JOHN ENRIQUEZ POINT OF VIEW
Isang masayang gabi para sa aming magkakaibigan. Itong Stag mans party ni Peter ang naging way para mabuo kami at magkasama-sama. Isa ako sa pinaka masaya ngayon dahil sa tinagal-tagal ay finally, naging maayos na kaming magpinsan. Madilim at maingay ang bar na aming pinag-iinuman. Walang ibang taong naririto maliban sa mga piling naimbitahan lang. Ived seen Many familiar faces pero hindi ko na sila nabati o nalapitan dahil ayaw akong paalisin ni Vladimir sa tabi niya. Na-miss niya raw ako maka-bonding ng gaya ng ganito. Ang loko, pinainom ako nang pinainom. "Cheers!" "Cheers!" Panay ang pag-angat niya ng baso. Hindi pa man din lumalalim ang gabi ay may mga tama na agad tuloy kami. Lalo na ako, panay ang salin nila kasi ng alak sa baso ko. The pulsating beat of the music vibrating through the floor. I was surrounded with my fellow bachelors, a motley crew of friends who had shared countless adventures and misadventures over the years. Tonight was different. Tonight was the stag party, a final hurrah for their friend, Peter, before he took the plunge into the world of matrimony. We were partying like we were back in our teenage years. We were having so much fun, like there was no tomorrow. It was an epic night. Maya-maya pa ay nagsidatingan na ang ilan pang bisita ni Peter. Nagpaalam siya sa amin na doon muna siya sa bagong dating niyang bisita. "Guys, puntahan ko lang si Luigi. You guys know Jim also right?" Sabay turo niya sa gawing Entrance. Napalingon naman kaming lahat. Yes. Luigi is our friends also in Colleges. Not really close friends but we are friends. Ininvite siya ni Peter dahil sila ang nag-close friends at dahil din daw kay Luigi kaya niya nakilala ang mapapangasawa niya ngayon. Jessa is an Actress. Of all people na dumating, sa isang mukha lang akong napatulala. "Damn! what the hell she is doing here? sinusundan niya ba ako?" sa isip-isip ko matapos kong makita si Leila na kasunurang pumasok ng mga bagong dating na bisita. Noong una ay nagdalawang isip pa ako kung si Leila nga iyon dahil sa ganda ng kaniyang ayos ngayong gabi. How can i forget those face of her? Biglang nagtama ang aming mga paningin kahit na malayo ang kinauupuan ko sa kinatatayuan niya. Yes, I was amazed again with her looks but fuck! Ayoko na siyang makita. Binigyan ko siya ng matalim na tingin kaya siya napaso at kusang nag-iwas ng tingin sa akin. Ako, nakatitig lang ako sa mga ikinikilos niya. Hindi pwedeng malaman ng mga kaibigan ko ang nangyari sa amin. "I need to pretend like we don't know each other." Napakuyom ako ng kamao nang makita kong nagpatuloy pa rin siyang pumasok sa loob ng club. Nakita kong hinila siya ni Luigi at ipinakilala kay Peter. So, si Peter ang nagsama sa kaniya dito? Nakatingin lang ako sa kanilang tatlo. Ilang sandali pa ay nakita ko nang papalapit na sila sa kinauupuan naming magkakaibigan. Para tuloy inaapuyan ang puwet ko sa kaba. Ang ginawa ko tuloy ay tinagay ko ng straight ang alak na nasa aking baso. Focus, John! Focus! Ilang hakbang na lamang ay papalapit na sila sa amin. "Guys, I want you to meet----" Hindi na naituloy ni Peter ang kaniyang sasabihin matapos biglang naiba ang tugtog ng musika. Maging siya ay napalingon sa DJ, nagtataka kung