I'M IN LOVE WITH A PRIEST[General Fiction/Romance][PROLOGUE]“Malandi kang babae ka!” Galit na sigaw ng isang babae na hindi nalalayo ang edad sa akin bago ako nito sinugod at sinabunutan. Sa sobrang gulat ko’y hindi ako agad nakaandam kaya agad nitong nahablot ang aking buhok. “Mang-aagaw ka ng asawa!”“Shaina, stop it!” Pasigaw na turan ng boyfriend kong si Marco sa babaeng sumugod sa akin bago nito pilit na inilayo sa akin ang babae. “Ano ba!?”“Ano ba?” Si Marco naman ang hinarap ng babae. “Ang kapal ng mukha mong sabihin sa akin ‘yan! Pagkatapos kong makita ang malanding babaeng ‘yan dito sa condo mo, eh ‘yan lang talaga ang sasabihin mo? Ikaw pa ‘tong galit ngayon?”“Umuwi ka na. Sa bahay na tayo mag-usap.” Halos pabulong na turan dito ni Marco bago niya ito pilit na ipinagtutulakang palabas ng condo niya.“Hindi ako uuwi!” Sigaw ng babae. “’Yang malanding kabit mo ang pauwiin mo at baka hindi ako makapagtimpi at main
I'M IN LOVE WITH A PRIEST[General Fiction/Romance]A/N: Must read the PROLOGUE first before this chapter. Thanks.-----[CHAPTER 1]“Hi.” Bati ko sa guwardiya. Kasalukuyan akong nasa kumpanyang pinagta-trabahuan ng papa ko ng mga sandaling iyon. “Kay Engr. Kandelario Rodriguez ako.”“May appointment po kayo sa kanya ngayon, Ma’am?”“Oo, meron.”“Complete name n’yo, Ma’am?” Tanong nito habang pinapasadahan nito nang tingin ang listahan ng mga possible visitors. Sa tingin ko’y baguhan ito kaya hindi ako nito kilala.“Myanda Kandice Vasquez Rodriguez.”“Ano po kayo ni Engineer Kandelario?”“Anak sa labas.” Seryosong tugon ko rito na bahagya nitong ikinatawa. “May nakakatawa ba sa sinabi ko?”“Wala naman po, Ma’am. Napansin ko lang po kasi na mas maganda pa po kayo kaysa sa mga tunay na anak ni Engineer.”“Yeah, of course. Diyosa kasi ang mama ko eh, ang mommy kasi nila’y bruha.” Tugon ko na mas lalo nitong ikinatawa. “Masayahin ka ano?”“Nakakatawa po kasi kayo, Ma’am eh.” Tugon nitong
I'M IN LOVE WITH A PRIEST[General Fiction/Romance][CHAPTER 3]A/N: Ang kuwentong ito ay naglalaman ng mga eksenang hindi angkop sa mga batang mambabasa. Maraming salamat.-----“Anong ginagawa mo?” Bungad sa akin ni Nicole nang pumasok ito sa kuwarto namin ni mama. Kasalukuyan ko kasing inaayos ‘yong mga damit ko at ibinabalik ito sa loob ng travelling bag ko.“Babalik na ako sa Manila, Nics.” Tugon ko nang lingunin ko siya.“Ano? Bukas na ang kasal ko, Myks. Para kang t*nga.” Inis n’yang sabi nang tumayo siya sa harapan ko at nameywang.“Sorry. Bigla ko kasing naalala na may kailangan nga pala akong i-submit na story sa publisher ko bago mag-Lunes. Nawala sa isip ko, eh.” Pagsisinungaling ko. Seryoso kasi talaga ‘yong galit ni mama no’ng nagdaang gabi. Hindi niya talaga ako kinakausap hanggang mag-umaga. Pinauuwi na niya talaga ako at ayaw ko namang lalo s’yang mangunsume kaya uuwi na lang ako para mapanatag na rin ang kalooban niya na hindi ko siya bibigyan ng kahihiyan.“Huwag ak
