“You are six weeks pregnant, Helena...Should I say, ‘congratulations’ or --- I’m sorry…?” matamlay ang ngiti at nananantiya ang tono ng tinig ni Dra. Raquel Manzano. Ang kaibigang OB-Gynecologist ng dalagang si Helena Montenegro, na isa ng multi-milyonarya sa gulang nitong beinte’y otso.
Hindi agad nakahuma si Helena sa naging pahayag ng kaibigan. Ilang araw na ang suspetsa niyang iyon sa kakaibang nangyayari sa katawan niya. Kaya nga humingi siya ng special appointment dito para kumpirmahin ang nararamdaman niya sa sarili.
At bagama’t inaasahan niya na, na iyon ang magiging kumpirmasyon, kung bakit tila nasorpresa pa rin siya sa naging resulta ng kan’yang pregnancy test.
Anong emosyon ba ang dapat niyang pairalin sa mga sandaling iyon? Magiging masaya ba siya, o dapat niya bang ikalungkot ang balitang iyon?
“Helena --- ?” untag ng doktora sa dalaga.
Napatitig sa kaibigan si Helena. Pigil ang luha na gustong kumawala sa mga mata. “W-walang ibang dapat na makaalam nito, Raquel, except the two of us, please? Lalo na ang lola…”
Napabuntong-hininga ang doktor. Tumango ito. “Of course.” Pinisil pa nito ang palad ni Helena. “Well, I know that it’s not easy to make a plan on what you should do right now. Take your time, friend. Matagal pa naman bago ‘yan mahalata. And I believe, nasa tamang wisyo ka and you will never ever attempt to remove that.”
Tinitigan uli ni Helena ang kaibigan. Lahat ng nangyayari sa buhay niya ay alam nito. Kababata niya si Raquel. Naunahan nga lamang siya nitong mag-pamilya. At maligaya ito sa piling ng asawa na isa ring doktor.
“Just in case...” Pilit na ngumiti si Raquel. “And you know what I mean…”
“Hindi ko ito idadamay, Raquel…” Alam niya ang nais tumbukin ng doktor. Dinama niya ang maimpis pa niyang tiyan. “And remember this, I will love this child more than my life…” nalaglag na ang pinipigil niyang luha. Unti-unti nang nangingibabaw ang kasiyahan at kasabikan na magkakaroon na siya ng anak. Sa kabila ng malaking problema sa likod nito.
Niyakap siya ng doktora. “Nandito lang ako. Alam mo ‘yan.”
Tumango-tango si Helena. At umiyak sa balikat ng kaibigan.
WALA si Donya Amanda ng araw na iyon. Madilim-dilim pa nang magpasya itong mag-biyahe patungong Quezon upang bisitahin ang malawak na plantasyon nila ng pinya sa lugar na iyon. Tatlo hanggang apat na araw umano itong mawawala. Mas’yado kasing mahaba ang biyahe mula Maynila at hindi uubra na magbalikan ang matanda. Medyo mahina na ito at may diperensiya rin sa puso. Ganoon pa man, sa mga paglalakbay nito na katulad noon, kampante naman si Helena na umalis ang abuela kahit malayo ang pupuntahan nito dahil lagi nitong kasama ang private nurse niya na si Nancy at isa pa nilang mapagkakatiwalaang kawaksi na si Melba. Listo rin ang matagal na nilang family driver na si Mang Dencio.Alam ni Helena na maaasahan niya ang mga taong nakapaligid sa kan’yang lola kaya ilang araw man niya itong hindi makita at makasama, panatag ang kalooban niya na may mag-aalaga at mag-iintindi rito.Kagabi, pinipilit pa siya nitong sumama sa kan’ya. Para raw makapagpahinga naman siya sa opisina kahit ilang araw l
