KASALUKUYANG tinatalunton ni Andrea ang daan papasok sa shopping district nang may mapansin. Napansin niya ang isang batang babae na may hawak na isang malapad na tablet.
Mataman niyang pinagmasdan ito. Nagpalinga-linga pa siya upang subukang tukuyin kung sino sa mga tao sa paligid ang magulang nito ngunit wala ni isa man sa mga ito ang kahawig ng bata.
Pababayaan na lamang sana niya ito at itutuloy na ang pagtakas na ginagawa niya sa mga bodyguard na npalaging nakabuntot sa kaniya nang makitang nilapitan ng tatlong teenager ang bata na sa tingin niya ay nasa anim o pitong taong gulang pa lamang.
Base sa nakikita niya ay pinipilit ng mga teenager ang bata na ibigay sa kanila ang tablet na hawak nito. Hindi naman nagpapatalo ang bata kahit pa mas malaki ang mga ito sa kaniya.
Noong pilit nang inaagaw ng mga teenager sa bata ang tablet nito ay dito na umaksyon si Andrea. Tahimik niyang nilapitan ang mga ito at binatukan ang tatlong ulupong mula sa kanilang mga likuran.
At dahil nga teenager pa lamang ang mga ito ay mas matangkad pa rin si Andrea sa height niyang 5’6 kumpara sa mga ito. “Ang kakapal ng mukha ninyo! Bakit ninyo kinukuha ang mga bagay na hindi naman sa inyo huh? ‘Yan ba ang itinuro ng mga magulang ninyo huh?”
Subalit kahit na mas matangkad si Andrea sa mga ito ay tila ba hindi natatakot ang mga teenager na kaharap. Sa halip na agarang umalis ay humarap pa ang isa sa mga ito sa dalaga at pinandilatan ng mga mata.
Hindi naman nagpatalo ang dalaga at pinandilatan pa ito habang nakapamaywang. The staring contest between Andrea and the leader of the ‘teenager walang nanay group’ begun.
Ilang minuto pa ang lumipas subalit walang nais na magpatalo sa kanilang dalawa. Kapwa naluluha na ang mga ito dahil sa hindi pagkurap na ginagawa.
Nang kumurap ang binatilyo ay napasimangot ito dala nang pagkatalo sa dalaga. “Tara na nga! Mangalakal na lang tayo para makakain na tayo, may paepal dito eh!”
Napahawak naman sa kaniyang dibdib ang dalaga at umaktong ito’y nasaktan sa sinabi ng binatilyo ngunit kalaunan ay tinawanan lang niya ito. Napapailing naman siyang tinalikuran ng mga ito.
Ngunit bago tuluyang makalayo ang mga ito ay muli niyang tinawag ang grupo.
“Kumain na ba kayo?”
“Ano namang pakialam mo kung kumain na kami?” matalas na sagot ng binatang nakalaban niya sa munting staring contest nila kanina.
Hindi na pinatulan pa ni Andrea ang pilosopong sagot ng binata. Hinawakan niya sa kamay ang batang babae na namimilog ang mga matang nakatingin sa kaniya dahil marahil sa paghanga sa ginawa niyang pagtatanggol dito.
“Halika, sundan ninyo ako.”
Napangiti ang dalaga nang maramdaman ang mabilis na pagkilos ng mga binatilyo upang sundan siya.
Dinala niya ang mga ito sa isang fastfood restaurant. Pinaupo ang mga ito at iniwan sandali upang umorder ng kanilang makakain.
Nang dumating ang mga pagkaing inorder ay napansin pa ng dalaga ang ginawang pagtitinginan ng tatlong binatilyo. “Why may problema ba? Hindi ba ninyo nagustuhan ang mga pagkain?”
Ang matapang na binatilyo na napag-alaman niyang Bernard ang pangalan, ang sumagot sa kaniyang tanong. “H-hindi po. Gusto ko lang sanang itanong kung maaari ba na hindi namin dito ito kainin?”
Nagtaka naman si Andrea sa naging hiling ni Bernard. “Huh? Bakit?”
Naging kapansin-pansin naman para kay Andrea ang pag hinga ng malalim ni Bernard bago pikit-matang sumagot.“Gusto kasi sana namin na ibahagi sa nakababata naming kapatid ang mga ito.”
Ilang sandali pa ang lumipas ay tahimik lamang na pinagmamasdan ng dalaga ang tatlo. Nadudurog ang kaniyang puso na kinakailangan dumaan ng mga ito sa ganitong klase ng kahirapan.
Para sa mga katulad niya na ipinanganak na mayroong gintong kutsara sa mga bibig ay maliit na bagay lamang ang usapin ng pagkain. Kahit wala silang gawin sa kanilang mga tahanan ay hindi nila kinakailangang problemahin ang kanilang mga makakain.
