>i<
Kumakabog ang dibdib ko habang hinihintay ang kasamahan ko na kanina pa nakikipag usap sa receptionist ng hotel na pinuntahan namin. Kanina pa ako palingap-lingap sa lugar. Maganda ang lugar. Makintab ang sahig na halos pwede na akong manalamin, napapalamutian naman ng mangilan ngilang paintings ang dingding, at ang kulay gintong chandelier sa gitna ang siyang nagbibigay liwanag sa lugar. Hindi ako madalas magpunta sa ganitong lugar. Probinsyana kase ako at lalong hindi ako mayaman para magcheck in sa mga luxurious at expensive hotels na tulad nito. Nakakailang tuloy ang paminsan minsang pagtingin ng ibang mga guest doon.
Napakaganda ng lugar ang problema lang ay hindi ko maappreciate iyon dahil sa kaba ko. May iba kasi akong pakiramdam sa pag-aaya ng kasama ko dito.
Kaibigan ko si Jake simula pa high school kaya pati mga best friends ko, naging kaibigan na din nya. Kaso, ang eksena, nagkagusto siya sakin. Hindi ako nagmamaganda, ilang beses nya lang ipinagtapat kaya ang ending, binasted ko. Kaibigan ko sya ee, kabarkada, at iyon lang ang ma-io-offer ko sa kanya. Pero ininsist pa din nya yung nararamdaman nya kaya lalong nagkalamat ang friendship namin. Pagkalipas naman ng taon, naging in touch parin sya sa aming magbabarkada kaya kahit awkward pinakikisamahan ko pa din. Naging magkaibigan naman kami after all.
Pero nitong nakakaraan parang may kakaiba sa kanya. Lagi na lang niyang bini-bring up yung issue sa pagitan namin tuwing magkakausap kami tapos iba pa ikinikilos niya. Inakala ko pa naman na okay na siya, na nakamove on na, hindi pa pala. Kaya ayun, iniwasan ko ulit. At kung bakit kasama ko siya ngayon ay dahil kinuntsaba niya ang mga best friends ko para sumama akong lumuwas ng Manila.
Mga best friends, kasi apat kami. Nabuo yung grupo namin since high school. Magkakaklase kami tapos nag-click kaya ayun best friends na. And as they all say, the rest was history. Ang hindi ko malaman ay kung bakit pinaubaya nila ako kay Jake ngayon.
Kung bakit ngayon pa sila nawala kung kailan hindi maganda ang feeling ko sa mga mangyayari. Nagkayayaan kasi na mag-bonding ngayong araw, dahil tutal ay linggo kaya mga walang pasok sa trabaho. Matagal na kaming graduate ng highschool, actually 5 years na, pero kahit ganun na katagal, napapanatili pa din namin ang tatag ng samahan namin dahil sa mga ganitong bonding.
Busy man sa kanya kanyang trabaho, gumagawa pa din kami ng time para sa isa't isa. Daig pa namin ang mag-asawa. Yun nga lang, sa ganyang usapan, lugi ako. Paano kasi, ako nalang ang walang boyfriend at yun din ang dahilan kung bakit hindi pa din ako tinatantanan ni Jake. Palagay ko, titigil lang ito pag nag-asawa na ako. Hindi na yata persistent na matatawag yun ee, obsession. Para kasing hindi na siya makaintindi tapos puro gusto nya lang iniintindi niya, pano naman ako ee hindi ko naman sya mahal? Hustisya naman.
Anyway, kung alam ko lang na makakasama siya kanina, hindi na sana ako sumama. Pinagpipilitan kasi ng mga kaibigan ko na bigyan ko daw ng chance, ee paano ako magbibigay kung wala akong maibibigay? Para na siya kasing madman. Minsan nga natatakot na ako sa kanya ee baka kung ano maisip, sunggaban nalang ako. Lalo tuloy akong kinilabutan sa naisip.
