I'M IN LOVE WITH A PRIEST[General Fiction/Romance][CHAPTER 11 - PART 1 of 2]-----Halos hindi ako makatulog nang gabing iyon, inaalala ko kasi ang gagawing paglusob nina Samuel sa grupo ng mga taong pumapatay ng mga kaparian. Hindi ko talaga maiwasang hindi mag-alala para sa kaligtasan niya.Hinawakan ko ang kamay niya at pilit kong inaninag sa dilim ang oras base sa kanyang relo. Pasado alas tres na ng madaling araw. Isang oras na lang ay gigising na siya para maghanda sa pag-alis.Napabuntong-hininga ako nang bahagya akong nag-angat nang tingin upang aninagin sa dilim ang kanyang guwapong mukha na sobrang payapa habang natutulog siya.Nangingiti pa ako nang i-trace ko ang kanyang matangos na ilong gamit ang aking hintuturo at nang bumaba ang daliri ko sa kanyang labi ay nagulat ako nang bigla niya itong kagatin.“Sammy!” Sita ko bago ko siya bahagyang pinalo sa braso. Mahina s’yang tumawa.“Bakit gising pa ang kuting ko?” Malambing n’yang tanong nang ikulong niya ako sa kanyang m
I'M IN LOVE WITH A PRIEST[General Fiction/Romance][CHAPTER 11 - PART 2 of 2]Nagulat pa ako kay Grayson nang abutan ako nito ng isang styro cup na may lamang kape. Tila wala kasi ako sa sarili kahit dilat naman ang aking mga mata. Hindi talaga ako makapaniwalang wala na si Samuel.Kasalukuyan akong nakaupo sa hanay ng mga silya sa labas ng morgue. Hinihintay naming ma-release ang mga papers para mailabas na namin ang bangkay ni Samuel sa hospital na iyon.“Iuuwi po namin si Sir Samuel sa probinsiya nila, Ma’am Kandice. Sasama ho ba kayo?” Tanong ni Grayson nang maupo ito sa tabi ko.“Oo.” Tipid kong tugon na may kasamang tango. “Ano bang nangyari? Paano s’yang namatay?”“Paalis na ho sana kami noon, Ma’am Kandice. Nahuli na po kasi namin ‘yong leader ng grupo kaya lang bumalik ho si Sir Samuel sa pinagkutaan ng mga antichrist nang malaman niya ho na nabihag pala si father Rick at nakakulong ito.” Kuwento ni Grayson. Saglit itong tumigil nang lumapit sa amin si Felix. Naupo sa kabila
I'M IN LOVE WITH A PRIEST[General Fiction/Romance][CHAPTER 12 - PART 1 of 2]“Bakit si Thirdy pa ang namatay? Sana si Sam na lang.” Narinig kong turan ng isang babaeng nakikiramay, ikalawang gabi na ng burol ni Samuel ng mga sandaling iyon.Napag-alaman kong mas kilala pala siya bilang si ‘Thirdy’ sa kanilang probinsiya since may the third sa pangalan niya.“Kaya nga. Minsan talaga kung sino pa ‘yong mabait, siya pa ‘yong namamatay agad at kung sino pa ‘yong salbahe ay siya pang nabubuhay ng matagal.” Sang-ayon ng isa pang babae.“Uy, grabe kayo kay Sam.”“Bakit? Totoo naman, ah.” Giit ng babaeng naunang nagsalita. “Siguro kung si Sam ang namatay ay walang makikiramay kahit isa dahil sa sobrang arogante niya.”“Exactly. Ni ako, hindi ako makikipaglibing.” Muling sang-ayon ng ikalawang babae. “Baka magdiwang pa nga ang lahat, eh.”“Kunsabagay, salbahe nga talaga si Sam.” Turan nang ikatlong babae, napa-buntong hininga pa ito. “Tingnan mo nga, namatay ‘yong kapatid niya pero hindi man