Hindi katulad ng mga batang ito na nasa laylayan ng lipunan na kung hindi kikilos at magbabanat ng buto ay hindi rin makakakain sa mag hapon.
Muling idinilat ni Bernard ang kaniyang mga mata nang walang marinig na kahit na anong tugon mula sa dalaga.
Nabungaran niya si Andrea na seryoso ang mukha at nakatitig lang sa kaniya.
“Hindi puwede.”
Laglag ang balikat hindi lamang ni Bernard kundi pati na rin ng dalawa pa niyang kasama na sina John at Kurt.
“Pero katulad namin ay hindi pa rin sila kumakain! Gusto lang naman naming ibahagi sa kanila ang mga masasarap na pagkaing ito.”
“Kainin na ninyo ‘yan at huwag na kayong madami pang iniisip!” matigas na saad ni Andrea. “Ikaw din, baby girl. Kumain ka na, okay?”
Agad naman siyang sinunod ng apat na bata at tahimik na kumain. Matapos maubos ang burger na binili para sa sarili ay tumayo si Andrea at saglit na nagpaalam sa mga bata na tahimik pa ring kumakain.
Lalo na ang batang babae na maganang nilalantakan ang lahat ng nakahain sa kaniyang harapan. Hindi rin nag tagal ay nagbalik na muli sa kanilang mesa si Andrea.
Narinig pa niya ang mahinang bulungan ng mga binatilyo. Hindi pa marahil siya napapansin ng mga ito.
“Tingnan mo yung bata ang takaw. Mukha namang mayaman. Tingnan mo nga at halos ubusan na tayo ng makakain kanina,” bulong ni John kay Bernard na napaangat bigla ang tingin sa batang babae.
“Hayaan na ninyo siya dahil baka nagugutom talaga siya. Hindi naman porke’t mukha siyang mayaman ay wala na siyang karapatang maging matakaw.
Dapat nga ay humingi pa tayo ng paumanhin sa kaniya dahil tinangka natin siyang pagnakawan,” saway ni Bernard sa mga kasama.
Nang muling mapabaling ang tingin ng binatilyo sa batang babae ay sumilay ang isang matamis na ngiti sa mga labi ni Bernard. Subalit hindi rin nagtagal ang ngiting iyon dahil muling bumalik sa normal ang ekspresyon ng binatilyo nang mapansing nakatayo si Andrea sa kanilang harapan.
Lingid sa kaalaman ni Bernard ay narinig lahat ni Andrea ang kaniyang mga sinabi. Na-touch naman ang dalaga dahil sa mga mabubuting bagay na sinabi nito.
Hindi nga siya nagkamali ng hinala.
Hindi talaga tunay na masasama ang ugali ng mga batang ito. Batid niya na biktima lamang ng kahirapan ang mga ito kung kaya naman ay napipilitan silang gawin ang mga bagay na hindi naman nila tunay na nais gawin.
Napansin ng tatlo ang mga supot na dala ni Andrea. Nang mapagtanto ng dalaga kung saan nakatingin ang mga ito ay ngumiti siya at inilapag ang mga ito sa harapan nilang tatlo.
“A-ano po ito?” tanong ni Kurt sa kaniya.
“Iuwi ninyo ang mga iyan. Umorder ako ng makakain para sa inyo at sa mga maliliit na kapatid na sinasabi ninyo. Tatagal na siguro ‘yan hanggang mamayang gabi,” sagot ni Andrea.
“Wow! Talaga po?” nagniningning ang mga matang pagkumpirma ni John.
Ngunit mabilis na pinalis ni Bernard ang kamay ng mga kasama at seryosong humarap kay Andrea. Lubha naman itong ipinagtaka ng dalaga.
“Hindi ko po gustong mag mukhang walang utang na loob, Ma’am. Pero bakit po ninyo ito ginagawa? May masama po ba kayong tangka sa amin? Virgin po pa kami!” walang kaabog-abog na wika ni Bernard na makikita sa mga mata ang pag-aalangan.
Nabigla naman si Andrea sa naging tanong ng binatilyo. Ngunit agad na nawala ang pagkabiglang iyon dahil napabunghalit siya ng tawa. Hindi niya inaasahan na iniisip pala nitong may kapalit ang lahat ng mga ipinakikita niyang mabuti sa mga ito.
Pinahid niya ang mga namuong luha sa sulok ng kaniyang mga mata nang matapos na siya sa pag tawa. “Oh god, you silly kid. Don’t worry wala akong balak na masama sa inyo at lalo naman na hindi ko gustong kunin ang virginity ninyong tatlo, noh!”
