DHEAVEN's POV
"Ang angas mo naman pre, hiniwalayan mo jowa mo e ang ganda n'on ah. Jackpot kana sa d'on. Mayaman, sexy, maganda." ani Jeremiah isa sa mga kaibigan ko.Nabalitaan na kasi nila ang biglaan kong pakikipag-hiwalay sa girlfriend kong si Rhaenyssa. Isang taon mahigit ko na din siyang girlfriend. Nagkakilala kami dahil sa pinsan kong si Ciela, second cousin ko si Ciela sa Father side and yes close kami. Mas close pa nga kami kaysa sa mga first cousin ko. Same school lang kasi ang pinapasukan namin kaya kami naging close.For sure alam na din niya ang nangyare sa amin ng kaibigan niya iyon ba e boto kasi iyon sa relasyon naming dalawa. Panigurado umuusok na ang ilong n'on sa galit."Kailangan ko muna lumayo pre, sasabihin ko naman sa kaniya ang dahilan ko pero hindi muna sa ngayon.""Anong plano mo ngayon, tawag ng tawag pinsan mo sa'kin. Lagot talaga ako neto bakit kasi ako inutusan mo magsabi sa jowa mo na makikipag-hiwalay kana." pagmamaktol ni Johan isa din 'tong babaero. Pero simula ng makilala niya iyong jowa niya ngayon medyo nagtino na. Paano ba naman mala-tigre din ugali ng jowa niya kaya lagi siyang tiklop.Maya maya pa ay bumukas ang pinto napalingon naman kaming lahat."Anong ginagawa niyo dito? dito pa talaga kayo nagkalat sa condo ko?!"Dumating na si Ally, Short for Allerick. Ang may-ari ng condo kung saan kami nagtatago ngayon este ako lang pala ang nagtatago."Hi pre, pasensya kana dito muna kami e kasi naman itong gonggong na'to tinatakasan jowa niya. Damay pa kami." paliwanag ni Johan."At talagang dito pa kayo sa condo ko naisipan magtago. Linisin niyo iyang mga kalat niyo pagkatapos.""Shot ka muna pre, parang stress ka naman masyado." ani Jeremiah"Mamaya na lang pagod pa ako galing akong probinsya hinatid ko mga kapatid ko." sagot naman niya.Breadwinner kasi si Ally sa pamilya nila siya na ngayon nag-aasikaso sa negosyo ng Lolo niya. Basta na lang kasi sila iniwan ng Mommy nila sumama sa ibang lalaki. Ang Daddy naman niya nasa States nagpapa-opera dahil may sakit hindi niya sinabi kung anong klaseng sakit.May dalawa pa siyang kapatid puro babae, Parehong nag-aaral nasa elementarya pa pareho."Bakit hindi mo na lang dito pag-aralin ang mga kapatid mo para naman mabantayan mo rin sila." suhesyon ni Johan."Saka na pre kapag nasa High School na sila. Wala rin kasama sila Lolo doon e matanda na ang mga iyon. Masaya na rin silang nakikita lagi ang mga apo nila.""Sabagay, tama ka naman din pre. Pahinga ka muna kami na bahala dito."CIELA's POVPambihira naman saan na naman kaya nagsusuot ang h*******k na iyon. Pati mga tao sa bahay nila ay hindi alam kung nasaan siya.Sumasakit ulo ko sa mga ito.Napalingon naman ako sa table ng tumunog ang cellphone ko si Rohana pala ang tumatawag."Oh napatawag ka?" sagot ko sa kaniya."Girl, nakita mo na ba iyong picture na sinent ni Francyn sa group chat. Check mo girl dali."Agad kong tiningnan ang sinabi ni Rohana na picture daw na sinend ni Francyn. Mga kaibigan ni Dheaven ang mga masa letrato siya iyong nasa likod medyo madilim lang pero sigurado akong si Dheaven iyon. Hindi ako familiar sa lugar kung nasa sila.Kompermado na wala sa maynila si Dheaven. Nandito lang siya sa lugar namin. Agad akong nagreply sa group chat namin. Magtutulungan kami para hanapin ang pinsan ko. Nasa maynila kasi ang parents ni Dheaven nasa tita niya lang siya ngayon nakatira kapatid ng Mommy niya. Kaya nagagawa niya ang mga gusto niya kasi wala naman