I'M IN LOVE WITH A PRIEST[General Fiction/Romance][CHAPTER 4]“Oh, my God, please?” Pakiusap ko sa taong humila sa akin. Bahagya pa akong nagpupumiglas habang bahagyang nakapikit ang aking mga mata dahil sa takot.“Kandice, it’s me.” Baritonong tinig ng isang lalaki kaya agad akong napadilat. Pakiramdam ko’y nabawasan ang takot ko nang mapagtanto kong si father Samuel pala ang humila sa akin. “What’s wrong?” Mababakas ang pag-aalala sa naggagandahan n’yang mga mata.“Someone is chasing me, father.” Turan ko bago ako parang t*ngang luminga-linga sa paligid. Napansin kong nasa loob na pala kami ng isang maliit na silid. “Oh, God, nakita ko ‘yong isang kasamahan n’yong pari. Pinatay siya no’ng lalaking naka-maskara. He was shot in the head.”“Oh, God! Si father Vicencio?”“Oo, siya yata ‘yon. Hindi ko naman siya kilala, eh, pero hindi naman ‘yon si father Rick kaya baka siya nga ‘yon.”“Namukhaan mo ba ‘yong pumatay?” Tanong niya nang lumakad siya patungo sa bintana at bahagyang sumili
I'M IN LOVE WITH A PRIEST[General Fiction/Romance][CHAPTER 5]Hindi ako makatulog. Panay ang baling ko mula sa pagkakahiga kaya naisipan kong bumangon na lang. Hindi ko alam kung bakit hindi ako makatulog nang gabing iyon, kung dahil ba sa pag-aalala na baka mapatay ako no’ng mga lalaking naka-maskara o dahil binabagabag ang isip ko ng halik ni father Samuel.Lumabas ako ng silid. Luminga ako sa sala at nakita kong walang tao kaya naisipan kong humakbang patungo sa maindoor. Binuksan ko ito at sumilip ako sa labas. Sobrang tahimik at ang lamlam ng liwanag na nagmumula sa isang poste, hindi kalayuan sa bahay na kinaroroonan namin.“Tatakas ka na naman?” Narinig kong turan ni Samuel buhat sa likuran ko kaya gulat ko s’yang nilingon. Sa tingin ko’y galing siya sa loob ng banyo kaya hindi ko siya napansin ng lumabas ako buhat sa silid.“Ang hilig mong manggulat.” Sita ko sa kanya. “At saka, hindi ako tatakas, ‘no? Sumilip lang sa labas, tatakas agad? Hindi ba p’wedeng may tinitingnan la
I'M IN LOVE WITH A PRIEST[General Fiction/Romance][CHAPTER 6]-----“Subukan mong tawagin ang kasama mo. Sasabog ang ulo mo.”“Samuel!” Sigaw ko pa rin sa kabila ng banta sa akin ng lalaki. Pasaway yata ako. Hindi ako marunong makinig o sumunod sa instructions.Kinagat ko ang braso ng lalaki. Kasabay nito ay ang paglingon ni Samuel sa kinaroroonan ko. Bahagya akong nabitiwan ng lalaki at napokus ang atensiyon nito sa papalapit na si Samuel.Pinaputukan nito si Samuel, mabuti na lamang at nakailag ang huli. Dumampot ako ng bato at binato ko ito kaya muling napunta sa akin ang atensiyon nito. Akmang babarilin ako nito, subalit sinuntok ito ni Samuel. Nabitiwan nito ang hawak na baril.Nagpambuno ang dalawang lalaki habang ako nama’y nanatiling nakatayo, hindi kalayuan sa kanila habang gulong-gulo ‘yong utak ko. Takot na takot. Hindi ko alam kung anong gagawin ko, kung sa paanong paraan ko matutulungan si Samuel.Ilang sandali pa’y nakita kong halos duguan na ang mga kamao ni Samuel na
.I'M IN LOVE WITH A PRIEST[General Fiction/Romance][CHAPTER 7]A/N: Ang k'wentong ito ay naglalaman ng mga salita at pangyayaring hindi angkop sa mga batang mambabasa.-----“Kandice...”“Hmm?” Bahagyang ungol ko nang marinig ko ang tinig ni Samuel habang nanatiling nakapikit ang aking mga mata.“Gising na. Tanghali na, eh.”Hindi ko siya pinansin bagkus pumihit ako pakabilang side at halos mapasigaw ako sa gulat nang mahulog ako sa sahig mula sa papag.“Anak nang---”“Oh, bawal magmura. Masyado pang maaga.” Nakangising turan ni Samuel habang nakatayo siya malapit sa paanan ng papag at prenteng nakasandal habang nakahalukipkip siya.Gosh! Ang guwapo niya talaga. Kung siya ang una kong makikita tuwing umaga’y tiyak na buong-buo na ang araw ko, huwag niya lang akong iinisin.“Oh, I forgot. Sorry, father.” Sarkastikong turan ko sa kanya bago ko siya sinimangutan. Tumayo ako at pagkuwa’y inabala ko ang sarili ko sa pagliligpit ng hinigaan ko.Paano akong nalipat sa papag, eh ang natata
