LEILA MERCEDEZ POINT OF VIEW
KAYA KO! KAKAYANIN KO! Nilakasan ko na lang ang loob ko na harapin ang pagsubok ng mag-isa. Kailangan kong magtagumpay para may mapatunayan ako sa sarili ko. Alam ko naman na kakayanin ko. Wala akong ibang pagpipilian kung hindi kayanin. Naniniwala naman talaga ako sa sarili ko. Na may talento ako. Iyon nga lang, ang tagal din ng inabot bago may makapansin ng galing ko. At hindi na para problemahin ko pa yon. Ang importante ay napansin na din ako sa wakas. At excited na ako na ipakita sa buong mundo na may ibibuga ako at magtatagumpay ako sa larangan ng pag-arte. At itong break na ito... Dito na magsisimula ang lahat! Gagalingan ko at hindi ko sisirain ang tiwala na ibinigay nila sa akin. Gamit ang natitirang pera ko, iyon ang pinang-upa ko ng kwarto bilang tutuluyan ko pansamantala. Bumili din ako ng mga damit sa tyangge para maging presentable ako sa mga shooting, mall Tour, at sa araw ng pirmahan ng kontrata. Walang paglagyan ang kasabikan ko nang makatanggap ako ng text mula kay Sir Luigi at sinasabing pag-uusapan na daw namin ang tungkol sa kontrata at script. Dali-dali akong namili ng damit na susuotin ko para mamaya. "Ito o ito kaya?" Halos lahat ay maganda para sa akin. Hindi ako makapamili. Ang text sa akin ng film producer namin ay script reading pa lang daw ang gagawin pero ang napili kong isuot ay pang contract signing na sa ganda. Inabot din ako ng nasa dalawang oras sa pag-aayos ng aking sarili. Sobrang excited na talaga ako. Ang ganda mo self! Maaga ako ng isang oras dumating sa takda naming pagkikita. Like this is it! ito na talaga! Nakita ko na abala ang lahat sa preparasyon. Marami din akong namukhaan na malalaking pangalan sa showbiz na naririto rin na dati ay hindi naman ako pinapansin ngayon ay sila pa ang nauunang bumati sa akin. Kagaya ngayon, isang MS. Chenelyn Estrada lang naman ang ngumiti at lumapit sa akin. Isang sikat na aktress dito sa Pilipinas kung saan ay kaibigan din ng film producer na kumontak sa akin. Everybody knows her but I was surprise because she called my name. "Hey, ikaw ba si Leila?" Magiliw na paglapit niya sa akin. Sobrang ganda niya at para siyang manika sa malapitan. Napaka bango din niya, at ang kutis ay pinong-pino. "Yes po!" sagot ko naman. I was starstucked. "Oh, you're so pretty. Nice to meet you!" inilahad ng sikat na aktres ang kamay niya sa akin. "Salamat po! Idolo ko po kayo," pagbabalik ko. I am nervous and overwhelmed. Pakiramdam ko tuloy ay napaka espesyal ko. "Really? well thank you! We are all excited for you. Congratulations in advance. I see potential in you." Ilang sandali pa ay bigla nang sumingit sa aming usapan ang film producer na si Luigi. Marahan niya akong hinila sa aking braso at kinausap. "Oh, hi!" pagbati niya muna kay Ms Chenelyn bago ako kausapin. "Mabuti at narito ka na pala, Leila. Hinahanap ka kasi ng Direktor. Gusto ka niyang makita ng malapitan. Galingan mo, ha! Huwag mong sayangin ang tiwala na ibinigay ko sa 'yo," bulong niya sa akin. "Opo. Gagalingan ko po," sagot ko naman. Hindi ko pa naranasan ang ganitong klaseng pakikipag-usap niya sa akin. Ngayon lang. Dati kasi ay dinadaan-daanan lang ako dito. Ilang sandali lang ay sumingit naman muli ang kausap kong sikat na aktres kanina sa usapan namin ni Sir Luigi. "Oo nga, Leila! Galingan