nagbabawal sa kaniya hindi tulad sa kanila hindi talaga siya nakakaalis basta ng bahay kasi puro bawal lalo na sa Mommy niya.Tinawagan ko naman si Rhaen, pinsan ko kasi ang nanakit sa kaniya bilang kaibigan niya hindi ko pwedeng kampihan ang pinsan ko, asa siyang kakampihan ko siya sinaktan niya kaibigan ko. Kaya ko nga siya nireto may Rhaen kasi alam kong mapapabuti ang buhay niya para sana magtino na siya ano pa hahanapin niya sa kaibigan ko, mabait, mayaman, maganda, bunos na lang ang pagiging sexy kasi alagang-alaga talaga ni Rhaen ang sarili niya kahit noong una pa lang naming magkakilala.RHEANYSSA's POVUmuwi akong iyak ng iyak. Mabuti na lang wala pa sila Mommy. Dumiretso agad ako sa kwarto ko. Ang bigat sa dibdib hindi ko alam ano ang naging kasalanan ko bakit ito nagawa ni Dheaven sa'kin. Isang taon na kami mahigit wala naman kaming pinag-awayan na malala. Normal lang naman kasi sa isang relasyon ay nag-aaway pero naaayos din naman namin agad napag-uusapan naman namin agad kung may problema.Hindi naman bago sa akin ang bisyo niya at palaging nasa barkada. Hindi ko na nga siya pinipigilan tuwing may lakad sila kahit minsan ay wala na siyang oras sa akin. Iniintindi ko siya palagi kaya hindi ko maintindihan kung bakit nagawa niya sa akin ito. Maiintindihan ko naman kung ayaw na niya sa akin. Hindi iyong iiwan na lang niya ako ng walang paalam.Tinawagan ako ni Ciela sinabi niya sa akin na wala sa maynila ang pinsan niya dahil kasama lang neto ang mga kaibigan niya. Tutulungan niya akong hanapin si Dheaven. Si Ciela kasi ang dahilan kaya kami nagkakilala kami ni Dheaven. Kaya galit na galit siya nang malaman niyang nakipag-hiwalay ang pinsan niya sa'kin.Hindi ko alam paano ako magsisimula, mahal na mahal ko talaga si Dheaven. Boto din ang pamilya ko sa kaniya. Masayang-masaya sila noong pinakilala ko si Dheaven sa kanila. Ano na lang ang sasabihin ko kina Mommy. Siguro hindi ko muna sasabihin sa kanila paniguradong magagalit ang mga iyon. Pero alam kong hindi ko matatago ito ng matagal. Saka ko na lang sasabihin sa kanila kapag alam ko na ang dahilan bakit nakipag-hiwalay si Dheaven sa'kin.-Tanghali na ako nagising nakatulugan ko pala ang pag-iyak. Mabuti na lang at sabado ngayon kaya ayos lang matagal magising. Hindi rin ako ginising ni yaya alam kasi niya na kapag walang pasok hindi ako nagpapagising ng maaga.As usual mag-isa na naman ako sa bahay nasa trabaho na naman sila Mommy. Ayaw na sana ni Daddy mag-trabaho si Mommy kaso wala din naman daw gagawin si Mommy kung nandito lang siya sa bahay. Kasi nasa school ako lagi mabo-bored lang kasi si Mommy. Hinayaan na lang siya ni Daddy si Ate naman wala din dito sa bahay nasa probinsya siya ngayon doon siya na-aasign. Teacher kasi si Ate masaya naman siya sa ginagawa niya. Kung saan siya masaya support lang kami sa kaniya.CIELA's POVUupakan ko talaga gonggong na iyon oras na makita ko siya, anong karapatan niyang manakit ng babae. Anong akala niya sa sarili niya sobrang gwapo? huh? humanda talaga siya sa'kin. Isusumbong ko talaga siya sa Daddy niya para wala siyang allowance. Anong akala niya gan'on lang kadali ang ginawa niya sa kaibigan ko. Ako napapahiya sa ginagawa niya. Tinulungan ko na nga siyang magtino. Buong akala ko nagtino na nga hindi pa pala. Hindi niya matatakasan ang kasalanan niya. Ano na lang ang sasabihin ng mga magulang ni Rhaen sa'ken. Wala na akong mukhang maihaharap sa kanila dahil sa kagagawan ng ugok kong pinsan. Jusko! ba't ba ako nagkaroon ng pinsan na puro sakit sa ulo lang ang ibibigay sa aming lahat.Akala ng lahat ay nagbago na talaga siya simula ng maging girlfriend si Rhean, hindi ko alam ano na naman masamang spirito sumanib sa ugok na iyon para magloko. Ang tino ng girlfriend niya tapos ganito ang isusukli. Gagu ba siya?ALLY's POVPauwi na ako sa condo galing probin
