She feels frustrated with the owner of her resort.Ang kapal ng mukha ng kumag na iyon dahil ito pa ang may ganang insultuin siya at ito pa ang may ganang sumbatan siya.Kasalanan ba niya kung nababaan niya ito ng telepono?Eh,sa may emergency nga na may nangyari sa tapat ng bahay nila.Naku!Kakagigil ka talagang lalaki ka!Imbis na magpapahinga siya ay naisipan nalang niyang pumanhik sa kanyang kuwarto upang magpalit ng kanyang swimming costume.Nais niyang magpalamig dahil mainit ang nararamdaman niya ng mga sandaling iyon."Kung ako naman saiyo,Lynvy,hayaan mo nalang na si Mr.Hanz Ocbian Jr. ang magpatakbo ng resort mo,"sabi ng kanyang sekretarya ng puntahan siya."Palagay mo,'yon ang mabuti kong gawin?""For me,oo.Isa pa wala ka namang laban kahit pa dalhin mo sa korte.Legal ang mga papeles na hawak ni Mr.Ocbian.And not only that,kaibigan ng Daddy Leonardo mo ang papa niya.""No.I won't give up easily.Kilala mo ako hindi ako basta-basta sumusuko lang hangga't hindi ko nakakamit ang nai
Napamaang ito at biglang naasiwa ng titig na titig siya sa labi nito.Bakit ngayon lang niya napuna na mapula at mapintog ang mga labi nito na tila nag -aanyang halikan?"Kung anuman ang iniisip mo,'wag mo ng ituloy kundi sasamain ka sa akin,"banta ni Lynvy saka inambaan ng suntok ang binata.Ngumiti lang si Hanz ng ubod timis."Bakit nga ba hindi?""Bakit nga ba na ano--suntukin kita?Gusto mong makipag lipa to fist?Ikuskos mo yang mukha mo dito sa kamao ko."Naka ismid ito ngunit namumula naman ang mga pisngi.Lalo lang naging pilyo ang ngiti ni Hanz.'Why the hell not?Bakit hindi ko agad naisip yun?""Nagtatamang-hinala ako sa ngiti mo,ha? Papatakan na talaga kita,"banta niya rito.Pinatulis nito ang kanyang nguso na kunwari hahalikan niya ito.Ngunit bago pa siya nakahuma ay nakakita na siya ng estrelya dahil dumapo na ang kamao nito sa nguso niya.Nakalog hindi lang ang front teeth at gums niya pati yata ang utak niya.Sa sobrang sakit ng suntok nito pakiramdam niya ay tumabingi a
"O,mukhang pinausok yata ng kausap mo ang iyong bumbunan?"tanong ng sekretarya niya na itinuring na rin niyang isang kaibigan."Hindi lang pinausok.Pinakulo pa!Hindi ko malaman kung bakit ganito ako pestehin ng lalaking iyon""He's a wise guy,in case na hindi mo alam.""Paano mo alam?""May kaibigan akong nagtratabaho sa resort niya.Nagbakasyon na nga rin kami doon minsan.Pero mag-ingat ka sa kanya Madam.Palagay ko ay ginagamitan ka niya ng kanyang karisma sa babae para makuha ka.""Hindi niya ako maloloko!"reaksiyon niyaKaya?Surot ng kanyang konsensiya.Hindi ba at nahalikan na siya ng lalaki?Ni hindi siya nakapiyok nang mapangahas na angkinin ng lalaking iyon ang mga labi niya.Ni hindi nga niya nagawang sampalin.Pakiramdam niya ng mga sandaling iyon ay buong-buong nasakop ng lalaking iyon ang pagkatao niya.Kinagabihan ay umuwi siyang hindi mapakali at makatulog.For the first time,sa gabing iyon ay umaagaw sa atensiyon niya ang mukha ni Hanz.Kinabukasan,inisip niyang hindi umuwi ka
"Are you crying?""Umalis ka na,"utos na siya sa binata.Pormal na hinirap niya ito pagkatapos niyang umiyak."Hindi na ako kakain.""Sayang,hindi mo na-appreciate ang niluto ko.""Umalis ka na,Mr.Ocbian.Gusto ko ng magpahinga."Hindi direktang pagtataboy niya sa binata."Ayaw mo ba na pag-usapan natin ang tungkol sa mga ari-arian mo na napunta kay Mercy?""Wala naman tayong dapat pag-usapan about do'n di'ba?Legal ang mga papeles na hawak mo!""Kaya nga,you need to talk to me.Bakit parang ayaw na ayaw mong makipag-usap sa akin?Natatakot ka bang maulit muli?""Ang alin?"Napahalakhak si Hanz.May lamang mga halakhak na ikinisimangot niya."Pinagtatawanan mo ba ako?""Of course,not?Natatawa lang ako sa reaksiyon mo.Kung hindi ko lang alam na isa kang laking States ay iisipin kong napaka-inosente mong babae."Natameme siya sa sinabi ni Hanz.May gusto siyang isagot sa mga tinuran nito ngunit nagbago ang kanyang siya isipan."I don't know what your talking,Mr Ocbian.Please,excuse me,"nakataas
