>ii<
Hindi ko parin siya pinapakinggan. Dire-direcho lang ako hanggang sa kalsada. Hindi ko na din alam kung saan ako papunta basta makalayo lang sa kanya, okay na ako. Kaso mukhang mahihirapan ako, lalo na't hindi ko kabisado ang lugar.
Maya-maya pa ay napansin ko na, na medyo nakalayo na ako sa kanya kaya naghanap ako ng mapagtataguan. Kailangang mailigaw ko muna siya para makaalis ako sa lugar na ito. Pag nakalayo na sya saka ako pupunta sa main road. Tama. Ganun nga gagawin ko. Kailangan kong mag-isip ng paraan dahil kung hindi, patay ako.
Sa may gilid ko ay may natanawan akong siwang sa pagitan ng dalawang building na kasya lang ang isang bata. Balingkinitan naman ako kaya pinilit kong sumiksik don. Madilim doon kahit may malapit na poste ng ilaw pero hindi iyon naaabot ng liwanag kaya siguradong mahihirapan si Jake na makita ako. Abot-abot ang panalangin ko habang hinihintay kong makadaan si Jake. Pigil ang hikbi ko dahil hindi maampat ang luha ko mula pa kanina. Ramdam ko din ang panginginig ng katawan ko sa takot. Hindi ko alam kung kaya ko pang tumakbo. I felt hopeless right now. Paano ba ang gagawin ko?
Maya-maya ay narinig ko na ang papalapit na boses ni Jake na nagmumura. Madiin kong itinakip ang kamay ko sa aking bibig dahil baka hindi ko mapigilan ang sarili ko at mapahikbi ng malakas. Tumindi ang takot ko ng marinig ko na ang yabag niya palapit sakin. Tinawag pa nya ng isang beses ang pangalan ko bago tuluyang makalayo sa pinagtataguan ko.
Nang hindi ko na sya matanaw, unti-unti akong lumabas sa pinagtataguan ko at tumakbo sa direksyon papuntang highway na malapit sa hotel na pinanggalingan ko.
Nang matanaw ko ang hotel ay tinubuan ako ng kahit konting pag-asa. Pwede akong humingi ng tulong sa mga guards doon.
God, help me please.
Malapit na ako sa lugar nang makita ko ang isang itim na porsche na palabas ng driveway. Dahil sa pagiging hopeless at desperada, ginawa ko na ang unang ideya na pumasok sa isip ko. Pagliko nito bago makalabas ng highway ay iniharang ko ang sarili ko sa dadaanan ng kotse. Bahala na kung mabangga ako, ang mahalaga makaalis ako dito.
Bago pa ako tamaan ay maagap na nakapagpreno ang driver. Tinted ang salamin kaya hindi ko makita ang driver. Wala akong pakialam kung magalit siya basta kailangan ko ang tulong niya.
"Are you mad?" singhal ng driver nang umibis ito ng kotse at lumapit saken.
Natigilan ako nang sandaling mapagmasdan ko ang driver ng magarang kotse. Suot pa lang, mayaman na. Pati sa slang na pananalita, gang sa tindig, hindi maipagkakaila. Nang tingnan ko ang mukha nito ay natulala nalang ako. Parang humupa yung takot na nararamdaman ko at panandaliang huminto ang mundo.
Pambihira, bakit ba pag mayaman kailangan gwapo? Yung kaharap ko ngayon kabog mga artista ee. Sabagay, konti pa lang naman ang nakikita kong artista sa personal. Pero ito, sobrang puti, tapos matangkad pa, ganda pa magdala ng damit.
May gana pa talaga akong icheck out sya sa ganitong sitwasyon. Pinikit ko ng mariin ang mata ko, it's not the right time.
"Miss, you alright?" Tila naguguluhan itong nagtanong saken. Napansin niya marahil ang luhaan kong mukha. "Are you hurt? "
"Dominique!"
Nabalik ako sa realidad at napamulagat ng marinig ko ang boses ni Jake. Pati ang binatang kaharap ko ay napatingin na din doon. Lalo pa akong natakot kaya agad kong nilapitan ang kaharap ko. Hinawakan ko pa sa magkabilang braso dahil baka iwanan nya lang ako tapos maabutan ako ni Jake, dalhin pa ako sa kung saan.