bakit. Maya-maya pa ay nabigyan na rin siya ng kasagutan sa kaniyang pagtataka. Kaya naman pala naiba ang tugtugin ay dahil oras na para sa isang surpresa. Natawag lahat ng mga nasa tatlong babaeng nakasuot ng kakarampot na damit ang atensyon ng lahat. Mga sumasayaw ito sa malamyos ng tugtugin habang may isang malaking karton na kanilang tulong na tinutulak sa gitna. Hayy, salamat! I felt relieved. Because of these Girls, these Girls saves me from sheer embarassment. Dahil sa kanila ay nalipat ang atensyon ng lahat sa mga babaeng mananayaw at hindi na napansin si Luigi at ang kasama nito. Ang lahat ay nabubusog ang mga mata sa mga babaeng mananayaw samantalang ako ay isip ng isip kung bakit o paano nangyari na kakilala ni Luigi si Leila. Ang daming gumugulo tuloy ngayon sa isipan ko. Sa pheriperal vission ko ay nakikita kong nakatingin si Leila sa akin. Wala akong balak na siya ay kausapin. I acted like I didn't noticed her presence. Samantala, the night is getting hotter. Ang tatlong babaeng mananayaw ay unti-unti nang binuksan ang malaking kahon at isang babae ang lumabas mula doon. Isang babaeng walang saplot pang itaas at tanging ang mga palad lamang ang ginawang pangtakip sa dibdib. Oo, isa ako sa mga lalaking nakatingin sa babaeng yon dahil ayoko nga'ng tignan si Leila kahit na amg ganda niyang pagmasdan. The crowd erupted in cheers as the woman's dance, a sensual sway to the soft music, continued. Their excitement reached a fever pitch when she approached the groom, Peter, her movements drawing closer, her gaze locked on his. That was fucking awesome Dance between the groom and the girl. Kahit ako ay napapapalakpak sa tuwa. Nakakatawa kasi ang mukha ni Peter na mukhang naaakit na na babae. but sad to say, matatali na siya at ito na ang huling gabi ng kaniyang pagkabinata. Hanggang maya maya naman ay ako naman ang napagdiskitahan ng nasabing babae. Lumapit siya sa akin at pinalupot ang mga kamay sa aking batok. Bullshit! She's naked! dinidikit niya pang lalo sa akin ang kaniyang hubad na pang itaas. She is now seducing me. Ewan ko kung bakit ako napalingon sa direksyon na kinatatayuan ni Leila. Out of no where. She showed me her annoyance. She rolled her eyes at me and looked away. Which is good. That's good for me. Ganiyan nga, kainisan mo ako. Mainis ka! "John, a notorious womanizer in his younger days, now found himself a changed man," sigaw ng isasa mga kaibigan ko nang makita nilang iniiwasan ko ang malagkit na tingin sa akin ng babae. Para pasayahin ang lahat at inisin ang isa diyan, sinakyan ko ang kalandian ng babaeng mananayaw na sumusubok na ako ay akitin. I held her waist. "I'm John, and I am single." wika ko sa babae at nagsigawan muli ang madla.LEILA MERCEDEZ POINT OF VIEW. Sinama ako ni Sir Luigi sa isang stag mans party kung saan ay sinasabi niyang parte ito ng aking trabaho. Sa loob ng tatlong taon na pagiging katrabaho ko siya ay wala naman akong naririnig na masama about sa kaniya. He is kind and gentleman to anyone. Sino ba naman ako para tanggihan ang taong nagtitiwala sa akin. Pinagkatiwalaan ko rin siya kahit na medyo ilang talaga akong dumalo sa ganoong klaseng party dahil nga pang mga lalaki lang iyon. Nagbihis ako ng maganda at nag-ayos ng sarili. Nagkasundo kami ni Sir Luigi na doon na lang din kami magkita. Medyo nakakahiya nga dahil nauna pa siyang dumating kaysa sa akin. "Naku, sir, pasensiya na po! kanina pa po ba kayo?" "Nope. Kararating ko lang din halos. So paano, pasok na tayo sa loob?" "O-opo." Nauna siyang pumasok sa Entrance at kasunuran niya lang ako halos. May ilan kaming nakasabay sa Entrance at puro mga kalalakihan din. Ang sabi ni Sir Luigi ay Exclusive lang daw para sa stagmans part
