Belyn “Baby, gising na. Kanina pa nakahain sa dining ang Nanang Luisita. Hinahanap ka na rin ni Daddy,” naulinigan ko salita ni Aaron, nakayakap sa aking likuran ngunit dinadaig ako ng antok, kaya naman hinayaan ko lamang siyang nakayakap sa akin at hindi ko pinagkakaabalahan siyang lingunin. Kahit nga nakikiliti ako sa init na tumatama sa aking batok dahil sa kaniyang hininga. Hindi ko pa rin siya pinapansin dahil mas nanaig ang kagustuhan kong matulog na lamang sa oras na iyon. Naulinigan kong mahinang tumawa si Aaron muli akong ginigising. “Misis, hinahanap ka na ni Daddy. Iniwan ko lang siya sa kitchen sabi ko pupuntahan kita rito,” aniya at ayaw akong tigilan pabiro pa akong hinalikan ng may gigil sa batok ko akala uubra ang pang-iistorbo niya sa akin. “Mrs. Chong, kapag ayaw mo, bubuhatin na lang kita palabas ng kwarto mo," pagbabanta pa ni Aaron. “Kanina ka pa?” inaantok kong tanong sa kaniya kahit nakatalikod ako. Bahagya akong dumilat, pagkatapos ay naisip kong hu
Belyn “Daddy, sure po kayo ayos ka na?” tanong ko sa kanya ng umaga pinuntahan ko sa living room dahil uuwi na kami ni Aaron. Nasa sala kasi si Daddy nanood ng morning news. Kasama niya si Ate sa sala. Umupo na muna ako sa tabi ni Daddy tila akong bata maglambing sa ama ko. Yumakap kasi ako sa braso niya at humilig sa balikat nito. Nakamimiss pala ang ganito. Nagagawa ko lang kasi ito noon ang ganitong maglambing sa Daddy ko noong ako'y elementary pa. Natatawang inakbayan ako ni Daddy, kaya sumandal pa ako sa dibdib niya. “Oo naman anak. Kahit naman gustuhin kong dito kayo manirahan ng asawa mo at apo ko. Hindi naman maari ang aking nais kasi may sarili ka ng pamilya,” aniya. Pauwi na kami sa condo ni Aaron, ngunit dadaanan muna namin si Benesha sa bahay nila Aaron, bago umuwi sa condo. “Ganito na lang po dalasan ko na lang ang pagpunta rito para hindi ka malungkot, dad,” wika ko pa sa kanya. “Paano nasa office naman ako. Sabi mo naman kapag Sabado at Linggo. Sa bahay kayo ng
Belyn Mommy! Bulong ko at mabilis akong bumaling ng tingin kay, Aaron. Upang pakiusapan ko itigil niya sandali ang kotse. “Aaron," wika ko. Hindi ko nasabi agad kay Aaron dahil ang aking paningin naroon pa rin kay Mommy, na busy may kausap ito sa phone. Napamulagat ako muli kong tinawag si Aaron, kasi humarap na si Mommy at tama nga ang aking hula, dahil siya iyon seryoso sa kausap nito sa phone. “Aaron,” Ngumisi pa si Aaron, hindi agad nito napansin ang aking pakay sa kaniya tapos tinukso rin ako akala nakikipag asaran pa rin ako sa kaniya. “Sabi ko na e, nahuhulog na talaga ang maganda kong Misis, sa ka-guwapuhan ko nahihiya lang umamin sa akin,” aniya masaya ang boses. “Hindi iyon,” wika ko pa. “Eh, ano na pala bakit dalawang beses mo na akong tinawag?" tanong nito at kumunot na ang noo niya, dahil sa aking pagmamadali. Hinawakan ko siya sa braso at hinila ang manggas ng t-shirt nito kaya naman nagsalubong ang kilay nito. “Ayaw mo ng biro ko?” nagtanong pa napak