"P-please.. Please, kuya. P-parang awa mo na. Tu-tulungan mo ko," pagmamakaawa ko. Kahit mukha lang kaming magka-edad ay kinuya ko pa din siya. Basta desperado na ako. Baka kung ano magawa sakin ni Jake pag naabutan niya ako.
Dahil nga sa matangkad ito ay kailangan ko pang tumingala sa kanya. Nakatitig lang ito saken. Nuon ko lang nakita nang malapitan ang mata nya. Crystal gray ang mga iyon. Ang ganda. Dati ayaw ko sa mga matang pusa ngayon parang gusto ko na. Matang pusa kasi ang tawag ko sa mga may kulay ang mata.
Gising! Halos literal ko ng sampalin ang sarili ko. Lakas kasing makamesmerize ng mata nito.
"Kuya, please," napahagulgol na ako. Pakiramdam ko kasi wala itong balak na tulungan ako. Nanginginig na ang kamay kong nakahawak sa sleeve ng polo shirt niya.
"Dominique, halika na," anas ni Jake sabay hablot sa braso ko.
Nanlaki ang mata ko sa takot at gulat. Hindi ko naramdamang nakalapit na siya. Agad na hinigpitan niya ang hawak saken sabay hila. Mahina akong napadaing sa higpit ng hawak nya pero pinanatili ko ang kapit sa estrangherong katabi ko. Sa sobrang kapit ko sa sleeve nya ay halos mabirat ko na ang damit nya. Feeling ko kasi doon na nakasalalay ang buhay ko na kapag bumitaw ako, ikamamatay ko. Putspa, ee totoo naman ee. Hindi din naman nagrereklamo si gwapo.
Nang hindi makuntento si Jake ay pinaikot na ang braso sa bewang ko at binitbit ako. Doon na ako napabitaw kay kuyang gwapo. Nagwala ako para mabitawan niya ako pero walang nangyari.
"Kuya, parang awa mo na," pagmamakaawa ko. Hindi ko na kaya. Wala na akong lakas na manlaban.
Naramdaman kong ibinaba ako ni Jake dahil tumigil na ako sa pagpapalag. Nang mabitawan nya ako ay inipon ko ang konting lakas na meron ako at tumakbo kay kuyang gwapo na hanggang ngayon ay kunot noong nakatingin pa rin sa amin. Malapit na sana ako nang matalisod ako bago pa ako makahawak sa kanya.
Hinablot agad ako sa braso ni Jake at hinila patayo pero hindi ko kaya. Blur na ang paningin ko dahil sa luha. Drain na drain na din ako.
"Jake. Maawa ka...Jake," nagsumamo na ako sa kanya, baka sakaling matauhan pa siya. Tinignan ko sya sa mata pero walang ibang emosyon don kundi tulad kanina. Wala ng pag-asa.
Hinila niya ako ulit pero nagpabigat ako. Kung kailangan kong mamatay bago niya ako makuha, mamamatay muna ako.
"Let go of her."
Napatingin ako bigla kay kuyang gwapo, hindi dahil sa gwapo din niyang boses kundi dahil sa malamig nyang pagkakasabi. There was coldness in his voice that could freeze hell. But his face shows no emotion. Diretso lang siyang nakatingin kay Jake.
Akala ko nakakatakot na si Jake pero mas lalo pala si kuyang gwapo. Pero kahit ganun, kahit murderous na yung itsura niya hindi takot ang naramdaman ko kundi security. Para walang makakasakit sakin hanggat nandyan sya.
Pati si Jake ay napatingin sa kanya. Nagbago din ang reaksyon ng mukha nito at parang nag-aalangan na ngayon. Sino ba naman ang hindi, ee mukhang kahit sinong makasalubong nito, uurong pagkakita palang dito sa ganitong itsura.
"Wala kang alam dito kaya wag kang makialam," singhal ni Jake na tila pinipilit itago ang pag-aalangan.
