Home / All / Kismet / Chapter 5

Share

Chapter 5

Author: MD Rosario
last update Last Updated: 2021-06-12 17:29:06

>v< 

"I see that you're an undergraduate, Ms. Tupaz."

     "Yes, ma'am", sagot ko sa interviewer. Kasalukuyan akong nag-aapply ng trabaho sa isang department store. At sa kamalas-malasan, pang-pito ko ng pag-aapply ito ngayong araw pero malabo pa din ang pag-asang magkatrabaho ako. Pambihira. Ang hirap maghanap ng trabaho. Kung bakit kasi hindi na umasenso ang ekonomiya ng Pilipinas.

     "Well, to tell you frankly, we're very much in need of a sales staff right now", sabi ni Ms. Interviewer na tila tinatancha ang reaksyon ko. "but the management requires a college graduate. Pasensya na Ms. Tupaz, pero kung papayag ang management, tatawagan kita agad."

    

     Bagsak ang balikat na lumabas ako ng building. Pambihira naman, dahil lang sa letcheng educational background na yan di ako matanggap sa trabaho. Nakatungtong naman ako ng college, isang sem na nga lang tapos na ko ee. Kainis naman kasi, magtitinda lang naman ng damit yung hinahanap nila gusto pa nakagraduate ng college. Paano nalang yung mga high school lang ang natapos? Edi lalong mas nahirapan silang makahanap ng trabaho. 

Kaya hindi umunlad ang Pilipinas ee. Tsk. Mas pinipili nila yung may alam na kaysa sa matututo pa lang. Ee kailangan naman talagang matuto bago gumaling di ba? Parang pagbibilang lang yan, hindi ka naman makakarating sa 10 kung hindi ka magsisimula sa 1. Maryosep naman. Hay naku, pagod na ako, gutom na, ubos pa pera. Hindi na nga ako nakakain ng tanghalian dahil sa pagtitipid tapos wala pang napala.

   Madilim na sa labas ng dumating ako sa apartment na tinutuluyan namin ni Cess. Patay pa rin ang ilaw kaya alam kong wala pa si Cess. Kung sabagay alas-otso pa ang uwi nya galing sa trabaho. Buti pa si Cess, hindi naaalis sa trabaho. Pinalad kasi siyang makapasok sa isang sikat na restaurant. Halos mag-aapat na taon na din sya dun bilang chef na na-promote as head chef. Sabagay, yun naman ang pinagtapusan nya. Culinary arts kasi ang kinuha niya, palibhasa mahilig magluto. Sabi pa nga niya maganda daw ang sahod saka hindi mahigpit kaya nakatagal siya. Minsan na nga akong nagpapasok kahit waitress kaso lagi daw walang bakante kasi bago pa umalis yung isa, may kapalit na.

   Kaya nga ako lumuwas ng maynila noon para magkatrabaho agad tapos ganito pa din ang resulta hanggang ngayon. Tatlong taon na ako dito pero nahihirapan pa din akong makahanap ng permanenteng trabaho. Kung hindi kasi mababa ang sahod, lagi namang nagle-layoff ang mga pinapasukan ko. Akala ko ba naman pinalad na akong makapasok sa factory, mas malaki na ang sahod, malaki na din ang maipapadala ko sa pamilya ko, yun pala akala ko lang. Biglang nalugi kaya ayun, nag-declare sila ng mass layoff. Kaysa maghintay sa tawag na hindi ko malaman kung tatawag pa, nag-resign na lang ako at naghanap ng iba. Yun lang hanggang ngayon, wala pa rin. 

     Pabagsak na ang mga mata ko sa antok nang marinig kong nagring ang cellphone ko. Biglang bangon tuloy ako at nagmamadaling kinalkal iyon sa dala ko kaninang shoulder bag dahil baka isa iyon sa mga pinag-applyan ko kanina, nagkamali pala ako. Nanlumo ako nang makita ko ang nakarehistrong pangalan sa screen, ang kapatid ko. Hindi naman sa ayaw ko silang makausap, lalo ko lang kasing naiisip ang mga alalahanin ko. 