Belyn Mahabang katahimikan ang namayani sa pagitan namin ni Aaron, ng bumalik kami sa loob ng sasakyan. Kahit ng mag-umpisa n'yang patakbuhin ang kotse, tahimik lang kaming pareho. Lihim akong napangiti. I remembered what Mommy said earlier. Umasa talaga ako na nagbago na ito at totoo ang paghingi niya ng sorry sa akin. I chuckled to myself. Slight akong na hurt sa binitawang salita kanina ni Mommy, ngunit sanay na ako dati pa kaya mabilis ko lang iyon natanggap. “Is there a problem?” Aaron asked me. Umiling ako, humugot naman siya ng hangin. At pagkatapos inalis niya ang isa niyang kamay na nasa manibela. Kinuha ang kaliwa kong kamay pagkatapos ay pinagsalikop niya iyon. “Nakikita ko kung gaano mo kamahal si Mommy Vilma. Kaya lang siya na kasi mismo ang ayaw maging parte ng inyong pamilya. Alam ko nasasaktan ka, baby. Nakikita ko sa iyong mga mata ang kagustuhan kanina makumbinsi na bumalik si Mommy Vilma, sa bahay n'yo," tumigil sandali si Aaron, pagkatapos ay bumuntonghinin
Belyn “Benesha, ‘wag mong guluhin ang trabaho ni Daddy, ha?” bilin ko sa anak ko bago kami umalis nila Ely. Sinilip ko sila ni Aaron, nasa loob ng office nito dito lang din sa loob condo unit namin. May mini office kasi ang asawa ko, na ngayon ko lang din talaga ito nasilip kung ano ang hitsura. Sii Benesha, binitbit pa ang isang timbang laruan na galing sa Mommy Eulyn, mga kitchen utensils. Bago raw ito sabi ni Ely, kasama sa binili nilang gamit sa school. Hayun nga ikinalat na sa sahig nag-umpisa na maglaro si Benesha. Usapan na pala nila ng Tita Ely, hindi raw siya sasama dahil pang oldies daw ang lakad namin. Hindi rin daw talaga sasama kasi wala ang Daddy Aaron niya, kapag napagod daw siya. Walang kakarga. Lumapit ako kay Aaron, agad din naman ako nito hinila sa baywang gamit ang kaliwa braso at ang isang kamay nasa laptop nagtra-trabaho. “Baby, ako na ang bahala r’yan sa anak natin. Lakad na kayo at ‘wag magpapaabot ng alas-singko ng hapon.” “Yes, boss,” saludo ko pa kay
Belyn Nang matapos ko makausap si Aaron. Tumawag naman sa bodyguard na kasama namin. Nakikinig kami parang maraming bilin ang asawa ko sa tauhan nito kasi hindi matapos-tapos ang patango-tango habang kausap ang asawa ko sa kabilang linya. “Ma'am Belyn. Oo raw sabi ni boss Aaron. Hindi na kami didikit,” sabi nito lumingon sa amin pagkatapos niyang mag-usap si Aaron. “Ayun! Mabuti naman pumayag si Kuya,” saad pa ni Elysa, parang nabigyan ng kendi sa tuwa. “Kapag talaga si, Ate Belyn. Tiklop iyan si Kuya. Kumander na niya ang kalaban kaya wala siyang magagawa kun'di sumangayon,” sabi pa ulit ni Elysa. “Pansin ko nga, Ely,” sumagot si Kuya Boyong. “Hindi naman po, Kuya Boyong,” laban ko sa sinabi nila ni Ely, ngunit nangingiti lang sa aking sinabi sa kaniya. “Dati pa iyan tinamaan si boss,” “Anong tinamaan?” si Rhonda ang nagtanong. “Tinamaan ng pana ni Kupido,” “Ah okay, lilinawin mo kasi,” pilosopo sagot dito ni Rhonda. “Ikaw talaga Rhonda, nanahimik si Kuya…ano pala ang pang
Belyn“Basta tatawag ako sa 'yo soon, kailangan ko lang talaga bumalik sa mga kasama ko baka hinahanap na nila ako. Mamaya niyan bigla akong ipa anunsyo rito sa mall na nawawala,” biro ko pa kay Kianna, na kina halakhak nito. Itinuro ko ang pinto. “Lalabas na ako ha? Masaya ako nagkita ulit tayo. Totoong kaibigan ang turing ko sa inyo kahit hindi kayo naging totoo sa akin.”Natulala si Kianna ng bumungisngis ako.“Kianna, sineryoso mo naman,” naaliw kong saad sa kaniya. Talaga nga nawala na ang maldita nito noon na ugali.“Nakaraan na iyon tsaka mga bata pa tayo noon, kaya siguro madali tayong maimpluwensyahan ng mga taong nakapalibot sa atin kaya madali tayong magtiwala. See you soon, Kianna,” ani ko at humakbang na.“Maya-maya na ako ng konti. Nandoon sa labas ang asawa at dalawa kong anak, retouch muna ako,”Napatigil ako muling humarap sa kaniya. “Dalawa na ang anak mo?”“Oo, eh,” parang nahihiyang sumagot.“Huy! H'wag kang mahiya. Natutuwa lang ako kasi dalawa na ang anak mo. Mas
