Share

Kabanata 33

Unexpected

"Miss, Miss!"

Nagising ako dahil sa sunod-sunod na tapik ng magaspang na palad ang naramdaman ko sa aking mukha.

Dumilat ako at tumambad sa akin ang mukha ng estrangherong lalaki. Bumangon ako mula sa pagkakahiga sa mahabang upuan sa terminal ng bus at inayos ang sarili.

Nahihiya akong tumingin sa mukha ng taong nasa harapan.

"M-May biyahe na po ba?" nanghihina kong tanong.

Tumango ang driver at nagsalita. "Mayroon na pero alas sais ng umaga pa ang alis. May ticket ka na ba?"

Umiling ako. "K-Kukuha pa lang po..."

Nanginig ang boses ko dahil sa malamig na ihip ng hangin ang bumalot sa aking katawan.

Tumango ang kausap ko at tinuro ang kuhaan ng ticket. "Punta ka na roon, para makapag pa-reserve ka. Saan ka ba, ineng?"

Napangiti ako.

"Salamat po. Sa Villa Alcatraz po ako," tugon ko.

Sinuri ako ng estranghero mula ulo hanggang paa at hindi pamilyar sa akin ang bumalatay na emosyon sa kaniyang mga itim na mata. Pagkuwa'y umiling-iling ito.

"Dito ka natulog?"

Tumango lamang muli
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status