I'M IN LOVE WITH A PRIEST
[General Fiction/Romance]A/N: Must read the PROLOGUE first before this chapter. Thanks.-----[CHAPTER 1]“Hi.” Bati ko sa guwardiya. Kasalukuyan akong nasa kumpanyang pinagta-trabahuan ng papa ko ng mga sandaling iyon. “Kay Engr. Kandelario Rodriguez ako.”“May appointment po kayo sa kanya ngayon, Ma’am?”“Oo, meron.”“Complete name n’yo, Ma’am?” Tanong nito habang pinapasadahan nito nang tingin ang listahan ng mga possible visitors. Sa tingin ko’y baguhan ito kaya hindi ako nito kilala.“Myanda Kandice Vasquez Rodriguez.”“Ano po kayo ni Engineer Kandelario?”“Anak sa labas.” Seryosong tugon ko rito na bahagya nitong ikinatawa. “May nakakatawa ba sa sinabi ko?”“Wala naman po, Ma’am. Napansin ko lang po kasi na mas maganda pa po kayo kaysa sa mga tunay na anak ni Engineer.”“Yeah, of course. Diyosa kasi ang mama ko eh, ang mommy kasi nila’y bruha.” Tugon ko na mas lalo nitong ikinatawa. “Masayahin ka ano?”“Nakakatawa po kasi kayo, Ma’am eh.” Tugon nitong patuloy pa rin sa pagtawa. “Tila ang sarap n’yo pong kausap.”“Sa tingin ko’y masarap ka rin...” I said grinning as I winked at him, he instantly blushed. “Kaya kapag hindi mo pa ako pinapasok ay baka makain na kita.”“Sorry po, Ma’am.” Namumula pa ring turan nito. “Sige po, pasok na po kayo.”“Salamat.” Nakangiting tugon ko rito bago ko ito muling kinindatan. Nangingiti pa itong sumaludo sa akin.Agad akong nagtungo sa Engineering Department kung saan naroroon ang papa ko. Bahagya akong sumilip sa pintuan ng opisina niya at sakto namang pag-angat nang kanyang paningin kaya agad niya akong nakita.“Myanda!” Nakangiting bati sa akin ni papa. Feel na feel niya talagang tinatawag ako sa pangalang ‘Myanda’, samantalang ako’y yamot na yamot. Pakiramdam ko kasi’y pang-sinaunang panahon pa ang pangalang ito. Kung p’wede ko lang pabinyagang muli ang sarili ko para papalitan ang pangalan ko ay ginawa ko na sana.“Hi, papa.” Nakangiting bati ko rin sa kanya pagkapasok ko sa opisina niya. Agad s’yang tumayo mula sa pagkakaupo para salubungin ako.“Kumusta? Mukhang bising-busy ang bunso ko, ah.” Turan nitong inakbayan ako. Sabay kaming naglakad patungo sa sofa. “Halos isang buwan ka ring hindi nagpakita sa akin.”“Sorry, papa. Kinailangan ko kasing maghabol sa deadline, eh. Tinapos ko ‘yong novel ko.” Tugon ko nang maupo na kami sa sofa. “Alam mo naman ‘yong boss ko, tila ba pinaglihi sa sama ng loob. Lagi na lang galit. Ma-late lang kami sa pag-submit ng manuscript, eh tatadtarin na kami ng sermon.”“Sinabi ko naman kasi sa’yong itigil mo na ‘yang pagsusulat. Hindi mo ‘yan kailangang gawin para kumita ng pera.”“Papa, hindi ko naman ginagawa ang pagsusulat para lang kumita ng pera. Yes, this is my job, pero passion ko rin ‘to.”“Passion mo, pero nai-stress ka.”“Nai-stress lang po ako sa boss ko dahil sa pressure, pero hindi naman sa pagsusulat.” Giit ko. “Don’t worry, papa, ayos lang naman ako at saka, maganda pa rin naman ako, ‘diba? Hindi pa naman ako mukhang haggard.”“Sobrang ganda.” Tumatawang tugon ni papa.“Kaya love kita, eh.” Nakangising turan ko kay papa bago ako sumubsob sa dibdib niya para maglambing. “I missed you, ‘Pa.”“Missed you, too, ‘Nak.” Turan n’yang hinaplos ang mahaba kong buhok. “Kumusta pala ang mama mo?”“She’s good, but still mad at you.” Pabiro kong tugon kay papa bago ako tumayo mula sa pagkakaupo. Lumapit ako sa personal refrigerator ni papa at kumuha ng isang bottled water mula rito at isang Snickers candy bar.“Tell her that I missed her so much.” Nakangiting sabi ni papa. “And I love her.”“Lagi ko namang sinasabi ‘yon sa kanya, papa, pero hindi naman siya naniniwala na.” Tugon ko bago ako bumalik sa sofa.“Naintindihan ko naman ang mama mo.” Seryosong tugon ni papa.