mo. Hindi lahat maswerteng katulad mo. Galingan mo at ipakita mo sa lahat na deserve mo ang role. Nabuntis kasi ang totoong gaganap dapat ng lead role kaya ikaw ang napiling pumalit sa kaniya. Ipakita mo na tama ang pagpili sa 'yo ni sir Luigi mo." Nagulat ako sa aking narinig. I mean, there is nothing wrong with what she said, sadyang iba lang ang naging dating sa akin. Ngayon ko lang ito nalaman na kaya lang pala napunta sa akin ang role na ito ay dahil akala ko ay para sa akin talaga. Hindi ko alam na naibigay na pala ito sa iba at sinapo ko lang pala. Bigla akong nakaramdam ng pagkapahiya sa aking sarili. Mukhang masyado atang mataas ang tingin ko sa sarili ko kaya ganun na lang ako nadismaya. "g-ganun po ba? ibig sabihin sa iba talaga ang role na ito at maswerte lang na napunta sa akin?" "Oo. ganu'n na nga." Sagot ng sikat na aktres. "Bakit may problema ba doon?" tanong naman ng aming film producer. "w-wala naman po," sagot ko na lang. "Good! so, are you ready?" "Yes po!" ____________________ Sinabi ko na lang sa sarili ko na kahit ano pa man ang dahilan kung bakit napasaakin ang role na ito ay maswerte pa rin ako dahil sa akin naibigay at hindi na para malungkot pa ako. Madaming starlet ang nangangarap na mabigyan ng bigbreak at hindi lahat nabibigyan ng chance. Ako, eto, ipinakikilala na ng film producer sa Direktor at ilan pang mga kilalang tao sa industriya. Tunay ngang blessings ito dahil wala na talagang atrasan. Sa akin na talaga ito. Ako na talaga ang Female lead sa pelikulang ito. Matapos akong ipakilala sa team ay nagsimula na rin ang Script reading. Kung dati ay sa harap ng salamin lang ako umaarte dahil ang tulad kong extra lang dati ay hindi naman binibigyan ng script ngayon ay napakahaba na ng aking nga Dialogue. Ipinakita ko sa kanilang lahat na may ibubuga ako pagdating sa pag-arte kaya naman nang matapos ay pinalakpakan ako ng lahat. Sunod naman na nagpakitang gilas ay ang leading man ko na si Xian Castro. Ang guwapong binatang artista na crush ng lahat. Isa rin akong fan niya before kaya naman excited na akong makatrabaho siya. Ang cute niya pag ngumingiti dahil ang lalim ng dimples niya. Sobrang saya ko. Hindi pa man din nagsisimula ang mga shootings ay marami na akong natanggap na invitation. Mga Social gatherings na kahit kailan ay hindi ko pa naaattendan. Ngayon, gusto na nila akong makasama. "Leila, sumama ka bukas ha! Pupunta tayo sa stag mans party." wika ni Sir Luigi sa akin bago mag-uwian. "po? Hindi po ba panlalaki lang 'yon?" Sagot ko naman. Nagtataka ako kung bakit gusto niya akong isama sa ganoong party gayong sa pagkakaalam ko ay party iyon na para sa groom. "Oo, pero pwede rin magsama ng babae. Sasaglit lang tayo doon. Expossure na din yon para sa 'yo dahil malalaking businessman ang mga dadalo doon. Malay mo magustuhan ka nila at kunin ka nilang Endorser ng mga business nila." "Hindi po ba nakakahiya?" "No. That's showbiz. You need to endorse your self lalo na kapag hindi ka pa gaanong kilala." "o-okay po. Sasama po ako." ________________________JOHN ENRIQUEZ POINT OF VIEW Isang masayang gabi para sa aming magkakaibigan. Itong Stag mans party ni Peter ang naging way para mabuo kami at magkasama-sama. Isa ako sa pinaka masaya ngayon dahil sa tinagal-tagal ay finally, naging maayos na kaming magpinsan. Madilim