Share

01 Julie

last update Last Updated: 2021-05-29 15:56:55

"HA?!" gulat na bulalas ko dahil sa sinabi ni Rome.

"Crush kita," pag-uulit niya.

"Akala ko ba bakla ka?"

"Oo... pero crush kita, e."

"Akala ko ba si Prince ang crush mo?" pagtutukoy ko sa kaklase namin sa Grade 2- Mahogany.

"Oo pero mas crush kita..." mahinhing sagot niya.

Nagkamot ako ng ulo. Nagulo tuloy 'yong hairdo ni nanay sa akin. Bahala na. Uwian naman na, e.

"Ang labo mo naman. Paano ka nga magkaka-crush sa akin, 'di ba bakla ka nga?" naguguluhan at naiinis nang tanong ko sa kanya.

"Hindi ko nga alam bakit. Basta ang alam ko crush kita, Julie."

"Julie, halika na."

Napalingon kami kay nanay na tumawag sa akin. Sinusundo na niya ako. Lumapit siya at kinuha ang lunchbox ko. Napangiti naman siya nang mapansin si Rome sa tapat ko.

"Oh, Rome, hijo! Kumustang bakasyon niyo sa abroad?"

"Masaya po, Tita Gina. May pasalubong po si mama kay Julie. Binigyan ko po siyang chocolate. Sasabihin ko po kay mama, bigyan din po kayo," magalang na sabi niya kay nanay.

Tumango si nanay at binalingan ako at ang hawak kong malaking chocolate. "Nag-thank you ka na ba kay Rome, Julie?"

"Thank you," saka ko pa lang nasabi 'yong pasasalamat ko kay Rome.

"Pakisabi kay Tita Korina," dugtong ko pa. Sa mama niya pala 'to galing. Akala ko naman sa kanya.

Hinarap ulit ni nanay si Rome at nginitian. "Naku, sabihan mo rin ang mama mo na dumalaw naman sa farm at bibigyan ko siya nang sariwang mga gulay."

"Sige po, tita!"

"Osha, susunduin ka ba ng mama mo?"

"Opo, hinihintay ko na lang siya."

"Mauna na muna kami Rome ha para maihanda ko 'yong bahay pagdalaw niyo mamaya," paalam ni nanay.

Half-day lang kasi 'yong pasok namin. Alas-sais kaming pumapasok sa umaga tapos hanggang tanghali lang.

"Bye, Julie!" Rome waved at me smilingly.

Nakatalikod na ako habang hawak-hawak ni nanay 'yong kamay ko pero lumingon ako sa kanya saka ko siya binelatan. Nakangiti pa rin siya.

Pagdating namin sa bahay ay tumulong agad ako kay nanay para maghanda ng pananghalian. Magsasabaw kami ng gulay na freshly-pricked from our small farm na pamana ni Lola Doray. Si Ate Julia nasa school pa tapos si tatay naman ay mamaya pa uuwi kasi nagtatrabaho pa siya bilang isang sekyu.

"Nay..." tawag ko kay nanay sa kalagitnaan nang pagtatanggal ko ng mga dahon mula sa tangkay ng malunggay.

Nahinto siya paghihiwa ng kalabasa at tiningnan ako. "Ano 'yon, anak?"

"Pwede po bang magkagusto 'yong bakla sa babae?"

Napahalakhak si nanay. Buong akala ko ay kaya niya pinagtatawanan iyon dahil katawa-tawang pakinggan kaso ay nagsalita ulit siya para magpaliwanag na hindi ganoon ang tingin niya sa tanong ko.

"Wala namang kasarian sa pag-ibig, anak."

"Pero bakit po sabi ng simbahan mali raw po 'yong lalaki sa lalaki tapos babae sa babae?" tanong ko ulit dahil hindi ko naman maintindihan ang mga iyon.

Ang gulo lang kasi. Wala naman daw kasarian ang pag-ibig pero bakit may ilang nagsasabing hindi tama ang ilang relasyon? Halimbawa na lamang ay iyong tanong ko kay nanay.

Sumeryoso si nanay pero mayamaya ay ngumiti rin naman.

"Masyado ka pang bata para maunawaan ang mga bagay-bagay. Pero ang maipapayo ko lang ay huwag kang manghuhusga ng kapwa mo dahil lamang iba sila sa karaniwang nakikita mo. Tandaan mo, lahat may kwento," bilin ni nanay sa akin.