“But don’t worry, papa, I know that she’s still in love with you.” Nakangiting sabi ko kay papa habang binubuksan ko ‘yong Snickers.Ikalawang pamilya lang kami ni papa. May tunay kasi s’yang pamilya. Totoong anak ako sa labas, pero hindi naman ‘yon ipinaparamdam sa akin ni papa. Ang totoo nga n’yan ay proud na proud pa s’yang ipakilala ako sa ibang tao bilang bunsong anak niya.Siguro’y kay mama ako nagmana. Madaling utuin ng isang lalaki, ang pagkakaiba nga lang namin ni mama ay tanging si papa lamang ang nang-uto sa kanya. Pinaniwala siya nito na binata ito nang magkakilala sila hanggang sa nagsama sila at nagbunga ang kanilang pagmamahalan at ako nga iyon.Pagkalipas ng ilang taong pagsasama’y saka lang natuklasan ni mama ang katotohanang may asawa’t mga anak na pala si papa. Sobrang nagalit siya sa huli. Halos isumpa niya nga ito, mabuti na lamang ang nag-exist ako sa mundo dahil kundi’y tiyak na napatay na niya si papa.Sobrang bata ko pa ng mga panahong iyon kaya hindi ko pa lubos na naiintindihan ang mga nangyayari, nakikiiyak lang ako kay mama kapag nakikita kong umiiyak siya noon lalo na kapag sinusugod siya para awayin ng asawa ni papa.Nang magkaisip ako’y nakaramdam ako ng sama ng loob kay papa, pero hindi nagtagal ay naglaho rin iyon dahil hindi naman siya nagkulang sa amin ni mama. Sinusuportahan niya pa rin kami, pilit niya pa ring ipinapadama sa amin ang kanyang pagmamahal, ‘yon nga lang, hindi buo ang oras niya para sa amin ni mama dahil kahit na baliktarin mo man ang mundo’y alam naman nating lahat na mas may karapatan pa rin ang tunay n’yang pamilya sa kanya kaya nga ang lakas ng loob ng mga ito na awayin kami ni mama.“Nga pala, Myanda, gusto kong ikaw na ang mag-manage no’ng restaurant.” Turan ni papa habang feel na feel ko ‘yong pagkain ng Snickers. Mahilig talaga ako sa chocolates at isa ito sa mga kahinaan ko.“Bakit ako, Papa?”“Kasi hindi ko na ito maasikaso, ikaw lang ang nakikita kong p’wede kong pagkatiwalaan.”“Wala naman akong alam sa pagpapatakbo ng negosyo, Papa? Besides, natatakot ako sa bruha mong asawa at mga anak n’yong impakta. Mayayari na naman ako sa mga iyon kapag nalaman nilang sa akin mo ipagkakatiwala ‘yong restaurant n’yo.”Totoo ang sinabi ko. Hanggat maaari ay ayaw kong magkaroon ng connection sa tunay na pamilya ni papa, hindi naman sa totally natatakot ako sa mga ito kaya lang ayaw ko nang magkaroon pa ng gulo sa pagitan namin kasi alam kong sa bandang huli’y si papa ang naiipit kasi kahit sabihin at ramdam ko naman talaga na mas matimbang kami ni mama sa puso ni papa ay pamilya niya pa rin ang mga ito.Minsan na akong sinaktan ng asawa ni papa, ilang beses na rin akong pinagsalitaan at kinutya ng kanyang mga anak at ayaw ko nang maulit pa ang mga pangyayaring iyon dahil baka hindi na ako makapagtimpi, baka magdilim ang paningin ko at mapatay ko lamang sila.The way na itrato nila ako ay tila ba isa akong salot. Kunsabagay, may makakahati kasi sila sa mamanahin nila kay papa kaya gano’n na lamang ang galit nila sa akin, pero hindi ko naman ginustong maging anak ako sa labas. Hindi ko naman inutos sa papa ko na lokohin niya ang mama ko, at hindi ko rin inutos sa mama ko na magpaloko siya sa papa ko para mabuo ako at isilang sa mundo.Kasi kung ako ang masusunod, mas gugustuhin ko pa ‘yong simple lang ang buhay namin. Kahit mahirap lang, basta buo ang pamilya. ‘Yong walang nangungutya, ‘yong kahit wala kang gadgets na mamahalin, pero tahimik naman at panatag ang buhay mo. ‘Yong wala kang aalalahanin na baka isang araw ay bigla na lang may sumabunot sa’yo.“Anak, binata pa lang ako ay pag-aari ko na ang Kandi Seafoods Restaurant kaya wala silang karapatang makialam kung kanino ko ito ipagkakatiwala.” Seryosong turan ni papa. “Matanda na ako, Myanda, hindi ko na kayang asikasuhin pa lahat kaya sana nama’y mapagbigyan mo ako. Mas makakatulong din ito sa inyo ng mama mo.”“Sige po, Papa.” Tugon kong napipilitan.“Thank you, ‘Nak.” Nakangiting sabi ni papa. “Kilala ka naman na ng mga crew do’n kaya no need na i-introduce pa kita.”“Okay, ‘Pa, pero mahaharap ko ‘yan pagbalik pa namin ni mama.”“Pagbalik, galing saan?” Agad nangunot ang kanyang noo.“Magtutungo po kami sa probinsiya ni mama. Ikakasal kasi ‘yong pinsan ko. Alam mo naman si mama, sobrang ipinagmamalaki sa mga kamag-anak niya na magaling akong magluto kaya ayon, gusto nila akong makilala para gawing kusinera.” Natatawang tugon ko na ikinatawa rin ni papa.“Totoo naman iyon. Nagmana ka sa akin, eh.”Masarap talagang magluto si papa ng kahit anong dishes, pero ako hindi ko alam kung totoo bang may talent ako sa pagluluto o inuuto lang ako nang mga taong nakakatikim ng luto ko at sinasabing masarap ito.