BelynAko na mismo ang lumapit kila Kianna, dahil nakikita ko nahihiya silang dalawa. Ngayon pa sila tinubuan ng ihiya. Kung kailan tinawag na nila ako, edi sana nagtago na lang sila kung gano'n lang pala ang mangyayari.Kasing edad pala ni Benesha ang panganay nito at same babae. Alangan, ano ba ang naisip ko, of course same age talaga kasi nabuo nga noong party ni Gian. Natural kaedaran din ni Benesha, ang panganay ni Kianna.Pero masaya ako para sa dating kaibigan at dating katipan. Kasi sa kabila ng nangyari kay Kianna. Buo siyang natanggap ni Darrel. Despite that, it wasn't Kianna's fault that she got pregnant without knowing the father of her child.Biktima lang siya ng mga taong ganid at hayop na pag-uugali. May mga tao talaga, hindi natatakot gumawa ng masama. Basta makuha lang ang tanging hinahangad na interest. Masagasaan na ang masagasaan, matupad lang ang maitim na balak.Nag-wave ako ng kamay ko nang makarating ako sa harapan nila. Inirapan ko pa ang hindi makatingin sa
Aaron “Hello, Rodel? Nariyan ka ba sa sasakyan?” Kanina pa ako tumatawag ang tagal nitong sagutin. Nasa elevator na ako pababa ng ground floor. Magpapasama kasi ako rito maghanap ng gusto ni Misis. Ilang gabi na ba akong puyat. Ito pinahihirapan sa paglilihi ng asawa ko. Ngunit hindi ako mapapagod na sundin siya at pagbigyan ng bawat pagkain na hilingin nito. Kanina kasi inaantok pa ako at tinatamad akong bumangon muntik pa magalit ang Misis ko. Isang oras pa kasi ako noon nakaiidlip. Dahil nga sa pinabili niyang dalandan na hindi rin naman pinansin ng ako'y dumating. Iyon ang iniiwasan ko magalit ‘to dahil part ng paglilhi ang papalit palit nitong mood, at wala akong reklamo kahit saan niya pa ako utusan. Kahit pa makarating ako ng Visayas at Mindanao. Kung ang hilingin nito roon mabibili ang pagkain na gusto ni, Misis. Handa akong magtungo roon para lang paluguran ito. “Boss pambihira ka naman ang sarap ng tulog ko binulabog mo,” halatang kagigising lang ni Rodel. Napangi
Belyn “Ate Tala, sure ka Ikaw na ang susundo kay Benesha?” tanong ko kasi malapit ng eleven AM. Iyon ang labasan ni Benesha. “Oo naman ma'am Belyn. Kerebels ko kahit nga lakarin ko okays lang,” “Hindi ate, nasa baba lang si Kuya Rodel. Ihahatid ka at ganoon din pabalik, si Kuya Rodel pa rin ang driver n'yo. Kung hindi nga lang ako nahihilo ako na sana ang susundo,” wika ko sa kaniya. Umuwi na kasi kami kahapon dito sa condo unit ni Aaron. Gusto ko na kasi makapasok na si Benesha. Pumayag naman si Aaron kung ano raw ang gusto ko. “Hindi ba uuwi si Sir Aaron?” tanong ni Ate Tala bago kumilos. “Uuwi iyon. Ang asawa ko pa hindi iyon makali kapag hindi rito kumain ng tanghalian,” sabi ko sa kaniya. “Inlove eh. Pero hindi ka sumasama sa office ni Sir,” sabi pa ni Ate Tala. “Naku ate. No ang sagot ko r’yan. Baka walang matapos na gawain ang amo mo kapag sumama ako. Palagi nga ako niyaya tumatanggi lang ako.” “Ang ganda at sexy mo kasi Ma'am Belyn. Palaging nag-iinit si Sir Aaron sa