I'M IN LOVE WITH A PRIEST[General Fiction/Romance][CHAPTER 8]A/N: Paulit-ulit ako ha. Hindi naaayon ang k'wentong ito sa mga bata. May mga salita at pangyayaring hindi naaayon sa murang edad. Baka pati ako'y mapagalitan ng mga nanay n'yo.-----“Nagpapanggap lang ako.”“Ano?” Gulat kong tanong bago ko bahagyang itinulak si Samuel para lubayan niya ako kasi ayaw n’yang tantanan ‘yong mga labi ko.“Sabi ko, nagpapanggap lang akong pari.” Ulit n’yang tila naiinis. “Ang bingi mo, Kandice. Naglilinis ka ba ng tenga?”“Hoy, ang kapal ng mukha mo ha.” Sita ko sa kanya. “Araw-araw akong naglilinis ng tenga at kahit silipin mo pa itong kaloob-looban ng mga tenga ko’y malilinis ito. Echoserong ‘to.”“Ah, kaya ka pala bingi. Mali kasi ‘yong araw-araw. Dapat, every other day lang.” Natatawa n’yang sabi.“FYI, hindi ako bingi, Samuel. Nagulat lang ako sa sinabi mo kaya napa-ano ako.”“Napaano ka?”“Hay, jusko!” Natampal ko pa ‘yong sarili kong noo sa labis na asar kay Samuel. “Ano bang hinithit
I'M IN LOVE WITH A PRIEST[General Fiction/Romance][CHAPTER 25 - Part 2 (Finale)]-----“Papa!”Agad akong napadilat nang maramdaman ko ang malakas na pagbagsak ng katawan ni Samuel sa damuhan. Ilang hakbang lamang ang layo niya sa akin.“Oh, my God, Samuel!” Sigaw ko habang halos pumalatak na ako sa pag-iyak. Pinilit kong tumayo kahit nanghihina ako upang lapitan siya, pero hindi ko siya mahawakan dahil nanatiling nakagapos ang aking mga kamay.“Papa!” Muling sigaw ni Sebastian nang bitiwan na ito ni Hermes. Mabilis nitong nilapitan ang ama at niyakap.Humakbang palapit sa kinaroroonan namin si Hermes, halos lumuhod na ako sa harapan nito upang magmakaawa dahil akmang babarilin pang muli nito si Samuel, subalit may nauna nang nagpaputok ng baril buhat sa likuran nito.Napaigtad pa ako sa gulat nang bigla na lang humandusay sa damuhan ang katawan ni Hermes habang dumadaloy sa ulo nito ang masaganang dugo.Agad kong nilingon ang bumaril kay Hermes at namilog ang aking mga mata nang ma
I'M IN LOVE WITH A PRIEST[General Fiction/Romance][CHAPTER 25 - Part 1 of 2]“Fine!” Nagngangalit kong tugon nang pahidin ko ang aking mga luha bago ko ipinagtulakang palabas ng kuwarto si Sebastian.Alang-alang sa anak ko, handa kong gawin ang lahat basta sa kaligtasan nito.“Mama!” Sigaw ni Sebastian sa pagitan ng pag-iyak, halos ayaw nitong bumitiw sa pagkakahawak sa kamay ko.“Stay there, Sebi.” Naiiyak kong turan sa anak ko bago ko mabilis na isinirado ang pintuan.Kailangan kong maging matatag. Kailangan kong maging matapang.Ngingisi-ngisi si Hermes nang muli akong pumihit paharap sa kanya.“Kapag susuwertehin ka nga naman.” Turan niya habang dahan-dahan s’yang humahakbang palapit sa akin. “Hindi ko inaasahang matitikman ko pala ang asawa ni Police Inspector Adams. Mabuti na lamang at naisipan kong traydorin si Sam.”“G*go ka talaga, ano?” Galit kong turan sa kanya.“Mas g*go ang asawa mo. Hindi mo ba alam na muntik na niya akong mapatay noon? Mabuti na lamang at binaril siya