"Mareng Gina! Mads, nandito na kami! Nasaan na 'yong mga gulay ko?" humahalakhak na tawag ni Tita Korina sa amin habang paakyat sila nang makalumang estilo na bahay namin.

"Mads!" Natutuwang sinalubong ni nanay si Tita Korina sa may hagdanan.

Lumapit ako at napansing kasama pala ni tita si Rome.

"Hi, Julie," bati niya sa akin.

Nakasuot siya ng simpleng pink na tee shirt at may pearl na hair clip pa sa gilid ng buhok niya. Naiinggit tuloy ako. Parang gusto ko ring magpabili nang ganoon kay nanay.

Inirapan ko si Borromeo Buendia Jr. Pero pag-iwas ko ng tingin at talikod sa kanya ay napangiti ako. Siyempre crush niya raw ako, e. 'Yon nga lang, bakla siya. Naguguluhan pa rin ako kung totoo ba 'yon. Pero napaisip din naman ako kung totoo rin ba talaga 'yong sinabi ni nanay na walang kasarian sa love.

Magkapitbahay kami rito sa probinsya namin. Bata pa lamang si Rome ay alam na niyang hindi niya mapapangatawanan ang kadugtong na junior sa pangalan niya. Pero mabuti na lang at maunawain ang mga magulang niya at pamilya, lalo na iyong tatay niyang OFW na mahal na mahal sila kaya laging may malaking padala para sa kanila. Katunayan ay dinala pa nga sila nito sa abroad nitong summer para roon magbakasyon. May mga kapatid si Rome, iyong kuya niya saka iyong bunsong babae nila.

Pinapasok ni nanay ang mga bisita. Mabilis naman akong lumapit kay tita para magmano at magpa-good shot. Baka may dala pa kasi siyang chocolates o 'di kaya ay iyong katulad na hair clip nang kay Rome.

"Ay, kay bait na bata. Heto, Julie, may pasalubong si ninang para sa inyo!" nakangiting ani tita bago inabot sa akin ang malaking paper bag.

"Wow, thank you po!" natutuwang hayag ko bago tinanggap iyon.

Dali-dali naman akong naupo sa may sahig ng sala at binuksan iyon. Narinig kong nagsimula nang magkwentuhan sina Tita Korina at nanay.

Napangiti ako nang makitang may hair clip na gaya nang kay Rome rin doon. Kaya love na love ko si tita, e!

Hindi na namin naituloy ang pagluluto ng sinabawang gulay. Naaliw na si nanay sa kwentuhan nila, e. Nagpadeliver na lang ng mga pagkain si tita na pinagsaluhan namin. Pag-uwi nila ay pinadalhan namin sila ng isang bayong na puno ng mga gulay.  Kinawayan ko naman pabalik si Rome nang magpaalam siya sa akin. Natuwa ako kasi siya pala ang nagsabi kay Tita Korina na bilhan din ako ng mga pang-ipit sa buhok kasi gustong-gusto ko ng mga iyon gaya niya.

"Crush mo 'yon, no?"

Nabitin ang ngiti ko dahil sa tanong ni Ate Julia na kararating lang din. Naka-uniporme pa nga siya, e.

"Naku, naku! Mahirap magkagusto sa bakla, sis. Maniwala ka."

"Ano naman pong mali sa pagka-crush sa bakla, ate?"

"Kung crush, aba'y okay lang. Pero huwag kang magkakagusto r'yan kung ayaw mong masaktan."

"Crush niya rin po ako!" giit ko naman.

Napatawa naman si Ate Julia pero 'yong tawa niya ay hindi gaya nang kay nanay kanina na natutuwa. Nang-iinsulto iyong kanya kaya napakunot ang noo ko.

"Sis, may mga barkada akong bakla. Gwapo lahat ng mga hanap nila. Kinikilabutan pa nga iyong mga iyon kapag tinutukso namin sa mga babaeng kaklase, sa love team-love team gano'n."

"Maria Juliana, ano na naman 'yang tinuturo mo sa kapatid mo?" tanong ni nanay nang mapansin kami.

"Wala po, nay. Girl talk lang!" sagot naman ni Ate Julia.

Ayokong maniwala sa kanya kasi mas gusto kong paniwalaan iyong sinabi ni nanay. Kaso nga lang no'ng hinatid ako ni tatay sa school isang araw ay naabutan ko sina Prince at Rome na parehong nakangiting magkatabi habang may tinitingnan sa isang notebook.

