"Lady Gania, sigurado kabang ayos kalang?"
Tanong naman ng prinsessa sa tagapag-ingat na syang pumukaw sa pansin nito. Nung mga sandaling iyon ay lumapit na ito sakanya at umupo sa kanyang tabi.
"Ahh....Wala ito kamahalan, Sya nga po pala anu nga po ba ulit ang inyong sadya!?"
Tanong niya sa prinsessa kasabay ng alanganin nyang pag ngiti. Iniisip nya kung nasabi na ba ng prinsessa ang pakay niya at hindi nya lang ito narinig dahil sa kakaisip niya sa mga natuklasan nya o hindi pa nito nasasabi ang pakay niyang pag dalaw.
Kaya naman, bahagyang lumapit ang prinsessa sa tagapag-ingat atsaka ito bumulong. Nung mga sandaling iyon ay napaatras at napa balikwas naman ng tingin ang tagapag-ingat, kung saan ay nakangiti namang nakatingin ang prinsessa sa kanya.
"Su-subalit kamahalan, hindi tayo maaaring lumabas!!!!"
Ang hindi pag sang-ayon namang reaksyon ng tagapag-ingat, Subalit kinuha ng prinsessa ang kanyang kamay atsaka ito ipinaling paling na para bang paslit na may nais na hingin.
"Sige na, tayo na!!"
Ang tugon naman ng prinsessa habang hinahatak ang tagapag-ingat upang ito ay tumayo.
Sapagkat, iniisip ng prinsessa na matagal tagal narin ng huli silang mag kasama Ng tagapag-ingat, dahil nga sa napaka abala nito sa gawain niya sa kabisera.
"Bakit tila nagungulit na naman kayo? Siguro may naisip na naman kayong kapilyuhan Anu?"
Ang tugon ng tagapag-ingat, habang pilit na inginingiti ang kanyang mga labi. Gayunpaman, napaka bagbag parin ng kanyang damdamin dahil sa katotohanang kanyang natuklasan.
Tila ba na paka hirap para sa kanya ang maging masaya sa araw na yon, dahil may mga bagay na hindi niya maintindihan.
Subalit, iniisip parin niyang hindi dapat ito mahalata ng prinsessa, Kaya nga pinipilit nalamang niya ang sarili at pinipigil ang mga luhang naka pundo sa gilid ng kanyang mga mata.
Kaya naman sa halip na sumalungat ay sumang-ayon na lamang ito, iniisip kasi niya na baka mas lalong makahalata ang prinsessa kung hindi niya ito mapag bigyan, at hindi nya ni nais na mag usisa pa ito. Isa pa ay nag babaka sakali na lamang siya na baka mas mainam itong paraan, upang kahit sandali ay makalimutan niya ang pag hihinagpis ng kanyang kalooban.
Kaya naman, dahil nga sa labis na kakulitan ng prinsessa ay wala ng nagawa pa ang tagapag-ingat kundi ang pagbigyan ang hiling nito. Kaya nga tumayo siya at nag simulang mag palit ng kanyang kasuotan.
At sakabilang banda ay labis naman ang kasiyahan ng prinsessa, sapagkat iniisip niya na sa tinagal tagal ng panahon ay muli na niyang makakasamang mag liwaliw at mamasyal ang tagapag-ingat. Ngunit sa kabila nito ay hindi sumagi sa kanyang isipan na mayroong malalim na pinagdadaanan ang kanyang matalik na kaibigan, hindi man lang niya napapansin ang mga luhang nakakubli sa mga mata nito, at nung inakala Ng prinsessa na kaya nyang maramdaman kung anong nararamdaman ng tagapag-ingat ay labis syang nag kamali dito, sapagkat nasa harap nya na nuon si Lady Gania, subalit ni kahit saglit ay hindi niya napag tanto ang labis na pag hihinagpis ng kalooban nito. Kung malalaman nya lang sana ito ay malamang na mas pipiliin niyang damayan ito.
Makalipas ang ilang sandali habang nag aantay ang prinsessa sa labas ng silid ng tagapag-ingat, ay lumabas narin siya mula sa loob, habang suot-suot ang matingkad na kulay ng kayumangging balabal, at dahil nga sa napaka puti ng balat niya na tila isang porselana ay nagawa nitong maibagay ang sarili sa kabuuang hulma ng kanyang katawan.