Wala naman kaming problema sa pamilya, pero sa pinansyal, malaki. Kaya nga din ako nahinto sa pag-aaral ay dahil doon. Ang totoo ay hindi naman talaga kaya ng mga magulang ko na pag-aralin ako ng kolehiyo, ako lang talaga ang mapilit dahil gusto ko talagang makapag-aral. Ayoko kasing manatili nalang sa kung nasaan ako. Ayokong habang buhay maghirap kaya ipinilit ko ang kagustuhan ko dahil alam kong yun ang paraan para makaahon, ang kaso lang, ako na din ang kusang huminto. Mahirap lang kami. Nakikisaka lang ang mga magulang ko at nag-aaral pa sa highschool ang dalawa kong kapatid. Lalo ko lang pinahirapan ang mga magulang ko. 

     Sa kabila ng lahat ng iyon, naging makasarili pa din ako dahil gusto ko lang ang sinunod ko kahit alam kong mag-aral ako o sa hindi, kapos pa din kami. Hindi ko man lang inisip ang pamilya ko. Para din naman sa kanila yun ee, pero siguro hindi din para sakin. Nang nagkasakit si nanay saka lang ako natauhan na mas kailangan kong tumulong sa pamilya ko bago ko tuparin ang pangarap ko. Minsan kasi kahit ano gawin mo, kung hindi para sayo, hindi para sayo. Kaya nagtrabaho ako para makatulong, hindi man ako ang makatapos, kahit mga kapatid ko man lang. Tama na iyong ako nalang ang makaranas na hindi makapagkolehiyo. 

     

Awa naman ng Diyos ay nasa kolehiyo na nga pareho. Ang sumunod sa akin na si Angelo ay nasa third year na sa kursong nursing. Hindi naman naging mabigat ang gastusin dito dahil nakakuha ito ng full scholarship. Grumaduate kasi itong valedictorian. Si Miguel naman ay first year college na din at siyang nagpatuloy ng kursong pinangarap kong matapos noon. Hindi man grumaduate na may karangalan ang bunso namin, nakuha pa din siyang scholar ni mayor. Partial nga lang pero malaking tulong na din iyon. Hindi nasayang ang paggi-give way ko at ngayon malapit ng magkaroon ng katuparan ang pangarap ko para sa mga kapatid ko. Konting kembot nalang. 

  

     "Hello?"

     "Hello, ate?" si Miguel ang sumagot.

     "Oh, bakit bigla kang napatawag?" tanong ko kahit may kutob na ako kung bakit. 

     Sandaling nanahimik si Migs na sa palagay ko ay nag-aalangang magsabi sa akin. Naririnig ko pa ang boses ng nanay ko na pinagsasabihan ito. Ano kaya ang problema? Parang masama ang kutob ko. Wala naman sigurong masamang mangyayari. Bigla namang kumabog ang dibdib ko sa ganung isipin. 

     

 "Ate, kasi ano.." alangang panimula ng bunso namin. 

     

Napabuntong-hininga ako. "Hulaan ko, may pagkakagastusan na naman sa school nyo?"

     "Educational tour, ate. Sumama kami at sa hindi magbabayad kami. Ayoko na ngang sumama, ee kaso hindi talaga pwede", paliwanag pa nya. 

     Pwede ko na kayang sabihin na pasan ko ang daigdig? Hindi kalakihan ang nakuha kong back pay sa pagreresign tapos ginagamit ko pa yun na pang-apply. Hindi ko pa din sinasabi sa pamilya ko na nag-resign na ako kasi umaasa akong makakahanap agad ako ng trabaho kaso mahigit isang buwan na akong naghahanap, wala pa din. 

 "Sige, magpapadala ako." Bahala na. 

      

"Baka wala ka ng panggastos dyan, ate?"

Hay, buti na lang mababait ang mga kapatid ko. "Hindi no. Ako pa ba?"

     "Talaga ba ate?" nagdududang sabi nya. Pinagdudahan pa talaga. Hindi ba convincing? 

     "Oo nga."

     "Okay. Thanks ate. Mag-iingat ka dyan lagi", paalala ni bunso sa masayang boses. Narinig ko pang nagsalita si Angelo sa tabi ni Migs. "Si ate ba yan? Pakausap ako."

