JOHN ENRIQUEZ POINT OF VIEW I knew it. My suspicions were right. As soon as she found out she was pregnant, she'd point the finger at me as the father. And here she is, making a scene. Ito na nga ba ang kinatatakutan ko. Kaagad ko siyang dinala sa loob ng unit ko para doon kami mag-usap. Kabaligtaran siya ng unang pagkikita namin, matapang siya ngayon at palaban. "Oo. mababaliw na nga ata ako dahil binuntis mo ako at ngayon ay kailangan kong magmulta ng 20 milyon at kung hindi ay ipapakulong nila ako. Ayokong ipa-abort ang bata kaya tutulungan mo ako sa problema ko sa ayaw mo man o sa hindi!" banta niya sa akin. "Are you out of your mind? Isang beses lang may nangyari sa atin tapos nabuo kaagad? Alam mo bang hindi lang ito ang unang beses na may nagsabi sa akin ng ganiyan? Paano ako makakasigurado na sa akin iyan? o baka sinadya mo talagang may mabuo dahil nalaman mo kung sino ako at ano ang mga pag-aari ko?" I was drunk, but I knew what I was saying. She looked hurt by my
LEILA MERCEDEZ POINT OF VIEW Ano pa nga ba ang gagawin ko kung hindi pumayag na lang sa mga kundisyon ni John. Yes. kundisyon niyang lahat ang nakasaad dito sa kontrata. Wala naman akong magagawa kung hindi pirmahan na lang tutal ay naiintindihan kong kailangan niyang protektahan ang kaniyang imahe at iniingatan na pangalan. Ako din kasi itong nakikiusap. Ang importante sa akin ngayon ay mareresolbahan na ang problema ko tungkol sa kontrata. Mabait pa rin si John dahil sa totoo lang, hindi na niya sakop na bayaran ito pero dahil marahil ay takot talaga siyang may makaalam na siya ang ama ng pinagbubuntis ko kaya napa-oo na lang din siya sa kundisyon ko. Siguro naaawa na din dahil nasira niya ang kinabukasan ko. Hindi ko alam kung hanggang kailan kami tatagal sa ganitong set-up kung saan titira kami sa iisang bubong without totally know each other. Hindi ito madali pa sa akin pero no choice na kasi ako. Ang iniisip ko na lang ngayon ay ang kapakanan ng pinagbubuntis ko. dito
LEILA MERCEDEZ POINT OF VIEW Tuluyan na akong nanghina sa mainit at mapusok na halik ni John. Binuhat niya ako habang hindi pinuputol ang aming paghahalikan. Dinala niya ako sa kwarto niya at marahang inihiga sa kaniyang malambot na kama nang hindi talaga pinuputol ang aming paghahalikan. Nakakapaso! Sobrang init ng apoy. Ang mga halik niya, ang bawat paghawak niya sa akin, at kung paano niya ako tignan ay talagang nakakapanghina. Ganito siya ka-unfair. Kung kanina lang ay sinabi niya sa akin na kahit kailan ay hindi niya ako magugustuhan pero ngayon kung itrato niya ako ay animong para akong paborito niyang laruan na ayaw niyang ipahiram kahit na kanino. Sa mga sandaling ito ay malaya niyang ginagawa ang lahat ng gusto niyang gawin. Nakakatawa at hindi ko magawang tumutol kahit na nasaktan talaga ako sa kaniyang mga sinabi kanina. Napakaguwapo naman talaga kasi niya at napakahirap tanggihan. Isipin ko pa lang na mauulit ang ginawa namin a month ago ay hindi ko mapigilan n