at maingay ang bar na aming pinag-iinuman. Walang ibang taong naririto maliban sa mga piling naimbitahan lang. Ived seen Many familiar faces pero hindi ko na sila nabati o nalapitan dahil ayaw akong paalisin ni Vladimir sa tabi niya. Na-miss niya raw ako maka-bonding ng gaya ng ganito. Ang loko, pinainom ako nang pinainom. "Cheers!" "Cheers!" Panay ang pag-angat niya ng baso. Hindi pa man din lumalalim ang gabi ay may mga tama na agad tuloy kami. Lalo na ako, panay ang salin nila kasi ng alak sa baso ko. The pulsating beat of the music vibrating through the floor. I was surrounded with my fellow bachelors, a motley crew of friends who had shared countless adventures and misadventures over the years. Tonight
LEILA MERCEDEZ POINT OF VIEW. Sinama ako ni Sir Luigi sa isang stag mans party kung saan ay sinasabi niyang parte ito ng aking trabaho. Sa loob ng tatlong taon na pagiging katrabaho ko siya ay wala naman akong naririnig na masama about sa kaniya. He is kind and gentleman to anyone. Sino ba naman ako para tanggihan ang taong nagtitiwala sa akin. Pinagkatiwalaan ko rin siya kahit na medyo ilang talaga akong dumalo sa ganoong klaseng party dahil nga pang mga lalaki lang iyon. Nagbihis ako ng maganda at nag-ayos ng sarili. Nagkasundo kami ni Sir Luigi na doon na lang din kami magkita. Medyo nakakahiya nga dahil nauna pa siyang dumating kaysa sa akin. "Naku, sir, pasensiya na po! kanina pa po ba kayo?" "Nope. Kararating ko lang din halos. So paano, pasok na tayo sa loob?" "O-opo." Nauna siyang pumasok sa Entrance at kasunuran niya lang ako halos. May ilan kaming nakasabay sa Entrance at puro mga kalalakihan din. Ang sabi ni Sir Luigi ay Exclusive lang daw para sa stagmans part
JOHN ENRIQUEZ POINT OF VIEW JOHN, CALM DOWN! OKAY? She is just nothing. "Don't look at her! Don't pay any attention to her!" wika ko sa aking isipan. Ewan ko ba kung bakit naiirita akong makita siya. Wala naman siyang ginawang masama sa akin at wala naman siyang ginagawa para ipahiya ako. Infact, matalino siya dahil na-gegets niya ang gusto kong mangyari at yun ay yung huwag kaming magpansinan. At iyon ang ginagawa niya. Sa tuwing magkakatinginan kami ay siya na yung nag-iiwas ng tingin. Napaka inosente ng kaniyang mukha. Sinadya kong ma-disappoint siya sa akin at nagtagumpay akong ipakita sa kaniya kung sino talaga ako. This is my way of telling her that She needs to stay away from someone like me. Natapos na ang party at nagpaalam na kaming mga magkakaibigan. Himingi ako ng pasensya sa kaibigan kong si Luigi tungkol sa mga nasabi ko kanina. Mabuti na lang at naiintindihan naman daw niya ako. Yun nga lang, ang sabi niya, hindi daw sa akin bagay ang magsalita ng ganung
"JOHN, JOHN, JOHN! ANO BA ITONG GULONG NAPASOK MO? MINSAN KA LANG UMULIT MAGKAMALI GANITO PA? ANAK SIYA NA KAIBIGAN MONG SI DAVID! SIYA ANG BATANG NAKIKITA MO DATI!" Halos masira ang ulo ni John sa kakaisip kung paano bang pag-iwas ang kaniyang gagawin. Muli silang nagkita nh dating kaibigan na si David at hindi niya lubos akalain na magkikita din sila ni Leila. What worst here is nalaman niya pang mag-ama ito. Mabuti na lang talaga at hindi nag-react si Leila nang makita siya. Kinalimutan na ni John ang atraso ni David at nananalangin na lang siya ngayon ng katahimikan. Once kasi na malaman ni David ang tungkol sa namagitan sa kanila ni Leila ay tiyak na lalo siyang hindi matatahimik. Baka kasi gamitin iyon ni David para perahan siya. Samantala, gaya ni John ay sobrang dismayado rin ni Leila sa nalaman. Lalo niyang pinagsisihan ang pagpatol kay John lalo pa ngayon na nalaman niyang isa din pala ito sa pinagkakautangan ng ama niya ng malaki. Nanahimik siya at umarte na hi