JOHN ENRIQUEZ POINT OF VIEW JOHN, CALM DOWN! OKAY? She is just nothing. "Don't look at her! Don't pay any attention to her!" wika ko sa aking isipan. Ewan ko ba kung bakit naiirita akong makita siya. Wala naman siyang ginawang masama sa akin at wala naman siyang ginagawa para ipahiya ako. Infact, matalino siya dahil na-gegets niya ang gusto kong mangyari at yun ay yung huwag kaming magpansinan. At iyon ang ginagawa niya. Sa tuwing magkakatinginan kami ay siya na yung nag-iiwas ng tingin. Napaka inosente ng kaniyang mukha. Sinadya kong ma-disappoint siya sa akin at nagtagumpay akong ipakita sa kaniya kung sino talaga ako. This is my way of telling her that She needs to stay away from someone like me. Natapos na ang party at nagpaalam na kaming mga magkakaibigan. Himingi ako ng pasensya sa kaibigan kong si Luigi tungkol sa mga nasabi ko kanina. Mabuti na lang at naiintindihan naman daw niya ako. Yun nga lang, ang sabi niya, hindi daw sa akin bagay ang magsalita ng ganung
"JOHN, JOHN, JOHN! ANO BA ITONG GULONG NAPASOK MO? MINSAN KA LANG UMULIT MAGKAMALI GANITO PA? ANAK SIYA NA KAIBIGAN MONG SI DAVID! SIYA ANG BATANG NAKIKITA MO DATI!" Halos masira ang ulo ni John sa kakaisip kung paano bang pag-iwas ang kaniyang gagawin. Muli silang nagkita nh dating kaibigan na si David at hindi niya lubos akalain na magkikita din sila ni Leila. What worst here is nalaman niya pang mag-ama ito. Mabuti na lang talaga at hindi nag-react si Leila nang makita siya. Kinalimutan na ni John ang atraso ni David at nananalangin na lang siya ngayon ng katahimikan. Once kasi na malaman ni David ang tungkol sa namagitan sa kanila ni Leila ay tiyak na lalo siyang hindi matatahimik. Baka kasi gamitin iyon ni David para perahan siya. Samantala, gaya ni John ay sobrang dismayado rin ni Leila sa nalaman. Lalo niyang pinagsisihan ang pagpatol kay John lalo pa ngayon na nalaman niyang isa din pala ito sa pinagkakautangan ng ama niya ng malaki. Nanahimik siya at umarte na hi
Kamakailan, LEILA MERCEDEZ POINT OF VIEW Isang sunod-sunod na pagkatok ang bumulabog sa aming payapang pagtulog. Yung klase ng katok na nakababahala. Yung para bang nagmamadaling pagbukaan namin ng pinto ang kumakatok. Sobrang bigat ng katawan ko nitong mga nakakaraang araw at para bang nadadalas ang pagsama ng aking pakiramdam. Alam ko naman na dahil ito sa trabahong pinasok ko. Akala ng iba madaling maging artista. Tamang kaway-kaway lang sa fans at ngiti ngiti lang sa Camera. Ako na ang nagsasabi na hindi madali. Talagang paghigirapan mo ang kasikatan at katagumpayan na gusto mong makamit. Ako, tinitiis ko para sa pamilya at sa pangarap ko. Kanina, alas dose na kami mahigit natapos sa taping. Nakakapagod talaga pero worth it naman dahil malapit na kami sa kalahati. Ibig sabihin, malapit na malapit na ako sa pangarap ko. Kaya lang ang problema ko ngayon ay nang magising ako dahil sa may kumakatok ay hindi na ako makabalik-balik sa aking pagtulog gawa nga ng may naririn