Pinamulahan naman ng mukha si Bernard. Malamang ay na-realize na nito na hindi tama na pinag isipan niya kaagad ng masama si Andrea. “K-kung ganoon po ay bakit ninyo kami tinutulungan, ma’am?”
“Ate Andy na lamang ang itawag mo sa akin. Bakit ko kayo tinulungan? Wala lang. Marami kasi akong pera eh!” biro pa niya sa binatilyo. Ngunit nang mapansin niya na seryoso ito ay muli siyang nag salita. “Hindi ko rin alam kung bakit ko kayo tinulungan. Pero sa tingin ko kasi ay iyon ang tamang gawin sa mga ganitong sitwasyon.”
Hindi nakaligtas sa mga mata ni Andrea ang bahagyang pag ngiti ni Bernard na kaagad namang napalitan nang kaseryosohan.
Batid ni Andrea na nais lamang nitong mag mukhang kagalang-galang sa harap ng mga kasama kaya naman ay palaging stiff expressions lang ipinapakita nito sa lahat.
Hinarap naman ng dalaga ang batang babae na tahimik lamang silang pinagmamasdan. Natapos na pala itong kumain. Pinahid ni Andrea ang kumapit na mga tsokolate sa mamula-mulang pisngi nito galing sa ice cream sundae na kinain.
“What’s your name, baby girl? Where do you live?” Magkasunod na tanong ng dalaga rito.
“My name is Malia Zoe Rodriguez po, I live in Dasmarinas, Cavite,” sagot ng bata na tila ba nag rerecite sa paaralan.
“Dasmarinas? Eh anong ginagawa mo rito sa Tagaytay?” gulat na tanong ni Andrea.
“Kasama ko po si Daddy kanina. Iniwan niya ‘ko sa car namin while I’m playing with my tablet po…”
“And?”
“Then I went outside po to play Pokémon Go. Naghahanap po ako ng mga Pokémon until I arrived here po.”
Napasapo sa kaniyang noo si Andrea nang marinig ang rason kung bakit napahiwalay ito sa kaniyang ama.“Where’s your Daddy now? Alam mo ba kung saan naka-park yung car ninyo?”
Napakagat labi ang dalaga nang umiling lang sa kaniya bilang tugon ang bata.Batid niya na mahihirapan siyang hanapin ang ama ng bata. Sigurado pa naman siya na nag-aalala na ito sa mga sandaling iyon. Lalo pa’t napaka-cute ng anak nito.
Napapalakpak naman si Bernard nang may maalala. Kinalabit niya si Andrea na abala sa pagdutdot sa telepono nito.
“Ate, may lalaki po kanina na naghahanap sa anak niya. Hindi po kaya ‘yon ang tatay nitong matakaw na bata?”
Nanlaki naman ang mga mata ni Andrea dahil sa narinig. Kung totoo nga na ito ang ama ng batang babae ay mas mapapadali na ang kaniyang paghahanap dito. “Saan mo siya huling nakita?’
Agad na pinuntahan ni Andrea ang lugar kung saan nakita nina Bernard ang lalaki. Subalit nang sila ay dumating sa lugar ay na ito roon. Sinubukan pa nilang mag-ikot ng ilang beses upang siguruhin kung wala nga ba talaga ito roon ngunit bigo pa rin silang matagpuan ito.
Kulay kahel na ang kalangitan. Indikasyon ito na malapit nang dumating ang takip-silim. Napag desisyunan na rin ni Andrea na isama na lamang sa police station ang bata upang magpatulong sa mga pulis.
“Pwede na kayong umuwi nina John at Kurt, Bernard. Magpupunta na lang ako sa Police Station para magpatulong sa mga pulis na mai-uwi ang batang ito,” wika ni Andrea.
Hindi naman na tumanggi pa si Bernard at ang dalawa pa. kinakailangan na rin kasi nilang umuwi at ibigay sa mga nakababatang kapatid ang mga pagkaing dala nila.
Dinukot ni Andrea mula sa kaniyang sling bag ang kaniyang pitaka at kumuha roon ng ilang daang piso. Inabot niya ito kay Bernard ngunit magalang lamang siyang tinanggihan ng binatilyo.
“Marami na po kayong naibigay sa amin, Ate Andy. Kalabisan na po para sa amin kung tatanggapin pa namin ang perang ibinibigay ninyo. Kikitain din po namin yan sa pangangalakal.”
Labis naman na hinangaan ni Andrea ang disiplina at kabutihang loob ni Bernard. Nasisiguro niya na sa kasabay ng tamang pag gabay ay malayo ang mararating ng bata.
Ilang beses pang pinilit ni Andrea na tanggapin ni Bernard ang pera ngunit patuloy lamang ang pagtanggi nito hanggang sa magpaalam na ito.