      "Ate!" excited na bungad ni Angelo. Ano kaya meron? 

     "Bakit? Mukhang masayang masaya ka yata? May kailangan ka din no?" biro ko. 

   

  "Wala no. Pero tutugtog kasi kami sa susunod na linggo. Malaki to, ate. Magkakaroon ng concert dito ang Bricks, kami ang front act. Umuwi ka ate."

     Freshmen pa lang si Angelo ng makasali siya sa isang banda at maging front man. Ang balita ko ay sikat sila sa university at unti-unti na ding nakikilala sa probinsya namin. At ang Bricks ang sikat na sikat at trending na trending na banda sa social media.

     Gusto ko sana siyang mapanood dahil never ko pa siyang nakitang mag-perform pero hindi pa ako pwedeng umuwi dahil wala pa akong trabaho. Lalo yatang nadagdagan ang paghihirap ko. 

     "M-may trabaho kasi ako, Gelo. Alam mo na, hindi pwedeng basta basta umabsent", pagdadahilan ko. "Pero susubukan ko pa din."

     Narinig ko pa syang napabuntong-hininga bago sumagot. "Okay, ate. Take care." Malungkot na ang boses niya. Lagot na, nagtampo pa yata. Mahirap man wala akong magagawa. Hay. This is life. It's not about fun but sacrificing. Life's unfair anyway. 

     Ilang paalala pa galing sa pamilya ko bago nila ibaba ang telepono. 

Ibinagsak ko ulit ang katawan ko sa higaan at nanlulumong tumitig sa kisame. Baka sakaling may mailuwang sagot iyon sa problema ko. Hindi ko malaman kung manghihiram ako kay Cess ng ipapadala ko kay Migs. Kaso marami na akong utang kay Cess, dadagdagan ko pa ba? Nung lumuwas ako dito, sya ang kumupkop saken. Kapag kailangan ko ng pera, pinapautang nya agad ako kahit madami na akong utang sa kanya. May kaya kasi ang pamilya ni Cess kaya hindi namomroblema sa pera. Tapos ang upa sa apartment, siya na muna ang sumasagot sa ngayon kasi nga wala pa akong trabaho. Nahihiya na tuloy akong lumapit sa kanya. 

     Kung si Cass naman, hay, nahihiya din akong lumapit. Nauna ako ng ilang buwan na lumuwas ng maynila bago siya sumunod. Tinanggap niya ang trabaho bilang Marketing assistant sa isang sikat na kompanya sa Makati. 

     Pareho kami ng kursong kinuha ni Cass, yun nga lang, siya nakapagtapos, ako hindi. Mayaman din kasi sila Cass at tulad nila Cess, hindi namomroblema sa pera at hindi obligadong magtrabaho pero they still chose to be with me and work for themselves. Kung bakit at paano ko naging kaibigan ang mga rich kid na yun, hindi ko alam. Pero thankful ako at sila ang mga kaibigan ko. Si Mira naman ganun din, nandito na din sya sa maynila at mina-manage ang architectural firm ng pamilya nila na nagawa niyang palaguin sa ilang taon palang nyang pamamalakad. Sosyal di ba? Boss of her own company. 

     Mga successful na talaga mga best friends ko, ako lang talaga ang hindi. Hay, saka ko na aayusin ang buhay ko pag nasa ayos na ang pamilya ko. Sa tingin ko naman malapit na yon dahil malapit ng grumaduate si Angelo, magkakaroon na ako ng katuwang sa pagtataguyod ng pamilya namin. 

