author-banner
Lunayvaiine
Lunayvaiine
Author

Novels by Lunayvaiine

BRIDE SERIES 1: The Unfaithful Hater

BRIDE SERIES 1: The Unfaithful Hater

Kung hindi lang sa Ina na may malubhang sakit ay hindi gugustuhin ni Cressida na hanapin pa ang ama niya na nang-iwan sa kanila. Ama na ayaw niyang makilala. Labis ang nararamdaman niyang galit sa Ama dahil sa pagpapabaya neto sa kanilang mag-ina. Nang marating niya ang Hacienda Villa Hermosa kung nasaan sakop ng buong angkan ng mga Valdehueza ang lupain. Makikilala niya si Levi, ang anak ng kaniyang ama sa orihinal netong asawa. Kilala sa lugar na iyon si Levi bilang Leon. Walang sino man ang nakapapagpaamo sa mabangis na Leon. Ngunit, isang pangyayari ang naging dahilan para magtagpo ang landas nilang dalawa. Mapapaamo kaya ng isang inosenteng babae ang mabangis na Leon.
Read
Chapter: CHAPTER 9
Nang sumunod na araw ay muli na naman nanggulo si Gianna hindi sa kanilang magkakaibigan kung hindi sa kaklase nila. "Sa una lang talaga mabait, kita mo nangugulo na naman siya. Problematic talaga ang taong 'to. Sa iba niya binubunton lahat ng problema niya sa buhay niya. Halatang hindi masaya sa buhay." ani Shiloh Nasa labas kasi sila nang matanaw nila ang mga estudyanteng nagkukumpulan sa harap ng canteen. Ayaw na nilang makialam, nakausap na kasi nila ang secretary ng school director at mamayang hapon ay kakausapin nila ito tungkol sa behavior ni Gianna. Kailangan na yata ipatingin ito sa isang psychiatrist. Mahirap kasi pigilan ang behavior niya kahit patulan mo o hindi ay mas lalo lang lumalala."Hindi natin masisisi kung ganiyan siya tao kasi may ina na nag-alaga sa'tin. Samantalang siya bata pa lang ay wala ng ina na gumagabay sa paglaki niya.""Ida, alam naman namin iyon. Kahit nga ikaw kahit pinatulan mo na hindi pa rin siya tumigil. Magulang kasi dapat ang nagdedesiplina
Last Updated: 2023-01-13
Chapter: CHAPTER 8
Maagang dumating si Cressida para sa alas syete na klase nila. Alas sais pa lang ay nasa room na siya. Gusto niya kasi makapag-review nang tahimik. Sinamantala niya na wala pa ang mga kaklase niya kaya makakapag-review talaga siya ng maayos. Sa susunod na araw na kasi ang final exam nila. Wala na siya masyadong oras niyon kaya habang may pagkakataon siya. Inilalaan niya ang bakanteng oras niya pag-rereview.Maya maya pa ay nakaramdam siya ng gutom kaya bumaba muna siya. Para kumain sa canteen. Napansin naman niyang nagkukumpulan ang mga tao sa labas. Nagtataka siya kung bakit sakto namang paakyat ang mga kaibigan niya kaya sinalubong niya ito para tanungin."Anong meron doon?""Si Gianna bumalik na, ayon namigay ng libreng pagkain para bumango na naman pangalan niya dito sa school. Bait-baitan kunwari." aniya ni Shiloh na gigil talaga kay Gianna dahil sa ginawa neto sa kanilang magkakaibigan."Hayaan niyo na. Basta huwag na natin siyang patulan sa susunod. Baka baliktarin na tayo niya
Last Updated: 2022-12-14
Chapter: CHAPTER 7
Sobrang nagpapasalamat si Cressida sa mga kaibigan niya dahil nakalabas na ang nanay niya. Malaki ang naitulong ng mga ito sa mga inambag nilang tulong. Sa awa ng diyos ay medyo mubuti na ang lagay ng nanay niya. Inalalayan niya ang nanay niya tuwing may gagawin ito. Ang sabi kasi ng doctor ay huwag hayaan na laging nakahiga ang nanay niya. Kailangan ma-exercise din neto ang katawan. Isa kasi sa nagpapahina lalo sa katawan ng nanay niya ay ang palagi netong nakahiga. Nakaratay na kasi ito, wala itong lakas gusto rin kasi iyon ng nanay niya ayaw niya na mas mahirapan ang mga tao neto sa paligid niya. Kung hihingi man ito ng tulong ay tuwing kakain o pupunta lang ng banyo. Kaya naman pinakiusapan ni Cressida ang tiyahin niya na ilabas at alalayan ang nanay niyang maglakad-lakad sa labas. Para kahit papaano ay makalanghap din ito ng sariwang hangin. Kapag may bakante naman siyang oras ay siya na ang nag-aasikaso sa nanay niya."Tiyang papasok na ako. Kayo na po bahala kay nanay. Nilist