Kamakailan, LEILA MERCEDEZ POINT OF VIEW Isang sunod-sunod na pagkatok ang bumulabog sa aming payapang pagtulog. Yung klase ng katok na nakababahala. Yung para bang nagmamadaling pagbukaan namin ng pinto ang kumakatok. Sobrang bigat ng katawan ko nitong mga nakakaraang araw at para bang nadadalas ang pagsama ng aking pakiramdam. Alam ko naman na dahil ito sa trabahong pinasok ko. Akala ng iba madaling maging artista. Tamang kaway-kaway lang sa fans at ngiti ngiti lang sa Camera. Ako na ang nagsasabi na hindi madali. Talagang paghigirapan mo ang kasikatan at katagumpayan na gusto mong makamit. Ako, tinitiis ko para sa pamilya at sa pangarap ko. Kanina, alas dose na kami mahigit natapos sa taping. Nakakapagod talaga pero worth it naman dahil malapit na kami sa kalahati. Ibig sabihin, malapit na malapit na ako sa pangarap ko. Kaya lang ang problema ko ngayon ay nang magising ako dahil sa may kumakatok ay hindi na ako makabalik-balik sa aking pagtulog gawa nga ng may naririn
LEILA MERCEDEZ POINT OF VIEW Hindi ko alam... naiiyak na lang talaga ako. Hindi ko alam kung bakit nangyayari sa akin ito. bakit ngayon pa? Bakit? It was just a one mistakes pero bakit ganito ang naging kapalit? Ang bigat ng balik! I lost everything now. Yung nagsisimula ko pa lang na Career biglang nasira. Sumira ako sa kontrata at kailangan kong harapin ang malaking kabayaran. Saan ako kukuha ng 20 milyon? Yung Career na sana ay mag-aahon sa amin sa kahirapan ay siya pa pa lang maglulubog lalo sa amin. Wala na akong mukhang ihaharap kay Sir Luigi at kay Direk. Mas lalong wala na akong mukhang ihaharap sa magulang ko. Pinaasa ko sila sa isang bagay na hindi ko naman pala mapagtatagumpayan. Wala. I failed them. Galit na galit si Daddy David sa akin ngayon dahil imbes na masolusyunan ko ang problema niya at dinagdagan ko pa. Wala akong ibang kailangan gawin ngayon kung hindi ang tanggapin ang galit at sumbat niya. Ang hindi ko lang kayang tanggapin ay pati si mommy
Magulong magulo ang isip ni Leila. Pinoproblema niya kung saan siya uuwi ngayong gabi. Mag-isa na siya at pasan-pasan pa ang malaking problema. Muli na naman niyang naramdaman ang matinding kalungkutan. Sumabay oa ang pagtawag ng Direktor nila at nais daw siya nitong makausap. Takot na takot si Leila dahil alam niyang katapusan na niya. Hindi birong pinsala ang nagawa niya sa buong Production. Alam niyang hindi niya matatakasan ang obligasyon niya at kahit magtago siya ay mananagot pa rin siya dahil sa pagsira niya sa kontrata. "Lord, kayo na po ang bahala sa akin." Dalangin niya sa may kapal matapos niyang magdesisyon na paunlakan ang imbitasyon ng kaniyang Direktor. Nagkita sila sa isang lugar kung saan ay madalang amg taong dumadaan. Sumakay siya sa nakahintong sasakyan nito at doon na rin sila nag-usap. Punong-puno ng takot ang puso ni Leila. Hindi niya alam kung paanong pakikiusap ang gagawin niya huwag lamang siyang ipakulong ng mga ito. Nspabuga ng hangin ang Di