I'M IN LOVE WITH A PRIEST[General Fiction/Romance][CHAPTER 12 - PART 2 of 2]“S-Samuel?” Alanganing tanong ko.“My real name is Samuel, the second, but you can call me Sam.” Turan niya nang bahagya s’yang maupo sa tabi ko bago niya dinampot ‘yong bulaklak na nasa ibabaw ng puntod ni Samuel, ito ‘yong ginamit kong pampalo sa lapida ng huli kaya halos malagas na ang petals nito. Nasundan ko na lang ito nang tingin ng walang sabi-sabing itinapon niya ito.“Ikaw ‘yong kapatid ni Samuel?”“Obvious ba?” Supladong tanong niya rin sa akin habang sinisindihan niya ang hawak n’yang kandila. “We’re twins actually.”Oh, God! Kaya pala magkamukhang-magkamukha sila. Pati ‘yong taas at hubog ng katawan ay parehas na parehas din. Tanging buhok lang yata nila ang nagkaiba. Maganda kasi ang gupit ng straight hair ni Samuel, samantalang siya’y tila ba hindi sinusuklay ang malago at medyo kulot n’yang buhok.“Ikaw ba si Myka?”“Yeah.” Tipid kong tugon.“Hindi ka naman pala kagandahan sa personal.” Tura
I'M IN LOVE WITH A PRIEST[General Fiction/Romance][CHAPTER 13 - PART 1 of 2]Ilang araw na rin ang nakalilipas magmula ng mamatay si Samuel, pero ayaw ko pa sanang magtrabaho kasi gusto ko sana’y magkulong lang sa kuwarto ko, pero sabi nga ni mama ay kailangan kong mag-move on.Oo nga’t mahirap subalit kailangan.Katakut-takot na sermon ang inabot ko sa boss ko pagkapasok ko ng araw na iyon. Isang linggo lang daw ang pinaalam kong vacation leave, pero inabot na raw ako ng buwan, kung hindi lang daw ako kabilang sa isa sa mga best selling authors ay siguradong tinanggal na raw niya ako bilang isang manunulat sa team nila.Pasok sa tenga, labas sa kabila, iyon na lang ang ginawa ko habang daldal ito ng daldal. Halos tatlong oras din yata kaming nag-usap nito, pero hindi ko na inintindi pa ‘yong iba nitong sinabi kasi pakiramdam ko’y ang sakit-sakit ng ulo ko ng araw na iyon. Lalagnatin yata ako, idagdag pa ang sama ng panahon.“Myks, tawag ka ulit ni boss.” Turan sa akin ni Ricki. Co-
I'M IN LOVE WITH A PRIEST[General Fiction/Romance][CHAPTER 13 - PART 2 of 2]A/N: Again, may mga salita at pangyayaring hindi angkop sa mga batang mambabasa. Salamat sa pang-unawa.-----Bumangon ako mula sa pagkakahiga sa sofa habang sapo ko ang aking noo. Pakiramdam ko’y nahihilo ako.Panaginip ba ‘yon? Nakatulog ba ako?Ano ba ‘yong nangyari? Nalasing ba ako? Pero parang napaka-imposible naman. Isang bote pa lang naman ang naiinom ko at isa pa’y sanay naman akong uminom.Akmang tatayo ako mula sa pagkakaupo nang may biglang nagsalita na sadya namang ikinagulat ko.“Love, bakit mo ako ini-stalk?”Agad akong napatingin sa pinagmulan ng tinig. Si Samuel. Nakaupo siya sa swivel chair paharap sa mesa habang nakatingin siya sa bukas kong laptop.“T*ng-ina naman, Samuel.” Wala sa loob na nasambit ko. Hindi ko alam kung nababaliw na ba ako dahil sa kaiisip ko kay Samuel kaya kung anu-ano na ang nakikita ko na hindi ko naman dapat makita. “Wala namang takutan. Hindi na ako titingin sa iba
I'M IN LOVE WITH A PRIEST[General Fiction/Romance][CHAPTER 14]A/N: Gusto ko pong sabihin sa inyong wala lang po kayong mapapala kina Samuel and Myka dahil puro harutan lang po ang kanilang mga alam, pero salamat po ng marami -----“Mabuti na lang at may extra shirts at shorts dito si papa.” Turan ko kay Samuel habang kinukuha ko sa loob ng cabinet ‘yong naturang gamit ni papa para ipahiram ang mga ito kay Samuel. “Gamitin mo muna ang mga ito kapag katapos mong mag-shower.”“Sabay na tayong mag-shower, love para tipid sa tubig.” Nakangisi n’yang sabi nang tanggapin niya ‘yong iniabot ko.“Nah, huwag na. Marami naman kaming tubig kaya ayos lang. Hindi natin kailangang magtipid.” Pabiro kong tugon sa kanya bago ko tinapik ang pisngi niya.“Sige na, love.” Pangungulit niya.“Sammy, may gagawin pa ako sa baba, eh. Mauna ka na. Mamaya na ako.” Tugon ko. Sa totoo lang ay gusto ko sana s’yang pagbigyan, na-miss ko rin ‘yong paraan ng pagpapaligo niya sa akin kaya lang alam kong gutom siya
