LEILA MERCEDEZ POINT OF VIEW Tuluyan na akong nanghina sa mainit at mapusok na halik ni John. Binuhat niya ako habang hindi pinuputol ang aming paghahalikan. Dinala niya ako sa kwarto niya at marahang inihiga sa kaniyang malambot na kama nang hindi talaga pinuputol ang aming paghahalikan. Nakakapaso! Sobrang init ng apoy. Ang mga halik niya, ang bawat paghawak niya sa akin, at kung paano niya ako tignan ay talagang nakakapanghina. Ganito siya ka-unfair. Kung kanina lang ay sinabi niya sa akin na kahit kailan ay hindi niya ako magugustuhan pero ngayon kung itrato niya ako ay animong para akong paborito niyang laruan na ayaw niyang ipahiram kahit na kanino. Sa mga sandaling ito ay malaya niyang ginagawa ang lahat ng gusto niyang gawin. Nakakatawa at hindi ko magawang tumutol kahit na nasaktan talaga ako sa kaniyang mga sinabi kanina. Napakaguwapo naman talaga kasi niya at napakahirap tanggihan. Isipin ko pa lang na mauulit ang ginawa namin a month ago ay hindi ko mapigilan n
"Really, Leila? sasabihin mo talaga sa Doktor na kaya na-stress ay dahil pinipilit kitang-----" arrrgghh! sobrang sakit ng ulo ko. Talagang sinisita ko si Leiila ngayon dahil kumontik na niya akong ilaglag kanina. Mabuti na lang at naging maagap ako. Nasa kotse kami ngayon at kasalukuyang pauwi na sa condo unit ko."Sorry, nabigla lang ako. Hindi ko naman aaminin. Bigla ka lang nag-react ng ganon." Sagot niya sa akin. "Paanong hindi ako mag-rereact? Akala ko talaga ay ilalaglag mo na ako. Sa tingin mo ba kung nadulas ka kanina, hindi yon nakakahiya sa part ko? Leila, we have an Agreement Leila. Walang makakaalam ng tungkol sa pinagbubuntis mo. Hindi nila pwedeng malaman na ako ang ama ng bata sa sinapupunan mo!" paulit-ulit kong pinapaalala sa kaniya. "Alam ko naman 'yon. Wala rin naman akong plano na ilaglag ka. Ang akin lang, huwag mo na lang uulitin yung ganun na uuwi kang lasing tapos bigla mo na lang akong aayain. Sa 'yo na nanggaling na pareho lang tayong nagkamali kaya bak
JOHN ENRIQUEZ POINT OF VIEW Wala na akong nagawa nang tuluyan nang nakapasok ang aking mga kaibigan sa loob ng unit ko. Tatlo silang dumating at pang apat ako na iinom. May dala na silang alak at pulutan. pinaupo ko na sila sa receiving area at ako na ang kumuha ng mga bagong gagamitin namin at ilang pang kakailanganin namin sa pag-inom. Nalusutan ko ang pagtataka nila sa dalawang pinggan. Nakahinga ako nang maluwag matapos makapagtago agad ni Leila. Gusto ko ang pagiging alisto niya. Kung hindi kasi ay tiyak na nabisto na kami. Habang nasa salas ang tatlo ay sinubukan kong buksan ang kwarto ni Leila at nakalock ito. meaning na nasa loob siya. Hindi na ako kumatok. Hanggang nagsimula na kaming mag-inuman. Ako, parang sinisilaban ang puwet ko sa kaba. Ganito pala talaga ang pakiramdam ng may tinatago. Maingay ang tatlo kong kaibigan at panay ang tawanan. nagkwekwentuhan sila ng kanilang kalokohan. Syempre para hindi ako mahalata ay nakikitawa na lamang at nakikisakay sa mga k