DHEAVEN's POVSinamahan nila ako sa condo ni Liam, sa maynila iyon ayoko sana lumayo kung nasaan man kami nagtatago, I mean ako lang pala syempre hindi naman sa balak ko lumayo gusto ko lang talaga umiwas muna hindi ako makakapag-isip ng matino hangga't nakikita ko si Rhaen. Hindi ko pa rin kasi alam paano ko ipapaliwanag sa kaniya ang lahat hindi ko alam paano ko sisimulan. Iyong sasabihin ko pa lang ang dahilan nasasaktan na ako hindi lang para sa kaniya kung hindi pati sa sarili ko."Sure ka na ba dito pre?" tanong ni Jeremiah sa'kin."Pansamantala lang 'to pre kailangan ko lang mag-isip, aayusin ko naman ano iniwan ko sa atin sa ngayon gusto ko muna mapag-isa at mag-isip." "Paano kapag hinanap ka na naman sa amim ng pinsan mo alam mo naman parang tigre iyon e ang dami nga niyang message sa'kin pinagbabantaan na niya ako." "Babae lang iyon ano ka ba, isa pa hindi ka naman aanuhin ni Ciela. Kapag nagtanong sabihin mo umalis ako ng walang paalam at hindi niyo alam nasaan ako. Ako n
JOHAN'S POVPauwi na kami galing maynila. Kaya na ni Dheaven ang sarili niya doon. Gusto naman talaga namin siyang tulungan e kaso ayaw naman niya. Ayaw naman namin pilitin kasi sabi naman niya hindi pa siya handa."Ano pre handa kana ba harapin ulit si Ciela? panigurado sasabunin ka niyon at hahanapin sayo kung nasaan ang pinsan niya." pang-aasar ni Jeremiah."Anong ako, baka nakakalimutan mo magkakasama tayo. Idadamay talaga kitang gonggong ka. Kayo kaya nagsabi na ako magsabi kay Rhaenyssa na hihiwalayan na siya ni Dheaven.""Syempre ikaw unang hahanapin ni Ciela," "Bahala na alangan naman sabihin ko sa kaniya nasaan talaga pinsan niya e alam mo naman hindi pa handa iyong isa."Hindi na siya ulit nakipagtalo sa'kin. Wala naman talaga kaming alam sa nangyare. Ayaw kasi talaga sabihin ni Dheaven dahilan niya.Kinabukasan bumalik na kami sa School, mabuti na lang napakiusapan namin ang school director. Nagpaalam naman kami ng maayos sa mga teacher's namin lalo na si Dheaven. Hindi ko
SAFIYAA's POVNakakainis naman kasi itong si Kuya, may dala naman siyang sasakyan gusto pa talaga sunduin siya. Kung wala lang talaga akong ni-request na pasalubong hindi ko talaga siya susunduin. Sinabihan ko na lang sila Mommy na ipagluto si Kuya ng makakain. Dahil hindi naman namin nakakasama talaga si Kuya kaya kompleto kami maghahapunan ngayon. Alam na pala nila Mommy na uuwi siya akal ko esusurprise niya pa e.Nagtaxi lang ako papuntang airport mabuti na lang at hindi gaanong traffic, nakakatamad kasi bumyahe lalo na kapag sobrang traffic.Hanggang sa nakarating ako sa airport, ang sabi ni Kuya ay nasa labas na siya nag-aantay. Agad kong ginala ang mga mata ko para hanapin siya. Iyong kaninang excitement na naramdaman ko ay napalitan ng inis. Kinawayan ako ni Kuya nang makita niya ako pero may kasama siyang hindi ko kilala kung sino. Nakahawak pa ito sa braso niya akala mo naman batang iiwan kapag naligaw sa maraming tao."Hi Kuya, sino siya?" tinanong ko agad sino ang kasama n