Ramdam kong kumunot ang noo ko habang pinapanood silang masayang nagbabasa at nag-uusap habang panaka-nakang tumatawa. Nang mag-angat ng tingin si Rome sa akin ay hindi nawala ang matamis niyang ngiti.

"Julie, halika! Sama ka sa amin ni Prince gumawa ng assignment," aya niya.

Naglakad na lang ako papunta sa desk ko at tinanggal ang mga straps ng backpack ko sa mga balikat ko. Wala pa si teacher at nagkataong kaming tatlo lang ang magkasama kasi maaga kaming pumasok.

"Julie, gusto mo turuan kita?" tanong ni Rome na nakatayo na sa tapat ng desk ko.

"Ayoko," sagot ko, nakasimangot pa rin.

Naiinis ako na naiinggit, e. Ewan ko ba. Basta ang alam ko lang ayokong magshare. Ayokong nakakaramdam na may kahati ako at naiinggit kasi naiinggit ako lalo!

Hinawakan ni Rome ang kamay ko para hilahin ako patayo at papunta sa pwesto nila ni Prince. "Halika na, Julie."

Hinila ko ang kamay ko pabalik pero makulit siya at mapilit kaya ayaw pa rin akong bitawan.

"Sige na..." alok niya ulit sabay hila sa akin.

Nainis na talaga ako kaya tumayo ako para itulak siya. Napabitiw tuloy siya sa akin at natumba pa paupo sa sahig. Mabilis namang tumayo si Prince at tinulungan 'yong princess niya.

"Bakit ka ba namimilit ha?!" singhal ko sa kanya.

"Julie, bad 'yan!" saway ni Prince sa akin habang tinutulungang tumayo si Rome.

"Bakit ka ba nangingialam ha?!" sigaw ko pabalik sa kanya.

"Hindi naman kasi tama 'yong ginawa mo kay Rome!"

"Bakit? Jowa mo ba 'yan, ha?"

"Julie, ang pangit ng mga lumalabas sa bibig mo," puna ni Prince.

Natahimik ako pero ramdam ko pa rin ang pagtaas-baba ng mga balikat ko dahil sa mabibigat na hininga mula sa pagtataas ng boses ko.

Kasalanan ko ba 'yon? E, 'yon ang mga naririnig ko kay Ate Julia lalo na kapag kausap niya sa cellphone 'yong mga kabarkada niya.

"Rome, halika na. Siya na nga 'tong gusto nating tulungan, siya pa 'tong may ganang manakit."

"Hindi niya naman siguro sinasadya," tanggol pa ni Rome sa akin sa paraang mahinhin at tunog mabait.

"Tinulak ka niya. Halika na nga. Mag-aral na lang ulit tayo roon. Huwag mo na ngang kinakaibigan 'yang malditang 'yan."

Parang may kung anong natamaan sa akin nang marinig iyon. Nakaramdam ako ng galit lalo. Mabilis na naglakad ako para lampasan sila at kuhanin iyong notebook sa desk na binabasa nila kanina saka nilakumos iyong nakabukas na page hanggang sa napunit iyon. Tapos tinapon ko iyong notebook sa sahig at tinapak-tapak.

"Julie, ano ba?! Assignment ni Rome 'yan!" sigaw ni Prince at bahagya akong tinulak kaya napaatras ako at sinamaan siya ng tingin.

"Oh, ngayon ha, sinong maldita? Ako 'di ba? Si Maria Juliena Dimagiba!"

"Ang sama mo. Wala naman kaming ginagawang masama sa'yo," naiiling na aniya at yumuko upang kuhanin iyong notebook ni Rome sa sahig.

"'Di ba sabi mo maldita ako kaya ayaw niyo akong maging friend? Pinatunayan ko lang. Kunsabagay, tama nga naman si Ate Julia. Laging nagkakasama 'yong mga bakla!"

Pag-angat ko ng tingin kay Rome ay natigilan ako at biglang na-guilty. Nangingislap na kasi iyong mga mata niya sa luha. Tahimik na kinuha niya ang notebook niyang nasira at naupo na lamang sa desk niya.

Sumunod naman si Prince sa kanya at nag-alok na tumulong sa pagsusulat ulit ng assignment namin kaso ay tinanggihan niya ito. Habang nagsusulat ay sumisinghot-singhot si Rome hanggang sa tinakpan na niya ang mga mata niya ng mga palad niya saka humagulgol. Naaawang pinapatahan naman siya ni Prince habang hinahagod ang likod niya.

