Share

Chapter 5

Minerva POV:

Pagkalipas ng tatlumpong minuto pagkatapos siyang iwan ni PrettyMae ay umulan ng malakas.Binigyan siya ng payong ng kaibigan niya pero hindi niya tinanggap.

"Walanghiya ka talaga,Leonardo.Gumagante ka,eh."

Mangiyak-ngiyak na siya.Hindi na nga yata ito darating.Sinabayan niya ng pagluha ang malakas na pagbuhos ng ulan.Mukhang nakisama iyon sa nararamdaman niya.

Naalala niya ng nag diwang siyang kasama ito.Buong atensiyon ang binigay ni Leonardo sa kanya.Pero iba na ngayon.Magiging masa siya pag dumating si Leonardo sa kaarawan niya.Pero nasaan na ito ngayon?

She blinked hard tears flooded her eye.Nanlalabo na ang paningin niya at namghihina na siya.Nang hindi na makatiis,tahimik na humagolgul siya sa kanyang palad.Kung gaanon ang sakit na naramdaman ni Leonardo sa ginawa niya noon,hindi na siya magtataka kung bakit galit na galit ito sa kanya ngayon.

Gayunman,hindi siya makaramdam ng kahit anong galit dito.Maybe

because deep inside her,the pain was worth all the happines she had ever felt,loving him.

Kung baliw siyang maituturing sa ginagawa niya,so be it.Basta gagawin niya ang lahat para sa taong mahal niya.

"Minerva.......?"

Tumigil siya sa pag-iyak nga marinig niya ang baritonong boses iyon.

"Leonardo!"

Sa gulat niya ay bigla nalang siyang niyakap nito.

"Damn it! What the hell do you think you're doing here?It's freakin' raining very hard and yet you never even...."

Napuno ang pag-asa sa puso niya.

"Du-dumating ka."

"The hell I'm here!Nababaliw ka na ba?Bakit hinintay mo ako rito?Paano kung hindi ako pumunta?Di buong gabi kang magbabad sa ulan?Paano kung magkasakit ka?"may pag-aalala sa tinig nito.

"What do you want,Minerva?"he said in a low voice but intimidating voice.

Malamlam ang mga matang tinignan niya ito.

"I want you're forgiveness,Leonardo."

Ilang emosyon ang nabasa niya sa mga mata nito bago siya magpatuloy sa pagsasalita.

"Gusto kong humingi ng tawad sa mga nagawa ko saiyo.Im so---"

Muling nagtagi ang mga bagang niya.He reached out and clamped his fingers around her arms.Leonardo knew how to old her without hurting her.His hands were gentle.But there was no doubt there was possesion in the gesture.Hinapit siya nito palapit dito.Halos maghalikan na sila sa lapit ng mukha.Nahigit niya ang kanyang mukha.

"No.I will never forgive you."pagkasabi niyon ay binitawan na siya nito.

Gusto na namang tumulo ang mga luha niya.Everyword from him was like a dagger being thrown at her heart.Pero matapang parin niyang hinarap ito.She deserved the searing pain she was feeling right now.Marahil,walang-wala iyon sa sakit na idinulot niya rito ng taon ng lumipas.

"Hindi kita titigilan hangga't hindi...."

"Go ahead."May ibang ipinarating ang mga mata nito ng tignan siya nito.

"It's a free country.Pero ito lang ang masasabi ko.Hinding-hindi na mauulit ang ginawa mong pag iwan sa akin noon."

Walang sabi-sabing nagmartsa na ito palayo.

Sinundan nalamang niya ito ng tingin.Ang ibig sabihin ba niyon ay hindi na siya kayang mahalin nito?Pinayapa nalamang niya ang puso niyang nagdurugo.

Tandaan mo rin na hindi ka dapat nagsasalita ng tapos,Leonardo.

****

Leonardo POV:

"How couId I be so selfish?"naiinis na tanong ni Leonardo sa sarili.Kinutusan niya ang sarili.Pakiramdam niya ay maramot siya.Na pinagkaitan niya ng isang pagkakataon ang isang tao.

Alam ng Diyos kung gaano niya ito kagustong tulungan.

Nabigla lamang siya sa mga sinabi nito sa kanya.Gusto niyang sabihin dito na kaya niya itong tulungan.Kayang-kaya niya itong pahiramin ng halagang kailangan nito.Kahit na hindi na nito bayaran iyon ay payag siya.Ganoon ang pagnanais niyang tulungan si Mercy.