LEILA MERCEDEZ POINT OF VIEW Hindi ko alam... naiiyak na lang talaga ako. Hindi ko alam kung bakit nangyayari sa akin ito. bakit ngayon pa? Bakit? It was just a one mistakes pero bakit ganito ang naging kapalit? Ang bigat ng balik! I lost everything now. Yung nagsisimula ko pa lang na Career biglang nasira. Sumira ako sa kontrata at kailangan kong harapin ang malaking kabayaran. Saan ako kukuha ng 20 milyon? Yung Career na sana ay mag-aahon sa amin sa kahirapan ay siya pa pa lang maglulubog lalo sa amin. Wala na akong mukhang ihaharap kay Sir Luigi at kay Direk. Mas lalong wala na akong mukhang ihaharap sa magulang ko. Pinaasa ko sila sa isang bagay na hindi ko naman pala mapagtatagumpayan. Wala. I failed them. Galit na galit si Daddy David sa akin ngayon dahil imbes na masolusyunan ko ang problema niya at dinagdagan ko pa. Wala akong ibang kailangan gawin ngayon kung hindi ang tanggapin ang galit at sumbat niya. Ang hindi ko lang kayang tanggapin ay pati si mommy
Magulong magulo ang isip ni Leila. Pinoproblema niya kung saan siya uuwi ngayong gabi. Mag-isa na siya at pasan-pasan pa ang malaking problema. Muli na naman niyang naramdaman ang matinding kalungkutan. Sumabay oa ang pagtawag ng Direktor nila at nais daw siya nitong makausap. Takot na takot si Leila dahil alam niyang katapusan na niya. Hindi birong pinsala ang nagawa niya sa buong Production. Alam niyang hindi niya matatakasan ang obligasyon niya at kahit magtago siya ay mananagot pa rin siya dahil sa pagsira niya sa kontrata. "Lord, kayo na po ang bahala sa akin." Dalangin niya sa may kapal matapos niyang magdesisyon na paunlakan ang imbitasyon ng kaniyang Direktor. Nagkita sila sa isang lugar kung saan ay madalang amg taong dumadaan. Sumakay siya sa nakahintong sasakyan nito at doon na rin sila nag-usap. Punong-puno ng takot ang puso ni Leila. Hindi niya alam kung paanong pakikiusap ang gagawin niya huwag lamang siyang ipakulong ng mga ito. Nspabuga ng hangin ang Di
JOHN ENRIQUEZ POINT OF VIEW I knew it. My suspicions were right. As soon as she found out she was pregnant, she'd point the finger at me as the father. And here she is, making a scene. Ito na nga ba ang kinatatakutan ko. Kaagad ko siyang dinala sa loob ng unit ko para doon kami mag-usap. Kabaligtaran siya ng unang pagkikita namin, matapang siya ngayon at palaban. "Oo. mababaliw na nga ata ako dahil binuntis mo ako at ngayon ay kailangan kong magmulta ng 20 milyon at kung hindi ay ipapakulong nila ako. Ayokong ipa-abort ang bata kaya tutulungan mo ako sa problema ko sa ayaw mo man o sa hindi!" banta niya sa akin. "Are you out of your mind? Isang beses lang may nangyari sa atin tapos nabuo kaagad? Alam mo bang hindi lang ito ang unang beses na may nagsabi sa akin ng ganiyan? Paano ako makakasigurado na sa akin iyan? o baka sinadya mo talagang may mabuo dahil nalaman mo kung sino ako at ano ang mga pag-aari ko?" I was drunk, but I knew what I was saying. She looked hurt by my