Makikita rin na hindi mahilig mag pusod ng buhok ang tagapag-ingat kaya naman ang mahaba at makintab niyang buhok ay bahagyang nakalugay, kung saan kahit sa malayo ay mapapapansin ang ganda nito lalo pat sumusunod ito sa kanyang pag galaw na tila ba mga halamang sumasayaw.
Pag katapos ng mga sandaling iyon ay agad naman silang umalis ng prinsessa pa labas ng palasyo upang tumungo sa balon ng kahilingan. At maya-maya pa'y nakarating na nga ang dalawa.
Subalit, dahil nga sa napakaraming tao ay kinaylangan pa nilang mag hintay ng ilang sandali upang hindi sila makatawag pansin sa mga ito.
Lumipas pa ang ilang saglit ay nahawan din ang mga tao sa balon ng kahilingan kung saan, ay nagkaroon na sila ng pag kakataong lumapit dito.
"Lady Gania, mayroon kabang pilak diyan"
Tanong ng Prinsessa sa tagapag-ingat, upang gawin ang palagi nila noong ginagawang tatlo, at ito ay ang *HUMILING*. Sapagkat nuon paman habang pinagsasanay sila ng Mahal na Hari, ay madalas nilang takasan ang nag sasanay sa kanila para lamang tumungo dito upang humiling. Subalit, matapos na mag karoon ng kanya-kanyang tungkulin ay hindi na nila ito nagawa pa.
Sa kabilang banda naman ay dumukot ang tagapag-ingat sa bulsa ng kanyang balabal atsaka iniabot sa prinsessa ang ilang pirasong pilak.
Kaya naman matapos itong matanggap ng prinsessa ay agad siyang napa pikit ng kanyang mga mata atsaka nag salita;
"Ang hiling ko, sana kahit anu man ang mangyari, Ang tagapag-ingat na si Gania, ang prinsipe shattu at ako ay manatiling mag kaisa, magkasama,mag Kapanalig at higit sa lahat ay manatili kaming mag kaibigan na palaging nag mamahalan at masaya!!!."
Ang nakangiti habang nakapikit na hiling ng prinsessa. Gayunpaman, nung mga sandaling marinig ng tagapag-ingat ang hiling ng Prinsessa ay tila ba kinumot ang kanyang kalooban, isang dahilan kung bakit hindi na nito napigilan ang pag tulo ng kanyang luha na kanina pa nya kinukubli. At dahil sa hindi na niya napigilan ang labis na pighati ng kanyang kalooban ay napaluha na siya ng napaluha na tila ba nais nya nang hagkan ng mahigpit Ang prinsessa at ipag tapat ang lahat.
Gayunpaman ay pinipigilan nya parin ang kanyang sarili sapakat labis siyang nangangamba na baka katakutan din siya nito at sa halip ay isipin din na isa siyang banta, tulad ng iniisip ng Mahal na Hari.
Ilan pang sandali ay minulat na ng prinsessa ang kanyang mga mata, Kaya naman agad na pinunasan ng tagapag-ingat ang kanyang mga luha kung saan ay tama namang ibinaling ng prinsessa ang tingin niya kay Lady Gania, subalit huli na dahil napigil na ng tagapag-ingat ang kanyang mga luha na muling bumagsak.
"Lady Gania, ikaw ba hindi mo nais na humiling!?"
Ang pabaling na tuon naman Ng prinsessa sa tagapag-ingat atsaka iniabot ang piraso ng pilak. Kaya naman bilang pag tugon ay kinuha ito ng tagapag-ingat, inihagis sa balon atsaka ipinikit ang kanyang mga mata at humiling.
Maya Maya pa'y muli siyang dumilat saka lumingon sa Prinsessa
"Tayo na kamahalan!"
Ang pabalikwas na tugon ng tagapag-ingat pag katapos na humiling, Kaya naman tinanong siya ng prinsessa kung anu ba ang kanyang hiniling. Subalit sa halip na sumagot ay ngumiti nalamang ito.
Ganunpaman, sakabila ng mga ngiting iyon ay naka kubli ang isang malalim na pahiwatig at kahulugan na kung saan ay tanging Ang tagapag-ingat lamang ang may alam.