Last Updated: 2022-11-20
Chapter: CHAPTER 6
Ilang araw ng pinag-iisipan ni Cressida ang hiling ng nanay niya sa kaniya. Kahit pa sabihin neto sa kaniya na hinanap sila ng tatay niya. Hindi pa din maalis sa kaniya ang katotohanang pinabayaan sila. Hindi na sila muling binalikan ng tatay niya. Kasi kung gusto talaga ng tatay niya na kunin sila sana ay pinaglaban niya ito kahit pa pinagtabuyan ng paulit-ulit ng nanay niya ni Segundo.Kaya sobrang labag sa loob niya ang hiling ng nanay niyang hanapin pa si Segundo. Wala ni katiting sa puso niya ang kagustuhang makita pa ang tatay niya. Masaya na kasi siya na kasama niya ang nanay niyang tumayong ama't-ina sa kaniya. Ni minsan ay hindi pinaramdam sa kaniya ng ina niya na may kulang sa pagkatao niya. Lahat ng pagmamahal binuhos sa kaniya. Nagsumikap ito para mapag-aral siya. Kung hindi lang ito nagkasakit ay hindi siya mapipilitang mag-trabaho habang nag-aaral. Maganda kasi ang dating trabaho ng nanay niya. Staff ito sa isang pablika ng pagawaan ng mga bag. Nahinto ang nanay niya no
Last Updated: 2022-11-13
Chapter: CHAPTER 5
"Cressida, ang nanay mo!" Naalimpungatan si Cressida sa sigaw ng tiyahin niya. Halos talunin na niya ang higaan niya at patakbong nagtungo sa silid ng nanay niya.Namumutla ito at tila nahihirapan huminga. Agad niyang tinawagan ang kaibigang si Makoy nagpatulong sila para madala ang nanay niya sa ospital."Mabuti na lang at nadala niyo agad ang nanay mo dito kung natagalan ay baka mas lumala ang kondisyon niya." aniya ng doctor sa kaniya."Kumusta na ho ang nanay ko doc?""Nilalagnat ba ang nanay mo noong makaraan?""Medyo masama ang pakiramdam niya noong nakaraan pero hindi naman po nagtagal iyon.""Tumaas kasi temperature niya ngayon, isa iyon sa dahilan kaya namumutla at nahihirapan siyang huminga, lalo na sa kaso ng nanay mo na may malubhang sakit. Oobserbahan muna namin sya hangga't hindi pa bumababa ang temperature niya. Pero huwag kana mag-alala stable na siya ngayon.""Pwede ko na ho ba tingnan ang nanay ko." tumango naman ang doctor sa kaniya.Natutulog ang nanay niya nang p
Last Updated: 2022-11-03
Chapter: CHAPTER 4
Habang nasa klase sila Cressida, bigla silang pinatawag sa guidance office. Agad naman silang nagtinginan magkaibigan dahil alam na nila ano ang dahilan bakit sila pinatawag sa guidance.Hindi nga sila nagkamali magsusumbong talaga si Gianna sa Daddy niya.Pagdating nila sa office, nakita agad nila si Gianna nasa isang tabi. Siya lang mag-isa. Maya maya pa ay dumating na si School Director kasama at ibang faculty members. "Pinatawag ko kayong lahat dahil nakarating sa akin ang nangyare kahapon." panimula ni School Director."Miss. Fuentabella, maaari mo bang sabihin sa akin ang nangyare."dagdag niya pa.Napabuntong-hininga na lang si Cressida, hindi alam paano sisimulan. Hindi naman kasi niya nakita anong nangyare. Basta na lang siyang humandusay sa sahig at pinagtanggol ng kaibigan niya."Ahm, ang totoo po niyan hindi ko po alam ano sasabihin ko kasi bigla na lang po akong napadapa sa sahig kahapon. Ang sabi ng kaibigan ko ay tinulak po ako ni Gianna. Tinatanggi po niya ang ginawa n
Last Updated: 2022-11-02
Unmarried Wife

Unmarried Wife

