ROBIE "You should keep your cool, Robie. Muntik mo nang tamaan ang anak ko!""Lintik na anak na 'yan! Lagi mo na lang pinananggalang para iligtas ang babaeng 'yon!" "Masyado ka nang nabubulag ng selos mo, Robie. Hindi mo ba nakita, sinaktan ko siya! Hinayaan rin kitang saktan siya pero nagawa mo nang patawan ng sapat na parusa si Daniel! Ano pa ba ang gusto mo?" "She insulted me, she provoked me-""Kilala ko si Hope, hindi siya magsasalita kung hindi ka nanguna-""And you're on her side now, ako na ngayon ang may mali?!" Ang panunuya kong sabi sa kaniya. Pinanlisikan ko siya ng mga mata pero tuwid lamang ang tingin niya sa akin, at ni walang mababakas na emosyon sa mukha niya. What is this now? He always makes me confused. Though, I was very happy and satisfied nang makitang sinaktan niya ang Hope na iyon. I was surprised. Alam kong kahit kailan ay hindi niya nagawang pagbuhatan ito ng kamay pero para sa akin ay nagawa niya. Ang pagkatao kong inapak apakan ng Hope na iyon ay b
ROCCO "Our men are moving according to the plan, Sin, you don't have to worry. Pero kailangan natin makuha agad si Tito Maximo bago makabalik si Robie." Umayos ako ng upo at sinandal ang likod sa swivel chair ko. "Two weeks daw itong mananatili sa Amerika ayon kay Helen. Good for you, medyo makakahinga ka sa presensya niya." It was Rui. We are all here now at my office, pinag-uusapan namin ang susunod na hakbang para sa mga Sandoval at sa ilang matataas na opisyal ng macro na gustong alisin sa puwesto si Sin. Ngayong araw din ang alis namin papuntang Italya upang sagipin naman si Tito Maximo na ngayon ay nakakulong sa puder ng mga Sandoval. "Huwag mo munang isipin masyado ngayon si Hope at Daniel. Alam natin hindi ka naman magagawang traydurin ng pinsan mo." It was Luis. "He likes her..." Mahinang aniya habang nakatitig sa bote ng beer nitong hawak."Noon pa raw! Inamin nga rin sa akin ni Daniel-" sabay sabay naming tiningnan ng masama si Manu. Agad na pininid nito ang sariling
HOPE Ginising ako ng malakas na kalabog sa labas kasunod ng malakas na putok ng baril. Agad akong napabangon, ano na naman ba ang nangyayari? Napuno agad ng takot ang dibdib ko. Mauulit na naman ba ang nangyari sa Isla?Nanginginig ang tuhod kong tumayo at pumunta ng walk-in closet. Agad akong nagbihis ng matinong damit. Biglang bumukas ang pinto. Umaangos at tila nag-aalalang mukha ni Daniel ang nakita ko. "Nilusob tayo, I need to get you out of here." Sa tono ng pananalita niya ay ramdam ko ang matindi niyang kaba. Hawak niya ang cellphone at parang kanina pa tumatawag sa kung kanino pero hindi ito makakontak. "Damn it, Sin! Bakit wala akong makontak ni isa sa kanila?!" Galit niyang sabi. May narinig kaming pagsabog. Napalingon siya sa pinanggalingan, sumilip siya sa bintana. "Shit. They are already in!" Agad itong naglabas ng baril. Hinawakan din niya ang isang kamay ko at hinila na ako palabas ng silid.Pigil ko ang sariling mapatili sa malalakas na palitan ng putok sa l
IVAN Dalawang Linggo na ang nakakaraan nang mailigtas namin siya mula sa kamay ng baliw na Robie Sandoval na iyon. At tulad ng nagdaang mga araw, nakatulala lamang siya habang nakatingin sa kawalan at tumutulo ang luha. Parang dinudurong ang puso ko, then my parents are still not here. Hindi ko alam kung anong gagawin para kahit paano maibsan ang nararamdamang bighati ng kapatid ko. My feelings split into two specific emotions. I was happy that she was finally home, and devastated because I know she is now in the midst of the biggest trial of her life. She lost her baby, and Daniel whom she treasure as one of her friends. Mahigpit ang nilagay kong security sa kinaroroonan niyang ospital. Ricci, was so mad. He threatened me."Kukunin ko siya, akin siya Sanchez!" Pero sa kalagayan ng kapatid ko, alam kong hindi makakabuti rito kung mapupunta siyang muli sa puder ng Ricci na 'to. "We had agreement Sanchez! Kung hindi mo siya ibabalik sa akin, hindi mo rin makukuha at makikita p