“Dito po ang daan papunta sa amin. Taluntunin lang po ninyo ang daan na ‘yan at makikita na ninyo ang Police station, Ate. Huwag kang mag-alala dahil hindi kayo mapapahamak diyan.”
Kumakaway na nagpaalam na ang tatlo sa kanila. Bago makaliko ang mga ito sa kanto ay kinawayan pa sila ng mga ito.
Nang mawala na sa paningin ni Andrea sina Bernard ay lumuhod naman siya upang panatagin ang kalooban ni Lia.
“Don’t worry, baby girl. I’ll get you home, I promise. Okay?”
Tumango lamang sa kaniya ang bata kasabay nang paghikab nito. Napangiti naman si Andrea dahil sa aktong iyon ng bata. Napaka-cute kasi nitong pagmasdan.
At dahil nga alam niya na pagod na rin sa kalalakad ang bata ay binuhat na lamang niya ito. Hindi naman nag tagal ay nakatulog na rin si Lia habang nakaunan sa kaniyang balikat.
Napakapayapa nitong pagmasdan kapag natutulog. Kung nangungusap ang mata nito kapag ito ay gising na para bang ikaw ay mahuhulog sa kawalan. Tila nasa mapayapang mundo naman siya kapag ito ay nakapikit.
Sa wakas ay narating na ni Andrea ang istasyon ng mga pulis. Agad niyang ini-report sa mga ito ang mga kaganapan at kung paano niya natagpuan si Lia ngunit hindi na niya sinabi pa ang patungkol kina Bernard.
Mabilis namang nahanap ng mga pulis ang pagkakakilanlan ng ama nito na agad nilang tinawagan. Siniguro naman ng mga pulis sa dalaga na patungo na ngayon sa istasyon ang ama nito.
Maya-maya ay nag ring ang kaniyang cellphone. Ang pangalan ng kaniyang lolo ang rumehistro sa call log niyon. Agad niya naman itong sinagot dahil hindi niya gusto na mag alala ito dahil sa mag hapon na pagkawala niya.
“WHERE ARE YOU?”
Napangiwi si Andrea dahil sa lakas ng boses ng kaniyang lolo. “Calm down, Gramps. Baka atakihin ka sa puso riyan. Pauwi na rin po ako, something just came up kaya mag hapon akong nawala. Nandito ako sa Police station and maya-maya lang ay uuwi na ako.”
“POLICE STATION? ANO NA NAMAN ANG GINAWA MO NGAYONG BATA KA, HUH?”
Napakamot sa kaniyang ulo ang dalaga.
“Wala akong ginawa, Lo! Grabe ka naman eh. Anyway, I got to go! I’ll explain everything na lang when I got home.”
“Come home now, Andrea. Kanina ka pa hinihintay ni Damian dito sa bahay!”
Mariing napapikit naman si Andrea sa narinig. Kaya naman pala hinahanap at minamadali na naman siya ng kaniyang lolo ay dahil dumalw na naman sa kanilang tahanan ang Fiancée niya.
Hindi man niya gusto ang arranged marriage set-up ay hindi naman niya magawang tumanggi dahil utos ito ng kaniyang lolo. At hindi naman niya kayang biguin ang kahilingan ng matanda.
Kaya kahit hindi niya mahal ang lalaki ay hindi niya magawang tanggihan ito sa tuwing darating ito sa kanila.
“Excuse me, sir? Matagal pa po ba ang tatay nitong batang ito?” tanong niya sa mga pulis.
“Naku, Ma’am mga 15 minutes pa raw po bago siya makarating dito. Kung mya pupuntahan po kayo ay pu-puwede naman ninyong iwanan na lamang siya rito.”
Mabigat man sa loob niya na iwanang nag-iisa ang natutulog na si Lia ay hindi na niya magagawa pang hintayin na makarating dito ang ama nito. Isa pa ay nakasisiguro din naman siyang ligtas ang bata sa lugar na ito dahil may mga babaeng police officer din naman sa paligid.
Nilapitan niya ang bata at ikinumot dito ang kulay pink niyang scarf. Hinawakan din niya ito sa pisngi habang taimtim na napangiti. “I’m sorry to leave you behind, baby girl. But I really need to go. Sana ay mag kita pa tayo ulit in the near future.”
Hinalikan niya sa pisngi ang bata. Nagulat naman siya nang awtomatikong yumakap ito sa kaniyang leeg kahit pa natutulog ito na para bang instinct na nitong yakapin ang mga paalis na tao sa kaniyang paligid.
“Your father will be here soon, honey. Everything’s going to be alright now,” bulong niya sa maliit na tainga nito.
Hindi naman nag tagal ay kusa na itong bumitiw sa pagkakakapit sa kaniya.
Matapos magpaalam sa nahimbing na bata ay siniguro niya munang nasa mabuting kalagayan ito sa kamay ng mga pulis bago tuluyang lisanin ang istasyon.