JOHN ENRIQUEZ POINT OF VIEW Kinailangan kong pumasok ng maaga dahil may biglaan akong meeting sa Pampanga. Umalis ako nang bahay na hindi na ginising si Leila but I make sure na paggising niya ay may kakainin siya. yeah, sa kabila ng pagmamadali ko ay nagawa ko pa siyang handaan ng makakain. Ewan ko. Natatawa na lang din ako sa sarili ko kung bakit ginagawa ko pa ang mga bagay na ganito. Sinasabi kong dahil lang sa baby kaya ganon na lang ako ka-concern pero parang hindi rin eh. Parang nagugustuhan ko nang pagsilbihan siya. Ganun pa man, palagi ko pa rin pinaalalahanan ang sarili ko na dapat ay hanggang doon lang ako. Hindi na para hayaan kong lumalim pa ang pagtitinginan namin. Lalaki ako at babae siya at nasa iisang bahay lang kami. Sa katulad ko pang babaero ay napakahirap sa akin na magtiis lalo pa at alam kong nasa kabilang kwarto lang siya. Kung hindi lang talaga sa agwat ng edad namin sana ay hindi na kami nahihirapan ng ganito. Nasa edad na kasi ako na pwede nang mag-
Hindi naman yung pagkakatulak yung masakit, Eh. Yung katotohanan na nadisgrasya ako ng isang lalaki na kilalang babaero--yun ang masakit. Kahit sarilinin ko lang ang nararamdaman ko, habang tumatagal ako na kasama siya sa iisang bahay, mabilis din akong nahuhulog sa taong wala namang pagtingin sa akin. .Naiinis ako sa sarili ko dahil binibigyan ko ng kahulugan ang kabaitan niya sa akin ba kahit alam ko naman na kaya ganun ang pakikitungo niya sa akin ay dahil dinadala ko ang anak niya. Na hanggang pagiging ama lang ang kaya niyang ibigay. Naiiyak ako dahil nagseselos ako. Nagselos ako kay Athena. Maganda siya at mukhang may pinag-aralan din. She looks so expensive. Kung totoo ngang girlfriend siya ni John, nasasaktan ako dahil wala akong karapatan na maramdaman ang nga bagay na katulad ng nararamdaman ko ngayon. Nakakatawa dahil dinedeny siya ni John at eto naman ako, gustong maniwala. Kahit anong gawin ko, pumayag ako sa kasunduan na hiningi ni John at kasama doon yung gawing l
LEILA MERCEDEZ POINT OF VIEW Inisip ko talaga ng maraming beses kung ano ba ang tama kong gawin. Mayroon ako 20 million na dapat sana ay pambayad ko kay sir Luigi ngunit nakiusap siya na tapusin na lang ang pelikula tutal ay nasa kalahati naman na daw kami ng taping. Sa totoo lang, ayokong lokohin si John. Si John yung tumutulong sa akin ngayon at siya ring nagbigay ng pera para hindi ako makulong. Kaya lang ay mas kailangan ata ng itay ang perang hawak ko ngayon. Sinabi sa akin ni sir Luigi na nakakulong daw ang itay at bilang anak anong sakit sa part ko na hindi man lang ako makakatulong kung may paraan naman. Inisip ko talaga ng maigi. At sa huli, nagdesisyon ako na gamitin na lang ang pera na bigay ni John para tulungan ang pamilya ko. Tutal ay nagkasundo naman kami ni Sir Luigi na tapusin na lang ang pelikula. Alam ko rin naman na wala naman sense pa kung patatagalin ko pa ang pagsasama namin ni John. He is a womanizer at kahit kailan ay hindi niya ako magagawang mahalin. Tat
JOHN ENRIQUEZ POINT OF VIEW Nakita ko na sobrang natuwa si Leila nang ibigay ko na ang 20 million sa kaniya. Ito yung perang hiniling niya sa akin at ipinangako ko naman na ibibigay ko dahil nagkaroon siya ng problema dahil sa kaniyang pagbubuntis ng biglaan sa gitna ng kaniyang ginagawang proyekto bilang nagsisimula pa lang na artista. Hindi ko na siya inihatid patungo sa pagkikitaan nila ni Luigi dahil nag-iingat ako at ayaw ko nga'ng may makaalam ng set up namin. Habang wala si Leila ay dito ako namahinga at pagkatapos ay nagluto ng kakainin namin sa pananghalian. Ang niluto ko ay tinolang manok sa Papaya na maraming malunggay. Healthy kasi iyon sa buntis. Alam kong hindi ko naman kailangang gawin ito pero wala din naman kasi akong ginagawa ngayon. After i prepared our Lunch, nag-antay na lang ako sa kaniyang pagdating. kanina pa siya umalis kaya sa tingin ko ay pauwi na din siya. I waited for almost an hour at hindi pa rin siya dumadating. I don't know why I suddenly