JOHN ENRIQUEZ POINT OF VIEW I knew it. My suspicions were right. As soon as she found out she was pregnant, she'd point the finger at me as the father. And here she is, making a scene. Ito na nga ba ang kinatatakutan ko. Kaagad ko siyang dinala sa loob ng unit ko para doon kami mag-usap. Kabaligtaran siya ng unang pagkikita namin, matapang siya ngayon at palaban. "Oo. mababaliw na nga ata ako dahil binuntis mo ako at ngayon ay kailangan kong magmulta ng 20 milyon at kung hindi ay ipapakulong nila ako. Ayokong ipa-abort ang bata kaya tutulungan mo ako sa problema ko sa ayaw mo man o sa hindi!" banta niya sa akin. "Are you out of your mind? Isang beses lang may nangyari sa atin tapos nabuo kaagad? Alam mo bang hindi lang ito ang unang beses na may nagsabi sa akin ng ganiyan? Paano ako makakasigurado na sa akin iyan? o baka sinadya mo talagang may mabuo dahil nalaman mo kung sino ako at ano ang mga pag-aari ko?" I was drunk, but I knew what I was saying. She looked hurt by my
JOHN ENRIQUEZ POINT OF VIEW aaminin ko man tlga sa asawa at anak ko ang tungkol kay jarren at sa pagtratrabaho niya rito. Talagang sasabihin ko n tlga sana dahil kung ano ano na ang pumapasok sa utak ng asawa ko na kesyo may bagong babae ako at kung ano ano. Bukod doon ay matagal ng napatunayan ni Jarren ang sarili niya sa akin. Sadyang wrong timing lang at bago pa man ako umamin ay nalaman na ni Anya na si Jarren ang aking bagong secretary. Bigla bigla na lang siyang dumating dito at kumatok. Hindi ako prepared. Si Jarren pa ang pinagbukas ko ng pinto ayan tuloy wala na kaming lusot. Matalino si Anya at obvious din naman ang suot ni Jarren. Alam kaagad niya kung ano ang ginagawa ni Jarren dito sa loob ng office ko. Hanggang sa ito na nga ba ang sinasabi ko. Kapag nagkita sila ay ganito talaga ang mangyayari. Tamang tama ang sinabi ko kani-kanina lang. Itong si Jarren biglang nawala sa sarili. Nakalimutan niya na na nandito ako at nakikita sila. But infairness, makikita mo
JARREN POINT OF VIEW "Jarren, gawin mo 'to..." "Jarren, ikaw ang umatrend dito..." "Jarren, kailangan mong matutunan yung ganito, ganiyan...." "Jarren, galingan mo pa! nagkukulangan pa ako!" "Jarren, hindi ganito! ganito dapat! ulitin mo!" "Jarren, there is no room for mistakes here!" Aaminin ko, hindi pala ganun kadali. Mahirap pala. Akala ko ay malapit na ako pero malayo pa pala. Marami pa akong kakainin na Bigas para i-prove yung sarili ko. Araw-araw binibigay ko yung best ko pero kulang pa rin. Araw-araw ako napapagod pero nagkakamali la rin. Iniisip ko na lang palagi ang mag-ina ko at sila ang inspirasyon ko. Sa kanila ako kumukuha ng lakas para sa Araw-araw. Hindi madali ang maging isang CEO. Hindi pala madali ang ginagawa ni Mr. Enriquez sa Araw-araw. Lalo ko siyang kinahahangaan sa araw araw na nakakasama ko siya. He deserve all this. Early morning, Late Nights. Narealise ko rin na hindi lang ang katangian ng pagiging CEO ang itinuturo niya sa akin. Natutun
