalaki. Mabuti itong tao, ngunit katulad niya ay salat din sa pera ang pamilya nito kaya naman ay kasama niya ito na palaging binubully ng grupo nina Crisostomo noong araw.Kung noon ay paloko-loko lamang ang mga masasamang ginagawa ni Crisostomo rito ay iba na ito ngayon.Kasama si Arman sa mga na lay-off na empleyado ng Almeda Electric Corporation.Kagyat niyang kinuha ang address ng dating kaibigan at mabilis na pinasibad ang sasakyan patungo sa kasalukuyang tinitirihan ng lalaki.Nang marating niya ang lugar ay sinubukan niyang hanapin ang dating kaibigan dito ngunit makailang beses na rin siyang nabigo.M
LEOPOLD tried to calm him down but to no avail. Arman continued on attacking him. Driven by something Leopold do not know. But due to the man’s aggression, Leopold had confirmed his hunch that it was Arman who murdered Crisostomo Almeda.Nag hintay nang opening si Leopold sa mga ginagawang pag-atake ni Arman.Nang muli nitong i-angat ang kaniyang patalim ay sinamantala naman iyon ni Leopold at ibinato ang tasang nahawakan niya sa kamay ng lalaki.Naging dahilan ito upang mabitiwan ng lalaki ang patalim.Nagpakawala naman ng isang napakalakas na suntok si Leopold na kumonekta sa panga ni Arman.Napaigtad ito at bumalandra sa lupa.Nahihilo pang tumayo si Arman pero hindi na hinayaan pa ni Leopold na tuluyang makabawi ito kaya agad niyang tinalunan ang lalaki dahilan upang magkabasag-basag ang mga kagamitan sa paligid.Tatayo na sana si Leopold upang itali ang mga kamay ni Arman nang bigla itong pumiksi at suntukin siya sa mukha, pa
MATAPOS malinis ni Leopold ang kaniyang pangalan at mapatunayang hindi siya ang pumatay kay Almeda ay humingi ng paumanhin sa kaniya ang hepe ng istasyon kung saan siya na-detain. Binisita rin niyang muli ang Tito Santi niya sa opisina nito upang magpasalamat sa naging tulong nito sa kaniya. “Sisiguruhin ko na makakabawi ako sa inyo, Tito.” “Bakit ko pa hihintayin na makabawi ka kung puwede mo namang gawin ngayon?” “What do you mean, Tito?” Nagugulumihang tanong ni Leopold. Binuksan naman ng heneral ang drawer sa desk nito at may kinuha roon. Kumunot pa ang noo ng binata nang makita ang dalawang kulay pulang invitation card. “Hindi ako makadadalo sa pagtitipong ito, kaya hinihiling ko sana na kayo muna ni Raymund ang magtungo roon bilang mga proxy ko,” anunsyo ni Gen. Santillan. “What? But I don’t think that I’m—” “Please, son. This is an important event but I have something much more important to do. If you’re wo
ILANG araw na ang lumipas mula nang magtungo sila sa event at kamuntikan nang sumakabilang-buhay dahil kay Raymund.Pero hindi pa rin niya nakakalimutan ang babaeng naka-red dress. May kung ano sa babae ang pamilyar sa kaniya ngunit hindi niya lang alam kung ano ito.“Ano kayang nangyari riyan kay bossing?” tanong ni Harmony sa kapwa serbidor na si Alexis.“Aba, ano’ng malay ko riyan. Kayo ang close ni sir eh, bakit hindi mo sa kaniya itanong ‘yan,” sagot naman ni Alexis.Napasimangot naman si Harmony sa naging tugon sa kaniya ng lalaki. “Wala ka talagang silbi kausap kahit kailan eh no?”Tinalikuran na niya ang lalaki at dahan-dahang nilapitan si Leopold. Halos mapatalon ang lalaki nang bigla siya mag salita sa tabi nito.“What the hell?”Nakangising nag peace sign si Harmony sa lalaki. “Ano ba kasi ang nangyayari boss? Ang aga-aga para kang nananaginip diyan. “
HINDI pa rin maalis sa isipan ni Leopold ang panaginip niya noong isang gabi. Patuloy pa rin siyang binabagabag at kinakain ng guilt sa pagkawala ng kaniyang mga kasamahan at ni Beatriz.Dahil dito ay dinala muna niya si Lia sa tahanan ng kaniyang tiyuhin upang sana’y mapag-isa. Inihabilin na rin muna niya kina Harmony ang pagbubukas ng Lia’s gourmet para sa araw na iyon.At dahil nga ilang araw na siyang hindi makatulog nang maayos ay napagpasyahan niyang bumisita sa kaniyang psychiatrist.Binigyan siya nito ng pills na makatutulong upang mas maging payapa ang pagtulog niya sa bawat gabi. Hiningan din niya ito nang paliwanag kung bakit muling bumabalik ang kaniyang mga bangungot.Pero kahit pa anong sabihing paliwanag at pagpapagaan sa kaniyang kalooban ay tila ba hindi siya makuntento. Pakiramdam niya ay mayroon pa ring kulang.Nagmaneho siya patungo sa kawalan. Tanging ang makalimot lang ang nais niyang mangyari ng mga sandaling iyon