*****LADY GANIA'S POV*****
Patawad Mahal na Prinsessa sapagkat hindi ko magawang ipagtapat sa inyo ng Mahal na prinsipe ang lahat, gayunpaman nangangako akong, pagkatapos ng lahat ng ito ay babalik ako sa dating ako, Subalit sa Ngayon ay kailangan ko munang alamin ang katotohan upang malinis ko ang lahat. At kapag dumating ang araw na malaman nyo ang buo kong pag katao, ay pinag darasal ko na ako'y wag nyo sanang iiwan, sanay wag nyong isipin na isa akong kalaban. Sapagkat kakayanin ko ang lahat ng mga sasabihin ng ibang tao, at kakayanin ko na pag tabuyan nila. Subalit hindi ang pag tabuyan nyo ng Mahal na prinsipe, dahil bukod sa inyo ay wala na akong iba pang pinag kakatiwalaan.
***************************************
"Sino nga ba ako!!!?"
Ang pabulong na mga tanong sa isipan Ng tagapag-ingat habang binabaybay nila ng prinsessa ang daan pabalik sa palasyo. Sapagkat, tila ba kahit sarili niya'y hindi nya na kilala!
Kung Isa tong panaginip, sanay magising na ako!!!!!!
Nasa katanghaliang tapat na nuon nang maisipin ng prinsipe na lumabas ng kanyang silid upang tumungo sa halamanan at duon ay mag palipas ng oras. May ilang araw narin ang lumipas mula ng matanggap ng prinsipe ang gintong palamuti na nuoy ipinag kaloob sa kanya ng mahal na Hari. At mula pa nung araw na yon ay hindi pa siya nakakapag pasya ng maayos, dahil maraming mga bagay na bumabagabag sa kanya at isa na dito ay; Una, iniisip niya ang kanyang tiyuhin na si Haggan, sapagkat siya ang ikalawang anak ng Hari. Kaya naman, kung may taong dapat na iluklok ang Hari sa trono, ay walang iba kundi ang kanyang tiyuhin, subalit naging taliwas ang mga pangyayari at ito ang labis nyang pinag aalala sapagkat hindi niya maisip kung anu ang mararamdaman ng kanyang tiyuhin sa kanya. Pangalawa, nung mga sandaling makausap niya ang mahal na Hari ay may naramdaman syang kakaiba dito. Sapagkat bukod sa batid niyang malakas pa ang pangangatawan nito, ay nagugulumihanan din siya sa
"A-ako!?"Ang pagtatakang tugon ng tagapag-ingat. Nung mga sandaling yon ay napansin ng prinsipe ang biglang pagbabago ng reaksyon sa mukha ni Lady Gania.Tila ba namumula ang kanyang mga pisngi, napansin din niya ang pamumuo ng pawis sa mukha at mga kamay nito.Kaya naman, naisip ng prinsipe na maaaring nabigla ang tagapag-ingat sa itinanong niya kaya ganito ang reaksyon nito sa kanya.Ang totoo'y matagal na panahon na nga silang tatlo na mag kakasama, subalit ni minsan ay hindi nila nakita ni prinsessa Damina na nagkaroon na ng pagtatangi sa ginoo si Lady Gania. Kaya inisip ng prinsipe na ito nga ang dahilan kaya tila ba naiilang ang tagapag-ingat sa ganitong usapan. Kaya nga napatawa nalamang ang prinsipe dahil tila ba mali siya nang tinanungan, subalit napatingin naman sa kanya si Lady Gania kasabay ang pag tataka dahil sa pagtawa ng prinsipe."Ahhh...ba-bakit tila nata
Habang nakaupo sa isang silya ay naka dungaw ng bahagya sa durungawan nang kanyang silid ang prinsessa kung saan ay isang napaka aliwalas na kapaligiran ang pumupuno sa tanawing kanyang napagmamasdan. Nakaharap sa bundok ang durungawan ng prinsessa kaya naman walang dudang puro mga luntiang puno ang kanyang nakikita, sa kabila pa nitoy naririnig niya ang huni ng mga ibon na tila ba umaawit habang ang lamig naman na simoy ng hangin ay dumadampi sa kanyang mukha. Ang totooy hindi makapaniwala ang prinsessa dahil sa bilis ng takbo ng oras, iniisip niya na parang kanina lang ay kasama niya si Lady Gania na tumungo sa balon ng kahilingan. May ilang araw narin na tila hindi nila nakikita ang prinsipe. Kaya nga napuno siya ng panghihinayang dahil hindi man lang nila nakasama ang prinsipe na humiling sa balon, na samantalang dati ay mag kasama pa silang tatlo na tumatakas sa pag sasanay upang makatungo lamang sa balon, mag hagis ng pila