Papadilim na sa labas at hindi ko pa kabisado ang Manila di tulad ng kasama ko na balik-balik dto. Paano ako uuwi? Ni hindi ko nga malaman kung saang parte na ng maynila ito kasi pagkatapos niya akong hiramin sa mga kaibigan ko ay sinakay niya ako sa hiniram daw niyang sasakyan ng tito nya. Ang mga lukaret kong mga kaibigan naman, pinabayaan ako dito. Hindi pa naman kalakihan ang dala kong pera kung iiwanan ko nalang sya. Pambihira, bakit ba ako nasuot sa ganito. Ah bahala na. Basta pag nakakita ako ng pagkakataon, tatakasan ko talaga sya. Masama talaga kutob ko dito.
Maya-maya pa ay nakita kong inabutan ng key card ng receptionist si Jake. Doon na ako lalong naghinala. Kung may pupuntahan siyang kakilala, bakit kailangan niya ng key card, ee pwede namang itanong niya lang sa receptionist yung room number tapos kumatok nalang kami sa pinto?
Leche. Naloko na. Balak pa yatang magcheck in nung damuho na yun. Baka kaya may binabalak sya saken? Goodness. Bat ba talaga ako sumama dito. Naku, humanda saken yung tatlo na yun pag-uwi ko.
Pagkatapos ng transaction ni Jake ay nilapitan niya agad ako at walang sali-salitang hinila sa pulsuhan ko papunta sa elevator. Nagpabigat ako para hindi niya ako agad mahila pero mas hinigpitan niya ang hawak sa akin. Ano ba binabalak nito? Kinukutuban talaga ako ng masama.
"Teka, Jake, alam mo na ba yung room number ng kaibigan mo?"
"Oo," maikling sagot niya.
"Hindi ba dapat room number lang hiningi mo, bakit kumuha ka pa ng key card? " Kailangan kong makasiguro baka napaparanoid lang ako. Baka naman mali ako ng iniisip. Baka'.
"Huwag ka ng magtanong. Sumunod ka nalang."
Sumakay kami ng elevator saka niya pinindot kung saang floor ang pupuntahan namin. Nang huminto iyon ay mabilis niya akong kinaladkad papunta sa isang suite. Lalong lumakas ang kabog ng dibdib ko, hindi na talaga maganda to.
"Jake, akala ko ba pupuntahan lang natin yung kaibigan mo?" untag ko sa kanya habang abala siya sa pagbubukas ng pinto ng suite. Sa halip na sagutin ako ay agad siyang pumasok sa loob ng mabuksan ang pinto. Itinulak niya ako sa loob at napaupo ako sa sahig. Halos mapadaing ako sa sakit ng pigi at pang-upo dahil sa impact ngunit ang mas lalo kong ikinabigla ay ang madilim na paligid. Wala ring mga kaibigang sumalubong sa amin.
Nahihindik na nilingon ko ang kasama ko, agad na gumapang ang kilabot sa aking katawan ng makita ko kung paano niya ako tignan. Para siyang isang demonyo habang nakatingin sa akin na punong puno ng pagnanasa. It frightened the hell out of me. Gusto ko ng maiyak sa takot, pero hindi, i need to save my energy, kailangan kong makaalis dito.
"I've waited so long for this." Ngiting demonyo pa ang hayop habang naglalakad papalapit saken.
Hindi ko na ininda ang pagbagsak ko at agad akong tumayo para makalayo sakanya. "Hayop ka Jake. Anong ibig sabihin nito?"
He shot me with his lustful glare and smirked menacingly. "I've loved you, but you rejected me. So I guess it's pay back time."
Pagkasabi non ay agad niya akong sinunggaban pero agad din akong nakailag sa kanya. Tumakbo ako papunta sa pinto pero nahablot niya ang braso ko kaya pumalag ako. Akmang ihahagis niya ako sa kama nang makahablot ako ng flower vase sa may lamesa saka buong lakas na inihampas sa ulo niya. Hindi na ako nakapag-isip sa ginawa ko, basta kailangan kong makaalis dito.
Naitakip ko sa bibig ang kamay ko nang makita kong namilipit sya sa sakit habang hawak ang ulo. Doon na tumulo ang luha ko.