Alam niyang mahusay sa larangan ng pagnenegosyo si Mercy.Isang patunay ang lalong paglago ng botique shop ng dati niyang amo'ng bakla nang tulungan niya ito sa paghawak ng shop nito.

Natuwa siya ng marining mula rito ang dahilan kung bakit gusto nitong magtayo ng sariling negosyo.Para sa sarili nitong pangarap sa buhay.Lalo siyang humanga rito sa naisin iyon.Ala niya ang storya ng buhay ito.Hindi siya naawa kay Mercy,bagkus ay humanga siya.Napakatapang nito.

Nakaya nito ang lahat ng dumating sa buhay nito.Kaya hindi niya mapatawad ang sarili kapag nasaktan ito.Pero nagawa na niya.

Gusto niyang sundan ito ng makita niya ang sakit sa mga mata nito.Pero hindi niya agad nagawa;tila ayaw sumunod ng katawan niya.Gusto niya itong tulungan at tuparin ang nais nito.

Naihilamos niya ang palad sa mukha niya.Ano ba ang pipiliin niya?Hindi niya maatim na maging malungkot si Mercy.Hindi niya magagawang hindi tulungan ito.Bumuntong-hininga siya.Tutulungan niya ito.Bahala na kung anuman ang mangyari.

He was more than willing to let her rise.Ang mahalaga ay matulungan niya sa nais nito.Ikinagagalak niyang maging daan siya nito para magkatotoo ang mga nais nito.

"Hello?"sagot ni Mercy sa inaantok na tinig habang nakapikit.Kanina pa nagri-ring ang cellphone niya.Ang aga-aga namang tumawag ng kung sino mang nasa kabilang linyang iyon.Naririndi na ang tainga niya kaya sinagot na niya amg tawag.Hindi naka register ang number ng caller.

"Sino ito?"tanong niya.

"Pumunta ka sa bahay ngayon din,"bagkus ay sabi ng boses sa kabilang linya.

"Sino ba ito?Bakit ako pupunta sa bahay mo?"napalakas ang tinig na tanong niya.

Narinig niya ang pagbuntong-hininga ng nasa kabilang linya "Si Leonardo ito.May sasabihin ako saiyo.Pumunta ka sa bahay ngayon."

Tuluyan ng nawala ang antok niya sa sinabi nito.Napabalikwas siya.Bigla siyang nakaramdam ng inis.Hindi pa niya nakakalimutan ang ginawa nito sa kanya.

"Puwede ba.Ayokong makipagbiruan sa'yo."inis na sabi niya.

"At kung maka-utos ka,wagas.Bakit naman ako pupunta sa bahay mo?"Masama pa ang loob niya sa ginawa nito.

Akmang ibaba na niya ang telepono ng magsalita ito.

"Sandali lang,Mercy.Sorry na kung pinagtawanan kita.Hindi ko naman sinasadya.Kaya nga kita tinawagan."

Naramdaman niya ang pagsisisi sa tinig nito.Pero hindi dapat siya magtiwala sa mga sinasabi ng lalaking ito.

"Bakit ka ba tumawag?"

"Sasabihin ko saiyo pag nagpunta ka sa bahay,"seryoso ang tinig nito.

Napaisip siya.Susundin ba niya ito o hindi?Nalilito siya.Hindi niya alam.

"Mercy.Nariyan ka pa ba?"

"Yah,"sagot niya "Ngayon mo nalang sabihin sa akin kung anuman ang sasabihin mo.Tungkol ba saan iyan?"

"Basta.Huwag ka ng magtanong,"bagkus ay sabi nito.

"Huwag ka ng magdalawang isil pa.Magugustuhan mo itong sasabihin ko saiyo,Mercy."Masigla na ang tinig nito.

Nagpaalam na ito sa kanya.Ibinababa niya ang telepono.Ano naman ang sasabihin nito?Baka nagbago na ang isip nito at pahihiramin na siya ng pera. Bakit kaya hindi ka pumunta sa bahay niya para malaman mo?tanong ng isang bahagi niya.

Oo na nga,Pupunta na nga,sagot naman ng isang bahagi ng isip niya.

Nagmamadali siyang baba ng kama at nagtungo sa closet at kumuha ng damit.Maliligo muna siya bago magpunta sa bahay ni Leonardo.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status