Belyn “Daddy, sure po kayo ayos ka na?” tanong ko sa kanya ng umaga pinuntahan ko sa living room dahil uuwi na kami ni Aaron. Nasa sala kasi si Daddy nanood ng morning news. Kasama niya si Ate sa sala. Umupo na muna ako sa tabi ni Daddy tila akong bata maglambing sa ama ko. Yumakap kasi ako sa braso niya at humilig sa balikat nito. Nakamimiss pala ang ganito. Nagagawa ko lang kasi ito noon ang ganitong maglambing sa Daddy ko noong ako'y elementary pa. Natatawang inakbayan ako ni Daddy, kaya sumandal pa ako sa dibdib niya. “Oo naman anak. Kahit naman gustuhin kong dito kayo manirahan ng asawa mo at apo ko. Hindi naman maari ang aking nais kasi may sarili ka ng pamilya,” aniya. Pauwi na kami sa condo ni Aaron, ngunit dadaanan muna namin si Benesha sa bahay nila Aaron, bago umuwi sa condo. “Ganito na lang po dalasan ko na lang ang pagpunta rito para hindi ka malungkot, dad,” wika ko pa sa kanya. “Paano nasa office naman ako. Sabi mo naman kapag Sabado at Linggo. Sa bahay kayo ng
Belyn Mommy! Bulong ko at mabilis akong bumaling ng tingin kay, Aaron. Upang pakiusapan ko itigil niya sandali ang kotse. “Aaron," wika ko. Hindi ko nasabi agad kay Aaron dahil ang aking paningin naroon pa rin kay Mommy, na busy may kausap ito sa phone. Napamulagat ako muli kong tinawag si Aaron, kasi humarap na si Mommy at tama nga ang aking hula, dahil siya iyon seryoso sa kausap nito sa phone. “Aaron,” Ngumisi pa si Aaron, hindi agad nito napansin ang aking pakay sa kaniya tapos tinukso rin ako akala nakikipag asaran pa rin ako sa kaniya. “Sabi ko na e, nahuhulog na talaga ang maganda kong Misis, sa ka-guwapuhan ko nahihiya lang umamin sa akin,” aniya masaya ang boses. “Hindi iyon,” wika ko pa. “Eh, ano na pala bakit dalawang beses mo na akong tinawag?" tanong nito at kumunot na ang noo niya, dahil sa aking pagmamadali. Hinawakan ko siya sa braso at hinila ang manggas ng t-shirt nito kaya naman nagsalubong ang kilay nito. “Ayaw mo ng biro ko?” nagtanong pa napak
Belyn Mahabang katahimikan ang namayani sa pagitan namin ni Aaron, ng bumalik kami sa loob ng sasakyan. Kahit ng mag-umpisa n'yang patakbuhin ang kotse, tahimik lang kaming pareho. Lihim akong napangiti. I remembered what Mommy said earlier. Umasa talaga ako na nagbago na ito at totoo ang paghingi niya ng sorry sa akin. I chuckled to myself. Slight akong na hurt sa binitawang salita kanina ni Mommy, ngunit sanay na ako dati pa kaya mabilis ko lang iyon natanggap. “Is there a problem?” Aaron asked me. Umiling ako, humugot naman siya ng hangin. At pagkatapos inalis niya ang isa niyang kamay na nasa manibela. Kinuha ang kaliwa kong kamay pagkatapos ay pinagsalikop niya iyon. “Nakikita ko kung gaano mo kamahal si Mommy Vilma. Kaya lang siya na kasi mismo ang ayaw maging parte ng inyong pamilya. Alam ko nasasaktan ka, baby. Nakikita ko sa iyong mga mata ang kagustuhan kanina makumbinsi na bumalik si Mommy Vilma, sa bahay n'yo," tumigil sandali si Aaron, pagkatapos ay bumuntonghinin
Belyn “Benesha, ‘wag mong guluhin ang trabaho ni Daddy, ha?” bilin ko sa anak ko bago kami umalis nila Ely. Sinilip ko sila ni Aaron, nasa loob ng office nito dito lang din sa loob condo unit namin. May mini office kasi ang asawa ko, na ngayon ko lang din talaga ito nasilip kung ano ang hitsura. Sii Benesha, binitbit pa ang isang timbang laruan na galing sa Mommy Eulyn, mga kitchen utensils. Bago raw ito sabi ni Ely, kasama sa binili nilang gamit sa school. Hayun nga ikinalat na sa sahig nag-umpisa na maglaro si Benesha. Usapan na pala nila ng Tita Ely, hindi raw siya sasama dahil pang oldies daw ang lakad namin. Hindi rin daw talaga sasama kasi wala ang Daddy Aaron niya, kapag napagod daw siya. Walang kakarga. Lumapit ako kay Aaron, agad din naman ako nito hinila sa baywang gamit ang kaliwa braso at ang isang kamay nasa laptop nagtra-trabaho. “Baby, ako na ang bahala r’yan sa anak natin. Lakad na kayo at ‘wag magpapaabot ng alas-singko ng hapon.” “Yes, boss,” saludo ko pa kay