“Kumusta ka na?” tanong ni Raquel matapos hagkan ang pisngi ni Helena nang muli silang magkita nito. Sinadya niya ang kaibigan sa opisina nito dahil labis din siyang nag-aalala dito. “Obviously, you didn’t sleep well last night, did you? Halatang-halata ang eyebags mo. Hindi iyan makabubuti sa ipinagbubuntis mo, Helena…”Tumango si Helena. “I know, pero hindi ko maiwasan.” Huminga pa ito ng malalim. “Iniisip ko ang lola. Kung paano ko ito sasabihin sa kan’ya. Baka makasama sa kalusugan niya ang nangyaring ito, Raquel…” Naluluhang pahayag ng dalaga.Naaawang pinagmasdan ni Raquel ang kaibigan.Bumuntong-hininga pa muna uli si Helena bago muling nagsalita. “Bakit nga ba naging tanga ako sa pag-ibig, Raquel? Bakit hindi ko nahalata na hindi ako totoong mahal ni Efraim?” Tumawa pa ito. Mapait.“Ni hindi ko man lang naalala kung gaano siya kasuklam sa akin when we were still in college. Iyong kapag nauungusan ko siya, kulang na lang, malusaw ako sa matalim niyang titig sa akin. But then, t
“COME IN…” ani Helena matapos kumatok sa pinto ng private office niya si Aireen. Ang kan’yang secretary.Inutusan niya ito na kunin lahat ng files ng kanilang mga lalaking empleyado. Nagtataka man at hindi nalaman ang dahilan ng kan’yang babaeng ‘boss,’ agad na tumalima si Aireen at ngayon nga ay nasa harapan na ni Helena ang hiningi nito sa kan’ya.“Thank you, Aireen. You can go back to your work.” ani Helena na hindi tumitingin sa sekretarya at abala sa ilang papeles na pinipirmahan. Bahagya lang nitong sinulyapan ang mga inilapag ni Aireen sa kan’yang mesa.“Okay, Mam.” Tatalikod na sana ito nang may maalala uling sabihin. “Ah, Ma’m, let me remind you again,” nakangiti nitong sabi. “you have a dinner meeting with Mr. Alfonso. He called again earlier and asked about your availability tonight.”Tumango si Helena. “Okay, I got it.” Lumabas na si Aireen matapos marinig ang kan’yang sagot.Si Mr. Alfonso ay matagal nang kliyente ng kanilang kumpanya. Hinihimok siya nito na mag-sponsor s
HABANG SAKAY ng jeep pauwi sa kanila, hindi maipaliwanag ni Markus ang nararamdaman ng mga sandaling iyon. Hindi niya akalaing ipatatawag siya ng kan’yang amo na sobra niyang hinahangaan noon pa mang unang tapak niya sa kompanya nito, at makita niya ang isang higanteng poster nito na nakakabit sa dingding ng building ng Montenegro P&A Corp.Mula noon, inasam niya na, na sana, isang araw ay makadaupang palad niya si Helena Montenegro. Iyong harapan at malapitan na masisilayan niya ang kagandahan nito. Napakas’werte niya na siguro kapag nangyari iyon. At iyon nga…! Nangyari na nga kanina ang pinakaasam niya.Akalain niya ba talaga? Na ipatatawag siya nito? Na kakausapin? At hindi siya makapaniwala. May hihingin pa itong pabor sa kan’ya…?Ano nga ba iyon? Hindi niya mahulaan…A, anopaman iyon, hindi niya iyon tatanggihan. Para kay Helena. Sa minamahal niyang si Helena…Minamahal? Naloloko na yata siya sa pumasok na iyon sa kokote niya. ‘Totoo ‘yon! Minamahal mo talaga si Helena! ‘Di ba ng