"Sorry," humihikbi kong sabi. Tinungo ko agad ang pinto bago pa makahuma si Jake at nagtatatakbong dumiretso sa elevator. Nakita kong lumabas sya ng suite at tumakbo papunta saken. Agad akong pumindot para sumara agad ang pinto.
Halos tawagin ko lahat ng santo huwag lang syang makaabot. Nakahinga ako ng maluwag ng napagsarhan siya. Narinig ko pa siyang napamura. Doon ko nilabas ang lahat ng sama ng loob ko kay Jake.
Akala ko matino siya? Sa tinagal-tagal naming magkakilala, hindi ko akalaing maiisipan nyang gawin sakin to. Anong akala niya sa akin, tanga na makukuha niya sa ganoong paraan? Mamamatay muna ako bago nya ako magalaw.
Bago bumukas ang pinto ng elevator ay hinamig ko ang sarili. Kailangang makaalis agad ako dito. Kahit na nanginginig na ang tuhod ko sa takot ay pinilit ko pa ding makatakbo. Hindi pa ako gaanong nakakalayo nang marinig ko siyang tinawag ang pangalan ko sa galit na tinig galing sa kabilang elevator pero hindi na ako nag-aksayang lingunin pa sya. Alam kong hinabol niya ako habang tinatawag pa din ang pangalan ko pero derecho pa din ako. Mamaya maabutan nya pa ako mahirapan na akong tumakas sa kanya. Mahirap na. Lalaki pa naman yun.
Dumadami na din ang tao sa lobby ng hotel kaya nahihirapan akong makadaan. Alam kong pinagtitinginan na kami pero wala akong pakialam. Kailangan kong makaalis dito sa kahit anong paraan. Noon pa man masama na ang kutob ko kay Jake kaya ilag ako sa kanya pero binaliwala ko yon at nakipagkaibigan pa din sa kanya. Ngayon ko pinagsisisihang hindi ko pinaniwalaan ang instinct ko.
Nang makita ko ang entrance ay lalo ko pang binilisan ang takbo, kaso may biglang sumulpot na lalaki sa harap ko. Hindi agad ako nakahinto kaya nabangga ko sya.
"Hey..." narinig ko pang sabi nung lalaki.
Muntik pa kaming mabuwal kung hindi lang sya maagap at hinawakan ako. Nang makabawi ako ng balanse ay agad akong bumitaw sa kanya. Ramdam ko pa din ang tingin nung lalaki saken. Binalingan ko pang saglit ang mukha niya pero hindi ko napagtuunan ng pansin dahil mas iniintindi ko yung humahabol saken. Makakalapit na sana sya sakin kung hindi lang siya nabangga at naharangan ng ibang guest na nag-che-check in.
Pakiramdam ko pag hindi ako nakaalis dito, ito na magiging huling araw ko. He surely looked like a mad man right this very minute. His face is grim and his eyes scream of lust and violence. Hindi ko lubos maisip na naging kaibigan ko ang tulad nya. Pambihira. Dami ko namang hindi akalain sa kanya basta, naramdaman ko na noon na he's capable of it. Binalewala ko lang talaga.
"Nikki!"
"Nikki!"
"Bullsh*t!" Narinig ko pang mura nya. Diyos ko! Ano ba tong nangyayari sakin. Naiiyak na naman ako. Di ko na napigilan. Halo-halo na kasi ang nararamdaman ko. Pagod, hingal, kaba, takot pati na gutom.
