ZANEVY FREALIZANAALIMPUNGATAN ako na may tumamang liwanag sa mukha ko. Kinusot ko ang mga mata ko at dahan-dahang nagmulat ng mata pero agad rin akong napapikit dahil sa mataas na sinag ng araw na tumatama sa mukha ko.Nanlaki ang mata ko ng makita kong nakasubsob si Thyme sa dibdib ko kaya hindi ako makahinga ng maayos. Hahampasin ko na sana siya pero hindi ko maigalaw ang braso dahil napapatungan niya pa. Mariin kung ipinikit ang mata ko at bumuntong hininga pero agad rin akong natigilan ng maramdaman kung may mabigat sa tiyan ko.Inangat ko ang ulo ko pero agad ring bumagsak sa unan ng makita ko na si Baby Fria nakasubsob din sa tiyan ko! Napatampal ako sa noo ko dahil kaya pala pakiramdam ko naging estatwa na ako dahil ginawa pa akong unan ng mag-amang ito!“Hoy! Thyme, gising.” Niyugyog ko siya sa likod. Lintik na lalaking ‘to ‘di marunong magdamit! “Ano ba! Kung saan-saan ka sumusobsob!”Inis na tinulak ko ang mukha niya palayo sa dibdib ko ng ilang beses ko na siyang ginising h
ZANEVY FREALIZAMAAGA akong gumising at naghanda ng masarap na almusal. Inihanda ko ang mga niluto kong fried rice, bacon, ham, tuna sandwich and cereal—for baby Fria.Nagtimpla ako ng kape ng marinig ko ang yabag pababa kaya dinala ko na sa mesa ang kape. Ngumiti ako ng pumasok si Thyme sa kitchen habang tinutupi hangang siko ang mangas ng suot niyang itim na long sleeve.“Good morning, naghanda ako ng almusal. Kumain ka muna bago umalis.” Nakangiting inilapag ko sa mesa ng tasa. “Saan ang lakad mo?” Nilapitan ko siya at inayos ang gusot niyang kwelyo.“I have an important meeting with my client.” Namulsa siya at tumingin sa akin. Hindi ko maiwasang hindi mailang sa titig niya pero pinanatili kung ngumiti. “Ganu'n ba? Sige, nakahanda na ang breakfast.” Natigilan ako ng dumapo sa bewang ko ang kamay niya. Nagbaba ako ng tingin sa kamay niya bago ko siya tingnan na may pagtataka. “You are more beautiful when you are in the good mood.” Tinaasan ko siya ng kilay at pinag-cross ang bras
NAGKALAT ang bubog at sira-sirang gamit sa malawak na sala. Mga vase, baso at picture frame. Kung ano ang mahawakan niya ay siyang ibabato niya sa matinding galit na nararamdaman.“Walang lugar ang mga pakialamero sa mundong ito!” Galit na sinuntok nito ang center table na gawa sa salamin dahilan para mabasag ito at maglikha ng malakas na ingay.“Sisiguradohin kung nalalapit na ang kamatayan mo, Sandoval!” Walang mapaglagyan ang galit niya ng malaman na kumikilos ang kaniyang kalaban na si Thyme Sandoval para mahanap kung sino ang pumatay kay Mayor Acosta. Bago pa man nito malaman ang totoo sinisiguro niyang sa hukay ang bagsak nito!“Anong nangyayari dito?” Isang malakas na boses ang pumuno sa buong sala. Napatingin siya sa gawi nito. Inilibot ng bagong dating ang mata sa buong paligid bago itinutok sa kaniya ang nakakamatay nitong tingin.“Kung magkakalat ka sa pamamahay ko mas mabuti pang bumalik ka na sa pinangalingan mo kung ayaw mong dugo mo ang kumalat!”He smirked. “Bago mo