HANGGANG sa pagtulog, hindi pa rin lubos maisip ni Markus kung ano ang pag-uusapan nila ng kan’yang amo bukas. Nagtataka siya sa sarili. Bakit ba ganoon na lamang siya ka-apektado sa magaganap bukas? Hindi tuloy siya dinalaw kaagad ng antok.Alas sais ng gabi pa ang usapan nila ni Helena, pero makakain ng tanghalian, gumayak na si Markus para mag-byahe patungong Alabang mula sa kanila sa Novaliches. Hindi naman kailangang mag-grab siya mula sa kanila. Sa bus lamang siya sasakay at pagdating sa Alabang, saka na lang siya magta-taxi papunta sa village nina Helena, pero bago iyon, dadaan pa muna talaga siya ng mall para bumili ng maganda-gandang polo shirt na kahit paano ay pagmumukhain siyang malinis at presentable sa harapan ni Helena.Pasado alas kuwatro ng hapon, tapos na siyang mamili sa mall at suot-suot niya na rin ang bagong poloshirt na binili niya. Combination of striped white and blue ang kulay noon. Bagay sa medyo bago pa niyang pantalong maong na hinagod mabuti ng plantsa ka
"PAKASALAN MO AKO. PANAGUTAN MO ANG BATANG DINADALA KO SA SINAPUPUNAN KO. SAGIPIN MO AKO SA PROBLEMANG IBIBIGAY KO SA LOLA KO SAKALING MALAMAN NIYA NA NILOKO LANG AKO NG LALAKING PINAGTIWALAAN KO. TATAPATAN KO ANG PABOR NA IBIBIGAY MO SA AKIN, MR. ANGELES. NAME IT AND YOU WILL HAVE IT."NASA bus na siya pauwi sa kanila pero hindi maalis sa isip ni Markus ang mga salitang iyon na binitiwan sa kan’ya ng amo niyang si Helena Montenegro. Paulit-ulit iyon na tila ba sumisigaw sa isipan niya. Na buhat kanina’y nakapagkit na sa utak niya.Ma-awtoridad. Hindi nakikiusap kun’di tila nag-uutos. Dahil ba empleyado lang siya nito? Dahil ba ang akala nito, kaya nitong bayaran ang kan’yang dangal? Na kaya nitong tapatan ng salapi ang kahirapan ng pamilya niya?Nagtagis ang bagang ng binata. Ngunit sa isang sulok ng puso niya, ay may bumubulong. Ang tinig din ni Helena.‘Pakasalan mo ako…’At parang ibig niya iyong sagutin ng ‘oo.’ Dahil kung ang pagbabasehan ay ang pagtatangi niya sa amo, gugustohi
ILANG oras nang nakahiga si Markus buhat nang makauwi siya mula sa pagkikita nila ni Helena pero hayon at hindi siya dalawin ng antok.Paano niya ba makakalimutan ang pinag-usapan nila ng among babae? Ang proposal nito sa kan’ya? Na kung sakaling tanggapin niya, ang kapalit noon ay kaginhawahan ng buo niyang pamilya.Tumayo si Markus. Inaninag sa pusikit na liwanag ang relo sa dingding. Pasado ala una na ng madaling araw pero sa halip nga na naghihilik na siya, heto at gising na gising pa rin ang kamalayan niya.Sinilip niya ang mga kapatid sa silid ng mga ito. Malungkot niyang pinagmasdang isa-isa ang tatlong kapatid. Nadama niya uli ang awa sa mga ito na katulad niya, mula nang isilang ay kahirapan na ang kapiling sa buhay.Kung sana ay natapos niya ang kolehiyo, disin sana’y mas maganda ang trabaho niya ngayon. Mas malaki ang suweldo. Hindi isang pipitsuging staff lang sa accounting department ng kompanya ni Helena. Maaaring doon din siya nagta-trabaho ngunit nasa may kataasang pos