LEILA MERCEDEZ POINT OF VIEW Ano pa nga ba ang gagawin ko kung hindi pumayag na lang sa mga kundisyon ni John. Yes. kundisyon niyang lahat ang nakasaad dito sa kontrata. Wala naman akong magagawa kung hindi pirmahan na lang tutal ay naiintindihan kong kailangan niyang protektahan ang kaniyang imahe at iniingatan na pangalan. Ako din kasi itong nakikiusap. Ang importante sa akin ngayon ay mareresolbahan na ang problema ko tungkol sa kontrata. Mabait pa rin si John dahil sa totoo lang, hindi na niya sakop na bayaran ito pero dahil marahil ay takot talaga siyang may makaalam na siya ang ama ng pinagbubuntis ko kaya napa-oo na lang din siya sa kundisyon ko. Siguro naaawa na din dahil nasira niya ang kinabukasan ko. Hindi ko alam kung hanggang kailan kami tatagal sa ganitong set-up kung saan titira kami sa iisang bubong without totally know each other. Hindi ito madali pa sa akin pero no choice na kasi ako. Ang iniisip ko na lang ngayon ay ang kapakanan ng pinagbubuntis ko. dito
JOHN ENRIQUEZ POINT OF VIEW aaminin ko man tlga sa asawa at anak ko ang tungkol kay jarren at sa pagtratrabaho niya rito. Talagang sasabihin ko n tlga sana dahil kung ano ano na ang pumapasok sa utak ng asawa ko na kesyo may bagong babae ako at kung ano ano. Bukod doon ay matagal ng napatunayan ni Jarren ang sarili niya sa akin. Sadyang wrong timing lang at bago pa man ako umamin ay nalaman na ni Anya na si Jarren ang aking bagong secretary. Bigla bigla na lang siyang dumating dito at kumatok. Hindi ako prepared. Si Jarren pa ang pinagbukas ko ng pinto ayan tuloy wala na kaming lusot. Matalino si Anya at obvious din naman ang suot ni Jarren. Alam kaagad niya kung ano ang ginagawa ni Jarren dito sa loob ng office ko. Hanggang sa ito na nga ba ang sinasabi ko. Kapag nagkita sila ay ganito talaga ang mangyayari. Tamang tama ang sinabi ko kani-kanina lang. Itong si Jarren biglang nawala sa sarili. Nakalimutan niya na na nandito ako at nakikita sila. But infairness, makikita mo
JARREN POINT OF VIEW "Jarren, gawin mo 'to..." "Jarren, ikaw ang umatrend dito..." "Jarren, kailangan mong matutunan yung ganito, ganiyan...." "Jarren, galingan mo pa! nagkukulangan pa ako!" "Jarren, hindi ganito! ganito dapat! ulitin mo!" "Jarren, there is no room for mistakes here!" Aaminin ko, hindi pala ganun kadali. Mahirap pala. Akala ko ay malapit na ako pero malayo pa pala. Marami pa akong kakainin na Bigas para i-prove yung sarili ko. Araw-araw binibigay ko yung best ko pero kulang pa rin. Araw-araw ako napapagod pero nagkakamali la rin. Iniisip ko na lang palagi ang mag-ina ko at sila ang inspirasyon ko. Sa kanila ako kumukuha ng lakas para sa Araw-araw. Hindi madali ang maging isang CEO. Hindi pala madali ang ginagawa ni Mr. Enriquez sa Araw-araw. Lalo ko siyang kinahahangaan sa araw araw na nakakasama ko siya. He deserve all this. Early morning, Late Nights. Narealise ko rin na hindi lang ang katangian ng pagiging CEO ang itinuturo niya sa akin. Natutun