THYME XENONKUMUNOT ang noo ko ng wala akong makapa sa tabihan ko. Tumihaya ako sa kama at hinanap ang mag-ina ko. Bumangon ako ng wala sila sa tabi ko. Agad akong napatingin sa kabilang gilid ng marinig ko ang bumabagsak.“Putangina mo! Gago ka, Thyme!” Singhal ko sa sarili ko ng makitang ang anak ko ang na hulog sa sahig. Gusto kung suntok ang sarili ko sa kapabayan na ginawa ko.Agad akong bumaba sa kama sa kasamaang palad na patid ako ng kumot kaya bumagsak ako sa tabihan ng anak ko.“Shit.” Kamuntik-muntikan ko pa itong madaganan mabuti na lang dumapa ito bago ako bumagsak. Nagulat ito sa pagbagsak ko pero ng makita ako ngumiti.“Huh?”Napangisi ako ng makita siyang nakangiti at ng makita akong ngumiti humagikhik ito. Gumapang ito palapit sa akin at isinandal sa dibdib ko ang ulo niya habang mahinang tinatapik niya ang dibdib ko na para bang bata na pinapatahan niya.Napangiti ako sa ginagawa niya. Inangat ko ang ulo ko at ginawaran ko siya ng halik sa gilid ng noo. Dahan-dahan k
MABILIS na lumabas si Thyme sa kaniyang pinagtataguan upang kunin ang kaniyang anak sa loob ng back compartment. Tumakbo siya papunta sa sasakyan niya pero may kamay na pumigil sa kaniya kaya agad niyang sinuntok at sinipa si Paul.“Sasabog ang sasakyan mo!”“Nasa loob ang anak ko!”Mabilis na tumalon si Paul upang pigilan si Thyme sa paglapit sa sasakyan nito. Sabay silang bumagsak sa damuhan at nagpagulong-gulong kasabay ng malakas na pagsabog ang sasakyan ni Thyme at lumipad pa ito sa ere na pira-piraso habang tinutupok ng apoy.Nanlaki ang mata ni Thyme at wala siyang ibang nakikita kundi ang naglalagblab na apoy. Nanghihina siya at kusang bumagsak ang mga tuhod niya sa damuhan kasabay ng isang butil ng luha sa kaniyang mga mata at kuyom na mga kamao.“B-Baby...”Ang bigat ng kaniyang dibdib at pakiramdam niya'y sinasakal siya na hindi niya magawang makahinga ng maayos. Hindi niya nagawang iligtas ang anak niya. Hindi niya na
HINDI pinatagal ang burol ni Baby Fria at kinabukasan rin ihahatid nito sa huling hantungan. Thyme take of everything and he doesn't want his daughter to be imbed. He want his daughter to be free like an angel who can fly high freely. Nasa gitna sila ng karagatan sakay ng isang mamahaling yate na pag-aari ng Sandoval. Dito sa lugar na ito napili ni Thyme na pakawalan ang abo ni Baby Fria.Everyone is present. Zanevy, Thyme together with his twins and cousins. Love and Thyme's parents are also present to this farewell ceremony to their lovely angel.The father is starting the ceremony. Everyone was fucos on the father expect Zanevy who keep on crying silently and still processing in her mind. Hindi niya gustong maging madaliin ito pero wala siyang magagawa. Thyme decided everything himself. Hindi man lang nito pinaalam sa kaniya o kaya pasabi man lang sa gusto nitong gawin para sa anak nila.He handle everything like his just the one who lost a ch