“MAG-K’WENTO ka naman, oy!” ani Clarisa kay Markus nang magkita sila nito ng hapon na iyon. Sinadya ng binata ang kaibigan sa bahay ng mga ito para makumusta na rin ang nanay nitong may sakit. “Tungkol naman saan?” “Sa lakad mo kahapon. ‘Di ba, nagpunta ka sa bahay ng boss mo kahapon?” “Wala ‘yon. Trabaho lang.” “Kuu, ako nga’y ‘wag mong charutin, Markus! Trabaho lang, pinapunta ka pa sa mans’yon niya sa Alabang?” “Eh ano naman? Anong masama doon? Para kang si Aling Lora…!” “Aling Lora?” “Nanay ko! Maurirat!” Kinurot ni Clarisa si Markus. “Kasi naman, malihim ka na ngayon!” “Kailangan ba lahat ipaliwanag ko sa ‘yo? Dyowa ba kita?” biro ng binata. Lumabi si Clarisa. ‘Sana nga.’ Sabi ng isip nito. “Kumusta nanay mo?” “Okay naman. Kinausap ko si Aling Aning. Na umpisa bukas, samahan niya dito sa bahay habang nasa trabaho ako. Para mabantayan at maiwasang hindi na atakehin uli.” “Tama ‘yon. Mahalin mo nanay mo. Nag-iisa lang ‘yan.” “Naman! Kaya nga kahit nahihirapan na ako s
EPILOGUE and LAST CHAPTERAng kuwento ng buhay pag-ibig nina Markus at Helena, para sa akin bilang manunulat na lumikha sa mga karakter nila ay hindi nabibilang sa pangkaraniwang kuwento ng pagmamahalan.Maaaring sa iba, imposibleng mangyari ito. Na may isang mayaman, matalino at magandang babae na magagawang bumili ng isang lalaki upang pakasalan siya at isalba sa kahihiyan. Ngunit dahil ako nga ang author ng kuwentong ito, ginawa ko itong posible. Sa palagay ko ay nagawa ko namang palawakin ang imahinasyon ko upang mailarawan ko ang lahat ng naging mga kaganapan sa buhay ng dalawang bida na kalauna’y nadiskubre ang tunay na pag-ibig nila sa bawat isa.Sa isang bahagi ng mga kabanata nila, minsan ay sinabi ni Helena kay Markus, na ang gusto niya, KUNG SIYA AY IIBIGIN ni Markus, sana, huwag nitong tingnan kung paano sila nag-umpisa. Kung paano niya pinapasok si Markus sa buhay niya kasi insulto iyon sa kan’yang pagkatao. Bagkus, sana ang tingnan nito ay ang magaganda niyang mga katang
“TUMAWAG ang abogado ni Helena.” Imporma ni Markus sa asawa nang sila na lamang dalawa ang nasa hospital room nito. “Ipina-kansel na nang tuluyan ni Efraim ang hearing.” Nakaupo ito sa kama katabi ni Helena.Napamaang si Helena. Tinitigan ang asawa. Parang hindi makapaniwala. “A-anong dahilan?”“Walang sinabi. But I hope, may magandang dahilan. O, maaaring nakunsensiya na dahil sa nangyari sa inyo ng lola.”“Knowing Efraim…” malungkot na saad ni Helena.“Ganoon mo siya kakilala? Parang gusto kong magselos, ah?” Biro ni Markus.Mahinang tumawa si Helena. Humilig ito sa dibdib ng asawa. “Totoo ang sinabi ng lola. Matigas ang puso ni Efraim. Even when we were in college. Every time I try to get close to him to end the gap between the two of us and make our competition healthy, he avoids me as if he doesn't know me.”Tumango-tango si Markus.“Until I found out why he was so angry with our family and he only used me for his revenge.”Pinisil ni Markus ang palad ng kabiyak. “At buong akala
“BAKIT ka umiiyak? Para saan ang mga luhang ‘yan, Clarisa?” Sarkastiko ang tono ni Aling Lora sa kaharap na dalaga nang mga sandaling iyon.Makaraan ang ilang araw, nagpakita uli sa kanila si Clarisa. Nasa anyo ang pagsisisi sa pagkakamali nitong ginawa.Sinugod ng yakap ni Clarisa ang may edad na babae. “Patawarin ninyo ako, ‘Nay!” humagulgol ito. “Tulungan ninyo akong humingi ng tawad kina Makoy at Helena. At kay lola Amanda…! Hindi ko kayang humarap sa kanila nang nag-iisa, ‘Nay. Hindi ko po kaya…!”Napahinga nang malalim si Aling Lora. "Nakapag-isip-isip ka na bang mabuti, Clarisa? Natanto mo na ba ang ginawa mo sa mga taong naging mabuti sa 'yo?"Tumango si Clarisa. Sunod-sunod. Habang walang humpay ang pagsigok."Kung taos sa puso ang pagsisisi mo, haharap ka sa kanila kahit nag-iisa ka lang, Clarisa.”Umiling ang dalaga. “Hiyang-hiya ako sa ginawa ko, ‘Nay Lora. At pinagsisisihan ko na nakipagsabwatan ako kay Efraim at tumanggap ng pera mula sa kan’ya.”Iniharap ni Aling Lora a