"Dominique"
>ii<Hindi ko parin siya pinapakinggan. Dire-direcho lang ako hanggang sa kalsada. Hindi ko na din alam kung saan ako papunta basta makalayo lang sa kanya, okay na ako. Kaso mukhang mahihirapan ako, lalo na't hindi ko kabisado ang lugar.Maya-maya pa ay napansin ko na, na medyo nakalayo na ako sa kanya kaya naghanap ako ng mapagtataguan. Kailangang mailigaw ko muna siya para makaalis ako sa lugar na ito. Pag nakalayo na sya saka ako pupunta sa main road. Tama. Ganun nga gagawin ko. Kailangan kong mag-isip ng paraan dahil kung hindi, patay ako.Sa may gilid ko ay may natanawan akong siwang sa pagitan ng dalawang building na kasya lang ang isang bata. Balingkinitan naman ako kaya pinilit kong sumiksik don. Madilim doon kahit may malapit na poste ng ilaw pero hindi iyon naaabot ng liwanag kaya siguradong mahihirapan si Jake na makita ako. Abot-abot ang panalangin ko habang hinihintay kong mak
>iii<"You alright?" tanong ni kuyang gwapo.Tumango lang ako habang nakatingin sa labas. Alam kong derecho lang din ang tingin niya sa daan kahit hindi ko siya tignan. Ramdam ko ang coldness ng boses nya. Kanina pa kami nakaalis sa hotel at hindi ko alam kung saan kami pupunta ngayon. Ayoko munang magtanong sa kanya. Ayoko munang makipag-usap sa kanya. Hanggang ngayon ina-absorb pa ng utak ko ang mga nangyari kanina. Parang nahihirapan akong tanggapin na nagkaganun si Jake. Maswerte ako at may mabuting loob na tumulong sa akin. Everything felt like a whirlwind. Nalilito na ako. Naguguluhan. Pinagkatiwalaan ko siya, ee, tapos binalak niya akong pagsamantalahan? Hindi ko alam kung trauma ba tong nararamdaman ko, parang hindi ko alam kung paano na ako makikiharap sa iba. Baka mamaya may makilala akong tulad ulit ni Jake, tapos hindi na ako makaligtas? Paano kung wala ng kuyang gwapo na tutulong sakin sa susunod? Tapos
>vi<Sa aming magkakaibigan ay wala pa rin namang nagbago sa samahan at pakikitungo sa isa't isa. Tulad pa rin ng dati, halos magkakapatid na ang turingan namin. I think. Si Mira lang ang tila ba lumayo ang loob sa amin. Simula nung insidenteng nangyari three years ago, kung paano ako pinagtangkaang gawan ng masama ni Jake, nag-iba ang pakikitungo niya samin lalo na saken. Kapag lalapitan ko siya lalayo sya, kapag kailangan niya akong kausapin, napaka-civil nya. Parang nagbago siya dahil sa nangyari. Kapag tinatanong namin kung ano ang problema, iibahin niya ang usapan. Para bang may tinatago na sya samin. Pinagwalang bahala na lang ng dalawa dahil sigurado naman daw na sasabihin din iyon samin ni Mira kapag nagtagal na pero tatlong taon na ang lumipas ay ganun pa din sya. Gusto ko man malaman ang dahilan, wala akong magawa.Naalala ko naman yung pangyayaring yon. Paano ko nga ba naman makakalimutan na minsan akong
>v<"I see that you're an undergraduate, Ms. Tupaz." "Yes, ma'am", sagot ko sa interviewer. Kasalukuyan akong nag-aapply ng trabaho sa isang department store. At sa kamalas-malasan, pang-pito ko ng pag-aapply ito ngayong araw pero malabo pa din ang pag-asang magkatrabaho ako. Pambihira. Ang hirap maghanap ng trabaho. Kung bakit kasi hindi na umasenso ang ekonomiya ng Pilipinas. "Well, to tell you frankly, we're very much in need of a sales staff right now", sabi ni Ms. Interviewer na tila tinatancha ang reaksyon ko. "but the management requires a college graduate. Pasensya na Ms. Tupaz, pero kung papayag ang management, tatawagan kita agad." Bagsak ang balikat na lumabas ako ng building. Pambihira naman, dahil lang sa letcheng educational background na yan di ako matanggap sa