JOHN ENRIQUEZ POINT OF VIEW Hindi ko alam kung bakit ako nakaramdam ng lungkot sa ginawang pagpapaalam ni Leila. Ang dapat nga ay magpasalamat ako dahil siya na ang sumira sa kontrata at hindi ko na siya obligasyon. Dapat nga ay maging masaya ako dahil okay na sila ng pamilya niya at hindi ko na siya kailangang kupkupin. May tiwala din naman ako sa kaniya na pananatilihin lihim ang tungkol sa ama ng kaniyang pagbubuntis pero bakit kaya iba ang pakiramdam ko. Parang may mali? Why all of a sudden? Anong nangyari sa pag-uusap nila ni Luigi? hindi kaya si Luigi ang naging daan para magkaayos si Leila at ang pamilya niya? Ano ang nangyari sa bayaran? Ang daming tanong sa isipan ko. Ang dami kong gagawin dito sa office pero si Leila at si Leila pa rin ang naiisip ko. Hindi ako mapakali. Hindi ko na dapat alamin ang tungkol sa buhay niya tutal ay okay naman na daw siya. I did my part ang nagpasalamat naman siya sa mga naitulong ko sa kaniya. Bahala na siya sa buhay niya.
ANYA ENRIQUEZ POINT OF VIEW. Sobrang sakit ng ulo ko at hindi talaga ako makabangon sa higaan dahil sa lakas ng hang over. Naparami kasi ako ng inom sa party ni Gidgeon at hindi naman talaga kasi ako umiinom kaya sobrang lala ng gising ko. Parang kong uhaw ba uhaw na nasusuka na nagugutom na wala namang ganang kumain. Sobrang sakit na nga ng ulo ko at lahat-lahat, bigla ko pang naalala ang mga pinagagawa ko kagabi. "Oh My! what the!!! nakakahiya ka girl!" sigaw kong mag-isa matapos kong maalala na sinundo ako ni Jarren mula sa party at inihatid pa hanggang bahay namin. Not only that, hanggang sa CR ay sinundan niya pa ako at inalalayan. Ang sarap sanang sariwain ang mga ginawa niyang concerns para sa akin. Kung gaano siya kabuting lalaki, kaya lang ay napapailing na lang talaga ako ngayong sariwang sariwa sa ala ala ko ang mga pinagagagawa ko kagabi. "Arrgggg! Wala akong delikadesa! Ang landi siguro ng tingin niya sa akin ngayon!" Lasing ako kagabi pero naaalala ko ang pin
Pagkalabas ko ng kwarto ni Anya ay doon pa lang ako nagkaroon ng pagkakataon na sagutin ang tawag ng kanyang ama na kanina pa tawag nang tawag sa akin. naiintindihan ko na nag-aalala siya at hindi mapakali sa pag-uwi ng anak niya na nakakainom sa unang pagkakataon. Sinagot ko ito ng normal na boses na parang walang nangyari ngayon ngayon lang. "Kumusta, Jarren? okay na ba si Anya? bungad ni Mr Enriquez na may tono ng pag-aalala. "yes po Mr Enriquez okay na po siya iniwan ko na po siya doon sa loob ng kwarto niya." alam ko na nakita niya sa cctv ang pagpasok namin ni Anya sa kwarto pero sa loob ng kwarto ni Anya ay walang cctv at hindi na namomonitor ni Mr. Enriquez. kaya siya tumawag dahil nag-aalala. Pasalamat na rin ako at wala talaga at hindi niya nakita ang ginawa ng anak niya sa akin. Kung nagkataon, end of contract na ako. "Maraming salamat, jarren! Sige, makakauwi ka na." wika niya after kong sabihin na okay na ang anak niya at nasa maayos ng kalagayan. "walang anum