ISANG MALAKAS NA SUNTOK ang pinawalan ng kanang kamao ni Markus na ang nahagip ay ang bibig ni Efraim. Pumutok iyon at tumalsik ang dugo mula doon.Nagkaroon ng komosyon sa loob ng pribadong opisina ng huli na pwersahang pinasok ni Markus sa kabila ng pagpigil sa kan’ya ng private secretary nito.“P***ng-i*a mo!!!” Galit na galit na sigaw ni Markus at inundayan pa uli ng malakas na suntok si Efraim na ang nahagip naman ay ang kaliwang mata nito.Gumanti si Efraim pero hindi sapat ang lakas ng kamao niya sa bagsik ng kamao ng katunggaling galit na galit sa mga sandaling iyon.Isa pa uling suntok ang pinawalan ni Markus na nagpabalandra kay Efraim sa sahig. Doon na napigilan ng mga guwardiya si Markus na pilit kumakawala sa mga bisig na pumipigil sa kan’ya.“Nabingit sa kamatayan ang lola ni Helena! Maging siya at ang mga anak namin dahil sa kahayupan mo! Papatayin kita!!!” tungayaw ni Markus. Buong lakas na nag-uumalpas sa mga nakahawak sa kan’ya.Pilit bumangon si Efraim mula sa pagka
BUONG kalungkutang lumapit si Markus kay Doña Amanda kasunod ang kapatid nitong si JR matapos itong talikuran ni Efraim.Hindi man niya narinig ang usapan ng dalawa, batid niyang negatibo ang naging kaganapan noon.Matalim ang mga matang nasundan na lamang niya ng tingin ang ama ni Mandy na kaybilis ng mga hakbang paalis sa kubling lugar na iyon kasunod ang asawa nitong si Glenda.“Matigas ang puso niya…” parang sa hangin nagsalita si Doña Amanda. Malungkot pa itong napangiti.“L-lola…” ani Markus na naaawang tinitigan lang ang matanda.Kumapit ito sa braso niya. “T-tena, hijo. Umuwi na tayo…” Kumapit din ito sa braso ni JR. Napagitnaan siya ng magkapatid na iginiya siya patungo sa parking lot kung saan naroroon ang kanilang kotse.Walang kibo at nanatiling tahimik lamang ang matanda habang binabagtas nila ang daan pauwi.Maya’t-maya ay pinagmamasdan ito ni Markus sa rear view mirror. Hindi niya maiwasan ang labis na pag-aalala rito.Nakatanaw lang ang mga mata ni Doña Amanda sa labas
NAGTAGIS ang bagang ni Markus matapos mapanood ang video na ipinadala ni Efraim sa social media account ng kapatid na si JR.“A-ano ang gagawin natin, anak? Hindi ‘yan dapat mapanood ni Mama Amanda.” ani Aling Lora na agad napaluha. “Baka, kung ano pa ang mangyari sa matanda…!”“Hindi talaga titigil si Efraim…!” Naniningkit sa galit ang mga matang wika ni Markus.“K-kuya, bakit hindi na lang ninyo ibigay sa tunay na tatay ni Mandy ang karapatan sa anak niya? Para hindi na lumala ang problema?” Alanganin man sa sinabi ay lakas-loob na nulas ng labi ni JR.Tiningnan ng masama ni Markus ang kapatid. “Hindi iyan ang solusyon, JR! Kapag ibinigay namin ang gusto ni Efraim, tiyak na ilalayo niya si Mandy sa amin. Sa ating lahat! Aangkinin niya na ang bata dahil wala silang anak ng kan'yang asawa! Malabo na siyang magkaroon ng anak dahil malalagay sa peligro ang buhay ng asawa niya kapag nagbuntis uli ito kaya ganoon siya kapursige na makuha sa amin ang custody ni Mandy!”Napapikit si JR saba