CIELA's POVHabang tinititigan ko si Rhaen mas lalo akong nasasaktan para sa kaniya. Alam ko kasi ang pakiramdam na iwan na lang bigla ng taong mahal mo. Iyong taong nangako sayong hindi ka iiwan at sasaktan. Sa umpisa lang talaga masaya. Kung kailan maayos na ang lahat saka ka iiwan na para bang isa ka lang laruan na pinagsawaan. Gusto ko siyang tulungan pero hindi ko alam paano ko gagawin iyon. Hindi ko alam kung nasaan ang magaling kong pinsan ni anino niya hindi namin makita."Ang lalim ng iniisip mo ah?" napalingon ako ng tabihan ako ni Safiyaa."Iniisip ko kasi paano ko matutulungan si Rhaen, nasasaktan ako tuwing nakikita ko siyang ganiyan. Lagi na lang walang gana.""Lahat naman tayo gusto siyang tulungan pero hindi naman gan'on kadali ang gusto niya makita si Dheaven at makausap kahit papaano mabawasan man lang sakit na nararamdaman niya. Kahit bigyan lang siya ng paliwanag siguro sapat na iyon kung sakali man hindi na sila magkakabalikan atleast mabigyan sila ng closure."N
CIELA's POVIto na ang araw na sasabihin ko sa kanila ang plano ko para sa pinsan ko. Pinatawag ko lahat ng kaibigan ko. Kasama na doon si Francyn, siya kasi ang magiging daan para mapabalik namin ang pinsan ko dito."Ano iyang plano na sinasabi mo Ciela?" agad na tanong ni Estella pagkaupo pa lang nila."Ganito guys, Nakausap ko na ang mga kaibigan ni Dheaven. Syempre sa umpisa ayaw nila magsalita kung nasaan ang pinsan ko. Pero wala silang nagawa kun'di ang umamin sa'kin dahil kung hindi well, masususpended lang naman sila dahil halos isang buwan silang hindi pumasok, pinagtakpan ko lang sila kay Ninong kaya nakabalik sila dito sa School.""Anong sabi nila?" ani Rohana"Nasa maynila ang pinsan ko, at ang nakakainis pa doon siya nag-stay sa condo ni Liam. Hindi ko alam magkakilala pala sila.""Si Kuya?""Oo ang magaling mong kuya safi, siya mismo ang tumulong sa pinsan ko at sa mga kaibigan niya para makahanap ng pagtataguan.""Loko talaga 'to si Kuya kahit kailan bakit hindi niya ki
FRANCYN's POVSince nandito na ako sa maynila, sisimulan ko na ang plano namin ayoko magtagal dito. Baka hanapin ako nila Mommy, mas lalong ayoko mabehind sa mga lessons namin sa school.Sabi ni Ciela nasa condo ni Liam nags-stay si Dheaven. Ang sabi naman ni Liam ay may bakante pa raw na isang unit doon. So magpapanggap ako na magre-rent doon ng isang unit. Saktong pagdating ko doon ay hindi busy ang mga empleyado nila kaya naman agad nila ako inassist. Tagumpay akong nakakuha ng unit. Ang poproblemahin ko na lang ay kapag nagkita kami ni Dheaven dito. Sigurado ako na magtatanong siya kung ano ang ginagawa ko sa lugar kung saan siya nagtatago.Umuwi muna ako para kumuha ng ilang damit. Siguro dalawang araw akong mags-stay dito sa condo na kinuha ko. Impossible namang hindi ko makita si Dheaven. Nagtanong ako sa recieptionist syempre nagpanggap akong pinsan ni Dheaven. Mabuti na lang at mautak si Ciela pinagawan niya ako ng fake id. Mabuti na lang din at naniwala ang pinagtanungan
DHEAVEN's POVMuli kaming nagkita ni Francyn dahil nasa iisang lugar lang naman kami. Niyaya ko siyang kumain sa labas. Matagal na din simula noong nakakausap ko siya. Nang maging kami kasi ni Rhaenyssa ay madalang na akong pumunta sa kanila. Nagtatampo na nga ang kapatid ko sa akin dahil hindi ko na siya nasasamahan. Pero alam ko naman na naiintindihan niya ako dahil may iba na akong priority ng mga panahong iyon maliban sa pag-aaral."Anong meron at niyaya mo akong kumain sa labas? birthday mo ba?" agad na tanong niya pagkarating namin sa restaurant."Masama bang yayain ka sa labas? saka ngayon lang din tayo ulit nagkakausap. Hindi na kasi ako nakakasama sa kapatid ko tuwing pupunta siya sainyo.""Oo nga e, tinatanong ko nga si Ate kung bakit hindi kana nagagawi sa bahay. Sinabi naman niya na busy kana raw simula ng maging kayo ni Rhaen. Syempre naiintindihan naman namin. Sayang lang hindi kana nakakasama sa mga lakad namin.""Kaya nga e, hayaan mo babawi na lang ako sa susunod kapa
