"JOHN, JOHN, JOHN! ANO BA ITONG GULONG NAPASOK MO? MINSAN KA LANG UMULIT MAGKAMALI GANITO PA? ANAK SIYA NA KAIBIGAN MONG SI DAVID! SIYA ANG BATANG NAKIKITA MO DATI!" Halos masira ang ulo ni John sa kakaisip kung paano bang pag-iwas ang kaniyang gagawin. Muli silang nagkita nh dating kaibigan na si David at hindi niya lubos akalain na magkikita din sila ni Leila. What worst here is nalaman niya pang mag-ama ito. Mabuti na lang talaga at hindi nag-react si Leila nang makita siya. Kinalimutan na ni John ang atraso ni David at nananalangin na lang siya ngayon ng katahimikan. Once kasi na malaman ni David ang tungkol sa namagitan sa kanila ni Leila ay tiyak na lalo siyang hindi matatahimik. Baka kasi gamitin iyon ni David para perahan siya. Samantala, gaya ni John ay sobrang dismayado rin ni Leila sa nalaman. Lalo niyang pinagsisihan ang pagpatol kay John lalo pa ngayon na nalaman niyang isa din pala ito sa pinagkakautangan ng ama niya ng malaki. Nanahimik siya at umarte na hi
Kamakailan, LEILA MERCEDEZ POINT OF VIEW Isang sunod-sunod na pagkatok ang bumulabog sa aming payapang pagtulog. Yung klase ng katok na nakababahala. Yung para bang nagmamadaling pagbukaan namin ng pinto ang kumakatok. Sobrang bigat ng katawan ko nitong mga nakakaraang araw at para bang nadadalas ang pagsama ng aking pakiramdam. Alam ko naman na dahil ito sa trabahong pinasok ko. Akala ng iba madaling maging artista. Tamang kaway-kaway lang sa fans at ngiti ngiti lang sa Camera. Ako na ang nagsasabi na hindi madali. Talagang paghigirapan mo ang kasikatan at katagumpayan na gusto mong makamit. Ako, tinitiis ko para sa pamilya at sa pangarap ko. Kanina, alas dose na kami mahigit natapos sa taping. Nakakapagod talaga pero worth it naman dahil malapit na kami sa kalahati. Ibig sabihin, malapit na malapit na ako sa pangarap ko. Kaya lang ang problema ko ngayon ay nang magising ako dahil sa may kumakatok ay hindi na ako makabalik-balik sa aking pagtulog gawa nga ng may naririn
LEILA MERCEDEZ POINT OF VIEW Hindi ko alam... naiiyak na lang talaga ako. Hindi ko alam kung bakit nangyayari sa akin ito. bakit ngayon pa? Bakit? It was just a one mistakes pero bakit ganito ang naging kapalit? Ang bigat ng balik! I lost everything now. Yung nagsisimula ko pa lang na Career biglang nasira. Sumira ako sa kontrata at kailangan kong harapin ang malaking kabayaran. Saan ako kukuha ng 20 milyon? Yung Career na sana ay mag-aahon sa amin sa kahirapan ay siya pa pa lang maglulubog lalo sa amin. Wala na akong mukhang ihaharap kay Sir Luigi at kay Direk. Mas lalong wala na akong mukhang ihaharap sa magulang ko. Pinaasa ko sila sa isang bagay na hindi ko naman pala mapagtatagumpayan. Wala. I failed them. Galit na galit si Daddy David sa akin ngayon dahil imbes na masolusyunan ko ang problema niya at dinagdagan ko pa. Wala akong ibang kailangan gawin ngayon kung hindi ang tanggapin ang galit at sumbat niya. Ang hindi ko lang kayang tanggapin ay pati si mommy
Magulong magulo ang isip ni Leila. Pinoproblema niya kung saan siya uuwi ngayong gabi. Mag-isa na siya at pasan-pasan pa ang malaking problema. Muli na naman niyang naramdaman ang matinding kalungkutan. Sumabay oa ang pagtawag ng Direktor nila at nais daw siya nitong makausap. Takot na takot si Leila dahil alam niyang katapusan na niya. Hindi birong pinsala ang nagawa niya sa buong Production. Alam niyang hindi niya matatakasan ang obligasyon niya at kahit magtago siya ay mananagot pa rin siya dahil sa pagsira niya sa kontrata. "Lord, kayo na po ang bahala sa akin." Dalangin niya sa may kapal matapos niyang magdesisyon na paunlakan ang imbitasyon ng kaniyang Direktor. Nagkita sila sa isang lugar kung saan ay madalang amg taong dumadaan. Sumakay siya sa nakahintong sasakyan nito at doon na rin sila nag-usap. Punong-puno ng takot ang puso ni Leila. Hindi niya alam kung paanong pakikiusap ang gagawin niya huwag lamang siyang ipakulong ng mga ito. Nspabuga ng hangin ang Di