I'M IN LOVE WITH A PRIEST[General Fiction/Romance][CHAPTER 24 - Part 2 of 2]“Kumusta si Linlin, ‘Ma?” Tanong ko kay mama habang kausap ko ito sa phone. Pasado alas-kuwatro ng hapon. Lulan ako ng taxi pauwi dahil tinawagan ako ni mama at sinabing hindi raw tumitigil sa pag-iyak ang anak kong bunso. “Umiiyak pa rin po ba?”“Medyo okay na siya, anak. Ito at nakatulog na.”“Mabuti naman kung gano’n, ‘Ma. Mag-iingat kayo riyan, mama. Ikaw na muna ang bahala kay Linlin. May aasikasuhin lang ako.”“Akala ko ba’y pauwi ka na? Saan ka pupunta, Kandice?” Mababakas ang labis na pag-aalala sa tinig ni mama.Tanda ko pa kung saan ang bahay ni Samuel II at buo na ang desisyon kong magtungo roon para magbakasakali na baka nando’n si Sebastian. Hindi talaga ako mapapanatag kung hindi ko malalaman ang kalagayan ng anak ko.“May uhm... kakausapin lang ako, ‘Ma.” Pagkuwa’y tugon ko dahil tiyak na tu-tutol ito sa plano ko kapag nalaman nito.“Kandice, anak, naiintindihan ko ang nararamdaman mo. Alam k
I'M IN LOVE WITH A PRIEST[General Fiction/Romance][CHAPTER 24 - Part 1 of 2]“M-Mauna na kami.” Natatarantang paalam ko kay Samuel II bago ko mabilis na hinila si Sebastian palayo rito.Lulan na kaming mag-ina ng taxi pauwi, subalit ang bilis-bilis pa rin ng tibok ng puso ko dahil sa pinaghalong kaba at takot, hindi ko alam kung dahil ba sa muntik nang masagasaan si Sebastian o dahil sa muling pagtatagpo ng landas namin ni Samuel II.“Mama?” Turan ni Sebastian nang mag-angat siya ng ulo mula sa pagkakasubsob sa dibdib ko. Maang kong sinalubong ang inosente n’yang mga mata. “Natatakot ka po ba?”“H-Hindi, anak.” Pagkuwa’y nakangiti kong tugon. “Bakit mo naman naisip na natatakot si mama?”“Kasi po ang bilis po ng heartbeat mo. Ganyan din po ako kapag natatakot.” Halos mabulol niya pang tugon.“Ikaw kasi eh, tinakot mo si mama no’ng bigla kang tumawid.” Pagkuwa’y nakangiti pa ring turan ko bago ko pinisil ang matangos n’yang ilong. “Huwag mo nang gagawin ulit ‘yon ha.”“Sorry po, mama
I'M IN LOVE WITH A PRIEST[General Fiction/Romance][CHAPTER 23]Nagdilat ako nang aking paningin. Nakahiga ako sa hospital bed at nakaupo sa isang silya sa tabi ko si Samuel habang nakapikit ang mga mata nito. Tila ba isa itong guwardiya kaya parang gusto kong matawa.“Sammy...” Mahinang tawag ko sa kanya bago ko siya tinapik sa braso.“Oh, God!” Bulalas niya at halatang nagulat pa siya. “Thanks, God at nagising ka na, love. May masakit ba sa’yo? Ayos ka lang ba?”“Wala namang masakit sa akin.” Tugon ko. “Teka lang, si baby, kumusta?”“Okay naman ang baby natin, love. Malakas daw ang kapit niya sabi ng duktor. Na-stress ka lang daw siguro kaya dinugo ka.”“Oo, in-stress ako ng tatay niya.” Natatawang biro ko na ikinatawa rin niya.“Sorry, love ha, hindi ko alam na buntis ka pala. Bakit hindi mo kasi sinabi sa akin agad?” Tila nagtatampong turan niya.“Kasi nga gusto kitang i-surprise.” Pagkuwa’y turan ko.“I-surprise raw. Ang sabihin mo, itinatago mo talaga kasi galit ka sa akin.”“H
I'M IN LOVE WITH A PRIEST[General Fiction/Romance][CHAPTER 22 - Part 2 of 2]Pilit kong iniwasan si Samuel. Hindi ako umuwi sa bahay. Mabuti na lamang at pinag-stay ako ni Athena sa sarili nitong bahay. Lahat ng tawag at text messages ni Samuel ay binalewala ko.Hindi ko alam kung pinaglalaruan ba kaming dalawa ng tadhana kasi sa dinami-rami ng tao sa mundo ay bakit kailangang si Mrs. Rodriguez pa ang kanyang maging ina.Aware akong may mga anak si Mrs. Rodriguez sa una nitong naging karelasyon, minsan kasing nabanggit sa akin ni papa ang tungkol do’n, pero ni minsan ay hindi sumagi sa isip ko na sina Samuel at Samuel, II pala ang mga iyon.Araw nang Linggo. May usapan kaming magkikita ni mama kasi dadalawin namin ang puntod ni papa. Speaking of my father, hindi na ako nagkaroon pa ng pagkakataong masilayan man lang ang bangkay nito, ultimo nga libing nito’y hindi rin ako nakapunta dahil pinagbawalan pa rin ako ng pamilya Rodriguez.“Kandice?” Narinig kong tawag sa akin ni mama haba