"Really, Leila? sasabihin mo talaga sa Doktor na kaya na-stress ay dahil pinipilit kitang-----" arrrgghh! sobrang sakit ng ulo ko. Talagang sinisita ko si Leiila ngayon dahil kumontik na niya akong ilaglag kanina. Mabuti na lang at naging maagap ako. Nasa kotse kami ngayon at kasalukuyang pauwi na sa condo unit ko."Sorry, nabigla lang ako. Hindi ko naman aaminin. Bigla ka lang nag-react ng ganon." Sagot niya sa akin. "Paanong hindi ako mag-rereact? Akala ko talaga ay ilalaglag mo na ako. Sa tingin mo ba kung nadulas ka kanina, hindi yon nakakahiya sa part ko? Leila, we have an Agreement Leila. Walang makakaalam ng tungkol sa pinagbubuntis mo. Hindi nila pwedeng malaman na ako ang ama ng bata sa sinapupunan mo!" paulit-ulit kong pinapaalala sa kaniya. "Alam ko naman 'yon. Wala rin naman akong plano na ilaglag ka. Ang akin lang, huwag mo na lang uulitin yung ganun na uuwi kang lasing tapos bigla mo na lang akong aayain. Sa 'yo na nanggaling na pareho lang tayong nagkamali kaya bak
JOHN ENRIQUEZ POINT OF VIEW Wala na akong nagawa nang tuluyan nang nakapasok ang aking mga kaibigan sa loob ng unit ko. Tatlo silang dumating at pang apat ako na iinom. May dala na silang alak at pulutan. pinaupo ko na sila sa receiving area at ako na ang kumuha ng mga bagong gagamitin namin at ilang pang kakailanganin namin sa pag-inom. Nalusutan ko ang pagtataka nila sa dalawang pinggan. Nakahinga ako nang maluwag matapos makapagtago agad ni Leila. Gusto ko ang pagiging alisto niya. Kung hindi kasi ay tiyak na nabisto na kami. Habang nasa salas ang tatlo ay sinubukan kong buksan ang kwarto ni Leila at nakalock ito. meaning na nasa loob siya. Hindi na ako kumatok. Hanggang nagsimula na kaming mag-inuman. Ako, parang sinisilaban ang puwet ko sa kaba. Ganito pala talaga ang pakiramdam ng may tinatago. Maingay ang tatlo kong kaibigan at panay ang tawanan. nagkwekwentuhan sila ng kanilang kalokohan. Syempre para hindi ako mahalata ay nakikitawa na lamang at nakikisakay sa mga k
JOHN ENRIQUEZ POINT OF VIEW Kinailangan kong pumasok ng maaga dahil may biglaan akong meeting sa Pampanga. Umalis ako nang bahay na hindi na ginising si Leila but I make sure na paggising niya ay may kakainin siya. yeah, sa kabila ng pagmamadali ko ay nagawa ko pa siyang handaan ng makakain. Ewan ko. Natatawa na lang din ako sa sarili ko kung bakit ginagawa ko pa ang mga bagay na ganito. Sinasabi kong dahil lang sa baby kaya ganon na lang ako ka-concern pero parang hindi rin eh. Parang nagugustuhan ko nang pagsilbihan siya. Ganun pa man, palagi ko pa rin pinaalalahanan ang sarili ko na dapat ay hanggang doon lang ako. Hindi na para hayaan kong lumalim pa ang pagtitinginan namin. Lalaki ako at babae siya at nasa iisang bahay lang kami. Sa katulad ko pang babaero ay napakahirap sa akin na magtiis lalo pa at alam kong nasa kabilang kwarto lang siya. Kung hindi lang talaga sa agwat ng edad namin sana ay hindi na kami nahihirapan ng ganito. Nasa edad na kasi ako na pwede nang mag-
Hindi naman yung pagkakatulak yung masakit, Eh. Yung katotohanan na nadisgrasya ako ng isang lalaki na kilalang babaero--yun ang masakit. Kahit sarilinin ko lang ang nararamdaman ko, habang tumatagal ako na kasama siya sa iisang bahay, mabilis din akong nahuhulog sa taong wala namang pagtingin sa akin. .Naiinis ako sa sarili ko dahil binibigyan ko ng kahulugan ang kabaitan niya sa akin ba kahit alam ko naman na kaya ganun ang pakikitungo niya sa akin ay dahil dinadala ko ang anak niya. Na hanggang pagiging ama lang ang kaya niyang ibigay. Naiiyak ako dahil nagseselos ako. Nagselos ako kay Athena. Maganda siya at mukhang may pinag-aralan din. She looks so expensive. Kung totoo ngang girlfriend siya ni John, nasasaktan ako dahil wala akong karapatan na maramdaman ang nga bagay na katulad ng nararamdaman ko ngayon. Nakakatawa dahil dinedeny siya ni John at eto naman ako, gustong maniwala. Kahit anong gawin ko, pumayag ako sa kasunduan na hiningi ni John at kasama doon yung gawing l