MATAPOS makatanggap ng tawag mula sa istasyon ng mga pulis ay agad na nagtungo roon si Leopold kasama si Raymund. Nang makababa mula sa sasakyan ay nahagip pa ng paningin ng binata ang isang papaalis na babae mula sa istasyon ng mga pulis. Hindi na niya pinagtuunan pa ito ng pansin at agad na pumasok sa loob nakasunod naman sa kaniya ang kaniyang pinsan. Mabilis na umikot ang mga mata ni Leopold sa paligid upang hanapin ang anak. Si Raymund na lamang ang nakipag-usap sa mga pulis habang abala ang binata sa pag oobserba sa paligid. Patakbong lumapit sa isang bench si Leopold nang matagpuan ng kaniyang mga mata roon ang anak. Mahimbing itong natutulog. Ininspeksyon pa niya ang mga braso at paa ni Lia kung may sugat ba ito. Nagpapasalamat na napabuntong-hininga si Leopold nang masigurong wala itong kahit na anong galos. Nang muli niyang tapunan ng tingin ang anak ay doon lamang niya napansin ang pink na scarf na nakabalot sa bata. Nilapitan niya
NANLAKI ang mata ng mga kasama ng babaeng nagngangalang Kristin. Pati si Harmony na nagse-serve sa kabilang table ay napaubo nang malaman na ex-girlfriend pala ito ng kaniyang amo.“It’s good to see you again after so many years, Leo.”Ngumiti lang kay Kristin ang binata. sa totoo lang ay wala naman talaga siyang pakialam sa pagkikita nilang ito. Ang mahalaga lamang sa kaniya ay sa kaniyang restaurant napiling kumain nito.“I can’t believe that you’re still poor after all these years. God, it’s really a good choice to break up with you when we were in high school or else, losyang na siguro ako sa sobrang stress sa iyo,” maarteng saad pa ni Kristin.Magsasalita na sana si Harmony na kapansin-pansin ang pag dilim ng anyo. Hindi niya maatim na nilalait-lait lamang ang taong tumulong sa kaniya na makapag tapos ng pag-aaral at tumuring sa kaniya bilang kaparte ng pamilya nito.Subalit agad siyang napigil n
DUMATING na ang araw ng reunion. At dahil nga nakasaad naman sa invitation na alas otso pa ng gabi mag sisimula ang programa ay sa Lia’s gourmet muna tumambay at nagpatay ng oras si Leopold.Napakiusapan na rin niya si Raymund na samahan muna si Lia sa kanilang bahay ngayong gabi dahil siguradong mahuhuli na siya sa pag-uwi mamaya.Pinanonood lamang niya kung paanong landiin ni Harmony ang mga babae nilang customer na willing namang makipag-lokohan sa lalaki. Hindi na siya nagtataka kung bakit magkasundo ito at si Raymund. Pareho kasi silang mahilig sa mga babae.Mabuti na lamang talaga at nasa magkaibang branch sila ng restaurant dahil kung hindi ay baka imbis na restaurant ay maging bar na ang Lia’s gourmet.Seven-thirty na ng gabi nang mapag desisyunan ni Leopold na magtungo na sa event. Hindi naman siguro masama kung mahuhuli siya ng kaunti rito. Tiyak naman na wala masyadong makakatanda sa isang dating mahirap na bastardong kagaya niya.