Belyn“Woah! Thank you Mrs. Chong,” wika pa ni Aaron at muli niya akong niyakap.“Aaron!” sinuway ko ng umangat ang paa ko sa sahig dahil pinangko na niya ako dinala sa kama maingat na ibinaba.Sinamaan ko siya ng tingin kinindatan lang ako ng masaya kong asawa. Dumukwang hinalikan ako sa noo."I love you," may ngiti sa labi bigkas nito.“I love you too, Mister. Pero nakalimutan mo hindi ka pa nagbihis ah!”“Kailangan pa ba iyon, baby. Kung aalisin ko rin naman ‘to? So bakit kailangan pa?” tugon nito hindi na ako binigyan ng pagkakataon na makasagot dahil siniil na ako ng halik sa labi ko.Nakangiti kami pareho ng umpisa hubairin ni Aaron ang sarliing saplot. Hindi ako kumurap. Pinanonood ko ang bawat galaw nito hanggang sa boxer na lang ang matira.Pagkatapos niya alisin ang kaniya sinunod ang akin wala ni isang itinira. Nang maalis lahat ng damit ko bumaba ang mukha ni Aaron sa impis ko pang tiyan. At buong puso niya iyon hinahalikan parang kinakausap pa niya ang parating namin baby
Aaron Katatapos lang ng meeting isang oras ang nakalipas. Bored na ako sa office ko. Naisip kong tawagan ang Misis ko, baka sakaling ganahan ako sa tambak kong pipirmahan na papeles sa aking harapan. Gusto ko lang marinig ang boses nito inspiration para mabawasan ang pagkabagot ko hanggang oras ng uwian. Dinampot ko ang phone ko nag-dial sa number ni Belyn. Ngunit hindi nito sinasagot ang tawag ko. Dammit! Ayaw naman sagutin ng asawa ko. Nagsalubong ang kilay ko kasi hindi talaga nito sinasagot. Alas dos y medya na ng hapon malapit na rin naman akong umuwi. Hindi ako mago-overtime. Five PM uuwi na ako subalit kapag ganitong walang sagot ni Misis, hindi ako paabot ng alas singko. I can't stand not hearing my wife's voice. OA na kung OA. I adore listening to her lovely voice. Kung p'wede nga lang kasama ko siya palagi iyon ang gagawin ko. Sila ng pamilya ko ang tanging lakas ko. May kumatok sa pinto. Sinamaan ko ng tingin. Hindi ko pa nakakausap si Misis, istorbohin ako ng tao sa
Belyn Pagkaalis lang ni Aaron, bumalik din agad ako sa k'warto dahil nakaramdam ako ng hilo. Balak ko, sandali lamang akong hihiga kasi ayain ko si Ate Tala lumabas, ngunit hindi ko akalaing nakaidlip ulit ako. Nang hindi lang maayos ang aking paghiga sa kama. Pero kasya naman ako pahalang na higa dahil nga king size bed ang kama namin ni Aaron. Kahit hindi ako umayos ng higa hindi lalampas ang paa ko sa kutson. Natuwa ako paggising ko. Kasi bumuti na ang pakiramdam ko. Mabuti na lang kumain na kami ng tanghalian kanina bago umalis ang asawa ko. Kun'di mag-aantay ang biyenan ko hanggang ako'y magising bago sila kumain. Kahit nga maligo hindi ko pa naisagawa kasi natulog kami ni Aaron at paggising naman nito siya ang una ko pinaligo kasi papasok pa ng trabaho. Bakit ang tamad ko yatang kumilos? Dati kay Benesha hindi ako ganito. Hindi kaya lalake na ang sunod naming baby. Nahaplos ko ang impis ko pang tummy. Kahit ano naman mahal na mahal ko na siya kahit hindi ko pa siya mas
BelynNagising kami ni Aaron bandang alas-onse ng umaga. Nasa CR lang ang asawa ko naliligo. Habang nasa loob pa si Aaron ng banyo. Hinanda ko na rin ang isusuot niya pampasok sa office niya. Nang makapili ako. Nilatag ko na sa kama ang ternong tuxedo ni Aaron, inantay ko siyang matapos maligo at umupo muna ako sa gilid ng kama namin.Habang nag-aantay akong makatapos siya sa pagligo. Kinalikot ko muna ang phone ko. Nag-text ako kay Rhonda tungkol sa nangyari kay Mommy. Nag-reply ang kaibigan ko nakikiramay sa amin. Nagtanong pa kung kailan ang libing. Dahil doon daw siya pupunta. Sinabi ko sa Linggo at sinabi ko rin kung saang memorial park ilalagak ang labi ni Mommy.Ka text ko rin si Ate Anely. Kinumusta ko lang sila ni Dad. Kung ayos lang ba silang dalawa. Kung mayroon sila kailangan magsabi lang sa ‘kin.Maya-maya umingit ang pinto ng CR. Napatingin ako roon pareho kaming nakangiti ni Aaron na nagkatinginan.Tapos na si Aaron maligo. Napanguso ako ng tumambad sa akin ang abs niya