CIELA's POVPalabas na ako ng gate ng maabutan ko si Dheaven sa labas mukhang may hinihintay kaya nilapitan ko, alam kong si Rhaen ang inaabangan niya. Nangako ako kay Rhaen n'ong nakiusap siya sa'kin na huwag muna palapitin si Dheaven sa kaniya kahit nasa iisang school lang kami. Hindi ako pumayag dahil kaibigan ko siya, pumayag ako dahil mahalaga sila pareho sa'kin. "Kung si Rhaen ang hinihintay mo umuwi kana kanina pa siya umuwi nagpaalam siya ng maaga masama ang pakiramdam niya. Pinsan nakikiusap ako hindi bilang pinsan mo kun'di bilang kaibigan niyong dalawa. Huwag mo muna ipilit na kausapin si Rhaen, Hayaan mo muna siya. Kakausapin ka rin niya huwag muna ngayon. Naiintindihan ko setwasyon niyo, alam mong galing din ako diyan minsan na rin akong naghabol sa taong mahal ko. Pero n'ong na-realize ko nakakapagod pala, kasi mas masakit maghabol kung ayaw ka naman kausapin. Hindi ko sinasabi 'to para sukuan si Rhaen, sinasabi ko 'to para bigyan niyo muna sarili niyo ng pagkakataon
1 month after •••DHEAVEN's POV"Brod, halika samahan mo kami magbreakfast. Ang aga mo yata pumasok ngayon." bungad ni Johan kay AllyDito kasi tatapusin ni Ally ang pag-aaral niya ng College saka siya babalik ng Maynila para asikasuhin ulit negosyo ng grandparents niya. Nilipat na rin niya dito sa malapit na school ang mga kapatid niya, Habang ang grandparents naman niya nasa maynila na pinabantayan muna nila sa caretaker ang bahay nila doon sa probinsya."May ipapasa lang akong project kay Ma'm Jem kaya ako maaga pumasok, ihahatid ko muna to sa table niya babalik din ako agad." ani Ally saka naglakad palayo.Maya maya pa ay dumating na din sila Safiyaa, Rohanna, at Francyn."Uy girls ang aga niyo ah." bungad ni Jeremiah sa mga babae"Malamang maaga din class namin." pilosopong sagot ni Rohanna."Ang sungit mo talaga cupcake. Ang aga aga." "Tigil-tigilan mo ako Fontana nagdidilim paningin ko sayo.""Tirik na ang araw cupcake. Paano magdidilim paningin mo. Baka naman kumikislap ako s
AFTER ONE WEEK •••CIELA's POVFinally, natapos ko na rin ang dapat tapusin makakapag-relax na ako. Alam ko na yayain ko nalang ang mga friends ko tutal wala na rin naman kaming gagawin. Nag-Message ako sa group chat namin na magbo-bonding kami ininvite ko sila na pumunta kami sa batangas. Nag-agree naman ang iba. Ang iba hindi pa nagre-reply for sure papayag naman sila. Hindi nila ako mahihindian kun'di magkaniya-kaniya na lang kami. Biro lang as if naman kaya kong mawala mga totoo kong kaibigan.Nilagay ko na rin ang details at kung saan kami magkikita. Maaga akong natulog kasi ihahanda ko pa mga dadalhin ko. Excited kasi ako matagal-tagal na rin kaming hindi nakapag-outing.Kinabukasan alas sais pa lang ay gising na ako. Naihanda ko na rin naman ibang kakailanganin ko kagabi kaya kaunti na lang ang kailangan e-prepare. "Cie, saan ang punta mo ba't ang dami mong dala. Nagpaalam ka ba kina Mommy?" ayan na naman ang atribidang ito."Oo naman no? may outing kami ng mga friends ko."