LEOPOLD had spent the past three days working from his restaurant after their mission. Trying to forget how he barely see any signs of Bart and Malia. Their brothers in the organization are relentlessly working to track down the man who took his daughter but to no avail. He will visit Julie at their medical facility later. His friend just woke up few hours ago. They thought they were about to lose Julie but thank all the gods of mankind they didn’t. He was about to wrapped up when a familiar face entered the restaurant. “Mr. Rodriguez, long time no see!” said the man who arrived. “Mr. Lacasa. Great to see you,” ani Leopold. “Is it?” pagbibiro pa ng matanda na sinundan nito ng malutong na halakhak. Hindi alam ni Leopold kung bakit pero hindi talaga siya napapakali kapag nasa malapit ang matanda. Pero na ganito pa ang nararamdaman niya ay hindi naman niya ito maaaring itaboy sapagkat “I haven’t seen you in a while, Mr. Rodriguez. Are you busy with something else?” tanong ni Conrad
THE sound of someone making breakfast awoke Leopold from his slumber. Every instinct deep down told him to keep his eyes closed, but he knew it was a fool’s errand. Time was passing, and he was almost out of it.He opened his eyes to see Atlas smiling at him, “Good morning,” Atlas greeted, “slept well?”Leopold nodded slightly, unsure how to respond. “Yes, what are you doing here early this morning?” he said as she slowly got up. “When this is all over, we have a lot to talk about you and me.”Atlas furrowed his eyebrows. “About what?”“About your frequent trespassing here at my house, you dipshit!” Leopold extracted his self from the bed, hearing the joints in his back popping. In few short minutes, he was done taking a bath and went downstairs. Atlas and Julie had a hot bowl of soup and a side of bacon waiting for him.“Come on! Dig in!” Julie invited.“You can cook?” Leopold inquired making the woman spout.“Of course. Do you really think you’re the only one who can cook among all
THE gong sounded, and Hiroshi and Asahi limped and stumbled back to their starting marks. They exchanged pleasantries of bowing to each other and their grandfather. Hiroshi went to his defensive stance, while Asahi went on to his offensive strikes. The round kicked off with Asahi screaming wildly, smashing his left hand and his feet against Hiroshi’s defenses. Hiroshi blocked what must have been a dozen strikes effectively despite his poor balance with one good leg. Finally, Asahi seemed to collapse as his eyes closed. Instinctively, Hiroshi, tried catching his brother. Leopold saw what was happening before Asahi opened his eyes. Exploiting your older brother’s protective instinct to get him to drop his guard. You rotten bastard! Leopold thought at the back of his mind. Asahi’s left hand sprung like a rattlesnake toward the center or Hiroshi’s chest. Hiroshi gripped his brother’s forearm, desperately trying to keep the lethal object of his hand off her heart. Asahi seesawed with hi
LULAN ng dalawang sasakyan ay mabilis na tinalunton nina Leopold ang daan na maaaring tinahak ni Bart kasama si Malia.Ngunit hindi na nila makita pa ang mga ito. Maging ang grupo ni Jonas na umikot pa upang sana ay salubungin ang mga ito ay hindi sila nagawang maabutan.Alam ni Leopold na hindi sasaktan ni Bart ang bata ngunit may kung anong bagay ang nag bibigay sa kaniyang dibdib ng kaba. Kaba na kanina pa hindi naaalis sa kaniyang sistema.Kasalukuyan na silang pabalik ngayon sa Headquarters ng Crow. Naroon din na nag aabang ang ilan pa nilang mga kasamahan na hindi nakasama sa ibang sumaklolo sa kanila.“Is everyone safe, Sir Jonas?” tanong ni Abel habang katabi ang kakambal na si Cain.“Thankfully, Yes.” Jonas replied.“Thank god!” Napahalukipkip na tugon pa ng lalaki.Hindi nag tagal ay dumating na rin ang grupo nina Leopold. Nanlulumong napaupo ang lalaki sa high stool ng bar. Napansin ito ng iba pa ngunit hindi na lamang sila nag salita.Matapos bigyan ng isang baso ng scotch
NO ONE couldn’t fathom how uneasy Leopold was. Almost a dozen of armed men were in front of them. A small move and they will be dead. The worst case scenario— His daughter will die as well.His mind tried to calculate any escape route but to no avail. They were surrounded. One resistance from them and the three of them would be dead meat in an instant.A shape of a human being emerges from the darkness. Leopold was stunned upon seeing the man standing in front of him. It was Bart.His serious face began to show emotions that he tried to suppress long ago when he saw Malia. His daughter.“How did you find us?” Leopold asked the man.“It is not that hard to track your whereabouts, Leopold.” Bart answered.Muli nitong sinipat ng tingin si Malia. Humarang naman si Leopold nang mapansin ito. “Why are you doing this? Why did you join the Golden Circle?”“To get my revenge to you,” tugon nito bago muling tiningnan si Lia na nagtatago sa likuran ni Mira. “And to get my daughter back.”Parang