I'M IN LOVE WITH A PRIEST[General Fiction/Romance][CHAPTER 15]“Love, ang tagal mo namang maligo.” Narinig kong sabi ni Samuel habang nasa loob ako ng banyo. Bahagya niya pang kinatok ‘yong pintuan nito. “Kapag hindi na ako nakapagpigil, papasukin na talaga kita riyan sa loob.”“Sandali lang naman! Masyado kang excited, b*wisit ka.” Turan ko at wala akong ibang narinig kundi ang malutong n’yang tawa.Katatapos lang nang aming kasal. Akalain mo ‘yon, naikasal ako ng wala sa oras. How I wish na panaginip lang ang lahat, pero wala eh, kahit sampalin ko pa yata nang paulit-ulit ang sarili ko’y paulit-ulit ding bubundol sa akin ang katotohanang legal na akong pag-aari ng isang ‘Samuel Adams, III.’Walang ibang nakaalam nang aming kasal. Ultimo sa mga kaibigan ko’y hindi ko sinabi. Nahihiya kasi ako. Tanging si mama at ang dalawang kaibigan lamang ni Samuel na sina Grayson at Felix ang tangi naming naging saksi.Tahimik lamang si mama, pero dama ko ang kasiyahang nararamdaman nito nang ma
I'M IN LOVE WITH A PRIEST[General Fiction/Romance][CHAPTER 25 - Part 2 (Finale)]-----“Papa!”Agad akong napadilat nang maramdaman ko ang malakas na pagbagsak ng katawan ni Samuel sa damuhan. Ilang hakbang lamang ang layo niya sa akin.“Oh, my God, Samuel!” Sigaw ko habang halos pumalatak na ako sa pag-iyak. Pinilit kong tumayo kahit nanghihina ako upang lapitan siya, pero hindi ko siya mahawakan dahil nanatiling nakagapos ang aking mga kamay.“Papa!” Muling sigaw ni Sebastian nang bitiwan na ito ni Hermes. Mabilis nitong nilapitan ang ama at niyakap.Humakbang palapit sa kinaroroonan namin si Hermes, halos lumuhod na ako sa harapan nito upang magmakaawa dahil akmang babarilin pang muli nito si Samuel, subalit may nauna nang nagpaputok ng baril buhat sa likuran nito.Napaigtad pa ako sa gulat nang bigla na lang humandusay sa damuhan ang katawan ni Hermes habang dumadaloy sa ulo nito ang masaganang dugo.Agad kong nilingon ang bumaril kay Hermes at namilog ang aking mga mata nang ma
I'M IN LOVE WITH A PRIEST[General Fiction/Romance][CHAPTER 25 - Part 1 of 2]“Fine!” Nagngangalit kong tugon nang pahidin ko ang aking mga luha bago ko ipinagtulakang palabas ng kuwarto si Sebastian.Alang-alang sa anak ko, handa kong gawin ang lahat basta sa kaligtasan nito.“Mama!” Sigaw ni Sebastian sa pagitan ng pag-iyak, halos ayaw nitong bumitiw sa pagkakahawak sa kamay ko.“Stay there, Sebi.” Naiiyak kong turan sa anak ko bago ko mabilis na isinirado ang pintuan.Kailangan kong maging matatag. Kailangan kong maging matapang.Ngingisi-ngisi si Hermes nang muli akong pumihit paharap sa kanya.“Kapag susuwertehin ka nga naman.” Turan niya habang dahan-dahan s’yang humahakbang palapit sa akin. “Hindi ko inaasahang matitikman ko pala ang asawa ni Police Inspector Adams. Mabuti na lamang at naisipan kong traydorin si Sam.”“G*go ka talaga, ano?” Galit kong turan sa kanya.“Mas g*go ang asawa mo. Hindi mo ba alam na muntik na niya akong mapatay noon? Mabuti na lamang at binaril siya