BelynMadaling araw na nang makarating si Aaron sa funeral home. Tulog akong nakahiga ako sa mahabang upuan. Pinatulog kasi ako nila Daddy at Nanang, nang dumating ang alas-diyes pa ng gabi.Nabanggit ko kasi kay Daddy, possible ulit akong nagdadalang tao. Natuwa sila maging si Ate Anely nga namangha pa. Biruin daw siya ang panganay. Pero nanatiling single si Ate Anely.Nakangiti na kanina si Ate. Hindi kagaya noong pagdating ko sobrang lungkot ng kapatid ko dahil sa pagpanaw ng Mommy Vilma.Naulinigan ko mayroon nag-uusap sa aking tabi. May unan at kumot ako. Binilhan ako ni Nanang kanina habang maaga pa. Kasi sa harapan ng funeral home. May tindahan ng mga gamit sa bahay.May humalik sa noo ko. Kilala ko kung sino iyon kahit ako'y nakapikit. Si Aaron. Ang asawa ko hindi ako maaaring magkamali siya ang dumating. Anong oras na kaya.Dahan-dahan kong idinilat ang aking mata ngumiti ako ng asawa ko nga nakaupo malapit sa ulo ko. Inaantok pa ako ngunit gusto ko makinig sa pag-uusap nila
Belyn “Pupunta ako ngayon Aaron,” paalam ko rin sa kaniya. “Baby, isama mo si Rodel. Alam na niya ang gagawin,” “Kaya ko naman Aaron,” giit ko sa kaniya. Sa lagay nasa labas lang si Kuya Rodel at pinanindigan ng asawa ko ang may bodyguard ako. “If Rodel doesn't accompany you, I won't let you walk alone,” matigas na pahayag ni Aaron. Tumalim ang tingin ko sa hawak kong phone, sa inis ko sa kaniya kahit hindi niyon makikita ni Aaron. “Ano pa ang magagawa ko iyan ang gusto mo, kailangan ko rin ng puntahan si Daddy.” “Good! Magi-ingat kayo. Susunod agad ako. I love you, baby,” sabi pa bago kami matapos mag-usap. Humarap na ako kay Mommy Eulyn. Okay naman ang damit ko hindi na ako umakyat para magbihis. Gusto ko na kasi makita si Daddy at Ate Anely. Dahil sigurado ako malungkot ang dalawa ngayon. “Bukas kami dadalaw hija. H'wag mong isipin si Benesha, ako na muna ang bahala sa apo ko. Ano nga pala ang sabi sa ‘yo ni Aaron?” “Susunod po siya mamaya. Kasama ko po sila Kuya Rodel, ka
Belyn Nagbihis lang kami pareho ni Aaron wala naman nangyari sa amin. Gusto lamang daw ng asawa ko, magpahinga kasama ako kasi miss daw niya ako ng sobra sa dalawang gabing hindi niya ako kasama. “Baby, ‘wag malikot please? I'm really sleepy and tired,” pakiusap pa ni Aaron ng kami'y nakahiga na sa kama. Tumahimik na lamang ako. Maya-maya lang tulog na tulog na’t naghihilik pa ang katabi kong asawa. Talaga nga totoo hindi natulog ng dalawang gabi nang wala kami rito ni Benesha. Kung pagbabasehan ang antok nito ngayon. Dahil ganun din naman ako. Simula noong pag-uwi namin sa bahay. I only get three hours of sleep. Because I was also thinking about Aaron. Nagpasya akong sabayan ko siyang matulog. Total maaga pa rin naman gigising na lang mamaya ng oras ng tanghalian. Nakangiti ako nang yumakap sa baywang niya nakaharap kay Aaron. Nakanganga pa ang asawa ko ngunit nasaan ang hustisya. Guwapo pa rin nito kahit gano'n ang itsura. Napasarap pala ang tulog ko dahil paggising ko n