Lumuwag ang pagkakahawak ni Jake sa braso ko nang nabaling ang atensyon nya sa kaharap kaya sinamantala ko agad yon at hinila ang braso ko. Bahagya akong lumayo dito. Nanghihina pa rin ang mga tuhod ko kaya nanatili akong nakaupo sa semento habang nakatingin sa dalawang nagtatagisan ng tingin.
Naramdaman ko pang may pumulupot na braso sa bewang ko at nagtayo saken. Kasabay noon ay ang pag-angat ng mga paa ko sa lupa at paggapang ng kuryenteng galing dito patungo sa kasulok sulukang parte ng katawan ko. Hindi ko na kailangang lingunin pa kung sino ang bumuhat sakin dahil alam kong si kuyang gwapo lang yun, pero yung puso ko. Ang lakas ng kabog. Bakit hindi ee nakadikit ba naman mga katawan namin kaya lalo akong ninenerbyos. Tapos ang tigas pa, well built na well built. May pandesal kaya dito? Ano ba tong nararamdaman ko? Parang gusto na yatang lumabas sa rib cage yung puso ko. Pwede ba yun? Naiilang tuloy ako. Mahigpit kasi ang hawak niya sakin pero okay lang dahil sa totoo lang hindi ko alam kung kaya ko pang tumayo ng derecho.
"Nikki, halika na," may awtoridad na sabi ni Jake sakin ng makabawi. Akmang lalapit na sana siya sa amin pero pinigilan siya ni kuyang gwapo.
"Don't you dare come near her or I'll call the cops," babala ng estrangherong may buhat sa akin.
Boses pa lang ulam na. Teka nga, bat parang ang landi ko na? Wala sa lugar! Tama na Nikki.
Nagsimula namang maglakad si kuyang gwapo paikot sa shotgun seat ng kotse nya. Halos nakayakap na din ako sa kanya sa sitwasyon namin ngayon dahil nakapaikot sa leeg niya ang mga braso ko pero wala akong pakialam. Panatag ang kalooban ko sa hindi ko malamang dahilan. Pakiramdam ko nga parang ayaw ko ng humiwalay sa kanya. Haist, ano ba to? Ngayon ko lang naramdaman to. Hay, gising Nikki. Kakapanood mo yan ng kdrama ee. Don't be like this, pagkatapos ka niyang tulungan, hindi na kayo magkikita. Pero bakit parang nakakalungkot? Naguguluhan ako.
"Nikki, wag mong sabihing sasama ka sa estrangherong yan?" singhal ni Jake dinuro pa nya si kuyang gwapo.
Bahagyang humigpit ang hawak ni kuya saken na parang ayaw na nya akong bitawan. Napahawak nalang ako sa damit nya na parang doon ako humuhugot ng kahit konting lakas. Saka ko nilingon si Jake at tinignan ng matalim.
"Mas pipiliin ko nang sumama sa kanya kaysa sayo, Jake," buong tatag kong sagot sa kanya saka sya tinalikuran. Kitang kita ko ang nag aapoy sa galit niyang tingin saken.
"Get in the car," bulong ni kuyang gwapo nang ibaba ako at buksan ang pinto ng kotse. Bahagya pa syang nakayuko kaya ramdam ko sa leeg ko ang mainit nyang hininga na nakarating pa sa aking pang-amoy. Ang bango, parang ang sarap langhapin. Namanhid yata ang buong katawan ko.
Bahagya kong ipinilig ang ulo ko dahil kung ano ano na ang iniisip at nararamdaman ko. Nang buksan niya ang pinto ay dahan-dahan akong sumakay dahil nanginginig pa din ang tuhod ko. Narinig ko pang nagsalita si Jake bago isara ni kuyang gwapo ang pinto.
"Hindi pa tayo tapos, Dominique," sigaw ni Jake.
"You're done with her," may awtoridad na sabi ni kuyang gwapo bago lumigid sa driver seat at sumakay agad sa kotse.
Binuhay nito ang makina at binusinahan si Jake. Nang hindi ito tuminag ay pinaandar ni kuya ang kotse. Ang akala ko'y babanggain niya si Jake kaya napasinghap ako ng malakas at napakapit sa dashboard. Natakot ako para kay Jake at tila natakot din ito dahil biglang napaatras ng akmang babanggain siya ni kuyang gwapo. Agad naman itong tumabi dahil mukhang hindi siya balak santuhin ni kuyang gwapo.