“Kaya sa’yo ko rin talaga gustong ipagkatiwala ‘yong restaurant kasi alam kong nababagay ito sa’yo.”“Sige, ‘Pa, ita-try ko. Feeling ko naman ay mage-enjoy ako.” Turan kong nangingiti nang tumayo si papa mula sa pagkakaupo at lumakad patungo sa mesa niya para kunin ang phone niya. Tumunog kasi ito. “Daming guwapong crew sa restaurant mo, eh.”“Ano ‘yon?” Seryosong tanong ni papa nang lingunin niya ako.“Wala po, ‘Pa.” Natatawang tugon ko bago ko tuluyang inubos ‘yong kinakain ko.-----“Kandice...” Mahinang tawag sa akin ni mama. Bahagya niya pang tinapik ang pisngi ko kaya agad akong napadilat. I cleared my throat nang umayos ako ng upo. Nakatulog na pala ako. Kasalukuyan kaming nasa loob ng bus ni mama, biyahe papuntang probinsiya nila. “Huwag ka nang matulog ulit at malapit na tayo.”“Okay po.” Tugon ko, pero muli kong inihilig ‘yong ulo ko sa bintana at ipinikit ang aking mga mata.“Tingnan mo ‘to, okay po raw, pero matutulog pa rin naman.” Mahinang sita ni mama. “Kandice?”“Mama, naman. Pumikit lang, matutulog na agad? Hindi ba p’wedeng mangangarap lang?” Natatawa kong sabi.“Ikaw, Kandice, tigilan mo ‘yang mga kalokohan mo ha.”“Oo na po.” Muli akong umayos ng upo dahil tiyak akong kapag hindi ako nagtino ng mga sandaling iyon ay tiyak na makukurot na naman ako ni mama. Ang tanda ko na, pero kinukurot niya pa rin ako, minsan nga parang gusto ko rin s’yang kurutin eh, kaya lang baka lalo lang akong masaktan.Dinukot ko mula sa bulsa ng backpack ko ang tumbler ko at bahagya akong uminom ng tubig habang nakatingin ako sa labas ng bintana. Bahagya akong napangiti kasi napakapayapa ng kapaligiran. Mangilan-ngilang bahay lamang ang makikita mo sa paanan ng mataas na bundok na napalilibutan ng mga punong-kahoy. Tila ba ang sarap-sarap tumira rito. Malayo sa magulo at mapang-husgang kabihasnan.Actually, first time kong pumunta sa probinsiyang iyon nila mama. First time ko ring ma-meet ang mga kamag-anak niya maliban na lang sa pinsan kong ikakasal na si Nicole. Minsan na kasi itong nakitira sa amin ni mama no’ng nagtrabaho ito sa Manila.Ilang minuto pa ang lumipas hanggang sa huminto na ang bus na sinasakyan namin sa isang terminal. Nang tumayo na si mama mula sa pagkakaupo ay agad na akong sumunod sa kanya. Eksaktong pababa na ako ng bus nang biglang may tumawag sa pangalan ko kaya agad akong napatingin dito.“Myks!” Nakangiting tili ni Nicole bago ako nito agad na sinalubong.“Nics!” Excited ko ring bati rito. Agad kaming nagyakap nito. Matagal din itong tumira sa amin kaya napalapit na ito sa akin. Para ko na rin itong kapatid. Dalawang taon lang yata ang tanda nito sa akin. “Kumusta? Kaya naman pala hindi ka na nakabalik sa Manila kasi nahanap mo na pala ang true love mo.”“Oo nga, eh. Actually, pabalik na ako dapat sa inyo kaya lang ayon, natuklasan kong buntis na pala ako, no’ng nalaman ng boyfriend ko’y hindi na ako pinayagang bumalik at ito nga, gusto niya talagang panagutan ‘yong bata kaya nag-aya ng kasal.”“Kasi naman, eh. Ang sabi mo uuwi ka rito para magbakasyon lang, ‘yon pala’y may kasama ng ‘keme’ kaya ayan tuloy may nabuo.” Pabirong turan ko sa kanya na ikinagalpak niya ng tawa. “Pero, andiyan na ‘yan, eh. Blessings daw ang mga bata. At least, handa kang panagutan.”“Totoo, Myks. Kaya thankful din ako sa boyfriend ko.” Turan n’yang luminga sa paligid na tila ba may hinahanap. “Si tita Minda?”Sabay naming nilapitan si mama nang makita namin itong pinapalabas sa kundoktor ang mga gamit namin sa loob ng bus compartment.“Tita Minda.” Bati ni Nicole kay mama bago siya nag-mano rito.“Congrats ha.” Nakangiting sabi ni mama kay Nicole.“Salamat, tita. Si Myka po, kailan ikakasal?” Natatawang turan ni Nicole bago siya sumulyap sa akin.