ANICA
Si Rain ba yun?
Papasok kami ni Aries sa elevator dito sa mall ng biglang bumilis na naman yung tibok ng puso ko. Pero imbes na yun ang bigyan ko ng pansin, yung lalaking napaupo sa sahig yung tinignan ko.
Ng gumilid yung isang lalaki, saka ko lang napagtanto na si Rain nga. Nakita kong naluha siya at nakahawak na sa ulo niya na para bang sobrang sakit nun.
Unti unting nawala yung sobrang bilis na pagtibok ng puso ko at napalitan ng lungkot. Naaawa ako.
Parang unti unti ring nasasaktan yung puso kong nakikita siyang ganyan.
Lalapitan ko na sana siya ng pigilan ako ni Aries. Dahil na rin siguro sa linapitan na siya ng isa pang lalaki at inalalayan nang makalakad papunta sa kung saan.
Tumuloy na kami ni Aries sa elevator pero hindi mawala sa isip ko yung itsura ni Rain.
Dahil na rin siguro sa parang parehas sa nangyari sa'kin yung nangyari sa kanya.
Napabuntong hininga na lang ako at saka pinagdasal na sana maging okay siya. Sumagi rin sa isip ko kung bakit nag aalala ako ng sobra eh nung isang araw palang kami nagkakakilala.
"He'll be fine." Sabi bigla ni Aries pagkalabas namin sa elevator kaya napatingin ako sa kanya. Ano daw?
"You're so easy to read, Lianne. Halatang nag aalala
ka para dun sa lalakikanina." Luh? Nagbabasa na ba ng isip 'tong kasama ko? Ay teka? Ganun ba kahalata?"Tara." Aya niya kaya tumango lang ako.
Pero habang naglalakad, hindi ko maiwasang hindi maisip si Rain. Posible kaya na kagaya nung nangyari sa'kin yung nangyari sa kanya kanina? Posible ba yun? Kung oo, bakit sa lahat ng tao, siya pa?
Hindi ko alam pero para akong hinihila palapit sa kanya mula nung una ko siyang nakita dun sa may registrar's office. Pero yun nga, hindi ko pa siya kilala.
Tsk, ano bang meron? Hanep naman.
"Ako na mag oorder, umupo ka na." Sabi ni Aries at saka ngumiti pa.
Naglakad na siya palayo at ako naman dali daling kinuha yung cellphone ko para matext si kuya.
"Napatawag ka?" Bungad ng sagutin niya yung tawag. "Kuya? Baka pwedeng
ipaano kay ate Andrea kung ano background ni Rain? Curious lang ako.. Kasi kanina nakita ko siya sa may parking nitong mall tapos parang ang sakit nung ulo niya." Paliwanag ko."Concerned now, are we?" Napairap ako ng marinig yung sagot ni kuya Arthur. "Just joking Anica. Sure. Kung hindi busy yung isa pa nating kapatid."
"Thank you kuya." At saka ko na binaba yung tawag.
Nakatanggap naman ako ng text galing kay Fio ng matapos yung tawag.
From: Bestfriend Fio
11:45 AMHoy kamusta ka?
Ang ganda rin ng bungad nito eh.
To: Bestfriend Fio
11:46 AMHoy ka rin. Oks lang. Kasama ko si Aries ngayon.
Ay aba, ang bilis ata magreply. Wala siguro 'tong magawa.
From: Bestfriend Fio
11:46 AMAhhhhh yung crush mo? AYYIEEEEEE
To: Bestfriend Fio
11:46 AMChe! Para namang di mo kasama nung isang araw yung crush mo rin diba? Don't me Fio.
From: Bestfriend Fio
11:47 AMTouché
Sige na. Ingatz Anica. Text ka lang pag masama ulit pakiramdam mo o kung ano.To: Bestfriend Fio
11:47 AMNaks. Sure sure.
Dumating na si Aries na may dalang isang tray ng pagkain at saka ko na itinago yung cellphone ko.
Napatingin ako sa inorder niya at andun yung favorite ko!! OMG SISIG!!
"Pa'no mo nalamang--"
"Best friend mo nasa team ko sa basketball. Ikaw kaya bukambibig nun. So let's just say I remembered a few things about you." Paliwanag niya.Hay nako Fio.
"Magkano pala? I'll--"
"I already paid, Lianne. Wag na. This is on me today."Mama anong meron mama TT_TT
"A-Ahh, sige. Thank you, Aries." Nahihiya ko pang sabi.