HANGGANG sa makarating sa kanilang tahanan si Leopold ay tila ba wala pa rin siya sa kaniyang sarili.Nanumbalik ang lahat ng sakit at guilt nang mamatay ang lahat sa team niya seven years ago.Pakiramdam niya kahapon lamang nangyari ang lahat ng iyon. Ang bawat putok ng baril na kaniyang naririnig habang siya ay nasa gitna ng laban noon ang siyang umaalingawngaw sa kaniyang pandinig ngayon.Ang bawat pagtangis at sigaw ng mga inosentang mamamayan na naipit sa gitna ng isang nakamamatay na laban ang siyang nananariwa sa kaniyang isipan ng mga sandaling iyon.Kalahating oras na ring nasa loob lamang ng kaniyang sasakyan si Leopold. Hindi niya magawang bumaba mula roon dahil pakiramdam niya ay kaagad siyang hihilain patungo sa kailaliman ng lupa ng kaniyang mga namayapang kasama.Isinubsob niya ang kaniyang mukha sa manibela at mahigpit na piniga iyon.Nag-init ang sulok ng kaniyang mga mata. Kasabay nang pag-alpas ng mga luhang pilit niyang p
KAHIT pa late na nakatulog si Leopold kagabi matapos niyang mag stroll at tumambay sandali sa isang tulay ‘di kalayuan sa kanila ay maaga pa ring nagising ang binata. Kinakailangan niya pa kasing mag handa ng almusal bago pa magising si Lia at si Raymund. Kumuha siya ng walong piraso ng itlog mula sa egg shelf sa ref at nagsimulang batihin iyon. Napaangat ang sulok ng labi niya nang manumbalik sa kaniyang ala-ala ang weird na babaeng umiiyak sa tulay kagabi. Base na rin sa pagkakasigaw at pagtangis nito ay pihado siyang mayroon itong mabigat na problemang dinadala. Dahil may kadiliman na rin kagabi ay hindi na niya masiyado pang naaninag ang mukha ng dalaga ngunit sigurado siyang maganda ito base na rin sa matangos na ilong at may kanipisang hubog ng mukha nito. Pero hindi niya gustong ma-involved sa isang problematic na babaeng katulad ng babae sa tulay kagabi. Isa pa hindi pa rin naman naaalis sa puso niya ang pinakaunang babae na inibig niya ng lub
MAAGANG gumising kinabukasan si Leopold. Tutal sabado naman at walang pasok sa eskwela si Lia ay itutuloy na niya ang plano niya nang nagdaang gabi.Maaga siyang naligo at naghanda ng almusal. Inihanda na rin niya ang susuoting damit ni Lia para sa araw na iyon. Ibinilin na lamang niya kay Harmony ang Lia’s gourmet at ipinaalam niya na rin sa lalaki na hindi muna siya magtutungo dito sa araw na iyon.Nang matapos lutuin ang paboritong almusal na at maihain ito sa hapag ay agad na inalis ni Leopold ang suot na apron at nagtungo na sa silid ng bata upang gisingin ito.“Lia? Gising na anak, aalis tayo mamaya,” bulong ni Leopold sa bata kasabay nang mahinay na pagyugyog dito.Papungas-pungas na bumangon si Lia.“Saan po tayo pupunta?”“Secret! Huwag ka na lang mag tanong para surprise kung saan man tayo magpupunta ngayon, okay?”Tumango lang si Lia sa kaniyang ama at agad na nagpakarga rito. Nakan
BASANG-BASA dahil sa ulan si Leopold nang makabalik siya sa kanilang sasakyan.Kanina pa sana sila nakaalis sa cemetery kung hindi lamang naiwan ni Lia ang stuffed toy niya sa puntod ng kaniyang ama.“Daddy are why you wet? Where’s your umbrella?” nagtatakang tanong ni Lia sa binata.Ngumiti naman siya rito. “I gave it to someone who needs it the most.”Hindi naman na nag salita pa ang bata. Binuhay na ni Leopold ang makina ng sasakyan at pinasibad ito palayo sa lugar. Dahil sa malakas na ulan ay tumigil muna sila sa isang sikat na fast food restaurant sa bansa. Ang maligayang bubuyog.“Gusto mo ba ng fried chicken, Lia?” tanong ni Leopold sa anak.“Yes po. Pati po Ice cream,” sagot naman ni Lia.Nakangiting tumango naman ang binata sa anak. Matapos makuha ang order sa counter ay kaagad din naman silang nakakita ng mauupuan. Maganang nilalantakan ni Lia ang kaniyang mga pagkain nan
SUNOD-SUNOD na pagkatok sa pinto ang nakapagpamulat kay Leopold isang hapon.Naniningkit pa ang mga matang bumangon ang lalaki para alamin kung sino ang hindi niya inaasahang bisita.Napakunot ang noo ni Leopold nang mabungaran ang tatlong unipormadong pulis ang nakatayo sa pinto.“Good afternoon officers, how can I help you?” saad ni Leopold habang sinisipat ang paligid kung mayroon bang nagaganap na kakaiba.Bumalik ang atensyon niya sa tatlong lalaki nang mag salita ang isa sa mga ito.“Good afternoon. Kayo ba si Mr. Leopold Rodriguez?”“Oo, ako nga. Bakit?”“Gusto ‘ho sana namin kayong imbitahan sa istasyon para makuha ang inyong panig tungkol sa pagkamatay ni Mr. Crisostomo Almeda,” sagot ng isa sa mga pulis.Hindi naman na nag salita pa si Leopold batid kasi niya na isa siya sa mga suspect sa krimen dahil naroon siya sa pagtitipon nang maganap ito.“Can I