“Ewan ko ba diyan sa pinsan mo, never naman ‘yang nagseryoso sa lalaki.”Natawa na lang kami ni Nicole dahil sa sinabi ni mama. Iyon talaga ang gusto ko kay mama, hindi niya ako pinakikialaman at pinangungunahan sa mga trip ko sa buhay, pero ramdam ko naman na palagi lang s’yang nasa tabi ko kapag kailangan ko ng karamay. Ang katuwiran niya kasi ay nasa tamang edad na raw ako at alam ko na kung ano ang tama at mali.Ayon kina Mama at Nicole ay sasakay pa raw kami ng bangka bago kami makararating sa lugar talaga nila. Ilang oras pa raw ang gugugilin namin sa biyahe kaya minabuti muna naming magpahinga ng kahit ilang oras lang sa pinaka-bayan bago kami tutungo ng barrio.Pasado alas-diyes ng umaga ng mag-aya si Nicole na pumunta ng palengke para bumili ng malulutong ulam para sa tanghalian. Napagdesisyunan kasi namin na after lunch na lang kaming magbibiyahe patungo sa naturang barrio.“Sinigang na baboy o isda ang gusto mo, Myks?”“Isda na lang siguro, Nics. Para maiba naman.” Tugon ko bago ako luminga at na-focus ang tingin ko sa isang grocery store. “Saglit lang, Nics ha, may bibilhin lang ako.”“Okay.” Tugon niya habang may pinagkakaabalahan din siya.Lumakad ako patungo sa loob ng naturang grocery store. Hinanap ko ang Chocolate Section at nakita kong isang piraso na lang ang Snickers candy bar na naroroon. Akmang dadamputin ko ito, pero may isang taong lapastangan na tumabig sa kamay ko at inunahan ako sa pagdampot.Anak nang pusang gala naman, oh. Naiinis kong sabi sa isip bago ko sinundan ang lalaki nang walang sabi-sabing naglakad na siya palayo sa akin.“Mister, ako ang naunang makakita riyan kaya p’wede bang ibigay mo na ‘yan sa akin?” Turan ko kaya huminto siya sa paglakad at nilingon ako.Gosh! Ang guwapo. Hindi lang basta guwapo kundi sobrang guwapo. P’wedeng-p’wede s’yang ihanay sa Alejandro brothers na asawa ng mga kaibigan ko. Halos magningning ‘yong mga mata ko nang magtama ang aming mga paningin. Ang ganda nang kanyang mga mata. ‘Yong tila ba napaka-inosente ng datingan. Ang tangos ng kanyang ilong, ang ganda ng kanyang mga labi na tila ba nilagyan ng lipstick sa pula. Isa s’yang Fil-Am sa tingin ko. Ang tangkad niya at ang lapad ng kanyang pangangatawan. Halatang alaga sa gym. Mapapansin mo iyon base sa muscles niya at sa pagkakalapat ng manipis n’yang T-shirt sa kanyang dibdib.“Ako ba ‘yong kinakausap mo, Miss?” Tanong niya sa baritonong tinig. Sh*t! Pati boses niya ang guwapo, lalaking-lalaki.“Malamang. Eh, tayong dalawa lang naman ang tao rito.” Pagkuwa’y pagtataray ko para hindi naman obvious na pinagpapantasyahan ko na siya sa isip ko. “Wala naman akong third eye para makakita ako ng ibang nilalang na hindi mo nakikita.”“This Snickers is mine.”“Bakit? May pangalan mo ba ‘yan?” I asked arching my well-trimmed eyebrow at him.“Wala, pero ako ang naunang nakakuha.”“Dahil tinabig mo ‘yong kamay ko kaya ikaw ang nauna, pero kung hindi mo ginawa iyon ay ako dapat.” Kahit gaano pa siya kaguwapo ay aawayin ko pa rin siya. Agawin n’yo na ang lahat sa akin, huwag lang ang Snickers.“Ang bagal mo kasi.” Turan n’yang muli akong tinalikuran. Naiiling ako nang sundan ko siya bago ko mabilis na inagaw sa kamay niya ‘yong naturang chocolate. Halatang nagulat siya sa ginawa ko. Dali-dali akong nagtungo sa cashier at binayaran ito. Kasalukuyan kong ibinabalik sa coin purse ko ‘yong sukli ko nang walang sabi-sabing lumapit sa likuran ko ‘yong lalaki at dinampot niya ‘yong Snickers.“Hey! Bayad ko na ‘yan, ano ka ba!?” Iritableng sigaw ko sa kanya habang sinusundan ko siya palabas ng grocery store.“Well, thank you.” Turan niya bago niya binuksan ‘yong Snickers at kinagatan ito sa harapan ko kaya napalunok na lang ako sa sobrang asar habang nakakuyom ang magkabila kong kamao. Hindi na lang ako napaimik nang muli s’yang tumalikod hanggang sa tuluyan na s’yang naglakad palayo.Narinig ko ang pagtawa ni Nicole sa likuran ko kaya agad ko itong nilingon.“Nakita mo ‘yong lalaking ‘yon, guwapo sana pero grabe, sobrang kapal ng mukha. Bastos.”“Pagbigyan mo na. Bawal awayin ‘yon, ano ka ba?” Sabi ni Nicole na patuloy sa pagtawa.“At bakit naman bawal awayin? Palibhasa’y guwapo, bawal na?”“G*ga, hindi. Pari kasi siya.”“Ha?” Bahagya akong napakunot-noo dahil sa tinuran nito. “Priest ‘yong lalaking ‘yon?” Paniniyak ko.“Yup kaya bawal mo s’yang awayin at higit sa lahat ay bawal mo s’yang landiin.” Nakangising tugon nito sa akin.-----To be continued.I'M IN LOVE WITH A PRIEST[General Fiction/Romance][CHAPTER 3]A/N: Ang kuwentong ito ay naglalaman ng mga eksenang hindi angkop sa mga batang mambabasa. Maraming salamat.