Share

Chapter 3

After a few days

Chapter3

"As usual,these are lovely,Leonardo,"kilig na kilig na sabi ni Minerva ng iabot ni Leonardo sa kanya ang isang pumpon ng mga sariwang bulaklak.Tulad ng dati,tuwing nakikita niya si Leonardo ay hindi maipaliwang ang pananabik niya rito.

"Not as lovely as you."

Umingos siya rito.Wala siyang taping sa araw na iyon.Kapag ganoon ay karaniwang nakikipag-conference call siya kasama si PrettyMae at ang kanilang manager sa Amerika.

"Busy?'tanong nito nang mapansin nito ang nakatambak na paper works sa ibabaw ng coffe table niya.

"Medyo."

"I hope I'm not disturbing you,honey.I can just sit and watch you work. I can do that all day."

Iningusan uli niya ito.

Mayamaya ay nag-ring na ang kanyang phone.Batid niya na iyon na ang simula ng meeting nila.Leonardo did not seem to mind.

Nagpaalam ito na pupunta sa kusina,ipaghahanda raw siya nito ng pagkain.

Habang naka speaker phone siya ay bumalik ito,dala ang isang tray ng pagkain at inumin.

'I found this in the fridge."..

Nakangiting tumango siya.

"Who's that?"tanong ni PrettyMae

"Siya si Leonardo,PrettyMae.

"Leonardo?Your Leonardo?"

Bigla niyang inalis ang speakerphone at baka ano pa ang masabi nito.Narinig niya ang pagtawa ni Leonardo habang nag-iinit ang kanyang mukha Lumayo siya rito upang kausapin si PrettyMae.

"Yes,it's Leonardo.Saka ko nalang ipapaliwanag saiyo."

Kasal sila ni Leonardo dahil sa kasunduan nila ng kanyang Papa Tim.Pero napatunayan ng dalawa na kahit isang malaking deal ang kasalang naganap ay naging maayos ang kanilang pagsasama at nabiyayaan pa ng magandang babaeng anak.

"Well......,"tanging sambit nito.Mayamaya ay nagpasya na ito na sa susunod nalang ituloy ang kanilang meeting.

"Takecare both of you",bilin nito bago binaba ang telepono.

"How are the macaroons?"tanong niya rito.

"So,I'm your 'Leonardo.I like that."

"Tumigil ka nga!,muli ay nag iinit ang kanyang mukha.

"Wala naman akong nakikitang masama roon,ah.As far,as I'm concerned,you're my Honey Minerva.And I'm so lucky to be with you.

Need my help with the paperwork?"

"Baka mapasubo ka."

"Try me."

Dahil kaylangan niyang tapusin ang lahat ng iyon,pinagbigyan niya ito.Hindi nagtagal tila isa na itong efficient secretary niya.Ang trabahong inaasahan niyang matatapos ng dalawa hanggang tatlong araw ay natapos nila sa loob ng apat na oras.

"I think,I deserved a reward,"nakangiting sabi nito.

"You do.Salamat din sa pagtuturo mo sa akin ng excel."

Noong nag-aaral pa siya ay wala pa silang subject na Microsoft Office kaya wala siyang alam sa program na iyon.Napakalaking tulong na tinuruan siya nito kung paano gamitin iyon Nagpasalamat siya na hindi naman pala iyon mahirap pag-aralan.

"Anytime,Mama Bear."

Humagikgik siya."Ano'ng gusto mo sa dinner?Puwede kitang ipagluto ng angus steal with burgundy sauce o pasta.Ako ang magiging chef mo ngayong gabi,MrPapa Bear."

Tumaas ang isang sulok ng labi nito.

"How about you be my girl instead?And not just tonight,"sabay yakap sa baywang nito at hinahalikan ang puno ng tainga niya.

"Hay,naku!"pabalewalang bulalas niya kahit ang totoo ay parang binayo ang puso niya sa lakas ng kabog dahil sa kakaibang sensasyon na dulot ng ginagawa nito.

Hindi niya alam kung paano tutugunin.

Nagpunta siya sa kusina.Nagpasya siya na steak nalang ang lulutuin niya.Binuksan niya ang refrigerator upang kunin ang rekados na kailangan niya.

Napasinghap siya ng muling pumaikot ang braso si Leonardo sa kanyang baywang.Nanayo ang mga balahibo niya ng madama ang init ng hininga nito sa batok niya.

"Why,so shy,honey?"

"I...Im not."

"Really?"

Iniharap siya nito.Tila nanunudyo ang titig at ngiti nito sa kanya.Napasinghap uli siya ng dumampi sa gilid ng leeg niya ang mga labi nito.And then his nose linger for a while,smelling her.Para siyang naparalisa sa kinatatayuan niya.Para siyang matutunaw sa mga bisig nito.

"God,how I missed you,even this lovely scent,you 've always carried so well,"masuyong sabi nito.