LEILA MERCEDEZ POINT OF VIEW Inisip ko talaga ng maraming beses kung ano ba ang tama kong gawin. Mayroon ako 20 million na dapat sana ay pambayad ko kay sir Luigi ngunit nakiusap siya na tapusin na lang ang pelikula tutal ay nasa kalahati naman na daw kami ng taping. Sa totoo lang, ayokong lokohin si John. Si John yung tumutulong sa akin ngayon at siya ring nagbigay ng pera para hindi ako makulong. Kaya lang ay mas kailangan ata ng itay ang perang hawak ko ngayon. Sinabi sa akin ni sir Luigi na nakakulong daw ang itay at bilang anak anong sakit sa part ko na hindi man lang ako makakatulong kung may paraan naman. Inisip ko talaga ng maigi. At sa huli, nagdesisyon ako na gamitin na lang ang pera na bigay ni John para tulungan ang pamilya ko. Tutal ay nagkasundo naman kami ni Sir Luigi na tapusin na lang ang pelikula. Alam ko rin naman na wala naman sense pa kung patatagalin ko pa ang pagsasama namin ni John. He is a womanizer at kahit kailan ay hindi niya ako magagawang mahalin. Tat
ANYA ENRIQUEZ POINT OF VIEW MAHIRAP PERO PARA SA ISANG INA NA NAGMAMAHAL SA KANIYANG ANAK AY WALANG HINDI KAKAYANIN. 9 Months. 9 months nang nakikipaglaban si baby Warren sa sakit niya at 9 months na ring nasa panganib ang buhay niya. Bilang ina, napakasakit sa part ko na makitang nahihirapan ang anak ko. Sino ako para sumuko? sino ako para pang hinaan ng loob? lumalaban ang anak ko kaya dapat ako rin. Hindi ako mauubusan ng pag-asa na balang araw ay diringgin ako ng Diyos at ibibigay niya sa akin muli ang taong kasagutan sa sakit ng anak ko. Kung titignan naman si baby Warren ay okay na okay naman siya. Masigla siya, malusog, at pala ngiti. Hindi mo talaga makikita sa kaniya na may dinaramdam. Lumalaki siya at gumagwapo lalo. Hindi dahil sa anak ko siya pero gwapo talaga at cute si baby Warren. mayroon siyang bilugan na mata at maitim at mahabang pilik mata. Matangos ang kaniyang ilong at mapula ang kaniyang labi. Nakakalito nga kung kanino niya namana ito kung sa akin
"Dad, kumusta? nagkita ba kayo ni Jarren? okay na ba siya? Nakalaya na? ano sabi? kailan niya pupuntahan si baby Warren?" Sabik na sinalubong ni Anya ang ama matapos nitong dumating. Nakarating kay Anya ang balita na pumunta ang ama sa US para puntahan si Jarren. Kaagad na sinalubong ng yakap ni Anya ang ama. "Sorry.... sorry, anak. Nahuli ako ng dating." malungkot na wika ni John sa anak. Kumalas siya mula sa pagkakayakap sa anak. "Ano pong ibig niyong sabihin?" Biglang kinabahan si Anya sa nakitang itsura ng ama. Masaya na sana si Anya dahil finally ay natauhan na ang kaniyang ama at nakahanda na itong bawiin ang sinampa na kaso kay Jarren ngunit sa itsura nito ngayon ay tila nabawasan ang pag-asa na mayroon si Anya. "Wala na si Jarren doon. Nakalaya na siya. Patawarin mo ako, anak. Patawarin mo ang daddy kung nahuli ako ng dating. Patawarin mo ako anak kung hindi ko naiuwi ang taong kailangan ni baby Warren." Agad na tumulo ang masaganang luha sa mukha ni John. Pakiramda