>iii<"You alright?" tanong ni kuyang gwapo.Tumango lang ako habang nakatingin sa labas. Alam kong derecho lang din ang tingin niya sa daan kahit hindi ko siya tignan. Ramdam ko ang coldness ng boses nya. Kanina pa kami nakaalis sa hotel at hindi ko alam kung saan kami pupunta ngayon. Ayoko munang magtanong sa kanya. Ayoko munang makipag-usap sa kanya. Hanggang ngayon ina-absorb pa ng utak ko ang mga nangyari kanina. Parang nahihirapan akong tanggapin na nagkaganun si Jake. Maswerte ako at may mabuting loob na tumulong sa akin. Everything felt like a whirlwind. Nalilito na ako. Naguguluhan. Pinagkatiwalaan ko siya, ee, tapos binalak niya akong pagsamantalahan? Hindi ko alam kung trauma ba tong nararamdaman ko, parang hindi ko alam kung paano na ako makikiharap sa iba. Baka mamaya may makilala akong tulad ulit ni Jake, tapos hindi na ako makaligtas? Paano kung wala ng kuyang gwapo na tutulong sakin sa susunod? Tapos
>vi<Sa aming magkakaibigan ay wala pa rin namang nagbago sa samahan at pakikitungo sa isa't isa. Tulad pa rin ng dati, halos magkakapatid na ang turingan namin. I think. Si Mira lang ang tila ba lumayo ang loob sa amin. Simula nung insidenteng nangyari three years ago, kung paano ako pinagtangkaang gawan ng masama ni Jake, nag-iba ang pakikitungo niya samin lalo na saken. Kapag lalapitan ko siya lalayo sya, kapag kailangan niya akong kausapin, napaka-civil nya. Parang nagbago siya dahil sa nangyari. Kapag tinatanong namin kung ano ang problema, iibahin niya ang usapan. Para bang may tinatago na sya samin. Pinagwalang bahala na lang ng dalawa dahil sigurado naman daw na sasabihin din iyon samin ni Mira kapag nagtagal na pero tatlong taon na ang lumipas ay ganun pa din sya. Gusto ko man malaman ang dahilan, wala akong magawa.Naalala ko naman yung pangyayaring yon. Paano ko nga ba naman makakalimutan na minsan akong
>v<"I see that you're an undergraduate, Ms. Tupaz." "Yes, ma'am", sagot ko sa interviewer. Kasalukuyan akong nag-aapply ng trabaho sa isang department store. At sa kamalas-malasan, pang-pito ko ng pag-aapply ito ngayong araw pero malabo pa din ang pag-asang magkatrabaho ako. Pambihira. Ang hirap maghanap ng trabaho. Kung bakit kasi hindi na umasenso ang ekonomiya ng Pilipinas. "Well, to tell you frankly, we're very much in need of a sales staff right now", sabi ni Ms. Interviewer na tila tinatancha ang reaksyon ko. "but the management requires a college graduate. Pasensya na Ms. Tupaz, pero kung papayag ang management, tatawagan kita agad." Bagsak ang balikat na lumabas ako ng building. Pambihira naman, dahil lang sa letcheng educational background na yan di ako matanggap sa
>vi<Sa aming magkakaibigan ay wala pa rin namang nagbago sa samahan at pakikitungo sa isa't isa. Tulad pa rin ng dati, halos magkakapatid na ang turingan namin. I think. Si Mira lang ang tila ba lumayo ang loob sa amin. Simula nung insidenteng nangyari three years ago, kung paano ako pinagtangkaang gawan ng masama ni Jake, nag-iba ang pakikitungo niya samin lalo na saken. Kapag lalapitan ko siya lalayo sya, kapag kailangan niya akong kausapin, napaka-civil nya. Parang nagbago siya dahil sa nangyari. Kapag tinatanong namin kung ano ang problema, iibahin niya ang usapan. Para bang may tinatago na sya samin. Pinagwalang bahala na lang ng dalawa dahil sigurado naman daw na sasabihin din iyon samin ni Mira kapag nagtagal na pero tatlong taon na ang lumipas ay ganun pa din sya. Gusto ko man malaman ang dahilan, wala akong magawa.Naalala ko n