JOHN ENRIQUEZ POINT OF VIEW I knew it. My suspicions were right. As soon as she found out she was pregnant, she'd point the finger at me as the father. And here she is, making a scene. Ito na nga ba ang kinatatakutan ko. Kaagad ko siyang dinala sa loob ng unit ko para doon kami mag-usap. Kabaligtaran siya ng unang pagkikita namin, matapang siya ngayon at palaban. "Oo. mababaliw na nga ata ako dahil binuntis mo ako at ngayon ay kailangan kong magmulta ng 20 milyon at kung hindi ay ipapakulong nila ako. Ayokong ipa-abort ang bata kaya tutulungan mo ako sa problema ko sa ayaw mo man o sa hindi!" banta niya sa akin. "Are you out of your mind? Isang beses lang may nangyari sa atin tapos nabuo kaagad? Alam mo bang hindi lang ito ang unang beses na may nagsabi sa akin ng ganiyan? Paano ako makakasigurado na sa akin iyan? o baka sinadya mo talagang may mabuo dahil nalaman mo kung sino ako at ano ang mga pag-aari ko?" I was drunk, but I knew what I was saying. She looked hurt by my
LEILA MERCEDEZ POINT OF VIEW Ano pa nga ba ang gagawin ko kung hindi pumayag na lang sa mga kundisyon ni John. Yes. kundisyon niyang lahat ang nakasaad dito sa kontrata. Wala naman akong magagawa kung hindi pirmahan na lang tutal ay naiintindihan kong kailangan niyang protektahan ang kaniyang imahe at iniingatan na pangalan. Ako din kasi itong nakikiusap. Ang importante sa akin ngayon ay mareresolbahan na ang problema ko tungkol sa kontrata. Mabait pa rin si John dahil sa totoo lang, hindi na niya sakop na bayaran ito pero dahil marahil ay takot talaga siyang may makaalam na siya ang ama ng pinagbubuntis ko kaya napa-oo na lang din siya sa kundisyon ko. Siguro naaawa na din dahil nasira niya ang kinabukasan ko. Hindi ko alam kung hanggang kailan kami tatagal sa ganitong set-up kung saan titira kami sa iisang bubong without totally know each other. Hindi ito madali pa sa akin pero no choice na kasi ako. Ang iniisip ko na lang ngayon ay ang kapakanan ng pinagbubuntis ko. dito
LEILA MERCEDEZ POINT OF VIEW Tuluyan na akong nanghina sa mainit at mapusok na halik ni John. Binuhat niya ako habang hindi pinuputol ang aming paghahalikan. Dinala niya ako sa kwarto niya at marahang inihiga sa kaniyang malambot na kama nang hindi talaga pinuputol ang aming paghahalikan. Nakakapaso! Sobrang init ng apoy. Ang mga halik niya, ang bawat paghawak niya sa akin, at kung paano niya ako tignan ay talagang nakakapanghina. Ganito siya ka-unfair. Kung kanina lang ay sinabi niya sa akin na kahit kailan ay hindi niya ako magugustuhan pero ngayon kung itrato niya ako ay animong para akong paborito niyang laruan na ayaw niyang ipahiram kahit na kanino. Sa mga sandaling ito ay malaya niyang ginagawa ang lahat ng gusto niyang gawin. Nakakatawa at hindi ko magawang tumutol kahit na nasaktan talaga ako sa kaniyang mga sinabi kanina. Napakaguwapo naman talaga kasi niya at napakahirap tanggihan. Isipin ko pa lang na mauulit ang ginawa namin a month ago ay hindi ko mapigilan n
"Really, Leila? sasabihin mo talaga sa Doktor na kaya na-stress ay dahil pinipilit kitang-----" arrrgghh! sobrang sakit ng ulo ko. Talagang sinisita ko si Leiila ngayon dahil kumontik na niya akong ilaglag kanina. Mabuti na lang at naging maagap ako. Nasa kotse kami ngayon at kasalukuyang pauwi na sa condo unit ko."Sorry, nabigla lang ako. Hindi ko naman aaminin. Bigla ka lang nag-react ng ganon." Sagot niya sa akin. "Paanong hindi ako mag-rereact? Akala ko talaga ay ilalaglag mo na ako. Sa tingin mo ba kung nadulas ka kanina, hindi yon nakakahiya sa part ko? Leila, we have an Agreement Leila. Walang makakaalam ng tungkol sa pinagbubuntis mo. Hindi nila pwedeng malaman na ako ang ama ng bata sa sinapupunan mo!" paulit-ulit kong pinapaalala sa kaniya. "Alam ko naman 'yon. Wala rin naman akong plano na ilaglag ka. Ang akin lang, huwag mo na lang uulitin yung ganun na uuwi kang lasing tapos bigla mo na lang akong aayain. Sa 'yo na nanggaling na pareho lang tayong nagkamali kaya bak