I hear you calling my name

I hear you calling my name

Julie Tearjerky on the phone...

I TURNED OFF my playlist and phone when my workmate already called me. Mabuti na lang ay nakabihis na ako ng uniporme at handang-handa nang pumalit sa kanya.

"Julie, tapos na ako. Ikaw na."

"Sige, Kris. Lalabas na ako."

Pagkatapos kong maipasok sa locker ko ang cellphone at mga gamit ay lumabas na ako upang palitan siya sa pwesto niya sa drive thru.

Isa akong OFW ngayon pero hindi naging madali ang karanasan ko. Simula nang ipinanganak ang bunso naming si Jillian ay nagkanda-utang-utang kami kasi masakitin din siyang bata. Naisangla tuloy ni tatay ang  farm at hanggang ngayon ay hindi pa rin namin matubos-tubos. Tapos second year college na sana sa kursong Accountancy si Ate Julia nang lumayas siya at umuwing buntis. Ako tuloy ang naging substitute na breadwinner sa pamilya namin. Grumaduate naman akong may Latin Honors at masaya sa trabaho ko bilang script and content writer sa isang sikat na programa kaso para sa mga magulang ko ay kulang na kulang pa rin ang sweldo ko para tubusin ang farm. Napilitan tuloy akong mag-abroad at magtrabaho nang kaliwa't kanan para makapagpadala sa kanila. Iyong magandang trabaho ko sa Pinas dati, ngayon ay parte na lamang ako ng 'taga' team sa isang network dito – taga-linis at ayos ng production set, taga-timpla ng kape ng mga scriptwriters at directors, taga-takbo sa bawat department para sa mga utos nila. In short, naging errand girl ako rito.

Nag-apply din ako bilang crew ng isang branch ng sikat na fast food chain dito. Mabuti na lang at nataong naghahanap sila ng Filipino workers kaya nag-apply agad ako at nakuha. Malaki na iyong kinikita ko kumpara no'ng nasa Pilipinas ako  pero ang cost of living dito ay sobrang magastos din kaya todo tipid ako para makapagpadala sa pamilya ko at nang sa ganoon ay matubos namin ang farm na pamana ni Lola Doray.

I smiled automatically when an expensive car stopped at the drive-thru section, my station. Paano ko nalamang mamahalin 'to kahit hindi ako maalam sa mga kotse? Simple lang, walang bubong.

"Good morning, sir. Welcome to Jollibee. May I take your order?"

Medyo nag-alinlangan pa ako kung anong pronoun ang prefer niyang itawag sa kanya. Alam kong lalaki siya kasi toned 'yong muscles niya at kayumanggi rin with black slightly medium and curly hair. Kaso iyong suot niya ay puting silk vest at puting mukhang maxi skirt. Natutuhan ko kasi noon na maaaring magkakaiba ang sexual orientation, gender identity, at self-expression o paraan ng pagpresenta ng isang tao sa sarili niya sa iba at sa mundo.

"Julie?"

Tinanggal no'ng driver ang suot niyang shades. Nagulat ako nang magtagpo ang mga mata namin nang nakakunot-noong si Rome na ngayon ay mas kilala na bilang si Roma. Simula nang mag-migrate sila rito ay lalong gumanda ang takbo ng buhay nila at karera niya. He had become a billionaire who's running his own fashion line and cosmetic business. Sikat siya at sa kung saan-saan na siya laging na-fe-feature.

"Roma..." hindi makapaniwalang sambit ko.

Bigla akong nahiya sa narating namin sa buhay. Pero mas nanaig sa akin ang guilt na dala nang pambu-bully ko sa kanya noong elementarya hanggang hayskul kami.

He smirked before putting back his shades. "I changed my mind. I'll just eat someplace safe," he said as he started stirring his car's engine.

"By the way, it's not nice seeing you again," aniya bago humarurot palayo.