>vii<Kanina ko pa tinitignan ang damit na eleganteng nakalatag sa higaan na nasa harapan ko. Hindi ko matanggal ang mata ko sa damit. Napakaganda kasi nito. Isa iyong ball gown. Yes, for goodness sake. A ball gown not an evening gown.Hindi ko alam kung ano ang nakain ko at napapayag ako ni Cass. Sa hinaba haba ng pagtatalo namin, dito din ako nauwi.Nasa kwarto ako ni Cassidy ngayon at nakatayo sa harap ng gown na sinabi niyang isusuot ko daw. Sa totoo lang, kumpleto na lahat. Mula sa sapatos, sa damit, at sa hair and makeup. At yes, sabi nya "she had everything well taken cared of" sa madaling salita, naplano na niya. Kaya heto ako, nilulusaw ang mamahaling damit na nasa harapan ko, baka sakaling hindi ako makasama, ang problema lang, wala akong laser vision kaya ayaw matunaw. "Kahit anong titig mo dyan, hindi yan malulusaw", nakapama
>viii<Nanigas ako sa kinatatayuan ko pagkadinig sa boses ng lalaking nanggaling mula sa likod ko. Biglang kumabog ng malakas ang dibdib ko, hindi dahil sa sinabi niya kundi dahil sa pamilyar na boses na iyon. Just hearing his voice made my stomach lurch. How can I ever forget that deep soothing voice of the man who saved me years ago. The voice that can freeze hell when he's fuming mad. Lalong kumabog ang dibdib ko ng marinig ko ang yabag nyang papalapit saken. Hindi ako makalingon sa kaba. Bakit ba hindi ko agad naisip na may chance na magkita kami dito? Pero paano kung kaboses lang nya? Marami namang magkakaboses sa mundo di ba? Pero paano kung sya? "Why don't you turn around so we can talk properly, wallflower?" tila nanunubok na sabi nya. I've sensed the grin on his face. Why the sudden sarcasm? Parang may iba sa tono ng pananalita niya? Isa pa, tinawag niy
>ix<"Naiinis talaga ako pag naaalala ko yung mukha ng Elric na yun," nanggigigil na litanya ni Cass.Ilang beses ko na bang paulit-ulit na narinig iyon mula pa kagabi pag-uwi nito. Ang Elric na tinutukoy nito ay ang lalaking humabol sa kanya nung party three months ago. Yep, three months ago na simula ng tinalikuran ko ang lalaking nagligtas sa buhay ko. Three months na din akong nagtitiis ng sakit sa puso dahil sa mga nangyari ng gabing iyon. Kung bakit kahit anong pilit kong kalimutan, pilit na sumisiksik sa isip ko yung ungas na yun. Oo na, hindi ko na ide-deny na sa insidenteng yun three years ago ay na-fall agad ako sa kanya. Tsk. Totoo pala ang love at first sight yun nga lang sa maling tao. Pero ika nga nila, "love is blind". Tss.Hay, tama na nga. Lalong dumadaing si he
>x<"Thank you po, sir," pasasalamat ko sa may-ari ng restaurant na pinagtatrabahuhan ni Cess saka diretsong lumabas ng opisina nito para kitain ang kaibigan kong naghihintay sa labas.Pagkabihis ko kanina ay nagmadali agad akong pinapunta ni Cess dito sa restaurant dahil gusto daw akong kausapin ng amo nya. Sinabi nya daw kasi dito na kung maaari nya akong maipasok kahit waitress man lang. Pumayag naman daw agad ang amo nya kaya tinawagan niya ako agad.Matagal ko nang nahahalata na malakas si Cess sa may-ari dahil sa ilang benepisyong nakukuha nito na minsan ay higit sa karaniwan. Minsan nga naisip ko pang may namamagitan na dito at dun sa boss dahil kapag nalelate ito ng uwi ay laging inihahatid ng huli. Kung tutuusin, wala naman sigurong masama kung magkakatuluyan ang
>xxx<Hindi ako mapakali habang nasa byahe kami ni Marione pauwi ng Pangasinan. Gusto ko sanang ako nalang ang umuwi para hindi na siya maabala pero nagpumilit pa rin siya. Isa pa ay hindi din daw sya mapapakali kung pababyahehin niya akong mag-isa kaya sumama na siya. Hindi ko naman maialis ang isip ko sa pamilya ko at sa sinabi ni Angelo sa linya kanina. Inatake daw si tatay na siya namang ipinagtataka ko. Sa pagkakaalam ko kasi ay wala sa lahi nila ang may sakit sa puso kaya hindi ko malaman kung bakit siya bigla nalang inatake.Sa tana kasi ng buhay ko ay ngayon lang inatake sa puso si tatay. Halos halukayin ko na ang utak ko sa posibleng dahilan para atakehin ito pero wala naman akong maisip. Wala naman kasi silang sinasabing problema sa lupang sinasaka nila, hindi rin naman ako pumapalya sa pagpapadala sa kanila buwan-buwan.