Libre niya huhu, naman eh.
Maya maya nagsimula na kaming kumain. Buti na lang tinali ko na yung buhok ko kanina't hindi na hassle. Makalipas ang ilang minuto, dumami yung mga tao sa food court dito sa mall kaya medyo umingay na rin.
Naunang natapos kumain si Aries at di nagtagal, natapos na rin ako. Nagpaalam siyang pupunta muna sa CR kaya tumango lang ako.
Pagkaalis niya, inayos ko naman yung pinagkainan namin pareho para hindi na mahirapan yung mga maglilinis.
Dumating na ulit si Aries at dun na namin naisip na umuwi na. Pasado alas dose na at sabi ko naman kay kuya Art na alas quatro ako mamimili kaya uuwi muna talaga 'ko.
Pinauna ako ni Aries kaya tricycle papunta sa barangay namin yung una niyang inabangan. "You know you don't have fo wait with me. Kaya ko naman." Saad ko.
"I know you can. But I can also wait with you."
Ay hanep. Ayan na naman. Pucha hindi ko alam kung madali lang ba talaga 'kong pakiligin o sadyang nakakakilig talaga 'tong nilalang na 'to.
"Plus, I'm the one who asked for your time today, so this is my way of saying thank you, Miss Melendez."
Ayan na naman huhu, Aries tama na! Yung puso kong bwiset ka, nagwawala na.
Napatingin ako sa kanya. Napatingala pa nga kasi mas matangkad siya sa'kin.
Itim na buhok, naka salamin, matangos ang ilong, itim na mata, mahabang pilik mata at manipis pero mapulang labi na akala mo naglilipstick siya.
Kagaya ng sabi ko kanina lang, naka simpleng shirt and jeans lang siya tapos yung paborito niyang sapatos. Suot rin yung relo na lagi niyang suot.
"Finished admiring me?"
H-Ha? Ay gago.
Napaiwas ako ng tingin at hindi na nagawang itago pa yung pamumula ng pisngi ko.
"Uy joke lang Lianne. Oh, ito na pala." May tumigil na tricycle sa harap namin at sumakay na nga ako.
"Thank you Aries! Ingat ka rin!" Nginitian niya lang ako at pinaandar na nga ni kuya yung tricycle.
Nagsoscroll lang ako sa F******k ng may makita akong account sa People You May Know na naging rason para tumigil ako sa pagscroll.
Rain Romero
Add Friend DeleteRomero pala apelyido niya?
Pinindot ko yung account niya at saka doon nagscroll.
Musically inclined pala siya. Karamihan ng pictures niya either may hawak na gitara, drumstick o di kaya stolen picture na kumakanta siya.
Napatagal ako sa pagscroll at di ko namalayan na nasa harap na pala kami ng bahay kung hindi pa magsasalita yung kuya.
"Ito po. Salamat po!" Sabi ko at ngumiti at bumaba na.
Naglakad na 'ko palapit sa gate at binuksan iyon ng makalapit na 'ko. Mag aala una na ata? Ewan ko rin. Basta ang alam ko napahikab ako.
Hanep inaantok pa yata ako.
Pumasok ako sa bahay at linock yung pinto dahil ako lang andito.
Pagpasok ko sa kwarto, sakto namang tumawag si ate.
Ate Andrea M. calling...
Agad kong sinagot yung tawag at kagaya ni kuya, hindi ata uso kay ate Drea ang hi o hello. Diretso kasi "Nasa bahay ka na?"
"Yup ate. Kakauwi ko lang."
"Who were you with?""Friend ko po, yung SO President.""Oh, okay. Aries right?""Yup. Siya nga ate."Ate Drea naman di ako nainform interview pala 'to.
"Anyway. So Arthur called me an hour ago. You needed information on someone named Rain? Is his surname Romero?"
Luh oo nga pala. Paanong nakalimutan ko yun?
"Opo ate. Nakita ko po f******k account niya kanina."
"Okay so that means I found the right person."Kinilabutan naman ako dun. Nahanap niya agad?
"Rain Romero is the youngest child of Irene and Renio Romero. The owners of the leading business here in the region. Has two brothers, namely Storm and Cloud Romero."
Ay wow naman. Bagyo yung panganay, Ulap yung gitna, Ulan yung bunso.
"The Romero Line of Companies or RLC will soon be managed by Rain's oldest brother, Storm. Rain is said to be a new student at.. Oh? The school you go to. He is also known to be good in music and his goal is to become part of the Healthcare Field. An Opthalmologist to be specific. Known at his former school to be the kind of student who is firm on his decisions and is quite honest with his thoughts and feelings." Dagdag pa ni ate Drea.