Isang kasalanan ang nagdala kay Riyana sa isang masalimuot na buhay may asawa. Nabuntis siya ng nobyo ng kapatid niya, napilitan siyang pakasalan ni Elthon para makuha nito ang mana na iniwan ng yumao niyang ama. Nangibang-bansa si Monica nang malaman niyang magkakaroon na ng anak ang kapatid niya at ang nobyo niya ang ama. Masakit kay Monica ang nangyari hindi niya akalain na ang kapatid niya pa mismo ang magta-traydor sa kaniya. Nagpaubaya siya para sa bata. Lumipas ang ilang taon si Monica pa din ang mahal ni Elthon, kahit kailan ay hindi niya mamahalin si Riyana dahil nabuntis niya lang ito noong pareho silang nalasing. Hindi sinasadya at hindi niya inaasahan. Nasangkot si Elthon sa isang sindikato. Napagbintangan siya na isa siya sa mga myembro nito dahil siya ang nahuli nang magkaroon ng raid sa mismong lugar ng pinangyarihan. Nakulong ng ilang buwan hanggang sa napatunayan na wala siyang kinalaman sa drugs. Hanggang sa nalaman ni Elthon na namatay si Monica dahil binigay nito ang puso niya kay Riyana. Nabaril si Riyana nang mga sindikatong naglagay kay Elthon sa kapahamakan. Hindi niya alam mahina pala ang puso ni Riyana at may sakit si Monica noong pumunta ito ng ibang bansa. Halos gumuho ang mundo ni Elthon ng malaman niya ang nangyari. Sinisi niya si Riyana sa lahat. Nawala ang kaisa-isang babaeng minahal niya at pinangakuan niya ng kasal. Lahat ng pangarap niya para sa kanilang dalawa ni Monica ay nawala dahil kay Riyana. Kaya ginawa niyang miserable ang buhay nito sa piling niya.
Read
Chapter: CHAPTER 7
Napadpad si Riya sa probinsya. Mabuti na lang at tanda pa niya ang lumang bahay ng lola niya. Matagal ng walang nanirahan doon may taga bantay lang at taga linis. Simula ng mangibang bansa ang magulang nila ay lumipat na sila sa syudad. Kompleto pa rin ang mga gamit sa bahay ng lola niya. Kinausap niya ang caretaker na doon muna siya pansamantala. Binalaan niyang huwag ipagsabi kahit kanino na nandoon siya lalo na kapag tumawag ang kapatid niya. Matapos niyang mag-ayos ay pumunta muna siya sa bayan para mamili ng mga kailangan niya. Medyo malayo sila sa bayan kaya naisipan niyang damihan ang bibilhin nagpasama siya sa caretaker nila para hindi siya mahirapan.Hindi pa alam ni Riya ang susunod niyang gagawin. Lalo na ngayon na may dinadala na siya sa sinapupunan niya kailangan niyang mas maging maingat dahil ito lang ang nag-iisang dahilan niya para magpatuloy sa buhay. Kahit hindi siya mahalin ni Elthon, sa anak nalang nila niya ibubuhos ang pagmamahal na para sana kay Elthon.Dumaan
Last Updated: 2023-07-12
Chapter: CHAPTER 6
Sobrang saya ni Monica dahil hindi siya binigo ni Elthon nilibot siya nito sa buong lugar. Malaki-laki din ang nabiling lupa ng ate niya. Kasama na ang Villa alak nga itong gawing resort ng ate niya. Inaayos na nila ang mga papers para opisyal na itong maging resort. Mas mabuti na din iyong mapagkakitaan nila ang lugar para kahit papaano ay mabawi din ng ate niya ang gastos. ipapa-renovate ng ate ni Elthon ang Villa, para pwede itong rentahan ng gustong mag-staycation sa lugar."Ano love, nag-enjoy ka ba?" tanong nito sa kaniya pagbalik nila sa Villa."Yes, sobra ang ganda-ganda kasi talaga ng lugar. Ito iyong klase ng lugar na babalik-balikan ko kung sakali.""Babalik tayo dito sa susunod."Ngiti lang ang ginanti niya sa sinabi ni Elthon. Ayaw niyang sagutin dahil alam niyang hindi na iyon mangyayari pa."Magpahinga ka muna love alam kong napagod ka gigisingin na lang kita kapag handa na ang pagkain." ngumiti at tumango lang siya, saka siya nito hinalikan sa noo bago umakyat sa kwar
Last Updated: 2023-01-24
Chapter: CHAPTER 5