Habang nakahilig sa Mesa ay bahagya nagising si Lady Gania ng bumungad sakanyang mukha ang sinag ng araw. Kaya naman, napatayo siya sa di mawaring reaksyon ng Makita ang napaka gulo nyang silid. "Tila nasobrahan ata ang aking pag ka lango" Ang sabi niya sa sarili atsaka na patingin siya sa kanyang kasuotan na nuoy gusot na gusot. Subalit bigla siyang napa hawak sa kanyang sintido ng maramdaman ang pag lagitik nito at dahil sa sobrang sakit ay napaupo siya saglit habang minamasahe ang kanyang noo. Ang totoo’y hindi talaga siya sanay uminom, sadyang napilitan lamang siya dahil sa isang bagay na hindi niya halos matanggap. Isang bagay na tila mas masakit pa na malaman ang kanyang buong pag katao. "May tao ba riyan sa labas??" Ang nuoy tawag niya mula sa loob ng silid at maya-maya pa ay pumasok naman ang isa sa mga tagapag lingkod. "ah-anu po iyon Lady Gania!?...........
Matapos ang gabi ng pag tatapat ng prinsipe ay tila ba naging isang panaginip ang mga pangyayari, at dahil ditoy hindi na muling naalis pa ang ngiti sa mga labi ng prinsessang si Damina. Gayunpaman, sa kabila ng kaligayahan ay nag dadalawang isip parin siya kung tama ba o hindi ang kanyang mga pag papasyang gagawin. Ang totoo'y labis ang kagalakan sakanyang puso dahil matagal na panahon nya ring inilihim ang pag tatangi niya kay Shattu sapagkat ang buong akala nito'y ang tagapag-ingat ang kanyang iniibig. Kaya naman, bilang pag tugon sa kanyang lihim na nararamdaman ay pinili niyang umiwas na mag bigay ng motibo o kahit na mag tapat sa tagapag-ingat o sa prinsipe dahil sa hindi niya ninais na ito ang maging simula ng kanilang hindi pag kakaintindihan, kaya nga mas pinili niyang manahimik nuon at sa halip ay gumagawa siya ng daan upang makapag usap ang tagapag-ingat at prinsipe ng sarilinan kahit pa masakit ito para sa kanya. Kaya naman,para sa kanya ang pag tatapat n
***LADY GANIA'S POV*** Ngayong araw nato ay sinasagawa ang unang anihan kaya naman bago pa sumikat ang araw ay tumungo kaagad ako sa kabisera upang magsagawa ng pag iimbentaryo, at bilang tagapag-ingat ay kasama sa aking tungkulin ang paniningil ng buwis. Subalit hindi lang dito natatapos ang lahat sapagkat halos lahat ng magsasakang nag aani ng trigo't bigas ay kailangang pantay ang buwis, gayunpaman ang porsyento ng buwis ay nakaugnay sa kong gaanu karami ang na aani sa bawat hektarya ng lupa ng bawat magsasaka. Kaya naman masasabing pantay pantay ang isinagawang paniningil ng buwis at kung mag kataon mang may mapinsala sa trigo't bigas na naani ay kailangang babaan ang porsyento ng buwis na ipapataw. Makalipas pa ang ilang sandali ay natapos din ang aking pag iimbentaryo sa mga na aning trigo't bigas, at natapos narin nuon ang pag singil ng buwis sa bawat magsasaka, kaya naman kailangan naring isunod ang pag imbentaryo sa buwis na trigo't bigas na ipapasok n
Nuong gabing tanggapin ni prinsessa Daminaang gintong palamuti ay agaran namang nag pautos ang Mahal na Hari upang itakda ang araw ng pamamangkaw. Kaya naman itinala ang pagsagawa sa parehong buwan ng taon.