Share

Chapter 1

Flying back home--

Nagdesisyon si Reyna Lynvy na umuwi sa Pilipinas pagkatapos malaman na ang anak ng Daddy niya sa labas ang namamahala sa isla nila at mananatili siya sa islang iyon.Kung pakaiisipin ay wala siyang ibang pagpipilian sa ngayon.

At ang Prince Hanz na iyon ang susundo sa kanya sa airport dahil sa lakas ng buhos ng ulan.At halos lubog na sa baha ang mga lugar na madadaanan at siguradong matra-traffic siya sa daan,aabutin siya ng siyam-siyam bago makauwi sa kanilang mansiyon.

Bago siya mananatili sa isla.Ayaw niyang umalis sa isla,ano ang malay niya kung ano ang gawin ng lalaking ito sa isla niya?

Siya lang ang nag mamay-ari ng isla na iyon at wala ng iba.

Sila ang una sa mga islang iyon kahit tignan pa ng mga tao sa kasaysayan!

At yaman din lamang na wala namang private army ang lalaki ay mas maganda pang huwag na siyang umalis doon.Kailangan siya nitong kausapin ng matiwasay na paraan,isang pag-uusap kung saan ay magkakasundo silang dalawa.

Madali naman siyang kausap.Kung magkakaroon sila ng isang maayos na kasunduan,bakit hindi niya ito pagbigyan?Puwede naman iyon.Mas maganda pa nga--ito ang magde...-develop,hati sila isla.

Why not?

Habang nasa byahe ay nakatulog siya at pagmulat niya ng mga mata ay sa isla siya dinala ng lalaki. Hindi pa niya na-e-empake ang mga gamit niya kaya wala siyang damit na gagamitin pero may damit sa sampayan sa likod ng bahay.Siyempre damit ng lalaki ang naroon.Pagkatapos magbihis ay na-curious siya kung ano na ang loob ng kabahayan nila.

Mayaman ang Papa nila,mayaman ang angkan kaya naman naging malago ang isla dahil sa mga turista na dumadayo doon.Ang hindi niya matanggap ay bakit sa anak ng kabit niya ito ipinamahala.

At siya na tunay na anak ay kaylangan pang makipag-agawan sa kanilang sariling isla.

Ang dami niyang tanong.

Kung cooperative lang sana ang lalaki at sasagutin ang kanyang mga katanungan.

Nagugutom na siya.Dahil ayaw niyang katukin ang lalaki ay nagpasya siyang manguha na lang ng pagkain sa isla.Bata pa siya ay iyon na ang ginagawa niya.Pinuntahan niya ang lugar kung saan may mga tanim na kamote.Sagana parin ang lugar na iyon.

Nakiluto siya sa dirty kitchen ng lalaki.Open iyon at malaya siyang nakakilos.

"What the hell do you think you're doing in my clothes and in my kitchen?"

Bahagya siyang kinilabutan sa pag-aalala,ngunit naisip niya kung ipapakita niya rito na takot siya ay lalo lamang nitong maiisip na maari siya nitong pagtaasan ng tinig at matakot na siya.Laking US yata siya.Alam niya na kaylangang mayroong angas ang isang tao upang hindi agad nadadarag.

"Ayaw mo akong pahiramin kaya nanghihiram ako ng kusa.Kaysa mamatay ako sa pulmonya,di ba?At dahil nagugutom narin ako,wala man lang inalok na pagkain sa akin,ako nalang ang kusang gumawa ng paraan.Mabait akong bisita,eh."

"Hindi ka bisita dito.You are not welcome here.In short,you are a tresspasser."

"Ang tresspassing,nagtitirik ng bahay sa lupang hindi kanya.Ako,isla ko ito.Ikaw ang tresspassing dito!"

"I have bought this island....Ugh!

Why am I even explaining this to you?Kukuha ako ng restraining order ni hindi mo puwedeng mabisita ang isla.Gano'n ang gusto mo?"

"So,inaamin mong may karapatan nga akong mabisita itong isla ko?Kasi sa tono ng pananalita mo kanina lang,parang lumalabas na talagang wala akong karapatan.Ngayon,may karapatan ako na alisin mo kapag hindi ako umalis?

Pabago-bagu ang statement mo.Ibig sabihin,naiisip mong inagrabyado mo talaga ako rito?"

"I paid good money for this Island and Im not giving it to anyone.Kung siguradong may karapatan ka sa husgado ka maghabol.

May hawak akong papeles na nagpapatunay na sa akin ang islang ito.

Ikaw,meron ba?"

"Mukha mo!Ang sabihin mo dumikit ka ng dumikit sa Papa ko para ibigay ang ang isla saiyo.At mayaman ka ba para bilhin ang isla ko?