Dalawang buwan na ang lumipas simula ng ipaalam niya kay Elthon ang pagbubuntis niya.Unti-unti na din lumalaki ang tiyan niya kaya alam niyang hindi niya talaga maitatago iyon kahit kailan. Nagpaalam na din siya sa boss niya na magre-resign na siya. Lilipat siyang maynila para doon magbagong buhay. Hindi niya pa din alam paano sasabihin kay Monica ito pero wala siyang balak itago ito sa kapatid niya.Dahil alam niyang malalaman din ni Monica ang kalagayan niya. Hahanap muna siya ng tamang tyempo. Sa ngayon ang anak muna ang uunahin niya. Isang linggong wala sa bahay nila si Monica kaya naman nakahanap siya ng pagkakataon para umalis. Masakit para sa kaniya ang hindi magpaalam sa kapatid. Hindi niya kayang harapin si Monica, baka hindi niya kayanin. Kaya minabuti niyang umalis ng walang paalam kahit kay Elthon ay hindi niya pinaalam. Huling usap nila ay sa telepono lang pinaalam niya ang kalagayan niya at ng magiging anak nila. Hanggang ngayon ay hindi pa rin tanggap ni Elthon ang na
Last Updated: 2023-01-19
Chapter: CHAPTER 4
Matapos umiyak ni Riya saka niya inayos ang sarili at lumabas ng kwarto. Pilit kinalma ang sarili kahit sobrang bigat sa dibdib ng nararamdaman niya ng mga oras iyon. Tatlong araw silang mags-stay doon pero pangalawang araw pa lang niyon ay gusto na niyang umuwi. Hindi niya lang alam ano ang irarason. Kailangan niyang makauwi agad bago pa malaman ng lahat ang nangyari sa kanila. Bumalik siya sa kwarto at nag-empake ng gamit niya.Pagbaba niya hinanap niya agad ang magulang ni Elthon para magpaalam. Saktong nasa kusina ito at nagluluto."Tita, good Morning po.""Gising kana pala, nakita mo ba si Elthon wala kasi siya sa kwarto niya kanina kayo daw huling magkasama kagabi?""Lasing na lasing po tita doon na po siya nakatulog sa may kubo malapit sa tabing dagat. Iniwan ko na lang po siya doon hindi ko po kasi kayang buhatin siya mag-isa." dahilan niya. Kahit ang totoo ay dalawa silang natulog doon sa kubo."Gan'on ba? naparami yata ang inom kagabi ng batang iyon. Sabagay birthday naman
Last Updated: 2022-12-03
Chapter: CHAPTER 3
Habang nasa byahe sila ay enjoy na enjoy si Riya sa mga kwento sa kaniya ni Elthon kahit ang iba doon ay puro tungkol sa mga lakad nila ni Monica. Hindi talaga nawawala sa usapan nila si Monica gan'on kamahal ni Elthon ang kapatid niya."Nandito na tayo, bumaba kana ako na magdadala ng mga gamit mo." ani Elthon.Nilibot ni Riya ang paningin niya sa paligid. Totoo nga ang sabi ni Elthon ang ganda ng lugar. Napapikit si Riya habang lumalanghap ng masarap na hangin. "Ang ganda nga dito maaliwalas. Nakaka-relax.""Sabi sayo e. Kaya nga gusto ko dalhin dito si Monica kaso wrong timing naman.""Pwede naman kayo bumalik dito isama mo siya sa susunod na balik mo.""Isasama ka din namin alam mo naman iyong kapatid mo gusto niya lagi ka namin kasama.""Nako! huwag na no? maka-istorbo pa ako sainyo saka ayoko naman kasi talaga sumama hindi dahil ayoko kung hindi dahil time niyo kasi iyan e. Ayoko naman magmukhang third wheel no? hindi naman pang-third wheel ang ganda ko."Natawa naman sa kani
Last Updated: 2022-11-30
Chapter: CHAPTER 2
Ang bilis lang ng panahon parang kailan lang ay nag-aaral pa sila ngayon ay may kaniya-kaniya ng trabaho at hindi na umaasa sa magulang. Syempre matibay pa din ang relasyon nilang magkapatid. Magta-tatlong taon na din na magkarelasyon si Monica at Elthon. Sobrang tibay ng relasyon nila. Kahit pa sa kabila ng pagiging abala nila pareho sa trabaho ay sinusubukan pa din nilang bigyan ng oras ang isa't-isa. Kahit minsan nakakaramdam na ng pagod si Monica. Lalo na noong napromote siya bilang manager at siya na ang inatasan na mamahala sa isang branch nila kaya dumoble ang pagiging busy niya. Minsan nga ay hindi na niya nagagawang umuwi. Since may apartment naman para sa mga staff, kaya doon na siya minsan nags-stay ng dalawang araw. Mahaba na ang tatlong araw kapag sobrang busy talaga at maraming orders hindi na talaga siya umuuwi. Siya kasi din humaharap sa mga investors."Love, baka naman pwede kang mag-leave sa birthday ko. Sa susunod na araw na iyon." paglalambing sa kaniya ni Elthon.