"He was.. Oh my. He is reported to have been granted another life for he almost passed away due to a car accident 2 years ago."
Pagkarinig ko nun, nagsimula na namang sumakit yung ulo ko.
That suddenly seems familiar.
Car accident.. 2 years ago.. Rain..
"That's all stated here. Apparently only these are the information available on the database, including the other sites. Since Rain is a child of the couple who's apparently very well-known in the Business Industry."
"T-Thank you A-Ate Drea." Nautal pa 'ko.
"Anica? Are you okay? What's wrong?"
No, hindi ko dapat pag abalahin si ate. Nasa trabaho siya.
"I'm fine. Magpapahinga muna 'ko ate. Thank you for granting my r-request."
"Okay then. Call me if you need anything and please do take care of yourself, Anica."
"Yes ate. Will do."
Ng ibaba ko yung tawag, napaupo ako sa kama at saka nagsimulang huminga ng malalim. Napahawak pa 'ko sa sentido ko.
"Drive carefully.."
"Brakes!""Kuya!"What the.
Parang may pilit na namang inaalala yung utak ko. Pero dahil nga sa pilit, ang dulot nun eh sakit sa'kin.
Napahiga ako sa kama at nakapikit pa rin. At ang huli kong narinig bago ako tuluyang nawalan ng malay ay yung boses ni kuya Art at yung boses sa utak ko.
"The boy's in critical condition. Take him to the hospital before the rain gets heavier."
RAIN
Now where the hell am I?
Ng imulat ko yung mata ko, nagloading pa 'ko sa kung nasaan ako. Unti unti kong napagtanto na nandito pala 'ko sa kwarto ko.
"Anong nangyari? At bakit parang basa 'tong kama ko?" Tanong
ko sa sarili ko.Sakto namang bumukas bigla yung pinto ng kwarto ko at iniluwa nun si Ulap.
"Alam mo ang tulog mantika mo talaga. Pag uwi natin kaninang alas dose ng tanghali sabi mo inaantok ka kaya hinayaan ka namin ni kuya na matulog. Ginigising ka namin kaninang alas tres para kumain, di ka naman nagigising. Binuhusan ka na nga namin ng tubig eh."
Tangina???
Sinamaa ko ng tingin si Ulap na nagpeace sign lang. "Hindi naman na gaanong basa hehehehe~ Alas syete na kaya buti naman gising ka na. Ano na nararamdaman mo?"
Nakatayo lang si Ulap sa pintuan at pinakiramdaman ko naman yung sarili ko.
"Masama pa ba?" Dagdag niya pa.
"Hindi naman na. Saka kung masama pa, pagsisimbahin ko na lang." Seryoso kong sagot.
"Gago. Ano nga?"
Tinawanan ko lang siya na tumayo. "Okay na."
Tumango lang si Ulap at saka na 'ko sumunod sa kanya pababa.
"Teka, si kuya nagluluto?" Tanong ko.
"Sabi ko ako na eh, pero nagpumilit kasi tinuruan daw siya ni ate Zena." Paliwanag niya.
Napailing na lang ako at umupo na kami ni Ulap sa upuan namin sa dining.
"How are you feeling Rain?" Nahulog ako sa sahig at nabilaukan naman si Ulap dahil sa biglaang pagsalita ni kuya mula sa likod ko.
"Ba't ba kasi walang tunog ang yabag mo kuya Storm?" Tanong sa kanya ni Ulap. Bumalik naman ako sa pagkakaupo sa upuan ko at saka tinignan si kuya na naglalagay na ng pagkain sa mesa.
"Believe me I've been wondering about that since the day I learned to walk."
Hinayaan na lang namin yung tungkol dun at kumain na nga. "Naks kuya, improving." Komento bigla ni Ulap. "Well, I am a great student and I have a great teacher." Sagot naman niya habang tahimik lang ako.
"Oh right, Cloud you'll be the one to drive on your first day." Sabi bigla ni kuya. Napasuntok naman sa hangin si Ulap.
"Yezzer, finally! Magkakaron na ng silbi yung driver's license ko." Masayang masaya niyang sabi ng matapos siyang kumain.
"While you, on the other hand," Tingin sa'kin ni kuya bigla. "Have the choice to either go with your brother or commute."
Sanay naman akong magcommute saka paniguradong mabubusy 'tong kapatid kong isa kaya okay na rin yun.