Wala,dahil ang papeles ko lang na pag-aari ay ang pagpapatunay na wala kang karapatang bilhin ang islang ito.Sa isang taong hindi naman nag mamay-ari nito ni hindi nga Isabelenia ang Mercy Cabato na iyon,eh.Hindi rin iyon ang totoong asawa ng Papa ko kundi kabit lang siya."

"You can tell your story to Charo Santos.At pumunta kana sa guestroom na pina ayos ko at magpapahatid ako sa mga tauhan ng pagkain.Don't forget to give me back my clothes.Kung gusto mong magtagal at mag enjoy dito sa isla mag pakabait ka.Kung hindi isang tawag ko lang kay Don Leonardo darating ang private helicopter niyo para sunduin ka at para iyuwi ka sa mansiyon."

"Hindi ako aalis.Makakaya mong gawin sa akin yon pagkatapos mo akong maagrabyado ng todo-todo?Sa palagay ko kahit paano may puso ka pa."

"Well,see about that Little Miss Lynvy."

Namula ang mukha nito at saka iniwan.Kinabahan na naman siya.Ano ang maaring gawin sa kanya ng lalaking ito?

Napatingin siya sa kanyang kamote.Namiss na niyang kumain nun dahil sa tagal na panahon niyang pamamalagi sa ibang bansa.Akala mo gutom siya at hindi kumain ng ilang araw kaya naman linantakan niya ang talbos ng kamote.

Halos maubos niya iyon.Nagpasya siyang ignorahin na lamang ang pananakot ng lalaki. Wala namang komosyon.Malamang nanakot lamang ito.Siguro ay mabait naman ito,kaya lang ay nanakot siyempre para maging masunurin siya.

Nang biglang tumunog ang kanyang cellphone na nasa kanyang bulsa nakalimutan pala niyang ipaalam sa Papa Leonardo niya at Mama Minerva na nasa isla siya ngayon.Malamang todo alala na ang mga ito sa kanya dahil imbis na sa mansiyon siya uuwi ay sa isla siya dinala ng mayabang at hambog lalaki.

****

HanzPOV:

Ayon sa impormante ni Hanz,positibong si Reyna Lynvy Marie De Capre ang siyang nag mamay-ari ng lupaing kanyang nabili.Madaling makita sa NSO ang birth certificate nitong may thumb print ni Don Leonardo.Nakuha rin niya ang marriage certificate ng ama at ina nito.

Bagaman kasal din si Mercy Cabato kay Don Leonardo De Capre ay lumalabas na null and avoid iyon sapagkat hindi na-annul ang kasal ni Don Leonardo sa unang asawa nito.

Ang sabi ng abogado niya ay mayroon daw siyang laban sapagkat mapapatunayan niya na nagpakita rin sa kanya si Mercy ng mga legal na dokumento.

Gayunman ay alam niyang kawawa si Lynvy kung mapipilitan itong makipaglaban sa kanya sa korte.

Kaya niyang paabutin ang kaso kahit mahigit isang dekada pa.Sa loob ng mahabang panahon na iyon ay tiyak na hindi ito tatagal sa pag babayad pa lang sa abogado nito.

He decided to make a deal with her.They could be partners.Iyon ang sasabihin niya ngayon dito.

"Gusto ko sanang makausap maka-usap."

"Anon'ng sasabihin mo?"

"I-ikaw na ba ang may-ari ng isla?"Ngayong tinititigan niya ang lalaki ay lalo siyang naiilang.Ang guwapo-guwapo siguro nito kung wala itong buhok sa mukha.Iyon nga lang ay parang nakakatakot din sa bagsik ng mga mata nito.

"Ako nga at ano ang kaylangan mo?"

"Ako si Lynvy Marie.Ako ang anak ni Don Leonardo De Capre.Ang tagapagmana ng Paradise Resort na inaangkin mo."

"What?"

"Yes,mali ba ang dinig mo?"

"You must be mistaken."

"Hindi ako mistaken."

"Ano ang dahilan kung bakit nandito ka?"

"Hindi tamang ibinenta ito saiyo ni Mercy dahil hindi ito sa kanya."

"This is hers since your father left her and there are no other decentants."

"Syempre nasa Amerika ako hindi naman ganun kadali ang lumipad pabalik dito."I have my job there."

"Maganda naman na pala ang buhay mo doon,bakit umuwi ka pa?"

"And so,babawiin ko lang ang akin.This is from my grandfather Don Tim.At hindi ang kabit na iyon ang may karapatan dito.Alam mo,napupundi na ako sa mga angas mo,eh.Unang -una,wala kang karapatang bilhin ang isla na ito kay Mercy dahil ako ang may-ari nito.Kung ikaw kaya ang nag-aari,tapos binili ko sa iba at pinalayas kita roon,ano ang gagawin mo?

Wag mo ako angasan mas maangas ako sa'yo!

"I dont doubt it.Nevertheless,you must let go.Hindi mo rin ako madadaan sa ganyan mo."

"Puwes,lets see.Akin ito.

Wala kang karapatang angkinin ito."

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status