"John, may sakit ang apo natin. Hindi lang basta sakit lang. May malalang sakit ang apo natin. Hindi lang sinasabi pa ng Doktor kay Anya dahil alam nila na may depresyon ang anak natin. John, anong gagawin natin? Paano kung mamatay ang apo natin?" "Huwag kang mag-isip ng ganiyan. Gagaling siya! Ako, gagawin ko ang lahat para gumaling ang apo natin. Kahit ubusin ko pa ang kayamanan ko para lang gumaling siya." "Hindi ka Diyos! Hindi mo siya mapapagaling ng pera mo! Ang kailangan ng apo natin ay ang dugo ng ama niya. Si Jarren. Kailangan siya ng apo natin para mabuhay!" "Hindi. May iba pang option! hindi niya pwedeng malaman ang tungkol kay Warren. Hindi tayo hihingi ng dugo niya." "Naririnig mo ba ang sarili mo? Buhay ng apo natin ang pinag-uusapan dito. Bakit ba ang self fish mo? John, buong buhay ko wala akong ginawa kung hindi ang sumunod at umayon sa lahat ng gusto mo dahil asawa kita at mahal kita pero hindi sa lahat ng oras tama ka. Tignan mo nga ang nangyayari ngayon? an
ANYA ENRIQUEZ POINT OF VIEW "Congratulations you're 2 months pregnant, iha! kaya ka nahimatay ay dahil buntis ka. Nasa first trimester ka ng iyong pagbubuntis kaya ka nakakaranas ng pagsusuka at pananamlay. Reresatahan ka na lang namin ng mga bitamina na pwede mong inumin para maging healthy ka pati na rin si baby." "A-ano po? paki-ulit nga po ang sinabi niyo? totoo po ba na buntis ako?" "Oo, iha. Buntis ka." "Hala!" Napatakip na lang ako ng bibig sa pagkagulat. Hindi mag-sink in sa akin ang sinabi ng Doktor ko. Aniya, ako ay dalawang buwan ng nagdadalang tao. At kaya raw ako nakakaranas ng pagsusuka at pagkawalang ganang kumain ay dahil naglilihi na ako. "Bakit, iha? hindi ka ba natutuwa?" tanong ng Doktor sa akin dahil sa unang naging reaksyon ko. Imbes na matuwa ay parang nalungkot pa ako. "Hindi naman po sa ganun. Hindi ko lang po ito inaasahan." Paliwanag ko. "Expected or not, you should be happy. Not everyone has given a chance to be pregnant. Naiintindihan kit
LEILA MERCEDEZ ENRIQUEZ POINT OF VIEW Simula ng piliin ko si John at magpakasal sa kaniya, naging masaya ako na parang natupad ko na rin ang mga pangarap ko. Naaalala ko dati, isa lang akong ganap na starlet na nangangarap sumikat para kumita ng mas malaki at makatulong sa pamilya. Until John came into my life. It was a roller coaster love story. Too many ups and down. On and off. Mas marami yung hindi pagkakaintindihan kesa sa pagkakaunawaan. Minsan nga dati tinatanong ko ang aking sarili kung bakit si John pa? bakit sa taong babaero pa? Paulit-ulit kong tinanong kung worth it nga ba talaga si John kapalit ng mga pangarap ko? Pero noong dumating sa buhay namin si Anya. Nagbago ang pananaw ko. Sinabi ko sa sarili ko na gagawin ko ang lahat para maging masaya ang anak ko hindi tulad ko noong kabataan ko. Si Anya ang magandang regalo na ibinigay sa amin ng Panginoong Diyos. Dahil sa kaniya nabuo kami ni John muli at nagsimula ng panibagong yugto ng masaya. Naging masaya ang
JARREN WAYNE SALVADOR POINT OF VIEW Walang hanggang pasasalamat para sa ama ni Mallory at tinulungan niya ako. Lalong lalo na kay Mallory na siyang nakiusap sa kaniyang ama na Attorney para makalaya ako. Sa wakas... sa loob ng isang buwan at tatlong taon na pagdurusa sa loob ay muli ko nang nasilayan ang ganda ng syudad. Nakakapanibago. Maluwag na ngayon ang lugar na gagalawan ko ulit. Hindi na masikip at sikisikan. Mapupuntahan ko na ulit ang mga lugar na akala ko ay hindi ko na Mapupuntahan. Ngayon ay sa isang panibagong apartment ako umuuwi. Si Mallory ang naghanap nito para sa akin. Sinabi ko kasi sa kaniya na ayaw ko nang bumalik sa dati kong inuupahan. Ayaw ko na kasing maalala pa ang mga masasakit na pangyayari isang taon at tatlong buwan ang nakakaraan. Ayoko na ring maalala pa ang masasayang karanasan namin ni Anya. Ayoko na. Simula ngayon magsisimula ako ng bagong buhay. Wala na akong balak na bumalik pa sa pag-aaral. Para saan pa? galing na ako ng kulungan at