JARREN WAYNE SALVADOR POINT OF VIEW Hindi ako nagdalawang isip na isugod si Mr. Enriquez sa ospital matapos ko siyang makita sa harap ng aking bahay na nahihirapang huminga na tila para bang inaatake siya. Sa itsura niya ay mukha talagang hindi maganda ang lagay niya kaya naman agad ko siyang binuhat at isinakay sa sasakyan niya para dalhin ng ospital. Sa totoo lang, awang awa ako sa kaniya. Kahit na marami siyang ginawa na hindi maganda sa akin ay tinatanaw ko pa rin ang magagandang nagawa niya sa akin. Nauna niya akong tinulungan kaya naman ano ba naman itong ibalik ko ang magagandang nagawa niya sa akin at kinalimutan ang mga pangit niyang nagawa. Dinala siya sa loob ng E.R. at ako naman ay pinaiwan na sa labas. Habang nag-aantay, panay ang dasal ko na sana ay maging okay siya. Totoo. Naiisip ko kasi si Anya at ang anak namin. Alam kong pag may nangyaring masama kay Mr. Enriquez ay sila yung unang malulungkot. Hindi ko alam ang gagawin ko sa mga oras na yon. Nandoon yun
JOHN ENRIQUEZ POINT OF VIEW 2 YEARS AGO, After My apo's Blood transfussion, nagkaroon ng pagkakataon na magkausap kami ni Jarren ng pang sarilinan. That time, ayoko talaga hanggang maaari but in my mind my nagsasabi rin sa akin na maging fair at pakinggan ang nais na sabihin sa akin ni Jarren. Humingi siya ng tawad at inamin ang mga nagawa niyang pagkakamali pero wala sa iyak niya ang nakakuha ng loob ko. Bilang isang ama, masamang masama ang loob ko sa kaniya nadagdagan pa ng malaman kong ginawa niyang kabit ang anak ko. Sobrang sakit noon para sa akin. Mabait pa nga ako at nagawa ko pang magtimpi bilang nasa gilid lang kasi namin ang apo ko. Sa aming naging pag-uusap noon ay nagulat ako sa kaniyang inamin. Honestly hindi ako naniniwala that time. Na baka sinasabi niya lang yon para matakasan ang aking galit at para lokohin muli ako. Hindi ko siya tinanggap para sa anak ko. Kahit la sinabi niya sa akin na hindi totoong naikasal siya. Para sa sakin ay walang sense iyon. Hind
ANYA ENRIQUEZ POINT OF VIEW Dapat sa mga oras na ito ay nagsasaya na ako dahil sa wakas ay gagaling na ang anak ko. Sa wakas ay nakuha na niya ang kailangan niya at hindi na siya mahihirapan pa. Masaya naman ako bilang ina. Wala akong ibang hiniling kung hindi ang dumating ang araw na ito pero itong araw din pala na ito ang isa sa mga malungkot na araw sa buhay ko. Si Jarren, nagpapaalam na siya sa akin. Ramdam ko ang lungkot sa kaniyang boses at mga mata. Nasasaktan ako dahil mahal ko siya at hindi ko alam kung ano ang nangyari o napag-usapan nila ng Daddy sa loob ng kwarto at ganitong nagpapaalam si Jarren. Ibig sabihin hindi naaayos. Ibig sabihin hindi naging okay ang pag-uusap nila. "Anya, Gusto kong malaman mo na mahal na mahal kita. kayo ng anak natin. Anya, sorry sa mga maling desisyon ko. Goodbye, Anya! alagaan mong mabuti ang anak natin. Til we see again, Anya. Pangako, babalik ako. babalikan ko kayo ng anak natin." Umalis na si Jarren at nag-iwan ng isang panga
Puno ng pag-aalala si Jarren tungkol sa mag-ina niya dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin ito mga dumarating. balik balik siya mula sa lab hanggang Entrance. Patanaw-tanaw kung nariyan na ba ang kaniyang mag-ina. Iniisip ni Jarren na baka labis na nasaktan si Anya sa nangyari kagabi at sa ibinigay niyang sitwasyon dito. Gustong-gusto nang aminin ni Jarren ang totoo. Na hindi totoong kasal sila na Mallory. Na gawa gawa lamang niya ito. Hanggang sa dumating na nga ang kanina niya pang inaantay. Ang kaniyang anak. Kaya lang ay hindi si Anya ang may bitbit rito kung hindi si John at kasama nito ang ina ni Anya. Napaatras ng dalawang hakbang si Jarren nang magtama ang mata nila ni John. Ngayon lang sila muli nagkita pagkatapos ng mahabang panahon. Hindi alam ni Jarren kung ano ang susunod na mangyayari. Hindi niya alam kung ano ang naglalaro sa isip ni John. Nakahanda naman si Jarren sa galit nito. Hindi na siya galit kay John. Kinalimutan na niya ang masakit na ginawa nito alang