•|• Illinoisdewriter •|•

Illinoisdewriter

I craft stories and furnish them with my advocacies. ♡

| 1

Related chapters

  • Julie Tearjerky (Eraserheads Series #2)   02 Julie

    KUNG GAANO KA naging malapit sina Prince at Rome sa isa't isa pagkatapos nang araw na 'yon ay ganoon din lumayo ang loob ko sa kanila. They became best friends. Akala ko hanggang doon lang iyon kaso nang makatungtong kaming tatlo ng hayskul ay lalong nagbago ang lahat. "Sabi na sa'yo, sis, e," saad agad ni Ate Julia sabay tulak bahagya sa may balikat ko gamit ang kamay niya. Graduating na sa senior high school si ate kaya marami na siyang experience at lalo pang nadagdagan ang mga kaalaman niya. Itinago ko agad 'yong cellphone ko kung saan ko tinitingnan ang post ni Prince kasama si Rome. Nasa isang coffee shop silang dalawa at parehong nakangiti sa picture. Tapos may caption pang... 'finally'. Hindi naman ako tanga para hindi maintindihan iyon. Prince was noticeably being extra sweet and caring when it comes to Rome. Umiling na lang ako at umiwas kay ate

    Last Updated : 2021-05-30
  • Julie Tearjerky (Eraserheads Series #2)   03 Julie

    INILAPAG KO NA sa loob ng kuna niya ang natutulog na si Jillian. Bumalik na ako sa pwesto ko sa may lamesa kung saan nakalapag ang mga librong ko at nagpatuloy sa pag-aaral para sa darating kong exam. I want to prove to everyone that I am worthy of getting that first rank. Naging top 1 ako hindi lang dahil distracted si Prince kay Rome kundi dahil pinaghirapan ko 'yon! Nakakunot-noong sinundan ko ng tingin si Ate Julia nang lumabas siya mula sa kwarto namin at pormado pa. "Ate, saan ka na naman pupunta?" "May date ako," sagot niya habang nagsusuklay ng mahabang buhok. "Ate, pwede bang sa susunod na lang 'yan? Walang magbabantay kay Jillian. Nasa palengke pa si nanay tapos nag-aaral pa ako kasi may exam pa kami bukas," pakiusap ko sa kanya. Pumalatak si Ate Julia at binaba ang suklay para iduro ako gamit iyon. "Sis, huwag kang aral nang aral. Mag-boys

    Last Updated : 2021-06-07
  • Julie Tearjerky (Eraserheads Series #2)   04 Julie

    HINILA KO ANG dulo ng blouse ko pagkatapos kong maisuot ang cap na parte ng uniporme namin. Ngumiti ako at lumabas na sa locker room namin para gampanan ang trabaho ko. Nakatoka ako sa pagdadala ng orders ngayong araw. “Good morning, ma'am and sir. Welcome to Jollibee. Here's your order,” I began and enumerated their orders as I laid them on their table. “Enjoy your meal,” huling sabi ko sa kanila't bumalik na sa counter. Pagkabalik ko’y may bago na namang order na naka-ready to serve na. I took the tray and went towards the table similar to the number given to me. Paglapit ko ro'n ay napatingin agad sa akin ang tatlong lalaking foreigner. Their stares were making me uncomfortable, but their smirks were making me feel worse. I still smiled to show them how professionalism worked. “Enjoy your meal,” simpleng hayag ko nang mailapag na ang mga order nila.

    Last Updated : 2021-06-11
  • Julie Tearjerky (Eraserheads Series #2)   05 Julie

    GALIT NA HINAKLIT ni Prince ang braso ko nang makalapit siya sa akin. Hinarap niya rin ako sa kanya. “Sinabi sa akin ni Tita Korina ang nangyari kay Rome,” madiing saad niya. Absent si Rome ngayon dahil nagpapagaling pa sa ospital kung saan siya isinugod nina tatay at Ate Julia. Tita Korina was very mad too when she found out about it. Naiintindihan ko naman si tita. Siyempre, anak niya ‘yong nasaksak, e. She had all the right to be mad. Binawi ko ang braso ko at hindi na lamang sumagot. Ayokong maging mapagmataas lalo na ngayong may nanganib ang buhay dahil sa akin. Sana naman sa pananahimik ko ay makuha agad ni Prince na inaako ko naman ‘yong pagkakamali ko. “Alam mo, Julie... siguro mas mabuting layuan mo na lang si Rome. Kasi kung hindi mo siya iniinsulto ay pinapahamak mo naman siya,” aniyang tunog nang-aakusa. Nagkaroon tuloy ako ng lakas ng loob na mag-angat ng