I'M IN LOVE WITH A PRIEST[General Fiction/Romance][CHAPTER 24 - Part 2 of 2]“Kumusta si Linlin, ‘Ma?” Tanong ko kay mama habang kausap ko ito sa phone. Pasado alas-kuwatro ng hapon. Lulan ako ng taxi pauwi dahil tinawagan ako ni mama at sinabing hindi raw tumitigil sa pag-iyak ang anak kong bunso. “Umiiyak pa rin po ba?”“Medyo okay na siya, anak. Ito at nakatulog na.”“Mabuti naman kung gano’n, ‘Ma. Mag-iingat kayo riyan, mama. Ikaw na muna ang bahala kay Linlin. May aasikasuhin lang ako.”“Akala ko ba’y pauwi ka na? Saan ka pupunta, Kandice?” Mababakas ang labis na pag-aalala sa tinig ni mama.Tanda ko pa kung saan ang bahay ni Samuel II at buo na ang desisyon kong magtungo roon para magbakasakali na baka nando’n si Sebastian. Hindi talaga ako mapapanatag kung hindi ko malalaman ang kalagayan ng anak ko.“May uhm... kakausapin lang ako, ‘Ma.” Pagkuwa’y tugon ko dahil tiyak na tu-tutol ito sa plano ko kapag nalaman nito.“Kandice, anak, naiintindihan ko ang nararamdaman mo. Alam k
I'M IN LOVE WITH A PRIEST[General Fiction/Romance][CHAPTER 24 - Part 1 of 2]“M-Mauna na kami.” Natatarantang paalam ko kay Samuel II bago ko mabilis na hinila si Sebastian palayo rito.Lulan na kaming mag-ina ng taxi pauwi, subalit ang bilis-bilis pa rin ng tibok ng puso ko dahil sa pinaghalong kaba at takot, hindi ko alam kung dahil ba sa muntik nang masagasaan si Sebastian o dahil sa muling pagtatagpo ng landas namin ni Samuel II.“Mama?” Turan ni Sebastian nang mag-angat siya ng ulo mula sa pagkakasubsob sa dibdib ko. Maang kong sinalubong ang inosente n’yang mga mata. “Natatakot ka po ba?”“H-Hindi, anak.” Pagkuwa’y nakangiti kong tugon. “Bakit mo naman naisip na natatakot si mama?”“Kasi po ang bilis po ng heartbeat mo. Ganyan din po ako kapag natatakot.” Halos mabulol niya pang tugon.“Ikaw kasi eh, tinakot mo si mama no’ng bigla kang tumawid.” Pagkuwa’y nakangiti pa ring turan ko bago ko pinisil ang matangos n’yang ilong. “Huwag mo nang gagawin ulit ‘yon ha.”“Sorry po, mama
I'M IN LOVE WITH A PRIEST[General Fiction/Romance][CHAPTER 23]Nagdilat ako nang aking paningin. Nakahiga ako sa hospital bed at nakaupo sa isang silya sa tabi ko si Samuel habang nakapikit ang mga mata nito. Tila ba isa itong guwardiya kaya parang gusto kong matawa.“Sammy...” Mahinang tawag ko sa kanya bago ko siya tinapik sa braso.“Oh, God!” Bulalas niya at halatang nagulat pa siya. “Thanks, God at nagising ka na, love. May masakit ba sa’yo? Ayos ka lang ba?”“Wala namang masakit sa akin.” Tugon ko. “Teka lang, si baby, kumusta?”“Okay naman ang baby natin, love. Malakas daw ang kapit niya sabi ng duktor. Na-stress ka lang daw siguro kaya dinugo ka.”“Oo, in-stress ako ng tatay niya.” Natatawang biro ko na ikinatawa rin niya.“Sorry, love ha, hindi ko alam na buntis ka pala. Bakit hindi mo kasi sinabi sa akin agad?” Tila nagtatampong turan niya.“Kasi nga gusto kitang i-surprise.” Pagkuwa’y turan ko.“I-surprise raw. Ang sabihin mo, itinatago mo talaga kasi galit ka sa akin.”“H
I'M IN LOVE WITH A PRIEST[General Fiction/Romance][CHAPTER 22 - Part 2 of 2]Pilit kong iniwasan si Samuel. Hindi ako umuwi sa bahay. Mabuti na lamang at pinag-stay ako ni Athena sa sarili nitong bahay. Lahat ng tawag at text messages ni Samuel ay binalewala ko.Hindi ko alam kung pinaglalaruan ba kaming dalawa ng tadhana kasi sa dinami-rami ng tao sa mundo ay bakit kailangang si Mrs. Rodriguez pa ang kanyang maging ina.Aware akong may mga anak si Mrs. Rodriguez sa una nitong naging karelasyon, minsan kasing nabanggit sa akin ni papa ang tungkol do’n, pero ni minsan ay hindi sumagi sa isip ko na sina Samuel at Samuel, II pala ang mga iyon.Araw nang Linggo. May usapan kaming magkikita ni mama kasi dadalawin namin ang puntod ni papa. Speaking of my father, hindi na ako nagkaroon pa ng pagkakataong masilayan man lang ang bangkay nito, ultimo nga libing nito’y hindi rin ako nakapunta dahil pinagbawalan pa rin ako ng pamilya Rodriguez.“Kandice?” Narinig kong tawag sa akin ni mama haba