"What did you do, Mallory? Why did you hurt her? Why did you go there? Mallory, come on! You shouldn't have done that to Anya. I love her!" "Are you even listening to yourself, Jarren? Really? You love her? Isn't she the reason for your suffering? Didn't her father put you in jail? Jarren, don't go back to the person who ruined you!" "We have a child! Our love bore fruit, and I can't bear to leave our child. Mallory, I didn't marry you because I still love her, you know that. Thank you for all your help, but I know what I'm doing." "And you think everything will be okay for the two of you? Why, Jarren, do you think you're successful enough for her family to accept you? You're still not, right? You're still poor, and if it weren't for me, you wouldn't be here now. Jarren, I'm not asking you to love me. I just want you to be okay. To see you happy. Not with Anya. She loves you, but she can't fight for you." JARREN WAYNE SALVADOR POINT OF VIEW Kinagalitan ko si Mallory dahil s
ANYA ENRIQUEZ POINT OF VIEW "Bakit ngayon ka lang? Saan ka nagpunta?" expect ko na ns ganito ang itatanong sa akin ni Daddy. Umaga na ako nakauwi at hindi ako nakapagpaalam ss kanila. "Good morning mom and dad. Galing po ako kila Jarren." Hindi na ako para magsinungaling pa kung saan ako galing. Sinabi ko na ang totoo na galing ako kila Jarren. "Anong ginawa mo doon? bakit ka pumunta roon ng gabi? tapos umaga ka umuwi? Anya don't tell me na----" Hindi ko na hinayaan na matapos na magsalita ang daddy. "Daddy, pumunta ako roon para magmakaawa para sa anak ko. Kung ano man yung iniisip niyo mali po kayo. Nandoon po ang asawa ni Jarren kaya imposible po ang iniisip niyo." dito na lang ako nagsinungaling. Hindi ko pwede aminin sa kanila ang nangyari between us. Hindi ko pwedeng sabihin na bumigay ako kay Jarren muli para sa pang sarili kong kaligayahan. Masakit ang realidad na hanggang ganun na lang kami pero wala akong pinagsisisihan. Kung ano man ang nangyari kagabi, iyon ang n
ANYA ENRIQUEZ POINT OF VIEW Ito naman talaga ang pakay ko, ang makausap si Jarren at magkaroon ako ng pagkakataon na makahingi ng saglit na oras niya para makahingi ng tulong para sa anak namin. Nagulat lang ako nang sabihin ng guard na pumasok nga raw ako sabi ni Jarren. Nakakkapagtaka lang. Akala ko ay kinailangan ko pang magmakaawa para lang makapasok dito pero nagawa ko ito nang walang kahirap-hirap. Pinapasok ako ng guard gaya ng pahintulot ni Jarren. Laking tuwa at pasalamat ko. Wala na akong atubili at pumasok na nga ako sa bakuran nila patungo sa loob kung saan ay naroon si Jarren at nag-aantay sa akin. Pagdating ko sa pinakaloob ay nakita ko agad si Jarren na nakaupo sa sofa. Nakasandal ng maigi ang likod, nakapikit, at nakatingala na para bang pagod na pagod buong araw. Naramdaman niya kaagad ang aking presensya. Agad niyang idinilat ang mga mata niya at napatingin sa akin. Bigla akong napipi dahil sa paraan ng pagkakatitig niya sa akin. "What, Anya?" para bang