    Last Updated : 2021-06-13
  • Julie Tearjerky (Eraserheads Series #2)   06 Julie

    PAGKATAPOS NAMING MAGPIRMAHAN ni Roma nang kontrata ay dinala niya ako sa mga establishment na pagmamay-ari niya. He said he'll give me a total makeover. “Roma, kailangan ba talaga ‘to?” Nauuna siyang maglakad sa akin kaya nilingon niya ako. He took his cat eye shades up on his head before he arched one delicate brow at me. “Of course!” Pagkatapos ay pinaraanan niya ako ng tingin. Ibang-iba ‘yong suot ko sa kanya ngayon na kahit na simple lang ay nagsusumigaw pa rin nang mamahalin. He was dressed more masculine today, or something in between. He was wearing a silk red sleeveless qipao style top which he paired with flared pants and black Chelsea boots. May sukbit din siyang Luis Vuitton pochette bag sa maskulado niyang balikat. Since he was donning a sleeveless, his tattoo was kind of visible. Pinaraanan ko rin ang akin. I was dressed in an oversized yellow graphic te

    Last Updated : 2021-06-14
  • Julie Tearjerky (Eraserheads Series #2)   07 Julie

    I WHISTLED WITHOUT sound repeatedly while we're driving to their mansion. I'm calming myself down. “Girl, what are you doing?” tanong ni Roma sabay sulyap saglit sa akin. “Kinakabahan ako. Paano kung hindi ako magustuhan ni Tita Korina sa plano mo?” He snorted which eventually led to his laughter. “Bish, we're not fucking getting married. Loosen up, you're too uptight.” “Sorry, kinakabahan lang. This is like the first time I'll be seeing Tita Korina again after a long time.” I licked my lips before biting it. I'm still worried that maybe until now, Tita Korina still hadn't forgiven me for ruining Rome's love story. I was stunned when we got into Roma's property. Nasa isang mamahaling subdivision iyon na kilala sa bansang ito bilang tirahan ng mga celebrity, businesspeople, at iba pa. Elevated ang location ng lugar kaya manghang-mangha ako sa overlook

    Last Updated : 2021-06-15
  • Julie Tearjerky (Eraserheads Series #2)   08 Julie

    TINUPAD NGA NI Rome ang hiniling ko. Hindi na niya ako nilalapitan. Pero paminsan-minsan ay nahuhuli ko siyang malungkot na nakatingin sa akin tapos kapag nagtagpo ‘yong mga mata namin ay nagbababa agad siya ng tingin. I always went home straight after school. Hindi rin ako active sa mga extra-curricular activities sa school o mga program man lang. I'm doing it purposely to less interact with Rome and Prince. I kept telling myself that I'll get used to it very soon. Masasanay na akong wala si Rome hanggang sa tuluyan ko na siyang makalimutan. I verily believe that works that way. Sana nga... Successful ang naging heart surgery ni Jillian. May mga maintenance pa ring binigay sa amin para sa mas bumuti ang kondisyon niya. Todo-todo ‘yong dasal namin habang hinihintay na matapos iyong operasyon. Paglabas ng doktor sa operating room at pagbigay niya sa amin ng magandang balita ay nahimatay agad si nanay si tuwa. Buong araw n

    Last Updated : 2021-06-16
  • Julie Tearjerky (Eraserheads Series #2)   09 Julie

    BINABA KO SI Jillian sa kuna niya matapos ko siyang patulugin. Hinanda ko na agad ang hapag para makakain na kami ng hapunan ni nanay. Kaming tatlo lang ngayong gabi ni Jillian dahil night shift si tatay. Pagkatapos kong maghanda ay kinatok ko agad sa kwarto niya si nanay. “Nay, kakain na po tayo.” “M-Mauna ka na, a-anak...” pumipiyok na tugon ni nanay. Natulala ako saglit sa seradula. Umiiyak na naman siya para kay Ate Julia. Lagi na lang... Ilang araw na... Nakakapagod nang makinig... Pinihit ko iyon kaya lumikha iyon ng ingay. Mabilis na pinunasan ni nanay ang mga luha niya bago ako nilingon. “Julie, hindi ba sinabi ko mauna ka nang kumain kung gusto mo?! Mamaya na ako!” Ilang araw na ring ganito si nanay. Madalas na niya kaming napagtataasan ng boses ni tatay kapag sinasabi naming magpahinga na muna siya o kumain. “Nay, kumain n