-----“Anong ginagawa mo?” Bungad sa akin ni Nicole nang pumasok ito sa kuwarto namin ni mama. Kasalukuyan ko kasing inaayos ‘yong mga damit ko at ibinabalik ito sa loob ng travelling bag ko.“Babalik na ako sa Manila, Nics.” Tugon ko nang lingunin ko siya.“Ano? Bukas na ang kasal ko, Myks. Para kang t*nga.” Inis n’yang sabi nang tumayo siya sa harapan ko at nameywang.“Sorry. Bigla ko kasing naalala na may kailangan nga pala akong i-submit na story sa publisher ko bago mag-Lunes. Nawala sa isip ko, eh.” Pagsisinungaling ko. Seryoso kasi talaga ‘yong galit ni mama no’ng nagdaang gabi. Hindi niya talaga ako kinakausap hanggang mag-umaga. Pinauuwi na niya talaga ako at ayaw ko namang lalo s’yang mangunsume kaya uuwi na lang ako para mapanatag na rin ang kalooban niya na hindi ko siya bibigyan ng kahihiyan.“Huwag ak
I'M IN LOVE WITH A PRIEST[General Fiction/Romance][CHAPTER 4]“Oh, my God, please?” Pakiusap ko sa taong humila sa akin. Bahagya pa akong nagpupumiglas habang bahagyang nakapikit ang aking mga mata dahil sa takot.“Kandice, it’s me.” Baritonong tinig ng isang lalaki kaya agad akong napadilat. Pakiramdam ko’y nabawasan ang takot ko nang mapagtanto kong si father Samuel pala ang humila sa akin. “What’s wrong?” Mababakas ang pag-aalala sa naggagandahan n’yang mga mata.“Someone is chasing me, father.” Turan ko bago ako parang t*ngang luminga-linga sa paligid. Napansin kong nasa loob na pala kami ng isang maliit na silid. “Oh, God, nakita ko ‘yong isang kasamahan n’yong pari. Pinatay siya no’ng lalaking naka-maskara. He was shot in the head.”“Oh, God! Si father Vicencio?”“Oo, siya yata ‘yon. Hindi ko naman siya kilala, eh, pero hindi naman ‘yon si father Rick kaya baka siya nga ‘yon.”“Namukhaan mo ba ‘yong pumatay?” Tanong niya nang lumakad siya patungo sa bintana at bahagyang sumili
I'M IN LOVE WITH A PRIEST[General Fiction/Romance][CHAPTER 5]Hindi ako makatulog. Panay ang baling ko mula sa pagkakahiga kaya naisipan kong bumangon na lang. Hindi ko alam kung bakit hindi ako makatulog nang gabing iyon, kung dahil ba sa pag-aalala na baka mapatay ako no’ng mga lalaking naka-maskara o dahil binabagabag ang isip ko ng halik ni father Samuel.Lumabas ako ng silid. Luminga ako sa sala at nakita kong walang tao kaya naisipan kong humakbang patungo sa maindoor. Binuksan ko ito at sumilip ako sa labas. Sobrang tahimik at ang lamlam ng liwanag na nagmumula sa isang poste, hindi kalayuan sa bahay na kinaroroonan namin.“Tatakas ka na naman?” Narinig kong turan ni Samuel buhat sa likuran ko kaya gulat ko s’yang nilingon. Sa tingin ko’y galing siya sa loob ng banyo kaya hindi ko siya napansin ng lumabas ako buhat sa silid.“Ang hilig mong manggulat.” Sita ko sa kanya. “At saka, hindi ako tatakas, ‘no? Sumilip lang sa labas, tatakas agad? Hindi ba p’wedeng may tinitingnan la
I'M IN LOVE WITH A PRIEST[General Fiction/Romance][CHAPTER 6]-----“Subukan mong tawagin ang kasama mo. Sasabog ang ulo mo.”“Samuel!” Sigaw ko pa rin sa kabila ng banta sa akin ng lalaki. Pasaway yata ako. Hindi ako marunong makinig o sumunod sa instructions.Kinagat ko ang braso ng lalaki. Kasabay nito ay ang paglingon ni Samuel sa kinaroroonan ko. Bahagya akong nabitiwan ng lalaki at napokus ang atensiyon nito sa papalapit na si Samuel.Pinaputukan nito si Samuel, mabuti na lamang at nakailag ang huli. Dumampot ako ng bato at binato ko ito kaya muling napunta sa akin ang atensiyon nito. Akmang babarilin ako nito, subalit sinuntok ito ni Samuel. Nabitiwan nito ang hawak na baril.Nagpambuno ang dalawang lalaki habang ako nama’y nanatiling nakatayo, hindi kalayuan sa kanila habang gulong-gulo ‘yong utak ko. Takot na takot. Hindi ko alam kung anong gagawin ko, kung sa paanong paraan ko matutulungan si Samuel.Ilang sandali pa’y nakita kong halos duguan na ang mga kamao ni Samuel na