***PRINSIPE SHATTU'S POV***Ayon sa kautusan ng palasyo kailangang maging pormal at dalisay ang isang lalaking aakyat ng pangangayaw. Kaya naman pasapit pa lamang nuon ang dapit hapon ay tumungo na sa silid ang aking mga tagapaglingkod."Kamahalan, naririto po kami upang ihanda kayo sa inyong pamamangkaw"Wika nuon ng isa sa mga tagapaglingkod,kaya naman akoy tumayo at tumungo sa kasilyas na nuoy nakaharap sa aking salamin, atsaka nila sinimulan ang paghahanda.Kapag ang isang ginoong mamamangkaw ay nag mula sa tapat na angkan ay nilalagyan siya ng mga pilak na palamuti at ito ay mula sakanyang panyapak hanggang sa kanyang buhok. kasabay din nitoy isinusuot sa kanya angabot sakong na puting kasuotan na may nakahabing bulaklak n
Pagkatapos nga ng tuwirang pag hahanda ay nagsimula naman ang ritwal subalit sa simula pa lamang ay nararamdaman na ng prinsipe ang pagbigat ng kanyang mga mata na nuoy pinipilit nya nalamang na idilat. Subalit ilan pang sandali habang nakatuon ang tingin ng prinsipe sa lampara na nuoy nakalagay sa mag kabilang gilid ng haligi ay tila ba dahan dahan nang pumipikit ang talukap ng kanyang mga mata hanggang sa hindi nya na ito napigilan pa kaya naman bahagya na nga siyang nahimbing. Ang totooy hindi siya sanay sa ganitong uri ng mga ritwal dahil simula pa nuong mag kagulang ay palagi na siyang nag sasanay na gumamit ng sandata upang ipag tanggol ang kanyang kaharian. Kaya naman, ang mga ganitong pag kakataon ay di pamilyar para sa kanya. Makalipas ang ilang sandali ay natapos naman ng maayos ang ritwal, Kaya naman ang lahat ay tumungo na sa pag diriwang ng pagpupugay. Sapagkat, sa kaharian ng Virgania ay may kaugalian ang pamamangkaw ng sagradong angkan na kapag
Sa paglisan ni Gatu, sakay sa kanyang kabayo. Ang kanyang puso’y puno ng kalungkutan at pag kabigo. Ang kanyang mga mata’y namumugto sa mga luha na hindi niya maaaring pigilan. Ang kanyang dibdib ay parang sasabog sa sama ng loob na kanyang nararamdaman. Hindi niya maintindihan kung bakit hindi siya binibigyan ng importansya ng kanyang amang Hari.Habang nag lalakbay siya, ang kanyang mga mata’y nag lilibot sa kanyang paligid. Ang mga puno at halaman ay parang nag bibigay sa kanya ng kahalumigmigan, ang mga ibon na nag liliparan sa kalangitan ay parang nag papahiwatig sa kanya ng isang matayog na pag-asa na hanggang ngayon ay pinang hahawakan niya, dahil isa lang naman ang nais niya at yon ay tanggapin siya ng kanyang Amang Hari. Ang kanyang damdamin ay puno ng kalungkutan at pag kabigo. Hindi naman niya hinahangad ang trono, ang nais niyay kahit isang araw man lang ay maiturin niya ang sarili na kasapi sa pamilya.Ilan pang sandali ay nakarating na nga si Gatu sa hangganan ng Viraga
KAHARIAN NG VIRGANIAAng paligsahan ng Virgania ay binubuo ng iilang pangkat. Una ay ang piling pangkat ng mga mandirigma na syang isinasanay mula pa sa pag kabata kung kayat maagang nahihiwalay ang mga anak na lalaki sa kanilang pamilya upang ihanda ang mga ito para mag lingkod at ipag tanggol ang kanilang bayan.Ikalawa ay ang mga pantas na maalam sa agham, sila ay ang mga nag-aaral sa mga buwan, bituin at araw upang mag matyag sa ipinapahiwatig ng kalangitan at nagbabasa ng mga panaginip, sila rin ang nag sasabi kung kailan darating ang tag-araw at tag-ulan, kung kailan ang tamang panahon ng pag tatanim at kung kailan naman hindi dapat mananim upang maiwasan ang pag kasira o pag katuyo ng mga ito at kung minsan ay ginagamit din itong hudyat sa pakikipag digmaan kung mananalo ba o silay malulupig ng kaaway. Ito ang dahilan kung bakit iginagalang ang mga pantas sa loob at labas ng palasyo dahil isa sila sa pinag kakatiwalaan ng Hari.Pangatlo ay ang pangkat ng sining at musika, sila