Flashback ----*FRANCYN's POV"Hey! wait.." tawag niya sa'kin kaya napahinto ako.Sapilitan akong lumingon kahit inis na inis na ako. "Hmm? Yes? may kailangan ka pa ba?""Saan ba dito room ni Dheaven, gusto ko kasi kausapin si Rhaenyssa." kumunot ang noo ko sa sinabi niya."Ano naman kailangan mo sa kaibigan ko. Look! tinulungan na kita sa pagpasa mo ng papers kay Ma'm. Kaya wala na akong obligasyon sayo okay? kung gusto mo makausap si Rhaenyssa hanapin mo siya mag-isa."Saka ko siya tinalikuran at nagmadaling maglakad palayo.Asa siyang sasabayan ko siyang kausapin ni Rhaen. Siya itong ang suplado. Hindi na nga gentleman ang suplado pa. Akala ko pa naman mabait siya kasi ang ayos niya mag-approach kanina sa akin. Pero pagpasok namin sa loob ayaw na akong pansinin gusto ko lang naman malaman paano sila nagkakilala ni Dheaven. Baka mamaya pinagloloko lang niya akong kakilala niya si Dheaven. Sabihan ba naman akong 'None of your business' edi magsolo siya maghanap diyan. Saka hindi ni
CIELA's POVHindi talaga ako naniniwala sa salitang Good Morning, pagmulat ko pa lang sa mga mata ko ay masamang balita na agad ang bumungad sa akin.Isa pa itong kapatid ko na gustong-gusto ko ng sabunutan. Alam niyang ayaw na ayaw kong ginigising ako. Hindi niya ba alam na napuyat ako kasi kailangan ko habulin ang mga report na kailangan kong ipasa kay Ma'm. Baka hindi ako maka-take ng final exam kapag hindi ako nakapasa ng report. Bakit naman kasi kailangan sunod-sunod sila magbigay. Hindi naman kami robot, napapagod din naman kami. "Ciela ano ba? kanina ka pa pinapababa ni Mommy. Ano gusto mo kaladkarin pa kita diyan." Lord gusto ko talaga ng katahimikan bakit niyo ako binigyan ng kapatid ganito. Pagbaba ko ay nasa mesa na silang lahat. "Akala namin ayaw mo na bumaba. Hindi ka ba nagulat sa sinabi ko sayo kanina.""Pwede ba? kahit ngayon lang manahimik ka o hindi kaya bumalik ka nalang sa Australia. Naririndi na ako sa boses mo. Tahimik naman buhay ko ng wala ka dito bakit ka
FRANCYN's POVGusto ko sana silang lapitan, nagsisimula na silang magkasagutan. Pilit na hinahawakan ni Dheaven ang kamay ni Rhaen pero hinihila ito pabalik ni Rhaen. Alam kong nabigla si Rhaen dahil hindi niya napaghandaan ang araw na ito. Hindi ko naman ginustong mabigla siya. Hindi pa siya handang harapin si Dheaven. Gusto ko lang naman makatulong sa kanila pero nakakaramdam ako ng guilt sa sarili ko dahil nasasaktan silang pareho. Hindi ginusto ni Dheaven na iwan ang kaibigan ko pero dahil naipit siya sa setwasyon ng pamilya niya wala siyang ibang choice kung hindi ang lumayo munaSana lang ay matapos ang gabi na ito na maayos ang lahat. Sana maging bukas si Rhaen sa paliwanag ni Dheaven. Kailangan niya iyon. Hindi siya makakausad kung patuloy niyang hahabulin ang sagot sa mga tanong kung bakit siya iniwan ng taong mahal niya.DHEAVEN's POV"Hindi ko gustong iwan ka, dahil alam kong nangako ako sayo na hindi kita iiwan at hindi kita sasaktan.""Pero hindi iyan ang ginawa mo." sag