ZANEVY FREALIZADALAWANG linggo na ang nakalipas mula nang mawala si Baby Fria. Araw-araw akong nangungulila sa anak ko. Gabi-gabi akong umiiyak. Walang minuto na hindi ko siya inisip para akong mababaliw sa kada pagpikit ng mata ko nakikita ko siyang umiiyak. Nadudurog ang puso ko sa madilim na sinapit niya pero mas nadudurog ako sa ginawa ng Daddy niya.May kumatok sa pinto ng library. Pinatid ko ang luha ko at inikot ang swivel chair para harapin kung sino ang dumating. Bumukas ang pinto at bumungad sa akin si Ivan. Tumango ito at itinaas ang hawak niyang envelope. “Nakuha ko na.” Naglakad siya papalapit sa akin. “Nandito na lahat nang kailangan mo, sabihin mo lang kung may kailangan ka pa.” Inilapag niya sa desk ang envelope. Nagbaba ako ng tingin sa envelope at muling tumingin sa kaniya bago ito kinuha. Binigyan ko siya ng tipid na ngiti. “Salamat.”Natigilan ako sa pagbukas ng envelope nang hawakan ni Ivan ang kamay ko. Tiningnan ko ang kamay naming dalawa bago ako nag-angat n
ZANEVY FREALIZASA KALAGITNAAN nang pag-iisip ko. Nahapit ng mata ko ang bulto ng lalaki hindi kalayuan sa akin. Hindi ko ito pinansin kahit na ramdam ko na sa akin siya nakatingin. Hindi ko nga namalayan kung paano siya napunta dito at kung kanina pa ba siya diyan.Tinuyo ko ang pisngi ko at bahagyang inilis sa kaniya ang mukha ko upang hindi niya mapansin. Baka kung ano pa ang isipin niya na ginagawa ko. Tahimik siyang umupo ito sa tabihan ko. “How are you doing?” I feel the concern in his voice.Walang emosyong nilingon ko siya. Nakatutok ang mata niya sa kabayong nasa harapan namin ni hindi siya lumingon sa akin. Ano bang pakialam niya? Hindi ba pumunta siya dito para kay Grace pero bakit siya nandidito?“Anong ginagawa mo dito?” I asked coldly like I don't want him to be there. “Gusto mong malaman? Hindi na katulad ng dati at hindi na maibabalik pa sa dati. Mas tahimik nga lang kaysa noon pero hindi ko rin masasabing masaya dahil masakit ang mawalan ng anak.” I smile bitterly.H
Finally, ITMH officially reach the finished line.To the person who take time to read IMPREGNATING THE MAFIA HEIR until the end, thank you so much.To the person who sent gems, comment and recommend this story, thank you so much!There's a lot of typical, grammatical and whatsoever error it is, thank you for understanding and criticism, I appreciate it.To everyone of you, thank you very much for the love and support. No word can explain how gratitude to all of you. Thank you for being part of my writing journey!I will work hard to develop, improve and learn more for the better!See you on my many more upcoming stories!Sincerely,Black_JaypeiFacebook: Jaypei Smith WPGmail: blackjaypei20@gmail.com
THYME XENON “Daddy, bye!” Nanlaki ang mata ko ng mag-overtake sa akin si Empress. Bumitaw pa siya sa manibela ng motor at pinatalon ito. Bumuga ako ng marahas na hangin dahil siya lang talaga ang nakakapagpakaba sa akin ng ganito katindin pagdating sa race track. “Slow down!” Paalala ko sa kaniya. Yes, she's a racer at the age of 4. Pinatunayan niya sa akin na hindi ko kailangan magkaroon ng anak na lalaki dahil kahit babae siya kayang-kaya niyang gawin ang mga bagay na ginagawa ng lalaki. “Yeah! I did it, Daddy!” “Wow! That's my Empress! Give me, five! High five!” I chuckled. As her Dad, I'm so proud of her. She have my full support and I give her everything she needs and want to. Nagkakaroon kami ng argument ni Zane pagdating sa kaniya pero sa huli masusunod kung ano ang gusto ni Empress. Zane want her to act like a normal little girl at her ages who loves studies, making friends with other kids and also be a good girl just like her sister Fria. At the ages of 4 she have