Belyn Nang matapos ko makausap si Aaron. Tumawag naman sa bodyguard na kasama namin. Nakikinig kami parang maraming bilin ang asawa ko sa tauhan nito kasi hindi matapos-tapos ang patango-tango habang kausap ang asawa ko sa kabilang linya. “Ma'am Belyn. Oo raw sabi ni boss Aaron. Hindi na kami didikit,” sabi nito lumingon sa amin pagkatapos niyang mag-usap si Aaron. “Ayun! Mabuti naman pumayag si Kuya,” saad pa ni Elysa, parang nabigyan ng kendi sa tuwa. “Kapag talaga si, Ate Belyn. Tiklop iyan si Kuya. Kumander na niya ang kalaban kaya wala siyang magagawa kun'di sumangayon,” sabi pa ulit ni Elysa. “Pansin ko nga, Ely,” sumagot si Kuya Boyong. “Hindi naman po, Kuya Boyong,” laban ko sa sinabi nila ni Ely, ngunit nangingiti lang sa aking sinabi sa kaniya. “Dati pa iyan tinamaan si boss,” “Anong tinamaan?” si Rhonda ang nagtanong. “Tinamaan ng pana ni Kupido,” “Ah okay, lilinawin mo kasi,” pilosopo sagot dito ni Rhonda. “Ikaw talaga Rhonda, nanahimik si Kuya…ano pala ang pang
Belyn“Basta tatawag ako sa 'yo soon, kailangan ko lang talaga bumalik sa mga kasama ko baka hinahanap na nila ako. Mamaya niyan bigla akong ipa anunsyo rito sa mall na nawawala,” biro ko pa kay Kianna, na kina halakhak nito. Itinuro ko ang pinto. “Lalabas na ako ha? Masaya ako nagkita ulit tayo. Totoong kaibigan ang turing ko sa inyo kahit hindi kayo naging totoo sa akin.”Natulala si Kianna ng bumungisngis ako.“Kianna, sineryoso mo naman,” naaliw kong saad sa kaniya. Talaga nga nawala na ang maldita nito noon na ugali.“Nakaraan na iyon tsaka mga bata pa tayo noon, kaya siguro madali tayong maimpluwensyahan ng mga taong nakapalibot sa atin kaya madali tayong magtiwala. See you soon, Kianna,” ani ko at humakbang na.“Maya-maya na ako ng konti. Nandoon sa labas ang asawa at dalawa kong anak, retouch muna ako,”Napatigil ako muling humarap sa kaniya. “Dalawa na ang anak mo?”“Oo, eh,” parang nahihiyang sumagot.“Huy! H'wag kang mahiya. Natutuwa lang ako kasi dalawa na ang anak mo. Mas
BelynAko na mismo ang lumapit kila Kianna, dahil nakikita ko nahihiya silang dalawa. Ngayon pa sila tinubuan ng ihiya. Kung kailan tinawag na nila ako, edi sana nagtago na lang sila kung gano'n lang pala ang mangyayari.Kasing edad pala ni Benesha ang panganay nito at same babae. Alangan, ano ba ang naisip ko, of course same age talaga kasi nabuo nga noong party ni Gian. Natural kaedaran din ni Benesha, ang panganay ni Kianna.Pero masaya ako para sa dating kaibigan at dating katipan. Kasi sa kabila ng nangyari kay Kianna. Buo siyang natanggap ni Darrel. Despite that, it wasn't Kianna's fault that she got pregnant without knowing the father of her child.Biktima lang siya ng mga taong ganid at hayop na pag-uugali. May mga tao talaga, hindi natatakot gumawa ng masama. Basta makuha lang ang tanging hinahangad na interest. Masagasaan na ang masagasaan, matupad lang ang maitim na balak.Nag-wave ako ng kamay ko nang makarating ako sa harapan nila. Inirapan ko pa ang hindi makatingin sa
Belyn Nang makablik ako sa table namin. Nasa lamesa na ang in-order ni Rhonda. Napansin ko maraming in-order ang kaibigan ko, para sa kaniya. Hanep ang kaibigan kong ‘to. Ang takaw walang pili sa pagkain. Eh, hindi naman tumataba. Ewan nga kung saan ni Rhonda, dinadala ang mga kinakain kasi hindi naman nakikita sa kaniyang katawan. Two pcs chicken with matching large fries. May chocolate sundae, dalawang extra rice at may burger pa. Kami nga ni Ely, hindi nag-add ng extra rice. Pero itong si Rhonda, animo gutom lang sa dami niyang order na pagkain. “Pasensya na kayo ha? Kung natagalan ako. May nakita kasi akong kakilala,” “Ate Belyn, mabuti at dumating ka na rin. Naku po! Inaway ako ni Kuya, hindi raw kita sinamahan patungong CR,” aniya parang batang nagsusumbong sa akin. “Tumawag ba?” “Oo Ate Belyn. Iyon nga nasermunan ako ng todo. Hindi na raw niya ako pahihiramin ng black card niya kasi hindi ako naging masunurin sa kaniya,” Natawa ako sa huli niyang sinabi. Mas concern pa t