HOPE "Kumusta na ang pakiramdam mo?" his voice is soft yet so manly. Napayuko ako at nag-init muli ang mga mata ko. Siguro nga, naghilom na ng kaunti ang mga sugat ko sa katawan, pero mentally?Naroon pa rin at parang lalong tumitindi pa ang hatid na kirot. Mas humihiwa sa buo kong pagkatao. Pati sa aking kaluluwa. Parang sugat na habang tumatagal lalong lumalalim, nagdurugo at kinakain ang buo kong sistema. Muli, agad nanlabo ang mga mata ko, napahawak ako sa tiyan kong ngayon ay nagnipis na.I missed my baby being here inside my tummy. Napakasakit, dalawa agad ang kinuha sa akin.Ni hindi ko man lang sila nakita bago sila inilibing... Daniel... Ni hindi ko siya nagawang pasalamatan sa lahat ng sakripisyo niya para sa akin. Nanginig muli ang labi ko, ang sakit ay umataki at mas nakakawala ng tino. Sumigaw ako ng iyak. Dahil kung hindi ko ilalabas sasabog ang dibdib ko sa umaapaw na sakit.I cried like no tomorrow. Iyak na punong puno ng pait. Kapag nailabas ko ba lahat ng
THIRD POV"Yoohoo!!!! Hide as you can, sweetheart!" He laughed like crazy. Her chest is panting. Kanina pa siya tumatakbo at panay ang tago. Naliligo na siya sa pawis at nanlilimahid na rin ang itsura. Sugatan na rin siya. May tama siya sa isang hita. Daplis lamang iyon ngunit malakas pa rin ang tagas ng dugo niya. "I will come to get you!" His laughs added more sinister feeling to her skin. Lumaki ang mga mata niya, when she heard the scratching sounds of his katana kissing the floor. Ang boses at yapak nito'y papalapit nang papalapit sa kinaroroonan niya. Sinasadya niyang iparinig kay Robie ang nakakakilabot na talim ng kaniyang katana na siyang ginagamit nito madalas sa pagpaslang ng kaniyang mga kalaban. "Nasaan na sila, bakit sobrang tahimik?" she murmured and cursed. Then winced in pain.Ubos na ba ang kaniyang mga tauhan? Damn it. Mga walang silbi talaga. Lalo siyang kinabahan at napuno ng takot."Wala ka nang matatakbuhan, Robie. Come and surrender your life to me,
HOPE Hindi ko alam kung makakaramdam pa ba ako ng awa para sa kaniya. Mas nanaig sa akin ang galit at matinding pagkamuhi. Medyo nag-iba ang itsura niya. Halata ang kawalan nito ng tulog nang kung ilang gabi. Magulo ang buhok nito at tila wala pang ligo. Nangingitim ang ilalim ng mga mata niya at medyo humigpis din ang mukha niya. I wonder if nakakain pa ba ito. Parang hindi na.Gusot gusot pa ang damit niya. Pero matatag ko siyang hinarap, ayaw kong makaramdam ng awa. "Pakawalan mo na ako Sin! Ayaw kitang kasama! Ayaw kitang makita! Mahirap bang intindihin 'yon?! Namumuhi ako sa 'yo!" Puno ng galit kong sabi. Nakakahiwa ang pinukol kong tingin sa kaniya. Umaalon ang dibdb ko sa sobrang galit. Umiwas ako ng tingin nang makita ko na naman ang sakit na nakabalatay sa kaniyang mga mata. Nakaupo ako sa gilid ng kama. Lumapit siya sa akin pero napausog ako. Nag squat siya para magpantay ang mga mukha namin. Ayaw ko siyang tingnan. Ayaw kong makita ang mga mata niyang puno ng k
HOPE"Handa na ang lahat, Mine. Aalis na tayo bukas na bukas rin." Yon agad ang bungad niya sa akin, pagkabukas ng pinto. Napasulyap siya sa pagkaing nakapatong sa maliit na mesa na kahit anong gutom koy hindi ko nagawang galawin. "Hindi kapa kumakain? Mine, please you need to eat, kahapon ka pa hindi kumakain man lang..." Hindi ko pinansin ang pag-aalala niya. Ang mga mata niya sa akin ay puno ng pakiusap pero binaliwala ko. I was so bothered by the thought na mailalayo niyang muli ako. Naalarma ako sa una niyang inihayag. Ano raw, aalis na kami? At bukas na? At saan lupalop na naman kaya ng mundo niya ako ulit dadalhin?Shit. Kailangan kong makaalis rito. Kung mailalayo niya akong muli, hindi pa rin ako sigurado kung makakabalik pa rin ako. "Sin, ayaw kong umalis... Ayaw kong iwan ang pamilya ko... Please, let me with my parents." Pakiusap ko.I have no fvcking choice, but to beg him.Try to convince him. Malamlam ang mga mata niya akong pinagmasdan. Nagkaroon ako ng pag-as