>vi<Sa aming magkakaibigan ay wala pa rin namang nagbago sa samahan at pakikitungo sa isa't isa. Tulad pa rin ng dati, halos magkakapatid na ang turingan namin. I think. Si Mira lang ang tila ba lumayo ang loob sa amin. Simula nung insidenteng nangyari three years ago, kung paano ako pinagtangkaang gawan ng masama ni Jake, nag-iba ang pakikitungo niya samin lalo na saken. Kapag lalapitan ko siya lalayo sya, kapag kailangan niya akong kausapin, napaka-civil nya. Parang nagbago siya dahil sa nangyari. Kapag tinatanong namin kung ano ang problema, iibahin niya ang usapan. Para bang may tinatago na sya samin. Pinagwalang bahala na lang ng dalawa dahil sigurado naman daw na sasabihin din iyon samin ni Mira kapag nagtagal na pero tatlong taon na ang lumipas ay ganun pa din sya. Gusto ko man malaman ang dahilan, wala akong magawa.Naalala ko n
>vii<Kanina ko pa tinitignan ang damit na eleganteng nakalatag sa higaan na nasa harapan ko. Hindi ko matanggal ang mata ko sa damit. Napakaganda kasi nito. Isa iyong ball gown. Yes, for goodness sake. A ball gown not an evening gown.Hindi ko alam kung ano ang nakain ko at napapayag ako ni Cass. Sa hinaba haba ng pagtatalo namin, dito din ako nauwi.Nasa kwarto ako ni Cassidy ngayon at nakatayo sa harap ng gown na sinabi niyang isusuot ko daw. Sa totoo lang, kumpleto na lahat. Mula sa sapatos, sa damit, at sa hair and makeup. At yes, sabi nya "she had everything well taken cared of" sa madaling salita, naplano na niya. Kaya heto ako, nilulusaw ang mamahaling damit na nasa harapan ko, baka sakaling hindi ako makasama, ang problema lang, wala akong laser vision kaya ayaw matunaw. "Kahit anong titig mo dyan, hindi yan malulusaw", nakapama
>viii<Nanigas ako sa kinatatayuan ko pagkadinig sa boses ng lalaking nanggaling mula sa likod ko. Biglang kumabog ng malakas ang dibdib ko, hindi dahil sa sinabi niya kundi dahil sa pamilyar na boses na iyon. Just hearing his voice made my stomach lurch. How can I ever forget that deep soothing voice of the man who saved me years ago. The voice that can freeze hell when he's fuming mad. Lalong kumabog ang dibdib ko ng marinig ko ang yabag nyang papalapit saken. Hindi ako makalingon sa kaba. Bakit ba hindi ko agad naisip na may chance na magkita kami dito? Pero paano kung kaboses lang nya? Marami namang magkakaboses sa mundo di ba? Pero paano kung sya? "Why don't you turn around so we can talk properly, wallflower?" tila nanunubok na sabi nya. I've sensed the grin on his face. Why the sudden sarcasm? Parang may iba sa tono ng pananalita niya? Isa pa, tinawag niy
>ix<"Naiinis talaga ako pag naaalala ko yung mukha ng Elric na yun," nanggigigil na litanya ni Cass.Ilang beses ko na bang paulit-ulit na narinig iyon mula pa kagabi pag-uwi nito. Ang Elric na tinutukoy nito ay ang lalaking humabol sa kanya nung party three months ago. Yep, three months ago na simula ng tinalikuran ko ang lalaking nagligtas sa buhay ko. Three months na din akong nagtitiis ng sakit sa puso dahil sa mga nangyari ng gabing iyon. Kung bakit kahit anong pilit kong kalimutan, pilit na sumisiksik sa isip ko yung ungas na yun. Oo na, hindi ko na ide-deny na sa insidenteng yun three years ago ay na-fall agad ako sa kanya. Tsk. Totoo pala ang love at first sight yun nga lang sa maling tao. Pero ika nga nila, "love is blind". Tss.Hay, tama na nga. Lalong dumadaing si he
>xxx<Hindi ako mapakali habang nasa byahe kami ni Marione pauwi ng Pangasinan. Gusto ko sanang ako nalang ang umuwi para hindi na siya maabala pero nagpumilit pa rin siya. Isa pa ay hindi din daw sya mapapakali kung pababyahehin niya akong mag-isa kaya sumama na siya. Hindi ko naman maialis ang isip ko sa pamilya ko at sa sinabi ni Angelo sa linya kanina. Inatake daw si tatay na siya namang ipinagtataka ko. Sa pagkakaalam ko kasi ay wala sa lahi nila ang may sakit sa puso kaya hindi ko malaman kung bakit siya bigla nalang inatake.Sa tana kasi ng buhay ko ay ngayon lang inatake sa puso si tatay. Halos halukayin ko na ang utak ko sa posibleng dahilan para atakehin ito pero wala naman akong maisip. Wala naman kasi silang sinasabing problema sa lupang sinasaka nila, hindi rin naman ako pumapalya sa pagpapadala sa kanila buwan-buwan.