EMPERYO NG BABELONIA"Kamahalan.........." Ang nuoy malakas na sigaw ni manggani habang nag hahanap sa prinsessa.At habang paikot-ikot na nag hahanap ay nakarinig ito ng mabilis na yapak na nuoy gumagawa ng ingay dahil sa tuyong mga dahon na nakakalat sa paligid. Samantala, kasabay ng malakas na hangin ay ang matulin na pag bulosok ng pana mula sa kawalan kung saan ay natamaan nito ang isang malaking baboy ramo na nuoy nasa unahan lamang ni manggani dahilan para mapako ito sa kinatatayuan niya at manginig dahil sa takot.Sa kabilang banda ay isa namang babae ang lumabas, nakasuot ito ng damit at pang ibaba na yari sa balat ng hayop, habang ang panyapak nito ay gawa sa ibat-ibang mamahaling beads at tela na pinag halo rin sa balat ng hayop na nuoy umaabot hanggang sa kanyang tuhod.Nakatayo nuon ang isang maningkinitang babae habang hawak ang kanyang palaso, naka wayway ito ng kanyang buhok na sya namang sumasabay nang pag indayog sa ihip ng hangin. Nakasuot ito ng isang sambalilo na
KAHARIAN NG VIRGANIA"Sabihin nyo, nahanap na ba ang mahal na Reyna" Bungad na sabi nuon ng Hari habang nakaupo sa kanyang trono.May isang buwan narin nuon ang nakalipas at hanggang sa araw na yon ay wala paring nangyayari sa kaniyang pag papahanap. Kaya naman nag patawag ng pag pupulong nuon ang Hari sa unang bulwagan."Paumanhin kamahalan subalit sinuyod na po namin ang labas ng kaharian pati na ang hangganan nito subalit bigo po kaming mahanap ang reyna" Nakayukong pag-uulat nuon ng inatasan na mag hanap sa reyna."Ang lakas ng loob mong tumungo dito na wala karin namang magandang iuulat. Isa pa kung kakaunti lang kayong nag hahanap sa reyna ay tiyak na hindi nyo sya mahahanap." Pag didiin na sabi nuon ng prinsipeng si Haggan habang nakatuon sa lalaki.Napalingon naman non ang Hari sa kanyang tiyuhin, samantala bigla nuong bumukas ang tarangkahan ng bulwagan ng pumasok ang tagapag-ingat atsaka ito yumuko upang mag bigay ng pag galang."Kamahalan, paumanhin sa pang gagambala subalit
Kinabukasan ay magaagang nagising ang reyna kung saan ay nakita nya rin nuon na nag hahanda na ang pinuno at ilan sa mga tauhan nito. Matapos makapag agahan ay ibinilin ng pinuno sa ilang tauhan ang mga maiiwang bihag at pag katapos ay nag si pag handa na ito ng mga kagamitan.Ibinalot nuon ng reyna ang prisessa sa isang kulay puting tela na ipinagkaloob nuon ng pinuno, atsaka nag simula ito sa kanilang pag lalakbay pabalik sa lugar kung saan nila huling nakita nuon ang reyna. Ayon sa reyna ay anak siya ng isang mag sasaka at hindi niya batid kung paano siyang napunta sa lugar na iyon at kung sino ang dumukot sa kanila ito ang alibay na ginamit niya upang hindi malaman ng mga ito na isa siyang virgania.Dahil dito ay hindi rin naman nag dalawang isip pa na muling mag tanong ang pinunong si Igam at sa halip na usisain pa ito ay walang kibo nalamang nitong binaybay ang patungo sa hanggan.Gayunpaman, wala pa sila nuon sa kalagitaan ng bigla naman silang harangin ng mga murawi na nuoy na