    Last Updated : 2021-06-17

Latest chapter

  • Julie Tearjerky (Eraserheads Series #2)   Special Chapter 03

    This is a very special chapter and announcement because the next two installments under Eraserheads Series will be led by Mutyang Marikit or ‘Mari’ and Maliksing Makisig or ‘Maki’, respectively. Pag-iisipan ko pa kung anong story naman ang ibibigay ko for Kundimang Bahaghari or ‘Hari’. I would also like to take this opportunity to thank all of you with all my heart and soul for your gems, reviews, and ratings. I hope you could give me one as it will help me in promoting this story and in sharing my advocacy regarding gender and sexuality with a bigger and greater audience here on GoodNovel. Thank you, thank you so much! I wouldn't make it this far without all of you. This will be the last part for Julie Tearjerky but see you in my upcoming stories under the Eraserheads Series. I hop

  • Julie Tearjerky (Eraserheads Series #2)   Special Chapter 02

    This special chapter will chronicle the Buendia Twins' experiences while growing up. This will be told in third person point of view. MATINGKAD ANG SIKAT ng araw ng umagang iyon. Nagtipon-tipon ang mga preschool student sa gymnasium ng pribadong paaralan ng Roosevelt para sa isang espeyal na parangal. Tak... Tak... Tak... Iyan ang tunog na nililikha ng mga sapatos ni Maki na sadyang pinakintab ng kanyang ina para sa selebrasyon na iyon at sa tuwing ito ay tumatama sa sahig ng gymnasium kada padyak niya ng kanyang mga paa habang naghihintay na matawag ang pangalan niya. Ang kanyang mga kamay ay nakatuko pa sa may kandungan niya. Agad niyang tinaas ang mga iyon upang pumalakpak nang matawag na ang pangalan ng kakambal niyang siyang nangunguna sa buong klase nila. “Buendia, Mutyang Marikit D. First Honors.”

  • Julie Tearjerky (Eraserheads Series #2)   Special Chapter 01

    NASA MAY PATIO dining area kami at nagtipon-tipon nina Rosella at Florence kasama ng mga batang naglalaro sa may backyard. Pinagsasaluhan namin ang gawang merienda ni Rosella habang nag-uusap. “Valentine's Day na bukas!” masayang bulalas ni Rosella. “Saan ang lakad niyong mag-asawa, mga mars?” “Sa bahay lang pero sigurado akong may pa-flowers at chocolates na naman si Tommy. Kayo ba?” “May date kami ni Marvin. He said he doesn't want to make a surprise for me this year. Sinabi niya na sa akin iyong plano niya para makapaghanda na ako kasi ang pangit kong magulat, e, nananapak nang bongga. Mukhang pagod na rin si Marvin na masapak ko.” We all laughed at that and when it died down, they both turned to me. “Ikaw ba, Julie?” asked Florence. “Hindi ko alam, e. Pero gusto ko sana this year, ako naman ang sumurprisa sa kay Roma.” That was

  • Julie Tearjerky (Eraserheads Series #2)   03 Roma

    HINDI MAGAWANG ALISIN ni Roma ang titig sa susunod na aplikanteng pumasok sa opisina niya na sasalang sa interview at upang mag-apply bilang isa sa mga chemical engineer niya. “How are you? It's been a long time.” “Prince...” ang tanging nausal ni Roma. “I thought you joined the Philippine Military,” dugtong naman niya nang makabawi. Prince gave him his small boyish smile. “I didn't push through it. That's not what I want. This... is what I want.” Nakatitig lang si Roma sa mukha ni Prince. It's really been a long time since they last saw each other. They didn't even have a proper breakup. They were just taken away from each other. The changes in him were noticeable as well. He grew taller, had some stubbles, and gained more muscles, very similar to Roma right now except for the facial hair. His skin was maintained clear, smooth, and pristine. Skincare was life for Rom

  • Julie Tearjerky (Eraserheads Series #2)   02 Roma

    ROME KNEW IN his heart that he really loved Prince, but he also couldn't deny the immense care he had for Julie. Handa siyang magpabugbog at masaksak masigurong ligtas at ayos lang ito na siyang naging dahilan nang pagkakaratay niya ngayon sa ospital. “Diyos ko, salamat Po...” usal agad ng mommy niya ang narinig niya pagdilat niya. Hawak-hawak pa nito ang rosaryong ginamit sa pagdadasal nang lumapit ito sa kanya saka hinaplos ang ulo niya. “Anak, kumusta ka na? Ano nang pakiramdam mo? Dalawang araw ka nang n-natutulog...” “My, tatawag ako ng nurse,” paalam naman ng kuya niyang si Philip bago lumabas ng kwarto nila. “T-Tubig po...” “Nauuhaw ka ba? Sandali lang. Heto na, heto na.” Agad-agad naman siyang pinaupo saka inalalayan ng ina niya sa pag-inom ng tubig. “Anak, huwag mo na ulit gawin iyon, please.”