"Tingin ko saiyo ay gusto mo na akong tirisin,"narinig niyang sabi ni Hanz na ikinalingon niya."Mabuti,alam mo!Hindi ko talaga maintindihan ang drama mo Mr.Ocbian!Ano bang kailangan mo sa akin at hindi mo pa ako tinitigilan.""Wala na akong kailangan saiyo pero ikaw meron."Tumayo si Hanz at lumapit sa kanya.Tinalikuran niya ito at nginusuan."Umalis ka na,"parang nanunuyo ang kanyang lalamunan nang mamalayang napakalapit ng distansiya sa kanya ng binata.Sa sulok ng kanyang mga mata ay nakikita niyang may isang dipa nalang ang agwat nito sa kinatatayuan niya."Alam kong malaki ang galit mo sa akin dahil anak ako ni Mama Mercy.Ang babaeng naging kabit ng papa mo.And to tell you the truth,gusto ko sanang patunayan saiyo na mali ang mga balitang nasagap mo.Maybe,we can be a good friends."Sarkastikong hinirap niya ang lalaki."It doesn't concern me anymore Mr.Ocbian.Hindi ko sinasadyang saktan ang damdamin mo.But anyway,we can never be friend!Kung sa tingin mo ay madadaya mo ako sa mga
"Ano naman raw ang kailangan ng lalaking iyon?""Hindi ko alam.Mukhang insistent na makausap ka.Nakasampung tawag na yata.Kinulili ang tainga ko sa kari-ring ng telepono.""Kapag tumawag uli,huwag mong sabihing pumasok ako,"aniya."Mabuti at hindi ka niya tinawagan sa bahay.""Nahulaan ko kaya ini-hang ko na lang ang telepono sa amin.""Baka naman gusto mong magtapat ng latest sa inyo ni guwapo?"May himig panunuksong wika ng kanyang sekretarya."Ano naman ang ipagtatapat ko tungkol sa amin?""Eh,bakit ba ganyan na lang ka-intresado si Mr.Ocbian na makausap ka?""I don't know either.Basta ako,tapos na ang problema ko sa kanya.Nagdecide na akong magkanya-kanya na kami ng landas.""So ibig sabihin niyan,tapos na ang komunikasyon niyo?""Correctly!"Biglang nag-ring ang telepono."Yes,"nag-pose ang babae."Sandali lang ho,Sir."Iniabot sa kanya ang telepono."Sino?""Si Mr.Ocbian,"wala sa loob na sabi ng sekretarya."Si Hanz!"pinandilatan niya ito."Ay!"natutop niya ang bibig."Nakalimuta
"Madalas nga po kayong mabanggit sa akin ni Papa Leonardo noong hindi pa siya na stroke.Halos hindi siya nagsasawang ikuwento ang tungkol sa inyong magkakaibigan.If I know may-isa pa po kayong kaibigan di'ba?""Si Don Hanz Sr.ba ang tinutukoy mo,hija?"tanong nito sakanya saka sinundan ng maikling tawa."Anyway,it's a long story,"maikling sagot nito.Tila may lihim mula sa tinig niya."Gusto ko rin po siyang makilala at makilala.For sure,matutuwa ang Papa Leonardo ko kapag nalaman niyang nakilala ko na kayo.""That's good.Mabuti naman at hindi ka nabo-bored na makinig sa mga kalokohan namin noong araw."pang-iiba ni Mr.Santos sa usapan."Hindi naman po.Nakakatuwa ngang makinig sa mga kuwento ni Papa.And beside,may kapilyuhan rin po pala kayo sa babae no'n,Mr.Santos."Napahalakhak nang malakas ang matandang biyudo."Pati pala iyon ay ikinuwento saiyo ng kaibigan ko.Pero nakakapagtaka lang kasi dahil ng magmula ng tumira na kayo sa States ay hindi na siya nakipag-komunikasyon sa amin.I feel
Eksaktong alas otso ng gabi,dumating ang isang Mercedes Benz,lulan si Mr.Santos ."Good evening,hija,"bati nito sa kanya pagsakay ng sasakyan.Paliko sila nang kanto patungo sa direksiyon ng Makati ng mamataan niya ang isang pamilyar na kotse.At kung hindi siya nagkakamali,ang nagmamaneho niyon ay si Hanz.Kinabahan siya at medyo nataranta.Nang pumasok ang sasakyan ni Mr.Santos sa isang fine dining restuarant ay nalingunan niyang sumunod pa rin ang kotse ni Hanz.Ano kaya ang binabalak gawin ng lalaking 'to,"naisaloob niya.Nagsisimula ng umangat ang mga kilay niya."I hope you don't mind kung dito kita dinala.""Okay lang po sa akin,"matamis niyang ngiti sa matandang lalaki."Balita ko kasi masarap ang especialty nila dito lalo na ang kare-kare.""Paborito ninyo ng Papa Leonardo ko 'yan,di'ba?""Talagang madalas nga akong ikuwento sa iyo ng kaibigan ko,"napahalakhak na sabi ng matanda.Nakaupo na sila at nilapitan ng isang waiter nang pumasok naman si Hanz.Ang plano niya kanina ay pag