>xxix<Halos inip na inip ako sa maghapon habang hinihintay na gumabi. Ewan ko ba kung bakit ganito. Hindi rin kasi maalis sa isip ko si Marione at sa kung ano na ang estado namin. Maging ang tungkol kay Mira ay hindi rin maalis sa isip ko. Ayokong manghusga pero hindi ko mapigilan ang sarili kong magtanong kung bakit at paano niya nagawang maglihim sa akin ng tungkol kay Jake.Napabuntong-hininga ako habang nakapalumbaba sa may counter at nakatunghay sa mga naglilinis na mga kasamahan ko sa buong restaurant. Sarado na rin kasi kami at naglilinis na lamang bago umuwi. So far wala pa naman nakakapansin sa pagtunganga ko dito kaya't malaya pa rin akong namamahinga. Nakakatuwa din kasi silang pagmasdan na habang abala sa pagpupunas ng mga lamesa at pagma-mop sa sahig ay walang katapusan ang chismisan nila at labasan ng sama ng l
"Why don't you turn around so we can talk properly, wallflower?" panunubok ko sa kanya ng wala akong makuhang reaksyon.Nakalimutan na kaya niya ako? Shit! Just the thought of her forgetting me, pisses me off. How dare her forget me so easily while I'm still stuck here wanting to see her again. Nauubusan na ako ng pasensya ng hindi ko man lang siya nakitang natinag sa kinatatayuan. Didn't she want to see me? Napakuyom ang kamay ko."Or should I call you , Dominique, Miss wallflower?" Ani ko na sadyang hinaluan pa ng sarkasmo. I am Marione Alistair Eldritch, CEO of the well-known Eldritch Hotels Inc. and son of the shipping magnate, Marcus Eldritch. She can never get rid of me. Even if she tries to forget me, well, too bad. I'll never let her.
>xxvii<I snarled at her but she just stared at me like she was still shocked by what she did. She looked horrified while tears brimming down her beautiful face. My hands itched to wipe off her tears. Bigla ay nakaramdam ako ng pagkaalarma nang makita ko siyang nanginginig. Parang may kung ano tuloy sa akin na parang gusto siyang hilahin at ikulong sa mga bisig ko."Miss, you alright? Are you hurt?""Dominique!"Someone from afar shouted. Nakita kong nanginig lalo ang dalaga saka atubiling lumapit sa akin. I guess that was the guy who ran after her a while ago.I can't help but to stare at her eyes. Para kasing nang-aakit iyon na tumingin dito kahit na hilam na ito ng luha at nababahiran ng takot. Nainis ako bigla. Why does these eyes have to be shadowed wit
>xxvi<*Marione's*I went straight to my parents house pagkatapos kong maihatid si Nikki sa trabaho. Bumusina ako para ipaalam ang pagdating ko at para na rin pagbuksan ng gate. Hindi rin naman nagtagal at pinagbuksan din ako.Agad akong nagmaniobra papasok at nag-park sa may garahe. It was a huge space packed with cars in different sizes before. But now, it was only my parents' was there. Well, my brother and his wife already have their own house and family anyway.Pagkaibis ko ay may naghihintay agad na maid sa akin para kunin ang dala kong coat at case. Pagkaabot ay dumiretcho na ako sa loob ng malaking kabahayan. Pagkabukas ko ng pinto ay ang pamilyar na malaking chandelier sa taas ng malawak na sala ang nabungaran ko. Sa magkabilang gilid naman ay ang eleganteng hagdan na halatang alaga sa linis. Habang nagmamasid
