"O,mukhang pinausok yata ng kausap mo ang iyong bumbunan?"tanong ng sekretarya niya na itinuring na rin niyang isang kaibigan."Hindi lang pinausok.Pinakulo pa!Hindi ko malaman kung bakit ganito ako pestehin ng lalaking iyon""He's a wise guy,in case na hindi mo alam.""Paano mo alam?""May kaibigan akong nagtratabaho sa resort niya.Nagbakasyon na nga rin kami doon minsan.Pero mag-ingat ka sa kanya Madam.Palagay ko ay ginagamitan ka niya ng kanyang karisma sa babae para makuha ka.""Hindi niya ako maloloko!"reaksiyon niyaKaya?Surot ng kanyang konsensiya.Hindi ba at nahalikan na siya ng lalaki?Ni hindi siya nakapiyok nang mapangahas na angkinin ng lalaking iyon ang mga labi niya.Ni hindi nga niya nagawang sampalin.Pakiramdam niya ng mga sandaling iyon ay buong-buong nasakop ng lalaking iyon ang pagkatao niya.Kinagabihan ay umuwi siyang hindi mapakali at makatulog.For the first time,sa gabing iyon ay umaagaw sa atensiyon niya ang mukha ni Hanz.Kinabukasan,inisip niyang hindi umuwi ka
"Are you crying?""Umalis ka na,"utos na siya sa binata.Pormal na hinirap niya ito pagkatapos niyang umiyak."Hindi na ako kakain.""Sayang,hindi mo na-appreciate ang niluto ko.""Umalis ka na,Mr.Ocbian.Gusto ko ng magpahinga."Hindi direktang pagtataboy niya sa binata."Ayaw mo ba na pag-usapan natin ang tungkol sa mga ari-arian mo na napunta kay Mercy?""Wala naman tayong dapat pag-usapan about do'n di'ba?Legal ang mga papeles na hawak mo!""Kaya nga,you need to talk to me.Bakit parang ayaw na ayaw mong makipag-usap sa akin?Natatakot ka bang maulit muli?""Ang alin?"Napahalakhak si Hanz.May lamang mga halakhak na ikinisimangot niya."Pinagtatawanan mo ba ako?""Of course,not?Natatawa lang ako sa reaksiyon mo.Kung hindi ko lang alam na isa kang laking States ay iisipin kong napaka-inosente mong babae."Natameme siya sa sinabi ni Hanz.May gusto siyang isagot sa mga tinuran nito ngunit nagbago ang kanyang siya isipan."I don't know what your talking,Mr Ocbian.Please,excuse me,"nakataas
"Tingin ko saiyo ay gusto mo na akong tirisin,"narinig niyang sabi ni Hanz na ikinalingon niya."Mabuti,alam mo!Hindi ko talaga maintindihan ang drama mo Mr.Ocbian!Ano bang kailangan mo sa akin at hindi mo pa ako tinitigilan.""Wala na akong kailangan saiyo pero ikaw meron."Tumayo si Hanz at lumapit sa kanya.Tinalikuran niya ito at nginusuan."Umalis ka na,"parang nanunuyo ang kanyang lalamunan nang mamalayang napakalapit ng distansiya sa kanya ng binata.Sa sulok ng kanyang mga mata ay nakikita niyang may isang dipa nalang ang agwat nito sa kinatatayuan niya."Alam kong malaki ang galit mo sa akin dahil anak ako ni Mama Mercy.Ang babaeng naging kabit ng papa mo.And to tell you the truth,gusto ko sanang patunayan saiyo na mali ang mga balitang nasagap mo.Maybe,we can be a good friends."Sarkastikong hinirap niya ang lalaki."It doesn't concern me anymore Mr.Ocbian.Hindi ko sinasadyang saktan ang damdamin mo.But anyway,we can never be friend!Kung sa tingin mo ay madadaya mo ako sa mga
"Ano naman raw ang kailangan ng lalaking iyon?""Hindi ko alam.Mukhang insistent na makausap ka.Nakasampung tawag na yata.Kinulili ang tainga ko sa kari-ring ng telepono.""Kapag tumawag uli,huwag mong sabihing pumasok ako,"aniya."Mabuti at hindi ka niya tinawagan sa bahay.""Nahulaan ko kaya ini-hang ko na lang ang telepono sa amin.""Baka naman gusto mong magtapat ng latest sa inyo ni guwapo?"May himig panunuksong wika ng kanyang sekretarya."Ano naman ang ipagtatapat ko tungkol sa amin?""Eh,bakit ba ganyan na lang ka-intresado si Mr.Ocbian na makausap ka?""I don't know either.Basta ako,tapos na ang problema ko sa kanya.Nagdecide na akong magkanya-kanya na kami ng landas.""So ibig sabihin niyan,tapos na ang komunikasyon niyo?""Correctly!"Biglang nag-ring ang telepono."Yes,"nag-pose ang babae."Sandali lang ho,Sir."Iniabot sa kanya ang telepono."Sino?""Si Mr.Ocbian,"wala sa loob na sabi ng sekretarya."Si Hanz!"pinandilatan niya ito."Ay!"natutop niya ang bibig."Nakalimuta