.I'M IN LOVE WITH A PRIEST[General Fiction/Romance][CHAPTER 7]A/N: Ang k'wentong ito ay naglalaman ng mga salita at pangyayaring hindi angkop sa mga batang mambabasa.-----“Kandice...”“Hmm?” Bahagyang ungol ko nang marinig ko ang tinig ni Samuel habang nanatiling nakapikit ang aking mga mata.“Gising na. Tanghali na, eh.”Hindi ko siya pinansin bagkus pumihit ako pakabilang side at halos mapasigaw ako sa gulat nang mahulog ako sa sahig mula sa papag.“Anak nang---”“Oh, bawal magmura. Masyado pang maaga.” Nakangising turan ni Samuel habang nakatayo siya malapit sa paanan ng papag at prenteng nakasandal habang nakahalukipkip siya.Gosh! Ang guwapo niya talaga. Kung siya ang una kong makikita tuwing umaga’y tiyak na buong-buo na ang araw ko, huwag niya lang akong iinisin.“Oh, I forgot. Sorry, father.” Sarkastikong turan ko sa kanya bago ko siya sinimangutan. Tumayo ako at pagkuwa’y inabala ko ang sarili ko sa pagliligpit ng hinigaan ko.Paano akong nalipat sa papag, eh ang natata
I'M IN LOVE WITH A PRIEST[General Fiction/Romance][CHAPTER 8]A/N: Paulit-ulit ako ha. Hindi naaayon ang k'wentong ito sa mga bata. May mga salita at pangyayaring hindi naaayon sa murang edad. Baka pati ako'y mapagalitan ng mga nanay n'yo.-----“Nagpapanggap lang ako.”“Ano?” Gulat kong tanong bago ko bahagyang itinulak si Samuel para lubayan niya ako kasi ayaw n’yang tantanan ‘yong mga labi ko.“Sabi ko, nagpapanggap lang akong pari.” Ulit n’yang tila naiinis. “Ang bingi mo, Kandice. Naglilinis ka ba ng tenga?”“Hoy, ang kapal ng mukha mo ha.” Sita ko sa kanya. “Araw-araw akong naglilinis ng tenga at kahit silipin mo pa itong kaloob-looban ng mga tenga ko’y malilinis ito. Echoserong ‘to.”“Ah, kaya ka pala bingi. Mali kasi ‘yong araw-araw. Dapat, every other day lang.” Natatawa n’yang sabi.“FYI, hindi ako bingi, Samuel. Nagulat lang ako sa sinabi mo kaya napa-ano ako.”“Napaano ka?”“Hay, jusko!” Natampal ko pa ‘yong sarili kong noo sa labis na asar kay Samuel. “Ano bang hinithit
I'M IN LOVE WITH A PRIEST[General Fiction/Romance][CHAPTER 10]Bahagya akong umungol nang magising ako. Kumapa ako sa tabi ko, pero wala na si Samuel kaya nagdilat na ako nang aking mga mata. Bumangon ako mula sa pagkakahiga at napangiti ako nang makita ko ang tatlong pirasong rosas sa ibabaw ng mesa, sa gitna ng mga pagkaing natatakpan.Nag-toothbrush muna ako bago ako lumabas ng kubo para hanapin si Samuel. Nakita ko s’yang nasa gilid ng bahay nina Mang Damian habang nagsisibak ng kahoy. Ginagawa niya iyon t’wing umaga, ipinagsisibak ng kahoy na pangluto si Aling Adelaida.Napangiti ako kasi kahit tagaktak na ‘yong pawis niya ay ang guwapo niya pa ring tingnan. Idagdag pa ‘yong abs n’yang kitang-kita dahil wala s’yang suot na T-shirt.“Ang sipag naman.” Natatawang biro ko nang humakbang ako palapit sa kanya.“Hi, love.” Nakangiting bati niya sa akin. Mas lumapit pa ako sa kanya at dinampian ko siya ng halik sa labi, smack lang sana, pero naging french kiss kasi bigla niya akong si
I'M IN LOVE WITH A PRIEST[General Fiction/Romance][CHAPTER 11 - PART 1 of 2]-----Halos hindi ako makatulog nang gabing iyon, inaalala ko kasi ang gagawing paglusob nina Samuel sa grupo ng mga taong pumapatay ng mga kaparian. Hindi ko talaga maiwasang hindi mag-alala para sa kaligtasan niya.Hinawakan ko ang kamay niya at pilit kong inaninag sa dilim ang oras base sa kanyang relo. Pasado alas tres na ng madaling araw. Isang oras na lang ay gigising na siya para maghanda sa pag-alis.Napabuntong-hininga ako nang bahagya akong nag-angat nang tingin upang aninagin sa dilim ang kanyang guwapong mukha na sobrang payapa habang natutulog siya.Nangingiti pa ako nang i-trace ko ang kanyang matangos na ilong gamit ang aking hintuturo at nang bumaba ang daliri ko sa kanyang labi ay nagulat ako nang bigla niya itong kagatin.“Sammy!” Sita ko bago ko siya bahagyang pinalo sa braso. Mahina s’yang tumawa.“Bakit gising pa ang kuting ko?” Malambing n’yang tanong nang ikulong niya ako sa kanyang m
I'M IN LOVE WITH A PRIEST[General Fiction/Romance][CHAPTER 25 - Part 2 (Finale)]-----“Papa!”Agad akong napadilat nang maramdaman ko ang malakas na pagbagsak ng katawan ni Samuel sa damuhan. Ilang hakbang lamang ang layo niya sa akin.“Oh, my God, Samuel!” Sigaw ko habang halos pumalatak na ako sa pag-iyak. Pinilit kong tumayo kahit nanghihina ako upang lapitan siya, pero hindi ko siya mahawakan dahil nanatiling nakagapos ang aking mga kamay.“Papa!” Muling sigaw ni Sebastian nang bitiwan na ito ni Hermes. Mabilis nitong nilapitan ang ama at niyakap.Humakbang palapit sa kinaroroonan namin si Hermes, halos lumuhod na ako sa harapan nito upang magmakaawa dahil akmang babarilin pang muli nito si Samuel, subalit may nauna nang nagpaputok ng baril buhat sa likuran nito.Napaigtad pa ako sa gulat nang bigla na lang humandusay sa damuhan ang katawan ni Hermes habang dumadaloy sa ulo nito ang masaganang dugo.Agad kong nilingon ang bumaril kay Hermes at namilog ang aking mga mata nang ma