THYME XENONAs I left my home for work. My heart is broken into pieces. Seeing my daughter's crying and begging not to leave is the least I can't imagine. May my wife won't stop me but I know deep inside she doesn't want me to left too just like how I don't want to be away from them.Hindi ako pumayag na ihatid nila ako dahil ayoko na magbago pa ang isip ko na hindi tumuloy ngunit kahit hindi nila ako hinatid ramdam ko 'yong bigat ng paa na ayoko ng humakbang palayo sa kanila.I don't want to leave anymore but I can't escape to my responsibility as a grandchild of Maximo Sandoval. I'm one of his heir that I need to take care of the family legacy and got what is belong to mine.“Ako na ang bahala sa mag-ina mo, aalagaan ko sila para sa'yo sa ganitong paraan magawa ko man lang sa mag-ina mo ang bagay na hindi ko na gawa sa asawa ko.” Inakbayan ko si Tristan. Alam ko ang pinagdaanan niya at kung may magagawa man lang ako para sa kaniya gagawin ko. Hindi ako nagdadalawang-isip na ibigay a
ZANEVY FREALIZA Hindi ko maintindihan ang lalaking 'to, sobrang close na siya kay Fhara kaysa kay Fria. Ilang taon na si Baby Fria, kahit kailan wala akong natatandaan na pinagbuhatan ko siya ng kamay, napagsasabihan oo.Masamang tingin ang itinapon ko kay ng lumingon ito sa amin. May isinuot itong bracelet kay Baby Fhara, may bago na naman siyang ibinigay sa bata. Imbes na si Baby Fria ang tingnan niya inuna niya pa si Baby Fhara na regaluhan. At mas concern pa siya sa bata na wala naman akong ginagawa.“It suit you, My Empress Baby.” Umupo siya sa tabihan ko at hinaplos ang pisngi ni Baby Fria. Inilabas niya ang tatlong lollipop kaya kuminang naman ang mata ni Baby Fria. “Thank you, Daddy.”“Ang aga mo naman yata.”“Don't cry, my prince—op! Ops! No, don't do that.” Mabilis na tumayo si Thyme ng aabutin ni Baby Fhara ang buhok ni Baby Fria. Ito namang baby ko na 'to obsess sa buhok nitong Ate niya palibhasa curly ang sa kaniya tulad ng sa Daddy niya. “Ang hilig mong hilain ang bu
ZANEVY FREALIZA Maghapon siyang nasa bahay at ang attention niya kay Baby Fria. Akala ko pa naman nagbago na ang tingin niya kay Baby Fhara pero sa tingin ko ganu'n pa rin ng dati. At mayroon na siyang bagong pamilya na mas mahahati ang oras niya.Pagkatapos kumain ng dinner umakyat na ako sa kwarto. Iniwan ko silang mag-ama na naglalaro at naliligo sa pool. Inasikaso ko si Baby Fhara. Nilinisan ko siya at pinalitan ng damit pantulog. Dinala ko siya sa veranda.“Yakapin mo ako ng mahigpit, baby ko, kailangan ni Mommy ng strength ngayon.”Umiiyak na hinalikan ko ang noo ng anak ko. Niyakap ko siya ng mahigpit dahil pakiramdam ko mauubusan ako ng lakas kung hindi ko mailalabas ang luha na kanina ko pa tinitiis.Alam kung masakit at mas masakit para sa mga anak ko na malaman nila ang bagay na 'yon. Ayoko na magbago ang tingin sa kaniya ni Baby Fria kaya mananatili siyang mabuting ama sa mata ni Baby Fria hangga't kaya kung magtiis para sa kanila, gagawin ko.“Can you see the moon, baby?