PARANG ipo-ipo sa ginawang pag kilos ang lahat. Kaagad na tumakbo patungo sa van sina Julie, Faustus at Leopold upang kunin ang kanilang mga baril.Habang si Mira naman ay kagyat na hinila sa isang gilid si Lia na naguguluhan sa mga nangyayari.“Tita? What are you playing po?” Nagtatakang tanong ng paslit na ang akala ay naglalaro lamang ang mga nakatatanda.“Uhh…” Umikot muna sa paligid ang mga mata ni Mira bago sagutin ang bata. “We’re about to play hide and seek baby, at tayong dalawa ang magkakampi kaya huwag kang aalis sa tabi ni Tita Mira, okay?”“Okay po,” sagot naman ng bata.“Leopold, Faus, Julie, Flint! With me!” utos ni Jonas.Nag-aalala naman na napatingin si Leopold kay Mira at Lia. Hindi niya nais iwanan ang anak sa gitna ng kaguluhan.“Don’t worry, I’ll take care of your daughter,” paniniguro ni Mira sa nag-aalalang ama.“I’ll be with them, Pare. Huwag kang mag-alala,” singit naman ni Atlas.Matipid na ngumiti naman si Leopold sa kanila. “Thank you guys. Take care.”“Le
PATAKBONG pumasok sa medical facility ng Crow si Leopold. Parang tambol sa lakas ang pag kabog ng kaniyang dibdib ng mga sandaling iyon.Ni hindi na nga niya nahintay pang matapos ni Atlas ang hatid nitong balita kanina. Dahil base pa lang sa hitsura kanina ng lalaki ay hindi mabuting balita ang hatid nito sa kaniyang tahanan. Pakiramdam pa nga niya ay ang oras na mismo ang kalaban niya ng mga sandaling iyon.Wala siyang kinatatakutan. Kahit nga si kamatayan ay maaaring mahiya na lang sa kaniya dahil hindi na niya ito kinatatakutan. Sa dinami-rami na rin ng mga laban at misyon na hinarap niya ay kabisado na niya kung paano niyang matatakasan ang taga-sundo ng mga kaluluwa.Pero para sa kaniya ay naiiba ang mga sandaling ito. Hindi man siya naniniwala sa mga Diyos na sinasamba ng mga tao ay pakiwari niya ay luluhod sa kahit na saang simbahan, mosque o templo ng mga ito para lang humiling na huwag munang bawiin ang pinakamamahal na anak.Naging kapansin-pansin para sa kaniya na wala ni
HALOS huminto ang pintig ng puso ni Leopold nang saksakin ni Bart si Haidee sa likuran nito. Ang masakit pa rito ay makailang ulit niya pa itong ginawa.Kitang-kita nila Leopold ang ekspresyon nang paghihirap sa mukha ni Haidee dahil sa magkakasunod na saksak na tinamo nito mula kay Bart. Napaubo rin ito ng dugo malamang dahil sa shock na tinamo ng katawan nito.“No… stop…” wika ni Leopold ngunit tanging siya lamang ang nakakarinig.Lalo siyang nanigas sa kinaroroonan nang makita kung paanong unti-unting mapapikit si Haidee habang nakangisi namang nakatingin sa kaniya si Bart. Ang tingin niya sa lalaki ngayon ay isang demonyong nagbabalat kayo bilang tao.Pilit na tumayo si Leopold sa kabila ng kaniyang panghihina upang sana’y pagbayarin si Bart sa kaniyang ginawa. Subalit bago pa man siya makalapit dito ay binitawan nito ang nag hihingalong si Haidee.Kaya naman sa halip na si Bart ay si Haidee ang agad niyang tinungo. Mabuti na lamang at nagawa niya itong masalo sa tamang oras.Agad
NAALARMA sina Jonas at Julie sa ginawa ni Leopold kaya naman bago pa pumutok ang laban ay nagawa nilang lapitan at tabihan si Leopold. Hindi naman sila nagkamali nang ginawa dahil kasalukuyan nang nakatutok sa binata ang dalang baril ni Krishmar habang nasa leeg naman ni Leopold ang kukri knife na hawak naman ni Levi. Wala na rin silang nagawa ng mga sandaling iyon kung hindi itutok sa mga ito ang dala nilang mga armas. Mabuti na lamang at may kaingayan at madilim ang paligid kung saan sila naka-pwesto dahil kung hindi ay kanina pa nakita ng ibang bisita ng event ang mga nagaganap. “Don’t make any move or you will die in here,” babala ni Jonas kay Levi habang nakatutok ang baril sa lalaki. “You too, asshole,” malamig na saad din ni Julie kay Krishmar na lumabas pa ang ugat sa noo dahil sa naging tawag ng dalaga sa kaniya. “You smells good, honey. I believe you taste good as well.” Nakangising wika ni Krishmar. Maya-maya lang ay tumunog ang telepono ni Grizzly na nakatumba pa rin