"Jarren's case involves theft, illegal drug use, and complaints of intimidation against women. He's accused of extorting money from women he's in relationships with by threatening them." wika sa kabilang linya ng sinabi ng kaniyang ama na 'Pulis daw'. "Hindi yan totoo. Hindi ganoon si Jarren." Halos mapatakip si Anya ng bibig. Hindi niya mapaniwalaan ang narinig. "Pero iyon ang totoo. ikukulong ba siya kung hindi? Anya hindi bakla si Jarren. Nagsisinungaling siya tungkol sa pagkatao niya para ano? para lokohin ka?" "Alam ko 'yon, dad! Matagal ko ng alam na hindi bakla si Jarren. Ang totoo niyan may relasyon kami. Nahulog ako sa kaniya at kasalanan mo dad kung bakit? ikaw ang naglapit sa amin. babae ako at sa kaniya ko naramdaman ang pagmamahal na hinahanap ko na hindi niyo kayang ibigay. Daddy, mahal ko si Jarren!" "Mahal ka ba niya?" "Oo. at sigurado ako doon!" "Nah, I don't think so! Kung mahal ka talaga niya, bakit kailangan niyang i-record ang ginagawa niyo?" "A-ano
"Good afternoon. We're police officers. We're here to execute a search warrant on your house." "What? Why?" "It's about the missing necklace. You're the suspect, so we need to search your belongings." "What necklace? I didn't steal anything. You can search all my belongings." "Search the entire area. Go through each item one by one." "Sir, positive. This is the necklace. I found it inside his shoe." "No. I don't know how it got there! I didn't take anything. I didn't steal it. I know the owner of that necklace. She's my girlfriend, so it's impossible for me to steal it." "Maybe it's best if you explain yourself at the police station. We're arresting you because we found the necklace on you." Walang ka alam-alam si Anya tungkol sa pagkakakulong ni Jarren. Umalis siya mula sa bahay nito ng masaya at maayos. Ang hindi niya alam ay pagkaalis niya ay siya namang may pumuntang mga Pulis at dinampot ito. Anya had no Idea na nakuha kay Jarren ang nawawala niyang kwintas.
JOHN POINT OF VIEW. Hindi ko alam kung ipagpapasalamat ko ba na ngayon ay alam ko na ang totoo. Paano kung huli na? Paano kung napagsamantalahan na ng Jarren na yan ang anak ko? Baka makapatay ako! Kahit paano ko isipin, dinadala ako sa iisang kasagutan. Hindi ako mapili pagdating sa mamahalin ng anak ko. Wala akong paki kung mayaman ba o mahirap. Basta mahal ng anak ko, pipilitin kong gustuhin! Kaya lang sa sitwasyon na ito, hindi ko kayang tanggapin si Jarren kung totoo man na may itinatago silang relasyon ng anak ko. Sa lahat ng ayaw ko pa naman ay ang mga taong sinungaling, manggagamit, at mapagsamantala. Ni minsan hindi ko naisip na mangyayari ang kinatatakutan ko. Ang matulad ang anak ko sa mga naging babae ko noon. Bilang ama napaka sakit non. Ayokong mangyayari sa anak ko ang mga pangit na karanasan na binigay ko sa mga dumaan na babae sa akin noon. Hindi ako makagawa-gawa ng unang hakbang dahil kulang ako ng sapat ng ebidensya. Oo, bagamat nagsinungaling si Jarr