>xxix<Halos inip na inip ako sa maghapon habang hinihintay na gumabi. Ewan ko ba kung bakit ganito. Hindi rin kasi maalis sa isip ko si Marione at sa kung ano na ang estado namin. Maging ang tungkol kay Mira ay hindi rin maalis sa isip ko. Ayokong manghusga pero hindi ko mapigilan ang sarili kong magtanong kung bakit at paano niya nagawang maglihim sa akin ng tungkol kay Jake.Napabuntong-hininga ako habang nakapalumbaba sa may counter at nakatunghay sa mga naglilinis na mga kasamahan ko sa buong restaurant. Sarado na rin kasi kami at naglilinis na lamang bago umuwi. So far wala pa naman nakakapansin sa pagtunganga ko dito kaya't malaya pa rin akong namamahinga. Nakakatuwa din kasi silang pagmasdan na habang abala sa pagpupunas ng mga lamesa at pagma-mop sa sahig ay walang katapusan ang chismisan nila at labasan ng sama ng l
"Why don't you turn around so we can talk properly, wallflower?" panunubok ko sa kanya ng wala akong makuhang reaksyon.Nakalimutan na kaya niya ako? Shit! Just the thought of her forgetting me, pisses me off. How dare her forget me so easily while I'm still stuck here wanting to see her again. Nauubusan na ako ng pasensya ng hindi ko man lang siya nakitang natinag sa kinatatayuan. Didn't she want to see me? Napakuyom ang kamay ko."Or should I call you , Dominique, Miss wallflower?" Ani ko na sadyang hinaluan pa ng sarkasmo. I am Marione Alistair Eldritch, CEO of the well-known Eldritch Hotels Inc. and son of the shipping magnate, Marcus Eldritch. She can never get rid of me. Even if she tries to forget me, well, too bad. I'll never let her.
>xxvii<I snarled at her but she just stared at me like she was still shocked by what she did. She looked horrified while tears brimming down her beautiful face. My hands itched to wipe off her tears. Bigla ay nakaramdam ako ng pagkaalarma nang makita ko siyang nanginginig. Parang may kung ano tuloy sa akin na parang gusto siyang hilahin at ikulong sa mga bisig ko."Miss, you alright? Are you hurt?""Dominique!"Someone from afar shouted. Nakita kong nanginig lalo ang dalaga saka atubiling lumapit sa akin. I guess that was the guy who ran after her a while ago.I can't help but to stare at her eyes. Para kasing nang-aakit iyon na tumingin dito kahit na hilam na ito ng luha at nababahiran ng takot. Nainis ako bigla. Why does these eyes have to be shadowed wit
>xxvi<*Marione's*I went straight to my parents house pagkatapos kong maihatid si Nikki sa trabaho. Bumusina ako para ipaalam ang pagdating ko at para na rin pagbuksan ng gate. Hindi rin naman nagtagal at pinagbuksan din ako.Agad akong nagmaniobra papasok at nag-park sa may garahe. It was a huge space packed with cars in different sizes before. But now, it was only my parents' was there. Well, my brother and his wife already have their own house and family anyway.Pagkaibis ko ay may naghihintay agad na maid sa akin para kunin ang dala kong coat at case. Pagkaabot ay dumiretcho na ako sa loob ng malaking kabahayan. Pagkabukas ko ng pinto ay ang pamilyar na malaking chandelier sa taas ng malawak na sala ang nabungaran ko. Sa magkabilang gilid naman ay ang eleganteng hagdan na halatang alaga sa linis. Habang nagmamasid