  • Julie Tearjerky (Eraserheads Series #2)   01 Roma

    This is the first part of the epilogue, and this will be told in Roma's point of view in third person. Words are not enough to express how grateful I am that you have stumbled and have became an important part of Julie and Roma's adventures and misadventures since high school to their lives overseas and back to the Philippines where they raised their own modern unconventional family and sort out what they truly mean to each other. I hope you bring with you the lessons you have gotten from here about life, love, faith, and most especially about gender and sexuality. Respect everyone and never lose faith. God bless!♡ BATA PA LAMANG si Rome, ang junior ng OFW na si Borromeo Buendia, ay alam at ramdam na niyang may espesyal sa kanya. He was also very vocal with it towards his family who never failed to support him in anyway they can. Tumunog ang bell, hudyat nang pagsisimula ng unang klase. Mabibilis na yapak ng mga

  • Julie Tearjerky (Eraserheads Series #2)   | 55 | Roma & Julie

    WARNING: This chapter contains scenes not suitable for readers under 18 years of age. Reader discretion is advised. I JUST FOUND Roma and I in our bed sharing another round of intimate moment. Patagilid at parehong hubad kaming dalawa na nakahiga ngayon sa kama. He was hugging me tightly with his left arm while he was also moving quickly in and out of me. Nakatanday naman ang isang binti niya sa akin habang patuloy siya sa mabilis na paggalaw. I kept meeting him, too. Ginalaw niya iyong kanang braso niyang inuunan ko upang igiya ako palingon sa kanya sa likuran ko. When I turned to face him, he instantly sealed my mouth with his tongue and hot kisses. “Ah...” I moaned in between our kisses, especially when I felt his thumb and index fingers toying with my already hard nipples. Mula sa pagkakayakap sa akin ay binaba niya ang kaliwang braso niya at kamay sa mas

  • Julie Tearjerky (Eraserheads Series #2)   | 54 | Roma & Julie

    PINUNTAHAN NAMIN NI Roma ang Pamilya Escobar sa ospital nang makapag-ayos na kami. We left the kids under Lilo's watch. Tumayo agad si Klarissa pagkakita niya sa aming papalapit sa kanya saka kami sinalubong. “Kumusta na si Tito Mon?” I asked. “Ayos na siya sa awa ng Diyos.” She turned to Roma, her eyes were now tearful. “Roma, maraming-maraming salamat talaga sa pagliligtas sa kanya.” Roma caressed her arm to soothe her as he gave her one thoughtful smile. “It's okay, Issa. Huwag ka nang mag-alala sa mga gagastusin niyo. I already contacted Marvin's construction company as well to fix your house as soon as possible.” “Roma, maraming-maraming salamat talaga sa lahat pero... matatagalan pa siguro bago kami makapagbayad sa iyo...” “Huwag kang mag-aalala sa bayad. It can always wait but I'm not asking you to pay me for it, okay? I just really wanted to

  • Julie Tearjerky (Eraserheads Series #2)   | 53 | Roma & Julie

    THE MAHOGANY GANG clapped, cheered, and teased us because we were making such a scene on stage. Agad kong pinunasan ang mga luha ko habang marahang naghahalakhakan kami ni Roma. I called Klarissa next because I was her secret Santa. Tuwang-tuwa naman siya nang hindi lang ang regalo ko ang binigay ko kundi pati na rin iyong mamahaling sapatos na props ni Roma para sa surprise niyang ito. When everything was said and done, we proceeded and feasted on the banquet. Maganang-magana ang kain ng mga anak namin ni Roma. Pagkatapos nila ay nagpaalam naman silang maglalaro lang sa may stage. Alexa and Gelo promised and assured us that they will be watching out for all of the Mahogany kids. Sinamahan na rin sila ni Nicolette na mukhang gusto ring makipaglaro sa mga bata. Naiwan sa mahabang table kaming mga matatanda. Dylan was with us as well. Napatingin kami kay Tito Ramon nang biglang tumayo siya at tinaas ang c

DMCA.com Protection Status