ZANEVY FREALIZA Tatlong araw pang nanatili sa hospital si Baby Fhara bago naka-uwi sa bahay. Hindi ako umalis sa tabi niya at wala akong ibang gusto kundi ang makita na gumaling siya ng tuluyan.Hindi rin na wala sa tabi ko si Bea na palagi kung kasama sa hospital at nag-asikaso ng lahat ng babayaran. Malaki rin ang na gastos ko mula sa pera ni Thyme ngunit saka ko na iisipin kung paano ko ito maibabalik kapag magaling na ang anak ko.Bumisita si Mama ng malaman ang nangyari. Nakakapagtaka nga na hindi niya kasama si Paul pero na iintindihan ko ito dahil abala sa company. Ang parents naman ni Thyme ay agad na pumunta kasama si Thyne kahit na galing pa sila sa ibang bansa. Sila pa mismo ang naghatid sa amin pa uwi sa bahay dahil discharge na si Baby Fhara ng makarating sila.“Zane, kumain ka na muna...” Nilingon ko si Bea at sininyasan ko siya na wag maingay at sumenyas ako na susunod ako. Kanina pa tulog si Baby Fhara sa bisig ko pero ayaw ko itong ilapag dahil gusto ko siyang pagma
ZANEVY FREALIZAMabilis akong bumaba ng sasakyan niya at pumasok sa loob ng bahay. Nakasalubong ko ang isang worker kaya inutusan ko itong kunin ang pinamili ko sa sasakyan ni Thyme.Pagpasok ko sa loob ng bahay. Nagulat ako sa sunod-sunod na putok ng confetti. Nayakap ko pa si Baby Fhara dahil akala ko kung ano na ito 'yon pala ang apat na binata.“Happy birthday, Fhararaaa!” Nag-uunahang sumalubong sa amin si Thyne at Tahn na sila may kagagawan ng kalat sa sahig. Si Tristan naman tahimik sa gilid habang si Travis naman may hawak ng round milk cake na mayroon pang baby bottle sa itaas.“Ang aga niyo namang dumating.” Puna ko sa kanila at pinahid ang luha na naglalandas sa pisngi ko. Natigilan naman si Tahn at Thyne pero ngumiti ako sa kanila.“Excited kaming makikain, eh!” Pinisil ni Thyne ang pisngi ni Baby Fhara. “Hello, Baby Fharara! Ang ganda naman this baby in pink! Teka... Bakit na sobrahan naman sa puti?”“Oo nga coz! Kitang-kita naman sa mukha na Thyme na Thyme ang dating p
ZANEVY FREALIZAUmuwi nga kaming mag-ina sa rancho na hindi siya kasama. Hindi na rin namin napag-usapan pa ang nangyari. Nag-uusap kami ng maayos hindi nga lang kasing sweet ng dati. Inisip ko rin na ayos na 'yon na nasa malayo siya para hindi ko nararamdaman 'yong pakiramdam na may ayaw siyang makasama sa aming mag-iina niya. Hindi ko inilalapit sa kaniya si Baby Fhara pero hindi ko rin inilalayo, sadyang ginagawa ko lang ang tama na alam ko na makakabuti para sa anak ko. Sa tuwing pumupunta siya dito sa rancho si Baby Fria lang ang sadya niya at hindi ko nilalabas sa kwarto si Baby Fhara para naman hindi siya magalit na makita ang anak ko. May kirot sa dibdib ko na wala talaga siyang ka amor-amor kay Baby Fhara.“Zane, na saan ang bata?” Natigilan ako sa pagliligpit ng laruan ni Baby Fria dito sa nursery room. Napapikit ako bago ko siya nilingon na nakasandal sa nakasarang pinto.“Bakit mo hinahanap? Hindi pa siya marunong gumapang kung iniisip mo na malalapitan ka niya.”“Sa tu
ZANEVY FREALIZA“Manganganak na ako!”Ito na ang araw na pinakahihintay ko at the same time natatakot ako. Maaring ibang karanasan na ang nadanas ko sa pangalawang beses kung pagbubuntis na mas masasabi kong madali pero hindi mawala ang kaba sa dibdib ko habang nakahiga ako sa stretcher na itinatakbo papunta sa delivery room.Punong-puno na ng pawis ang buong katawan ko at ramdam ko ang matinding pagod dahil sa pag-ere ko at the same time sobrang sakit ng buong katawan ko na parang hinahati ako sa dalawa.“Push, Mommy, push!” Sinunod ko naman ang utos ng doctor.“One more, big push mommy. Ayan na si Baby. Push!” Mahigpit akong napahawak sa magkabilaang gilid ng unan ko at inipon ko ang buong lakas ko para umere.“Ahhhhhhhhh!” Wala akong ibang nasa isip kundi ang maisilang ko ng ligtas ang aking anak. Hirap na hirap na ako pero kinaya ko na isilang siyang normal delivery. Sumilay ang ngiti sa labi ko at hindi alintana ang pagod at hirap na pinagdaanan ko ng marinig ko ang iyak ng anak