Naglibit balikat na lang ako at tinapos na yung pag kain. Tumulong ako sa pagligpit ng mesa at tumaas na ulit sa kwarto ko.
Saktong pagsara ko ng pinto ng kwarto ko, tumunog yung phone ko. Ringtone ng messenger.
Kinuha ko naman yun agad at saka inunlock at nakitang may gc na kami sa section namin.
At kanina pa pala 'ko minemention.
STEM-2A LUBOG O LAYAG
abcdefghijkl added you to the group
Classmate 1: Ay naks, baguhan?
Classmate 2: Halata naman
Classmate 3: Nice to meet you! @Rain Romero
Classmate 4: Ulan pa nga
Classmate 5: So kung gusto natin siyang paalisin kakanta lang tayo ng rain, rain go away?
Classmate 6: Hoy ba't naman natin yan papaalisin?
Classmate 7: Hi Rain!
Classmate 8: Pwede bang ulan na lang itawag sayo?
Classmate 9: @Rain Romero kapatid ka ni kuya Cloud?
Classmate 10: Ay astig naman, kung oo eh di kapatid rin niya si kuya Storm
Classmate 11: @Rain Romero lapag lapag rin lods
Classmate 12: hi ssob pa accept fr
Classmate 13: Nakakatuwang makilala ka Rain :-D
Classmate 14: @Rain Romero kung andyan ka pakibalibag ng kaldero
Classmate 15: HAHAHAHAHAHSHSHSHAHAHA
Classmate 16: sana all binabalibag
Classmate 17: kingina mo balibag kita sa lunes
Classmate 18: Nagmumura ka na naman
Classmate 17: Nagmamahal din naman ako, di nga lang minamahal pabalik
Classmate 19: awts awts
Classmate 20: is this sign ng hindi pa nakakamove on
Hindi ako sanay na nagrereply o actuve sa kahit anong gc. Pero para na rin hindi sila mag isip ng kung ano ano, nagreply ako.
Rain: Hello.
Yun lang rineply ko at linock ko na ulit cellphone ko. Para akong napagod maghapon kaya inantok ako ulit.
ANICA"Good luck on your first day!"Masayang sabi ni kuya Art bago ako bumaba."Thank youkuya.Magcocommutena lang akopauwimamaya."Pagpapaalala ko."Sure Ani. You know what to do in case something doesn't go right okay? Maytiwalaako sayo. Go on.Mamamalayanna langnatindumatingna yung araw nalalakadka napalabasng school na yan ngnakatoga
ANICASana hindi napansin ni Rain na hindi ako nakatingin sa kanya agad kanina.Feeling ko kasi may mali kanina eh. Hindi ko alam kung dahil ba sa hindi ako agad natulog dahil sa tinapos ko yung libro na binili ko last, last week o naboboang na naman ako.Alam mo kasi yung parang nagshishift yung surroundings? Kanina kasi nahalata ko na parang palapit sa'kin si Rain pero hindi ko muna pinagtuonan ng atensyon kasi nagsusulat pa 'ko dito sa notebook ko na para sa SO and ayaw ko rin namang magpaka assuming o kung ano.Pero nung papalapit na sa'kin si Rain, parang nagbago bigla yung paligid.Para akong nasa ano, yung parang old version ng Bigg's Diner? Yung vintage type
ANICA"Alam mo p're? Lutang 'tong vice president mo buong araw."Binatukan ko nga si Fio gamit yung whiteboard eraser at saka bumalik sa pagsusulag dito sa calendar of activities ng school."I was gonna say I don't know but you already said it so, is that true Lianne?"Tanong ni Aries."Ay wow ah, Lianne. Second name pala ng best friend ko ang tinatawag mo sakanya?"Sambit ni Fio."Sabi niya kasi yan na daw itawag niya sa'kin eh."Sabat ko naman at saka kinapa sa bulsa ko yung takip nung whiteboard marker.Linagay ko na yung marker sa mesa a
RAIN "So it's just us three again." Pagkauwing pagkauwi namin ni Ulap, si kuya Bagyong yung itsura para nga talagang binagyo yung sumalubong sa'min. "Kuya anong nangyari sayo?"Tanong ni Ulap. Si kuya kasi, magulo yung buhok, parang walang maayos na tulog, magulo pa pati yung pambahay niyang suot. "Oh,"panimula niya."Some friends went over this morning until 1pm I think, and we watched por---" "Oh, okay. You're at that age anyway."Lalakad na sana pataas si Ulap ng magsalita ulit si kuya."Hey! It's not what you think! We watched Porcelains fro