I'M IN LOVE WITH A PRIEST[General Fiction/Romance][CHAPTER 22 - Part 1 of 2]Dali-dali akong nagtungo sa hospital kung saan naroroon si papa. Ayon kay Ninong Roger, inatake raw si papa at pagdating daw nito sa pagamutan ay agad din itong binawian ng buhay.“Nasa morgue na ang papa mo, hija.” Malungkot na turan sa akin ni ninong Roger nang lumapit ako rito para magbigay galang.“Pupunta po ako ro’n.” Akmang tatalikuran ko na ito nang muli itong nagsalita.“Mas mainam siguro kung huwag na lang, hija. Nandiyan ang asawa at mga anak niya. Baka magkagulo pa.”“Wala akong pakialam, ninong kahit awayin pa nila ako at saktan. Ang importante ay ang makita ko si papa.” Turan ko sa pagitan ng pag-iyak bago ko tuluyang tinalikuran si Ninong Roger.Humugot pa ako ng isang malalim na buntong-hininga bago ako humakbang patungo sa pintuan ng morgue. Tama nga si ninong Roger, kumpleto nga ang pamilya ni papa. Nakatayo sila sa tapat ng pintuan habang nagu-usap-usap.“Ang kapal talaga ng mukha mo ano?
I'M IN LOVE WITH A PRIEST[General Fiction/Romance][CHAPTER 21]“Love, napaka-emotional mo ngayon.” Turan ni Samuel bago niya ako masuyong hinagkan sa ulo at niyakap. Napahikbi pa ako nang sumubsob ako sa dibdib niya. Bahagya n’yang hinagod ang likod ko bago niya hinawakan ang magkabilang pisngi ko at ginawaran ako ng halik sa labi.“Ehem!” Si Keera.“Excuse us!” Si Aria.“Parang nandito yata kami.” Si Athena.Siyempre, biglang umeksena ang mga kaibigan ko. Sa totoo lang, sila kasi talaga ‘yong totoong panira ng moment.Nagkatawanan pa tuloy kami ni Samuel nang maghiwalay ang aming mga labi bago ako nangingiting lumingon sa direksiyon kung saan nakatayo ang mga kaibigan ko na halatang mga kinikilig.“Guys, uhm... uh, si S-Samuel. Husband ko.” Hindi magkandatutong sabi ko kasi sa totoo lang ay nahihiya ako sa mga kaibigan ko. Never pa kasi nila akong nakita na nagseryoso sa isang relasyon kaya tila naiilang akong ipakilala sa kanila si Samuel, hindi lang bilang isang nobyo kundi bilan
I'M IN LOVE WITH A PRIEST[General Fiction/Romance][CHAPTER 20 - Part 2 of 2]Nagbuga ako nang hangin habang nakatitig ako sa repleksiyon ko sa salamin. Ilang araw nang masama ‘yong pakiramdam ko. May mga pagkain akong hinahanap na hindi ko naman kinakain noon at may mga umaga rin na tila ba nahihilo at nasusuka ako.Buntis na ba ako?Sa totoo lang ay kinakabahan ako at natatakot na malaman ang totoong kalagayan ko. Hindi pa ako handang maging isang ina o mas mainam na sabihing takot akong maging isang ina. Feeling ko kasi’y hindi ako magiging isang mabuting magulang, baka puro kalandian at kalokohan lamang ang matutunan nang aking magiging anak mula sa akin. Kawawa naman ‘yong bata kapag nagkagano’n.“Love, matagal ka pa ba? Mag-iisang oras ka na riyan, eh.” Narinig kong turan ni Samuel mula sa labas ng banyo.Umaga. Araw ng Sabado. Wala pa sana akong planong bumangon kasi nga masama na naman ‘yong pakiramdam ko, pero kailangan kasi may a-attend-an kaming kasal ng mga kaibigan ko. S