>xxv< MALIWANAG na sa labas ng magmulat ako ng mata. Ang sarap ng tulog ko kagabi. Nanaginip pa yata ako na katabi ko daw si Marione. Natigilan ako ng may maramdaman ako na marahang paghinga sa tabi ko. Lilingunin ko na sana ito ngunit hindi ko na nagawa dahil nakasiksik ang mukha nito sa leeg ko. Agad na gumapang ang kilabot sa buong katawan ko. Bibiling na sana ako ngunit hindi ko rin nagawa dahil naroon din ang braso nito sa may tiyan ko at ang mabigat niyang hita na nakadantay sa binti ko. Hindi ako makagalaw pero ayos lang. Ang sarap matulog na katabi siya. Kung sana ay laging ganito ang magigisnan ko sa umaga. Nuon ko napansin ang kumot na nakapatong sa amin. Wala naman akong kinuhang kumot kagabi dahil di ko naman akalain na dito na kami makakatulog. Natigilan ako ng may maalala.&n
>xxiv<Habang nasa daan ay walang kumikibo sa aming dalawa ni Marione. Ramdam ko pa rin ang tensyon mula sa nangyari. Gusto ko sana siyang kausapin kaso para kasing may madilim na aura sa paligid niya na handang manakmal oras na hindi niya magustuhan ang sasabihin ko. Parang hanggang ngayon ay nagtitimpi pa rin siya ng galit. Isa pa, hindi ko din alam kung paano ko ipapaliwanag sa kanya na imbes na naroon ako sa tabi niya ay nandoon ako at yakap-yakap ni Jake. Ayokong isipin niyang hinabol ko si Jake pero hindi ko naman magawang magsalita. Kaya nanatili na lang akong nakatingin sa labas habang kung ano-anong bagay ang pumapasok sa isip.Maya-maya pa ay naramdaman kong huminto na ang sasakyan. Nang lumingon ako sa paligid ay saka ko lang namalayan na nakarating na pala kami sa tapat ng apartment.
>xxiii<"Cass!" wala sa loob na tawag ko sa kanya. Alam kong hindi niya narinig dahil halos pabulong lamang iyon. Akmang lalapitan ko na siya nang maramdaman ko na may kamay na pumigil sa akin. Nalingunan ko roon si Marione na diretchong nakatingin sa akin. Umiling lamang sya dahilan para maguluhan ako. Agad akong napalingon sa dance floor ng makarinig ako ng tilian.Naroon at nakahandusay na sa semento ang kanina lang na kasayaw ni Cass. Pinupunasan nito ang labi na marahil ay sa pagdurugo dahil sa suntok ng lalaking bigla nalang sumulpot sa kung saan. Lahat ay nabigla sa bilis ng mga pangyayari kaya’t hindi agad na napigilan ang mga iyon. Mabilis na tumayo ang lalaking kasayaw kanina ni Cass at mabilis na dinaluhong ang bagong dating. Nasa mukha nito ang galit at nasa mga mata ang pagnanais na
>xxii< Tila ako naitirik sa kinatatayuan ng marinig ko ang pamilyar na baritonong boses na nanggaling sa likuran ko. Mahina lamang iyon pero sapat na para makarating sa aking pandinig. Agad na nanindig ang balahibo ko sa nerbyos at takot habang parang may tila vtr na nag-play sa utak ko ang mga nangyari ilang taon na ang nakakaraan. Bigla ay parang gusto ko nang tumakbo palabas sa lugar na ito at bumalik sa kotse ni Marione. Si Marione! Goodness! Bakit ba kasi lumayo ako sa kanya? "Hindi mo man lang ba ako haharapin? It's been years since we last saw each other." Hinawakan niya ang siko ko at pinaharap sa kanya. Pakiramdam ko ay para akong estatwa na nakatayo sa harapan niya.