Related chapters

  • Kismet   Chapter 6

    >vi<Sa aming magkakaibigan ay wala pa rin namang nagbago sa samahan at pakikitungo sa isa't isa. Tulad pa rin ng dati, halos magkakapatid na ang turingan namin. I think. Si Mira lang ang tila ba lumayo ang loob sa amin. Simula nung insidenteng nangyari three years ago, kung paano ako pinagtangkaang gawan ng masama ni Jake, nag-iba ang pakikitungo niya samin lalo na saken. Kapag lalapitan ko siya lalayo sya, kapag kailangan niya akong kausapin, napaka-civil nya. Parang nagbago siya dahil sa nangyari. Kapag tinatanong namin kung ano ang problema, iibahin niya ang usapan. Para bang may tinatago na sya samin. Pinagwalang bahala na lang ng dalawa dahil sigurado naman daw na sasabihin din iyon samin ni Mira kapag nagtagal na pero tatlong taon na ang lumipas ay ganun pa din sya. Gusto ko man malaman ang dahilan, wala akong magawa.Naalala ko n

    Last Updated : 2021-06-16
  • Kismet   Chapter 7

    >vii<Kanina ko pa tinitignan ang damit na eleganteng nakalatag sa higaan na nasa harapan ko. Hindi ko matanggal ang mata ko sa damit. Napakaganda kasi nito. Isa iyong ball gown. Yes, for goodness sake. A ball gown not an evening gown.Hindi ko alam kung ano ang nakain ko at napapayag ako ni Cass. Sa hinaba haba ng pagtatalo namin, dito din ako nauwi.Nasa kwarto ako ni Cassidy ngayon at nakatayo sa harap ng gown na sinabi niyang isusuot ko daw. Sa totoo lang, kumpleto na lahat. Mula sa sapatos, sa damit, at sa hair and makeup. At yes, sabi nya "she had everything well taken cared of" sa madaling salita, naplano na niya. Kaya heto ako, nilulusaw ang mamahaling damit na nasa harapan ko, baka sakaling hindi ako makasama, ang problema lang, wala akong laser vision kaya ayaw matunaw. "Kahit anong titig mo dyan, hindi yan malulusaw", nakapama

    Last Updated : 2021-06-18
  • Kismet   Chapter 8

    >viii<Nanigas ako sa kinatatayuan ko pagkadinig sa boses ng lalaking nanggaling mula sa likod ko. Biglang kumabog ng malakas ang dibdib ko, hindi dahil sa sinabi niya kundi dahil sa pamilyar na boses na iyon. Just hearing his voice made my stomach lurch. How can I ever forget that deep soothing voice of the man who saved me years ago. The voice that can freeze hell when he's fuming mad. Lalong kumabog ang dibdib ko ng marinig ko ang yabag nyang papalapit saken. Hindi ako makalingon sa kaba. Bakit ba hindi ko agad naisip na may chance na magkita kami dito? Pero paano kung kaboses lang nya? Marami namang magkakaboses sa mundo di ba? Pero paano kung sya? "Why don't you turn around so we can talk properly, wallflower?" tila nanunubok na sabi nya. I've sensed the grin on his face. Why the sudden sarcasm? Parang may iba sa tono ng pananalita niya? Isa pa, tinawag niy

    Last Updated : 2021-06-19
  • Kismet   Chapter 9

    >ix<"Naiinis talaga ako pag naaalala ko yung mukha ng Elric na yun," nanggigigil na litanya ni Cass.Ilang beses ko na bang paulit-ulit na narinig iyon mula pa kagabi pag-uwi nito. Ang Elric na tinutukoy nito ay ang lalaking humabol sa kanya nung party three months ago. Yep, three months ago na simula ng tinalikuran ko ang lalaking nagligtas sa buhay ko. Three months na din akong nagtitiis ng sakit sa puso dahil sa mga nangyari ng gabing iyon. Kung bakit kahit anong pilit kong kalimutan, pilit na sumisiksik sa isip ko yung ungas na yun. Oo na, hindi ko na ide-deny na sa insidenteng yun three years ago ay na-fall agad ako sa kanya. Tsk. Totoo pala ang love at first sight yun nga lang sa maling tao. Pero ika nga nila, "love is blind". Tss.Hay, tama na nga. Lalong dumadaing si he