Napalunok siya.Hindi naman siya naglagay ng pabango sa katawan.Bago pa siya makapagsalita ay lumapit na ang mga labi nito sa mga labi niya.

Pumikit siya at agad na nilango sa sensasyong ibinigay nito.Nang maghiwalay ang mga labi nila ay napakurap siya.He planted a soft kiss on her nose.

"Let me help you in preparing our dinner."

"Huh?"dis oriented na sambit niya.

Masuyong hinawakan nitk ang baba niya,saka bahagyang itinaas ang kanyang mukha.Dinampian nito ng halik ang mga labi niya.

"I can kiss you all night but I'm afraid I can't promise that I'd only kissing your lips.I guess it's time we got busy with preparing dinner."

Naramdaman niya na nagblush siya.Mabuti pa ito,kayang awatin ang sarili samantalang siya ay gusto pang makahalik.

Pinakalma niya ang kanyang sarili at umaktong hindi apektado.Ngunit mahirap iyong gawin,at lalo na at damang-dama niya ang presensiya nito.

His masculine scent,his overwhelming presence,his damned good looks were all conspiring to make her feel like it was an evening of magical enchanted....

"Let me do the cooking for you."

"Marunong ka?"

"Hindi ako kasinggaling mo pero kahit paano ay may kaunti akong alam."

"Fine."

Mas mabuti ngang ito nalang ang kumilos dahil parang nanghihina parin siya sa halik nito.Hindi nagtagal ay naimpress na naman siya rito.He was cooking the steak like a pro.

Napangiti siya ng gumawa rin ito ng mashed potatoe at mixed vegetables.Mukhang sanay ito sa kusina.Pagkatapos ng kalahating oras ay nag hain na ito sa mesa.

Panay ang kindat nito sa kanya at panay naman ang hagikgik niya.Kanina pa siya umiinom ng red habang pinapanood ito at tumaas na ang spirits niya.Napangiti siya ng tikman ang steak.

"Perfect."

Hindi siya umimik dahil pakiramdam niya ay sinasabi lang nito ang nadarama at naiisip niya.Nag salin din ito ng redwine sa baso nito ,pagkatapos ay itinaas nito ang baso.

"Here's to us and to a wonderful night".

Sinaid niya ang laman ng baso niya.A wonderful night kanta yun,ah.

Sounded perfect.

*****

Mercy PoV:

Dati siyang mayroong maayos na trabaho bilang sikat na mananahi sa isang sikat na cotourier.Maganda ang pa suweldo sa kanya dahil halos siya na ang inaasahan nito.

Ito ang nagdidisenyo,ito ang dumadalo sa mga sosyal na party,siya naman ang head ng tatlong mananahi nito.

Masipag siya sa trabaho.Iniisip niyang maswerte na siya sapagkat ilang mananahi ba ang nagkakasuweldo ng higit minimum wage?

Siya lang yata.Ngunit sa pagsisimula ng bisyo ng kanyang amo at pagkakulong ng addik nitong nobyo ay nagsimula ring maubos ang kliyente nito at unti-unti ay nabawasan ang suweldo niya.

Dahil napakabait ng amo niyang bakla ay hindi niya ito iniwan,hindi tulad ng ginawa rito ng mga kaibigan at ibang tauhan nito.Sa kalaunan,ang naipon niyang pera ay ipinambili pa niya ng pagkain nito.Isang araw nalang ay nadatnan niya itong nagpatiwakal kaya isinugod niya ito sa hospital.

Ang sabi nito ay wala na raw itong pera sa bangko at nagtatalbugan na ang tseke nito.Paano niya ito matitiis?Ang kahuli-hulihuliang pera sa ipon niya ay siyang ipinampagamot nito,ngunit kulang parin iyon kaya nangutang siya sa nagpa-five six sa kanilang lugar.

Ang pangako ng baklang amo niya ay babangon ito muli sa kinasadlakan at babayaran siya nito,muli silang aangat na dalawa.

Ngunit hindi ganoon kabilis ang lahat.Na depress na naman ito dahil kahit ito na ang lumapit sa dating kliyente nito ay hindi parin ito pinansin.

Hangang isang araw nalang ay tumalon ito mula sa pent house kung saan ito nakatira.Anong sama ng loob niya at anong laki ng utang niya na babayaran niya.

Natural wala siyang trabaho ay hindi siya nakakapaghulog.Lalo pa siyang nabaon sa utang sapagkat parami ng parami ang kanyang utang,kahit sa mga tindahan,sa mga kapit bahay.Nang makahanap siya ng trabaho ay nagsiguro na ang nagpapa-five six.

Ipina-barangay na siya nito.Nakisama pa sa pagpapabarangay sa kanya ang may-ari ng tindahan na para bang milyones na ang nautang niya sa mga ito.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status