JARREN WAYNE SALVADOR POINT OF VIEW Hindi ako nagdalawang isip na isugod si Mr. Enriquez sa ospital matapos ko siyang makita sa harap ng aking bahay na nahihirapang huminga na tila para bang inaatake siya. Sa itsura niya ay mukha talagang hindi maganda ang lagay niya kaya naman agad ko siyang binuhat at isinakay sa sasakyan niya para dalhin ng ospital. Sa totoo lang, awang awa ako sa kaniya. Kahit na marami siyang ginawa na hindi maganda sa akin ay tinatanaw ko pa rin ang magagandang nagawa niya sa akin. Nauna niya akong tinulungan kaya naman ano ba naman itong ibalik ko ang magagandang nagawa niya sa akin at kinalimutan ang mga pangit niyang nagawa. Dinala siya sa loob ng E.R. at ako naman ay pinaiwan na sa labas. Habang nag-aantay, panay ang dasal ko na sana ay maging okay siya. Totoo. Naiisip ko kasi si Anya at ang anak namin. Alam kong pag may nangyaring masama kay Mr. Enriquez ay sila yung unang malulungkot. Hindi ko alam ang gagawin ko sa mga oras na yon. Nandoon yun
JOHN ENRIQUEZ POINT OF VIEW 2 YEARS AGO, After My apo's Blood transfussion, nagkaroon ng pagkakataon na magkausap kami ni Jarren ng pang sarilinan. That time, ayoko talaga hanggang maaari but in my mind my nagsasabi rin sa akin na maging fair at pakinggan ang nais na sabihin sa akin ni Jarren. Humingi siya ng tawad at inamin ang mga nagawa niyang pagkakamali pero wala sa iyak niya ang nakakuha ng loob ko. Bilang isang ama, masamang masama ang loob ko sa kaniya nadagdagan pa ng malaman kong ginawa niyang kabit ang anak ko. Sobrang sakit noon para sa akin. Mabait pa nga ako at nagawa ko pang magtimpi bilang nasa gilid lang kasi namin ang apo ko. Sa aming naging pag-uusap noon ay nagulat ako sa kaniyang inamin. Honestly hindi ako naniniwala that time. Na baka sinasabi niya lang yon para matakasan ang aking galit at para lokohin muli ako. Hindi ko siya tinanggap para sa anak ko. Kahit la sinabi niya sa akin na hindi totoong naikasal siya. Para sa sakin ay walang sense iyon. Hind
ANYA ENRIQUEZ POINT OF VIEW Dapat sa mga oras na ito ay nagsasaya na ako dahil sa wakas ay gagaling na ang anak ko. Sa wakas ay nakuha na niya ang kailangan niya at hindi na siya mahihirapan pa. Masaya naman ako bilang ina. Wala akong ibang hiniling kung hindi ang dumating ang araw na ito pero itong araw din pala na ito ang isa sa mga malungkot na araw sa buhay ko. Si Jarren, nagpapaalam na siya sa akin. Ramdam ko ang lungkot sa kaniyang boses at mga mata. Nasasaktan ako dahil mahal ko siya at hindi ko alam kung ano ang nangyari o napag-usapan nila ng Daddy sa loob ng kwarto at ganitong nagpapaalam si Jarren. Ibig sabihin hindi naaayos. Ibig sabihin hindi naging okay ang pag-uusap nila. "Anya, Gusto kong malaman mo na mahal na mahal kita. kayo ng anak natin. Anya, sorry sa mga maling desisyon ko. Goodbye, Anya! alagaan mong mabuti ang anak natin. Til we see again, Anya. Pangako, babalik ako. babalikan ko kayo ng anak natin." Umalis na si Jarren at nag-iwan ng isang panga
Puno ng pag-aalala si Jarren tungkol sa mag-ina niya dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin ito mga dumarating. balik balik siya mula sa lab hanggang Entrance. Patanaw-tanaw kung nariyan na ba ang kaniyang mag-ina. Iniisip ni Jarren na baka labis na nasaktan si Anya sa nangyari kagabi at sa ibinigay niyang sitwasyon dito. Gustong-gusto nang aminin ni Jarren ang totoo. Na hindi totoong kasal sila na Mallory. Na gawa gawa lamang niya ito. Hanggang sa dumating na nga ang kanina niya pang inaantay. Ang kaniyang anak. Kaya lang ay hindi si Anya ang may bitbit rito kung hindi si John at kasama nito ang ina ni Anya. Napaatras ng dalawang hakbang si Jarren nang magtama ang mata nila ni John. Ngayon lang sila muli nagkita pagkatapos ng mahabang panahon. Hindi alam ni Jarren kung ano ang susunod na mangyayari. Hindi niya alam kung ano ang naglalaro sa isip ni John. Nakahanda naman si Jarren sa galit nito. Hindi na siya galit kay John. Kinalimutan na niya ang masakit na ginawa nito alang