“INAASAHAN KO NA ‘TO…” wika ni Clarisa kay Helena sa loob ng pribadong opisina nito. “Alam kong magri-report ka uli rito para harapin ako. Kahit kung tutuusin, hindi na dapat sa gan’yang kalagayan mo.” Sa matigas na anyo’y pinagmasdan ng dalaga ang kabuntisan ni Helena habang sinasabi iyon. At para bang nasa kan’ya ang lahat ng karapatan na magalit gayong siya itong nakagawa ng lisya.“Maupo ka, Risa. Para makapag-usap tayo ng maayos.” Matigas din ang anyo pero hangga’t maaari, gustong manatili ni Helena sa pagiging kalmado, kahit na nga ba, nag-uumigting ang ugat niya dahil sa nag-umpisa nang galit na nadarama niya sa kaharap.Oo, nag-umpisa na. Dahil noon, ni bahagya’y wala naman siyang nadamang galit dito. Bagkus ay simpatya pa nga dahil hindi nagkaroon ng katuparan ang pagmamahal nito kay Markus. Naawa siya rito. Totoong awa. At itinuring niya pa nga ang sarili na naging hadlang sa damdamin nito sa lalaking mahal nito na asawa niya na ngayon.Ngayon pa lang siya nakadarama ng gal
“WALA siyang utang na loob…!” Nagpupuyos ang kalooban ni Aling Lora patungkol kay Clarisa. “Sa kabila ng lahat nang ginawa sa kan’ya ni Helena, ito pa ba ang igaganti niya?” Inakbayan ni Markus ang ina. “Mag-uusap kami, ‘Nay…” “Hindi. Huwag ka nang makalapit-lapit sa babaeng ‘yun, Makoy! Ako ang makikipag-usap sa kan’ya!” “Nay…?” “Ipaubaya mo sa akin ‘to, anak…” madilim ang anyo ni Aling Lora. “Huwag n’yo naman sanang sasabunutan, ‘Nay. Ha?” Nagbiro na lang si Markus. Ni hindi man lang napangiti si Aling Lora. “Higit pa sa pagsabunot ang dapat niyang matikman, Makoy…!” “Nay?” “Kung bakit kasi sobrang gandang lalaki mo, kuya. Kaya patay na patay sa ‘yo si Ate Risa. Sobra ring nainlab sa ‘yo si Ate Helena. Sana all!” biro rin ni JR. Gustong palamigin ang init sa paligid. Pinandilatan ni Aling Lora ng mata ang anak. “Hindi ito ang tamang oras sa pagbibiro, JR!” labyaw nito. Napakamot sa ulo si JR. “S-sorry, ‘Nay. Kuya…” Tinanguan na lang ni Markus ang kapatid. “Puntahan na nat
NAPAHAGULGOL si Helena matapos marinig ang lahat ng sinabi ng asawa.Limang taon…Halos limang taon na ang nakalipas buhat ng mangyari ang pagpapakasal nila ni Markus at sa loob mga taon na iyon, buong akala nila, walang nalalaman ni anuman ang kan’yang lola, pero hindi pala ito naging ignorante sa totoong naging ugnayan nila ni Markus noong una.At sa kabila na niloko niya at pinaglihiman ang abuela, ni minsan ay hindi niya ito nakitaan ng kahit kaunting galit o hinanakit sa kan’ya. Pakiramdam niya nga, mas lalo pa siyang minahal ng lola Amanda niya.Ang iyak niyang iyon ay hindi lamang sa pasasalamat na hindi siya sinumbatan ng abuela. Iyak din iyon ng pasasalamat na sa loob ng mga panahong iyon, sa kabila ng nalaman nito, hindi iyon nakaapekto sa kalusugan ng matanda, lalo na nang dumating si Mandy sa buhay nila, tila ba mas ninais pa nitong humaba ang buhay.“P-puntahan na natin ang lola, Mac. I will ask for her forgiveness…!” ani Helena na tigmak sa luha ang mga mata.“Tayong dal