I'M IN LOVE WITH A PRIEST[General Fiction/Romance][CHAPTER 25 - Part 1 of 2]“Fine!” Nagngangalit kong tugon nang pahidin ko ang aking mga luha bago ko ipinagtulakang palabas ng kuwarto si Sebastian.Alang-alang sa anak ko, handa kong gawin ang lahat basta sa kaligtasan nito.“Mama!” Sigaw ni Sebastian sa pagitan ng pag-iyak, halos ayaw nitong bumitiw sa pagkakahawak sa kamay ko.“Stay there, Sebi.” Naiiyak kong turan sa anak ko bago ko mabilis na isinirado ang pintuan.Kailangan kong maging matatag. Kailangan kong maging matapang.Ngingisi-ngisi si Hermes nang muli akong pumihit paharap sa kanya.“Kapag susuwertehin ka nga naman.” Turan niya habang dahan-dahan s’yang humahakbang palapit sa akin. “Hindi ko inaasahang matitikman ko pala ang asawa ni Police Inspector Adams. Mabuti na lamang at naisipan kong traydorin si Sam.”“G*go ka talaga, ano?” Galit kong turan sa kanya.“Mas g*go ang asawa mo. Hindi mo ba alam na muntik na niya akong mapatay noon? Mabuti na lamang at binaril siya
I'M IN LOVE WITH A PRIEST[General Fiction/Romance][CHAPTER 24 - Part 2 of 2]“Kumusta si Linlin, ‘Ma?” Tanong ko kay mama habang kausap ko ito sa phone. Pasado alas-kuwatro ng hapon. Lulan ako ng taxi pauwi dahil tinawagan ako ni mama at sinabing hindi raw tumitigil sa pag-iyak ang anak kong bunso. “Umiiyak pa rin po ba?”“Medyo okay na siya, anak. Ito at nakatulog na.”“Mabuti naman kung gano’n, ‘Ma. Mag-iingat kayo riyan, mama. Ikaw na muna ang bahala kay Linlin. May aasikasuhin lang ako.”“Akala ko ba’y pauwi ka na? Saan ka pupunta, Kandice?” Mababakas ang labis na pag-aalala sa tinig ni mama.Tanda ko pa kung saan ang bahay ni Samuel II at buo na ang desisyon kong magtungo roon para magbakasakali na baka nando’n si Sebastian. Hindi talaga ako mapapanatag kung hindi ko malalaman ang kalagayan ng anak ko.“May uhm... kakausapin lang ako, ‘Ma.” Pagkuwa’y tugon ko dahil tiyak na tu-tutol ito sa plano ko kapag nalaman nito.“Kandice, anak, naiintindihan ko ang nararamdaman mo. Alam k
I'M IN LOVE WITH A PRIEST[General Fiction/Romance][CHAPTER 24 - Part 1 of 2]“M-Mauna na kami.” Natatarantang paalam ko kay Samuel II bago ko mabilis na hinila si Sebastian palayo rito.Lulan na kaming mag-ina ng taxi pauwi, subalit ang bilis-bilis pa rin ng tibok ng puso ko dahil sa pinaghalong kaba at takot, hindi ko alam kung dahil ba sa muntik nang masagasaan si Sebastian o dahil sa muling pagtatagpo ng landas namin ni Samuel II.“Mama?” Turan ni Sebastian nang mag-angat siya ng ulo mula sa pagkakasubsob sa dibdib ko. Maang kong sinalubong ang inosente n’yang mga mata. “Natatakot ka po ba?”“H-Hindi, anak.” Pagkuwa’y nakangiti kong tugon. “Bakit mo naman naisip na natatakot si mama?”“Kasi po ang bilis po ng heartbeat mo. Ganyan din po ako kapag natatakot.” Halos mabulol niya pang tugon.“Ikaw kasi eh, tinakot mo si mama no’ng bigla kang tumawid.” Pagkuwa’y nakangiti pa ring turan ko bago ko pinisil ang matangos n’yang ilong. “Huwag mo nang gagawin ulit ‘yon ha.”“Sorry po, mama
I'M IN LOVE WITH A PRIEST[General Fiction/Romance][CHAPTER 23]Nagdilat ako nang aking paningin. Nakahiga ako sa hospital bed at nakaupo sa isang silya sa tabi ko si Samuel habang nakapikit ang mga mata nito. Tila ba isa itong guwardiya kaya parang gusto kong matawa.“Sammy...” Mahinang tawag ko sa kanya bago ko siya tinapik sa braso.“Oh, God!” Bulalas niya at halatang nagulat pa siya. “Thanks, God at nagising ka na, love. May masakit ba sa’yo? Ayos ka lang ba?”“Wala namang masakit sa akin.” Tugon ko. “Teka lang, si baby, kumusta?”“Okay naman ang baby natin, love. Malakas daw ang kapit niya sabi ng duktor. Na-stress ka lang daw siguro kaya dinugo ka.”“Oo, in-stress ako ng tatay niya.” Natatawang biro ko na ikinatawa rin niya.“Sorry, love ha, hindi ko alam na buntis ka pala. Bakit hindi mo kasi sinabi sa akin agad?” Tila nagtatampong turan niya.“Kasi nga gusto kitang i-surprise.” Pagkuwa’y turan ko.“I-surprise raw. Ang sabihin mo, itinatago mo talaga kasi galit ka sa akin.”“H