Last Updated: 2022-11-30
The Accidental Wedding

The Accidental Wedding

Dahil sa maagang pagpapagawa ng last will and testament ng Daddy niya, hindi tuloy alam ni Autheia ano ang gagawin. Wala siyang nobyo paano niya mabibigay ang hiling ng Daddy niya na bigyan ito ng apo. Dahil hindi niya makukuha ang mana nilang magkakapatid hangga't hindi nila mabibigyan ng apo ang Daddy nila. Hindi lang apo, kailangan ay maikasal sila. Sa kaso ni Autheia wala pa sa isip niya ang mga bagay na iyon. Hindi pa niya natutupad ang pangarap niyang makapagpatayo ng sariling negosyo. Isang pangyayari ang nagpabago ng buhay niya, nang dumalo sila sa kasal ng pinsan ng kaibigan niyang si Qiana. Hindi sinipot ng bride ang groom na pinsan ni Qiana. At sa hindi inaasahan ay magkakilala pala ang Daddy ni Khrysaor at Daddy niya. Kaya naman humandong ang mga ito sa isang desisyon na ipakasal ang mga anak nila. Hindi lang para sa negosyo kundi parehong gusto ng mga magulang nila na magkaroon na ng apo. Mapapayag kaya si Autheia sa desisyon ng Daddy niya, o susuwayin niya ang gusto neto. Kilala niya ang lalaki pero isang beses lang niya nakausap ito noon, noong nag-aaral pa lang sila hindi niya alam ano ang ugali neto. Mas lalong nabahala siya sa dahilang iniwan ito ng bride niya sa mismong kasal neto. Baka may mas malalim itong dahilan. Matutuloy kaya ang planong kasal sa kanila o tatakasan niya na lang ito gaya ng ginawa ng dating bride ni Khrysaor.
Read
Chapter: CHAPTER 5
Sobrang aga nagising ni Theia dahil may ilang gamit pa siyang ihahanda. Inisa-isa niyang nilista ang mga dadalhin baka kasi may makalimutan siya. Nang masiguro niyang kompleto na ay saka niya ginising ang kapatid niya para makapag-handa na.Hindi naman mahirap gisingin ang kapatid niya lalo na't sanay na ito. "Ate I'm ready.""Sige mauna kana sa sasakyan. Isasara ko lang ang mga pinto."Excited na din siyang makasama ang mga magulang niya bilang lang kasi talaga sa kamay niya ang makompleto sila sa isang taon. Hindi rin siya palaging nagbabakasyon, siguro sa isang taon isang beses lang din maisipan ng magulang nila na magbakasyon silang magpamilya.Wala na kasi ito halos oras pa sa mga bagay na gan'on. Isa din sa mahirap hagilapin ang kuya niyang hindi maka-permi sa isang lugar. Gusto yata libutin buong bansa syempre ayaw mag-trabaho at puro hingi na lang sa magulang niya ng pera. Sa isip ni Autheia kaya din siguro maagang gumawa ng Will and Testament ang Daddy niya ay baka iniisip n
Last Updated: 2022-11-22
Chapter: CHAPTER 4
"Teka lang Matthy, naiihi ako punta muna akong restroom." paalam niya kay Matthea.Habang naglalakad siya papuntang restroom naisip niya bigla bakit kaya hindi sumipot ang bride. Akala niya sa teleserye lang nangyayare ang gan'on iyong hindi sisiputin ng bride ang groom dahil ayaw talaga neto magpakasal o hindi naman kaya napilitan lang kaya hindi sumipot. Pero sa setwasyon ng pinsan ni Qiana hindi nila alam kung bakit hindi sumipot ang bride. Sayang ang ganda pa man din ng set up at halatang ginastusan at pinaghandaan talaga ng mabuti para sa araw na ito.Palabas na siya ng simbahan ng makasalubong ang isang gwapong lalaki, kung hindi siya nagkakamali ay ito ang pinsan ni Qiana. Bigla siyang nagtago para hindi makita. Nahihiya siya hindi niya alam bakit. Sa tagal kasi ng panahon na hindi niya ito nakita. Totoo nga ang sabi sa kaniya ng mga kaibigan. Sobrang gwapo neto at mukhang mas muputi pa lalo.Halata sa mukha neto ang galit at pagka-dismaya. Ikaw ba naman ang hindi siputin sa ar
Last Updated: 2022-11-03
Chapter: CHAPTER 3