Kahit pala sobra mong gusto ang isang tao darating ka sa punto na tatabangan ka sa ugali na meron ito. Totoo naman ang kasabihan na kung tunay mong mahal ang isang tao ay tatanggapin mo siya kahit na ano pa ang pangit na ugali na mayroon siya but with Mallory, ewan ko. Gustong-gusto ko siya pero ayoko yung pinapakita niya sa akin. Pinapakita niya na Gustong-gusto niya ako at pinaparamdam niya sa akin na parang boyfriend na ang turing niya sa akin. Higit pa sa kiss ang mga nagawa namin pero sa tuwing tatanungin ko siya kung kailan niya ako sasagutin iniiba niya ang usapan. She akways Act like a jealous girlfriend but hindi niya kayang pumasok sa isang relasyon kaya napapaisip na talaga ako kung ito ba talaga ang babaeng ginugusto ko? Ako kasi yung tipo ng lalaki na pang seryosohan. Ayoko makipaglaro. Kaya nakapag-isip isip na ako na ihinto ko na lang muna ang panliligaw ko sa kaniya baka sakaling marealize niya kung ano yung problema. Baka sakaling magbago ang isip ko but for now
JARREN WAYNE SALVADOR POINT OF VIEW ITS LIKE, FUCK! WHAT HAPPEN? Paano nangyari na ang isang neird at boring na babae ay bigla na lang mag-iiba ng anyo? ng personalidad? Hindi mag-sink in sa akin na ganito na ngayon si Anya. Like, hell no! Anong nangyayari sa kaniya? kahapon lang ay plain lang ang flavor niya bakit ngayon ay Hot & spicy na?! Paano ko ito ipapaliwanag kay Mr. John? Among sasabihin ko sa kaniya na dahilan? kaka-update ko lang sa kaniya at ang sabi ko ay maayos ko na nababantayan ang anak niya pero bakit biglang naging ganito ang nangyari? Hindi ako makapaniwala na si Anya nga itong nakikita ko. Isang maganda at sexy na version ni Anya. Version 3.0! Ang kaniyang mukha ay puno ng kalorete at ang kaniyang pananamit ay malaki ang pinag-iba. Sobrang sexy ng kaniyang suot na bumagay sa makinis pala niya na balat at maganda rin pala ang hubog ng kaniyang katawan. Even me, my jaw dropped. "Damn! is that really you Anya?" paulit-ulit kong tanong sa aking isipan. Sh
ANYA ENRIQUEZ POINT OF VIEW New me, New Anya here! Sinubukan ko lang naman na magkaroon ng pagbabago sa sarili ko. Something like for a change. Napansin ko kasi na hindi tanggap dito ang neird na katulad ko. Oo. neird ang tawag nila sa akin dahil sa suotan ko which is hindi naman ako neird. Sadyang lumaki lang ako ng ganito dahil iyon ang nakamulatan ko sa paligid ko. Na okay naman daw sabi ng aking mga magulang. Dito lang talaga pinagtatawanan ang nga baduy. kaya i'll just go with the flow na lang. "If this change in my appearance will also change the way the students here look at me, why not? If I can make friends here, why not? I grew up with so much love, so my heart is full of love too. I can give love to other people. I can do more for them." Huminga muna ako ng malalim bago ako bumaba ng sasakyan. Ang daming estudyante na papasok na rin sa University na kapwa mga napahinto sa kanilang kinatatayuan pagdating ko. Marahil ay nagandahan sila sa sasakyan na dala ko. "Wai
ANYA ENRIQUEZ POINT OF VIEW RIGHT. Mali lang ata ako ng enterpretasyon. Totoo ngang mabait siya at ganoon din siya sa lahat. At oo. Kasalanan ko dahil yung dalawang beses na pagtulong niya sa akin ay nabigyan ko kaagad ng ibang kahulugan. I already fell for him without knowing him well. I start liking him not knowing that this feeling will eventualy hurt me. Kagaya ngayon, I saw him kissing a Girl. torriedly kissing. Nagselos agad ako at nasaktan nakita bagay na dati naman ay hindi ko nararamdaman. Its not Jarren's fault. it was mine. Kung bakit ako nasasaktan ngayon problema ko yon. Nagkagusto agad ako sa kaniya at nasanay ako na lahat ng gustuhin ko ay darating sa akin. but not Jarren. Nakita niya ako at tinawag sa aking pangalan. Nagkunwari akong hindi ko siya nakita o narinig dahil hindi ako marunong magpanggap o magtago ng feelings. Sounds funny pero umiiyak ako. Nasaktan ako at hindi ko alam kung paano pagaanin ang nararamdaman ko ngayon. Sinubukan kong mag-focus sa