Matapos makapag pahinga ay muling inalalayan ng reyna ang pinuno habang binabaybay ang daan patungo sa pook ng mga Bagantok ito ay ang lugar kung saan namamalagi ang mga Babaylan ng Emperyong Babelonia.Sa loob ng isang talon ay may maliit na kweba kung saan naroon ang mga bihag pati na ang kanang kamay na pinuno na si Gatyong. At ito ay malapit lamang sa palasyo ng emperador na si Na-am na nuoy may sampung taon ng namumuno sa bayan ng Babelonia matapos mamatay ang kanyang ama.Kilala nuon ang Babelonia sa isa sa may pinaka malawak na pagawaan ng ibat-ibang uri ng tela at mamahaling mga palamuti na kung saan ay nakikipag kalakalan ito sa iba't-ibang bansa.Nang makapasok sa loob ang reyna habang inaalalayan ang pinuno na nuoy pilit na kinakaya ang kanyang katawan ay agad namang sumalubong si Gatyong upang tulungan ang kanyang pinuno at malapit sa ginawa nilang apoy ay duon nila pinaupo ang lalaki.Sa kabilang banda naman ay agad na ginamot ng kanilang tauhan ang sugat na nuoy natamo ng
Sumapit na noon ang tanghaling tapat kaya naman muling tumungo ang pinuno ng mga bandido sa loob ng kubol upang dalhan ng panang halian ang babae subalit ng makapasok sa loob ay nakita niya itong nakaupo't nakahilig ito habang natutulog.Inilapag ng lalaki ang dala-dala niyang bashada na may pagkain sa isang bakanteng upuan atsaka marahan nya itong hinawakan sa kamay upang sanay ipahiga ito sa higaan ng sa ganun ay maging maayos itong makapag pahinga. Subalit bago pa niya ito na gawa ay nagising na ang reyna."Ah-anong ginagawa mo?" Ang nag tatakang tanong reyna nung sandaling maimulat niya ang kanyang mga mata at nakitang hawak-hawak siya ng lalaki.Napabuntong hininga nuon ang lalaki atsaka siya bumitaw sa pag kakahawak sa kamay ng reyna. Pag katapos ay tumungo siya sa maliit na mesa at duon kinuha ang bashada ng pagkain atsaka ito inilapag sa higaan."Kumain ka!" Pag uutos atsaka ito umakma ng alis."Sandali lang" Pag pipigil nito sa habang kapit ang maliit na tela ng damit ng l
Mula sa hangganan ng babelonia ay nagising nuon ang reyna dahil sa yapak na mula sa lagaslas ng mga putol na sanga ng kahoy."Sandali, hindi bat napaka ganda niya! sa tingin koy maaari natin siyang ipagbili"Ang usapan na narinig ng reyna na tila ba napakalapit lamang sa kanila, kaya nga nuong mga sandaling iyon ay naimulat niya ang kanyang mga mata at labis ang pag kagulat niya ng makitang napapalibutan na pala siya ng mga kalalakihan na tila ba mga tulisan. Kaya naman, agad siyang bumangon at binuhat ang prinsessa."O kaya naman maari rin natin siyang..."Ang sabi pa ng isang lalaki habang tangan ang pag nanasa sa kanyang mga mata ng bigla naman siyang sipain ng isa pang lalaki dahilan para matumba ito at masubsob sa lupa."Tandaan ninyong mga mag nanakaw lang tayo na nangangalakal ng mga tao subalit hindi tayo nang hahalay ng kababaihan o pumapatay at nananakit ng mga walang muwang."Ang sabi naman nito kasabay ng pag tingin sa reyna at sa sanggol. Nung mga sandaling iyon ay tila b
Matapos nuon na makipag-usap ni Lady Gania sa hari ay agad itong tumungo sa kanyang silid"Lady gania nariyan po at nag hihintay sa inyong silid ang prinsipeng si Hagan" Napatigil nuon ang tagapag-ingat, huminga ito ng malalim atsaka nito marahan na pinunasan ang kanyang luha bago tuluyang makapasok sa loob.Mula sa may tarangkahan ng kanyang silid ay natanaw agad niya ang prinsipe na nuoy nakaupo sa tabureteng nakaharap sa kanyang durungawan."Ano't naririto ka prinsipe Hagan?"Bungad nuon ng tagapag-ingat habang ikinukubli sa seryong imahe ang kanyang mukha upang maitago ang labis na pag daramdam nito. Gayunpaman, kahit hindi siya mag salita ay nasasalamin ito ng prinsipe sapagkat alam nito ang lalim ng pagtatangi ng puso ng tagapag-ingat kaya't hindi ito maitatago sakanya."Napadaan lamang ako upang iulat sa iyo na nabigo tayong mahuli ang reyna, sapagkat nagawa nitong matakasan ang aking mga tauhan at makalabas ng virgania."Ang walang patumpik-tumpik na ulat ng prinsipe sa taga