"Madalas nga po kayong mabanggit sa akin ni Papa Leonardo noong hindi pa siya na stroke.Halos hindi siya nagsasawang ikuwento ang tungkol sa inyong magkakaibigan.If I know may-isa pa po kayong kaibigan di'ba?""Si Don Hanz Sr.ba ang tinutukoy mo,hija?"tanong nito sakanya saka sinundan ng maikling tawa."Anyway,it's a long story,"maikling sagot nito.Tila may lihim mula sa tinig niya."Gusto ko rin po siyang makilala at makilala.For sure,matutuwa ang Papa Leonardo ko kapag nalaman niyang nakilala ko na kayo.""That's good.Mabuti naman at hindi ka nabo-bored na makinig sa mga kalokohan namin noong araw."pang-iiba ni Mr.Santos sa usapan."Hindi naman po.Nakakatuwa ngang makinig sa mga kuwento ni Papa.And beside,may kapilyuhan rin po pala kayo sa babae no'n,Mr.Santos."Napahalakhak nang malakas ang matandang biyudo."Pati pala iyon ay ikinuwento saiyo ng kaibigan ko.Pero nakakapagtaka lang kasi dahil ng magmula ng tumira na kayo sa States ay hindi na siya nakipag-komunikasyon sa amin.I feel
Eksaktong alas otso ng gabi,dumating ang isang Mercedes Benz,lulan si Mr.Santos ."Good evening,hija,"bati nito sa kanya pagsakay ng sasakyan.Paliko sila nang kanto patungo sa direksiyon ng Makati ng mamataan niya ang isang pamilyar na kotse.At kung hindi siya nagkakamali,ang nagmamaneho niyon ay si Hanz.Kinabahan siya at medyo nataranta.Nang pumasok ang sasakyan ni Mr.Santos sa isang fine dining restuarant ay nalingunan niyang sumunod pa rin ang kotse ni Hanz.Ano kaya ang binabalak gawin ng lalaking 'to,"naisaloob niya.Nagsisimula ng umangat ang mga kilay niya."I hope you don't mind kung dito kita dinala.""Okay lang po sa akin,"matamis niyang ngiti sa matandang lalaki."Balita ko kasi masarap ang especialty nila dito lalo na ang kare-kare.""Paborito ninyo ng Papa Leonardo ko 'yan,di'ba?""Talagang madalas nga akong ikuwento sa iyo ng kaibigan ko,"napahalakhak na sabi ng matanda.Nakaupo na sila at nilapitan ng isang waiter nang pumasok naman si Hanz.Ang plano niya kanina ay pag
Tahimik lang si Lynvy sa kanyang kinauupuan habang nag-uusap si Mr.Santos at Hanz.Ano pa't sisirain niya ang gabi niya sa hambog na lalaking nasa harapan niya."Naku,hijo,sa ganda ng date mo,bilis-bilisan mo at baka maunahan ka pa ng iba.""Kaya nga lagi kung binabantayan Tito.Bukas nga ay may lakad uli kami."Nakatingin na naman sa kanya ang lalaki na para bang kinukuha ang reaksiyon niya."Kumain na ba kayo?"pang-iiba ng topic ni Mr.Santos."Tapos na ho,Tito.""Saan na ang lakad niyo ngayon?""Hindi ko po alam kay Lizzy.""Kami naman ay uuwi na.Nagyayaan lang kami ni Ms.De Capri para makapagkuwentuhan.""Baka po puwede kayong sumama sa amin?Why don't we go somewhere else and relax.I think there's a nice place her to hang-out?How about a disco,Tito?""Mmh!Teka...,"Napatingin ang matanda sa kanya kung sasama sila sa mga ito o ihaharid na siya nito."Ano,Ms.De Capri?Okay lang ba sa iyo?""Kayo ho.If you want to join them,di sige.""Okay,solve!Let's go,Hanz,"maluwang na nakangiting wika
Sign of relief para sa kanya ang hindi pagtawag ni Hanz ng linggong ngdaan.Nagsawa na rin siguro ito sa kasusubok sa kahinaan niya.Pakiwari niya ay talagang sinusubukan lang siya talaga ng lalaki.Ang mahuli siya nito sa kanyang bitag.Hindi alam ni Hanz na sugat-sugat na ang damdamin niya at puso dahil sa maling paratang nito sa pagkatao niya.Kung hindi lang ba siya naghihirap ay wala naman siyang balak makipag-agawan sa ari-arian nila."Wala ka bang talagang balak ipaalam kay Hanz na iyuuwi mo na ang mga magulang mo dito sa Pilipinas?"tanong ni Mr.Santos sa kanya."Wala po..In fact,wala naman silang ugnayan sa mga magulang ko.""You look so stressed,Hija.Ang tingin ko saiyo ay parang pagod na pagod at kulang na kulang ka sa pahinga.Talaga bang kaya mong mag-isa ang pasanin mo?""I don't have a choice,Sir.I have to do it on my own.Beside it my responsibility as their daughter to take care of them.""Ang suwerte nila saiyo."papuri sa kanya ni Mr.Santos."Gusto mong sumabay sa akin pagba