LEOPOLD had spent the past three days working from his restaurant after their mission. Trying to forget how he barely see any signs of Bart and Malia. Their brothers in the organization are relentlessly working to track down the man who took his daughter but to no avail. He will visit Julie at their medical facility later. His friend just woke up few hours ago. They thought they were about to lose Julie but thank all the gods of mankind they didn’t. He was about to wrapped up when a familiar face entered the restaurant. “Mr. Rodriguez, long time no see!” said the man who arrived. “Mr. Lacasa. Great to see you,” ani Leopold. “Is it?” pagbibiro pa ng matanda na sinundan nito ng malutong na halakhak. Hindi alam ni Leopold kung bakit pero hindi talaga siya napapakali kapag nasa malapit ang matanda. Pero na ganito pa ang nararamdaman niya ay hindi naman niya ito maaaring itaboy sapagkat “I haven’t seen you in a while, Mr. Rodriguez. Are you busy with something else?” tanong ni Conrad
THE sound of someone making breakfast awoke Leopold from his slumber. Every instinct deep down told him to keep his eyes closed, but he knew it was a fool’s errand. Time was passing, and he was almost out of it.He opened his eyes to see Atlas smiling at him, “Good morning,” Atlas greeted, “slept well?”Leopold nodded slightly, unsure how to respond. “Yes, what are you doing here early this morning?” he said as she slowly got up. “When this is all over, we have a lot to talk about you and me.”Atlas furrowed his eyebrows. “About what?”“About your frequent trespassing here at my house, you dipshit!” Leopold extracted his self from the bed, hearing the joints in his back popping. In few short minutes, he was done taking a bath and went downstairs. Atlas and Julie had a hot bowl of soup and a side of bacon waiting for him.“Come on! Dig in!” Julie invited.“You can cook?” Leopold inquired making the woman spout.“Of course. Do you really think you’re the only one who can cook among all
THE gong sounded, and Hiroshi and Asahi limped and stumbled back to their starting marks. They exchanged pleasantries of bowing to each other and their grandfather. Hiroshi went to his defensive stance, while Asahi went on to his offensive strikes. The round kicked off with Asahi screaming wildly, smashing his left hand and his feet against Hiroshi’s defenses. Hiroshi blocked what must have been a dozen strikes effectively despite his poor balance with one good leg. Finally, Asahi seemed to collapse as his eyes closed. Instinctively, Hiroshi, tried catching his brother. Leopold saw what was happening before Asahi opened his eyes. Exploiting your older brother’s protective instinct to get him to drop his guard. You rotten bastard! Leopold thought at the back of his mind. Asahi’s left hand sprung like a rattlesnake toward the center or Hiroshi’s chest. Hiroshi gripped his brother’s forearm, desperately trying to keep the lethal object of his hand off her heart. Asahi seesawed with hi
LULAN ng dalawang sasakyan ay mabilis na tinalunton nina Leopold ang daan na maaaring tinahak ni Bart kasama si Malia.Ngunit hindi na nila makita pa ang mga ito. Maging ang grupo ni Jonas na umikot pa upang sana ay salubungin ang mga ito ay hindi sila nagawang maabutan.Alam ni Leopold na hindi sasaktan ni Bart ang bata ngunit may kung anong bagay ang nag bibigay sa kaniyang dibdib ng kaba. Kaba na kanina pa hindi naaalis sa kaniyang sistema.Kasalukuyan na silang pabalik ngayon sa Headquarters ng Crow. Naroon din na nag aabang ang ilan pa nilang mga kasamahan na hindi nakasama sa ibang sumaklolo sa kanila.“Is everyone safe, Sir Jonas?” tanong ni Abel habang katabi ang kakambal na si Cain.“Thankfully, Yes.” Jonas replied.“Thank god!” Napahalukipkip na tugon pa ng lalaki.Hindi nag tagal ay dumating na rin ang grupo nina Leopold. Nanlulumong napaupo ang lalaki sa high stool ng bar. Napansin ito ng iba pa ngunit hindi na lamang sila nag salita.Matapos bigyan ng isang baso ng scotch