Nagising si Theia sa tunog ng cellphone niya. Pilit niyang binubuka ang mata niya na antok na antok pa. Hindi na niya nagawang tingnan kung sino ang tumawag basta na lang niyang sinagot ang cellphone."Hello sino 'to?""Hello Autheia anak si Nanay Mercy mo ito, pasensya kana at maaga akong napatawag, uuwi kasi ako sa probinsya may emergency sa bahay. Maari ka bang umuwi muna walang makakasama si Austin e." "Sige ho Nay antayin niyo na lang ho ako diyan saka na kayo umalis. Maliligo lang muna ako." Pagkatapos nila mag-usap ay walang nagawa si Autheia kundi ang piliting ibangon ang sarili kahit antok na antok pa siya. Alas singko pa lang iyon ng umaga. Alas nwebe pa ang pasok niya at Alas syete naman ang pasok ng kapatid niya kaya may oras pa siya para ihatid ito. Pagdating niya sa Mansion nila ay nakahanda na ang almusal. Gan'on talaga ang Nanay Mercy niya kapag uuwi siya ay ang daming pagkain ang hinahanda kahit tatlo lang silang kakain."Nay, anong oras ho ba ang alis niyo?" tanon
Last Updated: 2022-11-03
Chapter: CHAPTER 2
"Matthea! bilisan mo naman diyan ilang damit pa ba ang susukatin mo? e lahat naman iyan bagay sa'yo akala ko ba may tiwala ka sa'kin pagdating sa taste ng mga damit." reklamo niya sa kaibigan niya na lagpas isang oras na sa fitting room. "Teka lang naman ito na nga binibilisan na, ano ba't nagmamadali ka?" "Diyos ko naman mag-dadalawang oras kana diyan girl tapos tatanungin mo ako bakit ako nagmamadali e alam mo naman pupunta pa ako sa farm." Kaya minsan ayaw niya talaga samahan ang mga kaibigan niya sa mga ganitong bagay kasi halos abutin sila ng isang buong araw tapos tig iisang damit lang ang bibilhin, bawat minuto kasi sa kaniya ay mahalaga kaya ayaw niyang nasasayang ang araw niya. At dahil may kaibigan siyang may balat sa pwet hindi mapirmi sa iisang lugar lang gusto laging may ginagawa. Pero ang problema gusto naman puro shopping inaatupag. Sabagay nakasanayan naman nila iyan noon pa. Siya lang ang naiiba kasi simula noong grumaduate siya ay hindi na niya nagagawang mag-shop
Last Updated: 2022-11-03
Chapter: CHAPTER 1
Tunog ng alarm clock ang nagpagising sa natutulog niyang diwa. Pasado alas sais na nang umaga. Araw niyon ng sabado.Nakaugalian na ni Theia na pumunta sa farm ng mga magulang niya. Nasa abroad kasi ang mga magulang niya ngayon. Nagbabakasyon regalo ng Daddy niya sa Mommy niya ang mag-out of the country. Wedding anniversary kasi ng mga magulang niya noong nakaraan. Dahil hindi niya maasahan ang kuya niya wala na kasi ibang ginawa iyon kun'di ang gumala at sumama sa barkada. Matapos niyang maghanda saka na siya umalis patungo sa farm nila. Hindi naman iyon gaanong kalayuan mula sa tinitirhan niyang apartment. Wala na kasi siya sa puder ng magulang niya simula n'ong grumaduate siya ay nagpaalam siya sa mga magulang na bumukod na. Bibisita na lang siya kada weekend sa kanila or sa farm. Pumayag naman ang mga magulang niya sa hiling niya. Wala naman siyang hiniling na hindi pinayagan ng magulang niya. Bukod na naging mabuti siyang anak, lahat ng gusto ng magulang niya ay sinusunod naman
Last Updated: 2022-11-03
It's Always Been You

It's Always Been You

Wala sa plano ni Francyn na pumayag sa pustaan ng mga kaibigan niya. Hindi rin niya alam kung bakit siya napapayag ng mga ito gayong hindi naman niya ugaling manloko ng tao para lang makaganti ang kaibigan niya sa lalaking nangloko dito. Pero sadyang mapagbiro ang tadhana sa kaniya. Kung si kupido nga nagawang panain ang puso ng mga sawi siya pa kayang ni minsan hindi pa naranasan paano ang magmahal. Paano kung siya mismo ang mabiktima ng kalokohan ng mga kaibigan niya. Paano kung siya mismo ang mahulog sa lalaking akala niyang nanakit sa kaibigan niya. Kaya ba niyang pigilan ang nararamdaman para sa isang kaibigan? O susugal siya sa pag-ibig na ngayon lang niya naramdaman.