"What did you do, Mallory? Why did you hurt her? Why did you go there? Mallory, come on! You shouldn't have done that to Anya. I love her!" "Are you even listening to yourself, Jarren? Really? You love her? Isn't she the reason for your suffering? Didn't her father put you in jail? Jarren, don't go back to the person who ruined you!" "We have a child! Our love bore fruit, and I can't bear to leave our child. Mallory, I didn't marry you because I still love her, you know that. Thank you for all your help, but I know what I'm doing." "And you think everything will be okay for the two of you? Why, Jarren, do you think you're successful enough for her family to accept you? You're still not, right? You're still poor, and if it weren't for me, you wouldn't be here now. Jarren, I'm not asking you to love me. I just want you to be okay. To see you happy. Not with Anya. She loves you, but she can't fight for you." JARREN WAYNE SALVADOR POINT OF VIEW Kinagalitan ko si Mallory dahil s
ANYA ENRIQUEZ POINT OF VIEW "Bakit ngayon ka lang? Saan ka nagpunta?" expect ko na ns ganito ang itatanong sa akin ni Daddy. Umaga na ako nakauwi at hindi ako nakapagpaalam ss kanila. "Good morning mom and dad. Galing po ako kila Jarren." Hindi na ako para magsinungaling pa kung saan ako galing. Sinabi ko na ang totoo na galing ako kila Jarren. "Anong ginawa mo doon? bakit ka pumunta roon ng gabi? tapos umaga ka umuwi? Anya don't tell me na----" Hindi ko na hinayaan na matapos na magsalita ang daddy. "Daddy, pumunta ako roon para magmakaawa para sa anak ko. Kung ano man yung iniisip niyo mali po kayo. Nandoon po ang asawa ni Jarren kaya imposible po ang iniisip niyo." dito na lang ako nagsinungaling. Hindi ko pwede aminin sa kanila ang nangyari between us. Hindi ko pwedeng sabihin na bumigay ako kay Jarren muli para sa pang sarili kong kaligayahan. Masakit ang realidad na hanggang ganun na lang kami pero wala akong pinagsisisihan. Kung ano man ang nangyari kagabi, iyon ang n
ANYA ENRIQUEZ POINT OF VIEW Ito naman talaga ang pakay ko, ang makausap si Jarren at magkaroon ako ng pagkakataon na makahingi ng saglit na oras niya para makahingi ng tulong para sa anak namin. Nagulat lang ako nang sabihin ng guard na pumasok nga raw ako sabi ni Jarren. Nakakkapagtaka lang. Akala ko ay kinailangan ko pang magmakaawa para lang makapasok dito pero nagawa ko ito nang walang kahirap-hirap. Pinapasok ako ng guard gaya ng pahintulot ni Jarren. Laking tuwa at pasalamat ko. Wala na akong atubili at pumasok na nga ako sa bakuran nila patungo sa loob kung saan ay naroon si Jarren at nag-aantay sa akin. Pagdating ko sa pinakaloob ay nakita ko agad si Jarren na nakaupo sa sofa. Nakasandal ng maigi ang likod, nakapikit, at nakatingala na para bang pagod na pagod buong araw. Naramdaman niya kaagad ang aking presensya. Agad niyang idinilat ang mga mata niya at napatingin sa akin. Bigla akong napipi dahil sa paraan ng pagkakatitig niya sa akin. "What, Anya?" para bang