NO ONE couldn’t fathom how uneasy Leopold was. Almost a dozen of armed men were in front of them. A small move and they will be dead. The worst case scenario— His daughter will die as well.His mind tried to calculate any escape route but to no avail. They were surrounded. One resistance from them and the three of them would be dead meat in an instant.A shape of a human being emerges from the darkness. Leopold was stunned upon seeing the man standing in front of him. It was Bart.His serious face began to show emotions that he tried to suppress long ago when he saw Malia. His daughter.“How did you find us?” Leopold asked the man.“It is not that hard to track your whereabouts, Leopold.” Bart answered.Muli nitong sinipat ng tingin si Malia. Humarang naman si Leopold nang mapansin ito. “Why are you doing this? Why did you join the Golden Circle?”“To get my revenge to you,” tugon nito bago muling tiningnan si Lia na nagtatago sa likuran ni Mira. “And to get my daughter back.”Parang
PARANG ipo-ipo sa ginawang pag kilos ang lahat. Kaagad na tumakbo patungo sa van sina Julie, Faustus at Leopold upang kunin ang kanilang mga baril.Habang si Mira naman ay kagyat na hinila sa isang gilid si Lia na naguguluhan sa mga nangyayari.“Tita? What are you playing po?” Nagtatakang tanong ng paslit na ang akala ay naglalaro lamang ang mga nakatatanda.“Uhh…” Umikot muna sa paligid ang mga mata ni Mira bago sagutin ang bata. “We’re about to play hide and seek baby, at tayong dalawa ang magkakampi kaya huwag kang aalis sa tabi ni Tita Mira, okay?”“Okay po,” sagot naman ng bata.“Leopold, Faus, Julie, Flint! With me!” utos ni Jonas.Nag-aalala naman na napatingin si Leopold kay Mira at Lia. Hindi niya nais iwanan ang anak sa gitna ng kaguluhan.“Don’t worry, I’ll take care of your daughter,” paniniguro ni Mira sa nag-aalalang ama.“I’ll be with them, Pare. Huwag kang mag-alala,” singit naman ni Atlas.Matipid na ngumiti naman si Leopold sa kanila. “Thank you guys. Take care.”“Le
PATAKBONG pumasok sa medical facility ng Crow si Leopold. Parang tambol sa lakas ang pag kabog ng kaniyang dibdib ng mga sandaling iyon.Ni hindi na nga niya nahintay pang matapos ni Atlas ang hatid nitong balita kanina. Dahil base pa lang sa hitsura kanina ng lalaki ay hindi mabuting balita ang hatid nito sa kaniyang tahanan. Pakiramdam pa nga niya ay ang oras na mismo ang kalaban niya ng mga sandaling iyon.Wala siyang kinatatakutan. Kahit nga si kamatayan ay maaaring mahiya na lang sa kaniya dahil hindi na niya ito kinatatakutan. Sa dinami-rami na rin ng mga laban at misyon na hinarap niya ay kabisado na niya kung paano niyang matatakasan ang taga-sundo ng mga kaluluwa.Pero para sa kaniya ay naiiba ang mga sandaling ito. Hindi man siya naniniwala sa mga Diyos na sinasamba ng mga tao ay pakiwari niya ay luluhod sa kahit na saang simbahan, mosque o templo ng mga ito para lang humiling na huwag munang bawiin ang pinakamamahal na anak.Naging kapansin-pansin para sa kaniya na wala ni
HALOS huminto ang pintig ng puso ni Leopold nang saksakin ni Bart si Haidee sa likuran nito. Ang masakit pa rito ay makailang ulit niya pa itong ginawa.Kitang-kita nila Leopold ang ekspresyon nang paghihirap sa mukha ni Haidee dahil sa magkakasunod na saksak na tinamo nito mula kay Bart. Napaubo rin ito ng dugo malamang dahil sa shock na tinamo ng katawan nito.“No… stop…” wika ni Leopold ngunit tanging siya lamang ang nakakarinig.Lalo siyang nanigas sa kinaroroonan nang makita kung paanong unti-unting mapapikit si Haidee habang nakangisi namang nakatingin sa kaniya si Bart. Ang tingin niya sa lalaki ngayon ay isang demonyong nagbabalat kayo bilang tao.Pilit na tumayo si Leopold sa kabila ng kaniyang panghihina upang sana’y pagbayarin si Bart sa kaniyang ginawa. Subalit bago pa man siya makalapit dito ay binitawan nito ang nag hihingalong si Haidee.Kaya naman sa halip na si Bart ay si Haidee ang agad niyang tinungo. Mabuti na lamang at nagawa niya itong masalo sa tamang oras.Agad
NAALARMA sina Jonas at Julie sa ginawa ni Leopold kaya naman bago pa pumutok ang laban ay nagawa nilang lapitan at tabihan si Leopold. Hindi naman sila nagkamali nang ginawa dahil kasalukuyan nang nakatutok sa binata ang dalang baril ni Krishmar habang nasa leeg naman ni Leopold ang kukri knife na hawak naman ni Levi. Wala na rin silang nagawa ng mga sandaling iyon kung hindi itutok sa mga ito ang dala nilang mga armas. Mabuti na lamang at may kaingayan at madilim ang paligid kung saan sila naka-pwesto dahil kung hindi ay kanina pa nakita ng ibang bisita ng event ang mga nagaganap. “Don’t make any move or you will die in here,” babala ni Jonas kay Levi habang nakatutok ang baril sa lalaki. “You too, asshole,” malamig na saad din ni Julie kay Krishmar na lumabas pa ang ugat sa noo dahil sa naging tawag ng dalaga sa kaniya. “You smells good, honey. I believe you taste good as well.” Nakangising wika ni Krishmar. Maya-maya lang ay tumunog ang telepono ni Grizzly na nakatumba pa rin