I'M IN LOVE WITH A PRIEST[General Fiction/Romance][CHAPTER 22 - Part 1 of 2]Dali-dali akong nagtungo sa hospital kung saan naroroon si papa. Ayon kay Ninong Roger, inatake raw si papa at pagdating daw nito sa pagamutan ay agad din itong binawian ng buhay.“Nasa morgue na ang papa mo, hija.” Malungkot na turan sa akin ni ninong Roger nang lumapit ako rito para magbigay galang.“Pupunta po ako ro’n.” Akmang tatalikuran ko na ito nang muli itong nagsalita.“Mas mainam siguro kung huwag na lang, hija. Nandiyan ang asawa at mga anak niya. Baka magkagulo pa.”“Wala akong pakialam, ninong kahit awayin pa nila ako at saktan. Ang importante ay ang makita ko si papa.” Turan ko sa pagitan ng pag-iyak bago ko tuluyang tinalikuran si Ninong Roger.Humugot pa ako ng isang malalim na buntong-hininga bago ako humakbang patungo sa pintuan ng morgue. Tama nga si ninong Roger, kumpleto nga ang pamilya ni papa. Nakatayo sila sa tapat ng pintuan habang nagu-usap-usap.“Ang kapal talaga ng mukha mo ano?
I'M IN LOVE WITH A PRIEST[General Fiction/Romance][CHAPTER 21]“Love, napaka-emotional mo ngayon.” Turan ni Samuel bago niya ako masuyong hinagkan sa ulo at niyakap. Napahikbi pa ako nang sumubsob ako sa dibdib niya. Bahagya n’yang hinagod ang likod ko bago niya hinawakan ang magkabilang pisngi ko at ginawaran ako ng halik sa labi.“Ehem!” Si Keera.“Excuse us!” Si Aria.“Parang nandito yata kami.” Si Athena.Siyempre, biglang umeksena ang mga kaibigan ko. Sa totoo lang, sila kasi talaga ‘yong totoong panira ng moment.Nagkatawanan pa tuloy kami ni Samuel nang maghiwalay ang aming mga labi bago ako nangingiting lumingon sa direksiyon kung saan nakatayo ang mga kaibigan ko na halatang mga kinikilig.“Guys, uhm... uh, si S-Samuel. Husband ko.” Hindi magkandatutong sabi ko kasi sa totoo lang ay nahihiya ako sa mga kaibigan ko. Never pa kasi nila akong nakita na nagseryoso sa isang relasyon kaya tila naiilang akong ipakilala sa kanila si Samuel, hindi lang bilang isang nobyo kundi bilan
I'M IN LOVE WITH A PRIEST[General Fiction/Romance][CHAPTER 20 - Part 2 of 2]Nagbuga ako nang hangin habang nakatitig ako sa repleksiyon ko sa salamin. Ilang araw nang masama ‘yong pakiramdam ko. May mga pagkain akong hinahanap na hindi ko naman kinakain noon at may mga umaga rin na tila ba nahihilo at nasusuka ako.Buntis na ba ako?Sa totoo lang ay kinakabahan ako at natatakot na malaman ang totoong kalagayan ko. Hindi pa ako handang maging isang ina o mas mainam na sabihing takot akong maging isang ina. Feeling ko kasi’y hindi ako magiging isang mabuting magulang, baka puro kalandian at kalokohan lamang ang matutunan nang aking magiging anak mula sa akin. Kawawa naman ‘yong bata kapag nagkagano’n.“Love, matagal ka pa ba? Mag-iisang oras ka na riyan, eh.” Narinig kong turan ni Samuel mula sa labas ng banyo.Umaga. Araw ng Sabado. Wala pa sana akong planong bumangon kasi nga masama na naman ‘yong pakiramdam ko, pero kailangan kasi may a-attend-an kaming kasal ng mga kaibigan ko. S