>xxv< MALIWANAG na sa labas ng magmulat ako ng mata. Ang sarap ng tulog ko kagabi. Nanaginip pa yata ako na katabi ko daw si Marione. Natigilan ako ng may maramdaman ako na marahang paghinga sa tabi ko. Lilingunin ko na sana ito ngunit hindi ko na nagawa dahil nakasiksik ang mukha nito sa leeg ko. Agad na gumapang ang kilabot sa buong katawan ko. Bibiling na sana ako ngunit hindi ko rin nagawa dahil naroon din ang braso nito sa may tiyan ko at ang mabigat niyang hita na nakadantay sa binti ko. Hindi ako makagalaw pero ayos lang. Ang sarap matulog na katabi siya. Kung sana ay laging ganito ang magigisnan ko sa umaga. Nuon ko napansin ang kumot na nakapatong sa amin. Wala naman akong kinuhang kumot kagabi dahil di ko naman akalain na dito na kami makakatulog. Natigilan ako ng may maalala.&n
>xxiv<Habang nasa daan ay walang kumikibo sa aming dalawa ni Marione. Ramdam ko pa rin ang tensyon mula sa nangyari. Gusto ko sana siyang kausapin kaso para kasing may madilim na aura sa paligid niya na handang manakmal oras na hindi niya magustuhan ang sasabihin ko. Parang hanggang ngayon ay nagtitimpi pa rin siya ng galit. Isa pa, hindi ko din alam kung paano ko ipapaliwanag sa kanya na imbes na naroon ako sa tabi niya ay nandoon ako at yakap-yakap ni Jake. Ayokong isipin niyang hinabol ko si Jake pero hindi ko naman magawang magsalita. Kaya nanatili na lang akong nakatingin sa labas habang kung ano-anong bagay ang pumapasok sa isip.Maya-maya pa ay naramdaman kong huminto na ang sasakyan. Nang lumingon ako sa paligid ay saka ko lang namalayan na nakarating na pala kami sa tapat ng apartment.
>xxiii<"Cass!" wala sa loob na tawag ko sa kanya. Alam kong hindi niya narinig dahil halos pabulong lamang iyon. Akmang lalapitan ko na siya nang maramdaman ko na may kamay na pumigil sa akin. Nalingunan ko roon si Marione na diretchong nakatingin sa akin. Umiling lamang sya dahilan para maguluhan ako. Agad akong napalingon sa dance floor ng makarinig ako ng tilian.Naroon at nakahandusay na sa semento ang kanina lang na kasayaw ni Cass. Pinupunasan nito ang labi na marahil ay sa pagdurugo dahil sa suntok ng lalaking bigla nalang sumulpot sa kung saan. Lahat ay nabigla sa bilis ng mga pangyayari kaya’t hindi agad na napigilan ang mga iyon. Mabilis na tumayo ang lalaking kasayaw kanina ni Cass at mabilis na dinaluhong ang bagong dating. Nasa mukha nito ang galit at nasa mga mata ang pagnanais na
>xxii< Tila ako naitirik sa kinatatayuan ng marinig ko ang pamilyar na baritonong boses na nanggaling sa likuran ko. Mahina lamang iyon pero sapat na para makarating sa aking pandinig. Agad na nanindig ang balahibo ko sa nerbyos at takot habang parang may tila vtr na nag-play sa utak ko ang mga nangyari ilang taon na ang nakakaraan. Bigla ay parang gusto ko nang tumakbo palabas sa lugar na ito at bumalik sa kotse ni Marione. Si Marione! Goodness! Bakit ba kasi lumayo ako sa kanya? "Hindi mo man lang ba ako haharapin? It's been years since we last saw each other." Hinawakan niya ang siko ko at pinaharap sa kanya. Pakiramdam ko ay para akong estatwa na nakatayo sa harapan niya.