FRANCYN's POVIto na ang araw na pinakahihintay ni Dheaven, sana lang maging maayos ang kalalabasan ng pag-uusap nila. Maaga akong gumising at nag-ayos. Nag-message na din ako kay Rhaen na maaga ako pupunta sa kanila mamaya. Dadaan pa kasi ako sa school may ipapasa pa akong project. Kahit gaano ako ka busy sa ibang bagay hindi ko pa din pwedeng kalimutan na isa pa din akong estudyante. Kailangan ko pa din gampanan ang papel na iyon. Ayoko naman madisappoint si Mommy sa akin. Syempre malaki na sinakripisyo niya mapag-aral lang kami ni Ate.Abala ako sa pagcha-chat sa mga kaibigan ko nang may dalawang paa na nakatayo sa harap ko. Nakayuko kasi ako habang naka-upo sa ilalim ng puno. Dito muna ako tumambay sa mini park ng school.Nagulat ako sa nakita ko sabay ng pagkunot ng noo ko."Excuse me? ikaw si Francyn right?" tanong niya."Yes?""Sorry naistorbo ba kita, by the way I'm Allerick but you can call me Ally. Pwede bang magtanong?""Nagtatanong ka na nga e."Sungit pala nito!Bumulong
FRANCYN's POVKakatapos lang namin mag-usap ni Rhaen sa phone, kinumusta ko siya at ang kalagayan ng Mommy niya. Medyo maayos naman daw ito pero under observation pa nagkaroon pala ng komplikasyon sa baga ang Mommy niya kaya nahirapan na itong makahinga mabuti na lang at naagapan agad at naisugod sa hospital.Ayaw ko na sana ituloy ang pinangako ko kay Dheaven na mag-uusap silang tatlo ng Daddy niya pero kailangan din bumalik ng Daddy niya sa ibang bansa dahil may naiwan pa itong negosyo. Kaya pinakiusapan ko si Rhaen na kung pwede niya ba akong samahan sa friday. Dinahilan ko na lang na may surpresa ako sa kaniya. Hindi ko muna sinabi na nandito na si Dheaven at handa na siyang kausapin. Baka kasi magbago ang isip niya. Noong nakaraan ay parang wala na lang sa kaniya tuwing binabanggit ko si Dheaven o kahit mga kaibigan namin iniisip ko baka naka-move on na siya at hindi na umaasa pa na babalikan siya ni Dheaven. Ayoko din sisihin ang sarili ko kapag nangyari iyon kasi hindi ko aga
DHEAVEN's POV"Hindi ka man lang nagsabi na uuwi kana pala. Ginulat mo pa ako sa tawag mo." aniya panay reklamo habang sumusubo ng dala kong burger."Ano ba dahan-dahan lang mabubulunan ka, gutom ka ba at ganiyan ka kumain.""Buong araw akong natulog nagulat ako tinawagan mo'ko. Hindi nga ako nakapag-almusal anong oras na alas dos na ng hapon."Kahit kailan talaga ang takaw kumain ng isang 'to hindi naman tumataba."Ikaw nga una kong tinawagan e. Wala ba kayong pasok?""Wala may teacher's meeting kasi kaya bukas pa kami babalik. Anyway ano na ang plano mo?""Kaya nga kita tinawagan kasi hindi ko alam ano gagawin ko para makausap ko si Rhaen.""Teka lang kakain muna ako gutom na kasi talaga ako."Wala talagang pake ang babaeng 'to kahit ang dungis na niya kumain."Oh tissue, punasan mo nga mukha mo. Ang kalat mo naman kumain" sabay abot ko sa kaniya ng pamunas sa mukha.Nakakatuwa talaga siyang tingnan para kasi siyang batang galing sa paglalaro tapos nagutom pagkatapos."Ang alam ko p