Read
Chapter: CHAPTER 19
Flashback ----*FRANCYN's POV"Hey! wait.." tawag niya sa'kin kaya napahinto ako.Sapilitan akong lumingon kahit inis na inis na ako. "Hmm? Yes? may kailangan ka pa ba?""Saan ba dito room ni Dheaven, gusto ko kasi kausapin si Rhaenyssa." kumunot ang noo ko sa sinabi niya."Ano naman kailangan mo sa kaibigan ko. Look! tinulungan na kita sa pagpasa mo ng papers kay Ma'm. Kaya wala na akong obligasyon sayo okay? kung gusto mo makausap si Rhaenyssa hanapin mo siya mag-isa."Saka ko siya tinalikuran at nagmadaling maglakad palayo.Asa siyang sasabayan ko siyang kausapin ni Rhaen. Siya itong ang suplado. Hindi na nga gentleman ang suplado pa. Akala ko pa naman mabait siya kasi ang ayos niya mag-approach kanina sa akin. Pero pagpasok namin sa loob ayaw na akong pansinin gusto ko lang naman malaman paano sila nagkakilala ni Dheaven. Baka mamaya pinagloloko lang niya akong kakilala niya si Dheaven. Sabihan ba naman akong 'None of your business' edi magsolo siya maghanap diyan. Saka hindi ni
Last Updated: 2023-11-02
Chapter: CHAPTER 18
CIELA's POVHindi talaga ako naniniwala sa salitang Good Morning, pagmulat ko pa lang sa mga mata ko ay masamang balita na agad ang bumungad sa akin.Isa pa itong kapatid ko na gustong-gusto ko ng sabunutan. Alam niyang ayaw na ayaw kong ginigising ako. Hindi niya ba alam na napuyat ako kasi kailangan ko habulin ang mga report na kailangan kong ipasa kay Ma'm. Baka hindi ako maka-take ng final exam kapag hindi ako nakapasa ng report. Bakit naman kasi kailangan sunod-sunod sila magbigay. Hindi naman kami robot, napapagod din naman kami. "Ciela ano ba? kanina ka pa pinapababa ni Mommy. Ano gusto mo kaladkarin pa kita diyan." Lord gusto ko talaga ng katahimikan bakit niyo ako binigyan ng kapatid ganito. Pagbaba ko ay nasa mesa na silang lahat. "Akala namin ayaw mo na bumaba. Hindi ka ba nagulat sa sinabi ko sayo kanina.""Pwede ba? kahit ngayon lang manahimik ka o hindi kaya bumalik ka nalang sa Australia. Naririndi na ako sa boses mo. Tahimik naman buhay ko ng wala ka dito bakit ka
Last Updated: 2023-08-28
Chapter: CHAPTER 17
FRANCYN's POVGusto ko sana silang lapitan, nagsisimula na silang magkasagutan. Pilit na hinahawakan ni Dheaven ang kamay ni Rhaen pero hinihila ito pabalik ni Rhaen. Alam kong nabigla si Rhaen dahil hindi niya napaghandaan ang araw na ito. Hindi ko naman ginustong mabigla siya. Hindi pa siya handang harapin si Dheaven. Gusto ko lang naman makatulong sa kanila pero nakakaramdam ako ng guilt sa sarili ko dahil nasasaktan silang pareho. Hindi ginusto ni Dheaven na iwan ang kaibigan ko pero dahil naipit siya sa setwasyon ng pamilya niya wala siyang ibang choice kung hindi ang lumayo munaSana lang ay matapos ang gabi na ito na maayos ang lahat. Sana maging bukas si Rhaen sa paliwanag ni Dheaven. Kailangan niya iyon. Hindi siya makakausad kung patuloy niyang hahabulin ang sagot sa mga tanong kung bakit siya iniwan ng taong mahal niya.DHEAVEN's POV"Hindi ko gustong iwan ka, dahil alam kong nangako ako sayo na hindi kita iiwan at hindi kita sasaktan.""Pero hindi iyan ang ginawa mo." sag
Last Updated: 2023-07-07
Chapter: CHAPTER 16