I am Jarren, 25, and I live here in America as a student during the day and work at a fast food chain at night. We used to be wealthy and my parents ran a company in the Philippines, but my dad had bad luck and the company went bankrupt, leaving us in debt. We were forced to move abroad to keep my dad from going to jail, so here I am, enduring this life to finish college. Then I got a job that would give me enough income to pay for my studies. America is so big, and imagine, my dad met his former business partner here. Si Daddy kasi ay kasulukuyang nagtratrabaho as billing staff dito sa isang malaking ospital sa America mga 2 months na and it happens na dito pala nagpapagaling ang kaniya noong dating kaibigan/business partner sa Pinas. Nagkita sila. Nagkumustahan at nagkwentuhan. Hanggang nabanggit ni Daddy ang tungkol sa akin at sa kung ano ang sitwasyon namin dito. And Tito John made an offer. Dahil hindi pa kaya ni Daddy na suportahan ako sa pag-aaral dahil bago pa lang siy
Dahil kay Jarren, unti-unti ko nang nagugustuhan ang buhay na mayroon ako dito. Akala ko puro lungkot na lang. Nasanay kasi ako na sobra akong inaalagaan ng mga magulang ko. Yung tipong bantay na bantay ako para masiguradong walang makakapanakit sa akin o may mangyayaring masama. Malungkot ako sa sitwasyon na mayroon kami ng pamilya ko ngayon. Yung tipong bigla na lang naging ganito na dati ay larawan kami ng isang masaya. Ang hirap kasing maging masaya kapag may sakit ang isa sa magulang mo. Mahirap yung araw-araw na hindi mo sila nakakasama at ang pinaka masakit ay alam mong araw-araw nakikipaglaban si Daddy sa kaniyang buhay. Buti na lang at may isang Jarren akong nakilala dito. Siya ang dahilan ng pagngiti ko. Siya ang inspirasyon ko para sipagin ako na pumasok sa University. Kahit bago ko pa lang siyang nakikilala alam ko kaagad na may mabuti siyang puso. Sana bukas magkita kami ulit. Kinabukasan, Ganoon pa din. Maaga akong gumising para mamili ng damit na susuotin. Maula
ANYA ENRIQUEZ POINT OF VIEW "This is the first time I felt my heart beat so fast. I can't explain why I felt that way when that guy came and saved me." It sounds like i experienced a powerful feeling of gratitude and perhaps even attraction. Its uncommon. He's handsome and very gentleman. Ewan ko ba na sa kabila ng pangit na nangyari ngayong araw sa akin ay heto at nakukuha ko pang ngumiti mag-isa. Naiisip ko lagi ang guwapong mukha niya. Anong year na kaya siya? Anong course niya? gusto ko ulit siyang makita bukas! Nandito na ako ngayon sa bahay. katatapos ko lang maligo at magbihis. Ako lang ang tao dito sa bahay dahil nga nandoon si Daddy kasama ang mommy para sa kaniyang heart therapy. Nakatayo ako ngayon sa harapan ng salamin at nagsusuklay. Sinisipat kong maigi ang mukha ko sa repleksyon sa salamin. "Nagagandahan kaya siya sa akin?" pagkausap ko sa sarili sa harap ng salamin. Lumaki ako ng hindi naging malapit sa kahit sinong lalaki at never nagkaroon ng pagkakata