RAINI woke up two hours ago.I'm just here on my bed. Wala akong masyadong magawa. Nanghihina pa 'ko at hindi ko na alam kung anong nangyayari sa'kin.An hour earlier, the doctor came and explained to my brothers what they had diagnosed. They said I was having a migraine and I needed to get some more rest or my body will just suddenly give up.That's how they described what happened.Pero parang may mali."Hoy Ulan, anonangnararamdamanmo?"Tanong ng kapatid kong nakatayo ngayon sa tabi ng kama ko. Hindi ako k
RAINThe next day, I wasn't able to go to school. In the morning.Kasama ko dito si kuya Storm buong gabi hanggang umaga. Siya rin yung nagsabi sa adviser ko na hindi muna 'ko makakapasok dahil baka sumakit na naman ulo ko.So I stayed in bed the whole day, surrounded by white walls, white sheets, the dextrose, the sound from the TV my brother decided to turn on for me not to get "bored". Nakaupo lang kasi siya, busy na nagtatype sa laptop niya para sa report niya mamaya maya sa mga business partner nila Dad.He really did take the responsibility which was supposed to be Cloud's or even mine.He disregarded the fact that he wanted to be a surgeon ju
ANICA "Anica seryoso napapa'no ka? Buong araw ka wala sa sarili." Hanggang sa makauwi kami, hindi ko pa rin alam ang isasagot ko kay Fio. Nakaupo siya ngayon aa sahig at ako naman nakahilata sa sofa. Madalas rin naman kasi talaga siya dito, kahit andito mga magulang ko o wala. "Kahit nga si Aries na kumausap sayo parang wala ka sa mood. Eh simpleng kita mo palang dun kulang na lang isipin ng mga tao kamatis na yang mukha mo." Isa pa yun. Kinausap talaga 'ko ni Aries kanina pero alam ko sa sarili kong wala akong naramdamang kilig o kung ano. Something's wrong. Pero hindi ko alam kung ano yung something na yun.
ANICA "BAKIT BA 'KO NAG AALALA NGHUSTO?!" Naihagis ko na yung unan ko sa kung saan dahil sa inis. Naiinis ako pero hindi ko alam kung bakit ako naiinis. Gah! Ayaw ko na! Bakit kasi? Bakit ako nag aalala ng husto sa ulan na yun? Eh hindi nga kami close eh! He's not my friend, just an acquaiantance and I don't worry like this lalo na kung acquaintance lang naman. Pero maghapon akong wala sa sarili, para akong zombie na ewan. Sumipa sipa ako habang nakahiga sa kama at narinig ko na lang na bumukas yung pinto dito sa kwarto ko, pero hindi na 'ko nag abalang tignan pa kung sino yun.
RAIN "Si Anica."Were the first words I uttered as I opened my eyes and for the nth time, the bright white lights of the hospital room I was in welcomed me."Rain, calm down. Who's this Anica?"Tanong ni Kuya Storm. Hindi ko binigyang pansin ang tanong niya at sa halip ay hinanap ng mga mata ko sa Kira. My eyes met with hers and she immediately put her phone in her pocket and stood."Puntahan ko na. Alis lang po ako." I watched as she exited and rushed towards the hall. The pain in my head subsided, but the voices didn't. My mind kept on letting me see these scenarios that were still so foreign that it made me feel like the world was spinning faster than usual. "Grabe ulan, lumalala na yang headaches mo ah? Hindi ka na nga gaanong nagcocomputer eh, tapos maaga ka na ring nakakatulog kadalasan. Ano ba, bumibigla lang?"Asked
ANICANakauwi na kami.Hindi pa 'ko nakakababa sa kotse kahit kanina pa ipinarada ni kuya dito sa garahe. Siguro dahil alam ko na ang sasabihin nila Mom saka Dad. Lalo na si Dad."Hey calm down. Ako nangbahala."Pagpapakalma sa'kin ni kuya. Bumaba na nga kami at pagpasok ko sa bahay, sumalubong ang napakabusy kong mga magulang.Napahigpit yung hawak ko sa envelope na pinaglagyan ko nung form at saka dahan dahang naglakad palapit sa kanila at ilinapag iyon sa mesa. Kinuha yun agad ni Mom at saka napataas ang isang kilay.Magsasalita sana siya ng tapikin ni kuya yung balikat ko at pinataas na 'ko sa kwarto.