FRANCYN's POVIto na ang araw na pinakahihintay ni Dheaven, sana lang maging maayos ang kalalabasan ng pag-uusap nila. Maaga akong gumising at nag-ayos. Nag-message na din ako kay Rhaen na maaga ako pupunta sa kanila mamaya. Dadaan pa kasi ako sa school may ipapasa pa akong project. Kahit gaano ako ka busy sa ibang bagay hindi ko pa din pwedeng kalimutan na isa pa din akong estudyante. Kailangan ko pa din gampanan ang papel na iyon. Ayoko naman madisappoint si Mommy sa akin. Syempre malaki na sinakripisyo niya mapag-aral lang kami ni Ate.Abala ako sa pagcha-chat sa mga kaibigan ko nang may dalawang paa na nakatayo sa harap ko. Nakayuko kasi ako habang naka-upo sa ilalim ng puno. Dito muna ako tumambay sa mini park ng school.Nagulat ako sa nakita ko sabay ng pagkunot ng noo ko."Excuse me? ikaw si Francyn right?" tanong niya."Yes?""Sorry naistorbo ba kita, by the way I'm Allerick but you can call me Ally. Pwede bang magtanong?""Nagtatanong ka na nga e."Sungit pala nito!Bumulong
Last Updated: 2023-06-01
Chapter: CHAPTER 15
FRANCYN's POVKakatapos lang namin mag-usap ni Rhaen sa phone, kinumusta ko siya at ang kalagayan ng Mommy niya. Medyo maayos naman daw ito pero under observation pa nagkaroon pala ng komplikasyon sa baga ang Mommy niya kaya nahirapan na itong makahinga mabuti na lang at naagapan agad at naisugod sa hospital.Ayaw ko na sana ituloy ang pinangako ko kay Dheaven na mag-uusap silang tatlo ng Daddy niya pero kailangan din bumalik ng Daddy niya sa ibang bansa dahil may naiwan pa itong negosyo. Kaya pinakiusapan ko si Rhaen na kung pwede niya ba akong samahan sa friday. Dinahilan ko na lang na may surpresa ako sa kaniya. Hindi ko muna sinabi na nandito na si Dheaven at handa na siyang kausapin. Baka kasi magbago ang isip niya. Noong nakaraan ay parang wala na lang sa kaniya tuwing binabanggit ko si Dheaven o kahit mga kaibigan namin iniisip ko baka naka-move on na siya at hindi na umaasa pa na babalikan siya ni Dheaven. Ayoko din sisihin ang sarili ko kapag nangyari iyon kasi hindi ko aga
Last Updated: 2023-01-24
Chapter: CHAPTER 14
DHEAVEN's POV"Hindi ka man lang nagsabi na uuwi kana pala. Ginulat mo pa ako sa tawag mo." aniya panay reklamo habang sumusubo ng dala kong burger."Ano ba dahan-dahan lang mabubulunan ka, gutom ka ba at ganiyan ka kumain.""Buong araw akong natulog nagulat ako tinawagan mo'ko. Hindi nga ako nakapag-almusal anong oras na alas dos na ng hapon."Kahit kailan talaga ang takaw kumain ng isang 'to hindi naman tumataba."Ikaw nga una kong tinawagan e. Wala ba kayong pasok?""Wala may teacher's meeting kasi kaya bukas pa kami babalik. Anyway ano na ang plano mo?""Kaya nga kita tinawagan kasi hindi ko alam ano gagawin ko para makausap ko si Rhaen.""Teka lang kakain muna ako gutom na kasi talaga ako."Wala talagang pake ang babaeng 'to kahit ang dungis na niya kumain."Oh tissue, punasan mo nga mukha mo. Ang kalat mo naman kumain" sabay abot ko sa kaniya ng pamunas sa mukha.Nakakatuwa talaga siyang tingnan para kasi siyang batang galing sa paglalaro tapos nagutom pagkatapos."Ang alam ko p
Last Updated: 2023-01-23
You may also like
Kahit Sino Ka Pa
Kahit Sino Ka Pa
Romance · Lunayvaiine
11.7K views
Sold To The Devil (Tagalog)
Sold To The Devil (Tagalog)
Romance · Lunayvaiine
11.7K views
Lovin' My Enemy's Daughter
Lovin' My Enemy's Daughter
Romance · Lunayvaiine
11.7K views
Mafias' Runway Fiance
Mafias' Runway Fiance
Romance · Lunayvaiine
11.6K views
Hiding My Professor's Daughter
Hiding My Professor's Daughter
Romance · Lunayvaiine
11.6K views
DMCA.com Protection Status