    Last Updated : 2021-07-06
  • Kismet   Chapter 10

    >x<"Thank you po, sir," pasasalamat ko sa may-ari ng restaurant na pinagtatrabahuhan ni Cess saka diretsong lumabas ng opisina nito para kitain ang kaibigan kong naghihintay sa labas.Pagkabihis ko kanina ay nagmadali agad akong pinapunta ni Cess dito sa restaurant dahil gusto daw akong kausapin ng amo nya. Sinabi nya daw kasi dito na kung maaari nya akong maipasok kahit waitress man lang. Pumayag naman daw agad ang amo nya kaya tinawagan niya ako agad.Matagal ko nang nahahalata na malakas si Cess sa may-ari dahil sa ilang benepisyong nakukuha nito na minsan ay higit sa karaniwan. Minsan nga naisip ko pang may namamagitan na dito at dun sa boss dahil kapag nalelate ito ng uwi ay laging inihahatid ng huli. Kung tutuusin, wala naman sigurong masama kung magkakatuluyan ang

    Last Updated : 2021-07-06
  • Kismet   Chapter 11

    >xi<Nasilaw ako bigla sa liwanag ng ilaw nang idilat ko ang mga mata ko. Itatabing ko pa sana ang braso ko para maidilat ang mga mata ko nang bigla akong makaramdam ng pagkirot mula sa kanang braso ko."Ah..." napadaing ako nang hindi lang simpleng kirot ang naramdaman ko duon kundi sakit na sumisigid sa buto."Don't move too much with your right arm," malumanay na sabi ng isang babae mula sa tabi ko.Tuluyan na akong napadilat at agad na binalingan ang babae. Parang may artista akong kaharap. Una ko agad napansin ang bilugan niyang mukha. Ang dark blonde nyang buhok, maayos na pagkakaahit ng kilay, malalantik na pilikmata, brown ang mga mata, matangos na ilong at manipis na labi, artistahing-artistahin. No

    Last Updated : 2021-07-06
  • Kismet   Chapter 12

    >xii<"Bakit nagpaiwan ka pa? Umuwi ka na din. Kaya ko na ang sarili ko. Salamat sa tulong." Sinadya kong palamigin ang boses ko. May parte sa akin na gusto syang makasama kahit sandali pero may parte din na ayoko na syang makita. Ngunit sa dalawang iyon ay mas nananaig ang una. Pero kailangan kong kumapit sa realidad dahil iyon ang tama."Does it still hurt?" concern evident in his voice. Lalo tuloy lumakas ang kabog ng dibdib ko. Hindi man lamang niyapinansin ang mga sinabi ko."Hindi mo na kailangang magkunwari na nag-aalala. Kaya ko na ang sarili ko. Umuwi ka na," sagot ko nang hindi pa din siya sinusulyapan. Narinig ko pa ang kanyang malalim na buntong hininga. Restraining himself from another outburst, maybe.

    Last Updated : 2021-07-06
  • Kismet   Chapter 13

    >xiii< "Nikki... Please... Don't fall in love with me... " Ang huli niyang sinabi sakin bago siya umalis sa ospital ilang buwan na ang nakakaraan. Tsk. Parang gusto kong maiyak kapag naaalala ko iyon. Gago na yun. Para na niyang sinabi na wag akong huminga. Pwes para sabihin ko sa kanya, huli na siya. I already fell for him. Peste namang mata to, nagbabadya na naman. Oo na, umiyak ako ng mismong pagkaalis nya. Pero pinapangako ko, iyon na ang huling pagkakataong iiyakan ko sya dahil itaga nya sa bato, kakalimutan ko na talaga sya. Akala nya kung sino sya, bwisit na yun. Teka nga, bat ba inaalala ko yung hinayupak na yun. Umagang-umaga sya agad nasa isip ko. Dapat wala na akong naaalala. Wala na akong kilalang-- Ugh! Hindi ko na

    Last Updated : 2021-07-08

Latest chapter

  • Kismet   Chapter 30

    >xxx<Hindi ako mapakali habang nasa byahe kami ni Marione pauwi ng Pangasinan. Gusto ko sanang ako nalang ang umuwi para hindi na siya maabala pero nagpumilit pa rin siya. Isa pa ay hindi din daw sya mapapakali kung pababyahehin niya akong mag-isa kaya sumama na siya. Hindi ko naman maialis ang isip ko sa pamilya ko at sa sinabi ni Angelo sa linya kanina. Inatake daw si tatay na siya namang ipinagtataka ko. Sa pagkakaalam ko kasi ay wala sa lahi nila ang may sakit sa puso kaya hindi ko malaman kung bakit siya bigla nalang inatake.Sa tana kasi ng buhay ko ay ngayon lang inatake sa puso si tatay. Halos halukayin ko na ang utak ko sa posibleng dahilan para atakehin ito pero wala naman akong maisip. Wala naman kasi silang sinasabing problema sa lupang sinasaka nila, hindi rin naman ako pumapalya sa pagpapadala sa kanila buwan-buwan.