I'M IN LOVE WITH A PRIEST[General Fiction/Romance][CHAPTER 22 - Part 2 of 2]Pilit kong iniwasan si Samuel. Hindi ako umuwi sa bahay. Mabuti na lamang at pinag-stay ako ni Athena sa sarili nitong bahay. Lahat ng tawag at text messages ni Samuel ay binalewala ko.Hindi ko alam kung pinaglalaruan ba kaming dalawa ng tadhana kasi sa dinami-rami ng tao sa mundo ay bakit kailangang si Mrs. Rodriguez pa ang kanyang maging ina.Aware akong may mga anak si Mrs. Rodriguez sa una nitong naging karelasyon, minsan kasing nabanggit sa akin ni papa ang tungkol do’n, pero ni minsan ay hindi sumagi sa isip ko na sina Samuel at Samuel, II pala ang mga iyon.Araw nang Linggo. May usapan kaming magkikita ni mama kasi dadalawin namin ang puntod ni papa. Speaking of my father, hindi na ako nagkaroon pa ng pagkakataong masilayan man lang ang bangkay nito, ultimo nga libing nito’y hindi rin ako nakapunta dahil pinagbawalan pa rin ako ng pamilya Rodriguez.“Kandice?” Narinig kong tawag sa akin ni mama haba
I'M IN LOVE WITH A PRIEST[General Fiction/Romance][CHAPTER 22 - Part 1 of 2]Dali-dali akong nagtungo sa hospital kung saan naroroon si papa. Ayon kay Ninong Roger, inatake raw si papa at pagdating daw nito sa pagamutan ay agad din itong binawian ng buhay.“Nasa morgue na ang papa mo, hija.” Malungkot na turan sa akin ni ninong Roger nang lumapit ako rito para magbigay galang.“Pupunta po ako ro’n.” Akmang tatalikuran ko na ito nang muli itong nagsalita.“Mas mainam siguro kung huwag na lang, hija. Nandiyan ang asawa at mga anak niya. Baka magkagulo pa.”“Wala akong pakialam, ninong kahit awayin pa nila ako at saktan. Ang importante ay ang makita ko si papa.” Turan ko sa pagitan ng pag-iyak bago ko tuluyang tinalikuran si Ninong Roger.Humugot pa ako ng isang malalim na buntong-hininga bago ako humakbang patungo sa pintuan ng morgue. Tama nga si ninong Roger, kumpleto nga ang pamilya ni papa. Nakatayo sila sa tapat ng pintuan habang nagu-usap-usap.“Ang kapal talaga ng mukha mo ano?
I'M IN LOVE WITH A PRIEST[General Fiction/Romance][CHAPTER 21]“Love, napaka-emotional mo ngayon.” Turan ni Samuel bago niya ako masuyong hinagkan sa ulo at niyakap. Napahikbi pa ako nang sumubsob ako sa dibdib niya. Bahagya n’yang hinagod ang likod ko bago niya hinawakan ang magkabilang pisngi ko at ginawaran ako ng halik sa labi.“Ehem!” Si Keera.“Excuse us!” Si Aria.“Parang nandito yata kami.” Si Athena.Siyempre, biglang umeksena ang mga kaibigan ko. Sa totoo lang, sila kasi talaga ‘yong totoong panira ng moment.Nagkatawanan pa tuloy kami ni Samuel nang maghiwalay ang aming mga labi bago ako nangingiting lumingon sa direksiyon kung saan nakatayo ang mga kaibigan ko na halatang mga kinikilig.“Guys, uhm... uh, si S-Samuel. Husband ko.” Hindi magkandatutong sabi ko kasi sa totoo lang ay nahihiya ako sa mga kaibigan ko. Never pa kasi nila akong nakita na nagseryoso sa isang relasyon kaya tila naiilang akong ipakilala sa kanila si Samuel, hindi lang bilang isang nobyo kundi bilan
I'M IN LOVE WITH A PRIEST[General Fiction/Romance][CHAPTER 20 - Part 2 of 2]Nagbuga ako nang hangin habang nakatitig ako sa repleksiyon ko sa salamin. Ilang araw nang masama ‘yong pakiramdam ko. May mga pagkain akong hinahanap na hindi ko naman kinakain noon at may mga umaga rin na tila ba nahihilo at nasusuka ako.Buntis na ba ako?Sa totoo lang ay kinakabahan ako at natatakot na malaman ang totoong kalagayan ko. Hindi pa ako handang maging isang ina o mas mainam na sabihing takot akong maging isang ina. Feeling ko kasi’y hindi ako magiging isang mabuting magulang, baka puro kalandian at kalokohan lamang ang matutunan nang aking magiging anak mula sa akin. Kawawa naman ‘yong bata kapag nagkagano’n.“Love, matagal ka pa ba? Mag-iisang oras ka na riyan, eh.” Narinig kong turan ni Samuel mula sa labas ng banyo.Umaga. Araw ng Sabado. Wala pa sana akong planong bumangon kasi nga masama na naman ‘yong pakiramdam ko, pero kailangan kasi may a-attend-an kaming kasal ng mga kaibigan ko. S