  • Kismet   Chapter 29

    >xxix<Halos inip na inip ako sa maghapon habang hinihintay na gumabi. Ewan ko ba kung bakit ganito. Hindi rin kasi maalis sa isip ko si Marione at sa kung ano na ang estado namin. Maging ang tungkol kay Mira ay hindi rin maalis sa isip ko. Ayokong manghusga pero hindi ko mapigilan ang sarili kong magtanong kung bakit at paano niya nagawang maglihim sa akin ng tungkol kay Jake.Napabuntong-hininga ako habang nakapalumbaba sa may counter at nakatunghay sa mga naglilinis na mga kasamahan ko sa buong restaurant. Sarado na rin kasi kami at naglilinis na lamang bago umuwi. So far wala pa naman nakakapansin sa pagtunganga ko dito kaya't malaya pa rin akong namamahinga. Nakakatuwa din kasi silang pagmasdan na habang abala sa pagpupunas ng mga lamesa at pagma-mop sa sahig ay walang katapusan ang chismisan nila at labasan ng sama ng l

  • Kismet   Chapter 28

    "Why don't you turn around so we can talk properly, wallflower?" panunubok ko sa kanya ng wala akong makuhang reaksyon.Nakalimutan na kaya niya ako? Shit! Just the thought of her forgetting me, pisses me off. How dare her forget me so easily while I'm still stuck here wanting to see her again. Nauubusan na ako ng pasensya ng hindi ko man lang siya nakitang natinag sa kinatatayuan. Didn't she want to see me? Napakuyom ang kamay ko."Or should I call you , Dominique, Miss wallflower?" Ani ko na sadyang hinaluan pa ng sarkasmo. I am Marione Alistair Eldritch, CEO of the well-known Eldritch Hotels Inc. and son of the shipping magnate, Marcus Eldritch. She can never get rid of me. Even if she tries to forget me, well, too bad. I'll never let her.

  • Kismet   Chapter 27

    >xxvii<I snarled at her but she just stared at me like she was still shocked by what she did. She looked horrified while tears brimming down her beautiful face. My hands itched to wipe off her tears. Bigla ay nakaramdam ako ng pagkaalarma nang makita ko siyang nanginginig. Parang may kung ano tuloy sa akin na parang gusto siyang hilahin at ikulong sa mga bisig ko."Miss, you alright? Are you hurt?""Dominique!"Someone from afar shouted. Nakita kong nanginig lalo ang dalaga saka atubiling lumapit sa akin. I guess that was the guy who ran after her a while ago.I can't help but to stare at her eyes. Para kasing nang-aakit iyon na tumingin dito kahit na hilam na ito ng luha at nababahiran ng takot. Nainis ako bigla. Why does these eyes have to be shadowed wit

  • Kismet   Chapter 26

    >xxvi<*Marione's*I went straight to my parents house pagkatapos kong maihatid si Nikki sa trabaho. Bumusina ako para ipaalam ang pagdating ko at para na rin pagbuksan ng gate. Hindi rin naman nagtagal at pinagbuksan din ako.Agad akong nagmaniobra papasok at nag-park sa may garahe. It was a huge space packed with cars in different sizes before. But now, it was only my parents' was there. Well, my brother and his wife already have their own house and family anyway.Pagkaibis ko ay may naghihintay agad na maid sa akin para kunin ang dala kong coat at case. Pagkaabot ay dumiretcho na ako sa loob ng malaking kabahayan. Pagkabukas ko ng pinto ay ang pamilyar na malaking chandelier sa taas ng malawak na sala ang nabungaran ko. Sa magkabilang gilid naman ay ang eleganteng hagdan na halatang alaga sa linis. Habang nagmamasid

  • Kismet   Chapter 25

    >xxv< MALIWANAG na sa labas ng magmulat ako ng mata. Ang sarap ng tulog ko kagabi. Nanaginip pa yata ako na katabi ko daw si Marione. Natigilan ako ng may maramdaman ako na marahang paghinga sa tabi ko. Lilingunin ko na sana ito ngunit hindi ko na nagawa dahil nakasiksik ang mukha nito sa leeg ko. Agad na gumapang ang kilabot sa buong katawan ko. Bibiling na sana ako ngunit hindi ko rin nagawa dahil naroon din ang braso nito sa may tiyan ko at ang mabigat niyang hita na nakadantay sa binti ko. Hindi ako makagalaw pero ayos lang. Ang sarap matulog na katabi siya. Kung sana ay laging ganito ang magigisnan ko sa umaga. Nuon ko napansin ang kumot na nakapatong sa amin. Wala naman akong kinuhang kumot kagabi dahil di ko naman akalain na dito na kami makakatulog. Natigilan ako ng may maalala.&n

  • Kismet   Chapter 24

    >xxiv<Habang nasa daan ay walang kumikibo sa aming dalawa ni Marione. Ramdam ko pa rin ang tensyon mula sa nangyari. Gusto ko sana siyang kausapin kaso para kasing may madilim na aura sa paligid niya na handang manakmal oras na hindi niya magustuhan ang sasabihin ko. Parang hanggang ngayon ay nagtitimpi pa rin siya ng galit. Isa pa, hindi ko din alam kung paano ko ipapaliwanag sa kanya na imbes na naroon ako sa tabi niya ay nandoon ako at yakap-yakap ni Jake. Ayokong isipin niyang hinabol ko si Jake pero hindi ko naman magawang magsalita. Kaya nanatili na lang akong nakatingin sa labas habang kung ano-anong bagay ang pumapasok sa isip.Maya-maya pa ay naramdaman kong huminto na ang sasakyan. Nang lumingon ako sa paligid ay saka ko lang namalayan na nakarating na pala kami sa tapat ng apartment.

  • Kismet   Chapter 23

    >xxiii<"Cass!" wala sa loob na tawag ko sa kanya. Alam kong hindi niya narinig dahil halos pabulong lamang iyon. Akmang lalapitan ko na siya nang maramdaman ko na may kamay na pumigil sa akin. Nalingunan ko roon si Marione na diretchong nakatingin sa akin. Umiling lamang sya dahilan para maguluhan ako. Agad akong napalingon sa dance floor ng makarinig ako ng tilian.Naroon at nakahandusay na sa semento ang kanina lang na kasayaw ni Cass. Pinupunasan nito ang labi na marahil ay sa pagdurugo dahil sa suntok ng lalaking bigla nalang sumulpot sa kung saan. Lahat ay nabigla sa bilis ng mga pangyayari kaya’t hindi agad na napigilan ang mga iyon. Mabilis na tumayo ang lalaking kasayaw kanina ni Cass at mabilis na dinaluhong ang bagong dating. Nasa mukha nito ang galit at nasa mga mata ang pagnanais na

  • Kismet   Chapter 22

    >xxii< Tila ako naitirik sa kinatatayuan ng marinig ko ang pamilyar na baritonong boses na nanggaling sa likuran ko. Mahina lamang iyon pero sapat na para makarating sa aking pandinig. Agad na nanindig ang balahibo ko sa nerbyos at takot habang parang may tila vtr na nag-play sa utak ko ang mga nangyari ilang taon na ang nakakaraan. Bigla ay parang gusto ko nang tumakbo palabas sa lugar na ito at bumalik sa kotse ni Marione. Si Marione! Goodness! Bakit ba kasi lumayo ako sa kanya? "Hindi mo man lang ba ako haharapin? It's been years since we last saw each other." Hinawakan niya ang siko ko at pinaharap sa kanya. Pakiramdam ko ay para akong estatwa na nakatayo sa harapan niya.

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status